Chapter 40 Brandon POV Hindi ko alam ang kung titingnan pa rin ba ako sa kanya dahil bigla na lang nag-iba ang mode nito. Kanina habang nag uusapan kami at inamin ko sa kanya ang mga ginawa ko ay okay lang naman ang kanyang ugali. Nganit ngayon ay nakasimangot na ito parang ayaw n'ya ako makita kaya napamura lang ako sa aking isipan tiningnan ko ang kanyang t'yan hindi ko alam ang aking gagawin yung dibdib ko ay sobrang lakas tumambol, gusto ko s'yang yakapin at mahawakan ang kanyang t'yan kaya lang natatakot ako sa kanyang tingin hanggang nakarinig kaming salita lumabas sa kanyang bibig na tumingin pa rin sa akin habang nakasimangot. "Ang pangit pangit naman yan lalaking nakatayo tsk! Mukha s'yang amertanyong hindi naliligo, ewww! during diri nitong sabi. Kung hindi ako tinapik ni Jayson ay hindi ako matauhan saka ako umupo sa tabi n'ya pero narinig ko ang mahinang tawa sa dalawa kung kaibigan, kaya pa simpleng ko inamoy ang aking sarili. 'Hindi naman ako mabaho at isa pa h
Chapter 41 Nasa banyo ako ng kanilang bahay, hinuhubad ko na ang aking sinturon nang biglang may kumatok sa pinto ng banyo. Sinilip ko agad ito at nakita ko ang ina ni Heart, may dalang damit. 'Siguro ay ito ang aking susuotin,' usal ko sa aking isipan. "Iho, pasensya ka na talaga. Wala kasi kaming damit panglalake, kaya itong duster ng anak ko ang naisip niyang ibigay sa'yo. At saka itong panty naman. Huwag kang mag-alala hindi yan sa akin, kanya naman ito at hindi pa niya nagamit," ngiwing sabi ni Tita sa akin. Habang sinabi ni Tita ay napakamot pa ito sa kanyang ulo saka inabot sa akin ang mga damit."Okay lang po, Tita!" wika ko. "Hito po pala ang hinubaran kong damit" dagdag kong sabi habang pinamulahan ang aking tainga sa kakahuyan. Agad naman nitong kinuha sa akin kamay. "Pasensya na talaga sa'yo, iho! Kung alam ko lang kung sino ang ama ng pinagbubuntis sa aking anak. Puputulan ko talaga ng batuta na yun. Sige na isara mo na yang pinto baka masilipan ka pa niya," wika
Chapter 42 Tatlong araw na akong pabalik-balik sa tahanan nila Heart. Sa araw na ito, ang ikatlong pagkakataon, bumalik sa akin ang mga alaala noong ipinagtapat ko ang totoo sa kanyang ina. Labis ang aking kaba at panalangin na sana’y hindi siya magalit sa akin. Flashback Bitbit ko ang mga grocery at iba pang gamit habang papunta sa bahay nila Heart. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong inisip ang magiging reaksyon ng kanyang ina. Kaya bago pa man ako pumunta rito, nagpa-makeover ako para hindi niya masabing mukha akong kawawa o pangit. Kakatok na sana ako sa pintuan nang biglang lumabas ang ina ni Heart, tila pupunta sana ito kanilang hardin ng gulay. "Magandang umaga po, tita," bati ko, pilit na ngumiti upang itago ang kaba sa aking puso. "Oh, ikaw pala, iho. Ano ang sadya mo?" tanong niya, tila nagtataka kung bakit ako naparito. "Ah, gusto ko po sana kayong makausap, kung hindi po kayo busy," panimula ko. "Ah, gano’n ba? Kung hindi ka nagmamadali, dito ka n
