Share

Chapter 3

Penulis: Raw Ra Quinn
last update Terakhir Diperbarui: 2020-11-18 11:30:46

HINDI alam ni Angela kung gaano na siya katagal nakatitig sa table niya sa loob ng faculty room nang mapansin niya ang mantsa ng tinta ng ballpen sa kanyang lamesa. Kumuha siya ng tissue at dahan-dahan iyong pinupunasan. Pero lalo lang kumalat ang tinta. Ang marahan niyang pagkuskos sa mantsa ay naging madiin at mabilis. Di niya namamalayan ang panggigil na maalis ang tinta sa lamesa niya, pati ang mga luha na kumawala sa mga mata niya.

Naalala niya ang nangyari nung Biyernes ng gabi. Ang paulit-ulit na pagsasamantala sa kanya ni Ishmael. Ang paulit-ulit niyang pagmamakaawa hanggang sa mamaos siya.

Ang mantsa na naiwan sa puting kumot na sapin ng kama kung saan walang awa siyang paulit-ulit na sinamantala, binaboy at winasak ng taong pinagkatiwalaan niya. Ang mga mantsa nang karahasan nito sa katawan niya. Mga kiss mark, kagat at pasa.

Ramdam niya pa rin ang sakit ng katawan niya, ang kirot sa maselang parte ng katawan niya.

Pinilit niya lang bumangon kanina kahit hindi naman siya halos nakatulog, dahil kada ipipikit niya ang mga mata. Nakikita niya ang kawalanghiyaan na dinanas niya.

Gabi na nang ihatid siya nito sa bahay nila. Nagpapasalamat siya dahil wala ang kanyang Lola at Tatay, ang kapatid niya naman ay tulog na nang makauwi siya. Nagkulong lang siya sa kuwarto niya ng dalawang araw para makaiwas sa pagtatanong ng Lola at Tatay niya. Hindi na dapat malaman pa ng nga ito ang sinapit niya dahil masasaktan lamang ang mga ito.

Halos di siya makatingin sa mga taong nakakasalubong niya. Dahil pakiramdam niya kapag tumitig siya sa mga ito ay malalaman nila ang nangyari sa kanya.

Ayaw niya. Ayaw niyang may makaalam nang pinagdaanan niya. Hindi niya kakayanin ang kahihiyan na aabutin niya. Tutal hindi rin naman magsasalita ang binata sa nangyari sa kanila.

"Ange... Oy, Ange!"

Napalingon siya sa kumalabit sa kanya. Si Veron isa sa mga co-teacher niya. Nakakunot ang noo nito habang nakatitig sa kanya. Nag-iwas siya nang tingin dito.

"May problema ba, Ange?" Akma nitong hahawakan ang balikat niya nang bigla siyang tumayo para umiwas.

Nagulat ito sa ginawa niya. Napatingin din ang ibang co-teachers nila na nasa loob ng faculty room. Lunch break kaya naman nandito ang mga kasamahan niya na ang iba ay nagku-kwentuhan at iba naman ay kumakain.

Napapahiyang nagyuko siya ng ulo. Nilampasan niya si Veron na may pag-aalala sa mukha.

Nagtungo siya sa CR na para lang sa mga teacher. Ni-lock niya kaagad ang pinto. Lumapit siya sa sink at naghilamos. Napapikit siya sa lamig ng tubig na dumampi sa mukha niya. Pagmulat niya ng mga mata, napatingin siya sa malaking salamin. Hindi niya makilala kung sino ang nasa harapan niya.

Nangingitim ang ilalim ng mga mata nito na namumula, sobrang putla naman ng labi niya na may maliit na hiwa pa sa gilid.

Nahaplos niya ang mukha niya. Siya ba iyon? Siya ba ang nakikita niyang nasa harapan ng salamin? Kung gano'n bakit ang miserable niya? Bakit parang ang dumi-dumi niya? Asan na ang Angela na puno ng buhay? Na laging may mga ngiti sa labi?

Nag-uunahang pumatak ang mga luha niya. Napatakip siya sa bibig niya upang pigilan ang paghikbi. Mahigpit niyang naikapit ang isang kamay sa sink para doon kumuha ng lakas at hindi siya mabuwal.

