Habang abala ako sa pagguhit, naramdaman kong may nakamasid sa akin. Pag-angat ko ng tingin, nandoon si Jammie, nakatayo sa gilid, tahimik na nakangiti. "Anong ginagawa mo?" tanong niya habang nakatukod ang isang kamay sa mesa. "Nagdo-drawing lang," sagot ko. "Ito ang dream house ko. Medyo simple lang, pero sapat na para sa amin." Lumapit siya at tumingin sa drawing ko. "Maganda," komento niya, sabay upo sa tabi ko. "Simple pero may personalidad. Parang ikaw." Napangiti ako sa sinabi niya, at biglang napansin kong parang naging mas magaan ang araw ko dahil sa kanya. "Ikaw ba, Jammie? Ano ang dream house mo?" tanong ko, iniangat ang tingin mula sa papel. Napangiti siya at saglit na nag-isip bago sumagot. "Sa totoo lang, hindi ko masyadong iniisip ang mga materyal na bagay. Pero kung tatanungin mo ako ngayon, ang dream house ko ay kung saan tayo kompleto. Isang bahay na hindi lang maganda sa paningin, pero puno ng pagmamahal." Napatigil ako sa sinabi niya. Parang may kung an
Minsan, ang mga pagkakataon ay tila may mga hindi inaasahang takbo, at sa mga simpleng sandali tulad nito, nagsimula akong mag-isip na baka nga may bahagi ako ng pangarap na maaaring magbago. Ang mga salitang sinabi ni Jammie tungkol sa pagiging "reyna sa palasyo" ay patuloy na bumabalik sa aking isipan, at hindi ko matanggihan na may mga pagkakataong nararamdaman ko ang alon ng init sa aking puso. Hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan ng lahat ng ito, ngunit habang yumanig ng tahimik sa buo ng kanyang opisina, naramdaman ko na may mga bagay na nagsisimula nang umusbong sa aking puso, kahit na marami pang katanungan nabuo sa aking isipan. Habang tahimik kong pinagmasdan ang bawat detalye ng aking ginuguhit, hindi ko maiwasang bumalik-balik sa mga sinabi ni Jammie. Ang kanyang mga salitang "reyna sa palasyo" ay parang musika na paulit-ulit na tumutugtog sa aking isipan. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko—isang halo ng pagkalito, saya, at kaba. Pakiramdam ko, unti-unti niyang
Chapter 146 Pagsapit ng uwian, agad kong inayos ang mga gamit ko, ganun din si Jammie. Tahimik kaming nag-empake ng aming mga gamit, at maya-maya’y nilapitan niya ako. "Halika, uwi na tayo," paanyaya niya, ang tinig niya ay kalmado ngunit puno ng malasakit. Agad akong tumango. "Sige, Jammie." Sa totoo lang, hindi na masyadong kumikirot ang aking pisngi, kaya wala akong dahilan para tumanggi. Habang naglalakad kami palabas ng opisina, naisip ko kung gaano kabilis nagbago ang araw ko. Mula sa masakit na eksenang nangyari kaninang umaga hanggang sa mas maaliwalas na pakiramdam ngayong uwian. Pagdating namin sa elevator, binuksan niya ito para sa akin. Habang bumababa kami, naramdaman ko ang katahimikan na tila may sariling kwento. Napansin kong paminsan-minsan niya akong tinitingnan, pero pinili kong huwag na lang pansinin at mag-focus sa sahig ng elevator. Pagdating namin sa parking lot, binuksan niya ang pinto ng sasakyan para sa akin. "Sakay na, Kiera," sabi niya, ang ngiti niya
