Chapter 147Napansin kong naging maayos din ang aura ni Jimmie matapos ang usapan. Maya-maya, napuno ulit ng ingay at tawanan ang silid habang ipinakilala ni Jimmie ang sarili niya kay John at Jenny. Unti-unting nawala ang bigat sa paligid, at sa kabila ng mga unang tensyon, parang may simula ng bagong koneksyon sa pagitan naming lahat.Habang tumatagal ang aming usapan, napansin ko ang pagiging palakaibigan ni Claire. Hindi nagtagal ay unti-unti na rin akong nakapagbukas sa kanya, at doon ko nalaman ang ilan sa kanyang mga kwento."Alam mo," simula niya habang inaayos ang buhok niya, "dati akong exclusive assistant nina Jimmie at Jammie. Mahirap maniwala, pero doon talaga nagsimula ang lahat."Napangiti ako, interesado sa kanyang kwento. "Talaga? Paano ka napunta dito?"Tumawa siya nang mahina at tumingin kay Jimmie, na abala sa paglalaro kina John at Jenny. "Simpleng tao lang ako noon, tulad mo. Nagtrabaho ako bilang assistant sa kumpanya nila. Mahirap sa umpisa, lalo naât sobrang t
Chapter 148Kahit na napapaligiran ako ng mga tao na may malalaking pangarap at magagandang pagkakataon, naramdaman ko pa rin ang kaunting takot. Takot na baka hindi ko kayanin, takot na baka magkamali ako, o takot na baka hindi ako sapat para sa mga inaasahan nila."Don't overthink it, Kiera," sabi ni Jammie, na tila nakaramdam ng aking pag-aalinlangan. "Wala nang makakapigil sa'yo. Sigurado akong magiging maganda ang lahat, dahil nakikita ko ang dedikasyon mo."Nakita ko ang mga mata ni Jammie, puno ng tiwala at suporta. Ang mga salitang iyon ay parang naging gabay sa aking puso, na nagsabi sa akin na hindi ko kailangang mag-isip nang sobra."Salamat, Jammie," sagot ko, may ngiti sa labi. "Alam mo, hindi ko inasahan na magiging ganito ang mga bagay. Tinutulungan mo ako na makita ang mas magandang perspektibo sa buhay.""Yan ang gusto kong marinig," wika niya, sabay kindat sa akin. "Huwag mong kalimutang palagi akong nandito."Habang nag-uusap kami, naramdaman ko na unti-unti kong na
Chapter 149 Jammie POV Isang taon na ang lumipas, at damang-dama ko ang pagbabago sa aking buhay. Si Kiera at ang mga anak naminâsi John at Jennyâang naging dahilan kung bakit ako patuloy na lumalaban at nagsusumikap. Habang tumatagal, nararamdaman ko ang pagmamahal ko sa kanya, at alam ko na ito na ang tamang oras para gawin ang isang hakbang na matagal ko nang binabalak. Ngayon, nagpre-prepare ako para sa isang proposal. Ang proposal na magpapakita sa kanya ng lahat ng nararamdaman ko. Hindi ko na kayang itago pa. Alam ko, ramdam ko, na siya na ang para sa akin. Nasa opisina ako ngayon, tinitingnan ang proposal na nilikha ko para sa kanya. Ang bawat salita, bawat detalye, ay isinulat ko ng may puso at malasakit. Hindi ko alam kung paano ko siya aanyayahan, pero sigurado ako sa desisyon ko. Gusto ko siyang makasama habang buhay. Kinabahan ako. Hindi ko inaasahan na sa isang taon, ang buhay ko ay magbabago nang ganito. Pero ang kagalakan na dulot niya sa akin, ang mga mata ni
