"It is clear that there were two movements inside the floor within that hour Axl. Iyong una ay nagsimula sa pagtapak niya palabas ng silver elevator, 8:47pm. Sunod-sunod na ang naging paggalaw nito hanggang makapasok sa opisina mo, 8:50pm. The time we contacted you is at that time. Around 9:15 when we found another movement coming from your secretary's office." Paliwanag ng private investigator ni Axl sa amin.
Tumingin ito sa akin, "You said you woke up at that time. Lumabas ka ng opisina, you were inside the office at 9:25."
Tumango ako. Idinetalye ko sa kanila ang lahat ng pangyayari mula nang magising ako. Tugma ang mga iyon sa mga impormasyon na nakalap nila sa mga motion sensors.
"Did you see his face Adrianna?"
Umiling ako, "H-hindi..he's wearing a mask, his mouth and nose were covered. But I clearly saw his eyes and his eyebrows."
Tumango ang lalaki, isinusulat ang mga sinasabi ko.
"You will have to describe him clearly to our forensic artist so he can draw it and give us a facial composite."
Tumango ako. Bahagya kong tinignan si Axl na tahimik na nanonood sa akin. Nakakunot ang kaniyang noo at hindi man lang nag-abalang alisin ang mga mata sa akin matapos kong maaktuhang nakatitig.
Mabilis akong bumaling pabalik sa investigator.
"We will also use the E-field sensor installed in the building so we can analyze the mass of the intruder and its rate change."
"That means she's a witness," ang lalaking katabi ni Axl.
Tinignan ko ito. Naroon din siya noong gabing iyon, he came with Air. Katulad ni Axl ay madilim ang kaniyang mukha. Maputi ito at matangkad, malinis ang gupit ng itim na itim nitong buhok at mayroon itong tatlong piercing sa kanang tenga. Kumikinang ang mga iyon at agaw pansin.
"Every employee in the company has their own unique badges which they use to enter designated doors. But Axl's office doesn't require a badge to get in. The door opens once it recognizes a person that usually comes inside his office. The alarm will ring if there's an intruder. Or the door may open if he presses the open button under his table. The remote of his door is under his table, he can click something in it to register a person who got in for the first time. It's a technology I made, specifically for the Genesis." Mahabang paliwanag nito.
He's an IT I guess? Or someone who knows technology well? Sa tindig palang niya ay hindi ko na maikakailang isa rin siyang propesyunal.
"So..that means it's not an intruder at all?" Tinignan ako ng investigator. "The guy doesn't look familiar? A co-worker?"
"She's my new secretary. Yesterday's her first day." Axl answered for me. Napatango ako bilang pagsang-ayon.
"Oh, what a hassle first day for you then miss..what's your name by the way?" Isinarado nito ang notebook at ngayon ay nakangiti na sa akin.
Just like the two, this one's aura is intimidating too. He has a cool and playful air though, that differentiates him a bit from the two.
"Uh..Adrianna Clemente."
Tumaas ang kilay nito, "I'm Ace Altamirano, Axl's private investigator." Inangat nito ang kamay para sa isang handshake na tinanggap ko naman.
Sumandal ito sa kaniyang upuan pagkatapos, ang atensyon ay na kay Axl na muli. "Well then Axl, I think the suspect is someone you know."
Tinignan ko si Axl. Kunot ang noo nito at mariing nakatitig pa rin sa akin. Ano bang problema niya at bakit sa akin siya nakatingin? At mukha nanaman siyang galit, ano nanaman ang ginawa ko?
Ace broke the tension by his soft laugh, bumaling ito sa akin. "It's too intense in here."
Napangiwi ako. Sumulyap ako sa lalaking katabi ni Axl at nakitang seryoso rin ito. They really have the same aura, something heavy and dark. The energy that radiates from them drains me. Samantalang si Ace ay may mapaglarong ngiti, though I can tell that his eyes are dark and sharp too.
"Someone who is familiar to your office and an employee here too. You don't let that much employee to get inside your office, do you?" Ace asked Axl.