Chapter 147Napansin kong naging maayos din ang aura ni Jimmie matapos ang usapan. Maya-maya, napuno ulit ng ingay at tawanan ang silid habang ipinakilala ni Jimmie ang sarili niya kay John at Jenny. Unti-unting nawala ang bigat sa paligid, at sa kabila ng mga unang tensyon, parang may simula ng bagong koneksyon sa pagitan naming lahat.Habang tumatagal ang aming usapan, napansin ko ang pagiging palakaibigan ni Claire. Hindi nagtagal ay unti-unti na rin akong nakapagbukas sa kanya, at doon ko nalaman ang ilan sa kanyang mga kwento."Alam mo," simula niya habang inaayos ang buhok niya, "dati akong exclusive assistant nina Jimmie at Jammie. Mahirap maniwala, pero doon talaga nagsimula ang lahat."Napangiti ako, interesado sa kanyang kwento. "Talaga? Paano ka napunta dito?"Tumawa siya nang mahina at tumingin kay Jimmie, na abala sa paglalaro kina John at Jenny. "Simpleng tao lang ako noon, tulad mo. Nagtrabaho ako bilang assistant sa kumpanya nila. Mahirap sa umpisa, lalo na’t sobrang t
Chapter 148Kahit na napapaligiran ako ng mga tao na may malalaking pangarap at magagandang pagkakataon, naramdaman ko pa rin ang kaunting takot. Takot na baka hindi ko kayanin, takot na baka magkamali ako, o takot na baka hindi ako sapat para sa mga inaasahan nila."Don't overthink it, Kiera," sabi ni Jammie, na tila nakaramdam ng aking pag-aalinlangan. "Wala nang makakapigil sa'yo. Sigurado akong magiging maganda ang lahat, dahil nakikita ko ang dedikasyon mo."Nakita ko ang mga mata ni Jammie, puno ng tiwala at suporta. Ang mga salitang iyon ay parang naging gabay sa aking puso, na nagsabi sa akin na hindi ko kailangang mag-isip nang sobra."Salamat, Jammie," sagot ko, may ngiti sa labi. "Alam mo, hindi ko inasahan na magiging ganito ang mga bagay. Tinutulungan mo ako na makita ang mas magandang perspektibo sa buhay.""Yan ang gusto kong marinig," wika niya, sabay kindat sa akin. "Huwag mong kalimutang palagi akong nandito."Habang nag-uusap kami, naramdaman ko na unti-unti kong na
Chapter 149 Jammie POV Isang taon na ang lumipas, at damang-dama ko ang pagbabago sa aking buhay. Si Kiera at ang mga anak namin—si John at Jenny—ang naging dahilan kung bakit ako patuloy na lumalaban at nagsusumikap. Habang tumatagal, nararamdaman ko ang pagmamahal ko sa kanya, at alam ko na ito na ang tamang oras para gawin ang isang hakbang na matagal ko nang binabalak. Ngayon, nagpre-prepare ako para sa isang proposal. Ang proposal na magpapakita sa kanya ng lahat ng nararamdaman ko. Hindi ko na kayang itago pa. Alam ko, ramdam ko, na siya na ang para sa akin. Nasa opisina ako ngayon, tinitingnan ang proposal na nilikha ko para sa kanya. Ang bawat salita, bawat detalye, ay isinulat ko ng may puso at malasakit. Hindi ko alam kung paano ko siya aanyayahan, pero sigurado ako sa desisyon ko. Gusto ko siyang makasama habang buhay. Kinabahan ako. Hindi ko inaasahan na sa isang taon, ang buhay ko ay magbabago nang ganito. Pero ang kagalakan na dulot niya sa akin, ang mga mata ni
Chapter 150 Dahil sa sagot ni Kiera, hindi ko mapigilang ngumiti nang malaki at maramdaman ang saya na hindi ko pa nararanasan sa buong buhay ko. Ang kaba na kanina'y halos hindi ko makontrol ay napalitan ng labis na kaligayahan. Agad kong hinawakan ang kamay niya at niyakap siya ng mahigpit, na parang ayokong pakawalan. "Kiera, salamat. Salamat sa pagbibigay mo ng pagkakataon na maging bahagi ng buhay mo at ng pamilya natin." Ramdam ko ang pagtibok ng puso ko na tila sasabog sa sobrang tuwa. Habang yakap ko siya, naramdaman ko ang marahan niyang pagtango sa balikat ko. "Bakit parang ang saya-saya mo? Para kang bata," biro niya habang bahagyang tumatawa. "Totoo naman, Kiera! Para akong nanalo sa lottery na hindi ko inaasahan." Kumalas ako sa yakap at hinawakan ang kanyang mga kamay, tumingin nang deretso sa kanyang mga mata. "Ikaw na ang pinakamatamis na 'oo' sa buong buhay ko." Hindi ko namalayan na pinanood pala kami ng mga impleyado ko at kasamahan nito hanggang nag palakpaka