Chapter 150 Dahil sa sagot ni Kiera, hindi ko mapigilang ngumiti nang malaki at maramdaman ang saya na hindi ko pa nararanasan sa buong buhay ko. Ang kaba na kanina'y halos hindi ko makontrol ay napalitan ng labis na kaligayahan. Agad kong hinawakan ang kamay niya at niyakap siya ng mahigpit, na parang ayokong pakawalan. "Kiera, salamat. Salamat sa pagbibigay mo ng pagkakataon na maging bahagi ng buhay mo at ng pamilya natin." Ramdam ko ang pagtibok ng puso ko na tila sasabog sa sobrang tuwa. Habang yakap ko siya, naramdaman ko ang marahan niyang pagtango sa balikat ko. "Bakit parang ang saya-saya mo? Para kang bata," biro niya habang bahagyang tumatawa. "Totoo naman, Kiera! Para akong nanalo sa lottery na hindi ko inaasahan." Kumalas ako sa yakap at hinawakan ang kanyang mga kamay, tumingin nang deretso sa kanyang mga mata. "Ikaw na ang pinakamatamis na 'oo' sa buong buhay ko." Hindi ko namalayan na pinanood pala kami ng mga impleyado ko at kasamahan nito hanggang nag palakpaka
Chapter 151Napatakip ng bibig si Kiera, pigil ang tawa. Napailing ako pero sinubukan kong sagutin nang mahinahon ang tanong ng kambal. "Ah, ganito kasi 'yon, mga anak. Ang baby ay ginagawa ni God at inilalagay niya ito sa loob ng tummy ng mga mommy. Kaya kailangan nilang mag-ingat at kumain ng masusustansya para sa baby, okay?""Wow!" sabi ni Jenny, tila amazed. "Ang galing naman ni God! So ibig sabihin, si God din ang naglagay sa amin ni Kuya John sa tummy ni Mommy?""Exactly," sagot ko, ngumingiti. "Kaya mahalaga na laging nagpapasalamat tayo kay God dahil binigyan niya tayo ng pamilya."Tumango si Kiera sa tabi ko at sumingit, "At tama rin si Dad niyo. Kaya tayo dapat maging mabait at matulungin lalo na kapag dumating na ang bagong baby sa mansyon, ha?""Yes, Mommy!" sabay na sagot nina John at Jenny. Ramdam ko ang tuwa nila sa balitang ito, pero higit pa roon, alam kong masaya sila dahil bahagi kami ng bawat tanong at kwento nila."Okay, magpakabait kayong dalawa, ha?" sabi ko ba
Chapter 152 Pagdating namin sa mansyon, naabutan namin ang masayang selebrasyon. Ang buong pamilya ay nagtitipon sa malaking sala, puno ng tawanan at kwentuhan. Si Sarah, ang bunso naming kapatid, ay nakaupo sa sofa habang inaasikaso ng asawa niyang si Emer. Samantalang si Claire, ang aking manugang, ay nakangiti habang hawak ang kamay ng aking kakambal na si Jimmie, na tila hindi maalis ang tingin sa asawa niya. Ramdam ang saya sa paligid habang pinag-uusapan ang kanilang pagbubuntis. Ang bawat isa ay abalaâang mga bata ay tumatakbo-takbo, at ang mga matatanda ay abala sa pagbati at pagbibigay ng payo kina Sarah at Claire. Ngunit sa kabila ng kasiyahan, hindi ko mapigilang makaramdam ng kaunting panghihinayang. Habang pinagmamasdan ko si Emer na maingat na nakaalalay kay Sarah, may kirot sa puso ko. Hindi ko kailanman naranasan ang mag-alaga ng buntisâang maging nandiyan sa bawat hakbang ng pagdadalang-tao. Napansin ni Kiera ang pananahimik ko at bahagyang hinila ang braso ko.