TATLONG lingo ang lumipas, pinipilit niyang kalimutan ang lahat nang nangyari. Kahit sa gabi ay binabangungot pa rin siya.

Di na nagpakita sa kanya si Mael na ipinagpapasalamat niya. Nabalitaan niya rin na wala sa bansa ang nobyo. Umalis ito nung araw na sinundo siya ni Mael at dinala sa kubo. Nagtataka man kung bakit hindi ito nagpaalam na aalis ito ng bansa hindi na niya rin masyadong binigyan nang pansin. In a way nakaramdam siya nang relief dahil wala siyang lakas ng koob makaharap ang kasintahan. Hindi niya rin kasi alam kung paano ito pakikiharapan pagkatapos ng mga nangyari.

"Goodbye and thank you, see you tomorrow."

Sabay-sabay na sabi ng mga estudyante niya bago isa-isang lumapit sa kanya at nagmano.

Napabuntong-hininga siya. Kung pwede lang hindi na matapos ang klase niya. Dahil kapag may klase siya nalilibang niya ang sarili. Nalilimutan niya kahit saglit ang pinagdaanan. Natatakot din siya na gumabi at matulog para maiwasang bangungutin.

Sinisinop niya na ang lahat ng gamit sa lamesa niya nang may tumikhim sa pintuan.

Napalingon siya do'n.

Nanginig ang kamay niya kaya nabitiwan niya ang hawak na stapler. Ramdam niya ang pagkawala ng kulay sa mukha niya habang nakatitig sa lalaking laman ng mga bangungot niya.

Nakasandal ito sa hamba ng pintuan habang nakahalukipkip.

"M-Mael..." kababakasan ng takot ang boses na na bulong niya.

Ngumisi ito, tumayo nang tuwid at namulsa habang hindi inaalis ang tigin sa kanya. Binalot ng matinding takot ang buong katawan niya. Nanlalamig ang kanyang mga kamay at bahagyang nanginig.

"Hi," nakakalokong anito, nakataas ang gilid ng labi.

Naglakad ito papalapit sa kanya. At sa bawat hakbang nito ay siya ring paghakbang niya paatras. Hanggang sa bumangga ang binti niya sa upuan. Nawalan siya ng panimbang kaya naman paupo siyang bumagsak sa sahig.

Yumuko si Mael at naupo sa harapan niya.

"Miss me?" tanong nito. Nakatiim bagang habang nakatingin ang mga mata sa kanya. Inangat nito ang isang kamay at umakmang hahawakan ang pisngi niya. Napapiksi siya at mabilis na iniiwas ang mukha dito, mariin siyang pumikit. Takot na nag-aantay sa susunod nitong gagawin.

Pero lumipas ang ilang segundo walang kamay na dumapo sa kanya. Unti-unti siyang nagdilat ng mga mata. Nasalubong niya ang mga mata nito na puno nang pangungulila. Malambot na ang ekspresyon ng mukha nito. Napansin niya na parang nangangalumata ito.

"I missed you..." paos na anito.

Puno rin nang pangungulila ang boses nito, para rin itong nahihirapan. At para niya ring nakita uli ang Mael na kababata niya. Yung batang lagi siyang ipinagtatanggol sa mga umaaway sa kanya dati, yung batang laging hinahati ang baon para bigyan siya. Yung batang nangakong puprotekta sa kanya sa lahat ng oras.

Pero alam niya na balat kayo lamang iyon. Wala na ang batang iyon. Ang nasa harapan niya ngayon ay ang demonyong bumaboy sa kanya. Nangilid ang luha niya, hindi dahil sa takot kundi sa panghihinayang dahil alam niyang nang mga oras na pinagsamantalahan siya nito nawala na rin ang batang yon.

Nakaramdam siya ng galit dito. Nami-miss siya nito? Nami-miss babuyin? Naikuyom niya ang palad. Gusto niya itong saktan, kalmutin ang mukha nito. Pero hindi niya mahanap ang lakas ng loob na gawin iyon. Hindi siya lumaking bayolente pero sa pagkakataong ito gusto niya patayin ang lalaki.

