Ipinagpalagay ni Catherine na aalisin ni Lea ang manor ng pamilyang Hill para sa auction. Gayon pa man, iyon ay… medyo imposible.Halos lahat ng bisita ngayong gabi ay pumunta para sa manor. Kung bigla ito tatanggalin, mawawalan ng kredibilidad ang organizer ng kaganapan at maaaring hindi na ito muli maka-ayos ng auction.Pagkatapos lang mawala sa paningin ni Catherine si Lea ay tsaka lang siya nagbanyo, habang abala ang pakiramdam.Nang lumiko si Catherine, bigla siya nakakita ng matangkad na lalaki na nakasandal sa pader habang naninigarilyo.Nabigla siya.Nagtataka syia kung gaano na katagal nakatayo ang lalaki na ito. Maaaring narinig niya ang pag-uusap sa pagitan nina Lea at Mason.Sa ganon, hindi niya maiwasan mapatingin sa lalaki.Sobrang tangkad ng lalaki, at may pangit na sugat sa pisngi niya. Kahit pa may suot ito na salamin, kitang ang mukha niya at kita ang matangos niyang ilong. Nakadamit ito ng itim na suit, nagbibigay ito ng ilusyon na siya ay nakakatakot.Mukhan
Mukhang hindi komportable ang host ng auction.Ito ang unang beses niya makaranas ng ganitong klaseng sitwasyon.Galit na galit si Freya na hinampas niya ang lamesa. “Lahat kayo ay makapangyarihan na pigura ng Australia. Wala ba kayong hiya? P*cha, kung kaya ko maglabas ng 50 billion dollars, nagbid na ako sa manor.”“Sino ba ang hindi gustong bumili sa manor? Sa totoo lang, maraming tao ang may gusto, ngunit napilitan sila makinig sa Campos Corporation,” Komplikadong sinabi ni Catherine.Isang tao mula sa labas ang nagsimula magbid muli. “40.2 billion dollars.”Pagkarinig sa boses, nag-iba ang ekspresyon ni Catherine. Maaari na hindi makilala ng iba ito, ngunit alam niya na ito ay boses ni Wesley dahil ilang taon na niya ito kilala.Hindi niya akalain na darating siya. Nakatanggap din ba siya ng babala mula pamilyang Campos?Kahit papaano, medyo dismayado si Catherine.Sa mata niya, si Wesley ay maginoo. Kinamumuhian niya si Shaun, ngunit hindi niya gagawing mas masama ang bag
Hindi maipagkakaila na napakalaki ng 150 bilyong dolyar.Binalaan ni Mason ang lahat na huwag nang itaas ang presyo. Kaya naman ngayong may naglakas-loob na tawagin ang kanilang pansin dahil sa napakalaking presyo ay malinaw na hinahamon niya ang Campos Corporation.Natulala ang host, ngunit agad naman nitong sinabi sa isang nasasabik na paraan, “150 billion dollars, going once, going twice… Sold.”Sa isang pribadong silid, makikita ang namamanghang si Freya. “Sino kaya ‘yung bigla na lang sumigaw? 150 bilyong dolyar? Sandali, kwentahin ko lang. Napakarami nu’n.”“Iyong presyong iyon… ay hindi lamang basta-bastang makukuha ninuman.” Laking gulat din ni Catherine. Biglang dumaan sa kanyang isip ang misteryosong lalaki na naninigarilyo kani-kanina lamang.“Hindi ba’t gusto pang ituloy ni Mason ang pag-bid?” Hingang malalim ni Freya. “‘Yun ba ‘yon?”“Kilala mo naman siya, mukha bang bigla na lamang siya maglalabas ng 100 bilyong dolyar?” Sa sandaling sinabi iyon ni Catherine ay mayr
Naunawaan agad ni Freya ang sinasabi ni Catherine. “Tumpak. Hindi ba’t disidido kayong harangan ako? Sige, tatawagin ko si Uncle Jason. Ipapaalala ko lang sa inyo na malapit na akong maging manugang ng mga Snow.”Agad na sumama ang loob ni Charlie.Malaki ang posibilidad na magmumula sa mga Snow ang susunod na prime minister. Kapag pinahamak nila si Jason na siyang sinusuyo nila ngayon, tiyak na malalagot sila.Muntikan nang makalimutan ni Charlie na maimpluwensya ang matalik na kaibigan ni Catherine.“Isang maling pagkakaintindihan lang ang lahat.” Agad na naging mabait ang itsura ni Charlie. “Gusto ko lang kasing malaman kung sino ang tumawag ng 50 bilyong dolyar.”Kinagat ni Freya ang kanyang labi. “Hindi rin naman naming planong bilhin ‘yon. Pakiramdam lang kasi naming isang kahihiyan sa mga maharlika ng Australia ang mga pamilyang patuloy na nagdadagdag ng isang daang dolyar sa bidding.”Napakalamig at nayayamot ang itsura ni Charlie, subalit kailangan niyang pigilan ang kan
