PARANG dinudurog ang puso ni Mael habang nakatingin kay Angela na humahagulgol sa palad nito. Bakit ba hindi na lang siya ang minahal nito? Sa tagal nang pagiging magkaibigan nila hindi ba ito nagkaroon kahit konting pagtingin man lang sa kanya? kaya hindi nito magawang mag-move on sa pinsan niya at turuan ang sarili na mahalin siya?
Hindi siguro siya kamahal mahal...
Dahil ang kagaya ni Angela na sa lahat ng bagay ay may pagpapahalaga at handang pagmamahal. Hindi man lang natapunan ng kahit na konti ang katulad niya
Isang tapik sa balikat ang nakapagpalingon sa kanya.
"Son..."
"Dad," bati niya sa ama at bahagya lang itong tinanguan.
"Pumirma na ang Lolo mo pagka-recieve niya ng marriage certificate niyo kaninang umaga. Tanging pirma na lang ni Don Damian ang inaantay, pero pormality na lang iyon. Sayo na mapupunta ang ang 30% share ng mga Almendra. You only need to do is to p
MASAGANANG pumatak ang mga luha ni Angela. Masaya siya na muling narinig ang boses ni Jonas."How are you fucker?" tuya ni Mael dito."Mael?" ani Jonas."Mhmm..." sagot ni Mael.Hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Nagpapasalamat siya at mukhang ligtas ang binata."Where's Angela?" Umubo ito bago nagpatuloy, "saan mo dinala ang girlfriend ko Mael?""She's here. Beside me." Hinimas ni Mael ang braso niya. "Talk to him honey... He miss you," malamig na sabi nito at parang napapasong tinanggal nito ang kamay sa braso niya. Tumungga ito ng beer at dumekuwatro. Isinampay nito ang isang kamay sa sandalan ng sofa at prenteng sumandal do'n. "talk," utos nito.Bumaling ang mata niya sa cellphone na nasa center table."A-Angela?" narinig niyang tawag ni Jonas sa kanya.
HE IS SO PATHETIC. a fucking masochists. Ibinaba na ni Mael ang sarili at nagmakaawa na halikan siya nito ng hindi labag sa kalooban nito. He even asked her to think of another man while kissing him. Shame on him. Gusto niya lang naman maramdaman kung paano halikan ni Angela ng may pagmamahal kahit pa hindi siya ang nasa isip nitong kahalikan. At putang ina akala niya gagaan ang loob niya pero hindi! Mas lalo lang pinino ang durog na niyang puso nang maramdaman ang pagmamahal sa halik nito at ang sakit pa lang isipin na hindi yon para sa kanya, na iba ang iniisip nitong kahalikan. Akala niya wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman niya. Mayron pa pala. Habang hinahalikan siya nito naramdam niya kung gaano nito kamahal ang pinsan. How passionate she was. At handa siyang ibigay lahat ng mana niya mabaling lang sa kanya ang pagmamahal na iyon. Hindi niya mapigilan ang luha niya kaya sumubsob siya sa dibdib nito. Napakalaki niyang tao pero pagdating sa babaen
NAGISING si Angela na wala na si Mael sa tabi niya. Nag-iwan ito ng note sa side table na nagsasabing umalis ito dahil may aasikasuhin sa opisina at babalik agad para sunduin siya.Tumingin siya sa digital clock. Alas-kuwatro na ng hapon. Hindi siya makapaniwala na nagawa niyang makatulog nang ganon kahaba. Sanay kasi siya na alas-kuwatro pa lang ng umaga ay gising na.Agad siyang bumangon at nagmamadaling naligo at nagbihis. May nakita siyang isang jumper denim dress sa cabinet na may katerno itong black brassier pero mas pinili niya ang pinakamaliit na white shirt ni Mael. Inamoy niya 'yon at napakagat-labi bigla. Parang hinahanap-hanap niya ang amoy ng asawa. Ipinailalim niya iyon sa jumper saka sinuot ang flat Valentino sandals.Napansin niyang halos flat sandals ang binili sa kanya ni Mael. Siguro dahil sa iniisip pa rin nito na buntis siya. Napahawak siya sa flat na sikmura. Hindi pa siya nagkakaroon at kahit kailan hindi pa siya nade-delay. Regular ang menstruation niya simula
