Home / Romance / PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1) / 😍 Ang mahalaga ay tama ang piniling makasama 😍 Chapter 135

Share

😍 Ang mahalaga ay tama ang piniling makasama 😍 Chapter 135

Author: SKYGOODNOVEL
last update Huling Na-update: 2025-01-17 11:01:02

Chapter 135

"Dapat lang," mahinang sabi niya, halos pabulong, pero sapat na para marinig ko. Napakunot ang noo ko at agad siyang tinanong.

"Ano 'yun? May sinabi ka ba?" tanong ko habang nakatingin sa kanya, sinusubukang basahin ang ekspresyon niya.

Ngumiti siya nang bahagya, pero halatang pilit iyon. "Wala. Sabi ko, mabuti naman at maganda ang impression mo kay Emer," sagot niya habang umiwas ng tingin, kunwaring abala sa pag-aayos ng tasa ng kape niya.

Hindi ako kumbinsido sa sagot niya. "Sigurado ka? Parang iba ang narinig ko," sabi ko, bahagyang binibiro siya pero may halong pag-usisa.

"Huwag ka nang mag-isip ng kung ano-ano," aniya, ngayon ay nakangiti nang mas natural. "Ang mahalaga, nagustuhan mo si Emer. Mabuting tao 'yun, at mahal niya si Sarah."

Tumango ako, pero hindi nawala ang pakiramdam ko na may ibang kahulugan ang sinabi niya kanina. Hindi ko na lang pinilit na itanong ulit. Sa halip, tumingin ako sa malayo at pilit iniba ang usapan. "Mukhang masaya ang magiging kasal n
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    ❇️ Flores Company ❇️ Chapter 136

    Chapter 136 Habang inaayos ko ang gamit ng kambal, hindi ko maiwasang mag-isip ng malalim. Napakabilis ng mga pangyayari sa nakalipas na apat na araw. Ang dating simpleng buhay namin sa Pampanga ay biglang nagbago nang malaman kong ang ama pala ng kambal ay walang iba kundi si Jammie, ang dating boss ko sa kompanya. Ngayon, narito na kami sa mansyon nila, isang lugar na hindi ko kailanman inakalang mapupuntahan ko, lalo na’t kasama ang mga anak ko. Sa kabila ng lahat, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Masaya ako dahil kasama ko ang mga anak ko at nakikita nilang binibigyang-pansin sila ng ama nila. Pero sa kabilang banda, may kaunting takot at pag-aalinlangan sa puso ko. Tumigil ako saglit sa pag-aayos ng mga damit nina Jenny at John at napatingin sa kanila. Pareho silang masaya habang nagkukulitan sa kama. Napangiti ako. Kahit anong mangyari, sila ang prioridad ko. Pero hindi ko rin maiwasang tanungin ang sarili ko. 'May nobya na ba si Jammie? Kung meron man, paa

    Huling Na-update : 2025-01-17
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    🔴 Back to work 🔴 Chapter 137

    Chapter 137Hindi ko maiwasang ngumiti sa kanyang papuri. "Salamat po, Ms. Clara," sagot ko nang magalang."Okay, Clara," putol ni Jammie, sabay tingin sa kanyang relo. "Pakisabi na lang kay Mr. Dela Cruz na antayin ako sa conference room. I’ll meet him in thirty minutes.""Noted po, Sir," mabilis na sagot ni Ms. Clara, ngunit hindi pa rin nawawala ang ngiti nito. Alam kong marami siyang tanong sa isip, ngunit halatang pinipigilan niyang magsalita nang higit pa."Let’s go, Kiera," sabi ni Jammie, sabay lakad patungo sa kanyang opisina. Sumunod ako, habang ang kambal naman ay masayang nagmamasid sa paligid.Pagpasok namin, ramdam ko agad ang bigat ng pagiging CEO ni Jammie. Malaki, moderno, at elegante ang kanyang opisina—tila sumasalamin sa kanyang personalidad. Napatingin ako sa kanya habang tahimik niyang inayos ang mga papel sa kanyang mesa."Komportable na ba ang kambal sa bagong setup?" tanong niya bigla, na ikinagulat ko nang bahagya."Oo naman," sagot ko. "Sobrang excited nila

