Home / Romance / PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1) / ❤ Umusbong ang kasiyahan ❤ Chapter 150

Share

❤ Umusbong ang kasiyahan ❤ Chapter 150

Author: SKYGOODNOVEL
last update Last Updated: 2025-01-20 19:41:30

Chapter 150

Dahil sa sagot ni Kiera, hindi ko mapigilang ngumiti nang malaki at maramdaman ang saya na hindi ko pa nararanasan sa buong buhay ko. Ang kaba na kanina'y halos hindi ko makontrol ay napalitan ng labis na kaligayahan.

Agad kong hinawakan ang kamay niya at niyakap siya ng mahigpit, na parang ayokong pakawalan. "Kiera, salamat. Salamat sa pagbibigay mo ng pagkakataon na maging bahagi ng buhay mo at ng pamilya natin."

Ramdam ko ang pagtibok ng puso ko na tila sasabog sa sobrang tuwa. Habang yakap ko siya, naramdaman ko ang marahan niyang pagtango sa balikat ko.

"Bakit parang ang saya-saya mo? Para kang bata," biro niya habang bahagyang tumatawa.

"Totoo naman, Kiera! Para akong nanalo sa lottery na hindi ko inaasahan." Kumalas ako sa yakap at hinawakan ang kanyang mga kamay, tumingin nang deretso sa kanyang mga mata. "Ikaw na ang pinakamatamis na 'oo' sa buong buhay ko."

Hindi ko namalayan na pinanood pala kami ng mga impleyado ko at kasamahan nito hanggang nag palakpaka
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    🥰 Celebrate 🥰 Chapter 151

    Chapter 151Napatakip ng bibig si Kiera, pigil ang tawa. Napailing ako pero sinubukan kong sagutin nang mahinahon ang tanong ng kambal. "Ah, ganito kasi 'yon, mga anak. Ang baby ay ginagawa ni God at inilalagay niya ito sa loob ng tummy ng mga mommy. Kaya kailangan nilang mag-ingat at kumain ng masusustansya para sa baby, okay?""Wow!" sabi ni Jenny, tila amazed. "Ang galing naman ni God! So ibig sabihin, si God din ang naglagay sa amin ni Kuya John sa tummy ni Mommy?""Exactly," sagot ko, ngumingiti. "Kaya mahalaga na laging nagpapasalamat tayo kay God dahil binigyan niya tayo ng pamilya."Tumango si Kiera sa tabi ko at sumingit, "At tama rin si Dad niyo. Kaya tayo dapat maging mabait at matulungin lalo na kapag dumating na ang bagong baby sa mansyon, ha?""Yes, Mommy!" sabay na sagot nina John at Jenny. Ramdam ko ang tuwa nila sa balitang ito, pero higit pa roon, alam kong masaya sila dahil bahagi kami ng bawat tanong at kwento nila."Okay, magpakabait kayong dalawa, ha?" sabi ko ba

    Last Updated : 2025-01-20
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    💛 Kasiyahan 💛Chapter 152

    Chapter 152 Pagdating namin sa mansyon, naabutan namin ang masayang selebrasyon. Ang buong pamilya ay nagtitipon sa malaking sala, puno ng tawanan at kwentuhan. Si Sarah, ang bunso naming kapatid, ay nakaupo sa sofa habang inaasikaso ng asawa niyang si Emer. Samantalang si Claire, ang aking manugang, ay nakangiti habang hawak ang kamay ng aking kakambal na si Jimmie, na tila hindi maalis ang tingin sa asawa niya. Ramdam ang saya sa paligid habang pinag-uusapan ang kanilang pagbubuntis. Ang bawat isa ay abala—ang mga bata ay tumatakbo-takbo, at ang mga matatanda ay abala sa pagbati at pagbibigay ng payo kina Sarah at Claire. Ngunit sa kabila ng kasiyahan, hindi ko mapigilang makaramdam ng kaunting panghihinayang. Habang pinagmamasdan ko si Emer na maingat na nakaalalay kay Sarah, may kirot sa puso ko. Hindi ko kailanman naranasan ang mag-alaga ng buntis—ang maging nandiyan sa bawat hakbang ng pagdadalang-tao. Napansin ni Kiera ang pananahimik ko at bahagyang hinila ang braso ko.

