Naunawaan agad ni Freya ang sinasabi ni Catherine. “Tumpak. Hindi ba’t disidido kayong harangan ako? Sige, tatawagin ko si Uncle Jason. Ipapaalala ko lang sa inyo na malapit na akong maging manugang ng mga Snow.”Agad na sumama ang loob ni Charlie.Malaki ang posibilidad na magmumula sa mga Snow ang susunod na prime minister. Kapag pinahamak nila si Jason na siyang sinusuyo nila ngayon, tiyak na malalagot sila.Muntikan nang makalimutan ni Charlie na maimpluwensya ang matalik na kaibigan ni Catherine.“Isang maling pagkakaintindihan lang ang lahat.” Agad na naging mabait ang itsura ni Charlie. “Gusto ko lang kasing malaman kung sino ang tumawag ng 50 bilyong dolyar.”Kinagat ni Freya ang kanyang labi. “Hindi rin naman naming planong bilhin ‘yon. Pakiramdam lang kasi naming isang kahihiyan sa mga maharlika ng Australia ang mga pamilyang patuloy na nagdadagdag ng isang daang dolyar sa bidding.”Napakalamig at nayayamot ang itsura ni Charlie, subalit kailangan niyang pigilan ang kan
Ni hindi nagkimkim ng galit si Mason kay Lea.“Nandito ka ba upang hanapin ang nakabili?” Pangungutya ni Mason. “Mula sa itsura mo’y mukhang handa kang ibenta pati ang iyong katawan upang pestehin ang nakabili. Sa kasamaang palad, matanda ka na at hindi pa gano’ng kaganda. ‘Wag mo nang bigyan pa ng kahihiyan ang iyong sarili, Lea.”Ngumisi lamang si Lea. “At dahil mas maaga kang nakarating, mukhang pepestehin mo rin ‘yung nakabili. Sa kasamaang palad, hindi siya interesado sa matandang katulad mo kahit na napakayaman niya.”“Mayaman ang asawa ko, kaya siya ang pinepeste ng iba.” Panunukso ni Joanne. “Isa pa, halata namang lalaki ang nag-bid para sa manor.”“Oo, lalaki nga, ngunit ‘di hamak namang mas mayaman at mas mabait siya kaysa sa inyo. 50 bilyon at 100 dolyar. Kung ano ang kinayaman mo, Mason Campos, siya namang kinakunat mo. Ako ang nahihiya para sa’yo sa pag-bi-bid mo nang ganoong kaliit.”Matapos magsalita ni Lea ay tumalikod siya upang lumakad palayo.Totoong nandidiri
Pagkatalikod ni Regina ay agad bumagsak ang kanyang kaaya-ayang mukha.Si Wesley ang siyang nagdala sa kanya sa auction. Niyakap at hinawakan pa nga siya nito sa kanilang pribadong silid kani-kanila lamang.Subalit noong sumulpot muli ang babaeng iyon ay agad naging matikas ang lalaki.Hindi ito isang simpleng lalakeng maaari niyang manipulahin, kaya’t inalam niya kung saan lamang siya lulugar.Isa pa, ayaw niya rin naman kay Catherine. Sa katunayan, natatangahan siya rito, marahil ay dahil sa pag-aakala nitong mahal na mahal siya ni Wesley.…Si Wesley ang nagmaneho ng sasakyan.Habang nakasaupo sa passenger seat, inilabas niya ang isang kahon mula sa kanyang handbag. Sa loob ng kahon ay isang kulay asul na Patek Philippe SA na mechanical na relo.“Ang laki siguro ng ginastos mo para d’yan.” Komento ni Wesley. “Huwag mo na ako masyadong paggastusan sa susunod. Ako dapat ang siyang gumagastos para sa’yo.”“Hayaan mo na. Ito ata ang unang pagkakataong niregaluhan kita.” Inilaba
Ang boses ni Suzie ay nanggaling sa pinto.Kinuha ni Catherine ang oportunidad at umiskapo mula sa ilalim ng braso ni Wesley. “K… Kailangan kong paliguan si Suzie. Dapat matulog ka ng mas maaga.”Nakatingin sa silhouette ni Catherine, na nagmamadaling umalis, nagdilim ang mga mata si Wesley.Hindi siya t*nga. Nararamdaman niya ang pagtanggi ng katawan ni Catherine sa paghawak niya.Sobrang inaayawan siya ng babae, pero handa itong tanggapin si Shaun.‘Catherine, nagsisinungaling ka nang sabihin mo na wala ka nang nararamdaman para kay Shaun.’...Sa banyo, ang utak ni Catherine ay naglibot habang pinapaliguan niya si Suzie.Hindi niya inasahan ang katawan niya na maging mapagpigil kay Wesley.Ano ang dapat niyang gawin? Siya na ang asawa ng lalaki, at ang ilang responsibilidad ay hindi maiiwasan.“Mom, pinaplano mo bang magkaroon ng anak kay Uncle Wesley ngayon lang?” Ang mga salita ni Suzie ay nakakagulat.Pinisil ni Catherine ang pisngi ng babae na may namumulang mukha. “A
