"Wow!" Manghang-mangha si Kariel sa nakita sa loob ng greenhouse. Pagkatapos nilang mag-agahan, inaya na siya ni Darrius na pumunta roon. Una nilang nakita ang mga hilaw na ubas na nakabitin sa mga baging."Ang ganda! Matagal na ba 'to?" tanong ni Kariel kay Darrius.Tumango lang si Darrius bilang sagot.“Well, actually, first crop pa lang ito. Sa nakaraang subok, medyo hindi maganda ang resulta," nakangiting tugon ni Darrius.“Kailan kaya ito maaani? Sayang, mukhang hindi ko maaabutan ang pamimitas ng ubas," may panghihinayang na sabi ni Kariel habang nakatingala sa mga nagsasabitang bunga.“Pwede naman. May ilang puwede nang kunin doon sa kabila, kahit medyo alanganin pa,” sabi ni Darrius at inaya siyang pumunta roon."Wow! Tara, excited na akong manguha!" Kitang-kita sa mukha ni Kariel ang saya."Magandang umaga, Sir Darrius, Ma'am Kariel," bati ng ilang nagtatrabaho sa loob."Good morning din po," sagot ni Kariel habang hinihila si Darrius patungo sa dulo ng greenhouse. Hingal na
Habang naglalakad si Darrius pabalik sa kubo ni Kariel, pasan niya ito sa kanyang likod. Tahimik lang si Kariel, pero sa kaloob-looban niya, hindi mapigilan ang mabilis na pagtibok ng puso. “Okay ka lang ba talaga?” tanong ni Darrius, na diretso ang tingin. “Mm-hmm,” sagot ni Kariel, pilit na itinatago ang namumuong kilig. “Ikaw, okay ka lang? Baka naman napapagod ka na.” Tumawa si Darrius nang bahagya. “Ikaw? Mapapagod ako dahil sa'yo? Tingin mo ba mabigat ka?” Dahil sa sinabi, bahagya siyang hinampas ni Kariel sa balikat, dahilan para matawa siya. “Grabe ka naman, ang ibig kong sabihin, baka gusto mong magpahinga muna.” "Sigurado ka bang gusto mo akong huminto at pababain ka?" tanong ni Darrius na may pilyong ngiti, pero tuloy-tuloy lang sa paglakad. Napatawa si Kariel. “Huwag na, baka matapilok pa ulit ako.” Habang binabaybay nila ang daan pabalik sa kubo, dumilim bigla ang ulap at naramdaman nila ang unti-unting pagpatak ng ulan. "Great, ulan pa talaga," sabi ni Kar
Alas tres na ng hapon nang bumalik si Darrius sa kubo ni Kariel, dala ang isang tray ng kamoteng kahoy sa gata. Nakatulog din kasi ito kanina nang pinuntahan niya ito nang tumigil ang ulan. Nakaupo si Kariel sa may bintana, habang naka-angat ang isang paa na halatang paika-ika pa rin matapos itong matapilok noong umaga. Napansin agad ni Darrius ang ekspresyon ng bahagyang sakit sa mukha ni Kariel."Kamusta na 'yang paa mo?" tanong ni Darrius habang inilapag ang tray sa mesa. Halata ang pag-aalala sa boses niya."Medyo masakit pa rin, pero kaya naman. Wala 'to, hindi ako masyadong pabigat," sagot ni Kariel, pilit na tinatago ang nararamdamang kirot. Ayaw niyang isipin ni Darrius na mahina siya."Baka gusto mong ipahilot kay Manang. Magaling siya sa ganyan," suhestiyon ni Darrius, habang iniaabot kay Kariel ang isang maliit na plato ng kamoteng kahoy. "Pero, bago 'yan, kumain ka muna. Pinagluto kita ng meryenda."Nag-aalangan si Kariel nang tingnan ang pagkain. "Kamote... ano nga ulit