"We can check Miya for the body mass and other details.." the guy beside him suggested. Halos kilabutan ako sa lalim ng boses nito. At akala ko ay si Axl na ang may pinaka-nakakatakot na boses.
"Let's talk privately."
Nag-angat ako ng tingin kay Axl at nakitang nakatingin din ito sa akin. Agad kong naunawaan ang sinabi nito at mabilis akong tumayo.
"K-kung may itatanong pa kayo, nasa labas lang ako."
Ace smiled at me, "Thanks Adrianna."
Samantalang ang dalawa ay nakamasid sa akin na tila di makapag-hintay sa pag-alis ko. Minadali ko tuloy ang paglabas sa opisina.
Tinungo ko ang opisina ko at ibinagsak ang katawan sa swivel chair. Napahilot ako sa aking sentido dahil sumasakit ang ulo ko.
Kung ganoon ay taga-rito lang din ang pumasok sa opisina niya? A guy who's not afraid to get caught? Kung empleyado ito rito ay dapat alam niya ang motion sensors at ang security sa opisina ni Axl.
Huminga ako ng malalim at tumunganga lamang doon. Wala namang utos sa akin si Axl at naalala kong napatunayan kong inosente ako. I should leave the company right? Ayoko nang madamay pa sa gulo rito.
Napatango ako sa naisip. Tama, maybe I should just finish the day and tell him I'm quitting today. Nasabi ko naman na iyon sa kaniya kagabi at wala naman siyang naging pagtanggi.
Napaupo ako ng maayos nang tumunog ang intercom.
"Bring us some coffee please." Ang baritonong boses ni Axl na agad nagpatayo sa akin.
"O-opo."
Lumabas ako ng opisina at agad nagtimpla ng tatlong kape. Mayroong maliit na cubicle kung saan may mga refreshments at water dispencer sa floor na ito. Itinuro sa akin ni Aliyah kahapon at sinabihan din ako kung paano ang timpla ng kape na gusto ni Axl. Isang kutsaritang kape, isang kutsaritang creamer at isang kutsarita ring asukal. He likes strong coffee.
Dahil hindi ko naman alam ang gusto ng dalawa ay ganoon nalang din ang ginawa kong timpla para sa kanila.
Nang matapos ay inilagay ko na sa tray at binuhat na iyon patungo sa opisina niya.
Sa salamin palang ng double glass doors ay nakita ko na ang pagtingin nila sa akin. Nang bumukas iyon ay kumalabog nanaman ang dibdib ko.
Kinagat ko ng mariin ang labi ko bago tuluyang lumapit sa kanila. Isa-isa kong inilapag ang mga tasa at nang matapos ay tumayo ako ng matuwid sa gilid.
"Thanks Adrianna," Ace smiled before taking his cup of coffee.
Pinanood ko muna ito sa pagtikim sa kaniyang kape, curious kung tama bang itinulad ko sa timpla ng kay Axl ang sa kanila.
"Uh..ang tapang," napangiwi ito.
Nanlaki ang mga mata ko, agaran ang aking paglapit. "H-hindi mo ba gusto? Igagawa kita ng bago."
Bago pa siya makasagot ay naunahan na siya ni Axl.
"That's fine Adrianna, you can leave now."
Alangan ko itong nilingon pero mukhang seryoso ito sa kaniyang sinabi. I shot Ace an apologetic look and he just nodded. Mukhang sanay na siya sa ugali ni Axl.
Kinagat ko muli ang labi ko atsaka nag-iwas ng tingin. "S-sige po.."
Nang tumalikod ako ay narinig ko pa ang sinabi ni Ace.
"I think you're too harsh to the girl."
Hindi ko na narinig pa ang sagot ni Axl dahil nakalabas na ako ng double doors. Bumalik ako sa opisina at naupo muli sa aking lamesa. I sighed, kaunting oras nalang naman at huling araw ko na rito.
Pinagmasdan ko ang buong opisina at bahagya akong napangiti. Atleast I was able to have my own office even just for a short period of time.