Nagulat siya nang hawakan nito ang magkabila niyang balikat at igiya siya patayo. Agad niya ring inalis ang kamay nito na nakahawak sa kanya. Nandidiri siya sa hawak nito at parang gustong bumaliktad ng sikmura niya.

Lumakad si Mael sa desk niya at sinamsam ang mga gamit niya at inilagay sa shpulder bag. Sinukbit nito ang shoulder bag niya saka bumaling sa kanya.

"A-akina ang mga gamit ko!" kahit nanginginig sa takot ay lakas loob na sabi niya. Naging malikot din ang kanyang mata. Naghahanap nang pwedeng hingan ng tulong.

"No. Ihahatid kita."

Naalarma siya sa sinabi nito.

"Ayoko! Hindi ako sasama sayo!" halos histerical na sigaw niya dito.

Tumalim ang mga mata nito. "Hindi ko hinihingi ang opinyon mo Angela. Ihahatid kita at 'wag mong subukan ang pasensya ko!" sigaw nito na ikinapitlag niya.

Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Wala na siyang magawa nang mauna na itong lumakad papunta sa pintuan. Siya naman ay parang itinulos sa kinatatayuan niya.

Huminto ito at lumingon bago tuluyang lumabas.

"Tara na," may pagbabanta sa tono ng boses na anito.

Wala sa sariling napahakbang siya kahit nanlalambot ang tuhod niya. Sumunod siya dito hanggang sa parking lot. May mga nakasalubong siyang mga estudyante na bumati sa kanya pero wala sa sariling tinanguan niya lang ang mga ito.

"Get in."

Binuksan ni Mael ang passenger seat ng hindi siya kumilos hinawakan siya nito sa braso at sapilitang iginiya papasok sa kotse nito. Kumapit siya sa may pintuan para hindi nito maisara ang pinto.

"P-please, Mae, gusto ko n-nang u-umuwi..." nanginginig ang boses na pakiusap niya dito.

Blangko lang ang ekspresyon nito na tumitig sa kanya.

"Ihahatid kita pauwi."

Mabilis siyang umiling. Hindi siya naniniwala na iuuwi siya nito na walang gagawin sa kanya. Nag-umpisa nang manginig ang kanyang katawan sa takot na lumukob sa kanya. Hindi niya gustong maulit ang ginawa nito. Kailangan niyang makaalis upang makalayo sa lalaki.

Naramdaman niya ang mga bisig nito na yumakap sa kanya.

"Hindi kita sasaktan. Iuuwi kita sa bahay niyo ng wala kahit isang galos. Please, calm down," masuyo ang boses na anito. Naramdaman niya ang paghaplos nito sa likod niya.

Napapikit siya. Ayaw niyang paniwalaan ang sinasabi nito pero hindi niya alam kung anong meron sa boses nito at ramdam niya na nagsasabi ito ng totoo, na hindi ito gagawa ng anumang ikasasakit niya.

Pero nagawa niya na Angela! -Bulong ng isip niya. Itinulak niya ito pero hindi niya nagawang ilayo ang sarili sa lalaki.

Bumitaw ito sa kanya pero hindi umalis sa harapan niya. Ikinabit nito ang seatbelt at walang salitang isinara ang pintuan at umikot sa driver seat.

Nagsumiksik siya sa tabi ng bintana na para bang mapo-protekhan siya no'n kung may gagawin mang masama sa kanya ang binata.

Sumulyap lang ito saglit saka bumuntong hininga at sinumalan nang paandarin ang sasakyan. Wala silang imikan sa buong biyahe.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Joyphine Sarte
maganda yung story..
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • Owning Her (tagalog)    Chapter 4

    "WE'RE HERE." Huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay nila Angela. Tanaw niya pa nang lumabas ang Itay niya para pagbuksan sila ng gate na kahoy. Ipinasok ni Mael ang kotse sa maliit na bakuran nila. Napansin niya ang isang pulang Jaguar na nakaparada sa bakuran nila. Wala silang kotse kaya alam niyang hindi sa kanila iyon. Wala rin siyang kilalang may gano'n kagarang sasakyan para dumalaw sa kanila.Nagtataka man ay sumunod na siyang bumababa nang huminto na ang kotse ni Mael."Tay, mano po." Inabot niya ang kamay ng ama at nagmano. "May bisita ho kayo?" tanong niya rito. "Andiyan ang babiyanin mo Angela," nakangiti nitong sagot. Napakunot ang noo niya sa sinabi ng ama pero bago pa siya makapagtanong uli naramdaman na niya ang kamay ni Mael na umakbay sa kanya. "Magandang gabi ho." Inabot din nito ang kamay ng Itay niya saka nagmano. Malapit ito sa Itay niya dahil madalas ang binata sa tahan