Pagkatapos nilang kumain, tumayo si Darrius at nilapitan si Kariel. “Halika, tingnan natin ang paligid. Baka makatulong ‘to sa'yo para ma-relax,” sabi ni Darrius sabay yuko upang buhatin si Kariel.“Hoy! Anong ginagawa mo?” nabiglang tanong ni Kariel, pero wala na siyang magawa nang buhatin siya ni Darrius. Mahigpit siyang kumapit sa leeg nito, tila nahihiya, pero hindi rin niya maitago ang kilig. Ngumiti si Darrius habang binababa si Kariel sa duyan na nasa ilalim ng puno ng mangga, kung saan kitang-kita ang malawak na taniman ng mga bulaklak at ang malawak na taniman ng ubas. “Dito ka muna. Magpahinga ka habang ako naman ang magtutulak ng duyan para sa’yo.”Napangiti si Kariel, at umayos nang upo sa duyan. Marahan siyang itinulak ni Darrius habang pinagmamasdan nila ang tahimik na paligid. “Ang sarap dito. Tahimik, walang ingay ng syudad,” bulong ni Kariel habang ini-enjoy ang simoy ng hangin.“Oo nga,” sagot ni Darrius. “Lalo na kasama kita.”Tahimik na napangiti si Kariel sa sina
Habang tahimik na nag-uusap sina Kariel at Darrius, dumating ang isang batang lalaki, hingal na hingal at mukhang may mahalagang balita. “Kuya Darrius! Dumating na po si Ate Kiarah, galing bayan! May dala po siyang mga supply para daw bukas!” anang bata. Napatingin si Darrius kay Kariel na tila nagtataka. “Ah, oo nga pala, si Kiarah ang inatasan ko para magdala ng mga supply para bukas,” sabi niya kay Kariel na tila wala namang gaanong kabahalaan. Ngunit napansin ni Kariel ang isang kakaibang ekspresyon sa mukha ng batang messenger na tila nagpapahiwatig ng iba. “Ate Kiarah? Sino ‘yun?” tanong ni Kariel, nag-aalangan sa pangalan. Hindi niya alam kung bakit parang may kakaiba sa sitwasyon. Ngumiti nang bahagya si Darrius, tila nais iwasan ang kaunting tensyon. “Si Kiarah, anak ni Mang Emilio. Sa bayan kasi siya nagtatrabaho bilang kawani ng munisipyo,siya ang laging inaatasan ng LGU para tulungan kami para sa programa. Matagal ko na rin siyang kilala.” kuwento ni Darrius, bagay n
Alas sais ng hapon nang lumabas sina Kariel at Darrius mula sa kubo at nagtungo sa bahay ni Mang Emilio. Malapit lang ang bahay kaya’t mabilis nilang narating ito. Nakangiti si Mang Emilio at agad silang sinalubong sa pintuan."Darrius, Kariel! Natagalan kayo, ha? Hali na at pumasok na kayo. Saktong-sakto ang dating niyo, katatapos ko lang ihanda ang lamesa, " anyaya ni Mang Emilio.Inalalayan naman ni Darrius si Kariel papasok. At sumalubong agad sa kanila ang amoy ng mga masarap na pagkain mula sa kusina. Tulad ng unang araw ng kanilang pagdating, parang piyesta pa rin ang handa—adobong manok, sinigang na baboy, lechon kawali, at tinola. May puto, bibingka, at iba’t ibang prutas na nakahain sa mesa."Pasensya na, Ms. Kariel, hindi gaanong espesyal ang mga putahe rito. Hindi katulad sa siyudad," nahihiyang sabi ni Mang Emilio."Naku, huwag po kayong mag-alala. Sigurado akong masarap ang mga iyan," nakangiting tugon ni Kariel.“O siya, maupo na kayo,” anyaya ni Mang Emilio.“Dito ka
Hatinggabi na, pero hindi pa rin makatulog si Kiarah, patuloy na iniisip sina Darrius at Kariel. “God! May relasyon ba sila?” tanong niya sa sarili. Hindi siya mapakali dahil hindi sinagot ng dalawa ang tanong niya kanina.“Hayst! Ano ba 'yan!” bulalas niya, sabay bangon mula sa kama. Mahimbing nang natutulog ang kanyang mga magulang sa kabilang silid, base sa malakas na hilik ng mga ito. Matapos nilang ligpitin ang pinagkainan at makaalis sina Darrius at Kariel, agad nang pumasok ang kanyang ama sa silid, ganoon din ang kanyang ina.“Bwesit! Bakit ba sila ang iniisip ko? Alam ko namang hindi ako pinapansin ni Darrius. Tss, matutulog na nga lang.” Akma na sanang hihiga si Kiarah nang makarinig siya ng kaluskos mula sa kusina. Napahinto siya at pinakinggan ang tunog nang mabuti.“Ah…baka daga lang siguro, o ‘di kaya pusa,” naisatinig niya bago dahan-dahang humiga muli. Inayos niya ang unan at binuklat ang kumot. Nang ipikit niya ang kanyang mga mata, biglang tumunog ang tubig sa dispen
