His dark menacing eyes bore to me like daggers and I know I'm at fault now. Is this his room? Kung ganoon ay mali itong napasok ko?
Ramdam ko ang init sa buong mukha ko at maging ang matinding kaba sa aking dibdib. Gusto ko nalang kainin ako ng lupa.
"What are you doing here?" His deep baritone voice even made me shiver.
Napalunok ako. "I-I'm sorry, hindi ko alam.." I stuttered. Hindi ko makapa ang mga salitang dapat sabihin.
He smirked, but then his eyes remained cold and scary. Kung kanina ay kaya ko pa siyang tignan, ngayon ay hindi na. Idagdag pa na wala siyang damit.
"A-alis nalang ako, sorry talaga.." Nagmadali akong lumakad patungo sa pintuan pero naramdaman ko ang malamig nitong kamay nang higitin ako nito pabalik.
Bumagsak ako sa katawan niyang halos basa pa dahil sa pagligo. Naamoy ko kaagad ang mabango at panlalaking amoy ng sabon na ginamit niya. Ganoon na lamang kalakas ang tibok ng puso ko na tila gusto nang lumabas sa aking dibdib.
"Not so fast," bulong nito na nagpatindig sa aking mga balahibo. Napatayo ako nang tuwid.
"H-hindi ko talaga alam, I was told to go through the last rooms." Nanginginig ang boses ko nang sabihin ko iyon.
"Hindi ko alam, I'm sorry."
Pagak itong tumawa sa sinabi ko, "Who would know if you're telling the truth now? What if you're here to steal something from me?"
Nanlaki ang mga mata ko, hindi makapaniwala ko siyang tinignan. "What? Hinding-hindi ko gagawin 'yon."
He sported another devilish smirk, "My family just met you today, you think you earned enough trust that fast?"
"W-what?"
"Show me your things,"
Sumulyap ako sa aking bag na nasa ibabaw nga pala ng kama niya.
"You really think of me that way?" Hindi makapaniwala kong tanong.
"Why don't you just show me your bag so I'll believe you?" Naghahamon ang titig nito sa akin at abot-abot ang sakit sa aking dibdib. Nawala ang kaba at takot na nararamdaman ko kanina at napalitan ng sakit at poot.
Kinuha ko ang aking bag at inilabas isa-isa ang laman nito. Wallet, dalawang t-shirt, shorts at isang jeans, ang pouch na may lamang underwear ko at mga toiletries, notebook at isang ballpen. Nilingon ko siya nang mailabas ang lahat. Hindi ko na rin hinintay na sabihin niya at ipinakita ko na rin ang mga bulsa ng suot kong pants. Tumaas ang kilay nito sa ginawa ko.
"Are you satisfied?" Hindi ako makatingin sa kaniya dahil sa nagbabadyang luha sa aking mga mata.
Hndi ito nagsalita. Tinalikuran niya ako't tinungo ang walk-in closet. Sinimulan ko namang iligpit muli ang mga gamit sa aking bag. Hindi ko na napigilan at tumulo na ang mga luha ko sa sobrang sama ng loob sa ginawa niyang pambibintang.
Kailan man ay hindi ako pinagbintangan nang ganito and I know to myself that no matter how poor I am at kahit hindi ako kumain ng isang buong araw ay hinding-hindi ko magagawa ang magnakaw.
Nang natapos akong magligpit ng mga gamit sa aking bag ay siya ring paglabas nito sa walk-in closet. Pinunasan ko nang mabilis ang mga luhang naglandas sa aking pisngi bago ko natagpuan ang titig niya.
His dark eyes are like abyss, like an eternal black hole. I don't know the extent of the menace that lies behind those orbs.
"Leave,"
Lumunok ako, pilit pinapatibay ang loob. Huminga ako ng malalim para sa mga gusto kong sabihin.
