Chapter 141"Halika, sumama ka sa akin?" sabi niya saka tumayo at inalalayan akong tumayo sa upuan. "Saan tayo pupunta?" takang tanong ko dito. "Sa opisina ko, para makapahinga ka. Wag kang mag-alala dahil kinuha nina Mommy at Daddy ang kambal para ipasyal," sabi niya bahang ang kanyang kamay ay nasa aking baywang nga bang naglalakad kami palabas ng HR office. Habang naglalakad kami patungo sa opisina ni Jammie, hindi ko maiwasang mag-isip. Marami akong tanong na naglalabasan sa aking isip, ngunit pinili ko munang manatili sa katahimikan. Ramdam ko ang init ng kanyang kamay sa aking baywang, na nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam—isang pakiramdam na hindi ko matukoy. Hindi ko alam kung anong klaseng relasyon mayroon kami ngayon, ngunit ang mga eksenang ito ay nagsisimulang magbukas ng mga bagong emosyon sa akin.Nang makarating kami sa opisina ni Jammie, agad niyang pinatay ang ilaw at pinalakas ang aircon. Inalalayan niya akong maupo sa isang komportableng sofa, bago siya tum
Chapter 1 "Heart, gising na! Naku, ikaw talagang bata ka, pag nalate ka sa klase mo, kukurutin talaga kita sa singit!" wika ng aking butihing ina. Dahil sa lakas ng boses ni Mama, kaya siya ang ginawang naming alarm clock kasama na ang mga kaibigan kong sina Althea at Angie. Kung kapitbahay kami ni Janith, siguradong magigising talaga din ito. Sino ba naman hindi magigising sa kanyang boses para itong nakalunok ng megaphone dahil sa tinig nito. Habang tinatabunan ko ang aking mga tainga, sinilip ko ang orasan sa dingding. Ganoon na lang ang paglalaki ng mata ko nang makita kong 6:45 AM na pala. Agad akong napabalikwas saka mabilis bangon at nagmadaling tumungo sa likod ng bahay kung saan naroon ang aming paliguan. Agad kong binuksan ang gripo at sabay na umangal, dahil ngayon lang ako ginising ng aking ina. "Mama, bakit ngayon mo lang ako ginising? Malilate na ako!" pagsisisi ko dito habang nagbubuhos ng tubig sa aking ulo galing sa tabo. Nangingisay pa ako sa sobrang lami
Chapter 2 Napa tingin ako sa kay unahan dahil nakita ko silang silang dalawa nag-uusap kaya malakas ko silang tumawag. "Mga Bakla..." sigaw ko. Lumingon silang dalawa. Si Althea ay may sama ng tingin, pero si Angie, masaya, ay kumakaway at naka-ngiti. "Kahit kailan, ang ingay mo! Gusto mo talagang titigan yang dibdib mong malaki, kasing laki ng bunga ng niyog," sabi ni Althea, na agad namang kinatawan ni Angie, kaya tumingin ako sa kanya na nakasimangot. "Hahaha! Ang nag-salita, parang hindi malaki ang dibdib niya. Hoy, Althea, kasing laki lang kayo!" wika ni Angie, na nagpasimangot si Althea, pero hindi ko na napigilang tumawa. Si Althea kasi, kahit mukhang seryoso sa buhay, at may matinding personalidad ay may kapilyahan din itong tinataho. Hindi siya basta-basta at hindi mo siya dapat bastusin. Sa mga ganitong klaseng tao ay mahirap ang pagkasamahan, pero minsan may pagka kalog din ito. Pagkapasok namin sa loob ng school, nakita namin si Janith na masayang kumakawa