HINDI NA mabilang ni Mael kung ilang beses na niyang tiningnan ang relos niya. Halos maya't-maya 'ata ang silip niya do'n. Inip na inip na siya. Gusto na niyang matapos ang board meeting at sumakay sa kotse niya at paharurutin 'yon pabalik sa asawa niya.It's been seven hours, fifty-two minutes and twenty-nine seconds since the last time na nakita niya ang asawa. Nanghihina na siya. He needed his vitamins. A daily dose of his happy pill. His wife.Sinuri niya ng tingin ang mga board members.Dignified and respectable. Pero walang siyang pinagkakatiwalaan sa mga ito. Alam naman niyang tutol ang mga ito na siya ang tumayong CEO at mas malaki ang tiwala ng mga ito kay Jonas. Wala nga lang magawa ang mga ito dahil siya ang may hawak ng 30% share sa kompanya at madadagdagan pa 'yon sa oras na magkaanak sila ni Angela.Ang 40% ay nakapangalan kay Don Damian Arcega at hindi niya alam kung bakit dito ito ibinigay ni Don Jose Almendra gayong walang balak si Arcega na mapamahalaan ang Almendra
IT'S SUNDAY MORNING, the day of her wedding day. Dapat sana garden wedding pero dahil bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan, sa malaking sala ng mansion ng mga Capistrano ginanap ang kasal nila.It had been thirty minutes mula nang ikasal sila. Wala pa ring tigil ang ulan. Ang mga bisita, ang pamilya niya at si Veron na hanggang ngayon hindi pa rin makapaniwala na kay Mael siya ikinasal at ang mga magulang at lolo ng asawa niya, ang priest na nagkasal sa kanila at ang isang sakristan nito, pati na rin si Don Damien Arcega at ang anak nitong lalaki na ngayon ay kausap ang kapatid niyang si Juancho.Nakaharap na niya ang Don noong sinapak ng apo nito ang kapatid niya na muntik nang ikinabulag ng kapatid niya dahil nabasag ang salamin na suot nito at bumaon sa talukap ng mata nito ang bubog. Sinagot ng Don ang lahat ng gastos at humingi ng tawad sa kanila kasama ang magulang nung sumapak sa kapatid niya.Napabuntong-hininga siya habang nakatingin sa labas ng bintana. Makulimlim kahit
"Angela..."Natigilan siya sa boses na tumawag sa kanya. Nilingon niya ito. Tumalim ang mga mata na tinitigan ang lalaking basang-basa na sa ulan at hirap na lumakad papalapit sa kanya."Anong ginagawa mo rito?" nakatiim-bagang na tanong niya dito. Isa pa ito. Nasisiguro niya na alam nito ang tungkol sa mana kaya ito nakipaglapit sa kanya."I want to see you... I want to talk to you, babe..." anito nang makalapit sa kanya.Akma nitong hahawakan ang kamay niya pero iniiwas niya iyon."Babe..." usal nito tila nasaktan sa ginawa niyang pag-iwas dito."Anong sasabihin mo sa 'kin?" sarkastikong tanong niya dito."Sumama ka sa 'kin."Pagak siyang tumawa kahit walang tigil ang pag-agos ng luha niya."Kasal na ako kay Mael. Sa kanya na mapupunta ang mana," patuyang sabi niya dito.Bumakas ang pagkabigla sa mukha nito. "So, alam mo na pala?" naging blangko ang mukha nito."O-Oo ""Wala akong pakialam sa mana, Angela." Nagyuko ito ng ulo. "Oo, aaminin ko noong una, 'yun ang dahilan kung bakit n
