Chapter 161Jammie POVHabang pinagmamasdan ko si Kiera na nakangiti habang hawak ang isang regalo mula sa tatay niya, napansin ko kung gaano siya kasaya. Hindi lang ito dahil sa mga materyal na bagay na natanggap namin ngayong araw, kundi dahil sa pagmamahal at suporta ng mga mahal namin sa buhay."Ang ganda mo, mahal," bulong ko sa kanya habang nakatingin siya sa regalo ng kanyang ama.Tumingin siya sa akin, medyo nahihiya ngunit napangiti. "Mahal, bakit ka ba ganyan makatingin? Parang ikaw ang natanggap kong pinakamagandang regalo ngayon."Napangiti ako sa sinabi niya. Totoo naman kasi. Sa dami ng pinagdaanan namin, siya ang naging sentro ng lakas ko. Si Kiera, ang babaeng nagbago ng buhay ko.Habang binubuksan namin ang iba pang regalo, napansin ko ang kambal na masaya sa kanilang mga laruan na natanggap. Si John, abala sa kanyang bagong laruan, habang si Jenny ay hindi mapigilang ikuwento ang bawat regalong binubuksan."Dad, tingnan mo! Ang cute ng dress na ito! Ang sabi ni Tita
Chapter 162Paglabas namin ng bahay, hinatid kami ng buong pamilya hanggang sa sasakyan. Habang papalayo kami, tanaw ko pa rin ang mga ngiti nila Mommy Heart, Daddy Brandon, at Tatay Tonyo, na tila nagsasabing nasa tamang landas kami.Sa sasakyan, hawak-hawak ko ang kamay ni Kiera. "Excited ka na ba?" tanong ko sa kanya habang nakangiti.Tumango siya, at sa mga mata niya ay nakita ko ang saya at pagmamahal na dala ng lahat ng nangyari ngayong araw. "Oo, Jammie. Ito na siguro ang pinakaespesyal na simula ng ating buhay."Alas-siyete ng gabi, habang kami'y sakay ng eroplano papunta sa Hawaii, hindi ko mapigilang isipin ang lahat ng nangyari. Sa bawat sandali, mas tumitibay ang pagmamahal ko kay Kiera. At alam kong ito ang umpisa ng mas maraming magagandang alaala na magkasama naming bubuuin.Habang nasa eroplano, napatingin ako kay Kiera na nakaupo sa tabi ko, ang mukha niya'y puno ng saya at excitement. Hawak niya ang ticket na ibinigay ni Emer kanina, at parang hindi pa rin siya makap
Chapter 163 Nagpahinga kami ng maaga upang makapag-recharge pagkatapos ng mahabang araw ng kasal, biyaheng papuntang Hawaii, at mga paghahanda. Alam ko na kailangan namin ang lakas para sa susunod na araw, kaya hindi muna namin pinag-usapan ang mga personal na bagay tungkol sa aming unang gabi bilang mag-asawa. Sa halip, nag-focus kami sa pag-papahinga, kasama na ang pagninilay-nilay sa lahat ng mga magagandang nangyari. Habang nakahiga, nararamdaman ko ang init ng katawan ni Kiera sa tabi ko. Hindi kami nagmamadali, at ang bawat sandali ay puno ng tamis ng pagmamahal. Kasabay ng malalalim na hininga, natulog kami nang mahimbing, na may mga pangarap na nag-aantay sa amin kinabukasan. Walang alalahanin, walang pagdududa—ang lahat ng nararamdaman ko sa mga sandaling iyon ay ang kaligayahan at pasasalamat na magkasama kami, nag-uumpisa ng bagong buhay bilang mag-asawa. Kinaumagahan, nagising kami ng maaga dahil sa kasiyahan at excitement para sa unang araw namin bilang mag-asawa.
