Alas tres na ng hapon nang bumalik si Darrius sa kubo ni Kariel, dala ang isang tray ng kamoteng kahoy sa gata. Nakatulog din kasi ito kanina nang pinuntahan niya ito nang tumigil ang ulan. Nakaupo si Kariel sa may bintana, habang naka-angat ang isang paa na halatang paika-ika pa rin matapos itong matapilok noong umaga. Napansin agad ni Darrius ang ekspresyon ng bahagyang sakit sa mukha ni Kariel."Kamusta na 'yang paa mo?" tanong ni Darrius habang inilapag ang tray sa mesa. Halata ang pag-aalala sa boses niya."Medyo masakit pa rin, pero kaya naman. Wala 'to, hindi ako masyadong pabigat," sagot ni Kariel, pilit na tinatago ang nararamdamang kirot. Ayaw niyang isipin ni Darrius na mahina siya."Baka gusto mong ipahilot kay Manang. Magaling siya sa ganyan," suhestiyon ni Darrius, habang iniaabot kay Kariel ang isang maliit na plato ng kamoteng kahoy. "Pero, bago 'yan, kumain ka muna. Pinagluto kita ng meryenda."Nag-aalangan si Kariel nang tingnan ang pagkain. "Kamote... ano nga ulit
Pagkatapos nilang kumain, tumayo si Darrius at nilapitan si Kariel. “Halika, tingnan natin ang paligid. Baka makatulong ‘to sa'yo para ma-relax,” sabi ni Darrius sabay yuko upang buhatin si Kariel.“Hoy! Anong ginagawa mo?” nabiglang tanong ni Kariel, pero wala na siyang magawa nang buhatin siya ni Darrius. Mahigpit siyang kumapit sa leeg nito, tila nahihiya, pero hindi rin niya maitago ang kilig. Ngumiti si Darrius habang binababa si Kariel sa duyan na nasa ilalim ng puno ng mangga, kung saan kitang-kita ang malawak na taniman ng mga bulaklak at ang malawak na taniman ng ubas. “Dito ka muna. Magpahinga ka habang ako naman ang magtutulak ng duyan para sa’yo.”Napangiti si Kariel, at umayos nang upo sa duyan. Marahan siyang itinulak ni Darrius habang pinagmamasdan nila ang tahimik na paligid. “Ang sarap dito. Tahimik, walang ingay ng syudad,” bulong ni Kariel habang ini-enjoy ang simoy ng hangin.“Oo nga,” sagot ni Darrius. “Lalo na kasama kita.”Tahimik na napangiti si Kariel sa sina
Habang tahimik na nag-uusap sina Kariel at Darrius, dumating ang isang batang lalaki, hingal na hingal at mukhang may mahalagang balita. “Kuya Darrius! Dumating na po si Ate Kiarah, galing bayan! May dala po siyang mga supply para daw bukas!” anang bata. Napatingin si Darrius kay Kariel na tila nagtataka. “Ah, oo nga pala, si Kiarah ang inatasan ko para magdala ng mga supply para bukas,” sabi niya kay Kariel na tila wala namang gaanong kabahalaan. Ngunit napansin ni Kariel ang isang kakaibang ekspresyon sa mukha ng batang messenger na tila nagpapahiwatig ng iba. “Ate Kiarah? Sino ‘yun?” tanong ni Kariel, nag-aalangan sa pangalan. Hindi niya alam kung bakit parang may kakaiba sa sitwasyon. Ngumiti nang bahagya si Darrius, tila nais iwasan ang kaunting tensyon. “Si Kiarah, anak ni Mang Emilio. Sa bayan kasi siya nagtatrabaho bilang kawani ng munisipyo,siya ang laging inaatasan ng LGU para tulungan kami para sa programa. Matagal ko na rin siyang kilala.” kuwento ni Darrius, bagay n
Alas sais ng hapon nang lumabas sina Kariel at Darrius mula sa kubo at nagtungo sa bahay ni Mang Emilio. Malapit lang ang bahay kaya’t mabilis nilang narating ito. Nakangiti si Mang Emilio at agad silang sinalubong sa pintuan."Darrius, Kariel! Natagalan kayo, ha? Hali na at pumasok na kayo. Saktong-sakto ang dating niyo, katatapos ko lang ihanda ang lamesa, " anyaya ni Mang Emilio.Inalalayan naman ni Darrius si Kariel papasok. At sumalubong agad sa kanila ang amoy ng mga masarap na pagkain mula sa kusina. Tulad ng unang araw ng kanilang pagdating, parang piyesta pa rin ang handa—adobong manok, sinigang na baboy, lechon kawali, at tinola. May puto, bibingka, at iba’t ibang prutas na nakahain sa mesa."Pasensya na, Ms. Kariel, hindi gaanong espesyal ang mga putahe rito. Hindi katulad sa siyudad," nahihiyang sabi ni Mang Emilio."Naku, huwag po kayong mag-alala. Sigurado akong masarap ang mga iyan," nakangiting tugon ni Kariel.“O siya, maupo na kayo,” anyaya ni Mang Emilio.“Dito ka