    Huling Na-update : 2025-01-17
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    🖤 Napahiya 🖤 Chapter 138

    Chapter 138 Napailing ako at pilit na ngumiti. "Lia, salamat, pero tama na muna ang tsismis. Balik na tayo sa trabaho," sagot ko, sabay harap ulit sa computer. Habang bumabalik siya sa desk niya, naririnig ko pa rin ang mahina niyang pagtawa. Alam kong may point siya sa iba niyang sinabi, pero hindi ko rin maiwasang mapaisip. Sa gitna ng lahat ng nangyayari, parang mas komplikado pa ang buhay kaysa dati. Habang busy kami ay nagpapasalamat ako dahil sa wakas ay natahimik na din iyon pero ang katahimikan ay biglang nagkaroon ng isang malaking kagulohan ng mag biglang humila sa aking buhok at sinasampal dahil mang-aagaw daw ako na hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin at sino ang inagaw ko. Napahiyaw ako sa sakit at gulat nang biglang may humila sa buhok ko mula sa likuran. "Ano ba?! Sino ka?!" sigaw ko, pilit na kumakawala habang nararamdaman ko ang init ng sampal na tumama sa pisngi ko. "Hindi mo alam?!" galit na boses ng babae ang sumalubong sa akin, ang mga mata ni

    Huling Na-update : 2025-01-17
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    🥴 Resigned 🥴 Chapter 139

    Chapter 139"Uminom ka muna, Kiera," sabi ni Lia habang inaabot ang baso ng tubig. Kita ko sa mukha niya ang awa at pag-aalala."Salamat," mahina kong sabi, kinuha ang baso at pilit na pinakalma ang sarili. Nanginginig pa rin ang kamay ko habang umiinom, pero kahit papaano, naramdaman kong unti-unting bumababa ang tensyon sa katawan ko."Ano ba kasi 'yang nangyayari, Kiera? Bakit parang pelikula ang buhay mo ngayon?" tanong ni Lia, pero sa tono niya, halata ang sinseridad sa pag-aalala.Napailing ako. "Hindi ko rin alam, Lia. Parang hindi ko naman ginusto na mapasok sa ganitong sitwasyon. Pero ito na 'to, andito na tayo."Umupo si Lia sa tabi ko at bahagyang tumikhim. "Alam mo, kung ako ang nasa posisyon mo, malamang kanina pa ako sumabog sa galit. Pero ikaw, nakaya mo pang magtimpi.""May choice ba ako? Kung patulan ko 'yung babaeng 'yon, mas lalo lang kaming mapapahiya. Masisira pa lalo ang reputasyon ng department natin," paliwanag ko, pilit na pinapasok ang utak sa trabaho kahit p

    Huling Na-update : 2025-01-17
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    🤔 Andrea, bagong karibal 🤔 Chapter 140

    Chapter 140 Si Ms. Reyes ay nag-aatubiling sumagot, ngunit tinitigan si Andrea bago nagsalita. "Si Ms. Andrea po ay nagdesisyong mag-resign sa kumpanya. May mga hindi pagkakaunawaan, at ito na po ang naging desisyon niya." Nagpatuloy si Ms. Reyes habang tumingin kay Andrea, "Hindi ko po kayang ilahad ang detalye ng mga personal na isyu, pero ito po ang naging kahihinatnan." Napatingin ako kay Andrea, at sa kabila ng kanyang mga luha, isang bagay sa kanyang mata ang nagsabi ng maraming bagay—may galit, may sama ng loob, at may takot na tila hindi ko kayang lubos na intindihin. "Masaya na ba kayo, Kiera?" tanong ni Andrea na parang sinadyang sabihing malakas upang magdulot ng kaunting kalituhan. Hindi ako nakasagot, at tumagal ng ilang saglit ang katahimikan. "Ms. Reyes," nagsalita ako sa wakas, "I would like to file a report regarding the incident earlier. It’s important that it be addressed properly." Tumango si Ms. Reyes at ngumiti, kahit na halata ang kaba sa kanyang mga mata