I always dreamed of having my own office and working on a good company, like the GGC. Pero sa ngayon ay mas gusto ko nalang munang magtrabaho at magsimula sa maliit. Sa sandaling panahon ay napatunayan kong mas mahalaga pa rin talagang mag-umpisa sa pinaka-simula. Trust the process ika nga.
Inabot ng isang oras bago ko nakita ang pag-alis ni Ace at ng isa pang lalaki. Kita mula sa salaming pintuan ng aking opisina ang pagsakay nila sa gold elevator.
Ilang minuto lang din ang lumipas ay nagulat ako nang may kumatok sa pinto ng opisina ko. Bumukas iyon at bumungad ang babaeng nagdala ng pagkain namin ni Axl kahapon.
"Hi Miss Adrianna, ihahatid ko lang po ang lunch mo." Ngumiti ito sa akin at tuluyan nang pumasok dala ang isang tray.
"B-bakit dito sa opisina ko?"
"Sabi po ni Sir Axl dalhan ko kayo ng lunch dito."
Kumunot ang noo ko, "E yung sa kaniya?"
"Nahatiran ko na rin po siya ma'am." Inilapag nito ang mga pagkain sa maliit na lamesa sa harap ng mga couch.
"Babalikan ko nalang po ang utensils after ng lunch ninyo." Ngumiti ito at nagpaalam.
Pag-alis nito ay ang pagtunog naman ng intercom. Kaagad akong lumapit doon.
"Eat your lunch. I won't require you to eat with me now, if you're uncomfortable."
"S-salamat.."
"We'll leave shortly after lunch. We'll go to BGC for a short meeting with investors."
"O-okay po."
The intercom beeped after that.
Napatingin ako sa mga pagkain na nasa lamesa. Umupo ako sa couch at pinagmasdan ang mga iyon. Fish fillet at isang vegetable dish ang naroon, mayroon ding panghimagas na leche flan at pineapple juice. Napangiti ako kahit paano.
He let me eat my breakfast alone earlier, ngayon ay pinadala nito ang lunch ko rito sa opisina. He must have really noticed that I'm not comfortable to eat with him alone.
Kumain ako ng tahimik. Sanay na akong kumain mag-isa at mas gusto ko din talaga iyon. Noong nagtatrabaho ako sa club ay palagi lang din akong mag-isa dahil tila galit lahat ng katrabaho ko sa akin. Nakasanayan ko na iyon at tingin ko'y mas naging maganda iyon para sa akin.
Nang matapos ay nag-sepilyo ako at nag-ayos sa banyo. Naisipan ko ring itali ang buhok ko upang mas maging malinis akong tignan para sa meeting mamaya.
Ilang minuto ang lumipas ay nag-beep muli ang intercom, "Let's go."
"Opo."
Kinuha ko ang bag ko at mabilis na lumabas ng opisina na siya ring paglabas nito. He's only on his longsleeves polo, wala ang coat nito at wala ring necktie.
Nagtagal ang titig nito sa akin ngayon kaya naman nag-iwas ako ng tingin at tahimik na sumunod nang sumakay na ito sa elevator.
Bumabati ang mga taong nakakasalubong namin sa lobby. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagbaba ng mga mata nila mula kay Axl patungo sa akin. Hindi ko pinansin ang mga iyon at yumuko na lamang ako habang nakasunod kay Axl.
Naghihintay sa labas ang kaniyang itim na sports car. Ngayon ay mas kita ko kung gaano ito kaganda, kumikinang ang tatak nitong kabayo sa harapan dahil sa sinag ng araw. Sa likod nito ay dalawang van na itim na sigurado akong may sakay na mga bodyguards. Ibinigay ng valet ang susi sa kaniya matapos kaming pagbuksan.
Hindi pa rin ako sanay sa ganitong klaseng sasakyan. Naghuhumiyaw ito ng karangyaan, nakakatakot dumihan. Tiniis ko na lamang dahil huling araw ko na rin naman. Babalik na rin ang buhay ko sa normal pagkatapos ng araw na ito.