Chapter 164Pagkatapos naming mag-usap tungkol sa aming mga plano at pangarap, unti-unting bumalot ang katahimikan sa aming kwarto. Sa kabila ng pagod mula sa mahabang araw, ang init ng aming mga damdamin ay nanatili. Tinitigan ko si Kiera habang nakahiga siya sa tabi ko—ang kanyang mga mata ay puno ng pagmamahal, at ang kanyang mga labi ay tila naghihintay ng isang malambing na halik. “Kiera,” bulong ko, habang marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi. “Gusto kong iparamdam sa’yo kung gaano kita kamahal.” Napangiti siya at dahan-dahang lumapit sa akin. "Jammie, nararamdaman ko iyon araw-araw. Pero mas gusto kong maramdaman iyon ngayon, dito, at ngayon lang." Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hinalikan ko siya nang malambing—mabagal, puno ng damdamin, at tila bawat galaw ay sumisigaw ng pagmamahal. Nararamdaman ko ang lalim ng aming koneksyon habang lalong nagiging mas malalim ang aming halik. Ang kanyang mga kamay ay dahan-dahang bumalot sa aking batok, habang ang akin ay humaw
Chapter 165Warning....Author Note: Lahat na naisulat ko dito ay kathang-isip isip ko lamang, kung may nasulat akong mali o magkapareho ay hindi ko sinasadya. -Love: Inday Stories----------------Habang hinihintay ko ang aming almusal, binuksan ko ang mga kurtina ng kwarto. Ang liwanag ng araw ay pumasok sa silid, binibigyan ito ng mas mainit at mas magaan na ambiance. Mula sa aming bintana, kita ang magandang tanawin ng dagat at ang asul na kalangitan na tila walang bakas ng ulap.Pagkatapos ay tumungo ako sa veranda ng aming suite upang huminga ng sariwang hangin. Ang amoy ng dagat at ang malamig na simoy ng hangin ay nagbigay ng ginhawa. Napaisip ako tungkol sa aming mga plano ngayong araw. Ito ang unang buong araw namin bilang mag-asawa dito sa Hawaii. Kailangan itong maging espesyal, naisip ko.Makalipas ang ilang minuto, dumating na ang food service at maingat kong inayos ang tray sa isang maliit na mesa sa tabi ng kama. Pagkatapos, bumalik ako kay Kiera at dahan-dahang gini
Chapter 166 Pagdating namin sa sikat na cave sa Hawaii, napanganga si Kiera sa ganda ng tanawin. Ang entrance ng kuweba ay napapalibutan ng mga luntiang halaman, at ang banayad na lagaslas ng tubig mula sa lagoon sa loob ay tila isang awit na nagbibigay ng kakaibang kapayapaan. Ang sikat ng araw na tumatama sa tubig ay lumikha ng mala-kristal na reflection na tila sumasayaw sa dingding ng kuweba. "Wow, ang ganda naman dito," sabi niya, nakangiti habang hinahawakan ang kamay ko. "Ang romantic!" Lumapit kami sa lagoon, at naupo kami sa isang bato sa gilid nito. Binuksan ko ang dala naming maliit na picnic bag at kinuha ang bote ng tubig para ibigay sa kanya. "Sabi ko sa'yo magugustuhan mo 'to," sabi ko habang pinagmamasdan siyang humigop ng tubig. Ngumiti siya at tumingin sa akin. "Thank you, Jammie. Ang saya ko na sinama mo ako dito." "Anything for you, love," sagot ko, sabay haplos sa kanyang pisngi. "Gusto ko lang na maging memorable ang bawat sandali natin." Habang n
