MADAMING pagkain na nakahanda sa lamesa nila. Halos ang iba ay dala ng mga magulang ni Mael. Namamanhikan na pala ang mga ito. Wala siyang kibo ni hindi niya rin ginagalaw ang mga pagkain na nasa lamesa. Si Mael naman ay ganadong-ganado sa pagkain. Ito rin ang lagay nang lagay ng pagkain sa plato niya na hindi rin naman niya ginagalaw. Hindi rin siya nakikisali sa pagpaplano ng kasal nila na isang simpleng garden wedding sa mismong mansion ng mga Capistrano.
"Hey... Hindi mo ba nagugustuhan ang mga pagkain?" Napapitlag pa siya ng bigla siyang tanungin ni Mael. May pag-aalala sa mukha nito.
Umiling lang siya.
"Anong gusto mong kainin? Tell me, tatawag ako sa bahay para magpaluto kay Nanay Caring," masuyo ang boses na anito. Para itong isang ulirang kasintahan kung umakto. Hinawi pa nito ang buhok niya at iniipit sa tenga niya. "May pinaglilihian ka na ba?"
Matalim na tinignan niya ito.
"Hindi ako buntis Mael, wag kang mag ilusyon," mahinang bulong niya dito. Kahit na may kaunting kaba na umahon sa kanya. Hindi pa naman siya delayed dahil ngayong linggo pa lang naman ang dating na buwanang dalaw niya at mahigpit niyang ipinapanalangin na sana ay hindi iyon pumalya.
Natigilan ito at nag-isang guhit ang labi. Bahagya ding gumalaw ang panga nito.
"How can you be so sure that your not pregnant?" malamig ang boses na bulong nito sa tainga niya. Tumama pa sa leeg niya ang mainit na hininga nito. "Hmmm?" Dadag pa nito sabay halik sa leeg niya. Nakaramdam naman siya ng init sa ginawa nito. Mabilis na namula ang mukha niya. Napatingin siya sa mga kasama nila sa mesa. Nakita niya si Donya Matilde na masamang nakatingin sa kanya kaya napayuko siya.
Siguro ay iniisip nito na inaakit niya ang anak nito gaya rin ng mga bintang nito sa kanya noon pa man. Mababa na ang tingin nito sa kanya noon pa man at pakiramdam niya ay mas lalo pang bumaba ang tingin nito sa kanya ngayon.
Siniko niya si Mael para mapalayo sa kanya. Tinawanan lang siya nito at hindi naman lumayo sa kanya. Siya na ang nakakaramdam ng hiya sa ginagawa nito. Dahil kung titignan ay parang pinapapak na nito ang leeg niya sa harapan ng pamilya niya at pamilya nito.
"S-Stop it. Lumayo ka sa'kin, Mael, please," nakikiusap na muling bulong niya dito.
"Ok." Umupo ito nang maayos. Kinuha nito ang kamay niya na nakapatong sa binti niya at dinala sa mga labi nito saka masuyong hinalikan.
Hinayaan niya na lamang ito. Wala rin naman siyang magagawa kahit tumanggi siya dito dahil alam niyang ipipilit ng lalaki ang anumang naisin nito.
PAGKATAPOS ng hapunan ay sabay-sabay na umalis ang mga bisita nila. Bago umalis si Mael ay bumulong pa ito na susunduin daw siya kinabukasan para ihatid sa San Ignacio elementary school kung saan siya nagtuturo. Tumango na lamang siya dito.
Tinutulungan niya ngayon ang Lola niya sa pagliligpit ng lamesa.
"Ikaw ba Angela eh nagdadalantao na?"
Napatingin siya sa Lola niya na huminto sa ginagawa at matamang nakatingin sa kanya. Hindi niya matagalan ang titig nito kaya nag-iwas siya dito ng tingin.
"H-Hindi ko pa po alam, La," sagot niya dito.
Bumuntong-hininga ang Lola niya at tinuloy na ang gingawa.
"Bueno, nandiyan na yan. Mukha namang mahal na mahal ka ni Mael. Kilala ko ang bata na 'yon. Mabait at hindi kagaya ng pinsan niya na dati mong nobyo."
