Chapter 41 Nasa banyo ako ng kanilang bahay, hinuhubad ko na ang aking sinturon nang biglang may kumatok sa pinto ng banyo. Sinilip ko agad ito at nakita ko ang ina ni Heart, may dalang damit. 'Siguro ay ito ang aking susuotin,' usal ko sa aking isipan. "Iho, pasensya ka na talaga. Wala kasi kaming damit panglalake, kaya itong duster ng anak ko ang naisip niyang ibigay sa'yo. At saka itong panty naman. Huwag kang mag-alala hindi yan sa akin, kanya naman ito at hindi pa niya nagamit," ngiwing sabi ni Tita sa akin. Habang sinabi ni Tita ay napakamot pa ito sa kanyang ulo saka inabot sa akin ang mga damit."Okay lang po, Tita!" wika ko. "Hito po pala ang hinubaran kong damit" dagdag kong sabi habang pinamulahan ang aking tainga sa kakahuyan. Agad naman nitong kinuha sa akin kamay. "Pasensya na talaga sa'yo, iho! Kung alam ko lang kung sino ang ama ng pinagbubuntis sa aking anak. Puputulan ko talaga ng batuta na yun. Sige na isara mo na yang pinto baka masilipan ka pa niya," wika
Chapter 42 Tatlong araw na akong pabalik-balik sa tahanan nila Heart. Sa araw na ito, ang ikatlong pagkakataon, bumalik sa akin ang mga alaala noong ipinagtapat ko ang totoo sa kanyang ina. Labis ang aking kaba at panalangin na sana’y hindi siya magalit sa akin. Flashback Bitbit ko ang mga grocery at iba pang gamit habang papunta sa bahay nila Heart. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong inisip ang magiging reaksyon ng kanyang ina. Kaya bago pa man ako pumunta rito, nagpa-makeover ako para hindi niya masabing mukha akong kawawa o pangit. Kakatok na sana ako sa pintuan nang biglang lumabas ang ina ni Heart, tila pupunta sana ito kanilang hardin ng gulay. "Magandang umaga po, tita," bati ko, pilit na ngumiti upang itago ang kaba sa aking puso. "Oh, ikaw pala, iho. Ano ang sadya mo?" tanong niya, tila nagtataka kung bakit ako naparito. "Ah, gusto ko po sana kayong makausap, kung hindi po kayo busy," panimula ko. "Ah, gano’n ba? Kung hindi ka nagmamadali, dito ka n
Chapter 43 Faith POV (Ina ni Heart) "Ngayon, iho, ano ang sasabihin mo?" Tinanong ko si Brandon habang tahimik ko siyang tinititigan. May kutob na akong may kinalaman ito sa pagdadalang-tao ng anak ko. Nakita kong napalunok siya ng mahigpit. "T-tita, ako po... hihingi muna ng tawad. Sana po, pakinggan niyo muna ako bago kayo magalit sa akin," nanginginig niyang sabi. Tiningnan ko siya nang masinsinan, at tila lalo siyang kinabahan. Bigla siyang lumuhod sa harapan ko, dahilan para mapa-singhap ako sa gulat. "Ano ba 'to, Brandon? Tumayo ka diyan," sabi ko sa kanya. Pero nanatili siya sa kanyang pwesto, saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Tita, first time ko pong nakita si Heart sa ospital sa Maynila, kung saan siya naka-assign noon. Medyo na-curious ako sa kanya dahil....dahil sa kanyang malaking dibdib at ang lakas po ng dating niya sa akin." Tumingin siya sa akin, halatang nahihiya, pero itinuloy pa rin niya. "Noong una po, akala ko parang wala lang iyon. Pero hindi ko po