    Last Updated : 2025-01-20
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    🤍 Bedtime Story 🤍 Chapter 153

    Chapter 153 Niyakap ako ng kambal habang si Kiera ay nakangiti lang, halatang napuno ng ligaya. Lumapit sa amin si Mang Tonyo, ang ama ni Kiera, at may ngiti sa kanyang mukha. "Anak, masaya akong makita kang ganito kasaya. Ipinagmamalaki kita." "Salamat, Tay," sagot ni Kiera, na bahagyang napaluha. Sa sandaling iyon, ramdam ko na ang araw na ito ay isa sa mga pinakaespesyal sa aming lahat. Hindi lang ito isang pagdiriwang ng reunion kundi simula rin ng bago at masayang kabanata sa aming pamilya. Habang yakap-yakap namin ang kambal, tumayo si Mommy at Daddy, parehong puno ng ngiti. Si Mommy ang unang nagsalita. "Ang tagal naming hinintay ang araw na ito," sabi ni Mommy, sabay tingin kay Kiera. "Matagal ka na naming tinuturing na bahagi ng pamilya, Kiera. Ngayon, magiging opisyal na talaga." Tumango si Daddy. "Tama si Mommy mo. Sa wakas, buo na talaga ang pamilya ninyo." Lumapit si Emer at pabirong binatukan ako. "Kailan pa 'to, bro? Ba't hindi mo sinabi agad?" Napatawa ak

    Last Updated : 2025-01-20
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    💛 Respeto 💛 Chapter 154

    Chapter 154Paglabas namin sa silid ng kambal, pareho kaming tahimik na naglakad papunta sa hallway. Nang makarating kami sa harap ng kanyang silid, huminto si Kiera at tumingin sa akin."Good night, Dante," malambing niyang sabi, sabay ngiti.Ngumiti rin ako at tumango. "Good night, Kiera. Magpahinga ka na. Kung may kailangan ka, tawagin mo lang ako."Bagama't engaged na kami, hindi ko pa rin maiwasang igalang ang kanyang espasyo at desisyon. Alam kong mahirap para sa kanya ang lahat ng pinagdaanan namin, at bilang isang lalaki, responsibilidad ko na bigyan siya ng respeto, lalo na’t siya ang ina ng aking mga anak."Salamat," mahinang tugon niya. "Salamat sa lahat ng ginagawa mo para sa akin at sa mga bata."Lumapit ako, hinawakan ang kanyang kamay, at tinitigan siya nang diretso sa mata. "Hindi mo kailangang magpasalamat, Kiera. Ginagawa ko ito dahil mahal kita. Gusto ko lang siguraduhin na lagi kang masaya at ligtas."Bahagya siyang ngumiti at tumango bago tumalikod at pumasok sa k

    Last Updated : 2025-01-21
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    🥰 Almusal 🥰 Chapter 155

    Chapter 155 Pagkatapos naming maghanda ng agahan, agad kong tinawag ang isang kasambahay. "Pakisabi kay Mommy at Daddy na bumaba na para mag-almusal," utos ko. "Tawagin mo rin ang kambal, si Jimmie at ang asawa niyang si Claire, pati na rin si Tatay Victor." "Yes, Sir Jammie," magalang na sagot nito bago agad na umalis para tuparin ang utos. Habang hinihintay namin ang lahat na makababa, inayos namin ni Kiera ang mesa at siniguradong kumpleto ang lahat ng pagkain. Hindi ko maiwasang mapansin ang saya sa kanyang mukha habang abala siya sa pag-aasikaso. Maya-maya, narinig ko ang yabag ng mga paa pababa sa hagdan. Una kong nakita ang kambal na masayang tumatakbo papunta sa mesa. "Good morning, Daddy! Good morning, Mommy!" bati nila nang sabay. Kasunod nila ang aking mga magulang, si Mommy Heart at Daddy Brandon, na parehong nakangiti at halatang sabik sa araw na ito. "Ang aga nating lahat ngayon, ah," biro ni Daddy habang naupo sa kanyang upuan. Sumunod naman si Jimmie, kasa