Napaangat siya ng tingin dito. Hindi niya alam na ganon pala ang tingin nito kay Jonas at kay Mael. Tahimik at mabait ang nobyo niya. Halos dalawang taon na niyang kasintahan si Jonas pero ni minsan ay hindi ito nagpakita ng kagaspangan ng ugali. Maalalahanin ito at maalaga sa kanya. Pinsan ito ni Mael sa ama. Nakilala niya ito dahil na rin kay Mael. Agad silang nagkapalagayan ng loob kaya naman nang manligaw ito makalipas ng anim na buwan ay sinagot niya na ito. Nirespeto at ginalang ng kasintahan niya ang kanyang pagkababae hindi katulad ni Mael.
Hindi na siya sumagot sa sinabi ng Lola niya dahil baka masabi niya pa dito ang ginawang pang bababoy ni Mael sa kanya.
Mahal niya ang Lola niya. Ito na ang tumayong ina nilang magkapatid ng mamatay ang kanyang inay. Masasaktan ito kaya mas mabuting ilihim niya na lang ang katotohanan.
Sa totoo lang ayaw niyang magpakasal pero pag hindi naman niya ginawa iyon baka totohanin ni Mael ang banta nito na ipakukulong ang Itay niya.
Isa pa rin sa iniisip niya ay ang kasintahan. Hindi niya alam kung paano ipaliliwanag dito na ikakasal na siya sa pinsan nito. Hindi pa ito tumatawag o nagte-text man lang sa kanya. Gusto niyang magtampo dito. Pero siguro mas ok na yong wala ito. Hindi niya pa din niya kayang pakiharapan ito hanggang ngayon.
"Ikaw na ang magtuloy nito, ako'y inaatake na naman ng rayuma," untag sa kanya ng Lola niya.
Ngumiti lamang siya dito at marahang tumango. Sinundan niya na lang nang tingin ang abuela na papalabas ng komedor.
"Anak..." Tawag sa kanya ng tatay niya ng pumasok ito sa kusina.
"Bakit ho?"
"Ikaw ba ay hindi napipilitan sa kasal niyo ni Mael? Pansin ko kasi kanina parang hindi ka naman interesado sa pagpaplano ng kasal niyo. Sa susunod na lingo na iyon anak... Kung ikaw naman eh, napipilitan lang magsabi ka lang kay Tatay. Ang Tatay ang gagawa nang paraan para sayo."
Nangilid ang luha niya sa sinabi nito. Lumapit siya dito at yumakap.
"Pagod lang ho ako Tay, kaya wala ako sa mood kanina. Saka s-si Mael na ho ang bahala sa lahat." Isinubsob niya ang mukha sa dibdib ng ama. Ayaw niyang makita nito ang lungkot sa kanyang mga mata.
Kung pwede ko lang aminin ang lahat Tay... Ayaw ko talagang pakasal sa taong bumaboy sa'kin, pero hindi ko kayang unahin ang sarili kong kapakanan kapalit ng sayo, Tay...
Mahal na mahal niya ang Itay niya. Saksi siya sa mga sakripisyo nito para sa kanilang magkapatid. Mas inuuna nito ang mga pangangailangan nila kaysa sa pansarili nitong pangangailangan at napakaliit na bagay nang gagawin niya pagsasakripisyong pagpapakasal kay Mael kumpara sa nagawa nito. Siguro nga nagawa ng Tatay niya na magnakaw sa kompanya pero hindi nabawasan non ang pagmamahal at respeto niya dito.
"Alam mo, anak, malungkot ang tatay kasi magaasawa kana," sabi nito na halata ang pagpipigil ng pag-iyak.
"Bakit naman ho?" Malambing na aniya dito.
"Hindi pa kasi handa ang tatay na ang munti niyang prinsesa magiging reyna na ng iba." Bahagya itong natawa
Natawa na rin siya sa biro ng ama pero nakaramdam din siya nang lungkot. Hindi pa rin kasi siya handa na mag-asawa at bumukod sa kanyang pamilya.
"Pero masaya din naman ako dahil alam kong hindi ka pababayaan ni Mael. Alam ko na hinding-hindi ka niya sasaktan."
Natigilin siya sa sinabi nito.