Chapter 153 Niyakap ako ng kambal habang si Kiera ay nakangiti lang, halatang napuno ng ligaya. Lumapit sa amin si Mang Tonyo, ang ama ni Kiera, at may ngiti sa kanyang mukha. "Anak, masaya akong makita kang ganito kasaya. Ipinagmamalaki kita." "Salamat, Tay," sagot ni Kiera, na bahagyang napaluha. Sa sandaling iyon, ramdam ko na ang araw na ito ay isa sa mga pinakaespesyal sa aming lahat. Hindi lang ito isang pagdiriwang ng reunion kundi simula rin ng bago at masayang kabanata sa aming pamilya. Habang yakap-yakap namin ang kambal, tumayo si Mommy at Daddy, parehong puno ng ngiti. Si Mommy ang unang nagsalita. "Ang tagal naming hinintay ang araw na ito," sabi ni Mommy, sabay tingin kay Kiera. "Matagal ka na naming tinuturing na bahagi ng pamilya, Kiera. Ngayon, magiging opisyal na talaga." Tumango si Daddy. "Tama si Mommy mo. Sa wakas, buo na talaga ang pamilya ninyo." Lumapit si Emer at pabirong binatukan ako. "Kailan pa 'to, bro? Ba't hindi mo sinabi agad?" Napatawa ak
Chapter 154Paglabas namin sa silid ng kambal, pareho kaming tahimik na naglakad papunta sa hallway. Nang makarating kami sa harap ng kanyang silid, huminto si Kiera at tumingin sa akin."Good night, Dante," malambing niyang sabi, sabay ngiti.Ngumiti rin ako at tumango. "Good night, Kiera. Magpahinga ka na. Kung may kailangan ka, tawagin mo lang ako."Bagama't engaged na kami, hindi ko pa rin maiwasang igalang ang kanyang espasyo at desisyon. Alam kong mahirap para sa kanya ang lahat ng pinagdaanan namin, at bilang isang lalaki, responsibilidad ko na bigyan siya ng respeto, lalo naât siya ang ina ng aking mga anak."Salamat," mahinang tugon niya. "Salamat sa lahat ng ginagawa mo para sa akin at sa mga bata."Lumapit ako, hinawakan ang kanyang kamay, at tinitigan siya nang diretso sa mata. "Hindi mo kailangang magpasalamat, Kiera. Ginagawa ko ito dahil mahal kita. Gusto ko lang siguraduhin na lagi kang masaya at ligtas."Bahagya siyang ngumiti at tumango bago tumalikod at pumasok sa k
Chapter 234Kiera POVWell, noong panahong nabuo ang pinsang ninyo na si John at Jenny ay hindi ko alam na ang ama pala nila ay ang Tito Jammie ninyo," panimula ko. "Hanggang nagtrabaho ako sa company niya ni hindi ko akalain na siya pala ang ama sa anak ko. Hanggang nagkaalaman na at inilayo ko ang pinsan ninyo para hindi nila kunin. Dahil takot ako sa kanila ba kaba ilayo nila ang kambal. Pero sinundan nila kami ni Mommy Heart at Daddy Brandon na inyong lolo't lola, hanggang doon nag simula ang aming buhay pag-ibig. Habang ikinukuwento ko ang lahat, nakita ko ang lalong pagkinang ng mga mata ni Jasmine, tila ba lalo siyang nasasabik sa bawat detalye. Si Ethan, Eralyn, at Erwin naman ay tahimik na nakikinig, parang pinipilit intindihin ang mga pangyayari."Wow, Tita Kiera!" sabi ni Jasmine, sabay hawak sa kamay ko. "Ibig sabihin, destiny po talaga kayo ni Tito Jammie?"Napangiti ako at tumingin kay Jammie, na bahagyang natawa. "Depende kung paano mo titingnan, Jasmine," sagot ko. "
Chapter 233 Nag-isip ako sandali bago sumagot. âPara may tatlong pangalan sila na simbolo ng bawat isa sa kanila. Si Jacob, si Jaden, at si Jaredâlahat sila may kakaibang kahulugan sa aming pamilya.â Tumingin si Kiera sa akin, ang mata niyang puno ng pagmamahal. "At ang mga pangalan nila, tulad ng sa mga ninuno namin, ay may special na kahulugan. Pinili namin silang bigyan ng mga pangalang magbibigay inspirasyon sa kanila paglaki." Nag-ala curious si Jasmine, nilingon ang mga triplets at nagtanong ulit, âAno po yung ibig sabihin ng bawat pangalan nila, Tito?â Habang si Kiera ay tinitingnan ang mga anak namin, nagsimula siyang magsalita. "Si Jacob Brandonâang pangalan ni Brandon, ang daddy ni Jimmie. Ibig sabihin, si Jacob ay lakas at tapang." âSi Jaden Bryce, naman,â dagdag ko, "ay para sa pag-ibig at pagbibigay sa iba ng matibay na suporta. Bryce ang pangalan na may kahulugan ng lakas ng loob." "At si Jared Blake," patuloy ni Kiera, "ang pangalan ay nagmula sa pangalan ng mga n