Hindi na baleng sigawan ako ni Ate Lucy o di kaya ay palayasin. Pakiramdam ko ay normal na iyon at bahagi na ng buhay ko. Mas ramdam kong deserve ko iyon kaysa sa mga bagay na naranasan ko nitong mga nakaraang araw.
"What are you thinking?"
Nagulat ako at napatingin kay Axl, halos hindi makapaniwalang kinakausap niya ako.
"Huh?"
"I'm sorry, about last night."
Tila mas lalo akong nawindang. Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagtitig dito.
"Are you..really apologizing?" Hindi makapaniwala kong tanong.
Nakita ko kung paano umigting ang panga nito. His eyes are almost glaring at the road at mariin din ang kapit sa manibela.
"I..I can't trust people easily, I'm sure you know that by now."
"You have some trust issues.." napatango ako. "Do you..trust me now?"
He glanced at me and smirked, "I'm sure you know you have trust issues too, Adrianna."
I don't know why but my name sounds different when he's saying it. Hindi ko alam kung bakit pero bumibilis ang tibok ng puso ko sa simpleng pagbigkas nito sa pangalan ko.
"You can't even eat a meal with me.."
Umiling ako, "It's not trust issues, I'm just..I'm just uncomforable."
"Let's say that's the case for me too, I'm not comfortable enough to believe other people."
"But do you believe me now? Will you believe me now?"
Hindi ito sumagot. Tila nabaon sa kung anumang iniisip.
I wonder what's the real reason and he can't trust people easily. I wonder what made him aloof like this, someone who looks so hard to tame. I wonder if it's just really his concern for the company that's making it hard for him to trust anyone or there's more to that?
Did someone break his trust before?
Natigil kami sa daan dahil sa traffic lights. Nang lingunin ko siya ay nagulat ako nang makitang nakatingin na ito sa akin. But unlike before, his deep-set eyes now look so full of emotions I can't name. Parang sa dami ng emosyong nasa likod ng kaniyang mga mata ay dilim nalang ang nakikita ko.
Ito ba? Ito ba ang totoong dilim ng mga mata niya? The emotions that are being concealed?
"If I will put my trust in you, aren't you gonna break it?"
Napakurap ako at hindi nakapagsalita. Tama ba ako? Did someone break his trust before? Sino?
"Because I don't want to end up disappointed again Adrianna. I don't want to end up doubting everyone around me again because of a goddamn broken trust."
**
Hindi ako makasagot. He just confirmed my thoughts, someone broke his trust before, kaya siya nahihirapan magtiwala ngayon.But for someone like Axl, who looks superior, authoritative and hard as rock, I wonder who did it? I wonder who had the guts to fool him? I wonder who had the power to crush his trust that easy?Sobrang awkward sa loob ng sasakyan. Kung hindi lang kami tumigil sa isang building sa BGC ay baka pareho na kaming nilamon ng katahimikan.Pumasok ang sasakyan sa parking lot, kasunod ang dalawang itim na van. Muntik nang mawala sa isip ko na may meeting kaming dadaluhan. Masyado akong nalubog sa mga iniisip tungkol sa kaniya.Kinalas ko ang seatbelt ko nang maki
Ganoon nanaman at awkward nanaman sa sasakyan pabalik ng GGC. Hindi ko na maintindihan ang lalaking ito, I don't get his issues at all. Kung bakit nagagalit siya kapag napapansin ako ng mga tao ay hindi ko na alam. Kasalanan ko pa ba iyon?Pasado alas-tres na nang makabalik kami ng kumpanya. Nagulat ako nang datnan namin sa kaniyang opisina si Ace at Yuge.Tumigil ako at tumingin kay Axl nang maupo ito sa couch, katabi ni Yuge. He still looks pissed. Hindi ko tuloy matanong kung ano ang gagawin ko.Mukhang nahalata naman ng dalawa ang madilim na mukha nito. Kapwa sila tahimik at nakikiramdam sa amin.Huminga ako ng malalim bago nagsalita, "Uh..may gusto po kayong inumin?"