Hatinggabi na, pero hindi pa rin makatulog si Kiarah, patuloy na iniisip sina Darrius at Kariel. “God! May relasyon ba sila?” tanong niya sa sarili. Hindi siya mapakali dahil hindi sinagot ng dalawa ang tanong niya kanina.“Hayst! Ano ba 'yan!” bulalas niya, sabay bangon mula sa kama. Mahimbing nang natutulog ang kanyang mga magulang sa kabilang silid, base sa malakas na hilik ng mga ito. Matapos nilang ligpitin ang pinagkainan at makaalis sina Darrius at Kariel, agad nang pumasok ang kanyang ama sa silid, ganoon din ang kanyang ina.“Bwesit! Bakit ba sila ang iniisip ko? Alam ko namang hindi ako pinapansin ni Darrius. Tss, matutulog na nga lang.” Akma na sanang hihiga si Kiarah nang makarinig siya ng kaluskos mula sa kusina. Napahinto siya at pinakinggan ang tunog nang mabuti.“Ah…baka daga lang siguro, o ‘di kaya pusa,” naisatinig niya bago dahan-dahang humiga muli. Inayos niya ang unan at binuklat ang kumot. Nang ipikit niya ang kanyang mga mata, biglang tumunog ang tubig sa dispen
Kinabukasan, maagang nagising si Kariel. Ganoon din si Darrius, pati na ang assistant nito na si Mark. Matapos silang maglinis at magpalit ng damit, sabay-sabay silang nagtungo sa bahay ni Mang Emilio para magkape."Mark, kumain ka ba kagabi?" tanong ni Kariel habang naglalakad sila."Oo nga, Mark. Kumain ka ba kagabi?" pag-uulit ni Darrius."Hindi na kasi kita ginising bago kami naghapunan kina Mang Emilio. Alam kong pagod ka," dagdag pa ni Darrius.Pilit na ngiti lamang ang naging tugon ni Mark sa kanilang dalawa."Hala! Hindi ka ba nakapaghapunan?" gulat na tanong ni Kariel."No, nakakain naman ako kagabi. Muntikan na nga akong mapokpok ng baseball bat ng anak ni Mang Emilio," tugon ni Mark, saka ngumiti."Si Kiarah?" takang tanong ni Kariel."Oo," nakangising sagot ni Mark. "Naku! Maton din pala siya?" natatawang sabi ni Kariel. At saka tumingin kay Darrius, na ngumiti lang sa kanya, bagay na ikina-ismid niya.Hindi nagtagal, narating nila ang bahay ni Mang Emilio. Nakaupo na it
“Huwag po tayong magtulakan! Mabibigyan naman ang lahat,” anunsyo ni Kiarah. Nagtutulakan kasi ang mga tao kaya’t nauuga ang lamesa. Pagkatapos kasi nilang magkape, agad nilang inihanda ang mga ipamimigay nila sa mga residente. At agad na nagtungo sa venue. Mabuti na lang din may iilang nag-volunteer para sa pamimigay nila sa mga ka-baryo.Si Kariel at Darrius naman ay abala sa pamamahagi ng mga pagkaing nakalagay sa styro sa dulo ng court. Halos mapuno ang maliit na basketball court ng kanilang baryo sa dami ng taong dumalo.“Kiarah! Saan ko ba ito ilalagay?” tanong ni Mark habang pasan-pasan ang isang kahon na may lamang mga de-lata. Kasunod niya ang mga tanod na may dala ding mga karton.“Pakilapag na lang d'yan,” turo ni Kiarah sa tabi ng lamesa. Dahan-dahan namang inilapag ni Mark ang karton, pati na rin ng mga tanod.“Hwu.” Pinahiran ni Mark ang pawis sa noo, na agad namang napansin ni Kiarah."Ang guwapo pala nitong si Mark. Hindi mo aakalaing isang assistant lang siya,” sa is
Pagkauwi nila sa kubo, halos humapay si Kariel sa pagod. Pagod na pagod siya sa buong araw ng pamimigay ng food packs sa mga residente. Hindi lang dahil sa init at dami ng tao, kundi pati na rin sa bigat na nararamdaman niya sa sinabi ng babae kanina. Sa kabila ng ngiti, ramdam niya ang bigat na nadarama niya sa tuwing maalala ang sinabi nito."Upo ka na, Yamz. Magpahinga ka," malambing na sabi ni Darrius habang inalalayan siya papunta sa bangko. Agad naman nitong kinuha ang isang baso ng malamig na tubig at iniabot sa kanya. "Salamat," mahinang ani Kariel habang tinanggap ang tubig.Muling umupo si Darrius sa tabi niya at tinitigan ang mukha niyang pagod na pagod. Sa kabila ng pawis at pagkaputla, hindi pa rin mawala kay Darrius ang paghanga sa kagandahan ng dalaga."Masyado ka yatang napagod, Yamz. Magpahinga ka na muna," sabi ni Darrius habang hinaplos ang pisngi niya."Okay lang ako. Masaya akong nakatulong sa kanila," sagot ni Kariel habang nakangiti, bagaman may mga pag-aalinla