Chapter 151Napatakip ng bibig si Kiera, pigil ang tawa. Napailing ako pero sinubukan kong sagutin nang mahinahon ang tanong ng kambal. "Ah, ganito kasi 'yon, mga anak. Ang baby ay ginagawa ni God at inilalagay niya ito sa loob ng tummy ng mga mommy. Kaya kailangan nilang mag-ingat at kumain ng masusustansya para sa baby, okay?""Wow!" sabi ni Jenny, tila amazed. "Ang galing naman ni God! So ibig sabihin, si God din ang naglagay sa amin ni Kuya John sa tummy ni Mommy?""Exactly," sagot ko, ngumingiti. "Kaya mahalaga na laging nagpapasalamat tayo kay God dahil binigyan niya tayo ng pamilya."Tumango si Kiera sa tabi ko at sumingit, "At tama rin si Dad niyo. Kaya tayo dapat maging mabait at matulungin lalo na kapag dumating na ang bagong baby sa mansyon, ha?""Yes, Mommy!" sabay na sagot nina John at Jenny. Ramdam ko ang tuwa nila sa balitang ito, pero higit pa roon, alam kong masaya sila dahil bahagi kami ng bawat tanong at kwento nila."Okay, magpakabait kayong dalawa, ha?" sabi ko ba
Author’s Note Maraming salamat sa lahat ng nagbasa at sumubaybay sa kwentong ito. Isa itong kwento ng pagmamahal, pamilya, at tunay na pagkakaibigan—mga bagay na hindi nasusukat ng panahon o distansya. Sa kabila ng mga pagsubok, sa dulo ng lahat, ang mahalaga ay ang mga taong nananatili sa ating tabi, anuman ang mangyari. Ang pagsusulat ng kwentong ito ay isang magandang paglalakbay, at umaasa akong naiparamdam ko sa inyo ang tamis ng pag-ibig at ang halaga ng matibay na samahan. Hanggang sa susunod nating kwento! — INDAY STORIES Sana sabay-sabay ang kwento ni Althea qt Angie ang dalawang pa nilang magkaibigan sa Book #2 at suportahan po ninyo ang bago kong story upang makapasok man lang sa ranking pamamagitan pag vote po ninyo ang THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE. Maraming salamat po....
Chapter 293 The Last Chapter. Kinabukasan Habang abala ako sa pag-aayos ng mesa para sa almusal, biglang nag-ring ang aking phone. Agad kong sinagot ito nang makita ang pangalan ng tumatawag. "Bruha! Guess what?!" sigaw sa kabilang linya. Napangiti ako. "Angie?! Diyos ko, ang aga-aga, sigaw ka agad!" sagot ko, pero hindi ko maitago ang excitement sa boses ko. "Alam mo bang andito na ako sa bansa? At hindi lang ako—kasama ko si Heart!" Halos mabitiwan ko ang phone sa sobrang tuwa. "What?! Totoo ba ‘yan?! Kailan pa?! Nasaan kayo ngayon?!" "Surprise! Nasa harap na kami ng bahay mo!" Napamura ako sa gulat at dali-daling tumakbo palabas. Pagbukas ko ng pinto, tumambad sa akin sina Angie at Heart, parehong nakangiti nang malapad habang kumakaway. "Bruhaaaaaa!!!" sigaw ko sabay takbo at niyakap silang dalawa ng mahigpit. "Althea, dahan-dahan naman! Para kang toro!" natatawang reklamo ni Heart pero niyakap niya rin ako pabalik. "Grabe, ang tagal nating ‘di nagkita! Parang kailan