Kinabukasan, maagang nagising si Kariel. Ganoon din si Darrius, pati na ang assistant nito na si Mark. Matapos silang maglinis at magpalit ng damit, sabay-sabay silang nagtungo sa bahay ni Mang Emilio para magkape."Mark, kumain ka ba kagabi?" tanong ni Kariel habang naglalakad sila."Oo nga, Mark. Kumain ka ba kagabi?" pag-uulit ni Darrius."Hindi na kasi kita ginising bago kami naghapunan kina Mang Emilio. Alam kong pagod ka," dagdag pa ni Darrius.Pilit na ngiti lamang ang naging tugon ni Mark sa kanilang dalawa."Hala! Hindi ka ba nakapaghapunan?" gulat na tanong ni Kariel."No, nakakain naman ako kagabi. Muntikan na nga akong mapokpok ng baseball bat ng anak ni Mang Emilio," tugon ni Mark, saka ngumiti."Si Kiarah?" takang tanong ni Kariel."Oo," nakangising sagot ni Mark. "Naku! Maton din pala siya?" natatawang sabi ni Kariel. At saka tumingin kay Darrius, na ngumiti lang sa kanya, bagay na ikina-ismid niya.Hindi nagtagal, narating nila ang bahay ni Mang Emilio. Nakaupo na it
Matapos makalapag ang eroplano, tahimik na bumiyahe mula sa airport patungo sa mansyon sina Kariel at Darrius. Pareho silang may sariling iniisip, ngunit dama ang tensyon at excitement sa hangin. Bagamat kinakabahan, hindi maiwasan ni Kariel ang mapangiti sa ideya na makikita muli ang kanyang pamilya. Lalo na ang anak na ilang linggong hindi na kasama. Tahimik din si Darrius ngunit bakas sa mukha ang hindi matatawarang excitement dahil sa wakas, makikita na ang anak na matagal nang nawalay sa kaniya. “Magiging okay din ang lahat,” saad ni Kariel saka ipinilig ang ulo sa balikat ng lalaki. Ngumiti naman ito at saka mahigpit na niyakap ang palad ng mga palad din nito. “Yeah, magiging okay din ang lahat.” Muli na lang napangiti si Kariel nang maramdaman ang marahang pag-amoy at paghalik ng lalaki sa ulo niya.PAGDATING nila sa malaking gate ng mansyon, bumaba si Kariel mula sa sasakyan. Agad namang sumunod si Darrius na puno ng galak sa kaniyang puso. Ilang taon na rin magmula nang u
SA KABILANG DAKU Sa isang maliit ngunit marangyang villa sa tagong bahagi ng lungsod, nakaupo sa isang leather armchair ang isang babaeng may matapang na aura. Nakasuot siya ng itim na blazer na bumagay sa kanyang makinis at mahabang buhok, habang hawak ang isang baso ng alak. Siya si Cassandra, ngunit mas kilala sa ilalim n'yang pangalang Diablo.Sa kabila ng kanyang eleganteng anyo, ang kanyang mga mata ay puno ng galit at determinasyon. Alam niyang oras na para muling simulan ang plano laban kay Darrius. Alam n'yang sa mga oras na ito ay alam na nito ang pagtakas niya at pag-uwi sa Pilipinas. Medyo mainit at patuloy kasi sa pagtutugis sa kaniya ang kapulisan at assets na nakuha ni Darrius bagay na kailangan niyang kumalma at magpalamig na muna. Ngunit hindi siya titigil para sa paghihiganteng alam niyang sagot para mawala ang sakit sa nakaraan.Sa harap niya ay nakaayos ang mga dokumento, larawan, at mapa. Kabilang dito ang larawan ni Kariel na kuha sa isang public event, na ngay