Chapter 43 Faith POV (Ina ni Heart) "Ngayon, iho, ano ang sasabihin mo?" Tinanong ko si Brandon habang tahimik ko siyang tinititigan. May kutob na akong may kinalaman ito sa pagdadalang-tao ng anak ko. Nakita kong napalunok siya ng mahigpit. "T-tita, ako po... hihingi muna ng tawad. Sana po, pakinggan niyo muna ako bago kayo magalit sa akin," nanginginig niyang sabi. Tiningnan ko siya nang masinsinan, at tila lalo siyang kinabahan. Bigla siyang lumuhod sa harapan ko, dahilan para mapa-singhap ako sa gulat. "Ano ba 'to, Brandon? Tumayo ka diyan," sabi ko sa kanya. Pero nanatili siya sa kanyang pwesto, saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Tita, first time ko pong nakita si Heart sa ospital sa Maynila, kung saan siya naka-assign noon. Medyo na-curious ako sa kanya dahil....dahil sa kanyang malaking dibdib at ang lakas po ng dating niya sa akin." Tumingin siya sa akin, halatang nahihiya, pero itinuloy pa rin niya. "Noong una po, akala ko parang wala lang iyon. Pero hindi ko po
Chapter 44 Brandon POV Napangiti ako sa aking sarili habang inaalala ang naging tagpo kanina. Pagkatapos kong bilhin ang manggang hilaw at ang hinihinging bagoong ni Heart, naglakad kami pabalik sa kanilang bahay. Tahimik siyang naglalakad sa tabi ko, pero ramdam ko ang panaka-nakang pagdulas ng tingin niya sa akin. Napapansin ko rin ang pamumula ng kanyang pisngi tuwing nagtatawanan ang ilang mga tao sa gilid ng daan, na malinaw na kami ang pinag-uusapan. Sa bawat hakbang, hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti."Hindi ko na palalampasin ang pagkakataong ito," bulong ko sa aking isipan. "Heart," simula ko, sabay tingin sa kanya. "Hmm?" sagot niya, ngunit hindi niya ako tinitingnan, halatang iniiwasan ang aking mga mata. "Pwede ba kitang imbitahan mamaya? Gusto sana kitang dalhin sa isang restaurant. May gusto akong sasabihin sayo," wika ko dito. 'Sana lang ay pumayag!' bulong ko sa aking isipan. Bigla siyang tumigil sa paglalakad at tumingin sa akin, bakas ang gulat
Chapter 45 Heart POV Hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko. Kinilig? Oo. Naiilang? Oo rin. Pinamulahan pa ako sa sinabi ni Brandon kanina—na akala niya’y may karibal siya. Ang hindi niya alam, kaibigan kong bakla ang sinabihan niya ng kung anu-ano. Kung titingnan mo kasi si AJ, para talaga siyang lalaki sa itsura at kilos. "A-h, eh hindi mo naman sinabi na kinasal ka na pala," sabay tingin niya sa tiyan ko. "At mukhang may laman na! Congrats, Puso!" sabi niya, may bahagyang biro sa tono. Hindi pa nakakapagsalita si Brandon nang bigla itong sumabat. "Don’t call her Puso. Ako lang ang may karapatang tumawag sa kanya ng ganyan," seryosong sabi niya. Tiningnan ko siya, pero hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. Ang dilim ng mukha niya, parang gusto niyang tumalon kay AJ para protektahan ako. "AJ, pasensya ka na ha," sabi ko para iwas-gulo. "Mag-usap na lang tayo bukas. Puntahan kita sa bahay niyo." "Sure, P... este Heart! Pareho lang yun, 'di ba? Kasi ang Tagalog ng 'Hear
Chapter 46 Brandon POV Napailing na lang ako sa huli niyang sinabi, pero hindi ko mapigilang mapangiti. Hindi ko alam kung bakit kahit sa mga banat niyang may halong pagkasuplada, lalo lang akong nahuhulog sa kanya. "Sige na, hintayin mo ako dito. Kukunin ko lang yung mga gamit na magagamit mo," sabi niya bago mabilis na umakyat patungo sa kwarto niya. Habang hinihintay siya, naisip ko na parang gusto kong magtagal dito. May kakaibang init sa bahay nila na hindi ko nararamdaman sa hotel o sa mansion namin. Siguro dahil narito siya. At narito rin ang magiging mga anak namin. Napapangiti ulit ako sa isiping iyon. Pagbaba niya, dala niya ang ilang malinis na tuwalya at mga toiletries. Inabot niya iyon sa akin habang pinapanood ako na parang pinipigilan ang matawa. "Ano'ng ngiti-ngiti mo diyan?" tanong ko. "Wala lang. Hindi ko lang akalain na ang hot-shot businessman na tulad mo, magtitiis maligo sa maliit naming banyo dito sa baba." "Heart, kahit sa poso pa ako paliguan, okay lan