Normal ang trabaho sa GGC sa kabila ng mga nangyari. Mas pinaigting lang ang securities at lahat ng entrance at exit ay may bantay. Mayroon na ring guard sa bawat elevator at sa bawat floor. Sa floor ni Axl ay apat ang nakabantay na men in black, ang isa ay nasa pintuan ng opisina ko.Huminga ako ng malalim nang pumatak ang alas-sais at narito pa rin ako sa opisina. Mukhang wala pang balak umuwi si Axl kaya hindi rin ako makaalis. At hindi ko rin siya makausap dahil naging mainit ang sigawan namin kanina.Matapos ang mga sinabi ko kanina ay iniwan ko na siya sa kaniyang opisina at isang oras na ang nakalipas matapos iyon. Wala siyang inutos sa akin at hindi ko rin siya narinig.Iniisip ko tuloy ngayon kung sa kaniya pa rin ako
Chapter 14"You haven't been formally added to my employee list. The HR needs your credentials." Salubong sa akin ni Axl matapos akong tawagin sa kaniyang opisina.Tumango ako. Naisip ko na ang tungkol doon, hindi pa ako nakakapagpasa ng kahit anong requirements dahil biglaan lang naman ang pag-uumpisa ko dito. Ni hindi ko kinailangang magpasa ng resume para makapagsimula."The HR doesn't know your email as well so they can't send you the requirements. You need to submit them so they can create your payroll and bank account.""Nasa apartment ang mga gamit ko. If you could just let me go there after work, kahit samahan nalang ako ng isang bodyguard mo."
Chapter 15 Matapos ang nangyari sa apartment ay balik nanaman sa pagsusungit sa akin si Axl. Galit ito nang makauwi sa kaniyang condo at ni hindi niya na ako kinausap pa hanggang kinabukasan. Naging abala din naman siya buong araw dahil katulad noong Miyerkules ay marami pa rin talaga siyang ginagawa habang ako ay nakaupo lang buong araw sa sariling opisina at naghihintay ng mga utos na hindi dumating. Ngayon ay Biyernes na. Hindi ako makapaniwalang nakatapos na ako ng isang linggo sa trabahong ito. At halos wala naman talaga akong ginagawa bukod sa maliliit na utos ni Axl. Hindi ko alam kung magaan ba talaga ang trabaho bilang sekretarya niya o hindi niya lang talaga iniuutos sa akin ang lahat. Maybe he's not that comfortable to
Chapter 16Guilty ako sa pakikinig sa usapan nila Axl at ni nanay kaya nang magkita kami sa sala ay halos hindi ko siya matignan. Nang umalis siya kanina sa quarters ay mabilis na rin akong lumabas dahil alam kong hahanapin niya ako.Walang tao sa sala kaya doon ako naupo at nagpanggap na walang alam. Lumapit ito sa akin at nagulat ako nang maupo ito sa kaharap kong sofa.Nag-angat ako ng tingin at naabutan itong nakatitig."Do you want to sleep here tonight?" Tanong nito.Binuklat ko ang ilang magazines na nakapatong sa round table para lang makahanap ng pagkakaabalahan. I really can't look at him straight in the eyes."Wala akong
Lunes nang magpatawag ng general meeting si Axl upang ipaalam sa lahat ang nangyari noong nakaraang linggo. It might trigger the fear of his employees for their safety lalo pa't pinatay ang CCTV room operator nang gabing iyon, but Axl has to tell them the truth dahil karapatan nilang malaman ang nangyayari. Narito ngayon sa boardroom ang lahat ng department heads ng GGC. Narito rin si Ace at Yuge at sila ang nagpaliwanag ng updates tungkol sa ginagawang imbestigasyon. "As you can see, we already housed a few more security. We have security guards all over the building and Ground Zero is working on another specialized technology to ensure everyone's safety." Axl said that made the department heads nod. "The investigation wil