Chapter 232 Jammie POV Isang linggo ang mabilis na lumipas, at sa wakas, nakalabas na rin si Kiera at ang aming mga triplets sa ospital. Alam naming magiging mahirap ang adjustment para sa kanya, kaya naman naisip naming maghanda ng maliit na sorpresa para sa kanila pag-uwi. Sa sala ng bahay, abala si Mommy Heart at si Sarah sa pag-aayos ng dekorasyonâmay mga pastel-colored balloons at banner na may nakasulat na "Welcome Home, Kiera & the Triplets!" Sa kusina naman, si Daddy Brandon at si Ethan ay abala sa paghahanda ng mga pagkain. Si Jenny at John naman ay excited na naghahanda ng mga laruan at baby essentials. Habang inaayos ang isang maliit na crib sa sala, lumapit sa akin si Sarah, may hawak na stuffed teddy bear. "Kuya, tingin mo magugustuhan âto ng mga baby?" tanong niya, nakangiti. Napangiti ako habang tinitingnan ang hawak niyang laruan. "Siyempre naman. Pero mas magugustuhan nila pag ikaw mismo ang nag-alaga sa kanila." Natawa siya at bahagyang tumango. "Siyempre! Pero
Chapter 231Brandon POVTahimik kong pinagmamasdan ang aking pamilya. Sa loob ng maraming taon, dumaan kami sa napakaraming pagsubokâmga alitan, trahedya, at muntikang pagkawala ng isaât isa. Ngunit sa sandaling ito, sa harap ng tatlong bagong buhay na isinilang sa aming pamilya, alam kong may bagong simula para sa aming lahat.Lumapit ako sa crib kung saan mahimbing na natutulog sina Jacob, Jaden, at Jared. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang maliliit nilang mukhaâwalang muwang, payapa, at puno ng pag-asa. Para silang mga bituin sa madilim na kalangitan, nagbibigay-liwanag at pag-asa sa aming pamilya."Ang tatlong musmos na ito," mahina kong bulong habang tinatapik ang braso ni Jammie, "sila ang bagong henerasyon ng mga Flores. At bilang Lolo nila, sisiguraduhin kong mararamdaman nila ang pagmamahal at gabay na naramdaman niyo rin mula sa akin."Nagkatinginan kami ni Jammie, at sa kanyang mga mata, nakita ko ang parehong determinasyon na dati kong nakita sa aking sarili noong nagi
Chapter 230 Pagdating namin sa nursery room, tahimik kaming pumasok. Naroon si Kiera, nakahiga sa kama, bagamat halatang pagod ay may ningning sa kanyang mga mata habang nakatingin sa tatlong maliit na anghel na nasa crib sa tabi niya. "Mommy!" halos sabay na tawag ni Jenny at John bago patakbong lumapit sa kama. Marahang niyakap ni Jenny ang ina, habang si John naman ay maingat na hinawakan ang kamay nito. "Hello, my babies," bulong ni Kiera habang tinitingnan ang kanyang tatlong anak. "Eto na ang mga bagong miyembro ng pamilya natin." Si Jammie, hindi na maitago ang tuwa, marahang itinuro ang tatlong sanggol. "Siya si Jacob Brandon Flores, ang panganay. Ang pangalawa naman si Jaden Bryce Flores, at ang bunso, si Jared Blake Flores." Napatango ako at hindi ko mapigilan ang mapangiti. "Magaganda ang mga pangalan nila, apo. Sigurado akong magiging matitibay at mabubuting lalaki rin sila balang araw." Napakagat-labi si Jenny habang pinagmamasdan ang tatlong baby boys. "Grabe,