Chapter 44 Brandon POV Napangiti ako sa aking sarili habang inaalala ang naging tagpo kanina. Pagkatapos kong bilhin ang manggang hilaw at ang hinihinging bagoong ni Heart, naglakad kami pabalik sa kanilang bahay. Tahimik siyang naglalakad sa tabi ko, pero ramdam ko ang panaka-nakang pagdulas ng tingin niya sa akin. Napapansin ko rin ang pamumula ng kanyang pisngi tuwing nagtatawanan ang ilang mga tao sa gilid ng daan, na malinaw na kami ang pinag-uusapan. Sa bawat hakbang, hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti."Hindi ko na palalampasin ang pagkakataong ito," bulong ko sa aking isipan. "Heart," simula ko, sabay tingin sa kanya. "Hmm?" sagot niya, ngunit hindi niya ako tinitingnan, halatang iniiwasan ang aking mga mata. "Pwede ba kitang imbitahan mamaya? Gusto sana kitang dalhin sa isang restaurant. May gusto akong sasabihin sayo," wika ko dito. 'Sana lang ay pumayag!' bulong ko sa aking isipan. Bigla siyang tumigil sa paglalakad at tumingin sa akin, bakas ang gulat
Chapter 45 Heart POV Hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko. Kinilig? Oo. Naiilang? Oo rin. Pinamulahan pa ako sa sinabi ni Brandon kanina—na akala niya’y may karibal siya. Ang hindi niya alam, kaibigan kong bakla ang sinabihan niya ng kung anu-ano. Kung titingnan mo kasi si AJ, para talaga siyang lalaki sa itsura at kilos. "A-h, eh hindi mo naman sinabi na kinasal ka na pala," sabay tingin niya sa tiyan ko. "At mukhang may laman na! Congrats, Puso!" sabi niya, may bahagyang biro sa tono. Hindi pa nakakapagsalita si Brandon nang bigla itong sumabat. "Don’t call her Puso. Ako lang ang may karapatang tumawag sa kanya ng ganyan," seryosong sabi niya. Tiningnan ko siya, pero hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. Ang dilim ng mukha niya, parang gusto niyang tumalon kay AJ para protektahan ako. "AJ, pasensya ka na ha," sabi ko para iwas-gulo. "Mag-usap na lang tayo bukas. Puntahan kita sa bahay niyo." "Sure, P... este Heart! Pareho lang yun, 'di ba? Kasi ang Tagalog ng 'Hear
Chapter 1 "Heart, gising na! Naku, ikaw talagang bata ka, pag nalate ka sa klase mo, kukurutin talaga kita sa singit!" wika ng aking butihing ina. Dahil sa lakas ng boses ni Mama, kaya siya ang ginawang naming alarm clock kasama na ang mga kaibigan kong sina Althea at Angie. Kung kapitbahay kami ni Janith, siguradong magigising talaga din ito. Sino ba naman hindi magigising sa kanyang boses para itong nakalunok ng megaphone dahil sa tinig nito. Habang tinatabunan ko ang aking mga tainga, sinilip ko ang orasan sa dingding. Ganoon na lang ang paglalaki ng mata ko nang makita kong 6:45 AM na pala. Agad akong napabalikwas saka mabilis bangon at nagmadaling tumungo sa likod ng bahay kung saan naroon ang aming paliguan. Agad kong binuksan ang gripo at sabay na umangal, dahil ngayon lang ako ginising ng aking ina. "Mama, bakit ngayon mo lang ako ginising? Malilate na ako!" pagsisisi ko dito habang nagbubuhos ng tubig sa aking ulo galing sa tabo. Nangingisay pa ako sa sobrang lami
Chapter 2 Napa tingin ako sa kay unahan dahil nakita ko silang silang dalawa nag-uusap kaya malakas ko silang tumawag. "Mga Bakla..." sigaw ko. Lumingon silang dalawa. Si Althea ay may sama ng tingin, pero si Angie, masaya, ay kumakaway at naka-ngiti. "Kahit kailan, ang ingay mo! Gusto mo talagang titigan yang dibdib mong malaki, kasing laki ng bunga ng niyog," sabi ni Althea, na agad namang kinatawan ni Angie, kaya tumingin ako sa kanya na nakasimangot. "Hahaha! Ang nag-salita, parang hindi malaki ang dibdib niya. Hoy, Althea, kasing laki lang kayo!" wika ni Angie, na nagpasimangot si Althea, pero hindi ko na napigilang tumawa. Si Althea kasi, kahit mukhang seryoso sa buhay, at may matinding personalidad ay may kapilyahan din itong tinataho. Hindi siya basta-basta at hindi mo siya dapat bastusin. Sa mga ganitong klaseng tao ay mahirap ang pagkasamahan, pero minsan may pagka kalog din ito. Pagkapasok namin sa loob ng school, nakita namin si Janith na masayang kumakawa