Back to Present “Oh my gosh, Mommy. Nakakilig naman ang love life ninyo ni Dad!” sabi ni Elena habang nakangiti at yakap-yakap ang unan niya. “Parang sa pelikula lang! Ang daming eksena, tapos may action, comedy, at super sweet na moments!” Napatawa ako sa reaksyon ng anak ko. “Talaga, anak?” “Oo naman! Grabe, Mommy, hindi ko in-expect na si Daddy pala ‘yung laging napag-tripan ni Tito Brandon at Tito Kurt noon! Tapos ikaw pa ‘yung strong and independent woman na kinatatakutan nila dati? Wow! Goals!” Napangiti ako at tinignan ang asawa kong nakaupo sa tabi ko. Nakangiti rin ito habang nakikinig sa amin. “Pero Mommy, ang pinaka-nakakatawa talaga—‘yung kay Tito Brandon at kay Nurse Heart! Ano kaya nangyari sa kanila after no’n? Diba parang may something?” tanong ni Elena, sabik na malaman ang sumunod na kwento. Napatingin ako sa asawa ko, at kita ko ang pag-iling niya na may halong tawa. “Huwag mong sabihin sa’kin na gusto mong marinig ang love story ni Brandon?” “Yes, Mom
Chapter 291Final ChapterTahimik ang silid nang biglang marinig ko ang boses ni Kurt—pero parang may halong boses ni Brandon habang nagsasalita siya.“Ilang views na ba ‘yan?” tanong ni Kurt, kaya nagtataka ako. Hindi muna ako nagpahalata na kanina pa akong gising.“Walang hiya, bro! Malapit nang maabutan ang sayo! Hahaha!” sagot ni Brandon. Napilitang akong bumangon sa kama.“Views? Ano na namang pinag-uusapan n’yo, Kurt?”“Oh, gising ka na pala, Jay,” sagot niya. “Akalain mo ‘yon, isang bully ni Kurt noon, hinimatay sa delivery room? Hahaha!” sabat ni Althea, may halong panunukso.“Ang pangit ng mukha mo, bro, nung lumabas ka sa delivery room! Mukha kang takot na takot! Hahaha!” dagdag pa ni Brandon, lalong ginagatungan ang asaran.“Hoy, Brandon! Baka mas malala pa sayo ‘yan kapag nag-asawa ka,” sagot ko.“No, no, no! Hindi mangyayari ‘yon, bro!” mabilis niyang tanggi.Biglang bumukas ang pinto at lumabas ang isang nurse. “Hello, everyone! Andito na ang mga cute-cute na babies!”Do
Chapter 290 Jayson POV Four Years Later “Mom, good morning!” sabay tawag ng tatlong taong gulang na kambal naming sina Emerson at Esmerald habang masiglang tumatakbo papunta kay Janeth. “Good morning, babies!” Masayang sinalubong ni Janeth ang dalawa at hinalikan sa pisngi. “Good morning din, Hubby…” malambing niyang bati sa akin. “Good morning too, Wife…” sagot ko naman, sabay halik sa kanyang labi. “Ewww! Nakakadiri ka, Dad! Hindi pa nga nagbabrush si Mommy ng teeth,” reklamo ni Eme habang patawa-tawang sumampa sa kama at tumatalon-talon pa. “Careful, Eme, baka madaganan mo ang tummy ni Mommy…” paalala ni Emer sa kapatid niya. “Ups… sorry, Kuya! Halika na, Mommy, let’s eat na! I’m so hungry na…” “Let’s go, Wife…” Akmang tatayo na ito nang bigla itong napangiwi sa sakit na naramdaman niya sa kanyang tiyan. “Hubby, parang manganganak na ata ako… Ahhh! Ang sakit!” Napamura ako sa gulat. “F**k! Emer, tawagin mo ang driver! Kunin mo ang cellphone ko at tawagan si Daddylo mo
Chapter 289Jayson POVFlashback Pagkalabas ni Janeth sa library, hindi ko maiwasang mapangiti habang sinusundan siya ng tingin. Hindi pa rin ako makapaniwala—ang babaeng bumuhay muli sa matagal nang natutulog kong puso ay siya rin palang aking napangasawa. At hindi lang basta asawa, kundi ang sekretaryang ilang gabi ko nang pinapantasya.Shit. Ramdam ko ang paninigas ng alaga ko sa loob ng suot kong slacks. Ilang minuto akong nanatili sa library, pinapakalma ang sarili, bago ako lumabas. Sakto namang pababa sina Mom at Dad mula sa hagdan."Mom, Dad, saan kayo pupunta?" tanong ko, bahagyang nag-aalangan sa kanilang malalawak na ngiti."Aalis muna kami ng daddy mo, son," sagot ni Mom, may kasamang pilyang kindat. "Para may pagkakataon kayong makabuo ng apo ko. Sana babae, para may maisasama akong mag-shopping at mag-ayos ng buhok!""Mom… apo agad?" Napakamot ako sa batok, hindi makapaniwala sa diretsahan niyang sagot."Why not?" singit naman ni Dad. "Matanda na kami, gusto naming may