Chapter 167Kiera POVHabang nakasandal ako kay Jammie, naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso niya. Pareho kaming humihingal, pero hindi maitatanggi ang saya sa aming mga ngiti.“Jammie,” bulong ko habang hinahaplos ang braso niya. “Minsan talaga, hindi ko alam kung paano kita haharapin kapag nagiging sobrang sweet ka.”Natawa siya nang mahina at niyakap ako nang mas mahigpit. “Sweet ba talaga? O bastos na?” tanong niya, halata sa tono ang pagbibiro.“Hmp! Pareho!” sagot ko, sabay hampas sa braso niya, pero alam kong hindi ko maitago ang pamumula ng pisngi ko. Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa lagoon. Ang liwanag ng tubig ay parang salamin ng nararamdaman ko ngayon—payapa pero puno ng emosyon."Alam mo," simula ko habang tumitingin sa mga rock formations, "hindi ko akalain na ganito pala ang pakiramdam ng pagiging masaya." Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang banayad na ngiti niya, ang ngiting palaging nagpaparamdam sa akin ng seguridad.“Anong ibig mong sabihin?” tano
Chapter 168Natigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya, hindi alam kung anong isasagot. Sa halip, hinila ko siya at niyakap nang mahigpit. “Salamat, Jammie,” bulong ko. “Salamat kasi lagi mo akong pinapasaya.”Hinalikan niya ang noo ko at tumingin sa akin na para bang ako lang ang nasa mundo niya. “At salamat din, Kiera, kasi tinanggap mo ako, kahit sobrang kulit ko.”Nagpatuloy kami sa paglalakad, mas magaan ang mga hakbang at mas puno ng pagmamahalan ang paligid. Sa bawat hakbang namin, alam kong hindi lang kami naglalakad patungo sa susunod naming adventure—kundi sa mas masayang kinabukasan na magkasama.Habang naglalakad kami ay bigla na lang may bumunggo sa akin. Napatingin ako nang maigi sa babaeng bumunggo sa akin. Ang ganda niya, at halatang may kumpiyansa sa sarili. Napansin kong ngumiti siya nang makita si Jammie, isang ngiting tila may halong pagkasabik."Oh my gosh, is that you, Jammie?" tanong niya, ang boses niya ay parang musika sa tenga—malambing pero may kakaibang
Author’s Note Maraming salamat sa lahat ng nagbasa at sumubaybay sa kwentong ito. Isa itong kwento ng pagmamahal, pamilya, at tunay na pagkakaibigan—mga bagay na hindi nasusukat ng panahon o distansya. Sa kabila ng mga pagsubok, sa dulo ng lahat, ang mahalaga ay ang mga taong nananatili sa ating tabi, anuman ang mangyari. Ang pagsusulat ng kwentong ito ay isang magandang paglalakbay, at umaasa akong naiparamdam ko sa inyo ang tamis ng pag-ibig at ang halaga ng matibay na samahan. Hanggang sa susunod nating kwento! — INDAY STORIES Sana sabay-sabay ang kwento ni Althea qt Angie ang dalawang pa nilang magkaibigan sa Book #2 at suportahan po ninyo ang bago kong story upang makapasok man lang sa ranking pamamagitan pag vote po ninyo ang THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE. Maraming salamat po....
Chapter 293 The Last Chapter. Kinabukasan Habang abala ako sa pag-aayos ng mesa para sa almusal, biglang nag-ring ang aking phone. Agad kong sinagot ito nang makita ang pangalan ng tumatawag. "Bruha! Guess what?!" sigaw sa kabilang linya. Napangiti ako. "Angie?! Diyos ko, ang aga-aga, sigaw ka agad!" sagot ko, pero hindi ko maitago ang excitement sa boses ko. "Alam mo bang andito na ako sa bansa? At hindi lang ako—kasama ko si Heart!" Halos mabitiwan ko ang phone sa sobrang tuwa. "What?! Totoo ba ‘yan?! Kailan pa?! Nasaan kayo ngayon?!" "Surprise! Nasa harap na kami ng bahay mo!" Napamura ako sa gulat at dali-daling tumakbo palabas. Pagbukas ko ng pinto, tumambad sa akin sina Angie at Heart, parehong nakangiti nang malapad habang kumakaway. "Bruhaaaaaa!!!" sigaw ko sabay takbo at niyakap silang dalawa ng mahigpit. "Althea, dahan-dahan naman! Para kang toro!" natatawang reklamo ni Heart pero niyakap niya rin ako pabalik. "Grabe, ang tagal nating ‘di nagkita! Parang kailan