    Last Updated : 2025-01-21
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    🤍 Kilig 🤍 Chapter 156

    Chapter 156Hindi ko alam kung paano ako makakasagot. Para bang gusto kong magtago sa sobrang kilig at hiya, lalo na sa sinabi ni Mommy Heart at Daddy Brandon. Hindi ko akalain na ganito sila ka-excited sa kasal namin ni Jammie, pero hindi ko rin maitatanggi na sobrang na-touch ako sa suportang ipinapakita nila."Salamat po talaga, Mommy, Daddy," sabi ko, pilit na pinipigil ang nangingilid na luha. "Hindi ko po alam kung paano kayo pasasalamatan sa lahat ng ito."Ngumiti si Mommy Heart, sabay abot ng kamay niya sa akin. "Ang makita ka naming masaya kasama si Jammie, at ang mga apo namin, ay sapat na para sa amin. Basta ang mahalaga, maging masaya ang araw na iyon para sa inyong dalawa."Hindi ko maiwasang huminga nang malalim, sinusubukang pakalmahin ang sarili ko. Lalo pang lumambot ang puso ko nang maramdaman kong hinawakan ni Jammie ang kamay ko."Tama si Mommy," dagdag niya. "Ito na ang pagkakataon natin para simulan ang panibagong kabanata ng buhay natin, kasama ang pamilya natin

    Last Updated : 2025-01-21
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    💞 Araw ng kasal 💞Chapter 157

    Chapter 157Paglipas ng limang araw ay dumating na ang araw bago ang aming kasal. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko—parang halo-halo na ang excitement at kaba. Habang tinitingnan ko ang mga nakahandang dekorasyon sa mansyon, hindi ko maiwasang mapaisip kung paano kami nakarating sa puntong ito.Ang mansyon ay puno ng abala. May mga kasambahay na nag-aayos ng mga bulaklak, mga caterer na naghahanda ng pagkain, at mga tumutulong sa pag-set up ng altar sa garden. Lahat ng ito ay parang panaginip, pero totoo.Habang nakaupo ako sa gilid ng bintana ng kwarto, napatigil ako sa pagmumuni-muni nang kumatok si Jammie."Pwede ba akong pumasok?" tanong niya mula sa labas.Napangiti ako kahit na medyo kinakabahan. "Oo naman."Pagpasok niya, dala niya ang isang maliit na kahon. "Naisip ko lang na bigyan ka ng isang bagay bago ang araw natin bukas," sabi niya habang iniabot sa akin ang kahon.Agad akong kinabahan habang binubuksan ang kahon. Sa loob nito ay isang simpleng bracelet na may na

    Last Updated : 2025-01-21
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    💝 Bagong Mag-asawa 💝Chapter 158

    Chapter 158 Habang naglalakad kami ni Tatay papunta sa altar, naramdaman ko ang malalim na emosyon sa kanyang mga salita. Tumigil kami sandali at tinignan ko siya ng mabuti. "Alam mo anak, kung nabubuhay pa ang iyong ina, sigurado akong masayang-masaya ito ngayon," sabi ng Tatay ko, ang mga mata niya ay puno ng pagmamahal at kalungkutan. Pinipigilan kong mapaiyak. Alam ko kung gaano siya kasakit mula nang pumanaw ang aking ina, at kahit na may saya sa aking puso, may lungkot din na nararamdaman ko para sa kanya. "Oo, Tatay," sagot ko, ang tinig ko ay maluha-luha. "Alam ko po na proud siya sa akin ngayon." Bumuntong-hininga siya at nagpatuloy. "Wala na siya, pero alam ko na masaya siya para sa'yo. Lalo na ngayon na si Jammie ang kasama mo, siya ang lalaking deserving sa pagmamahal mo." Napangiti ako, kahit na ang puso ko ay naglalaban sa saya at lungkot. "Salamat po, Tatay. Hindi ko po kayang ipaliwanag kung gaano ko kayo kamahal at kung gaano ko na-appreciate ang lahat ng sakrip