    Terakhir Diperbarui : 2020-11-18
  • Owning Her (tagalog)    Chapter 5

    MADAMING pagkain na nakahanda sa lamesa nila. Halos ang iba ay dala ng mga magulang ni Mael. Namamanhikan na pala ang mga ito. Wala siyang kibo ni hindi niya rin ginagalaw ang mga pagkain na nasa lamesa. Si Mael naman ay ganadong-ganado sa pagkain. Ito rin ang lagay nang lagay ng pagkain sa plato niya na hindi rin naman niya ginagalaw. Hindi rin siya nakikisali sa pagpaplano ng kasal nila na isang simpleng garden wedding sa mismong mansion ng mga Capistrano."Hey... Hindi mo ba nagugustuhan ang mga pagkain?" Napapitlag pa siya ng bigla siyang tanungin ni Mael. May pag-aalala sa mukha nito. Umiling lang siya. "Anong gusto mong kainin? Tell me, tatawag ako sa bahay para magpaluto kay Nanay Caring," masuyo ang boses na anito. Para itong isang ulirang kasintahan kung umakto. Hinawi pa nito ang buhok niya at iniipit sa tenga niya. "May pinaglilihian ka na ba?" Matalim na tinignan niya ito. "Hind

    Terakhir Diperbarui : 2020-11-18
  • Owning Her (tagalog)    Chapter 6

    KINABUKASAN nga ay naabutan niya si Mael na nasa sala nila at nagkakape. Agad itong tumayo nang makita siyang lumabas ng kuwarto niya. Nakasuot ito ng ripped jeans na itim at itim din na v-neck t-shirt, naka puting rubber shoes naman ito. Simple pero hindi niya maiwasang humanga sa binata. Guwapo ito at hindi lingid sa kanya na napakaraming halos maghubad sa harapan ng binata para lang mapansin nito. Guwapo din naman si Jonas pero si Jonas ay yung tipong pang boy-next-door ang datingan na kabaliktaran naman ni Mael. Mael is raggedly handsome na hindi na nito kailangang manutok ng kutsilyo kapag nang holdap kusa mo nang ibibigay dito ang lahat lahat ng mayron ka."Good morning, hon," nakangiting bati nito. Lumabas ang mapuputi nitong ngipin. Bagong ahit ito kaya maaliwalas ang mukha. "G-Good morning din," kiming bati niya dito. Lalong lumapad ang ngiti nito. "I brought you breakfast nandon na sa kusina nakahain na."

    Terakhir Diperbarui : 2020-11-18
  • Owning Her (tagalog)    Chapter 7

    MALAYO PA LANG ay tanaw niya na si Mael na nakasandal sa kotse nito habang nakahalukipkip. Nakayuko ito kaya hindi niya kita ang mukha nito. Lumapit siya dito. Napakunot noo siya nang tumingala ito nang maramdaman ang paglapit niya. Putok ang labi nito at may pasa sa panga."Anong nangyari sayo?" nag-aalalang tanong niya dito."Wala," matabang na sabi nito. Binuksan nito ang pinto ng passenger seat. Walang imik na sumakay siya don. Mabilis na itong umikot sa driver seat. Pinaandar nito ang sasakyan na hindi man lang umiimik. Tumingin na lang siya sa labas ng bintanaMaya-maya pa ay napansin niya na hindi papunta sa bahay nila ang tinatahak nitong daan. Agad siyang naalarma. Umahon ang kaba sa kanyang dibdib."S-Saan tayo pupunta Mael?" nahihintakutang tanong niya dito. Sumulyap ito sa kanya. Lumambot ang ekspresyon nito nang makita ang takot sa mukha niya."Sa Ninong An