Back to Present “Oh my gosh, Mommy. Nakakilig naman ang love life ninyo ni Dad!” sabi ni Elena habang nakangiti at yakap-yakap ang unan niya. “Parang sa pelikula lang! Ang daming eksena, tapos may action, comedy, at super sweet na moments!” Napatawa ako sa reaksyon ng anak ko. “Talaga, anak?” “Oo naman! Grabe, Mommy, hindi ko in-expect na si Daddy pala ‘yung laging napag-tripan ni Tito Brandon at Tito Kurt noon! Tapos ikaw pa ‘yung strong and independent woman na kinatatakutan nila dati? Wow! Goals!” Napangiti ako at tinignan ang asawa kong nakaupo sa tabi ko. Nakangiti rin ito habang nakikinig sa amin. “Pero Mommy, ang pinaka-nakakatawa talaga—‘yung kay Tito Brandon at kay Nurse Heart! Ano kaya nangyari sa kanila after no’n? Diba parang may something?” tanong ni Elena, sabik na malaman ang sumunod na kwento. Napatingin ako sa asawa ko, at kita ko ang pag-iling niya na may halong tawa. “Huwag mong sabihin sa’kin na gusto mong marinig ang love story ni Brandon?” “Yes, Mom
Chapter 291Final ChapterTahimik ang silid nang biglang marinig ko ang boses ni Kurt—pero parang may halong boses ni Brandon habang nagsasalita siya.“Ilang views na ba ‘yan?” tanong ni Kurt, kaya nagtataka ako. Hindi muna ako nagpahalata na kanina pa akong gising.“Walang hiya, bro! Malapit nang maabutan ang sayo! Hahaha!” sagot ni Brandon. Napilitang akong bumangon sa kama.“Views? Ano na namang pinag-uusapan n’yo, Kurt?”“Oh, gising ka na pala, Jay,” sagot niya. “Akalain mo ‘yon, isang bully ni Kurt noon, hinimatay sa delivery room? Hahaha!” sabat ni Althea, may halong panunukso.“Ang pangit ng mukha mo, bro, nung lumabas ka sa delivery room! Mukha kang takot na takot! Hahaha!” dagdag pa ni Brandon, lalong ginagatungan ang asaran.“Hoy, Brandon! Baka mas malala pa sayo ‘yan kapag nag-asawa ka,” sagot ko.“No, no, no! Hindi mangyayari ‘yon, bro!” mabilis niyang tanggi.Biglang bumukas ang pinto at lumabas ang isang nurse. “Hello, everyone! Andito na ang mga cute-cute na babies!”Do
Chapter 290 Jayson POV Four Years Later “Mom, good morning!” sabay tawag ng tatlong taong gulang na kambal naming sina Emerson at Esmerald habang masiglang tumatakbo papunta kay Janeth. “Good morning, babies!” Masayang sinalubong ni Janeth ang dalawa at hinalikan sa pisngi. “Good morning din, Hubby…” malambing niyang bati sa akin. “Good morning too, Wife…” sagot ko naman, sabay halik sa kanyang labi. “Ewww! Nakakadiri ka, Dad! Hindi pa nga nagbabrush si Mommy ng teeth,” reklamo ni Eme habang patawa-tawang sumampa sa kama at tumatalon-talon pa. “Careful, Eme, baka madaganan mo ang tummy ni Mommy…” paalala ni Emer sa kapatid niya. “Ups… sorry, Kuya! Halika na, Mommy, let’s eat na! I’m so hungry na…” “Let’s go, Wife…” Akmang tatayo na ito nang bigla itong napangiwi sa sakit na naramdaman niya sa kanyang tiyan. “Hubby, parang manganganak na ata ako… Ahhh! Ang sakit!” Napamura ako sa gulat. “F**k! Emer, tawagin mo ang driver! Kunin mo ang cellphone ko at tawagan si Daddylo mo
Chapter 289Jayson POVFlashback Pagkalabas ni Janeth sa library, hindi ko maiwasang mapangiti habang sinusundan siya ng tingin. Hindi pa rin ako makapaniwala—ang babaeng bumuhay muli sa matagal nang natutulog kong puso ay siya rin palang aking napangasawa. At hindi lang basta asawa, kundi ang sekretaryang ilang gabi ko nang pinapantasya.Shit. Ramdam ko ang paninigas ng alaga ko sa loob ng suot kong slacks. Ilang minuto akong nanatili sa library, pinapakalma ang sarili, bago ako lumabas. Sakto namang pababa sina Mom at Dad mula sa hagdan."Mom, Dad, saan kayo pupunta?" tanong ko, bahagyang nag-aalangan sa kanilang malalawak na ngiti."Aalis muna kami ng daddy mo, son," sagot ni Mom, may kasamang pilyang kindat. "Para may pagkakataon kayong makabuo ng apo ko. Sana babae, para may maisasama akong mag-shopping at mag-ayos ng buhok!""Mom… apo agad?" Napakamot ako sa batok, hindi makapaniwala sa diretsahan niyang sagot."Why not?" singit naman ni Dad. "Matanda na kami, gusto naming may