Chapter 48 Heart POV Nasa kwarto ako, naghahanda ng mga gamit na kakailanganin niya sa paliligo. Kinuha ko ang shampoo, sabon, at tuwalya, saka lumabas upang iabot ang mga ito sa kanya. Pag-abot ko sa kanya ng mga gamit, napansin kong tila may hinahanap siya. "Hi'to mag palit ka muna ng damit, maligo ka na din para hindi ka mainitan," wika ko saka napaiwas ng tingin sa kanyang pandang tyan. Ngunit nagpalinga-linga lamang ito sabay kamot sa kanyang batok. "May kailangan ka pa ba?" tanong ko. "Ah, eh… ano kasi… baka magalit si tita kapag dito ako naligo. Hintayin ko na lang siyang dumating," sagot niya, halatang nag-aalangan. "Kung hihintayin mo si Mama, baka 9 PM ka pa makaligo. Nagpaalam siya sa akin na pupunta sa kainan namin," tugon ko dito. "Ah, ganoon ba?" sambit naman nito na may naisip kung ano. "Oo, kaya maligo ka na," bigkas ko dito. Tumango siya at tumalikod. Ako naman ay bumalik na sa kwarto upang maghanda rin sa sarili. Pagdating ko sa kwarto, agad akong
Chapter 268Emer POV"Halika na, Mrs. Hanson. Matutulog na din tayo," sabi ko sa akin asawa. "Hmm, tulong lang, Emer. Walang loving-loving muna 'ha?" tugon niya sa akin. Agad ako napakamot sa aking batok sabay tawa ng mahina. "Ang harsh mo naman, love," biro ko habang tinutulungan siyang mahiga sa kama. "Eh paano kung gusto ko lang yakapin ang misis ko?" dagdag ko, sabay hila sa kanya palapit.Napatingin siya sa akin ng masama pero halatang pigil ang ngiti. "Ewan ko sa'yo, Emer. Matulog ka na nga."Humiga siya ng maayos at ipinikit ang mga mata, pero hindi ko mapigilang titigan ang mukha niyang kalmado at maganda kahit pagod. Lumapit ako ng kaunti at marahang hinaplos ang kanyang pisngi."Alam mo, kahit ilang taon na tayong kasal, hindi pa rin ako nagsasawang titigan ka."Dumilat siya at sinamaan ako ng tingin. "Emer, gusto mo bang lumipat ng kama at matulog sa tabi ng triplets?"Napatawa ako at agad na niyakap siya. "Joke lang, love! Good night na. Sweet dreams."Huminga siya nang
Chapter 267Hanggang sa makarating kami sa aming mansion. Pagkababa namin ng sasakyan, agad akong lumingon kay Dad at ngumiti."Dad, salamat sa paghatid sa amin," wika ko nang may pasasalamat."Bye-bye, Lolo! Bye-bye, Lola!" sabay-sabay na sigaw ng mga anak kong sina Erwin, Ethan, at Eralyn habang masayang kumakaway.Napangiti si Mom at hinaplos ang buhok ng isa sa kanila. "Behave kayo ha," paalala niya. "Wag kayong pasaway sa Mommy at Daddy ninyo, Erwin, Ethan, at Eralyn!" dagdag pa niya sa malambing ngunit may diin na tono."Opo, Lola!" sagot nilang tatlo na parang koro."Bye din po sa inyo, Tita Claire at Tito Jimmie!" dagdag pa nila bago mabilis na tumakbo papasok sa gate ng mansion, puno ng sigla at excitement."Bye, Mom, Dad, Claire at Jimmie!" ngiti kong sabi. "Ingat kayo sa biyahe," dagdag kong sabi."Salamat, anak Sarah. Sige na pumasok muna kayo ni Emer saka kami aalis!" tugon ni Dad.Hinawakan ni Emer ang kamay ko at marahang hinila papasok ng gate. "Tara na, love. Baka gin