Kung alam mo lang tay... - Kinagat niya ang pang ibabang labi para hindi masabi ang nais sabihin ng kanyang isip.
"Ganyan din ang sinabi ng Lola. Paano niyo naman nasabi na hindin-hindi ako sasaktan ni Mael, Tay?" Dahil siya hindi niya yon kayang paniwalaan.
Iginiya siya ng ama paupo.
"Dahil mabuting bata iyon. At noon pa naman ay alam kong may pagtingin sayo ang isang yon, dangan nga lang at si Jonas ang naging kasintahan mo."
Hindi siya naka-imik. Posible kaya na may gusto sa kanya ang kababata kaya nito nagawa ang bagay na ginawa sa kanya? Para mapilitan siya pakasal dito? Hindi niya rin kasi alam kung bakit nito iyon ginawa sa kanya. Maliban na. lang sa gusto siya nitong pakasalan. Maaari kaya na dahil sa gusto siya nito? Ipinilig niya ang ulo. Bakit parang may saya na umahon sa dibdib niya. Bumilis ang tibok non sa kaalamang may gusto sa kanya si Mael.
KINABUKASAN nga ay naabutan niya si Mael na nasa sala nila at nagkakape. Agad itong tumayo nang makita siyang lumabas ng kuwarto niya. Nakasuot ito ng ripped jeans na itim at itim din na v-neck t-shirt, naka puting rubber shoes naman ito. Simple pero hindi niya maiwasang humanga sa binata. Guwapo ito at hindi lingid sa kanya na napakaraming halos maghubad sa harapan ng binata para lang mapansin nito. Guwapo din naman si Jonas pero si Jonas ay yung tipong pang boy-next-door ang datingan na kabaliktaran naman ni Mael. Mael is raggedly handsome na hindi na nito kailangang manutok ng kutsilyo kapag nang holdap kusa mo nang ibibigay dito ang lahat lahat ng mayron ka."Good morning, hon," nakangiting bati nito. Lumabas ang mapuputi nitong ngipin. Bagong ahit ito kaya maaliwalas ang mukha. "G-Good morning din," kiming bati niya dito. Lalong lumapad ang ngiti nito. "I brought you breakfast nandon na sa kusina nakahain na."
MALAYO PA LANG ay tanaw niya na si Mael na nakasandal sa kotse nito habang nakahalukipkip. Nakayuko ito kaya hindi niya kita ang mukha nito. Lumapit siya dito. Napakunot noo siya nang tumingala ito nang maramdaman ang paglapit niya. Putok ang labi nito at may pasa sa panga."Anong nangyari sayo?" nag-aalalang tanong niya dito."Wala," matabang na sabi nito. Binuksan nito ang pinto ng passenger seat. Walang imik na sumakay siya don. Mabilis na itong umikot sa driver seat. Pinaandar nito ang sasakyan na hindi man lang umiimik. Tumingin na lang siya sa labas ng bintanaMaya-maya pa ay napansin niya na hindi papunta sa bahay nila ang tinatahak nitong daan. Agad siyang naalarma. Umahon ang kaba sa kanyang dibdib."S-Saan tayo pupunta Mael?" nahihintakutang tanong niya dito. Sumulyap ito sa kanya. Lumambot ang ekspresyon nito nang makita ang takot sa mukha niya."Sa Ninong An
"SAAN TAYO pupunta?" Tanong niya sa 'asawa'. Kanina pa sila bumabiyahe. Nakalabas na sila ng bayan."Sa rest house ni Daddy sa balakilong."Napadiretso siya nang upo. Dulo na ng San Ignacio ang balakilong. Halos dalawang oras ang biyahe don dahil sa rough road ang daan."P-pero hindi ako nakapagpaalam sa Itay.""Tumawag na ko sa inyo. Ipinagpaalam na kita sa Itay mo na bukas na kita iuuwi."Hindi na siya umimik pa. Tumanaw siya sa bintana. Pinipilit niyang labanan ang takot na nararamdaman. Hindi niya mapigilang isipin na mangyari uli ang nangyari sa kanila three weeks ago. Mariin siyang napapikit para ikalma ang sarili."Wala akong gagawing kahit anong ayaw mo Angela."Napamulat siya sa sinabi nito. Ngumiti lang siya ng mapait. Gusto niyang sabihin na ginawa na nito pero pinigalan niya ang sarili. Ayaw na niyang galitin ito. Pagod na siyang makipagtalo
