Matapos ang aming unang halik bilang mag-asawa, naramdaman ko ang kamay ni Jammie na mahigpit na humawak sa akin. Sa bawat palakpak ng mga bisita, sa bawat hiyawan ng pagbati, naramdaman ko ang init ng pagmamahal ng lahat ng taong mahalaga sa amin.Pagkatapos ng seremonya, kami ni Jammie ay naglakad patungo sa hardin ng mansyon kung saan naghihintay ang aming reception. Ang lugar ay napakaganda—punong-puno ng puting bulaklak, kristal na dekorasyon, at liwanag ng mga nakasabit na ilaw na nagbibigay ng mala-fairy tale na ambiance. Ang lahat ng ito ay pinlano nang may pagmamahal, at alam kong naging posible ito dahil sa suporta ng aming pamilya.Habang papunta kami sa gitna ng venue, masayang sinalubong kami ng aming mga pamilya at kaibigan. Ang mga kambal, sina John at Jenny, ay tumakbo palapit sa amin."Mommy, Daddy! Ang ganda-ganda niyo po! Parang prince at princess!" sabi ni Jenny, na hindi maitago ang saya."Ang gwapo mo, Dad! Pero si Mommy ang pinakamaganda sa lahat," dagdag ni Joh
Chapter 160 Habang hawak ko ang pinakamaliit na kahon, magkasama kaming tumingin ni Jammie sa aming mga magulang, na may ngiti sa kanilang mga labi. "Ang sabi nila, ang pinakamaliit daw ang may pinakamatamis na sorpresa," biro ni Jammie habang dahan-dahan niyang binubuksan ang kahon. Nang mabuksan na ito, tumambad sa amin ang isang pares ng simpleng gintong bracelet na may nakaukit na "Forever Together." Agad akong napatingin kay Mommy Heart at Daddy Brandon. "Napakaganda nito, Mommy, Daddy!" sabi ko habang hawak ang bracelet. Tumayo si Mommy Heart at lumapit sa amin. "Ang bracelet na 'yan ay simbolo ng pagsasama ninyong dalawa. Kahit anong hamon ang dumating, tandaan niyo na magkasama kayong haharapin ito," sabi niya sa amin. Napuno ng init ang puso ko habang isinusuot ni Jammie ang bracelet sa pulso ko. "Salamat po, Mommy, Daddy. Napakahalaga po nito sa amin," tugon ko dito. Ngumiti si Daddy Brandon at nagbiro, "Walang atrasan, ha. Kasi wala nang palitan 'yan!" nito niya sa
Chapter 161Jammie POVHabang pinagmamasdan ko si Kiera na nakangiti habang hawak ang isang regalo mula sa tatay niya, napansin ko kung gaano siya kasaya. Hindi lang ito dahil sa mga materyal na bagay na natanggap namin ngayong araw, kundi dahil sa pagmamahal at suporta ng mga mahal namin sa buhay."Ang ganda mo, mahal," bulong ko sa kanya habang nakatingin siya sa regalo ng kanyang ama.Tumingin siya sa akin, medyo nahihiya ngunit napangiti. "Mahal, bakit ka ba ganyan makatingin? Parang ikaw ang natanggap kong pinakamagandang regalo ngayon."Napangiti ako sa sinabi niya. Totoo naman kasi. Sa dami ng pinagdaanan namin, siya ang naging sentro ng lakas ko. Si Kiera, ang babaeng nagbago ng buhay ko.Habang binubuksan namin ang iba pang regalo, napansin ko ang kambal na masaya sa kanilang mga laruan na natanggap. Si John, abala sa kanyang bagong laruan, habang si Jenny ay hindi mapigilang ikuwento ang bawat regalong binubuksan."Dad, tingnan mo! Ang cute ng dress na ito! Ang sabi ni Tita