    Huling Na-update : 2025-01-18
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    🥀 Ointment 🥀 Chapter 141

    Chapter 141"Halika, sumama ka sa akin?" sabi niya saka tumayo at inalalayan akong tumayo sa upuan. "Saan tayo pupunta?" takang tanong ko dito. "Sa opisina ko, para makapahinga ka. Wag kang mag-alala dahil kinuha nina Mommy at Daddy ang kambal para ipasyal," sabi niya bahang ang kanyang kamay ay nasa aking baywang nga bang naglalakad kami palabas ng HR office. Habang naglalakad kami patungo sa opisina ni Jammie, hindi ko maiwasang mag-isip. Marami akong tanong na naglalabasan sa aking isip, ngunit pinili ko munang manatili sa katahimikan. Ramdam ko ang init ng kanyang kamay sa aking baywang, na nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam—isang pakiramdam na hindi ko matukoy. Hindi ko alam kung anong klaseng relasyon mayroon kami ngayon, ngunit ang mga eksenang ito ay nagsisimulang magbukas ng mga bagong emosyon sa akin.Nang makarating kami sa opisina ni Jammie, agad niyang pinatay ang ilaw at pinalakas ang aircon. Inalalayan niya akong maupo sa isang komportableng sofa, bago siya tum

    Huling Na-update : 2025-01-18
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    🥺 Naguguluhan 🥺 Chapter 142

    Chapter 142 Paglipas ng mga oras ay hindi ko namalayang nakatulog pala ako pagkatapos kung uminom ng gamot para sa pangingirot ng aking pisngi. Pagising ko, naramdaman ko ang malamig na simoy ng aircon sa loob ng opisina ni Jammie. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at natanaw ang malambot na sofa kung saan ako nakahiga. Napansin ko rin ang kumot na nakabalot sa akin—malamang ay inilagay iyon ni Jammie habang natutulog ako. Nang lingunin ko siya, nakita ko siyang abala sa harap ng kanyang desk, tahimik na nagbabasa ng mga dokumento. Kahit seryoso ang kanyang mukha, may kapansin-pansing kabaitan sa kanyang presensya na nagbigay sa akin ng pakiramdam ng seguridad. "Nagising ka na pala," sabi niya, hindi inaalis ang tingin mula sa papel na hawak niya. Tumango ako at pilit na ngumiti. "Oo, pasensya na kung nakatulog ako nang hindi ko namalayan." Iniwan niya ang kanyang ginagawa at tumayo mula sa kanyang upuan, lumapit siya sa akin habang may dalang baso ng tubig at isa

    Huling Na-update : 2025-01-18
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    ☺ Teenager crush ☺ Chapter 143

    Chapter 143 Bigla siyang lumingon sa akin, dahilan upang mahuli niya akong nakatitig sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat, at bago pa ako makaiwas, nakita ko ang sumilay na ngiti sa kanyang labi—isang ngiting hindi mapagkakailang may halong paglalambing. Dahil doon, mabilis akong umiwas ng tingin, at agad kong naramdaman ang init sa aking mga pisngi. Ano ba ito, Kiera? Para kang bata! saway ko sa sarili ko habang pilit na tinatago ang pamumula ng mukha ko. "Kiera," tawag niya, ang boses niya ay may bahagyang kasiyahan. "Bakit parang namumula ka?" "A-ah, wala," sagot ko nang mabilis, pilit na inilalayo ang tingin. "Mainit lang siguro." Napansin ko ang munting pagtawa niya. "Kung mainit, bakit parang ang lakas pa rin ng aircon?" Halos gusto ko nang malusaw sa upuan ko sa sobrang hiya. Hindi ko alam kung paano ako aamin na huli niya akong nakatitig sa kanya, kaya pilit kong binago ang usapan. "Saan na ba 'yung pagkain? Gutom na kasi ako." Napailing siya, pero hindi na