Chapter 3 Brandon POV Nandito kami ni Kurt sa isang birthday ng kakilala niya sa school. Naimbitahan kasi kami, kaya pinaunlakan namin. Habang papasok kami, napansin ko ang apat na babae na pumasok sa loob. Yung tatlo ay masayahin, pero yung isa ay napaka-seryoso. Pagpasok nila, nagtinginan silang apat saka pumunta sa lamesa kung nasaan ang mga pagkain. Hindi sila nag-atubiling kumuha. Yung isa, humiwa ng lechon sa bandang tiyan na malaki, habang yung isa ay kumuha ng iba’t ibang putahe—dalawang plato ang nakuha niya. Yung isa naman, kumuha ng maraming kanin. Pero yung isang babae na seryoso, pumunta sa lihenang inumin at may sinabi sa nakatalaga roon. Binigyan siya ng dalawang wine. Siguro kakilala siya ng may kaarawan. Pagkatapos, lumabas sila, at sinundan ko sila hanggang sumakay sa tricycle. Mukhang papunta sila sa dagat. "Oh bro, tulala ka ata..." tanong sa aking kaibigan. "Ha? Ah, eh may iniisip lang," palusot ko dito. "Ano?" tanong muli niya sa akin. "Tungkol s
Chapter 4Heart POVTsk! Nagtanong lang ako, tapos sinabihan lang ako! “Uwi na tayo, mga bakla, gabi na,” sabi ko. Nagsitayuan na kaming lahat, handa nang umalis. Pero habang naglalakad, nabunggo si Althea ng isang babae. Siya pa ang ginawang may kasalanan, ngunit hindi umalma ang kaibigan ko. Hinayaan mang niya ito pero si Janeth ay nais sa inasta ng babae kaya agad silang nag-sagutan nito. “You, bitch?” sigaw ng babae kay Althea.“Ha? Siya? Bitch?” sabay turo kay Althea, na cool na nakatingin sa babae. “O baka ikaw yun! Ikaw nga tong bumangga sa kanya tapos ikaw pa ang may ganang magalit? Hoy, babaeng bulang sa harina ang mukha, wag mong gagalitin ang kaibigan namin, baka manghiram ka ng mukha sa aso!” galit na singhal ni Janith.Kaya ayaw naming galitin si Janith kasi baka hindi na mapigilan ang bibig niya.“Tayo na!” yun lang ang sabi ni Althea. Pero nagtanong si Angie, “Ayaw mo bang humingi siya ng sorry sayo?” may pagtatakang tanong niya kay Althea. “Na, ayaw ko ng aksayahin a
Chapter 5 Fast Forward Five Years Later "Miss Cruz, pinapunta ka sa head office," sabi ng kasama kong nurse. "Ha? Bakit daw?" tanong ko, medyo naguguluhan. "Ay, ewan, dai," sagot niya. Dahil sa sagot niya, tumango na lang ako, ngunit kinabahan ako. Baka may nagawa akong mali sa trabaho. Hindi ko namalayan, nandito na pala ako sa tapat ng office. Kumatok ako at narinig kong may nagsalita sa loob, "Pasok." Pinihit ko ang pinto at pumasok, sabay bigay galang sa aking boss. "Maayong buntag, boss," bati ko dito kahit kinakabahan ako na baka may nagawa akong mali sa aking pagserbisyo sa hospital. "Magandang umaga din. Hindi na ako magpaligoy-ligoy sa'yo, Miss Cruz. Pinatawag kita para sabihing ikaw ang napili naming idistino sa Manila. Free ang bahay at tataasan ang sahod mo kung papayag ka," sabi niya agad sa akin. "Eh, boss, kung papayag ako, paano na ang hanapbuhay namin dito? At baka hindi pumayag si mama," tugon ko dito. "Nag-usap na kami ng mama mo, at oo na siy
Chapter 6 Kinabukasan ay maaga akong nagising, dahil unang araw ko sa aking trabaho sa isang malaking hospital sa Maynila. Agad akong bumangon at niligpit ko ang aking higaan, pakatapos ay agad akong nagpunta sa banyo para gawin ang morning routine ko. Pagkatapos kong maligo ay agad akong lumabas sa banyo at nagtungo sa closet upang kumuha ng maisusuot ko. Nagbihis muna ako ng pangbahay at hinanda ang gamit ko bago lumabas sa silid upang magluto ng almusal. Isang scramble eggs at toasted bread at isang basong gatas ang aking almusal. "Ito na lang muna baka ma-late ako sa aking unang trabaho kapang magluto ako," bulong ko sa aking sarili saka ko kinain ang aking hinanda. Pagkatapos kong kumain ay agad kung hinugasan ang pinagkainan ko saka ako umakyat sa aking silid para makapagbihis at makahanda na sa aking -trabaho. At dahil excited na ako, binilisan ko ang aking mga galaw upang maaga ako makaalis sa aking tinutuluyan. Mamadali akong naghanda dahil 6:39 AM n