Chapter 162Paglabas namin ng bahay, hinatid kami ng buong pamilya hanggang sa sasakyan. Habang papalayo kami, tanaw ko pa rin ang mga ngiti nila Mommy Heart, Daddy Brandon, at Tatay Tonyo, na tila nagsasabing nasa tamang landas kami.Sa sasakyan, hawak-hawak ko ang kamay ni Kiera. "Excited ka na ba?" tanong ko sa kanya habang nakangiti.Tumango siya, at sa mga mata niya ay nakita ko ang saya at pagmamahal na dala ng lahat ng nangyari ngayong araw. "Oo, Jammie. Ito na siguro ang pinakaespesyal na simula ng ating buhay."Alas-siyete ng gabi, habang kami'y sakay ng eroplano papunta sa Hawaii, hindi ko mapigilang isipin ang lahat ng nangyari. Sa bawat sandali, mas tumitibay ang pagmamahal ko kay Kiera. At alam kong ito ang umpisa ng mas maraming magagandang alaala na magkasama naming bubuuin.Habang nasa eroplano, napatingin ako kay Kiera na nakaupo sa tabi ko, ang mukha niya'y puno ng saya at excitement. Hawak niya ang ticket na ibinigay ni Emer kanina, at parang hindi pa rin siya makap
Chapter 163 Nagpahinga kami ng maaga upang makapag-recharge pagkatapos ng mahabang araw ng kasal, biyaheng papuntang Hawaii, at mga paghahanda. Alam ko na kailangan namin ang lakas para sa susunod na araw, kaya hindi muna namin pinag-usapan ang mga personal na bagay tungkol sa aming unang gabi bilang mag-asawa. Sa halip, nag-focus kami sa pag-papahinga, kasama na ang pagninilay-nilay sa lahat ng mga magagandang nangyari. Habang nakahiga, nararamdaman ko ang init ng katawan ni Kiera sa tabi ko. Hindi kami nagmamadali, at ang bawat sandali ay puno ng tamis ng pagmamahal. Kasabay ng malalalim na hininga, natulog kami nang mahimbing, na may mga pangarap na nag-aantay sa amin kinabukasan. Walang alalahanin, walang pagdududa—ang lahat ng nararamdaman ko sa mga sandaling iyon ay ang kaligayahan at pasasalamat na magkasama kami, nag-uumpisa ng bagong buhay bilang mag-asawa. Kinaumagahan, nagising kami ng maaga dahil sa kasiyahan at excitement para sa unang araw namin bilang mag-asawa.
Chapter 164Pagkatapos naming mag-usap tungkol sa aming mga plano at pangarap, unti-unting bumalot ang katahimikan sa aming kwarto. Sa kabila ng pagod mula sa mahabang araw, ang init ng aming mga damdamin ay nanatili. Tinitigan ko si Kiera habang nakahiga siya sa tabi ko—ang kanyang mga mata ay puno ng pagmamahal, at ang kanyang mga labi ay tila naghihintay ng isang malambing na halik. “Kiera,” bulong ko, habang marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi. “Gusto kong iparamdam sa’yo kung gaano kita kamahal.” Napangiti siya at dahan-dahang lumapit sa akin. "Jammie, nararamdaman ko iyon araw-araw. Pero mas gusto kong maramdaman iyon ngayon, dito, at ngayon lang." Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hinalikan ko siya nang malambing—mabagal, puno ng damdamin, at tila bawat galaw ay sumisigaw ng pagmamahal. Nararamdaman ko ang lalim ng aming koneksyon habang lalong nagiging mas malalim ang aming halik. Ang kanyang mga kamay ay dahan-dahang bumalot sa aking batok, habang ang akin ay humaw
Chapter 165Warning....Author Note: Lahat na naisulat ko dito ay kathang-isip isip ko lamang, kung may nasulat akong mali o magkapareho ay hindi ko sinasadya. -Love: Inday Stories----------------Habang hinihintay ko ang aming almusal, binuksan ko ang mga kurtina ng kwarto. Ang liwanag ng araw ay pumasok sa silid, binibigyan ito ng mas mainit at mas magaan na ambiance. Mula sa aming bintana, kita ang magandang tanawin ng dagat at ang asul na kalangitan na tila walang bakas ng ulap.Pagkatapos ay tumungo ako sa veranda ng aming suite upang huminga ng sariwang hangin. Ang amoy ng dagat at ang malamig na simoy ng hangin ay nagbigay ng ginhawa. Napaisip ako tungkol sa aming mga plano ngayong araw. Ito ang unang buong araw namin bilang mag-asawa dito sa Hawaii. Kailangan itong maging espesyal, naisip ko.Makalipas ang ilang minuto, dumating na ang food service at maingat kong inayos ang tray sa isang maliit na mesa sa tabi ng kama. Pagkatapos, bumalik ako kay Kiera at dahan-dahang gini