    Huling Na-update : 2025-01-18

Pinakabagong kabanata

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 251

    Chapter 251Jammie POV"Dad, maiwan ka lang dito. Kami na lang apat ang pupunta!" matigas kong sabi habang hinahanda ang gamit ko.Matalim ang tingin sa akin ni Dad, halatang hindi sang-ayon sa sinabi ko. "Anong tingin mo sa akin? Matanda na?!" bumuntong-hininga siya. "Jammie, anak, hindi mo ako mapipigilan. Hindi ako mananatili rito habang kayo ang nasa panganib."Lumingon ako kay Jimmie, naghahanap ng suporta, pero nakita kong seryoso rin ang expression niya. "Mas mabuting maiwan ka, Dad. Hindi dahil matanda ka na, kundi dahil ikaw ang dapat mangalaga sa pamilya natin kung sakaling may hindi magandang mangyari.""Walang mangyayaring masama," sabat ni Tita Althea na kasalukuyang nagkakabit ng mga bala sa kanyang pistol. "Basta sumunod tayo sa plano.""Tita Althea's right," dagdag ni Emer habang inaayos ang body armor niya. "Mabilis lang 'to, Dad. Hindi namin hahayaang humaba pa ang laban na ‘to."Napailing si Dad, pero sa huli ay sumuko na rin siya. "Kung may mangyayari sa inyo…" Tum

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 250

    Chapter 250"Sandali, kailangan hindi natin sabihin kay Mom at iba pa. Kailangan tayong apat lang ang nakakaalam upang maiwasan ang kanilang takot," sabi ni Jammie sa aming lima. Tumango si Dad at hinilot ang sentido niya. "Tama ka, Jammie. Ayokong mag-panic ang lahat, lalo na ang mommy niyo."Nagkatinginan kami ni Emer, halatang pareho kaming nag-aalala. "Pero sino naman 'tong bagong kalaban natin?" tanong ko, sinisikap na panatilihin ang aking boses na kalmado.Nagbuntong-hininga si Tita Althea bago naglabas ng isang folder mula sa kanyang bag. "Matagal ko nang minamanmanan 'to, pero hindi ko inakalang magpapakita siya sa ganitong pagkakataon."Binuksan ni Dad ang folder, at sa loob ay may mga litrato ng isang lalaki—matangkad, may matalim na mga mata, at mukhang walang awa."Siya si Darius Montenegro," mahinang sabi ni Tita Althea. "Isang international arms dealer at dating hitman ng Cobra Gang."Napamura si Emer. "Cobra Gang na naman? Akala ko ba tapos na kami sa kanila?""Hindi

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 249

    Chapter 249Pagsikat ng araw, handa na kaming bumalik sa mansyon. Halos walang nakatulog sa amin kagabi, lalo na ako at si Jammie. Ang sinabi namin sa isa't isa kagabi ay malinaw pa rin sa isipan ko—hindi pa tapos ang laban.Habang nag-aayos ng gamit, lumapit sa akin si Claire at mahigpit akong niyakap mula sa likod. "Sigurado ka bang ligtas na talaga tayo?" mahina niyang tanong.Huminga ako nang malalim at ipinatong ang kamay ko sa mga kamay niya. "Gagawin ko ang lahat para siguraduhin 'yon," tugon ko.Narinig kong bumuntong-hininga siya. "Hindi kita pipigilan, Jimmie. Pero sana… huwag mo ring kalimutan ang sarili mo. Huwag mong hayaang kainin ka ng takot."Humarap ako sa kanya at hinawakan ang mukha niya. "Hindi ako natatakot. Hindi ko hahayaang may mangyari sa 'yo at sa mga anak natin."Bago pa siya makasagot, bumukas ang pinto at sumilip si Jammie. "Handa na tayo?" tanong niya.Tumango ako at hinalikan si Claire sa noo bago tuluyang sumama sa kanila.Sarah’s POVHabang nasa loob n