Chapter 288Janeth’s POV"Sa sandali lang ha, maliligo muna ako," sabi ko dito upang makaiwas sa kanyang mapanuksong tingin sa akin. Habang nasa loob pa din ako sa kanyang silid ay hindi mo maiwasang mag-isip kong totoo ba itong lahat. "Totoo ba ‘to? As in real?" Yan ang paulit-ulit na tanong sa isip ko habang nakatayo sa loob ng kwarto ni Jayson. Kung panaginip lang ito, sana ‘wag na akong magising.Napatingin ako sa kama, at doon ko napansin ang isang neatly folded na damit pang-babae—may kasamang underwear at bra. Hmmm... kanino kaya ‘to?Lumapit ako at napansin ang isang maliit na note sa ibabaw. Agad ko itong binasa.To: JanethWear this, honey.From: MommyNapangiti ako nang makita ang sulat. Talaga si Mommy, ha? Ang bilis akong tanggapin bilang asawa ng anak niya.Wala na akong sinayang na oras at dumiretso na ako sa banyo para maligo.Ahhhh, ang sarap ng tubig.Habang sinasabon ang katawan, napatingin ako sa lagayan ng shampoo at sabon. Napangiti ako nang makita ang panglal
Chapter 287 Jayson POV "By the way, hindi tayo papasok ngayon," sabi ko habang nakasandal sa upuan, pinagmamasdan ang reaksyon ni Janeth. Napakunot ang noo niya. "Bakit, boss? May pupuntahan ho ba kayo? Kung gano'n, pwede na ho ba akong mag-mall? Pawala lang ng stress, hehehe." Napailing ako. "Yes and no." "H-ho?" nagtatakang tanong niya. "Yes, dahil may pupuntahan tayo. No, dahil honeymoon natin ngayon." Halos mapatalon siya sa kinatatayuan niya. "A-ano ho? H-honeymoon natin?" Ngumiti ako at tumayo mula sa aking upuan, dahan-dahang lumapit sa kanya. "Yes. And stop calling me boss. Just call me hubby." "Pe-pero, boss—" "Shhh..." Pinatigil ko siya, sabay taas ng kilay. Napalunok siya. "H-hubby..." Ngumiti ako sa narinig ko, pero halatang labag sa loob niya kaya masama ang tingin niya sa akin. "Bakit parang napipilitan ka?" tanong ko, nakataas ang isang kilay. "Gusto mo ba dito na lang tayo mag-honeymoon?" Bigla siyang napailing nang mabilis. "Sabi ko nga, hubby ang tawag
Chapter 286Janeth POV"Shit! Ang sakit ng ulo ko..." Napaungol ako habang marahang hinawakan ang aking noo. Ngunit natigilan ako nang mapansin kong hindi ito ang kwarto ko. Napabangon ako at napatingin sa paligid, nagtataka.Napako ang tingin ko sa isang picture frame."Shit! Shit! Bakit ako nandito sa kwarto ni boss?" Mabilis akong bumangon, sinikap kong hindi gumawa ng ingay habang dahan-dahang binuksan ang pinto. Ngunit halos mabangga ko si boss nang bigla siyang lumitaw sa harapan ko, nakakunot ang noo.Napalunok ako at pilit na ngumiti. "Hehehe… G-good morning, boss!""Follow me to the library.""Y-yes, boss..."Kinakabahan akong sumunod sa kanya. Ang daming tumatakbo sa isip ko—baka may nagawa akong mali? Baka tanggalin niya ako sa trabaho? Wag naman sana, Lord!Nang makarating ako sa harap ng library, nanlalamig na ang kamay ko sa kaba. Wala akong choice kundi kumatok.Tok! Tok! Tok!"Come in."Dahan-dahan akong pumasok at agad na nagmakaawa. "B-boss, kung ano man ang kasalana