Chapter 229Marahang pinisil ni Brandon ang kamay ni Jammie at Jimmie, na para bang sinasabing naririnig niya ang bawat salita namin. Napalunok ako ng laway bago muling lumapit sa kanya, marahang hinahaplos ang kanyang pisngi."Mahal, hindi mo alam kung gaano kami kasaya ngayon. Laban lang, ha? Hindi kami magsasawang maghintay sa âyo."Kitang-kita ko ang bahagyang paggalaw ng kanyang pilikmata. Kahit hindi pa niya kayang idilat nang tuluyan ang kanyang mga mata, sapat na ito para sa amin.Napatingin ako sa doktor na kanina pa rin nasa kwarto, tahimik na inoobserbahan ang nangyayari. Ngumiti siya at tumango. "This is a very good sign. Sa mga susunod na araw, posibleng mas maging responsive na siya. Magandang senyales na malapit na siyang magising."Halos sabay-sabay kaming napabuntong-hininga sa tuwa."Narinig mo âyon, Dad?" tanong ni Jammie. "Ibig sabihin, malapit ka nang gumising. Hindi na kami maghihintay nang matagal."Hinaplos ni Jimmie ang kamay ng ama. "At kapag nagising ka na,
Chapter 228 Napangiti ako sa lambing ng aking apo. Alam kong kahit mahina pa si Brandon, mararamdaman niya ang pagmamahal ng kanyang pamilya. "Jammie, Keira, ihatid niyo na sila sa bahay. Siguraduhin mong makapagpahinga ka, lalo't malaki na ang tiyan mo," bilin ko. "Yes, Mom," sagot ni Jammie bago inalalayan si Keira palabas kasama ang kanilang panganay na kambal anak. Habang pinagmamasdan kong lumabas sila, muli akong napatingin kay Brandon. Hinawakan ko ang kanyang kamay at marahang hinaplos ito. "Mahal, bumangon ka na ha? Hindi pa tapos ang kwento natin." At sa unang pagkakataon, naramdaman kong bahagyang gumalaw ang kanyang mga daliri sa aking palad.Napasinghap ako sa gulat. Hindi ako sigurado kung totoo ang naramdaman ko o isang ilusyon lamang ng aking pagnanais na magising siya. Muling hinaplos ng hinlalaki ko ang likod ng kanyang kamay, at doon ko muling naramdamanâbahagyang paggalaw ng kanyang mga daliri."BrandonâĶ" halos pabulong kong tawag sa kanya, puno ng pag-asa at
Chapter 227Heart POV"Mom, kailangan mo munang magpahinga," wika ni Jammie.Pinilit kong ngumiti sa aking anak kahit alam kong halata ang pagod at lungkot sa aking mukha. "Anak, paano ako magpapahinga kung nandito pa rin tayo sa ospital, hinihintay ang balita kay Daddy ninyo?"Hinawakan ni Jammie ang aking kamay. "Mom, kahit sandali lang. Kailangan mong magpahinga para kapag nagising si Dad, malakas ka."Sumang-ayon si Jimmie. "Tama si Kuya, Mom. Kami na muna ang magbabantay kay Dad. Kailangan mong alagaan ang sarili mo."Napatingin ako kay Sarah, na nakatingin rin sa akin nang may pag-aalala. "Mom, ayaw naming mahimatay ka ulit. Lalo na ngayon na may pag-asa pang gumaling si Dad."Tumingin ako sa paligid at nakita kong kahit ang mga apo namin ay tahimik na nakamasid, halatang pagod at balisa. Si John ay hindi pa rin bumibitaw sa pagkakayakap kay Jammie, habang si Jenny ay patuloy na nakabantay.Huminga ako nang malalim. "Sige... Pero dito lang ako sa hospital. Hindi ako aalis hangga
Chapter 226Jimmie POV"Mom! Mom!" sigaw ko habang sinalo ang katawan ni Mom nang bigla siyang mawalan ng malay."Code Blue! Dalawang pasyente na ang critical!" sigaw ng isang nurse habang mabilis na dinala si Dad sa ICU at si Mom naman ay agad na inasikaso ng mga doktor.Nakahawak lang ako sa kamay ni Mom, hindi alintana ang panginginig ko. Si Kiera, Sarah, at Jammie ay hindi mapakali, habang ang mga bata naman ay tahimik na umiiyak sa tabi ni Uncle Jean.Lahat kami ay nasa isang malaking bangungot."Kuya... ano'ng gagawin natin?" mahina pero nanginginig na tanong ni Sarah.Tumingin ako sa ICU kung saan inililipat si Dad. Hindi ko alam ang sagot. Hindi ko alam kung paano namin haharapin ito.Lumingon ako kay John, na nasa tabi ni Jenny habang nanginginig sa takot. Siya ang dahilan kung bakit nadisgrasya si Dadâpero hindi niya ginusto ito. Hindi kasalanan ni John ang nangyari. Nawala ang preno ng sasakyan kaya sila naaksidente.Niluhuran ko si John at hinawakan ang balikat niya. "John