    Terakhir Diperbarui : 2020-11-18
  • Owning Her (tagalog)    Chapter 8

    "SAAN TAYO pupunta?" Tanong niya sa 'asawa'. Kanina pa sila bumabiyahe. Nakalabas na sila ng bayan."Sa rest house ni Daddy sa balakilong."Napadiretso siya nang upo. Dulo na ng San Ignacio ang balakilong. Halos dalawang oras ang biyahe don dahil sa rough road ang daan."P-pero hindi ako nakapagpaalam sa Itay.""Tumawag na ko sa inyo. Ipinagpaalam na kita sa Itay mo na bukas na kita iuuwi."Hindi na siya umimik pa. Tumanaw siya sa bintana. Pinipilit niyang labanan ang takot na nararamdaman. Hindi niya mapigilang isipin na mangyari uli ang nangyari sa kanila three weeks ago. Mariin siyang napapikit para ikalma ang sarili."Wala akong gagawing kahit anong ayaw mo Angela."Napamulat siya sa sinabi nito. Ngumiti lang siya ng mapait. Gusto niyang sabihin na ginawa na nito pero pinigalan niya ang sarili. Ayaw na niyang galitin ito. Pagod na siyang makipagtalo

    Terakhir Diperbarui : 2020-11-18
  • Owning Her (tagalog)    Chapter 9

    ISANG YELLOW sunny dress na hakab sa baywang ang sinuot niya, umabot lang ito hanggang sa gitnang hita niya. Maraming mga damit na pang babae sa cabinet na may mga tag pa lahat na ang iba ay kasing halaga na ng sahod niya sa loob ng dalawang buwan.Pinatuyo niya ang buhok gamit ang nakita niyang blower sa banyo kanina. Wala siyang make up o kahit pulbo.Lumabas na siya ng kuwarto. Sa hagdan pa lang amoy na niya ang mabangong amoy ng pagkain. Napahawak siya sa tiyan niya nang kumulo ito. Gutom na siya dahil hindi siya kumain kagabi.Nasa dulo na siya ng hagdan nang may marinig siyang kumosyon sa labas ng log house. Naglakad siya papunta sa direksyon ng pintuan. Nang malapit na siya sa may pintuan natigilan siya nang marinig ang isang pamilyar sa boses."Ahas kang hayop ka! Ilabas mo si Angela!"Nanginginig na sumilip siya sa pintuan. Malakas na napasinghap siya nang makita si Mael a

    Terakhir Diperbarui : 2020-11-18
  • Owning Her (tagalog)    Chapter 10

    HALOS MAUBOS na ni Mael ang bote ng alak na kanina pa niya tinutungga pero hindi pa rin namamanhid ang sakit na nararamdaman niya. Halos lunurin na niya ang sarili pero bakit ayaw mawala ng sakit? Kahit saglit lang, kahit isang minuto lang. Gusto niyang ipahinga ang puso niya na durog na durog na.He wanted to send himself to sleep pero hindi niya magawa, hindi na rin umiipekto ang sleeping pills sa kanya dahil na immune na siya. Kahit ilang dosage ang laklakin niya wala nang saysay mauuwi lang siya sa coma pag-ipinilit niya pa. at kahit napakaganda non sa pandinig. Ang matulog na wala nang kasiguraduhan ang paggising. Dahil kapag tulog, hindi ka na makakaramdam ng sakit. Pero hindi pwede, hindi pwedeng ma-coma siya. Minsan nang nawala ang babaeng mahal niya nang mawala siya ng matagal at ngayon kasal na sila. Hindi siya papayag na maagaw na naman ito ng iba kahit pa mandaya siya, kahit pa pumatay siya.Basta na lang niyang