Nang sumunod na araw, maagang naggayak sina Darrius at Kariel upang maghanda sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas. At ang kanilang mga bagahe ay maayos nang nakalatag sa tabi ng pinto, at ramdam sa buong silid ang katahimikan. Sa kabila ng kanilang excitement na makabalik, hindi maiwasan ni Kariel na mag-alala sa mga darating na araw, lalo’t alam niyang hindi magiging madali ang kanilang haharapin.Habang iniinspeksyon ni Darrius ang kanilang mga dokumento, lumapit si Kiarah na nakangiti. “Mukhang ready na talaga kayo ah, good luck na lang sa inyo. Parang kailan lang, at ngayon sabay na kayong babalik sa bansa.”“Oo nga, medyo kinakabahan din ako. Hindi para sa pagbabalik namin sa bahay kundi sa hamon na kailangan naming harapin para sa ikakatahimik ng lahat,” nakangiti ngunit bakas sa mukha ni Kariel ang labis na alinlangan sa darating na mga araw. Bahagya namang napangiti si Kiarah dahil ramdam niya ang alinlangan sa puso ni Kariel bagay na nilapitan na lamang niya ito at niyakap.“
Matapos ibaba ang tawag, agad namang napatingin si Darrius sa kawalan dahil sa nabalitaan ngunit bumajas rin sa kaniyang mukha ang galit ang pagkamuhi. Napansin naman iyon ni Kariel na ngayon ay nakasandal sa kama at tahimik lang din na nakatingin sa lalaki. Pagod man sa kanilang pag-iisa subalit ramdam naman ni Kariel ang labis na pagkabahala sa nakita.“Dar,” tawag niya, “ano bang nangyari?”Napalingon naman si ni Darrius, ngunit imbis na sumagot, tumayo ito at naglakad papunta sa bintana. At napatitig sa mga naglalakihang gusali sa lugar.“Darr, kausapin mo naman ako,” dagdag ni Kariel nang hindi siya nito sinagot. “Ano bang problima?”Huminga nang malalim si Darrius bago pa bumalik sa tabi ni Kariel. Naupo siya sa gilid ng kama at mahigpit na hinawakan ang kamay ng babae. “Kariel,” panimula niya, “may isang bagay na kailangang asikasuhin. At hindi ko puwedeng ipagsawalang-bahala ito.”“Anong ibig mong sabihin? May nangyari ba?” tanong ni Kariel, na ramdam ang hindi magandang bali
Sa bawat pagbaon ng pagkalalaki ni Darrius, ay s’ya namang pagliyad at pa-ungol ni Kariel. Hindi niya alam pero parang muli s’yang dinala sa langit kung saan ilang taon na n’yang hindi napupuntahan. At sa bawat ulos ni Darrius pakiramdam n’ya muli na naman silang pinag-isa. Hindi niya alam kong ano ang magiging reaksyon niya sa bawat pagpasok nito sa kaniyang kuweba. Basta ang tanging nagawa niya lang ay sambiti ang pangalan ng kaulayaw sa mahina ngunit tila angel na umaawit sa pandinig ni Darrius. "Yamz-" Saglit pa itong tumigil at pinagmamasdan siya bagay na magtama ang kanilang mga mata. “I've waited this for so many years, at ngayon nakasama na kita ulit.” “Me too,” tugon naman ni Kariel. Ngumiti naman si Darrius sa sinabi ni Kariel saka nag-smirk. “Just moaned my name, at ako na ang bahalang magdala sa’yo sa langit.” “Loko,” nakangising aniya. “Kung ako lang ang nasusunod, hindi ko na hahayaang matapos pa ang gabing ‘to para naman makasama pa kita nang matagal.” Ngumiti p
Matapos ang tawag sa anak, nanatiling tahimik si Kariel habang nakatitig sa screen ng kaniyang cellphone. Unti-unti niya rin itong inilapag sa lamesa at nagpakawala ng malalim na buntonghininga. Sa likod ng katahimikan, ramdam niya ang tila kumakabog na tibok ng kaniyang puso. “Kariel...”Agad namann'yang linigon si Darrius, nakatitig na sa kaniya, puno ng damdaming tila hindi maipaliwanag ng mga simpleng salita lamang. Naroon ang kasabikan, pangungulila, at... pagmamahal. Ilang taon na rin ang lumipas simula nang maghiwalay sila, ngunit sa bawat sulyap nito, dama pa rin niya ang koneksyon nilang dalawa.“Salamat,” basag ni Darrius sa katahimikan.“Sa alin?” mahinang sagot ni Kariel, pilit na pinipigilan ang pamumuo ng luha sa kaniyang mga mata.“Sa pagkakataong muli akong maging parte ng buhay niyo ni Darielle,” tugon nito, at bahagya pang yumuko, na tila dinadala ng bigat ang sariling emosyon. “Hindi mo alam kung gaano ko ‘to pinangarap, Kariel.”Hindi naman nagawang sumagot ni Ka