ISANG YELLOW sunny dress na hakab sa baywang ang sinuot niya, umabot lang ito hanggang sa gitnang hita niya. Maraming mga damit na pang babae sa cabinet na may mga tag pa lahat na ang iba ay kasing halaga na ng sahod niya sa loob ng dalawang buwan.Pinatuyo niya ang buhok gamit ang nakita niyang blower sa banyo kanina. Wala siyang make up o kahit pulbo.Lumabas na siya ng kuwarto. Sa hagdan pa lang amoy na niya ang mabangong amoy ng pagkain. Napahawak siya sa tiyan niya nang kumulo ito. Gutom na siya dahil hindi siya kumain kagabi.Nasa dulo na siya ng hagdan nang may marinig siyang kumosyon sa labas ng log house. Naglakad siya papunta sa direksyon ng pintuan. Nang malapit na siya sa may pintuan natigilan siya nang marinig ang isang pamilyar sa boses."Ahas kang hayop ka! Ilabas mo si Angela!"Nanginginig na sumilip siya sa pintuan. Malakas na napasinghap siya nang makita si Mael a
HALOS MAUBOS na ni Mael ang bote ng alak na kanina pa niya tinutungga pero hindi pa rin namamanhid ang sakit na nararamdaman niya. Halos lunurin na niya ang sarili pero bakit ayaw mawala ng sakit? Kahit saglit lang, kahit isang minuto lang. Gusto niyang ipahinga ang puso niya na durog na durog na.He wanted to send himself to sleep pero hindi niya magawa, hindi na rin umiipekto ang sleeping pills sa kanya dahil na immune na siya. Kahit ilang dosage ang laklakin niya wala nang saysay mauuwi lang siya sa coma pag-ipinilit niya pa. at kahit napakaganda non sa pandinig. Ang matulog na wala nang kasiguraduhan ang paggising. Dahil kapag tulog, hindi ka na makakaramdam ng sakit. Pero hindi pwede, hindi pwedeng ma-coma siya. Minsan nang nawala ang babaeng mahal niya nang mawala siya ng matagal at ngayon kasal na sila. Hindi siya papayag na maagaw na naman ito ng iba kahit pa mandaya siya, kahit pa pumatay siya.Basta na lang niyang
INUMPOG ni Mael ang ulo sa pader ng banyo. Gusto niya ring ipukpuk ang shower sa ulo niya. Ano na naman bang katarantaduhan ang ginawa niya? Nagpadala siya sa kalasingan kagabi at ngayong nahimasmasan na siya ngayon niya na-realize ang nagawa.Paano siya mamahalin ni Angela kung lagi na lang siyang may nagagawang kagaguhan na nagiging dahilan para lalo siyang kamuhian nito? "Stupid! Stupid piece of shit!" mura niya sa sarili. Napatungo siya. Kitang-kita niya ang pag saludo ng alaga niya."Can't you behave?" gigil na kausap niya dito. wala sa loob na gigil na pinitik niya ito at dahil don napatalon siya sa sakit dahil sa ginawa. "Tarando't kalahati ka talaga Mael... Woooh... Ang sakit hayup!"Sana naman nagbunga ang ginawa niya kagabi para kahit papaano hindi naman masayang ang galit sa kanya ni Angela ngayon. Napabuntong hininga siya. Ang hilig niya kasing magpadalosdalos. Katulad na la
PARANG dinudurog ang puso ni Mael habang nakatingin kay Angela na humahagulgol sa palad nito. Bakit ba hindi na lang siya ang minahal nito? Sa tagal nang pagiging magkaibigan nila hindi ba ito nagkaroon kahit konting pagtingin man lang sa kanya? kaya hindi nito magawang mag-move on sa pinsan niya at turuan ang sarili na mahalin siya?Hindi siguro siya kamahal mahal...Dahil ang kagaya ni Angela na sa lahat ng bagay ay may pagpapahalaga at handang pagmamahal. Hindi man lang natapunan ng kahit na konti ang katulad niyaIsang tapik sa balikat ang nakapagpalingon sa kanya. "Son...""Dad," bati niya sa ama at bahagya lang itong tinanguan. "Pumirma na ang Lolo mo pagka-recieve niya ng marriage certificate niyo kaninang umaga. Tanging pirma na lang ni Don Damian ang inaantay, pero pormality na lang iyon. Sayo na mapupunta ang ang 30% share ng mga Almendra. You only need to do is to p