Chapter 166 Pagdating namin sa sikat na cave sa Hawaii, napanganga si Kiera sa ganda ng tanawin. Ang entrance ng kuweba ay napapalibutan ng mga luntiang halaman, at ang banayad na lagaslas ng tubig mula sa lagoon sa loob ay tila isang awit na nagbibigay ng kakaibang kapayapaan. Ang sikat ng araw na tumatama sa tubig ay lumikha ng mala-kristal na reflection na tila sumasayaw sa dingding ng kuweba. "Wow, ang ganda naman dito," sabi niya, nakangiti habang hinahawakan ang kamay ko. "Ang romantic!" Lumapit kami sa lagoon, at naupo kami sa isang bato sa gilid nito. Binuksan ko ang dala naming maliit na picnic bag at kinuha ang bote ng tubig para ibigay sa kanya. "Sabi ko sa'yo magugustuhan mo 'to," sabi ko habang pinagmamasdan siyang humigop ng tubig. Ngumiti siya at tumingin sa akin. "Thank you, Jammie. Ang saya ko na sinama mo ako dito." "Anything for you, love," sagot ko, sabay haplos sa kanyang pisngi. "Gusto ko lang na maging memorable ang bawat sandali natin." Habang n
Chapter 199Pagkatapos naming maisayos ang mga gamit ay umuwi kami sa mansyon kung saan kami nakatira pagsamantala. At bukas ay maaga kaming para sa pag blessing ng bago naming mansyon saka kami lilipat. Napahawak ako sa aking umbok na tiyan. "4 months na lang baby at lalabas kana d'yan," ngiti kong bulong habang hinahaplos ang tiyan ko. Habang nakaupo kami sa sasakyan papunta sa temporaryong mansyon, hindi ko pa rin maiwasang mag-isip tungkol sa mga susunod na buwan. Hindi ko na mahintindihan kung paano dumaan ang mga araw, at sa bawat araw na lumilipas, nararamdaman ko ang bigat ng pagiging ina, pati na rin ang excitement na makita ang magiging anak namin.Napansin ni Jimmie ang tahimik kong pagmumuni-muni. "Ano, baby? Anong iniisip mo?" tanong niya habang nagmamaneho, ang tono'y puno ng pag-aalala.Hinaplos ko ang tiyan ko, at ngumiti ng bahagya. "Wala, iniisip ko lang… kung paano ko haharapin ang pagiging nanay. Tumatanda na ako, Jimmie."Tumawa si Jimmie at pinigilan ang sarili
Chapter 198 Napanganga si Jimmie, pero hindi na siya nakapagsalita dahil agad akong tumayo, dala ang milkshake ko, at mabilis na lumapit sa crowd. "Hala, Jimmie, habulin mo si Claire! Baka magwala ‘yan kapag hindi niya nakita si Fyang!" natatawang sabi ni Kiera. "Wala na! Hindi ko na siya mapipigilan," sagot ni Jimmie, pero mabilis pa rin siyang tumayo para sundan ako. Si Jammie at Kiera ay sumunod din sa amin, tila natutuwa sa biglaan kong excitement. Pagdating namin sa main area ng mall, kitang-kita ko si Fyang, surrounded by bodyguards at may hawak pang bouquet ng flowers mula sa fans. Napahinto ako at napatingin lang sa kanya, para akong na-starstruck. "Oh my gosh, ang ganda niya," bulong ko habang nakahawak sa dibdib ko. Si Jimmie naman ay nakatayo sa tabi ko, halatang naguguluhan sa emotions ko. "So… ano ngayon, baby? Lalapitan mo ba siya?" Tumingin ako kay Jimmie at biglang napaluha ako sa sobrang tuwa. "Jimmie, gusto kong magpa-picture sa kanya!" Napakamot siya sa bat
