Melbourne Airport,AustraliaNapatingin si Angela sa batang babaeng kumalabit sa kanya. Sa tantiya niya ay nasa tatlong-taong gulang na ito.Napakaamo ng mukha nito. Matangos ang ilong at napakaganda ng itim na itim na mga mata. Mamula-mula ang kutis nito na lalong tumingkad dahil sa kulay mais nitong buhok. Para itong manikang gumagalaw.Parang may kumurot sa dibdib niya habang nakatingin dito. Yumuko siya upang makapantay ito."Hello," bati niya dito. Nginitian niya ito na ginantihan din nito ng ngiti. Lumabas tuloy ang bungi nitong ngipin na mas lalong nagpa-cute dito."Mama," tawag nito sa kanya. Natigilan siya dahil parang may sumuntok sa sikmura niya sa tinawag nito sa kanya. Bigla ay parang gusto niyang umiyak. Ilang beses niya bang pinangarap na may tumawag sa kanya ng ganoon?"Julianna!"May lumapit na isang babaeng nasa mid-thirties na ang edad at naka-scrub suit na pink. Agad nitong binuhat ang bata na kaharap niya. "Naku kang bata ka! Malilintikan ako sa 'yo n'yan, eh!" se
After eight hours na biyahe, lumapag na ang eroplano sa NAIA. Hindi alam ng Itay niya na ngayon ang uwi niya. Kahit si Juancho ay hindi niya sinabihan. Gusto niya kasing surpresahin ang mga ito sa pag-uwi niya.Lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya nang makababa sila. Nasa Pilipinas na siya. Ilang oras pa, makakasama na niya ang pamilya niya."Wait for me here. Kukunin ko lang ang mga bagahe natin."Tumango na lang siya kay Jonas. Nang makabalik ito ay tulak-tulak na nito ang mga bagahe nila. Nasa labas na sila ng airport nang may isang itim na van ang huminto sa harap nila. Hindi na sana nila 'yun papansinin, pero nang bumaba ang limang lalaki na mga naka-black suit at lumapit sa kanila...Agad na hinarangan siya ni Jonas. Siguro'y maski ito ay kinutuban nang masama."Yes?" tanong ni Jonas sa mga ito nang huminto ang mga ito sa harap nila at ang tatlo ay pumwesto pa sa likod nila. Bigla ang pag-ahon ng kaba sa dibdib niya. Mahigpit siyang napahawak sa braso ni Jonas.Hindi ito pina
Huminto sila sa isang Mediterranean-inspired mansion sa isang exclusive village.Bumukas ang pinto sa tabi niya. Isang naka-black tux ang nagbukas ng pinto. Bahagya itong nakayukod habang ang isang kamay ay nasa tiyan nito."Welcome home, Madame," Bati nito sa kanya. Naguguluhang tumingin siya kay Mael."Sa San Ignacio ako uuwi!" singhal niya dito.Tamad na tiningnan siya nito at ni hindi man lang nabahala sa pagsinghal niya dito. "This is your home now, Angela," malamig na anito.Natawa siya nang mapakla. Nagbibiro ba ito? Bakit kung makaasta ito ay parang ito lang ang may karapatang magdesisyon sa buhay niya? Apat na taon na silang hiwalay. Hindi ba man lang nito naisip iyon?Nanatiling blangko ang mukha nitong nakatitig sa kanya.Umiling-iling siya. "You can't force me against my will, Mael. Hindi mo hawak ang buhay ko para ikaw ang magdesisyon para sa 'kin!"Tumalim ang tingin nitong ipinukol sa kanya. "'Wag mong sagadin ang pasensya ko, Angela. Baka hindi makarating ng Australia
KAHIT GAANO pa kaganda at karangya ang kuwartong kinaroroonan ni Angela ngayon ay hindi niya ma-appreciate iyon. Masyado itong maganda para sa isang kulungan. Napabuntong-hininga siya.Pagkatapos siyang iwanan ni Mael sa dining table kahapon, hindi niya na ulit ito nakita.Wala siyang nagawa at hanggang ngayon wala siyang magawa. Kinuha nito ang cellphone niya at laptop. Sa labas ng kuwarto niya ay may mga bantay. Hindi siya nakakalabas ng kwarto at pinahahatiran lang dito ng pagkain. Para siyang preso with privileges.Gusto na niyang magwala sa sobrang frustration na nararamdaman niya. Umuwi siya ng bansa para sa tatay niya pero heto siya ngayon at nakakulong sa apat na sulok ng kuwarto na ito. Kung alam niya lang na ganito ang gagawin ni Mael, dapat sana'y pinaalam niya kay Juancho na ngayong araw ang uwi niya para ito na ang sumundo sa kanila. Wala tuloy kaalam-alam ang pamilya niya sa sitwasyon niya ngayon. Napabuntong-hininga na lang siya.Napalingon siya mula pagkakatanaw sa bin