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 248

    Chapter 248Jimmie POVRamdam ko ang tension sa paligid nang dumating muli si Sarah kasama ang kanyang asawa at ang triplets nila. Hindi ko masisisi ang bunsong kapatid namin—alam kong mahirap para sa kanya na lumayo habang may pangamba pa sa puso niya. Pero ngayong wala nang banta sa aming pamilya, gusto kong maibalik ang katahimikan sa lahat.Napatingin ako kay Claire. Kanina pa siya tahimik, pero alam kong hindi pa rin nawawala ang kaba niya. Lumapit ako at marahang hinawakan ang kanyang kamay.“Mahal, okay na tayo. Wala nang banta,” bulong ko sa kanya.Huminga siya nang malalim bago tumango. “Alam ko… pero hindi ko maiwasang mag-alala. Ang daming nangyari, Jimmie. At kung may isa pang ganitong sitwasyon…” Napahinto siya at napatingin sa mga anak namin na masayang naglalaro kasama ang pinsan nilang triplets. “…hindi ko alam kung kakayanin ko pa.”Hinila ko siya papalapit at yinakap nang mahigpit. “Wala na, Claire. Tapos na ang gulo. Ngayon, tayo naman ang magpapasya kung paano nat

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 247

    Chapter 247 Sarah POV Hindi ko pa rin alam kung matutuwa ba ako o magagalit sa aking asawa. Pakiramdam ko ay pinagtakpan niya ang isang napakalaking bagay—ang pagiging Mafia ng kanyang tiyuhin! "Emer, paano mo nagawang hindi sabihin sa akin ang tungkol kay Tito Dark?" matalim kong tanong habang nasa loob kami ng sasakyan. Napakamot siya ng ulo at lumingon sa akin. "Mahal, hindi ko naman sinasadyang itago. Hindi lang talaga ako sanay na pag-usapan ang pamilya ko, lalo na si Tito." "Pwes, dapat sanayin mo na! Dahil pamilya mo rin ako, Emer. At dapat wala kang tinatago sa akin!" inis kong sabi, sabay hampas sa braso niya. Napairap siya at hinawakan ang kamay ko. "Okay, okay! Sorry na. Wala na naman tayong dapat ipag-alala, ‘di ba? Tapos na ang lahat." Napabuntong-hininga ako. "Oo nga, pero paano kung may kasunod pa? Paano kung may ibang kalaban pang lalabas? Hindi mo ba naisip kung gaano ako nag-aalala sa’yo?" Huminto siya sa pagmamaneho at tumingin sa akin, hawak pa rin ang kama

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 246

    Chapter 246 Nagkatinginan kami ni Jimmie at hindi napigilang magpalitan ng tingin. Mukhang malalim pa ang bahaging ito ng kwento ng pamilya namin. Samantala, si Mommy Heart naman ay lumapit kay Daddy Brandon at marahang hinawakan ang kamay nito. "Ngayong nakuha na si Ruby, anong balak natin? Hahayaan ba natin si Zaina ang bahala sa kanya?" Napatingin si Uncle Red sa kanyang asawa. "Si Zaina lang ang may alam kung paano niya ito patatakbuhin. Pero gusto kong makuha ang lahat ng impormasyon na alam ni Ruby bago siya mawala nang tuluyan." Tahimik kaming lahat. Alam naming hindi magiging madali ang susunod na hakbang. Maya-maya, bumukas ang pinto ng safehouse, at pumasok si Zaina. Suot pa rin niya ang kanyang combat gear, at may bahid ng dugo ang kanyang guwantes. "Tapos na," malamig niyang sabi. "At may nalaman akong hindi niyo magugustuhan.""Ano?" takang tanong ni Mom."Siya pala ang likod sa lahat na mga problema sa inyong pamilya at negosyo!" wika niya. "Ang muntik nangabuldo