Ni hindi nagkimkim ng galit si Mason kay Lea.“Nandito ka ba upang hanapin ang nakabili?” Pangungutya ni Mason. “Mula sa itsura mo’y mukhang handa kang ibenta pati ang iyong katawan upang pestehin ang nakabili. Sa kasamaang palad, matanda ka na at hindi pa gano’ng kaganda. ‘Wag mo nang bigyan pa ng kahihiyan ang iyong sarili, Lea.”Ngumisi lamang si Lea. “At dahil mas maaga kang nakarating, mukhang pepestehin mo rin ‘yung nakabili. Sa kasamaang palad, hindi siya interesado sa matandang katulad mo kahit na napakayaman niya.”“Mayaman ang asawa ko, kaya siya ang pinepeste ng iba.” Panunukso ni Joanne. “Isa pa, halata namang lalaki ang nag-bid para sa manor.”“Oo, lalaki nga, ngunit ‘di hamak namang mas mayaman at mas mabait siya kaysa sa inyo. 50 bilyon at 100 dolyar. Kung ano ang kinayaman mo, Mason Campos, siya namang kinakunat mo. Ako ang nahihiya para sa’yo sa pag-bi-bid mo nang ganoong kaliit.”Matapos magsalita ni Lea ay tumalikod siya upang lumakad palayo.Totoong nandidiri
Pagkatalikod ni Regina ay agad bumagsak ang kanyang kaaya-ayang mukha.Si Wesley ang siyang nagdala sa kanya sa auction. Niyakap at hinawakan pa nga siya nito sa kanilang pribadong silid kani-kanila lamang.Subalit noong sumulpot muli ang babaeng iyon ay agad naging matikas ang lalaki.Hindi ito isang simpleng lalakeng maaari niyang manipulahin, kaya’t inalam niya kung saan lamang siya lulugar.Isa pa, ayaw niya rin naman kay Catherine. Sa katunayan, natatangahan siya rito, marahil ay dahil sa pag-aakala nitong mahal na mahal siya ni Wesley.…Si Wesley ang nagmaneho ng sasakyan.Habang nakasaupo sa passenger seat, inilabas niya ang isang kahon mula sa kanyang handbag. Sa loob ng kahon ay isang kulay asul na Patek Philippe SA na mechanical na relo.“Ang laki siguro ng ginastos mo para d’yan.” Komento ni Wesley. “Huwag mo na ako masyadong paggastusan sa susunod. Ako dapat ang siyang gumagastos para sa’yo.”“Hayaan mo na. Ito ata ang unang pagkakataong niregaluhan kita.” Inilaba
Ang boses ni Suzie ay nanggaling sa pinto.Kinuha ni Catherine ang oportunidad at umiskapo mula sa ilalim ng braso ni Wesley. “K… Kailangan kong paliguan si Suzie. Dapat matulog ka ng mas maaga.”Nakatingin sa silhouette ni Catherine, na nagmamadaling umalis, nagdilim ang mga mata si Wesley.Hindi siya t*nga. Nararamdaman niya ang pagtanggi ng katawan ni Catherine sa paghawak niya.Sobrang inaayawan siya ng babae, pero handa itong tanggapin si Shaun.‘Catherine, nagsisinungaling ka nang sabihin mo na wala ka nang nararamdaman para kay Shaun.’...Sa banyo, ang utak ni Catherine ay naglibot habang pinapaliguan niya si Suzie.Hindi niya inasahan ang katawan niya na maging mapagpigil kay Wesley.Ano ang dapat niyang gawin? Siya na ang asawa ng lalaki, at ang ilang responsibilidad ay hindi maiiwasan.“Mom, pinaplano mo bang magkaroon ng anak kay Uncle Wesley ngayon lang?” Ang mga salita ni Suzie ay nakakagulat.Pinisil ni Catherine ang pisngi ng babae na may namumulang mukha. “A
Napag-isipan na ito ni Shaun. Hindi niya alam kung magagamot siya o hindi, kaya hindi niya rin kaya maghanap ng ibang babae. Kagaya ng nasabi, palalakihin niya nalang ang anak ni Liam mula ngayon.Unsa, ito ay para magbayad kay Liam.Ikalawa, sobrang gusto nya rin si Suzie. Dahil si Suzie ay nawalan ng parehong magulang, handa siyang kunin ang responsibilidad na maging ama ng babae, kahit na ang babae ay hindi niya biolohikal na anak.Natigilan si Catherine nang marinig ang lalaki.Nang marinig ang mga salitang iyon na lumabas mula sa bibig ni Shaun… ay hindi kapani-paniwala.Alam niya na mapa-kanya o kay Sarah noon, si Shaun ang tipong kakapit at tatangging bumitaw. Ang kanyang obsession sa pag-ibig ay medyo abnormal din.Kaya naman, talagang nakakamangha na marinig siya sa isang iglap na hindi siya magpapakasal muli o mag-aanak.Kahit pa tapos na ang Hill Corporation, hindi niya kailangan mawalan ng lakas ng loob at malungkot.Ang lalaki ay parang iba mula sa Shaun na nakilal