MASAGANANG pumatak ang mga luha ni Angela. Masaya siya na muling narinig ang boses ni Jonas."How are you fucker?" tuya ni Mael dito."Mael?" ani Jonas."Mhmm..." sagot ni Mael.Hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Nagpapasalamat siya at mukhang ligtas ang binata."Where's Angela?" Umubo ito bago nagpatuloy, "saan mo dinala ang girlfriend ko Mael?""She's here. Beside me." Hinimas ni Mael ang braso niya. "Talk to him honey... He miss you," malamig na sabi nito at parang napapasong tinanggal nito ang kamay sa braso niya. Tumungga ito ng beer at dumekuwatro. Isinampay nito ang isang kamay sa sandalan ng sofa at prenteng sumandal do'n. "talk," utos nito.Bumaling ang mata niya sa cellphone na nasa center table."A-Angela?" narinig niyang tawag ni Jonas sa kanya.
NAPANGITI si Angela nang makita ang resulta. Inilapag niya ang hawak niya sa ibabaw ng sink, kung saan alam niyang agad na makikita ni Mael. Lumabas siya ng banyo at nakasalubong niya pa si Mael sa may pintuan hawak ang tungkod nito."Morning..." anito, saka siya hinapit sa baywang at hinalikan sa mga labi. Agad siyang tumugon sa halik nito at ikinawit ang kamay sa leeg ni Mael."Morning," aniya nang maghiwalay ang mga labi nila. "Ligo na. Malapit ng dumating ang mga bisita," aniya saka bumitaw dito at itinulak na ito papasok sa banyo."They can wait, Hon!" tutol nito."No. Take a shower now, Hon," natatawang aniya.Umungol lang ito saka pumasok na sa loob ng banyo.Naupo naman siya sa kama at napapangiti. Nakarinig siya nang bumagsak sa sahig pagkatapos ay malakas na bumukas ang pinto ng banyo. Nanlalaki ang mga mata ni Mael na nakatingin sa kanya habang hawak sa kaliwang kamay nito ang pregnancy test.Pero maging siya ay nanlaki din ang mga mata. Dahil sa gulat. Nakakalakad na si Ma
KINABUKASAN, bumiyahe sila pabalik ng San Ignacio. Dumiretso sila sa bahay nila para kamustahan ang itay niya. Umiyak ang itay niya pagkakita sa kanya kaya hindi niya na rin napigil ang mapaiyak.Pinaliwanag niya dito ang sitwasyon nilang mag-asawa at ang tungkol kay Julianna. Tanggap naman ng mga ito si Julianna at nangakong ililihim ang tunay na pagkatao ng bata. Giliw na giliw ang itay niya at lola kay Julianna kaya naman hinayaan niya na muna ang mga ito.Nilapitan niya si Juancho at Mael na nag-iinuman sa labas ng bahay nila. Agad na napangiti si Mael nang makita siyang papalapit sa mga ito."Mukhang masinsinan ang pinag-uusapan niyo, ah?" aniya nang makalapit sa mga ito. Naupo siya sa tabi ni Mael."Tungkol sa Almendra," sagot ni Juancho. Ito na kasi ang tumatayong COO sa kompanya ng Lolo nila. Isinalin na rin ni Mael sa pangalan niya ang share na nakuha nito nang pinakasalan siya nito.Tumango siya at binalingan si Mael. "'Wag ka ng masyadong uminom," aniya dito. Uuwi pa kasi s