    Terakhir Diperbarui : 2020-11-18
  • Owning Her (tagalog)    Chapter 11

    INUMPOG ni Mael ang ulo sa pader ng banyo. Gusto niya ring ipukpuk ang shower sa ulo niya. Ano na naman bang katarantaduhan ang ginawa niya? Nagpadala siya sa kalasingan kagabi at ngayong nahimasmasan na siya ngayon niya na-realize ang nagawa.Paano siya mamahalin ni Angela kung lagi na lang siyang may nagagawang kagaguhan na nagiging dahilan para lalo siyang kamuhian nito? "Stupid! Stupid piece of shit!" mura niya sa sarili. Napatungo siya. Kitang-kita niya ang pag saludo ng alaga niya."Can't you behave?" gigil na kausap niya dito. wala sa loob na gigil na pinitik niya ito at dahil don napatalon siya sa sakit dahil sa ginawa. "Tarando't kalahati ka talaga Mael... Woooh... Ang sakit hayup!"Sana naman nagbunga ang ginawa niya kagabi para kahit papaano hindi naman masayang ang galit sa kanya ni Angela ngayon. Napabuntong hininga siya. Ang hilig niya kasing magpadalosdalos. Katulad na la

    Terakhir Diperbarui : 2020-11-18

Bab terbaru

  • Owning Her (tagalog)    Final Chapter

    NAPANGITI si Angela nang makita ang resulta. Inilapag niya ang hawak niya sa ibabaw ng sink, kung saan alam niyang agad na makikita ni Mael. Lumabas siya ng banyo at nakasalubong niya pa si Mael sa may pintuan hawak ang tungkod nito."Morning..." anito, saka siya hinapit sa baywang at hinalikan sa mga labi. Agad siyang tumugon sa halik nito at ikinawit ang kamay sa leeg ni Mael."Morning," aniya nang maghiwalay ang mga labi nila. "Ligo na. Malapit ng dumating ang mga bisita," aniya saka bumitaw dito at itinulak na ito papasok sa banyo."They can wait, Hon!" tutol nito."No. Take a shower now, Hon," natatawang aniya.Umungol lang ito saka pumasok na sa loob ng banyo.Naupo naman siya sa kama at napapangiti. Nakarinig siya nang bumagsak sa sahig pagkatapos ay malakas na bumukas ang pinto ng banyo. Nanlalaki ang mga mata ni Mael na nakatingin sa kanya habang hawak sa kaliwang kamay nito ang pregnancy test.Pero maging siya ay nanlaki din ang mga mata. Dahil sa gulat. Nakakalakad na si Ma

  • Owning Her (tagalog)    Chapter 42

    KINABUKASAN, bumiyahe sila pabalik ng San Ignacio. Dumiretso sila sa bahay nila para kamustahan ang itay niya. Umiyak ang itay niya pagkakita sa kanya kaya hindi niya na rin napigil ang mapaiyak.Pinaliwanag niya dito ang sitwasyon nilang mag-asawa at ang tungkol kay Julianna. Tanggap naman ng mga ito si Julianna at nangakong ililihim ang tunay na pagkatao ng bata. Giliw na giliw ang itay niya at lola kay Julianna kaya naman hinayaan niya na muna ang mga ito.Nilapitan niya si Juancho at Mael na nag-iinuman sa labas ng bahay nila. Agad na napangiti si Mael nang makita siyang papalapit sa mga ito."Mukhang masinsinan ang pinag-uusapan niyo, ah?" aniya nang makalapit sa mga ito. Naupo siya sa tabi ni Mael."Tungkol sa Almendra," sagot ni Juancho. Ito na kasi ang tumatayong COO sa kompanya ng Lolo nila. Isinalin na rin ni Mael sa pangalan niya ang share na nakuha nito nang pinakasalan siya nito.Tumango siya at binalingan si Mael. "'Wag ka ng masyadong uminom," aniya dito. Uuwi pa kasi s

  • Owning Her (tagalog)    Chapter 41

    PAGKATAPOS nilang mag-usap ni Mael, pinuntahan niya si Julianna sa kuwarto nito. Alam niyang nagtatampo ito kanina. Binuksan niya ang kuwarto nito na parang kuwarto ng isang prinsesa. Hindi na siya magtataka dahil alam niyang may pagka-spoiler si Mael.Nakita niyang nakaupo ito sa tapat ng isang malaking doll house. Mag-isa lang itong naglalaro. Saglit na sinulyapan siya nito pero agad ding ibinalik ang tingin sa nilalaro."Hi," bati niya dito pero hindi ito umimik. "Anong nilalaro mo?" tanong niya ulit. Naupo siya sa tabi nito. "Pwede ba akong sumali?"Tumingin sa kanya si Julianna na may nagbabadyang luha sa mga mata. Hinaplos niya ang pisngi nito. "Nagtatampo ka ba kay Mama?" malambing na aniya dito.Nanlaki naman ang mga mata nito."Sorry, ha...? Hindi ka kasi agad nakilala ni Mama kanina. Ganito ka lang kaliit nung huli kitang makita," ipinakita niya dito ang hintuturo at hinlalaki niya na kakaunti lang ang uwang.Bumilog ang mga mata nito. "Ganyan lang po ako kaliit?" namamangha