"You know what, I don't know what did I do to you for you to hate me and judge me easily like this. Pero isa lang ang masasabi ko, I'm not here to leech off anything from your family. And I will never ever steal, even when I am rat poor, even if I die of hunger or whatever, I will never ever try to steal. Pinalaki ako ng nanay ko sa tamang paraan pero ikaw, hindi ko alam kung bakit ka ganiyan. Yes you're rich but I guess you lack something in you, you lack something that money can't buy and I'm glad I have it."
Iyon ang huling sinabi ko bago nilisan ang kwarto niya. I know it is not right to tell my boss things like that, but he went overboard and I'm not his employee yet. I don't even know if I can come to work and treat him nicely after what he's done to me today.
Paglabas ko sa kwartong iyon ay sinubukan ko ulit maghanap ng guestroom at mabuti nalang ay tama na ang napasok kong kwarto. Huminga ako ng malalim nang maisara ang pinto. Pinagmasdan ko ang buong silid at nakita ang pagkakaiba nito sa kwarto ni Axl. Mas maliit ito at walang balkonahe. I sighed, bakit ko nga ba naman naisip na ang ganoong klaseng kwarto ay isang guestroom? But I would have loved the view from there. Bigla ko tuloy gustong pumunta sa tambayan ko.
Pagod akong humiga sa kama. Napakahaba ng araw na ito at napakaraming nangyari. Gusto ko nalang itulog ang lahat at gumising na maayos na ang pakiramdam bukas. Pero mayroon pang dinner at alam kong inaasahan din ako ni Ma'am Poly doon.
Nagpahinga lamang ako ng ilang minuto bago naisipang maligo. Nang matapos ay nagpalit ako ng isang puting t-shirt at shorts na hindi naman gaanong maiksi. Ginamit ko iyong blowdrier sa bathroom para mapatuyo ang buhok ko. Nang matapos ay siya namang pagkatok sa aking pintuan.
Binuksan ko iyon at bumungad sa akin si Air na mukhang bagong ligo rin. Ngumiti ito sa akin.
"It's time for dinner, let's go?"
Nakaramdam ako ng hiya, sinadya niya pa talaga ako rito? Mabilis akong tumango at lumabas na ng kwarto. Nakakahiya kung magtatagal pa ako.
"Uh.. sana hindi mo na ako sinundo dito, bababa na rin naman ako."
"You see I'm just so bored and I'm happy that you're here, I finally have someone to spend time with." He flashed another dazzling smile at hindi ko mapigilang mahawa. His energy seems contagious.
"Kailan ba ang uwi ninyo? Hindi ba kayo madalas dito?"
"We visit here weekly, we always make sure to have dinner with mom and dad atleast just once a week. We failed last week though, because Axl had too attend a meeting overseas and I have to take over for a while."
Tumango ako, "But your brother seems to be working even when he's here."
He chuckled, "I told you he only cares about work." Inalalayan ako nito nang pababa na kami sa hagdan.
Halata naman iyon, umiikot ang mundo niya sa trabaho. Matunog na matunog ang pangalang Axl Genesis kahit saan ako magpunta. The most successful tycoon in the country, the most powerful bachelor. His biggest commodity is himself- his looks, aura, talent, money, achievements and his power.
"You two look so close huh," puna ng kanilang ina nang mamataan kaming pababa ni Air. She's smiling ear to ear while watching us. Ngiti lamang ang iginanti ni Air sa sinabi nito.
"I told you my sons will like you, kaya nga magaan ang loob ko sayo e." She clinged to me while we're heading to the kitchen.
Nakangiti kami nang nakarating doon pero agad nawala ang ngiti sa mga labi ko nang makita si Axl na nakaupo na roon at nakatitig nang mariin sa amin, sa akin. Mabuti nalang at bumitiw na ang kaniyang ina. Ipinaghila ito ng upuan ni Air. Umupo naman ako sa tabi nito, kung saan din ako nakaupo kanina.
