Kinaumagahan, maagang nagising si Kariel. Kinuha niya agad ang coat mula sa maleta at isinuot ito. Malamig pa kasi, kaya’t kailangan niyang mag-jacket para hindi lamigin paglabas niya. Pagkalabas ng kubo, napansin niyang sarado pa ang bintana ng tinutuluyang kubo nina Darrius at ng assistant nito, kaya’t sigurado siyang tulog pa sila. Naglakad-lakad siya at nasalubong ang ilan sa mga taong sumalubong sa kanila kahapon.“Magandang umaga po,” bati niya nang nakangiti.“Magandang umaga rin po,” tugon ng mga ito.“Saan po ba kayo pupunta, Mam?” tanong ng isa sa kanila.“Maglalakad-lakad lang po ako para makalanghap ng sariwang hangin,” sagot ni Kariel.“Ah, ganun ba? Sige po, mag-ingat kayo. May gagawin pa kasi kami,” paalam ng kausap.“Sige ho,” sagot ni Kariel bago nagpatuloy sa paglakad. Hindi nagtagal, narating niya ang isang malawak na taniman ng mga bulaklak.“Wow!” Napamangha siya sa tanawin. Isang malawak na hardin ng namumukadkad na rosas ang bumungad sa kanya. Ang mga bulaklak a
Samantala, nagising si Jason sa loob ng kanyang selda nang kalampagin ng guwardiya ang rehas.“Jason Laurel! May dalaw ka!” sigaw ng guwardiya. Nanghihinang bumangon si Jason at paika-ikang lumabas ng selda.“Sino po ang dalaw ko, Sir?” tanong niya sa guwardiyang kasunod niya.“Hindi ko alam! Bilisan mo ang paglakad, parang pagong ka!” singhal nito. Kahit masakit ang katawan, pinilit ni Jason na maglakad nang maayos.“Punyeta kang Darrius ka, may oras ka rin sa akin!” sigaw niya sa isip, dahil sa bawat pagpapahirap ni Darrius, parang gusto siyang patayin nito nang dahan-dahan.Nang makarating si Jason sa isang silid, nakaramdam siya ng pangangatal. Kahit hindi niya ginusto, tila alam na ng katawan niya ang peligro tuwing napupunta siya sa ganitong lugar. Huminto siya at nilingon ang guwardiya.“S-sir… bakit hindi sa—"“Pumasok ka na! Ang dami mong tanong!” tinulak siya ng guwardiya papasok sa silid.“Andito na po ang hinihintay niyo, Ma’am,” sabi ng guwardiya sa babaeng nakasuot ng it
"Wow!" Manghang-mangha si Kariel sa nakita sa loob ng greenhouse. Pagkatapos nilang mag-agahan, inaya na siya ni Darrius na pumunta roon. Una nilang nakita ang mga hilaw na ubas na nakabitin sa mga baging."Ang ganda! Matagal na ba 'to?" tanong ni Kariel kay Darrius.Tumango lang si Darrius bilang sagot.“Well, actually, first crop pa lang ito. Sa nakaraang subok, medyo hindi maganda ang resulta," nakangiting tugon ni Darrius.“Kailan kaya ito maaani? Sayang, mukhang hindi ko maaabutan ang pamimitas ng ubas," may panghihinayang na sabi ni Kariel habang nakatingala sa mga nagsasabitang bunga.“Pwede naman. May ilang puwede nang kunin doon sa kabila, kahit medyo alanganin pa,” sabi ni Darrius at inaya siyang pumunta roon."Wow! Tara, excited na akong manguha!" Kitang-kita sa mukha ni Kariel ang saya."Magandang umaga, Sir Darrius, Ma'am Kariel," bati ng ilang nagtatrabaho sa loob."Good morning din po," sagot ni Kariel habang hinihila si Darrius patungo sa dulo ng greenhouse. Hingal na
Habang naglalakad si Darrius pabalik sa kubo ni Kariel, pasan niya ito sa kanyang likod. Tahimik lang si Kariel, pero sa kaloob-looban niya, hindi mapigilan ang mabilis na pagtibok ng puso. “Okay ka lang ba talaga?” tanong ni Darrius, na diretso ang tingin. “Mm-hmm,” sagot ni Kariel, pilit na itinatago ang namumuong kilig. “Ikaw, okay ka lang? Baka naman napapagod ka na.” Tumawa si Darrius nang bahagya. “Ikaw? Mapapagod ako dahil sa'yo? Tingin mo ba mabigat ka?” Dahil sa sinabi, bahagya siyang hinampas ni Kariel sa balikat, dahilan para matawa siya. “Grabe ka naman, ang ibig kong sabihin, baka gusto mong magpahinga muna.” "Sigurado ka bang gusto mo akong huminto at pababain ka?" tanong ni Darrius na may pilyong ngiti, pero tuloy-tuloy lang sa paglakad. Napatawa si Kariel. “Huwag na, baka matapilok pa ulit ako.” Habang binabaybay nila ang daan pabalik sa kubo, dumilim bigla ang ulap at naramdaman nila ang unti-unting pagpatak ng ulan. "Great, ulan pa talaga," sabi ni Kar