Chapter 265Nagkatinginan si John at Jenny, halatang may iniisip. "Gusto namin something adventurous!" sagot ni John."Tama!" dagdag ni Jenny. "Gusto naming mag-outing, siguro sa beach o kaya camping!""Naks naman, parang teen na teen na talaga kayo," sabi ni Jammie, kunwaring natutulala. "Parang kahapon lang, ang hilig ninyong maglaro ng stuffed toys at magpabitbit kay Mommy Heart.""Uy, Tito! Huwag mo nang ibuking!" nahihiyang sabi ni Jenny habang namumula ang pisngi.Muling nagtawanan ang lahat."Okay, so Avengers theme para sa triplets, at adventure naman para sa kambal. Mukhang magiging busy tayo sa susunod na buwan," sabi ni Kiera habang nakangiti."Siyempre! Pero worth it naman, kasi para sa mga bata," sagot ko.Tumingin ako sa paligid, sa mga ngiti at tawanan ng pamilya namin. Walang katumbas ang ganitong saya. Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan namin noon, heto kami ngayon—buo, masaya, at walang katumbas ang pagmamahal sa isa't isa.At sa isip ko, isa lang ang dasal ko: Sana,
Chapter 264Sarah POVNapangiti ako habang pinagmasdan ang tatlong maliliit kong pamangkin. Miss ko na rin mag-alaga ng sanggol. Ang bilis ng panahon, parang kailan lang ay karga-karga ko rin ang triplets ko—ngayon ay malapit na silang magpitong taong gulang sa March 5.Kasabay nilang magdiriwang ng kaarawan ang dalawa ko pang pamangkin na sina Jace at Jasmine, ang kambal nina Jimmie at Claire. Napakabilis ng panahon, parang kahapon lang, mga babies pa sila.Lumapit sa akin si Jimmie habang karga si Jasmine. "Sarah, naisip mo na ba kung paano natin ipagdiriwang ang birthday ng mga bata?" tanong niya.Napaisip ako saglit bago sumagot. "Well, since sabay-sabay naman silang magbi-birthday, naisip ko na baka puwede tayong mag-organize ng isang malaking party para sa kanila. Masaya ‘yun, lalo na’t mahilig sila sa Avengers. Puwede tayong magpa-theme party!"Napatango si Claire na nakikinig sa usapan namin. "Oo nga! Naalala ko, ilang beses nilang binanggit na gusto nilang maging superheroes
Chapter 263 Napuno ng tawanan ang buong hardin habang ang mga bata ay patuloy sa kanilang laro. Kami namang mga nakatatanda ay nagkatinginan ni Jammie at Jimmie, parehong natutuwa sa kasiyahan ng pamilya. “Sobrang saya nila,” bulong ko kay Kiera. Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti. “Oo nga. Wala nang hihigit pa sa ganitong saya, ‘di ba? Buo ang pamilya, masaya ang lahat.” Napatingin ako sa paligid—sa aming mga anak na inaalagaan nina John at Jenny, sa aming mga magulang na masayang pinagmamasdan ang kanilang mga apo, at sa aming mga kapatid na punong-puno ng tawanan at pagmamahal. "Sandali, ang daya naman. Ang dami na ninyo tapos ako lang ang mag-isa," reklamo ni Emer na ikinatawa naming lahat. Napatingin sila sa amin ni Jimmie kaya napangiti ako. "Hmm, mukhang isasali kayo sa habulan Jammie," sabi sa aking asawa na si Kiera. "So, sasali tayo. Bal? ngiti kong tanong kay Jimmie. " Tito Jammie, Daddy sali na kayo!" sigaw sa aking pamangkin na anak ni Jimmie na si Jace
Chapter 262 Lumipas ang linggo, handa na ang lahat sa maliit na salo-salo. Ang mga pamilya lang namin ang bisita. Sila ni Mommy Heart, Daddy Brandon. Jimmie at Claire kasama ang kanilang kambal na anak sina Jace at Jasmine. Ang bunso naming kapatid na si Sarah kasama ang kanyang asawa na si Emer at ang triplets nitong anak, sina Ethan, Erwin at Early . Habang sina John at Jenny ay busy sa maalaga sa kanilang kapatid na mag 2 Months na ngayon ang triplets. Kasama nila ang aking biyanan na lalaki si Papa.Masaya at puno ng tawanan ang buong mansion habang nagtitipon-tipon ang aming pamilya. Ang bango ng mga inihandang pagkain ni Manang Rosa ay kumalat sa buong paligid—may beefsteak, pancit, lechon manok, at iba pang paborito ng lahat.Nakita kong abala sina John at Jenny sa pag-aalaga sa kanilang mga nakababatang kapatid. Napangiti ako habang pinagmamasdan silang dalawa. Kahit 12 years old na sila, kitang-kita pa rin ang pagiging malambing at responsable nilang kuya at ate sa triplet