Chapter 7 Napaka-busy ngayong araw na ito. Kahit mag tatanghalin pa lang, may mga nurse na nag-aasikaso sa mga pasyente at may mga doctor na rin na nagmamadali. Habang naglalakad ako, napansin ko ang isang lalaki na kasama sa pagtulong sa isang buntis. "Hmm, siguro mayaman yung manganganak," sabi ko sa isip ko, dahil kitang-kita ko ang pagka-kandarapa ng mga staff sa paligid na parang hindi nila alam ang kanilang gagawin. Natapos ko ang mga gawain ko, kaya agad kung inunat ang aking katawan at saka pagkatapos ay pumunta ako sa lobby ng hospital dahil doon ako dadaan patungo sa pasyenteng kailanga kung i-check ang kanyang kalagayan. Ngunit hindi ko inaasahan na may isang lalaki na bigla na lang bumangga sa akin, dahilan para mabigla ako at hindi ako nakagalaw. Agad ako nagalit at nainis ako sa ginawa niya, ang akala ko ay hihingi siya ng tawad sa akin. Pero mas lalo akong nagalit dahil bigla na lang niyang hawakan ang dibdib ko na hindi makapaniwala at pinisil-pisil niya pa
Chapter 141"Halika, sumama ka sa akin?" sabi niya saka tumayo at inalalayan akong tumayo sa upuan. "Saan tayo pupunta?" takang tanong ko dito. "Sa opisina ko, para makapahinga ka. Wag kang mag-alala dahil kinuha nina Mommy at Daddy ang kambal para ipasyal," sabi niya bahang ang kanyang kamay ay nasa aking baywang nga bang naglalakad kami palabas ng HR office. Habang naglalakad kami patungo sa opisina ni Jammie, hindi ko maiwasang mag-isip. Marami akong tanong na naglalabasan sa aking isip, ngunit pinili ko munang manatili sa katahimikan. Ramdam ko ang init ng kanyang kamay sa aking baywang, na nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam—isang pakiramdam na hindi ko matukoy. Hindi ko alam kung anong klaseng relasyon mayroon kami ngayon, ngunit ang mga eksenang ito ay nagsisimulang magbukas ng mga bagong emosyon sa akin.Nang makarating kami sa opisina ni Jammie, agad niyang pinatay ang ilaw at pinalakas ang aircon. Inalalayan niya akong maupo sa isang komportableng sofa, bago siya tum
Chapter 140 Si Ms. Reyes ay nag-aatubiling sumagot, ngunit tinitigan si Andrea bago nagsalita. "Si Ms. Andrea po ay nagdesisyong mag-resign sa kumpanya. May mga hindi pagkakaunawaan, at ito na po ang naging desisyon niya." Nagpatuloy si Ms. Reyes habang tumingin kay Andrea, "Hindi ko po kayang ilahad ang detalye ng mga personal na isyu, pero ito po ang naging kahihinatnan." Napatingin ako kay Andrea, at sa kabila ng kanyang mga luha, isang bagay sa kanyang mata ang nagsabi ng maraming bagay—may galit, may sama ng loob, at may takot na tila hindi ko kayang lubos na intindihin. "Masaya na ba kayo, Kiera?" tanong ni Andrea na parang sinadyang sabihing malakas upang magdulot ng kaunting kalituhan. Hindi ako nakasagot, at tumagal ng ilang saglit ang katahimikan. "Ms. Reyes," nagsalita ako sa wakas, "I would like to file a report regarding the incident earlier. It’s important that it be addressed properly." Tumango si Ms. Reyes at ngumiti, kahit na halata ang kaba sa kanyang mga mata