Alas tres na ng hapon nang bumalik si Darrius sa kubo ni Kariel, dala ang isang tray ng kamoteng kahoy sa gata. Nakatulog din kasi ito kanina nang pinuntahan niya ito nang tumigil ang ulan. Nakaupo si Kariel sa may bintana, habang naka-angat ang isang paa na halatang paika-ika pa rin matapos itong matapilok noong umaga. Napansin agad ni Darrius ang ekspresyon ng bahagyang sakit sa mukha ni Kariel."Kamusta na 'yang paa mo?" tanong ni Darrius habang inilapag ang tray sa mesa. Halata ang pag-aalala sa boses niya."Medyo masakit pa rin, pero kaya naman. Wala 'to, hindi ako masyadong pabigat," sagot ni Kariel, pilit na tinatago ang nararamdamang kirot. Ayaw niyang isipin ni Darrius na mahina siya."Baka gusto mong ipahilot kay Manang. Magaling siya sa ganyan," suhestiyon ni Darrius, habang iniaabot kay Kariel ang isang maliit na plato ng kamoteng kahoy. "Pero, bago 'yan, kumain ka muna. Pinagluto kita ng meryenda."Nag-aalangan si Kariel nang tingnan ang pagkain. "Kamote... ano nga ulit
Pagkatapos nilang kumain, tumayo si Darrius at nilapitan si Kariel. “Halika, tingnan natin ang paligid. Baka makatulong ‘to sa'yo para ma-relax,” sabi ni Darrius sabay yuko upang buhatin si Kariel.“Hoy! Anong ginagawa mo?” nabiglang tanong ni Kariel, pero wala na siyang magawa nang buhatin siya ni Darrius. Mahigpit siyang kumapit sa leeg nito, tila nahihiya, pero hindi rin niya maitago ang kilig. Ngumiti si Darrius habang binababa si Kariel sa duyan na nasa ilalim ng puno ng mangga, kung saan kitang-kita ang malawak na taniman ng mga bulaklak at ang malawak na taniman ng ubas. “Dito ka muna. Magpahinga ka habang ako naman ang magtutulak ng duyan para sa’yo.”Napangiti si Kariel, at umayos nang upo sa duyan. Marahan siyang itinulak ni Darrius habang pinagmamasdan nila ang tahimik na paligid. “Ang sarap dito. Tahimik, walang ingay ng syudad,” bulong ni Kariel habang ini-enjoy ang simoy ng hangin.“Oo nga,” sagot ni Darrius. “Lalo na kasama kita.”Tahimik na napangiti si Kariel sa sina
Habang tahimik na nag-uusap sina Kariel at Darrius, dumating ang isang batang lalaki, hingal na hingal at mukhang may mahalagang balita. “Kuya Darrius! Dumating na po si Ate Kiarah, galing bayan! May dala po siyang mga supply para daw bukas!” anang bata. Napatingin si Darrius kay Kariel na tila nagtataka. “Ah, oo nga pala, si Kiarah ang inatasan ko para magdala ng mga supply para bukas,” sabi niya kay Kariel na tila wala namang gaanong kabahalaan. Ngunit napansin ni Kariel ang isang kakaibang ekspresyon sa mukha ng batang messenger na tila nagpapahiwatig ng iba. “Ate Kiarah? Sino ‘yun?” tanong ni Kariel, nag-aalangan sa pangalan. Hindi niya alam kung bakit parang may kakaiba sa sitwasyon. Ngumiti nang bahagya si Darrius, tila nais iwasan ang kaunting tensyon. “Si Kiarah, anak ni Mang Emilio. Sa bayan kasi siya nagtatrabaho bilang kawani ng munisipyo,siya ang laging inaatasan ng LGU para tulungan kami para sa programa. Matagal ko na rin siyang kilala.” kuwento ni Darrius, bagay n
Alas sais ng hapon nang lumabas sina Kariel at Darrius mula sa kubo at nagtungo sa bahay ni Mang Emilio. Malapit lang ang bahay kaya’t mabilis nilang narating ito. Nakangiti si Mang Emilio at agad silang sinalubong sa pintuan."Darrius, Kariel! Natagalan kayo, ha? Hali na at pumasok na kayo. Saktong-sakto ang dating niyo, katatapos ko lang ihanda ang lamesa, " anyaya ni Mang Emilio.Inalalayan naman ni Darrius si Kariel papasok. At sumalubong agad sa kanila ang amoy ng mga masarap na pagkain mula sa kusina. Tulad ng unang araw ng kanilang pagdating, parang piyesta pa rin ang handa—adobong manok, sinigang na baboy, lechon kawali, at tinola. May puto, bibingka, at iba’t ibang prutas na nakahain sa mesa."Pasensya na, Ms. Kariel, hindi gaanong espesyal ang mga putahe rito. Hindi katulad sa siyudad," nahihiyang sabi ni Mang Emilio."Naku, huwag po kayong mag-alala. Sigurado akong masarap ang mga iyan," nakangiting tugon ni Kariel.“O siya, maupo na kayo,” anyaya ni Mang Emilio.“Dito ka