  • Owning Her (tagalog)    Chapter 40

    AYAW ni Mael na sumbatan ito pero hindi na niya mapigil ang sama ng loob niya. Masakit at parang sasabog na siya."Kung nasaktan ka nang mawala ang anak natin, mas nasaktan ako. Mas masakit sa 'kin dahil wala akong ibang masisi kung 'di ang sarili ko. Takot na takot ako, dahil hindi lang ako nawalan ng anak. Nawala din 'yung isang bagay na pinanghahawakan ko sa 'yo." Pasabunot na sinuklay niya ang kamay sa buhok."Pinagdasal ko 'yun e, hiniling ko na magkaroon tayo ng anak. Hindi lang dahil gusto kong magkaanak tayo pero dahil alam kong kapag nagkaanak tayo mananatili ka sa tabi ko." Tumawa siya nang mapait. "Alam ko kasi kung gaano mo pinahahalagahan ang pamilya. At magiging pamilya tayo kung magkakaanak tayo. Umasam ako na kapag nakita mong isa tayong pamilya baka sakali pahalagahan mo rin ako... na mahalin mo rin ako sa kabila ng mga kasalanang ginawa ko sa 'yo." Huminga siya nang malalim para tanggalin ang bara sa lalamunan niya. "Kaya kung nasaktan ka dahil napabayaan ko kayong m

  • Owning Her (tagalog)    Chapter 38

    KAHIT GAANO pa kaganda at karangya ang kuwartong kinaroroonan ni Angela ngayon ay hindi niya ma-appreciate iyon. Masyado itong maganda para sa isang kulungan. Napabuntong-hininga siya.Pagkatapos siyang iwanan ni Mael sa dining table kahapon, hindi niya na ulit ito nakita.Wala siyang nagawa at hanggang ngayon wala siyang magawa. Kinuha nito ang cellphone niya at laptop. Sa labas ng kuwarto niya ay may mga bantay. Hindi siya nakakalabas ng kwarto at pinahahatiran lang dito ng pagkain. Para siyang preso with privileges.Gusto na niyang magwala sa sobrang frustration na nararamdaman niya. Umuwi siya ng bansa para sa tatay niya pero heto siya ngayon at nakakulong sa apat na sulok ng kuwarto na ito. Kung alam niya lang na ganito ang gagawin ni Mael, dapat sana'y pinaalam niya kay Juancho na ngayong araw ang uwi niya para ito na ang sumundo sa kanila. Wala tuloy kaalam-alam ang pamilya niya sa sitwasyon niya ngayon. Napabuntong-hininga na lang siya.Napalingon siya mula pagkakatanaw sa bin

  • Owning Her (tagalog)    Chapter 37

    Huminto sila sa isang Mediterranean-inspired mansion sa isang exclusive village.Bumukas ang pinto sa tabi niya. Isang naka-black tux ang nagbukas ng pinto. Bahagya itong nakayukod habang ang isang kamay ay nasa tiyan nito."Welcome home, Madame," Bati nito sa kanya. Naguguluhang tumingin siya kay Mael."Sa San Ignacio ako uuwi!" singhal niya dito.Tamad na tiningnan siya nito at ni hindi man lang nabahala sa pagsinghal niya dito. "This is your home now, Angela," malamig na anito.Natawa siya nang mapakla. Nagbibiro ba ito? Bakit kung makaasta ito ay parang ito lang ang may karapatang magdesisyon sa buhay niya? Apat na taon na silang hiwalay. Hindi ba man lang nito naisip iyon?Nanatiling blangko ang mukha nitong nakatitig sa kanya.Umiling-iling siya. "You can't force me against my will, Mael. Hindi mo hawak ang buhay ko para ikaw ang magdesisyon para sa 'kin!"Tumalim ang tingin nitong ipinukol sa kanya. "'Wag mong sagadin ang pasensya ko, Angela. Baka hindi makarating ng Australia