NADATNAN ni Mael na nakaupo sa gilid ng kama ang asawa. Nakapagpalit na ito ng pantulog na pajamas at malaking t-shirt. Nakatulala lang ito sa bintana.Tumikhim siya pero hindi siya nito pinansin. Napatiim-bagang siya. Ano kayang pinag-usapan nito at ng pinsan niya? Bakit parang pinagsakluban ng langit at lupa ang asawa niya?Siguro dahil kasal na ito sa kanya kaya naisip nito na hindi na ito uubra sa pinsan niya. Kilala niya ito. Laki ito sa lola nito na numero unong conservative. Mas pinili nito ang tama.At hindi ako iyon, mapait na bulong niya sa sarili.Naghubad siya ng damit at tanging boxer lang ang iniwan niya. Lumapit siya dito at tumabi ng upo dito. Hinalikan niya ang leeg nito. Naramdaman niyang nanigas ito, na ikinainis niya.Balik na naman ba sila sa umpisa dahil lang sa nagpakita ang magaling na pinsan niya? Iginiya niya ito pahiga pero itinulak lang siya nito."What's wrong with you?" inis na sigaw niya dito.Nag-iwas ito ng tingin sa kanya. "P-pagod ako, gusto ko ng ma
KANINA PA tinatawagan ni Mael ang cellphone ni Angela pero hindi nito sinasagot kaya naman ang landline sa mansion ang tinawagan niya.Bigla niya kasi itong naalala. O, siguro na miss niya ang boses nito. Hindi kasi sila nakapag-usap kahapon.Pagkalipas ng dalawang ring ay may sumagot na."Hello?" inip na tanong niya sa kabilang linya."Señorito!" Nailayo niya ang cellphone sa tainga niya sa lakas ng boses ng nasa kabilang linya."Nay Caring? Bakit ba kayo sumisigaw?" inis na tanong niya dito. Matanda na kasi at medyo mahina na ang pandinig nito kaya madalas lumalakas ang boses nito kapag kinakausap."Naku, Señorito. 'Buti at napatawag kayo."Napaayos siya ng upo nang maulinigan ang taranta sa boses nito. "Bakit may problema ba?" tanong niya dito."Naku, ang Señorita. Umiiyak at masakit daw ang puson niya— ay, Diyos ko po! Dinudugo na ang Señorita!" sigaw ng matanda, bakas ang takot sa boses nito.Para namang may nagbuhos ng malamig na tubig sa katawan niya sa narinig. "What?! Bring h
NAPANGITI si Angela nang makita ang resulta. Inilapag niya ang hawak niya sa ibabaw ng sink, kung saan alam niyang agad na makikita ni Mael. Lumabas siya ng banyo at nakasalubong niya pa si Mael sa may pintuan hawak ang tungkod nito."Morning..." anito, saka siya hinapit sa baywang at hinalikan sa mga labi. Agad siyang tumugon sa halik nito at ikinawit ang kamay sa leeg ni Mael."Morning," aniya nang maghiwalay ang mga labi nila. "Ligo na. Malapit ng dumating ang mga bisita," aniya saka bumitaw dito at itinulak na ito papasok sa banyo."They can wait, Hon!" tutol nito."No. Take a shower now, Hon," natatawang aniya.Umungol lang ito saka pumasok na sa loob ng banyo.Naupo naman siya sa kama at napapangiti. Nakarinig siya nang bumagsak sa sahig pagkatapos ay malakas na bumukas ang pinto ng banyo. Nanlalaki ang mga mata ni Mael na nakatingin sa kanya habang hawak sa kaliwang kamay nito ang pregnancy test.Pero maging siya ay nanlaki din ang mga mata. Dahil sa gulat. Nakakalakad na si Ma
KINABUKASAN, bumiyahe sila pabalik ng San Ignacio. Dumiretso sila sa bahay nila para kamustahan ang itay niya. Umiyak ang itay niya pagkakita sa kanya kaya hindi niya na rin napigil ang mapaiyak.Pinaliwanag niya dito ang sitwasyon nilang mag-asawa at ang tungkol kay Julianna. Tanggap naman ng mga ito si Julianna at nangakong ililihim ang tunay na pagkatao ng bata. Giliw na giliw ang itay niya at lola kay Julianna kaya naman hinayaan niya na muna ang mga ito.Nilapitan niya si Juancho at Mael na nag-iinuman sa labas ng bahay nila. Agad na napangiti si Mael nang makita siyang papalapit sa mga ito."Mukhang masinsinan ang pinag-uusapan niyo, ah?" aniya nang makalapit sa mga ito. Naupo siya sa tabi ni Mael."Tungkol sa Almendra," sagot ni Juancho. Ito na kasi ang tumatayong COO sa kompanya ng Lolo nila. Isinalin na rin ni Mael sa pangalan niya ang share na nakuha nito nang pinakasalan siya nito.Tumango siya at binalingan si Mael. "'Wag ka ng masyadong uminom," aniya dito. Uuwi pa kasi s