Naroon na si Sir Arsen at nakangiti ito sa amin ng kaniyang asawa. Air sat beside Axl na nasa harap ko naman.Katulad kaninang tanghalian ay pinasabay din muli ang mga katulong kaya nang matapos pagsilbihan sila ma'am ay naupo na rin sila para sumabay sa pagkain.
Tahimik kaming kumain nang mag-usap ang mag-aama tungkol sa kumpanya. Maagap at tipid ang mga sagot ni Axl. Pinagmasdan ko ito. Kahit nakasuot nalang ng plain white shirt ay nag-uumapaw pa rin ang kakisigan nito. Bigla ay naisip ko, ano ang mangyayari sa akin sa mga susunod na araw bilang sekretarya niya?
Bumagsak ang mga mata ko sa pagkain nang bigla itong mag-angat ng tingin sa direksyon ko. I tried to focus on my food instead.
"Are you ready to work on Monday hija? May mga damit kana ba?" Bigla nalang naitanong ni Ma'am Poly.
Iyon din ang palagay ko'y magiging problema ko. Wala naman ako masyadong damit pero mayroon akong pencil cut skirt at puting buttondown long-sleeves na pwede kong gamitin sa Lunes.
"Meron naman po pero maghahanap pa ako." Ngumiti ako rito.
"I don't want revealing clothes in my office." Ang matigas na boses nito ang nagpalingon sa akin. Nag-angat ito ng kilay nang magtagpo ang mga mata namin.
"Hindi ko rin naman gusto iyon,"
"Let's go buy you some dress then!" Excited na sinabi ni Ma'am Poly na agad kong tinanggihan.
"Nakakahiya na po, sobra sobra na po itong ginagawa ninyo para sa akin."
Tumawa ito, "I adore you so much, kahit noong kinukwento ka palang ng nanay mo sa akin ay hindi na ako mapakali at gusto na kitang makilala. I like you evenmore now that I met you hija." Her eyes are even gleaming while looking at me.
Sir Arsen laughed, hinawakan nito ang kamay ng asawa na nasa lamesa. "Pasensya kana hija, if my wife's too clingy. She always wanted a daughter."
Ngiti lamang ang naisagot ko bago ko sinulyapan si Axl na mariing nakatitig sa akin. Ayos lang sana ito kung hindi nanaman siya mag-iisip ng masama sa akin. I don't want people thinking of bad things about me.
"Pagbigyan mo na si mommy, Adri." Ngayon ay si Air naman.
"Nakakahiya po talaga e,"
"It's okay, ako naman ang pumipilit hija, it's not you who's asking me." She gave me a reassuring smile. In the end ay wala akong nagawa dahil nakangiti lang din naman si nanay at mukhang nasisiyahang gusto ako ng mga amo niya.
Nagpatuloy sa pag-uusap tungkol sa negosyo ang mag-aama habang nagtatanong naman ng kung anu-anong mga bagay si Ma'am Poly sa akin at kay nanay. She looks so interested with my life at naaliw naman kami ni nanay na makipag-kwentuhan sa kaniya.
Nang matapos ang hapunan ay tumulong ako sa pagliligpit habang umiinom naman ng wine ang pamilya sa sala. Magkatulong kami ng isa pang kasambahay na si Feliz sa paglilinis ng mga pinggan.
"Gustong-gusto ka nila Ma'am Poly 'no?" Ngiti nito sa akin.
Tipid akong ngumiti pabalik, "Ang bait nila no? Nagulat ako."
"Malambot ang puso niya sa atin dahil nag-mula rin siya sa hirap. Kasambahay lamang din siya ng pamilya nila sir Arsen noon." She sounds happy for them.
Natunganga ako sa sinabi nito. Sa ganda ng kutis at ganda niyang iyon ay mula din pala siya sa hirap? She looks so elegant pero marahil ang lahat ng bagay ay nababago ng panahon.