AYAW ni Mael na sumbatan ito pero hindi na niya mapigil ang sama ng loob niya. Masakit at parang sasabog na siya."Kung nasaktan ka nang mawala ang anak natin, mas nasaktan ako. Mas masakit sa 'kin dahil wala akong ibang masisi kung 'di ang sarili ko. Takot na takot ako, dahil hindi lang ako nawalan ng anak. Nawala din 'yung isang bagay na pinanghahawakan ko sa 'yo." Pasabunot na sinuklay niya ang kamay sa buhok."Pinagdasal ko 'yun e, hiniling ko na magkaroon tayo ng anak. Hindi lang dahil gusto kong magkaanak tayo pero dahil alam kong kapag nagkaanak tayo mananatili ka sa tabi ko." Tumawa siya nang mapait. "Alam ko kasi kung gaano mo pinahahalagahan ang pamilya. At magiging pamilya tayo kung magkakaanak tayo. Umasam ako na kapag nakita mong isa tayong pamilya baka sakali pahalagahan mo rin ako... na mahalin mo rin ako sa kabila ng mga kasalanang ginawa ko sa 'yo." Huminga siya nang malalim para tanggalin ang bara sa lalamunan niya. "Kaya kung nasaktan ka dahil napabayaan ko kayong m
PAGKATAPOS nilang mag-usap ni Mael, pinuntahan niya si Julianna sa kuwarto nito. Alam niyang nagtatampo ito kanina. Binuksan niya ang kuwarto nito na parang kuwarto ng isang prinsesa. Hindi na siya magtataka dahil alam niyang may pagka-spoiler si Mael.Nakita niyang nakaupo ito sa tapat ng isang malaking doll house. Mag-isa lang itong naglalaro. Saglit na sinulyapan siya nito pero agad ding ibinalik ang tingin sa nilalaro."Hi," bati niya dito pero hindi ito umimik. "Anong nilalaro mo?" tanong niya ulit. Naupo siya sa tabi nito. "Pwede ba akong sumali?"Tumingin sa kanya si Julianna na may nagbabadyang luha sa mga mata. Hinaplos niya ang pisngi nito. "Nagtatampo ka ba kay Mama?" malambing na aniya dito.Nanlaki naman ang mga mata nito."Sorry, ha...? Hindi ka kasi agad nakilala ni Mama kanina. Ganito ka lang kaliit nung huli kitang makita," ipinakita niya dito ang hintuturo at hinlalaki niya na kakaunti lang ang uwang.Bumilog ang mga mata nito. "Ganyan lang po ako kaliit?" namamangha
KINABUKASAN, bumiyahe sila pabalik ng San Ignacio. Dumiretso sila sa bahay nila para kamustahan ang itay niya. Umiyak ang itay niya pagkakita sa kanya kaya hindi niya na rin napigil ang mapaiyak.Pinaliwanag niya dito ang sitwasyon nilang mag-asawa at ang tungkol kay Julianna. Tanggap naman ng mga ito si Julianna at nangakong ililihim ang tunay na pagkatao ng bata. Giliw na giliw ang itay niya at lola kay Julianna kaya naman hinayaan niya na muna ang mga ito.Nilapitan niya si Juancho at Mael na nag-iinuman sa labas ng bahay nila. Agad na napangiti si Mael nang makita siyang papalapit sa mga ito."Mukhang masinsinan ang pinag-uusapan niyo, ah?" aniya nang makalapit sa mga ito. Naupo siya sa tabi ni Mael."Tungkol sa Almendra," sagot ni Juancho. Ito na kasi ang tumatayong COO sa kompanya ng Lolo nila. Isinalin na rin ni Mael sa pangalan niya ang share na nakuha nito nang pinakasalan siya nito.Tumango siya at binalingan si Mael. "'Wag ka ng masyadong uminom," aniya dito. Uuwi pa kasi s
NAPANGITI si Angela nang makita ang resulta. Inilapag niya ang hawak niya sa ibabaw ng sink, kung saan alam niyang agad na makikita ni Mael. Lumabas siya ng banyo at nakasalubong niya pa si Mael sa may pintuan hawak ang tungkod nito."Morning..." anito, saka siya hinapit sa baywang at hinalikan sa mga labi. Agad siyang tumugon sa halik nito at ikinawit ang kamay sa leeg ni Mael."Morning," aniya nang maghiwalay ang mga labi nila. "Ligo na. Malapit ng dumating ang mga bisita," aniya saka bumitaw dito at itinulak na ito papasok sa banyo."They can wait, Hon!" tutol nito."No. Take a shower now, Hon," natatawang aniya.Umungol lang ito saka pumasok na sa loob ng banyo.Naupo naman siya sa kama at napapangiti. Nakarinig siya nang bumagsak sa sahig pagkatapos ay malakas na bumukas ang pinto ng banyo. Nanlalaki ang mga mata ni Mael na nakatingin sa kanya habang hawak sa kaliwang kamay nito ang pregnancy test.Pero maging siya ay nanlaki din ang mga mata. Dahil sa gulat. Nakakalakad na si Ma

"You can't do this to me, Mael!" galit na galit na sigaw ni Suzette sa kanya. Nagpupumilit itong magpumiglas sa mga nurses na may hawak dito. "I'm not crazy!" muling sigaw nito.Mas lalo itong nagmukhang baliw dahil sa ginagawa nito at dahil do'n, tinutulungan siya nitong mapaniwala ang mga taga-mental institute na isa itong baliw.Pinalungkot niya ang mukha. "It's hard for me too, but you need help, baby," aniya. "You'll be fine. I p-promise," he said in a cracked voice. Nakita niya ang awa ng mga nurse na may hawak kay Suzette. Napangiti siya nang lihim."Hayup ka! Napakahayup mo! Ikaw ang baliw!" umiiyak na sigaw nito. "Hindi ako baliw! Bitawan n'yo ko!" Nagpupumiglas ito kaya sapilitan itong sinuotan ng straight jacket.Kahit ano pang sabihin nito, wala nang maniniwala dito. Pumayag siyang tumira ito sa log house kasama ang anak nito. Pumayag siya at pinakita dito na tanggap niya ang mga ito. Little did she know na unti-unti niya itong binabaliw. Matagal nang lulong sa casino si S