Chapter 3 Brandon POV Nandito kami ni Kurt sa isang birthday ng kakilala niya sa school. Naimbitahan kasi kami, kaya pinaunlakan namin. Habang papasok kami, napansin ko ang apat na babae na pumasok sa loob. Yung tatlo ay masayahin, pero yung isa ay napaka-seryoso. Pagpasok nila, nagtinginan silang apat saka pumunta sa lamesa kung nasaan ang mga pagkain. Hindi sila nag-atubiling kumuha. Yung isa, humiwa ng lechon sa bandang tiyan na malaki, habang yung isa ay kumuha ng iba’t ibang putahe—dalawang plato ang nakuha niya. Yung isa naman, kumuha ng maraming kanin. Pero yung isang babae na seryoso, pumunta sa lihenang inumin at may sinabi sa nakatalaga roon. Binigyan siya ng dalawang wine. Siguro kakilala siya ng may kaarawan. Pagkatapos, lumabas sila, at sinundan ko sila hanggang sumakay sa tricycle. Mukhang papunta sila sa dagat. "Oh bro, tulala ka ata..." tanong sa aking kaibigan. "Ha? Ah, eh may iniisip lang," palusot ko dito. "Ano?" tanong muli niya sa akin. "Tungkol s
Chapter 45 Heart POV Hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko. Kinilig? Oo. Naiilang? Oo rin. Pinamulahan pa ako sa sinabi ni Brandon kanina—na akala niya’y may karibal siya. Ang hindi niya alam, kaibigan kong bakla ang sinabihan niya ng kung anu-ano. Kung titingnan mo kasi si AJ, para talaga siyang lalaki sa itsura at kilos. "A-h, eh hindi mo naman sinabi na kinasal ka na pala," sabay tingin niya sa tiyan ko. "At mukhang may laman na! Congrats, Puso!" sabi niya, may bahagyang biro sa tono. Hindi pa nakakapagsalita si Brandon nang bigla itong sumabat. "Don’t call her Puso. Ako lang ang may karapatang tumawag sa kanya ng ganyan," seryosong sabi niya. Tiningnan ko siya, pero hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. Ang dilim ng mukha niya, parang gusto niyang tumalon kay AJ para protektahan ako. "AJ, pasensya ka na ha," sabi ko para iwas-gulo. "Mag-usap na lang tayo bukas. Puntahan kita sa bahay niyo." "Sure, P... este Heart! Pareho lang yun, 'di ba? Kasi ang Tagalog ng 'Hear
Chapter 44 Brandon POV Napangiti ako sa aking sarili habang inaalala ang naging tagpo kanina. Pagkatapos kong bilhin ang manggang hilaw at ang hinihinging bagoong ni Heart, naglakad kami pabalik sa kanilang bahay. Tahimik siyang naglalakad sa tabi ko, pero ramdam ko ang panaka-nakang pagdulas ng tingin niya sa akin. Napapansin ko rin ang pamumula ng kanyang pisngi tuwing nagtatawanan ang ilang mga tao sa gilid ng daan, na malinaw na kami ang pinag-uusapan. Sa bawat hakbang, hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti."Hindi ko na palalampasin ang pagkakataong ito," bulong ko sa aking isipan. "Heart," simula ko, sabay tingin sa kanya. "Hmm?" sagot niya, ngunit hindi niya ako tinitingnan, halatang iniiwasan ang aking mga mata. "Pwede ba kitang imbitahan mamaya? Gusto sana kitang dalhin sa isang restaurant. May gusto akong sasabihin sayo," wika ko dito. 'Sana lang ay pumayag!' bulong ko sa aking isipan. Bigla siyang tumigil sa paglalakad at tumingin sa akin, bakas ang gulat