Chapter 139"Uminom ka muna, Kiera," sabi ni Lia habang inaabot ang baso ng tubig. Kita ko sa mukha niya ang awa at pag-aalala."Salamat," mahina kong sabi, kinuha ang baso at pilit na pinakalma ang sarili. Nanginginig pa rin ang kamay ko habang umiinom, pero kahit papaano, naramdaman kong unti-unting bumababa ang tensyon sa katawan ko."Ano ba kasi 'yang nangyayari, Kiera? Bakit parang pelikula ang buhay mo ngayon?" tanong ni Lia, pero sa tono niya, halata ang sinseridad sa pag-aalala.Napailing ako. "Hindi ko rin alam, Lia. Parang hindi ko naman ginusto na mapasok sa ganitong sitwasyon. Pero ito na 'to, andito na tayo."Umupo si Lia sa tabi ko at bahagyang tumikhim. "Alam mo, kung ako ang nasa posisyon mo, malamang kanina pa ako sumabog sa galit. Pero ikaw, nakaya mo pang magtimpi.""May choice ba ako? Kung patulan ko 'yung babaeng 'yon, mas lalo lang kaming mapapahiya. Masisira pa lalo ang reputasyon ng department natin," paliwanag ko, pilit na pinapasok ang utak sa trabaho kahit p
Chapter 138Napailing ako at pilit na ngumiti. "Lia, salamat, pero tama na muna ang tsismis. Balik na tayo sa trabaho," sagot ko, sabay harap ulit sa computer.Habang bumabalik siya sa desk niya, naririnig ko pa rin ang mahina niyang pagtawa. Alam kong may point siya sa iba niyang sinabi, pero hindi ko rin maiwasang mapaisip. Sa gitna ng lahat ng nangyayari, parang mas komplikado pa ang buhay kaysa dati.Habang busy kami ay nagpapasalamat ako dahil sa wakas ay natahimik na din iyon pero ang katahimikan ay biglang nagkaroon ng isang malaking kagulohan ng mag biglang humila sa aking buhok at sinasampal dahil mang-aagaw daw ako na hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin at sino ang inagaw ko. Napahiyaw ako sa sakit at gulat nang biglang may humila sa buhok ko mula sa likuran. "Ano ba?! Sino ka?!" sigaw ko, pilit na kumakawala habang nararamdaman ko ang init ng sampal na tumama sa pisngi ko."Hindi mo alam?!" galit na boses ng babae ang sumalubong sa akin, ang mga mata niya naglil
Chapter 137Hindi ko maiwasang ngumiti sa kanyang papuri. "Salamat po, Ms. Clara," sagot ko nang magalang."Okay, Clara," putol ni Jammie, sabay tingin sa kanyang relo. "Pakisabi na lang kay Mr. Dela Cruz na antayin ako sa conference room. I’ll meet him in thirty minutes.""Noted po, Sir," mabilis na sagot ni Ms. Clara, ngunit hindi pa rin nawawala ang ngiti nito. Alam kong marami siyang tanong sa isip, ngunit halatang pinipigilan niyang magsalita nang higit pa."Let’s go, Kiera," sabi ni Jammie, sabay lakad patungo sa kanyang opisina. Sumunod ako, habang ang kambal naman ay masayang nagmamasid sa paligid.Pagpasok namin, ramdam ko agad ang bigat ng pagiging CEO ni Jammie. Malaki, moderno, at elegante ang kanyang opisina—tila sumasalamin sa kanyang personalidad. Napatingin ako sa kanya habang tahimik niyang inayos ang mga papel sa kanyang mesa."Komportable na ba ang kambal sa bagong setup?" tanong niya bigla, na ikinagulat ko nang bahagya."Oo naman," sagot ko. "Sobrang excited nila
Chapter 136 Habang inaayos ko ang gamit ng kambal, hindi ko maiwasang mag-isip ng malalim. Napakabilis ng mga pangyayari sa nakalipas na apat na araw. Ang dating simpleng buhay namin sa Pampanga ay biglang nagbago nang malaman kong ang ama pala ng kambal ay walang iba kundi si Jammie, ang dating boss ko sa kompanya. Ngayon, narito na kami sa mansyon nila, isang lugar na hindi ko kailanman inakalang mapupuntahan ko, lalo na’t kasama ang mga anak ko. Sa kabila ng lahat, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Masaya ako dahil kasama ko ang mga anak ko at nakikita nilang binibigyang-pansin sila ng ama nila. Pero sa kabilang banda, may kaunting takot at pag-aalinlangan sa puso ko. Tumigil ako saglit sa pag-aayos ng mga damit nina Jenny at John at napatingin sa kanila. Pareho silang masaya habang nagkukulitan sa kama. Napangiti ako. Kahit anong mangyari, sila ang prioridad ko. Pero hindi ko rin maiwasang tanungin ang sarili ko. 'May nobya na ba si Jammie? Kung meron man, paa