    Last Updated : 2025-01-21

Latest chapter

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 199

    Chapter 199Pagkatapos naming maisayos ang mga gamit ay umuwi kami sa mansyon kung saan kami nakatira pagsamantala. At bukas ay maaga kaming para sa pag blessing ng bago naming mansyon saka kami lilipat. Napahawak ako sa aking umbok na tiyan. "4 months na lang baby at lalabas kana d'yan," ngiti kong bulong habang hinahaplos ang tiyan ko. Habang nakaupo kami sa sasakyan papunta sa temporaryong mansyon, hindi ko pa rin maiwasang mag-isip tungkol sa mga susunod na buwan. Hindi ko na mahintindihan kung paano dumaan ang mga araw, at sa bawat araw na lumilipas, nararamdaman ko ang bigat ng pagiging ina, pati na rin ang excitement na makita ang magiging anak namin.Napansin ni Jimmie ang tahimik kong pagmumuni-muni. "Ano, baby? Anong iniisip mo?" tanong niya habang nagmamaneho, ang tono'y puno ng pag-aalala.Hinaplos ko ang tiyan ko, at ngumiti ng bahagya. "Wala, iniisip ko lang… kung paano ko haharapin ang pagiging nanay. Tumatanda na ako, Jimmie."Tumawa si Jimmie at pinigilan ang sarili

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    🥰 Mya isa pang pinaglilihian 🥰 Chapter 198

    Chapter 198 Napanganga si Jimmie, pero hindi na siya nakapagsalita dahil agad akong tumayo, dala ang milkshake ko, at mabilis na lumapit sa crowd. "Hala, Jimmie, habulin mo si Claire! Baka magwala ‘yan kapag hindi niya nakita si Fyang!" natatawang sabi ni Kiera. "Wala na! Hindi ko na siya mapipigilan," sagot ni Jimmie, pero mabilis pa rin siyang tumayo para sundan ako. Si Jammie at Kiera ay sumunod din sa amin, tila natutuwa sa biglaan kong excitement. Pagdating namin sa main area ng mall, kitang-kita ko si Fyang, surrounded by bodyguards at may hawak pang bouquet ng flowers mula sa fans. Napahinto ako at napatingin lang sa kanya, para akong na-starstruck. "Oh my gosh, ang ganda niya," bulong ko habang nakahawak sa dibdib ko. Si Jimmie naman ay nakatayo sa tabi ko, halatang naguguluhan sa emotions ko. "So… ano ngayon, baby? Lalapitan mo ba siya?" Tumingin ako kay Jimmie at biglang napaluha ako sa sobrang tuwa. "Jimmie, gusto kong magpa-picture sa kanya!" Napakamot siya sa bat

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    ☺ Gawing Ninang ☺ Chapter 197

    Chapter 197 "Uh… hindi naman sa ganon," mabilis niyang sagot. "Pero mas importante ka kaysa sa kahit anong issue kay Anne." Napatingin ako sa kanya at napangiti nang bahagya. Well, good answer. Tumayo siya at lumapit sa akin. "May gusto ka pa bang kainin, baby? Ice cream? Fries? Kahit anong gusto mo, bibilhin ko." Si Kiera ay tumawa. "Mukhang ‘yan na ang magiging strategy mo every time may hormonal mood swings si Claire, ha." Tumawa ako nang mahina at tumango. "Sige na nga. Gusto ko ng strawberry milkshake." "On it!" mabilis na sagot ni Jimmie habang nagmamadaling umalis para umorder. Habang pinagmamasdan ko siyang naglalakad papunta sa counter, napangiti ako nang bahagya. Kahit na minsan naiirita ako, kahit na minsan may mga hindi ko maintindihang emosyon, alam kong wala akong dapat ipag-alala. Dahil si Jimmie? Mahal na mahal niya ako. At sa kabila ng lahat, ‘yon lang naman ang importante.Si Kiera naman ay nakangiti lang habang tumingin sa akin. "Claire, normal lang ‘yan. K