Hindi ako makapaniwala pero kahit paano ay nabigyan ng sagot ang pagtataka ko. Kaya pala ganoon na lamang sila kabait sa amin, they have the heart for people like us because of Ma'am Poly.
Nang matapos sa paglilinis ay sumama muna ako kay nanay sa quarters nila.
"Huwag mong kakalimutang mag-pasalamat sa kanila bago ka umalis dito ha, napaka-bait nila sayo." Bilin nito habang inaayos ang kaniyang kama.
Ngumiti ako, "Nasabi ni Feliz na galing din daw pala sa mahirap na pamilya si Ma'am Poly, kaya pala mabait siya sa mga katulad natin."
"Oo pero palagay ko ay mabait talaga siyang tao kahit pa hindi siya nagmula sa hirap. Maging ang asawa at mga anak niya ay mabubuti."
Sumimangot ako, "Si Air at Axl?"
"Oo anak, napaka-bait ng mga batang 'yon."
"Sobrang bait po ni Air pero hindi ko pa nakakausap si Axl kaya hindi ko pa alam." Kahit sa totoo lang ay nagkausap na kami kanina at hindi naging maganda ang kinalabasan noon.
"Mabait na bata yun si Axl, tahimik lang at laging seryoso pero napaka-bait 'non. Siya ang nagdala sa akin sa ospital noong nawalan ako ng malay sa kusina."
Natigilan ako at hindi nakapagsalita.
"Nag-ooffer nga ito na huwag na akong magtrabaho at gagawin niya na akong mayordoma dito nang sa ganon ay mamandohan ko nalang ang mga kasambahay pero tumanggi ako. Lagi akong kinakamusta 'non at dinadalhan ng pagkain kapag bumibisita rito. Kanina nga ay may dalang mga gatas para sa akin."
Kinagat ko ang dila ko bilang parusa sa mga salitang binitiwan ko sa kaniya kanina. And all along I thought he's judgemental pero mukhang naging judgemental din ako kanina. Paano ko pa siya haharapin?
**
Katulad ng gustong mangyari ni Ma'am Poly ay nagtungo kami sa isang mall kinabukasan para mamili ng mga damit na maisusuot ko sa opisina. Sumama si Air at ang sasakyan nito ang ginamit namin habang may nakasunod pang itim na van kung saan daw nakasakay ang mga bodyguard.Nang dumating kami sa mall ay halos mabali ang leeg ng mga tao nang makita si Ma'am Poly at Air. Hindi ko alam kung kilala sila ng mga tao o talagang agaw-pansin lang sila dahil sa naghuhumiyaw na karangyaan sa itsura nila. Habang ako ay nanliliit dahil hindi ako sanay sa ganitong atensyon mula sa mga tao. Everyone's literally watching our every move.Sa unang boutique na pinasukan namin ay tatlo kaagad ang napiling dress ni ma'am Poly para sa akin. Tahimik lamang ako at kapag sinabihan magsukat ay nagsusukat na
Tinapos ko ang pinapagawa ni Axl kahit na napaka-awkward ng atmosphere sa pagitan namin. Tuwing sumusulyap ako sa kaniya ay nakikita kong seryoso at abala siya sa sariling trabaho. Hindi ko mapigilang hindi tumitig dahil namamangha ako sa pagiging seryoso niya.The way his eyebrows furrow together while reading something on his laptop, the way he cranes his neck, maging ang tunog ng paglapat ng kaniyang mga daliri sa keyboard ng laptop ay ikinamamangha ko sa hindi malamang dahilan.He surely looks so cold and exceptional, like a king sitting on his throne, he surely belongs to this kind of place.Tumunog ang telepono sa isang tawag. Hindi ko alam kung dapat ko ba iyong sagutin gayong nasa tabi niya lang ito. Sumulyap siya sa ak
Nagpadala lamang ng pagkain si Axl sa opisina nang sumapit ang tanghalian. Hindi ko akalaing dito lang siya sa opisina niya kumakain, o ngayon lang ito?He told me earlier to call the cafeteria and order them to bring us food instead. He said he's busy at nakikita ko naman iyon. Pero ang isiping kakain kaming dalawa ng sabay ngayong lunch ay lalong nagpakaba sa akin.Buong akala ko ay pwede akong lumabas at kumain mag-isa at ganoon din ang gagawin niya. Parte ba ng trabaho ko ang samahan din siya sa lunch?Huminga ako ng malalim at kinagat ang pang-ibabang labi ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakatitig na ito sa akin. Nakakunot ang noo nito na tila may kasalanan nanaman akong nagawa.