Napag-isipan na ito ni Shaun. Hindi niya alam kung magagamot siya o hindi, kaya hindi niya rin kaya maghanap ng ibang babae. Kagaya ng nasabi, palalakihin niya nalang ang anak ni Liam mula ngayon.Unsa, ito ay para magbayad kay Liam.Ikalawa, sobrang gusto nya rin si Suzie. Dahil si Suzie ay nawalan ng parehong magulang, handa siyang kunin ang responsibilidad na maging ama ng babae, kahit na ang babae ay hindi niya biolohikal na anak.Natigilan si Catherine nang marinig ang lalaki.Nang marinig ang mga salitang iyon na lumabas mula sa bibig ni Shaun… ay hindi kapani-paniwala.Alam niya na mapa-kanya o kay Sarah noon, si Shaun ang tipong kakapit at tatangging bumitaw. Ang kanyang obsession sa pag-ibig ay medyo abnormal din.Kaya naman, talagang nakakamangha na marinig siya sa isang iglap na hindi siya magpapakasal muli o mag-aanak.Kahit pa tapos na ang Hill Corporation, hindi niya kailangan mawalan ng lakas ng loob at malungkot.Ang lalaki ay parang iba mula sa Shaun na nakilal
Kinuha lang muli ni Catherine ang phone niya matapos makatulog ni Suzie. Pinadalhan siya ng video ni Shaun.Nagsuot siya ng earphones, at habang pinapanood niya ang video, ang mukha niya ay namula. Hindi siya makapaniwala rito.Sa video, ang mga ilaw ay hindi nakabukas, pero ang liwanag ng buwan ay umilaw sa bintana.Siya at si Shaun ay nakabalot sa kumot. Ang itaas na bahagi ng katawan ni Shaun ay kita, at ang mga kamay niya… ay mahigpit na nakapalibot sa paligid ng leeg ng lalaki.Hindi lang ‘yun pero ang boses niya… Talagang ang tunog nito ay tila… talagang naenjoy niya ito.Nung una ay akala niya'y nasa kawalan siya ng pag-asa nang gabing 'yun. Ngunit, pinamukha ng video na siya at si Shaun ay lovey-dovey, at na siya ay willing.'Yun ba ang video na pinanood ni Wesley?Sobrang nahihiya siya na desperada siyang hampasin ang sarili niya. Gayunpaman, nang kumalma na siya at pinag-isipan ito, walang lalaki ang may kakayahan na mawalan ng pakialam matapos mapanood ang video na 'y
Naintindihan agad ni Catherine. “Sinasabi mo ‘yan pagkatapos itapon ng mga member ng Liona si Liam doon, may ibang sasakyan ang dumating at kinuha si Liam?”Tumango si Logan. “Merong malaking posibilidad na may taong pinapanood ang Liona simula umpisa. Isa pang posibilidad na may internal member ng Liona ang nagpakalat ng impormasyon.”Nanginig ang puso ni Catherine.Ngunit, pagkatapos ito pag-isipan, sumang-ayon siya sa analysis ni Logan.“Sa totoo lang, hindi ako masyadong naniniwalang si Liam ang nagkalat ng dat ng Hill Corporation. Hindi siya ganoong tao. May suspetya akong may spy sa Liona at ‘yun din ang nagpakalat ng data.”“Isa pa, Liona ang pinaka pinagkakatiwalaan na organization ni Shaun. Nang magawa ang microchip, ang una niya sigurong ginawa ay hayaan ang importanteng miyembro ng Liona na bantayan ang laboratory. Hindi imposibleng manakaw ng taong iyon ang data at makahanap ng tamang oras para maframe si Liam.”Pagkatapos niyang sabihin iyon, tumingin si Logan ng may
”Ikaw nga ang responsable.” Tinitigan ni Old Master Hill si Shaun. “Dapat personal na naroon ka sa Hill Corporation. Kung hindi mo dinala sa ibang bansa si Catherine, hindi magkaakroon ng tyansa ang ibang tao na makapasok.”“Pero hindi rin namin masisisi lahat sa’yo. Tadhana talaga. Parehas kayo ng nanay mo. Parehas kayong nabulag at hindi alam kung paano pahalagahan ang dapat pahalagahan. Trinato siya nang maayos ng ama mo pero minaliit lang niya ito. Iniisip niyang mahal na mahal siya ni Mason.”Ama… Ang salitang iyon ay matagal nang hindi pamilyar si Shaun.Nakatulala siya ng saglit bago marinig ang sinabi ni Old Madam Hill, “Walang masamang balita tungkol sa ama mo ng 10 taon na. Umaasa akong nakapag-asawa na siya at may anak sa ibang bansa.”Pagkatapos niyang magsalita, isang black sedan ang dumating. Bumaba si Lea sa sasakyan. “Anong pinaguusapan niyo?”Prankang sinabi ni Old Madam Hill, “Pinaguusapan namin si Brennan.”Nagulat si Lea. Ang taong iyon ay matagal nang umali