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    😠 Pagkairita kay Anne 😠 Chapter 196

    Chapter 196 Claire POV "Oh, safe pa siya—for now," madiin kong sabi habang nakatingin kay Jimmie. Kita ko ang bahagyang paglunok niya, na parang biglang kinabahan. Well, dapat lang. Napatingin ako kay Kiera, na hindi maitago ang amusement sa mukha niya. "Claire, okay ka lang?" tanong niya, pero halata namang pinipigilan niyang matawa. "Hmm?" Kinuha ko ang baso ko at uminom ng tubig, kunwari'y kalmado. "Oo naman. Bakit naman ako hindi magiging okay?" Napakamot sa batok si Jimmie. "Baby, wala talaga ‘yon. Kaibigan ko lang si Anne noon pa." "Noon pa." Ulit ko sa isip. At mukhang gusto pa niyang maging relevant hanggang ngayon. Umiling ako at pilit na ngumiti. "Oh, of course! Kaibigan mo lang naman pala siya, eh. Wala akong dapat ipag-alala, ‘di ba?" madiin kong sabi. "Oo naman!" mabilis niyang sagot, pero ramdam ko ang kaba sa boses niya. Si Jammie naman ay napahagikhik at bumulong kay Kiera. "Grabe, bro, mukhang may cold war kang aayusin mamaya," wika ni Jammie sa kanyang kamb

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    ☺ Pinagtagpo, di tinadhana ☺Chapter 195

    Chapter 195 Napangiti siya at umiling. "Honestly? Wala na talaga akong naramdaman. Nang makita ko siya, naisip ko lang, ‘Ah, okay, nandito siya.’ Pero nung lumingon ako kay Kiera at nakita kong okay lang siya, wala na. Wala nang ibang mahalaga," wika ni Jammie. Napangiti si Kiera at sinandal ang ulo sa balikat ni Jammie. "Good answer. Safe ka na matulog sa kama mamaya," agad na tugon ni Kieta dito. Nagtawanan kami ulit. Si Claire naman ay umiling at napatingin sa akin. "Buti na lang, Jimmie. Hindi ko kailangang dumaan sa ganyan, yung magseselos," lambing nitong sabi. Napangiti ako at hinawakan ang kamay niya. "Siyempre, baby. Wala nang ibang babae sa mundo ko kundi ikaw lang," proud kong sabi dito. Napatango si Claire, pero kita kong napangiti siya, kahit kunwari pa siyang seryoso. At sa huli, nagtuloy-tuloy lang ang masayang usapan namin. Alam kong kahit may dumaan mang multo ng nakaraan, hindi na nito magagambala ang matibay na pundasyon ng pagmamahalan nina Jammie at Kie

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    ☺ Selos ☺ Chapter 194

    Chapter 194 Pagkatapos naming mamili, napagdesisyunan naming kumain sa isang restaurant sa loob ng mall. Habang naghihintay kami ng order, ramdam ko pa rin ang kakaibang aura mula kay Claire at Kiera. Tahimik lang silang nag-aayos ng gamit, pero halatang may natitira pang inis. Si Jammie naman ay mukhang kampante, pero alam kong naghahanap din siya ng paraan para mapalambot ang loob ni Kiera. Pag-upo namin, si Kiera ang unang nagsalita. “So, ano, ano’ng plano niyong gawin sa fan club niyo?” tanong niya habang ini-stir ang juice niya. Napatingin ako kay Jammie, na bahagyang natawa. “Uh, baka magpa-autograph signing na lang kami?” biro niya, pero agad siyang tinapunan ng matalim na tingin ni Kiera. Si Claire naman ay sinamaan din ako ng tingin. “Jimmie, sa susunod, baka gusto mong lagyan ng wedding photo natin ang suot mong t-shirt,” aniya, halatang nagpaparinig. Napangiti ako at agad na hinawakan ang kamay niya. “Baby, wala naman akong control sa iniisip ng ibang tao. Ang mahalaga