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 245

    Chapter 245 "Dahil nasa panganib ang pamilaya sa asawa ng pamangkin mo na si Emer, nasayo kung ayaw mong magalit ang kapatid mo na si Janith. Dark!" Nagkaroon ng maikling katahimikan sa linya. Halos pigilin ko ang hininga ko habang hinihintay ang sagot ni Xyler. Alam kong hindi basta-basta nagbibigay ng tulong ang isang tulad niya, lalo na kung walang kapalit. Sa wakas, sumagot ito—mabagal, matalim. "Tsk. Gamit na gamit ang pangalan ng kapatid ko, ah?" Ramdam ko ang tensyon sa boses niya. Alam kong hindi niya kayang balewalain ang sinabi ni Uncle Red, dahil si Janith lang ang isa sa mga taong tunay niyang iniingatan. "Bigyan mo ako ng isang oras. Ako na ang bahala sa natitirang galamay ni Ruby," malamig na saad nito. Napatingin kami kay Uncle Red, na tumango nang bahagya bago sumagot. "Ayos. Hinihintay namin ang kilos mo, Dark." Biglang napakunot ang noo ko. "Dark?" tanong ko, hindi mapigilang magduda. Tumingin si Uncle Red sa akin, saka napangisi nang bahagya. "Xyler

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 244

    Chapter 244 Matapos ang seryosong usapan, napagdesisyunan naming lahat na umalis muna sa mansyon at lumipat sa isang safehouse sa Tagaytay na inihanda ni Dad. Habang nasa daan, tahimik ang lahat. Tila iniisip ang mga maaaring mangyari sa misyon ni Tita Zaina. Si Mommy Heart ay nakayakap kay Daddy Brandon, halatang nag-aalala. Si Uncle Red naman ay panay ang tingin sa kanyang telepono, siguro ay naghihintay ng balita mula sa asawa niya. Ako? Tiningnan ko si Jimmie, at kita ko rin sa mukha niya ang pag-aalala. Kahit hindi kami nagsasalita, alam kong pareho kaming nag-iisip kung kailan matatapos ang lahat ng ito. Nang makarating kami sa safehouse, agad kaming inasikaso ng mga tauhan ni Dad. Malaki ang lugar, may magandang tanawin ng Taal Lake, pero sa kabila ng ganda nito, alam naming hindi kami nandito para magbakasyon. Habang inaayos ang mga gamit, lumapit ako kay Jimmie. "Sa tingin mo, magiging maayos ba ang lahat?" Huminga siya nang malalim bago sumagot. "Wala tayong iban

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 243

    Chapter 243Lumipas ang dalawang araw, at sa unang pagkakataon, nakita namin nang personal si Tita Zaina—ang asawa ni Uncle Red.Tahimik akong nakamasid habang bumababa siya mula sa itim na sasakyan. Maganda siya, may matikas na tindig, at isang presensiyang mahirap ipaliwanag. Ni hindi mo iisiping isang assassin siya. Sa suot niyang eleganteng dress at mahinhing galaw, mukha siyang isang royal na bumisita mula sa isang mayamang bansa. Pero alam kong sa likod ng maamong mukha niyang iyon, may itinatagong galing na hindi basta-basta matatalo.Si Uncle Red mismo ang sumalubong sa kanya, at doon ko lang nakita ang bahagyang pagkalma sa mukha ng tiyuhin ko.“Zaina,” mahinang tawag ni Uncle Red.Ngumiti si Tita Zaina at hinalikan siya sa pisngi bago iniangat ang tingin sa amin. Isa-isa kaming tinapunan ng tingin, tila ini-scan niya ang bawat isa. Nang tumapat ang mata niya sa akin, bahagya siyang tumango bilang pagbati.“Finally, we meet,” aniya sa malamig pero magalang na tono.“Welcome,

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status