PAGKATAPOS nilang mag-usap ni Mael, pinuntahan niya si Julianna sa kuwarto nito. Alam niyang nagtatampo ito kanina. Binuksan niya ang kuwarto nito na parang kuwarto ng isang prinsesa. Hindi na siya magtataka dahil alam niyang may pagka-spoiler si Mael.Nakita niyang nakaupo ito sa tapat ng isang malaking doll house. Mag-isa lang itong naglalaro. Saglit na sinulyapan siya nito pero agad ding ibinalik ang tingin sa nilalaro."Hi," bati niya dito pero hindi ito umimik. "Anong nilalaro mo?" tanong niya ulit. Naupo siya sa tabi nito. "Pwede ba akong sumali?"Tumingin sa kanya si Julianna na may nagbabadyang luha sa mga mata. Hinaplos niya ang pisngi nito. "Nagtatampo ka ba kay Mama?" malambing na aniya dito.Nanlaki naman ang mga mata nito."Sorry, ha...? Hindi ka kasi agad nakilala ni Mama kanina. Ganito ka lang kaliit nung huli kitang makita," ipinakita niya dito ang hintuturo at hinlalaki niya na kakaunti lang ang uwang.Bumilog ang mga mata nito. "Ganyan lang po ako kaliit?" namamangha
AYAW ni Mael na sumbatan ito pero hindi na niya mapigil ang sama ng loob niya. Masakit at parang sasabog na siya."Kung nasaktan ka nang mawala ang anak natin, mas nasaktan ako. Mas masakit sa 'kin dahil wala akong ibang masisi kung 'di ang sarili ko. Takot na takot ako, dahil hindi lang ako nawalan ng anak. Nawala din 'yung isang bagay na pinanghahawakan ko sa 'yo." Pasabunot na sinuklay niya ang kamay sa buhok."Pinagdasal ko 'yun e, hiniling ko na magkaroon tayo ng anak. Hindi lang dahil gusto kong magkaanak tayo pero dahil alam kong kapag nagkaanak tayo mananatili ka sa tabi ko." Tumawa siya nang mapait. "Alam ko kasi kung gaano mo pinahahalagahan ang pamilya. At magiging pamilya tayo kung magkakaanak tayo. Umasam ako na kapag nakita mong isa tayong pamilya baka sakali pahalagahan mo rin ako... na mahalin mo rin ako sa kabila ng mga kasalanang ginawa ko sa 'yo." Huminga siya nang malalim para tanggalin ang bara sa lalamunan niya. "Kaya kung nasaktan ka dahil napabayaan ko kayong m
KAHIT GAANO pa kaganda at karangya ang kuwartong kinaroroonan ni Angela ngayon ay hindi niya ma-appreciate iyon. Masyado itong maganda para sa isang kulungan. Napabuntong-hininga siya.Pagkatapos siyang iwanan ni Mael sa dining table kahapon, hindi niya na ulit ito nakita.Wala siyang nagawa at hanggang ngayon wala siyang magawa. Kinuha nito ang cellphone niya at laptop. Sa labas ng kuwarto niya ay may mga bantay. Hindi siya nakakalabas ng kwarto at pinahahatiran lang dito ng pagkain. Para siyang preso with privileges.Gusto na niyang magwala sa sobrang frustration na nararamdaman niya. Umuwi siya ng bansa para sa tatay niya pero heto siya ngayon at nakakulong sa apat na sulok ng kuwarto na ito. Kung alam niya lang na ganito ang gagawin ni Mael, dapat sana'y pinaalam niya kay Juancho na ngayong araw ang uwi niya para ito na ang sumundo sa kanila. Wala tuloy kaalam-alam ang pamilya niya sa sitwasyon niya ngayon. Napabuntong-hininga na lang siya.Napalingon siya mula pagkakatanaw sa bin