Chapter 43 Faith POV (Ina ni Heart) "Ngayon, iho, ano ang sasabihin mo?" Tinanong ko si Brandon habang tahimik ko siyang tinititigan. May kutob na akong may kinalaman ito sa pagdadalang-tao ng anak ko. Nakita kong napalunok siya ng mahigpit. "T-tita, ako po... hihingi muna ng tawad. Sana po, pakinggan niyo muna ako bago kayo magalit sa akin," nanginginig niyang sabi. Tiningnan ko siya nang masinsinan, at tila lalo siyang kinabahan. Bigla siyang lumuhod sa harapan ko, dahilan para mapa-singhap ako sa gulat. "Ano ba 'to, Brandon? Tumayo ka diyan," sabi ko sa kanya. Pero nanatili siya sa kanyang pwesto, saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Tita, first time ko pong nakita si Heart sa ospital sa Maynila, kung saan siya naka-assign noon. Medyo na-curious ako sa kanya dahil....dahil sa kanyang malaking dibdib at ang lakas po ng dating niya sa akin." Tumingin siya sa akin, halatang nahihiya, pero itinuloy pa rin niya. "Noong una po, akala ko parang wala lang iyon. Pero hindi ko po
Chapter 42 Tatlong araw na akong pabalik-balik sa tahanan nila Heart. Sa araw na ito, ang ikatlong pagkakataon, bumalik sa akin ang mga alaala noong ipinagtapat ko ang totoo sa kanyang ina. Labis ang aking kaba at panalangin na sana’y hindi siya magalit sa akin. Flashback Bitbit ko ang mga grocery at iba pang gamit habang papunta sa bahay nila Heart. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong inisip ang magiging reaksyon ng kanyang ina. Kaya bago pa man ako pumunta rito, nagpa-makeover ako para hindi niya masabing mukha akong kawawa o pangit. Kakatok na sana ako sa pintuan nang biglang lumabas ang ina ni Heart, tila pupunta sana ito kanilang hardin ng gulay. "Magandang umaga po, tita," bati ko, pilit na ngumiti upang itago ang kaba sa aking puso. "Oh, ikaw pala, iho. Ano ang sadya mo?" tanong niya, tila nagtataka kung bakit ako naparito. "Ah, gusto ko po sana kayong makausap, kung hindi po kayo busy," panimula ko. "Ah, gano’n ba? Kung hindi ka nagmamadali, dito ka n
Chapter 41 Nasa banyo ako ng kanilang bahay, hinuhubad ko na ang aking sinturon nang biglang may kumatok sa pinto ng banyo. Sinilip ko agad ito at nakita ko ang ina ni Heart, may dalang damit. 'Siguro ay ito ang aking susuotin,' usal ko sa aking isipan. "Iho, pasensya ka na talaga. Wala kasi kaming damit panglalake, kaya itong duster ng anak ko ang naisip niyang ibigay sa'yo. At saka itong panty naman. Huwag kang mag-alala hindi yan sa akin, kanya naman ito at hindi pa niya nagamit," ngiwing sabi ni Tita sa akin. Habang sinabi ni Tita ay napakamot pa ito sa kanyang ulo saka inabot sa akin ang mga damit."Okay lang po, Tita!" wika ko. "Hito po pala ang hinubaran kong damit" dagdag kong sabi habang pinamulahan ang aking tainga sa kakahuyan. Agad naman nitong kinuha sa akin kamay. "Pasensya na talaga sa'yo, iho! Kung alam ko lang kung sino ang ama ng pinagbubuntis sa aking anak. Puputulan ko talaga ng batuta na yun. Sige na isara mo na yang pinto baka masilipan ka pa niya," wika
Chapter 40 Brandon POV Hindi ko alam ang kung titingnan pa rin ba ako sa kanya dahil bigla na lang nag-iba ang mode nito. Kanina habang nag uusapan kami at inamin ko sa kanya ang mga ginawa ko ay okay lang naman ang kanyang ugali. Nganit ngayon ay nakasimangot na ito parang ayaw n'ya ako makita kaya napamura lang ako sa aking isipan tiningnan ko ang kanyang t'yan hindi ko alam ang aking gagawin yung dibdib ko ay sobrang lakas tumambol, gusto ko s'yang yakapin at mahawakan ang kanyang t'yan kaya lang natatakot ako sa kanyang tingin hanggang nakarinig kaming salita lumabas sa kanyang bibig na tumingin pa rin sa akin habang nakasimangot. "Ang pangit pangit naman yan lalaking nakatayo tsk! Mukha s'yang amertanyong hindi naliligo, ewww! during diri nitong sabi. Kung hindi ako tinapik ni Jayson ay hindi ako matauhan saka ako umupo sa tabi n'ya pero narinig ko ang mahinang tawa sa dalawa kung kaibigan, kaya pa simpleng ko inamoy ang aking sarili. 'Hindi naman ako mabaho at isa pa h