PAGKATAPOS nilang mag-usap ni Mael, pinuntahan niya si Julianna sa kuwarto nito. Alam niyang nagtatampo ito kanina. Binuksan niya ang kuwarto nito na parang kuwarto ng isang prinsesa. Hindi na siya magtataka dahil alam niyang may pagka-spoiler si Mael.Nakita niyang nakaupo ito sa tapat ng isang malaking doll house. Mag-isa lang itong naglalaro. Saglit na sinulyapan siya nito pero agad ding ibinalik ang tingin sa nilalaro."Hi," bati niya dito pero hindi ito umimik. "Anong nilalaro mo?" tanong niya ulit. Naupo siya sa tabi nito. "Pwede ba akong sumali?"Tumingin sa kanya si Julianna na may nagbabadyang luha sa mga mata. Hinaplos niya ang pisngi nito. "Nagtatampo ka ba kay Mama?" malambing na aniya dito.Nanlaki naman ang mga mata nito."Sorry, ha...? Hindi ka kasi agad nakilala ni Mama kanina. Ganito ka lang kaliit nung huli kitang makita," ipinakita niya dito ang hintuturo at hinlalaki niya na kakaunti lang ang uwang.Bumilog ang mga mata nito. "Ganyan lang po ako kaliit?" namamangha
AYAW ni Mael na sumbatan ito pero hindi na niya mapigil ang sama ng loob niya. Masakit at parang sasabog na siya."Kung nasaktan ka nang mawala ang anak natin, mas nasaktan ako. Mas masakit sa 'kin dahil wala akong ibang masisi kung 'di ang sarili ko. Takot na takot ako, dahil hindi lang ako nawalan ng anak. Nawala din 'yung isang bagay na pinanghahawakan ko sa 'yo." Pasabunot na sinuklay niya ang kamay sa buhok."Pinagdasal ko 'yun e, hiniling ko na magkaroon tayo ng anak. Hindi lang dahil gusto kong magkaanak tayo pero dahil alam kong kapag nagkaanak tayo mananatili ka sa tabi ko." Tumawa siya nang mapait. "Alam ko kasi kung gaano mo pinahahalagahan ang pamilya. At magiging pamilya tayo kung magkakaanak tayo. Umasam ako na kapag nakita mong isa tayong pamilya baka sakali pahalagahan mo rin ako... na mahalin mo rin ako sa kabila ng mga kasalanang ginawa ko sa 'yo." Huminga siya nang malalim para tanggalin ang bara sa lalamunan niya. "Kaya kung nasaktan ka dahil napabayaan ko kayong m
KAHIT GAANO pa kaganda at karangya ang kuwartong kinaroroonan ni Angela ngayon ay hindi niya ma-appreciate iyon. Masyado itong maganda para sa isang kulungan. Napabuntong-hininga siya.Pagkatapos siyang iwanan ni Mael sa dining table kahapon, hindi niya na ulit ito nakita.Wala siyang nagawa at hanggang ngayon wala siyang magawa. Kinuha nito ang cellphone niya at laptop. Sa labas ng kuwarto niya ay may mga bantay. Hindi siya nakakalabas ng kwarto at pinahahatiran lang dito ng pagkain. Para siyang preso with privileges.Gusto na niyang magwala sa sobrang frustration na nararamdaman niya. Umuwi siya ng bansa para sa tatay niya pero heto siya ngayon at nakakulong sa apat na sulok ng kuwarto na ito. Kung alam niya lang na ganito ang gagawin ni Mael, dapat sana'y pinaalam niya kay Juancho na ngayong araw ang uwi niya para ito na ang sumundo sa kanila. Wala tuloy kaalam-alam ang pamilya niya sa sitwasyon niya ngayon. Napabuntong-hininga na lang siya.Napalingon siya mula pagkakatanaw sa bin
Huminto sila sa isang Mediterranean-inspired mansion sa isang exclusive village.Bumukas ang pinto sa tabi niya. Isang naka-black tux ang nagbukas ng pinto. Bahagya itong nakayukod habang ang isang kamay ay nasa tiyan nito."Welcome home, Madame," Bati nito sa kanya. Naguguluhang tumingin siya kay Mael."Sa San Ignacio ako uuwi!" singhal niya dito.Tamad na tiningnan siya nito at ni hindi man lang nabahala sa pagsinghal niya dito. "This is your home now, Angela," malamig na anito.Natawa siya nang mapakla. Nagbibiro ba ito? Bakit kung makaasta ito ay parang ito lang ang may karapatang magdesisyon sa buhay niya? Apat na taon na silang hiwalay. Hindi ba man lang nito naisip iyon?Nanatiling blangko ang mukha nitong nakatitig sa kanya.Umiling-iling siya. "You can't force me against my will, Mael. Hindi mo hawak ang buhay ko para ikaw ang magdesisyon para sa 'kin!"Tumalim ang tingin nitong ipinukol sa kanya. "'Wag mong sagadin ang pasensya ko, Angela. Baka hindi makarating ng Australia