Chapter 135"Dapat lang," mahinang sabi niya, halos pabulong, pero sapat na para marinig ko. Napakunot ang noo ko at agad siyang tinanong."Ano 'yun? May sinabi ka ba?" tanong ko habang nakatingin sa kanya, sinusubukang basahin ang ekspresyon niya.Ngumiti siya nang bahagya, pero halatang pilit iyon. "Wala. Sabi ko, mabuti naman at maganda ang impression mo kay Emer," sagot niya habang umiwas ng tingin, kunwaring abala sa pag-aayos ng tasa ng kape niya.Hindi ako kumbinsido sa sagot niya. "Sigurado ka? Parang iba ang narinig ko," sabi ko, bahagyang binibiro siya pero may halong pag-usisa."Huwag ka nang mag-isip ng kung ano-ano," aniya, ngayon ay nakangiti nang mas natural. "Ang mahalaga, nagustuhan mo si Emer. Mabuting tao 'yun, at mahal niya si Sarah."Tumango ako, pero hindi nawala ang pakiramdam ko na may ibang kahulugan ang sinabi niya kanina. Hindi ko na lang pinilit na itanong ulit. Sa halip, tumingin ako sa malayo at pilit iniba ang usapan. "Mukhang masaya ang magiging kasal n
Chapter 134 Pagkatapos ng sandaling iyon, muling bumalik ang ingay ng pagkain sa mesa, ngunit ramdam ko ang panibagong pag-asa na nabuo sa aking puso. Ang ideya na maaaring makalaya ang aking ama ay nagbibigay ng lakas at dahilan upang mas magpursige pa sa buhay na ito. Habang pinagmamasdan ko ang masayang mukha ng kambal, naisip ko, marahil ay may liwanag pa sa dulo ng madilim na yugto ng aming buhay.Nang natapos kaming kumain, tumayo ako upang magligpit ng pinagkainan. Ngunit bago pa man ako makagalaw nang husto, biglang lumapit si Sarah at mahinang pinigilan ang mga kamay ko."Ay, huwag na, Kiera! Sapat na yung tumulong ka sa paghahanda ng pagkain kanina. Kami na ang bahala rito," sambit niya, sabay ngiti habang marahan akong hinila palayo sa mesa."Nakakahiya naman. Ako na ang maghugas ng mga plato," sagot ko, pilit na kumikilos pa rin.Ngunit umiiling si Sarah, ang mga mata niya puno ng kabaitan at sigla. "Naku, hindi na. Bisita ka dito, at higit sa lahat, pamilya ka na rin na
Chapter 133 Ngunit ngumiti lang ako at mahinahong nagsabi, "Huwag po kayong mag-alala, sanay naman po akong gumawa ng mga gawaing bahay. Sa amin po, ako rin po ang gumagawa ng ganito." Tila nahihiya pa rin sila, pero nang makita nilang talagang pursigido ako, pinayagan nila akong tumulong. Habang nag-aayos ng plato at naglalagay ng pagkain, mas lalo akong naging komportable. Hindi ko maiwasang mag-isip habang nagtatrabaho. Ang simpleng gawaing ito ay parang nagpapagaan ng loob ko. Ito ang nakasanayan ko, at kahit nasa marangyang mansyon ako, parang nagiging mas natural ang lahat kapag abala ako sa ganitong mga bagay. Maya-maya pa, narinig ko ang mga yabag sa hagdan. Napatingin ako at nakita si Mommy Heart na bumaba. Nagulat siya nang makita akong abala sa kusina. "Kiera, anong ginagawa mo riyan?" tanong niya, halatang nagtataka pero may halong ngiti. "Ah, Mommy Heart, nag-decide lang po akong tumulong dito. Sanay naman po ako sa ganito, at gusto ko rin pong maging kapaki-pa