Huminto sila sa isang Mediterranean-inspired mansion sa isang exclusive village.Bumukas ang pinto sa tabi niya. Isang naka-black tux ang nagbukas ng pinto. Bahagya itong nakayukod habang ang isang kamay ay nasa tiyan nito."Welcome home, Madame," Bati nito sa kanya. Naguguluhang tumingin siya kay Mael."Sa San Ignacio ako uuwi!" singhal niya dito.Tamad na tiningnan siya nito at ni hindi man lang nabahala sa pagsinghal niya dito. "This is your home now, Angela," malamig na anito.Natawa siya nang mapakla. Nagbibiro ba ito? Bakit kung makaasta ito ay parang ito lang ang may karapatang magdesisyon sa buhay niya? Apat na taon na silang hiwalay. Hindi ba man lang nito naisip iyon?Nanatiling blangko ang mukha nitong nakatitig sa kanya.Umiling-iling siya. "You can't force me against my will, Mael. Hindi mo hawak ang buhay ko para ikaw ang magdesisyon para sa 'kin!"Tumalim ang tingin nitong ipinukol sa kanya. "'Wag mong sagadin ang pasensya ko, Angela. Baka hindi makarating ng Australia
After eight hours na biyahe, lumapag na ang eroplano sa NAIA. Hindi alam ng Itay niya na ngayon ang uwi niya. Kahit si Juancho ay hindi niya sinabihan. Gusto niya kasing surpresahin ang mga ito sa pag-uwi niya.Lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya nang makababa sila. Nasa Pilipinas na siya. Ilang oras pa, makakasama na niya ang pamilya niya."Wait for me here. Kukunin ko lang ang mga bagahe natin."Tumango na lang siya kay Jonas. Nang makabalik ito ay tulak-tulak na nito ang mga bagahe nila. Nasa labas na sila ng airport nang may isang itim na van ang huminto sa harap nila. Hindi na sana nila 'yun papansinin, pero nang bumaba ang limang lalaki na mga naka-black suit at lumapit sa kanila...Agad na hinarangan siya ni Jonas. Siguro'y maski ito ay kinutuban nang masama."Yes?" tanong ni Jonas sa mga ito nang huminto ang mga ito sa harap nila at ang tatlo ay pumwesto pa sa likod nila. Bigla ang pag-ahon ng kaba sa dibdib niya. Mahigpit siyang napahawak sa braso ni Jonas.Hindi ito pina
Melbourne Airport,AustraliaNapatingin si Angela sa batang babaeng kumalabit sa kanya. Sa tantiya niya ay nasa tatlong-taong gulang na ito.Napakaamo ng mukha nito. Matangos ang ilong at napakaganda ng itim na itim na mga mata. Mamula-mula ang kutis nito na lalong tumingkad dahil sa kulay mais nitong buhok. Para itong manikang gumagalaw.Parang may kumurot sa dibdib niya habang nakatingin dito. Yumuko siya upang makapantay ito."Hello," bati niya dito. Nginitian niya ito na ginantihan din nito ng ngiti. Lumabas tuloy ang bungi nitong ngipin na mas lalong nagpa-cute dito."Mama," tawag nito sa kanya. Natigilan siya dahil parang may sumuntok sa sikmura niya sa tinawag nito sa kanya. Bigla ay parang gusto niyang umiyak. Ilang beses niya bang pinangarap na may tumawag sa kanya ng ganoon?"Julianna!"May lumapit na isang babaeng nasa mid-thirties na ang edad at naka-scrub suit na pink. Agad nitong binuhat ang bata na kaharap niya. "Naku kang bata ka! Malilintikan ako sa 'yo n'yan, eh!" se
"You can't do this to me, Mael!" galit na galit na sigaw ni Suzette sa kanya. Nagpupumilit itong magpumiglas sa mga nurses na may hawak dito. "I'm not crazy!" muling sigaw nito.Mas lalo itong nagmukhang baliw dahil sa ginagawa nito at dahil do'n, tinutulungan siya nitong mapaniwala ang mga taga-mental institute na isa itong baliw.Pinalungkot niya ang mukha. "It's hard for me too, but you need help, baby," aniya. "You'll be fine. I p-promise," he said in a cracked voice. Nakita niya ang awa ng mga nurse na may hawak kay Suzette. Napangiti siya nang lihim."Hayup ka! Napakahayup mo! Ikaw ang baliw!" umiiyak na sigaw nito. "Hindi ako baliw! Bitawan n'yo ko!" Nagpupumiglas ito kaya sapilitan itong sinuotan ng straight jacket.Kahit ano pang sabihin nito, wala nang maniniwala dito. Pumayag siyang tumira ito sa log house kasama ang anak nito. Pumayag siya at pinakita dito na tanggap niya ang mga ito. Little did she know na unti-unti niya itong binabaliw. Matagal nang lulong sa casino si S