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    😂 Flores Brother 😂 Chapter 194

    Chapter 194Nagtinginan sina Kiera at Jammie bago tumikhim ang asawa ng kakambal ko. "Eh kasi, parang... may gusto yata ‘yon kay Claire noon, di ba?"Natawa nang mahina si Claire habang sinandalan ako. "Hala, matagal na ‘yon! Crush lang naman niya ako noon, pero wala namang nangyari."Napangiti ako at inakbayan siya. "Wala akong pake kahit may nagkagusto sa'yo noon, love. Ang importante, ako ang pinakasalan mo!""Yieeeeee!" sabay na kantiyaw nina Jenny at John, na ikinatawa naming lahat."Grabe, Tito Jimmie, parang hindi tumatanda! Kinikilig pa rin kay Tita Claire!" sabi ni Jenny, na lalo pang nagpasaya sa hapunan namin.Maya-maya, dumating na ulit ang delivery mula kay Ramon, at agad naming tinikman ang kanyang specialty dessert. Habang kumakain, biglang sumeryoso si Jammie."Jimmie, kailan kayo lilipat sa bagong mansyon?" tanong niya.Napatingin ako kay Claire at ngumiti. "Siguro next week? Para may oras pa kami makapaghanda at para matulungan din sina Tatay at Nanay sa pag-aayos."

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    🥰 New Home 🥰Chapter 192

    Chapter 192Habang sina Jammie at Kiera ay papunta na sa company, kami naman nina Mom, Dad, Claire, at ang dalawa kong makukulit na pamangkin ay papunta na sa bagong mansyon na bigay nila."Uncle Jimmie, ang laki ba ng bahay?" tanong ni John, habang nakadungaw sa bintana ng sasakyan."Oo naman! Sigurado akong magugustuhan niyo ni Jenny," sagot ko habang inakbayan si Claire."May swimming pool po ba?" excited namang tanong ni Jenny, halos mapatalon sa upuan.Napatawa si Mom. "Siyempre, meron! Para may paglalaruan kayo kapag bumisita kayo sa Tita Claire at Tito Jimmie niyo."Napansin kong mas lalo pang naging excited ang dalawa. Mukhang hindi lang kami ni Claire ang sabik makita ang bahay."Hay naku, siguradong sa pool muna ‘tong dalawang ‘to bago pa kami makapasok sa loob," natatawang sabi ni Dad habang binabagtas namin ang daan papunta sa subdivision kung saan naroon ang bagong bahay.Nang makarating kami, agad akong napahanga sa modernong mansion na nakatayo sa harapan namin. May mal

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    🥰Bagong Mansyon 🥰 Chapter 191

    Chapter 191 "Siya nga pala, anak, Jimmie!" biglang sabi ni Dad, kaya napatingin ako sa kanya. "Bukas na bukas ay pwede niyo nang bilhan ang bagong mansyon na pinatayo ko para sa inyong mag-asawa." Napanganga ako sa narinig ko. "Ano po?! Mansyon?! Para sa amin ni Claire?!" gulat kong tanong, halos hindi makapaniwala. Tumango si Daddy Brandon at may ipinakita pang mga larawan sa kanyang phone. "Oo naman! Hindi ko hahayaang sa maliit na bahay lang kayo titira, lalo na't may parating kayong baby. Dapat maluwag at kumpleto ang magiging tahanan niyo!" Napalunok ako at napatingin kay Claire, na kitang-kita rin ang excitement sa kanyang mga mata. "T-talaga po, Dad?" nanginginig pa ang boses ng asawa ko. "Hindi lang 'talaga,' Claire! Sigurado!" sabat ni Mommy Heart na abot-tainga ang ngiti. "Gusto namin ni Daddy na magkaroon kayo ng sariling bahay na talagang para lang sa inyong pamilya." Biglang napatalon sa tuwa si Jenny at John. "Yay! May bagong bahay sina Tito at Tita! Pwede ba kamin

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status