Agad namang inayos ni Kariel ang sarili nang makita ang pangalan ng kanilang anak sa screen nang muling tumunog ang kaniyang cellphone. “Si Darielle,” mahinang bulong niya kay Darrius habang pinapakita ang mukha ng anak mula sa screen. Napakunot ng kaniyang noo si Darrius ngunit agad ding nagliwanag ang mukha nang marinig ang pangalan ng kanilang anak.“Huwag mo na patagalin. Sagutin mo na,” ani Darrius na bakas sa boses ang pagkasabik.Agad namang pinindot ni Kariel ang green button at sumambulat sa screen ang masayang mukha ng kaniyang anak.“Mommy! Bakit ang tagal mong sumagot? Miss na kita!” bungad ng anak habang hawak ang isang stuffed toy.Napangiti naman I Kariel nang makita ang ang pagbusangot bigla ng anak.“Sorry, anak. Busy lang si Mommy kanina. Kaya hindi ko agad narinig ang tawag mo.”“Ganon ba mommy? Wag po kayo masyadong magpakagod riyan,” wika pa ng anak.“Wait, sino ba kasama mo riyan?” tanong ni Kariel nang mapansin na tahimik ang paligid ng silid ni Darielle.“Ako
PAGKARATING nila sa Hotel ay agad namang nagtungo sin Mark At Kiarah sa kani-kanilang silid. Samantalang sina Kariel at Darrius naman ay tahimik na nagpapahangin sa Rooftop ng hotel. Tahimikt at wala silang imikan na. Hindi tulad ng nasa event a sila at habang nasa sasakyan sila. Ang nagagawa lang ni Darrius ay ang panay na sulyap at pinipilit naman niyang ibuka ang bibig ngunit tila nasamid yata ang dila niya. Tumikhim at umayos na lang ng kaniyang sarili si Kariel, bago pa nagsalita. “Hi.” Panimula ni Kariel, para basahin ang katahimikan bumabalot sa kanilang paligid. Agad namang Napalingon si Darrius at saka ngumiti sa babae. “Hmm… Kariel, I don't know when to start. Hindi ko alam pero pakiramdam ko–” Ngunit hindi na nagawang ipagpatuloy pa ni Darrius ang sasabihin ng bigla na s’yang halikan sa labi ni Kariel. “Hanggang ngayon pa rin ba kailangang ako pa ang maunang gumawa nang paraan para sa ating dalawa? I’ve waited you so long. I’ve waited this day, tapos patorpe-torpe ka
MATAGUMPAY namang natapos ang event, at kasalukuyan na sila ngayong bumabiyahe pabalik ng hotel. Masaya at puno ng tawanan ang loob ng sasakyan, dahil sa muling pagkakabuo nilang apat. Naroon din kasi si Mark, at hindi maiwasan ni Kiarah na makaramdam ng kilig sa tuwing napapansin niyang sumusulyap ang nobyo sa kanya. Ngunit higit sa lahat, mas lalong sumabog ang kilig niya sa eksenang nasaksihan kanina sa dance floor.“Grabe, akala ko eksena lang sa pelikula ang gano'n! Grabe, kinilig talaga ako sa inyo. Akala ko nga magwa-wantotre pa kayo eh!” masayang bulong ni Kiarah kay Mark, ngunit sapat na sapat para marinig ng lahat sa loob ng sasakyan.Napangiti naman ng pilya si Kariel sa sinabi ng kaibigan. Bagay na hindi niya matiis na magkomento. “Naku, Kiarah, kung masyado kang kinikilig, edi sana hinila mo rin kanina sa gitna si Mark, ” pabirong sambit niya, na ikinatawa nilang lahat.“Naku! Ayaw kong sirain ang spotlight niyo, noh! Kaya next time na lang ako,” sagot ni Kiarah, kasabay