After eight hours na biyahe, lumapag na ang eroplano sa NAIA. Hindi alam ng Itay niya na ngayon ang uwi niya. Kahit si Juancho ay hindi niya sinabihan. Gusto niya kasing surpresahin ang mga ito sa pag-uwi niya.Lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya nang makababa sila. Nasa Pilipinas na siya. Ilang oras pa, makakasama na niya ang pamilya niya."Wait for me here. Kukunin ko lang ang mga bagahe natin."Tumango na lang siya kay Jonas. Nang makabalik ito ay tulak-tulak na nito ang mga bagahe nila. Nasa labas na sila ng airport nang may isang itim na van ang huminto sa harap nila. Hindi na sana nila 'yun papansinin, pero nang bumaba ang limang lalaki na mga naka-black suit at lumapit sa kanila...Agad na hinarangan siya ni Jonas. Siguro'y maski ito ay kinutuban nang masama."Yes?" tanong ni Jonas sa mga ito nang huminto ang mga ito sa harap nila at ang tatlo ay pumwesto pa sa likod nila. Bigla ang pag-ahon ng kaba sa dibdib niya. Mahigpit siyang napahawak sa braso ni Jonas.Hindi ito pina
Melbourne Airport,AustraliaNapatingin si Angela sa batang babaeng kumalabit sa kanya. Sa tantiya niya ay nasa tatlong-taong gulang na ito.Napakaamo ng mukha nito. Matangos ang ilong at napakaganda ng itim na itim na mga mata. Mamula-mula ang kutis nito na lalong tumingkad dahil sa kulay mais nitong buhok. Para itong manikang gumagalaw.Parang may kumurot sa dibdib niya habang nakatingin dito. Yumuko siya upang makapantay ito."Hello," bati niya dito. Nginitian niya ito na ginantihan din nito ng ngiti. Lumabas tuloy ang bungi nitong ngipin na mas lalong nagpa-cute dito."Mama," tawag nito sa kanya. Natigilan siya dahil parang may sumuntok sa sikmura niya sa tinawag nito sa kanya. Bigla ay parang gusto niyang umiyak. Ilang beses niya bang pinangarap na may tumawag sa kanya ng ganoon?"Julianna!"May lumapit na isang babaeng nasa mid-thirties na ang edad at naka-scrub suit na pink. Agad nitong binuhat ang bata na kaharap niya. "Naku kang bata ka! Malilintikan ako sa 'yo n'yan, eh!" se
"You can't do this to me, Mael!" galit na galit na sigaw ni Suzette sa kanya. Nagpupumilit itong magpumiglas sa mga nurses na may hawak dito. "I'm not crazy!" muling sigaw nito.Mas lalo itong nagmukhang baliw dahil sa ginagawa nito at dahil do'n, tinutulungan siya nitong mapaniwala ang mga taga-mental institute na isa itong baliw.Pinalungkot niya ang mukha. "It's hard for me too, but you need help, baby," aniya. "You'll be fine. I p-promise," he said in a cracked voice. Nakita niya ang awa ng mga nurse na may hawak kay Suzette. Napangiti siya nang lihim."Hayup ka! Napakahayup mo! Ikaw ang baliw!" umiiyak na sigaw nito. "Hindi ako baliw! Bitawan n'yo ko!" Nagpupumiglas ito kaya sapilitan itong sinuotan ng straight jacket.Kahit ano pang sabihin nito, wala nang maniniwala dito. Pumayag siyang tumira ito sa log house kasama ang anak nito. Pumayag siya at pinakita dito na tanggap niya ang mga ito. Little did she know na unti-unti niya itong binabaliw. Matagal nang lulong sa casino si S