  • Owning Her (tagalog)    Chapter 36

    After eight hours na biyahe, lumapag na ang eroplano sa NAIA. Hindi alam ng Itay niya na ngayon ang uwi niya. Kahit si Juancho ay hindi niya sinabihan. Gusto niya kasing surpresahin ang mga ito sa pag-uwi niya.Lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya nang makababa sila. Nasa Pilipinas na siya. Ilang oras pa, makakasama na niya ang pamilya niya."Wait for me here. Kukunin ko lang ang mga bagahe natin."Tumango na lang siya kay Jonas. Nang makabalik ito ay tulak-tulak na nito ang mga bagahe nila. Nasa labas na sila ng airport nang may isang itim na van ang huminto sa harap nila. Hindi na sana nila 'yun papansinin, pero nang bumaba ang limang lalaki na mga naka-black suit at lumapit sa kanila...Agad na hinarangan siya ni Jonas. Siguro'y maski ito ay kinutuban nang masama."Yes?" tanong ni Jonas sa mga ito nang huminto ang mga ito sa harap nila at ang tatlo ay pumwesto pa sa likod nila. Bigla ang pag-ahon ng kaba sa dibdib niya. Mahigpit siyang napahawak sa braso ni Jonas.Hindi ito pina

  • Owning Her (tagalog)    Chapter 35

    Melbourne Airport,AustraliaNapatingin si Angela sa batang babaeng kumalabit sa kanya. Sa tantiya niya ay nasa tatlong-taong gulang na ito.Napakaamo ng mukha nito. Matangos ang ilong at napakaganda ng itim na itim na mga mata. Mamula-mula ang kutis nito na lalong tumingkad dahil sa kulay mais nitong buhok. Para itong manikang gumagalaw.Parang may kumurot sa dibdib niya habang nakatingin dito. Yumuko siya upang makapantay ito."Hello," bati niya dito. Nginitian niya ito na ginantihan din nito ng ngiti. Lumabas tuloy ang bungi nitong ngipin na mas lalong nagpa-cute dito."Mama," tawag nito sa kanya. Natigilan siya dahil parang may sumuntok sa sikmura niya sa tinawag nito sa kanya. Bigla ay parang gusto niyang umiyak. Ilang beses niya bang pinangarap na may tumawag sa kanya ng ganoon?"Julianna!"May lumapit na isang babaeng nasa mid-thirties na ang edad at naka-scrub suit na pink. Agad nitong binuhat ang bata na kaharap niya. "Naku kang bata ka! Malilintikan ako sa 'yo n'yan, eh!" se

  • Owning Her (tagalog)    Chapter 34

    "You can't do this to me, Mael!" galit na galit na sigaw ni Suzette sa kanya. Nagpupumilit itong magpumiglas sa mga nurses na may hawak dito. "I'm not crazy!" muling sigaw nito.Mas lalo itong nagmukhang baliw dahil sa ginagawa nito at dahil do'n, tinutulungan siya nitong mapaniwala ang mga taga-mental institute na isa itong baliw.Pinalungkot niya ang mukha. "It's hard for me too, but you need help, baby," aniya. "You'll be fine. I p-promise," he said in a cracked voice. Nakita niya ang awa ng mga nurse na may hawak kay Suzette. Napangiti siya nang lihim."Hayup ka! Napakahayup mo! Ikaw ang baliw!" umiiyak na sigaw nito. "Hindi ako baliw! Bitawan n'yo ko!" Nagpupumiglas ito kaya sapilitan itong sinuotan ng straight jacket.Kahit ano pang sabihin nito, wala nang maniniwala dito. Pumayag siyang tumira ito sa log house kasama ang anak nito. Pumayag siya at pinakita dito na tanggap niya ang mga ito. Little did she know na unti-unti niya itong binabaliw. Matagal nang lulong sa casino si S

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status