Chapter 39Hindi ko namalayan na pumasa pala ang aking ina sa silid kung hindi ito nagsalita ah hindi ko ito mapapansin. Busy kasi aking isipan sa kakaisip kung paano ko maabot ito na hindi makikita ang mukha. "Ano ka bang bata ka, buti na lang hindi maka-intindi ng bisaya yung bisita natin at bakit ba parang pinag lilihian mo yung isang bisita natin 'ha! Nakakahiya ka kanina nilait-lait mo na ang pangit pangit ng kuha, ngayon gusto mo'ng makita ang mukha n'ya! Ibang klase ka din 'no?! wika ng aking ina. "Iwan ko po, mama!" hikbing tugon ko sa kanyang sinabi, "gusto ko s'yang makita at maamoy yung singit n'ya po," bigla kong sabi dito, hindi ko alam kung saan ng galing ang salitang singit basta bigla na lang lumabas sa aking bibig."A-ano kamo? P-paki ulit nga?" sambit ni mama habang nanlaki ang mata. "S-singit? Tama ba ako sa narinig?" dagdag nitong sabi. Tumango lang ako sa aking sagot habang humihikbi pa din."Ma, gusto ko amoying ang kanyang damit! Pwede bang hingin mo ang dami
Chapter 38 Tumayo ako agad pagkatapos naming mag-usap. Hindi ko na kayang tignan ang mukha niya. Kanina lang ay okay pa, pero ngayon, bigla na lang nag-iba ang itsura niya. Napakunot ako ng noo dahil hindi ko na gusto makita ang mukha niya, parang hindi ko na kayang tiisin. Para siyang isang karakter sa Lord of the Rings na laging nagsasabi ng "MY PRECIOUS" kapag nakita ang sing-sing. "Ang pangit naman ng lalaking 'to! Mukha siyang amerikano na hindi naliligo. Ewww!" ang sabi ko, hindi ko namalayan na malakas ang boses ko. Agad akong tinapik ni mama sa likod. Hindi ko alam na dumating na pala sila mula sa kusina. Kasama sina Jayson at Kurt. "Pasensya na iho, kasi naglilihi itong anak ko kaya ganyan ang tingin niya sa'yo. Kapag buntis, minsan hindi nila alam ang sinasabi. Sige na, upo na kayo at maghahain ako ng pagkain," sabi ni mama. Tinapik pa ni Kurt si Brandon sa balikat kaya naupo siya sa tabi ni Jayson. Pinaupo din ako ni mama, kaya wala na akong magawa kundi magtiis at tii
Chapter 37 Heart POV Limang buwan na ang lumipas, at nandito ako ngayon, nagdadalang-tao ng kambal. Nag-resign ako sa hospital at umuwi sa Cebu. Mabuti na lang at hindi pa nabenta ni Mama ang bahay. Akala ko magagalit siya sa akin, pero tinanggap niya ang nangyari. Sinabi ko sa kanya ang lahat, at tinanong niya kung kilala ko ba ang tatay. Sinabi ko hindi, kasi nga hindi ko siya kilala. Ngayon, naglalakad ako sa mall para mamili ng gamit para sa mga anak ko, nang may nakabangga sa akin. Agad siyang humingi ng paumanhin, kaya tumaas ang mukha ko at sinabi kong okay lang. Nang tumingin siya sa akin, saka ko siya nakilala. Si Jayson pala, asawa siya ni Janeth, kaibigan ko. Nagkwentuhan kami at tinanong ko kung kumusta na si Janeth. Tapos tinanong niya kung kailan ako mag-aasawa. "So, kailan ka mag-aasawa?" tanong niya. "Ah, hehe, wala akong asawa, single mom ako," sabi ko, sabay hagod sa tiyan ko. "Ilang buwan na ang tiyan mo? Parang malaki kasi," tanong pa niya. "Lima, k