Kung ako ang masusunod ay ayoko na sanang pumunta sa ospital. Pero dahil si Axl ang nagdesisyon ay wala akong nagawa.Pina-xray niya ako matapos gamutin ng nurse ang mga sugat na nasa binti ko. Bukod doon ay wala naman na akong malalang natamo. Ang sabi ng doktor ay maaring magpapasa ang gawing tagiliran ko dahil sa pagkakahampas ko sa lamesa. I expected it though, lalo't alam kong mabilis lang akong nagkakapasa.Kasalukuyang kinakausap ng doktor si Axl nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Ma'am Poly kasama si Air at Sir Arsen. Napatayo ako sa gulat at maging ang doktor at si Axl ay natigil.Ma'am Poly rushed to me, "Are you okay hija?" Sinuri nito ang mga braso ko. Tumigil ito nang makita ang iilang sugat ko sa binti
Pagod na pagod na ang katawan at ang utak ko pero hindi ko pa rin magawang makatulog. Maybe because he's here with me.Ang kaniyang mga mata ay tila nakakakita sa dilim kung makatingin sa direksyon ko. And it makes me feel uncomfortable. Kahit isang tshirt at pajama ang suot ko pakiramdam ko ay tumatagos ang mga titig niya.I wonder what he thinks of me. I wonder what runs through his head. I want to know how he decides for things. Gusto kong malaman kung bakit hindi niya ako magawang pagkatiwalaan, kung bakit tila siya may galit sa akin.But I know I will never get to understand him. His principle is solid, he wants the truth and only but the truth. But now I realized, there are different versions of truth. The truth he wants
"It is clear that there were two movements inside the floor within that hour Axl. Iyong una ay nagsimula sa pagtapak niya palabas ng silver elevator, 8:47pm. Sunod-sunod na ang naging paggalaw nito hanggang makapasok sa opisina mo, 8:50pm. The time we contacted you is at that time. Around 9:15 when we found another movement coming from your secretary's office." Paliwanag ng private investigator ni Axl sa amin.Tumingin ito sa akin, "You said you woke up at that time. Lumabas ka ng opisina, you were inside the office at 9:25."Tumango ako. Idinetalye ko sa kanila ang lahat ng pangyayari mula nang magising ako. Tugma ang mga iyon sa mga impormasyon na nakalap nila sa mga motion sensors."Did you see his face Adrianna?"