Chapter 288Janeth’s POV"Sa sandali lang ha, maliligo muna ako," sabi ko dito upang makaiwas sa kanyang mapanuksong tingin sa akin. Habang nasa loob pa din ako sa kanyang silid ay hindi mo maiwasang mag-isip kong totoo ba itong lahat. "Totoo ba ‘to? As in real?" Yan ang paulit-ulit na tanong sa isip ko habang nakatayo sa loob ng kwarto ni Jayson. Kung panaginip lang ito, sana ‘wag na akong magising.Napatingin ako sa kama, at doon ko napansin ang isang neatly folded na damit pang-babae—may kasamang underwear at bra. Hmmm... kanino kaya ‘to?Lumapit ako at napansin ang isang maliit na note sa ibabaw. Agad ko itong binasa.To: JanethWear this, honey.From: MommyNapangiti ako nang makita ang sulat. Talaga si Mommy, ha? Ang bilis akong tanggapin bilang asawa ng anak niya.Wala na akong sinayang na oras at dumiretso na ako sa banyo para maligo.Ahhhh, ang sarap ng tubig.Habang sinasabon ang katawan, napatingin ako sa lagayan ng shampoo at sabon. Napangiti ako nang makita ang panglal
Chapter 287 Jayson POV "By the way, hindi tayo papasok ngayon," sabi ko habang nakasandal sa upuan, pinagmamasdan ang reaksyon ni Janeth. Napakunot ang noo niya. "Bakit, boss? May pupuntahan ho ba kayo? Kung gano'n, pwede na ho ba akong mag-mall? Pawala lang ng stress, hehehe." Napailing ako. "Yes and no." "H-ho?" nagtatakang tanong niya. "Yes, dahil may pupuntahan tayo. No, dahil honeymoon natin ngayon." Halos mapatalon siya sa kinatatayuan niya. "A-ano ho? H-honeymoon natin?" Ngumiti ako at tumayo mula sa aking upuan, dahan-dahang lumapit sa kanya. "Yes. And stop calling me boss. Just call me hubby." "Pe-pero, boss—" "Shhh..." Pinatigil ko siya, sabay taas ng kilay. Napalunok siya. "H-hubby..." Ngumiti ako sa narinig ko, pero halatang labag sa loob niya kaya masama ang tingin niya sa akin. "Bakit parang napipilitan ka?" tanong ko, nakataas ang isang kilay. "Gusto mo ba dito na lang tayo mag-honeymoon?" Bigla siyang napailing nang mabilis. "Sabi ko nga, hubby ang tawag
Chapter 286Janeth POV"Shit! Ang sakit ng ulo ko..." Napaungol ako habang marahang hinawakan ang aking noo. Ngunit natigilan ako nang mapansin kong hindi ito ang kwarto ko. Napabangon ako at napatingin sa paligid, nagtataka.Napako ang tingin ko sa isang picture frame."Shit! Shit! Bakit ako nandito sa kwarto ni boss?" Mabilis akong bumangon, sinikap kong hindi gumawa ng ingay habang dahan-dahang binuksan ang pinto. Ngunit halos mabangga ko si boss nang bigla siyang lumitaw sa harapan ko, nakakunot ang noo.Napalunok ako at pilit na ngumiti. "Hehehe… G-good morning, boss!""Follow me to the library.""Y-yes, boss..."Kinakabahan akong sumunod sa kanya. Ang daming tumatakbo sa isip ko—baka may nagawa akong mali? Baka tanggalin niya ako sa trabaho? Wag naman sana, Lord!Nang makarating ako sa harap ng library, nanlalamig na ang kamay ko sa kaba. Wala akong choice kundi kumatok.Tok! Tok! Tok!"Come in."Dahan-dahan akong pumasok at agad na nagmakaawa. "B-boss, kung ano man ang kasalana