Chapter 197 "Uh… hindi naman sa ganon," mabilis niyang sagot. "Pero mas importante ka kaysa sa kahit anong issue kay Anne." Napatingin ako sa kanya at napangiti nang bahagya. Well, good answer. Tumayo siya at lumapit sa akin. "May gusto ka pa bang kainin, baby? Ice cream? Fries? Kahit anong gusto mo, bibilhin ko." Si Kiera ay tumawa. "Mukhang ‘yan na ang magiging strategy mo every time may hormonal mood swings si Claire, ha." Tumawa ako nang mahina at tumango. "Sige na nga. Gusto ko ng strawberry milkshake." "On it!" mabilis na sagot ni Jimmie habang nagmamadaling umalis para umorder. Habang pinagmamasdan ko siyang naglalakad papunta sa counter, napangiti ako nang bahagya. Kahit na minsan naiirita ako, kahit na minsan may mga hindi ko maintindihang emosyon, alam kong wala akong dapat ipag-alala. Dahil si Jimmie? Mahal na mahal niya ako. At sa kabila ng lahat, ‘yon lang naman ang importante.Si Kiera naman ay nakangiti lang habang tumingin sa akin. "Claire, normal lang ‘yan. K
Chapter 196 Claire POV "Oh, safe pa siya—for now," madiin kong sabi habang nakatingin kay Jimmie. Kita ko ang bahagyang paglunok niya, na parang biglang kinabahan. Well, dapat lang. Napatingin ako kay Kiera, na hindi maitago ang amusement sa mukha niya. "Claire, okay ka lang?" tanong niya, pero halata namang pinipigilan niyang matawa. "Hmm?" Kinuha ko ang baso ko at uminom ng tubig, kunwari'y kalmado. "Oo naman. Bakit naman ako hindi magiging okay?" Napakamot sa batok si Jimmie. "Baby, wala talaga ‘yon. Kaibigan ko lang si Anne noon pa." "Noon pa." Ulit ko sa isip. At mukhang gusto pa niyang maging relevant hanggang ngayon. Umiling ako at pilit na ngumiti. "Oh, of course! Kaibigan mo lang naman pala siya, eh. Wala akong dapat ipag-alala, ‘di ba?" madiin kong sabi. "Oo naman!" mabilis niyang sagot, pero ramdam ko ang kaba sa boses niya. Si Jammie naman ay napahagikhik at bumulong kay Kiera. "Grabe, bro, mukhang may cold war kang aayusin mamaya," wika ni Jammie sa kanyang kamb
Chapter 195 Napangiti siya at umiling. "Honestly? Wala na talaga akong naramdaman. Nang makita ko siya, naisip ko lang, ‘Ah, okay, nandito siya.’ Pero nung lumingon ako kay Kiera at nakita kong okay lang siya, wala na. Wala nang ibang mahalaga," wika ni Jammie. Napangiti si Kiera at sinandal ang ulo sa balikat ni Jammie. "Good answer. Safe ka na matulog sa kama mamaya," agad na tugon ni Kieta dito. Nagtawanan kami ulit. Si Claire naman ay umiling at napatingin sa akin. "Buti na lang, Jimmie. Hindi ko kailangang dumaan sa ganyan, yung magseselos," lambing nitong sabi. Napangiti ako at hinawakan ang kamay niya. "Siyempre, baby. Wala nang ibang babae sa mundo ko kundi ikaw lang," proud kong sabi dito. Napatango si Claire, pero kita kong napangiti siya, kahit kunwari pa siyang seryoso. At sa huli, nagtuloy-tuloy lang ang masayang usapan namin. Alam kong kahit may dumaan mang multo ng nakaraan, hindi na nito magagambala ang matibay na pundasyon ng pagmamahalan nina Jammie at Kie
Chapter 194 Pagkatapos naming mamili, napagdesisyunan naming kumain sa isang restaurant sa loob ng mall. Habang naghihintay kami ng order, ramdam ko pa rin ang kakaibang aura mula kay Claire at Kiera. Tahimik lang silang nag-aayos ng gamit, pero halatang may natitira pang inis. Si Jammie naman ay mukhang kampante, pero alam kong naghahanap din siya ng paraan para mapalambot ang loob ni Kiera. Pag-upo namin, si Kiera ang unang nagsalita. “So, ano, ano’ng plano niyong gawin sa fan club niyo?” tanong niya habang ini-stir ang juice niya. Napatingin ako kay Jammie, na bahagyang natawa. “Uh, baka magpa-autograph signing na lang kami?” biro niya, pero agad siyang tinapunan ng matalim na tingin ni Kiera. Si Claire naman ay sinamaan din ako ng tingin. “Jimmie, sa susunod, baka gusto mong lagyan ng wedding photo natin ang suot mong t-shirt,” aniya, halatang nagpaparinig. Napangiti ako at agad na hinawakan ang kamay niya. “Baby, wala naman akong control sa iniisip ng ibang tao. Ang mahalaga