Hindi ako makasagot. He just confirmed my thoughts, someone broke his trust before, kaya siya nahihirapan magtiwala ngayon.But for someone like Axl, who looks superior, authoritative and hard as rock, I wonder who did it? I wonder who had the guts to fool him? I wonder who had the power to crush his trust that easy?Sobrang awkward sa loob ng sasakyan. Kung hindi lang kami tumigil sa isang building sa BGC ay baka pareho na kaming nilamon ng katahimikan.Pumasok ang sasakyan sa parking lot, kasunod ang dalawang itim na van. Muntik nang mawala sa isip ko na may meeting kaming dadaluhan. Masyado akong nalubog sa mga iniisip tungkol sa kaniya.Kinalas ko ang seatbelt ko nang maki
Ganoon nanaman at awkward nanaman sa sasakyan pabalik ng GGC. Hindi ko na maintindihan ang lalaking ito, I don't get his issues at all. Kung bakit nagagalit siya kapag napapansin ako ng mga tao ay hindi ko na alam. Kasalanan ko pa ba iyon?Pasado alas-tres na nang makabalik kami ng kumpanya. Nagulat ako nang datnan namin sa kaniyang opisina si Ace at Yuge.Tumigil ako at tumingin kay Axl nang maupo ito sa couch, katabi ni Yuge. He still looks pissed. Hindi ko tuloy matanong kung ano ang gagawin ko.Mukhang nahalata naman ng dalawa ang madilim na mukha nito. Kapwa sila tahimik at nakikiramdam sa amin.Huminga ako ng malalim bago nagsalita, "Uh..may gusto po kayong inumin?"
Note: This is Axl's POV and it will start from his childhood to the present so please wag sana kayong magpalito sa transitions. Most of the scenes already happened in the previous chapters so you'll be familiar. Lastly, I have an author's note and FAQs after this chapter!EpilogueWhen I was younger, all that I believed is that people were born to be naturally selfish. We crave the things that can satisfy us, that can make us happy. We do everything, to get our desires, to be contented.But all along, I've been questioning myself, does a person ever feel satisfied? Do we ever feel contented? Do these things really make us happy?I stared at the transient blue skies ab
Madam Selena's public apology didn't end everything. It made other people angry. Mayroong nagalit nang nalamang totoo ang ginawa niya at pinilit itong pagtakpan ng GGC at ng mga airlines na nabanggit. Mayroong tinanggap ang katotohanan pero ayaw na ulit magtiwala. At mayroong natuwa, dahil sa kabila ng masamang nagawa ay humingi ng kapatawaran ang mga Genesis.Madam Selena's speech is scripted. Si Axl at Alistair ang gumawa nito. Bago ang lahat ay kinausap rin nila ang mga airlines na maaring maapektuhan. Everyone agreed to apologize for their wrongdoing, at nangakong hindi na iyon kailanman mauulit.It may look insincere because it's scripted, still I felt Axl and Alistair's humbleness in that presscon. Hindi man taos sa puso ng kanilang lola ang paghingi ng tawad, still the fa
Gustong-gusto kong makausap si Alistair matapos ang nangyari, I badly want to tell him that he doesn't really have to do what his grandma wants. I wanted to convince him that there's other way around, hindi niya kailangang magsakripisyo ng ganito.May pakiramdam akong ganoon din ang gustong gawin ni Ma'am Poly, pero mas gusto ni Sir Arsen at ni Axl na hayaan na muna siyang mapag-isa. Sa huli ay sumang-ayon nalang din ako at tuluyan nang nanlumo.Madam Selena left after talking to him about the Pearsons. The smile on her face is so selfish and it was hurting all of us. I feel like being a Genesis is a curse for them, I feel like despite the wealth and power that they have, they are still jailed to the fact that they should keep strengthening it.
"Hindi paba tayo lalabas? Baka hinihintay nila tayo.." Hindi ko na alam kung ilang beses ko na itong sinabi at katulad kanina ay parang wala siyang naririnig.Nakahiga kami sa kama at nakakulong ako sa mga braso niya. Ang kaniyang mukha ay nakasiksik sa aking leeg. He would kiss my shoulder blade and my cheek every now and then."Axl.." sinubukan kong gumalaw pero lalo lang humigpit ang yakap nito sa akin."Let's cuddle more.." his hoarse voice said. Muli ay pinatakan niya ako ng halik sa aking pisngi.Natutukso na rin akong manatili nalang dito, lalo pa ngayong ayaw niya na akong pakawalan. Pero ayaw kong malunod sa kaniyang mga halik, baka hindi na ako makabangon.