Chapter 261 Tumawa ako. "Para saan pa yun kung hindi pa sila kakain?" "Syempre, for aesthetic lang!" natatawa niyang sagot. "Gusto ko lang na special ang araw na yun para sa kanila, kahit hindi pa nila maiintindihan." Hinila ko siya palapit at hinalikan sa noo. "Anything for you and our babies, Love. Ako na ang bahala sa decorations, ikaw na sa food, okay?" "Deal!" sagot niya, sabay yakap sa akin nang mahigpit. Habang nakayakap kami, biglang umiyak ang isa sa triplets mula sa nursery room. Nagkatinginan kami ni Kiera at sabay kaming napatawa. "Parang narinig nila ang pinag-uusapan natin," biro ko. "Sige, ako na ang pupunta," sabi niya, sabay tayo. "Check mo na rin yung gagamitin natin sa party, ha?" "Yes, Ma'am!" sagot ko na may ngiti, habang pinagmamasdan ang asawa kong abala sa pagiging isang mapagmahal na ina. Sa sandaling iyon, narealize kong wala na akong mahihiling pa. Ang pamilya ko ang pinakamahalagang biyaya sa buhay ko.Habang pinagmamasdan ko si Kiera na nakatitig
Chapter 260Jammie POVHabang karga ko ang isa sa triplets namin, hindi ko maiwasang mapangiti. Ang liit-liit pa niya, pero ang lakas na ng kapit ng maliliit niyang kamay sa daliri ko. Para bang ayaw niya akong pakawalan."Love, tingnan mo," sabi ko kay Kiera habang pinapakita ang mahigpit na kapit ng anak namin sa daliri ko. "Mukhang ayaw akong bitawan nito ah."Lumapit si Kiera at hinaplos ang maliit na noo ng baby namin. "Syempre, mahal na mahal ka niyan. Alam niya na ikaw ang daddy niya."Napangiti ako at hinalikan ang noo ng anak namin. "Hindi lang naman ako, pati ikaw. Alam mo ba, kapag ikaw ang bumubuhat sa kanila, mas mabilis silang kumalma?"Natawa si Kiera. "Siguro kasi mas sanay silang marinig ang boses ko mula pa sa tiyan ko."Tumango ako. "Makes sense. Pero kahit na, feeling ko, Mommy’s babies talaga itong mga ‘to."Napatawa siya at umiling. "Ikaw talaga. Pero hindi naman ako magrereklamo kung Daddy’s babies sila, ha?"Inilipat ko ang baby namin sa balikat ko at marahang
Chapter 259Lumipas ang mga oras ay nagpapaalam na silang umuwi dahil hina-hanap na sila ng kambal nila."Sige, mag-iingat kayo sa pag-uwi. Sent regards to mom at dad. Ang tinutukoy ko ay ang mga biyanan naming dalawa.Ngumiti si Claire at tumango. "Oo, ipapaabot ko. Baka gusto niyo ring dumaan sa bahay this weekend? Para naman makapag-bonding ulit ang mga bata."Napatingin ako kay Jammie na ngayon ay pawisan pa rin pero abala sa pag-inom ng tubig. "Ano, love? Punta tayo kina Jimmie this weekend?"Tumango siya at ngumiti. "Sige, maganda ‘yan. Para makapaglaro ulit ang mga bata."Masayang tumango si Claire bago bumaling kay Jimmie. "Aalis na tayo?""Sige, love. Magpapalit lang ako ng shirt," sagot ni Jimmie bago mabilis na nagpaalam kay Jammie at lumakad papasok ng bahay.Humarap ulit sa akin si Claire at hinawakan ang kamay ko. "Salamat sa kwentuhan, Kiera. Ang sarap lang balik-balikan ‘yung dati nating buhay. Pero masaya rin ako sa kung anong meron tayo ngayon."Ngumiti ako at hinigp