Chapter 194Nagtinginan sina Kiera at Jammie bago tumikhim ang asawa ng kakambal ko. "Eh kasi, parang... may gusto yata ‘yon kay Claire noon, di ba?"Natawa nang mahina si Claire habang sinandalan ako. "Hala, matagal na ‘yon! Crush lang naman niya ako noon, pero wala namang nangyari."Napangiti ako at inakbayan siya. "Wala akong pake kahit may nagkagusto sa'yo noon, love. Ang importante, ako ang pinakasalan mo!""Yieeeeee!" sabay na kantiyaw nina Jenny at John, na ikinatawa naming lahat."Grabe, Tito Jimmie, parang hindi tumatanda! Kinikilig pa rin kay Tita Claire!" sabi ni Jenny, na lalo pang nagpasaya sa hapunan namin.Maya-maya, dumating na ulit ang delivery mula kay Ramon, at agad naming tinikman ang kanyang specialty dessert. Habang kumakain, biglang sumeryoso si Jammie."Jimmie, kailan kayo lilipat sa bagong mansyon?" tanong niya.Napatingin ako kay Claire at ngumiti. "Siguro next week? Para may oras pa kami makapaghanda at para matulungan din sina Tatay at Nanay sa pag-aayos."
Chapter 192Habang sina Jammie at Kiera ay papunta na sa company, kami naman nina Mom, Dad, Claire, at ang dalawa kong makukulit na pamangkin ay papunta na sa bagong mansyon na bigay nila."Uncle Jimmie, ang laki ba ng bahay?" tanong ni John, habang nakadungaw sa bintana ng sasakyan."Oo naman! Sigurado akong magugustuhan niyo ni Jenny," sagot ko habang inakbayan si Claire."May swimming pool po ba?" excited namang tanong ni Jenny, halos mapatalon sa upuan.Napatawa si Mom. "Siyempre, meron! Para may paglalaruan kayo kapag bumisita kayo sa Tita Claire at Tito Jimmie niyo."Napansin kong mas lalo pang naging excited ang dalawa. Mukhang hindi lang kami ni Claire ang sabik makita ang bahay."Hay naku, siguradong sa pool muna ‘tong dalawang ‘to bago pa kami makapasok sa loob," natatawang sabi ni Dad habang binabagtas namin ang daan papunta sa subdivision kung saan naroon ang bagong bahay.Nang makarating kami, agad akong napahanga sa modernong mansion na nakatayo sa harapan namin. May mal
Chapter 191 "Siya nga pala, anak, Jimmie!" biglang sabi ni Dad, kaya napatingin ako sa kanya. "Bukas na bukas ay pwede niyo nang bilhan ang bagong mansyon na pinatayo ko para sa inyong mag-asawa." Napanganga ako sa narinig ko. "Ano po?! Mansyon?! Para sa amin ni Claire?!" gulat kong tanong, halos hindi makapaniwala. Tumango si Daddy Brandon at may ipinakita pang mga larawan sa kanyang phone. "Oo naman! Hindi ko hahayaang sa maliit na bahay lang kayo titira, lalo na't may parating kayong baby. Dapat maluwag at kumpleto ang magiging tahanan niyo!" Napalunok ako at napatingin kay Claire, na kitang-kita rin ang excitement sa kanyang mga mata. "T-talaga po, Dad?" nanginginig pa ang boses ng asawa ko. "Hindi lang 'talaga,' Claire! Sigurado!" sabat ni Mommy Heart na abot-tainga ang ngiti. "Gusto namin ni Daddy na magkaroon kayo ng sariling bahay na talagang para lang sa inyong pamilya." Biglang napatalon sa tuwa si Jenny at John. "Yay! May bagong bahay sina Tito at Tita! Pwede ba kamin