He looks so pissed while driving. Mula paggising ko nakasimangot na siya at mas lalo pang lumala nang nakita ang suot ko.I'm wearing a denim shorts and a shirt, at rubbershoes. Marurumi kasi ang mga damit at pants ko kaya puro shorts ang naisusuot ko. Hindi naman siya nagkomento pero nararamdaman kong may kinalaman ang suot ko sa pagkakainis niya.Tahimik kami sa loob ng sasakyan. At nanatili ang pananahimik niya hanggang sa makarating kami sa mansyon.Nakaabang si Ma'am Poly sa malaking pintuan, nakangiti na agad nang natanawan ako. Ngumiti ako at sinalubong niya naman ako ng yakap. She looks happy, hindi ko alam kung bakit."I'm so excited! Umalis ng maaga si Axl at nang si
Tahimik kami habang nasa sasakyan. Gusto ko ulit magtanong pero ayokong marinig ng mga kaibigan ko ang pag-uusapan namin kaya nanatili akong tahimik.Isinandal ko ang ulo ko sa likod ng upuan at tuluyang naramdaman ang pagod para sa buong araw. Nahihilo man at gusto nang matulog ay pinilit kong manatiling gising para maituro ang apartment kay Axl.Pero ganoon nalang ang gulat ko nang makitang lumiko ang sasakyan sa daan patungong university. Kunot noo ko siyang nilingon. "A-Alam mo ba ang apartment namin?"Hindi ito nagsalita. Nanatili ang seryoso niyang mga mata sa daan na tila doon ibinubuntong ang pagkakainis.Nakumpirma kong alam niya nga kung saan ang apartment nang pumas
Katulad ng pangako ko sa tatlong kaibigan ay inilibre ko sila ng dinner. Hindi sa mamahaling restaurant pero naging masaya na kami sa fastfood sa isang mall dahil magkakasama naman at nagkakatuwaan.I am grateful I met these three. Kung mayroon man akong mabuting bagay na nakuha sa pag-alis ko kay Axl ay sila iyon, ang pagkakaibigan namin."Anong balak mo Adri? Magtatrabaho kaba agad o magpapahinga muna?" Tanong ni Karen.Huminga ako ng malalim, nag-iisip pa ng sagot dahil sa totoo lang ay hindi pa rin talaga ako nakakapag-desisyon.Gusto kong magpahinga pero ang mga katulad naming mahihirap ay walang panahon para sa ganon. Ang perang naipon ko mula sa pagtatrabaho kay Axl ay
Hindi na namin kinailangan ng karagdagang plano ni Alistair. Axl did leave me alone like what I told him. Hindi na siya kailanman nagparamdam sa akin.Ilang linggo ang lumipas at tuluyan akong bumalik sa dating normal na buhay. At ang mga linggong iyon ay mabigat at mahirap para sa akin. I would cry myself to sleep every night. Sa umaga'y gigising ako na mugto ang mga mata.I went back to school and tried to focus on my studies. Isang sem nalang ang titiisin ko at iyon ang ginawa kong inspirasyon para makaahon sa pagkakalubog dulot ng sakit sa pagtalikod kay Axl.Nagkikita kami ni Alistair kapag may oras siya pero mas madalas nalang kaming mag-usap sa cellphone. He would update me about Axl, kung kamusta na ito. Maging ang pagp
Kung nakamamatay lang ang tingin ay baka bumulagta na kami ni Alistair.I don't think I've seen his eyes as dark as this before. Madilim ang kaniyang mukha at nagsasalubong ang mga kilay. He looks calm and in control even when his eyes reveal darkness.Isang beses lang na bumaba ang kaniyang mga mata sa akin bago tumigil kay Alistair. "I'm done here, I'm leaving."Hindi sumagot si Air at tumango lamang. Axl didn't give me another look after that, diretso ang kaniyang pagsakay sa kaniyang sasakyan."Air--""Sshh.." he gently squeezed my arm, "He's still watching. Let's wait till he leaves."