Alas-kuwatro palang ay gising na ako kinaumagahan. Naligo ako at nagbihis. Isang black pants ang suot ko at isang puting sleeveless crop top. May nakahanda akong denim jacket pero hindi ko muna isinuot dahil magluluto ako ng almusal. Suot ko ang malambot na tsinelas na pinabili ni Axl kahapon sa kaniyang bodyguard nang tinungo ko ang kusina. Mamaya na din ako magsasapatos, kasama sa mga pinabili ni Axl ang isang puting rubbershoes na isusuot ko. Naghanap ako ng pwedeng lutuin sa kusina. Sa huli ay nagluto ako ng bacon, hotdogs at itlog. Inayos ko ang lamesa pagkatapos. Alas-singko na at palagay ko naman ay lalabas na rin si Axl maya-maya. Nakita ko ang coffeemaker at nilapitan iyon. Hindi ako marunong gumamit nito pero mukh
Note: This is Axl's POV and it will start from his childhood to the present so please wag sana kayong magpalito sa transitions. Most of the scenes already happened in the previous chapters so you'll be familiar. Lastly, I have an author's note and FAQs after this chapter!EpilogueWhen I was younger, all that I believed is that people were born to be naturally selfish. We crave the things that can satisfy us, that can make us happy. We do everything, to get our desires, to be contented.But all along, I've been questioning myself, does a person ever feel satisfied? Do we ever feel contented? Do these things really make us happy?I stared at the transient blue skies ab
Madam Selena's public apology didn't end everything. It made other people angry. Mayroong nagalit nang nalamang totoo ang ginawa niya at pinilit itong pagtakpan ng GGC at ng mga airlines na nabanggit. Mayroong tinanggap ang katotohanan pero ayaw na ulit magtiwala. At mayroong natuwa, dahil sa kabila ng masamang nagawa ay humingi ng kapatawaran ang mga Genesis.Madam Selena's speech is scripted. Si Axl at Alistair ang gumawa nito. Bago ang lahat ay kinausap rin nila ang mga airlines na maaring maapektuhan. Everyone agreed to apologize for their wrongdoing, at nangakong hindi na iyon kailanman mauulit.It may look insincere because it's scripted, still I felt Axl and Alistair's humbleness in that presscon. Hindi man taos sa puso ng kanilang lola ang paghingi ng tawad, still the fa
Gustong-gusto kong makausap si Alistair matapos ang nangyari, I badly want to tell him that he doesn't really have to do what his grandma wants. I wanted to convince him that there's other way around, hindi niya kailangang magsakripisyo ng ganito.May pakiramdam akong ganoon din ang gustong gawin ni Ma'am Poly, pero mas gusto ni Sir Arsen at ni Axl na hayaan na muna siyang mapag-isa. Sa huli ay sumang-ayon nalang din ako at tuluyan nang nanlumo.Madam Selena left after talking to him about the Pearsons. The smile on her face is so selfish and it was hurting all of us. I feel like being a Genesis is a curse for them, I feel like despite the wealth and power that they have, they are still jailed to the fact that they should keep strengthening it.
"Hindi paba tayo lalabas? Baka hinihintay nila tayo.." Hindi ko na alam kung ilang beses ko na itong sinabi at katulad kanina ay parang wala siyang naririnig.Nakahiga kami sa kama at nakakulong ako sa mga braso niya. Ang kaniyang mukha ay nakasiksik sa aking leeg. He would kiss my shoulder blade and my cheek every now and then."Axl.." sinubukan kong gumalaw pero lalo lang humigpit ang yakap nito sa akin."Let's cuddle more.." his hoarse voice said. Muli ay pinatakan niya ako ng halik sa aking pisngi.Natutukso na rin akong manatili nalang dito, lalo pa ngayong ayaw niya na akong pakawalan. Pero ayaw kong malunod sa kaniyang mga halik, baka hindi na ako makabangon.
He looks so pissed while driving. Mula paggising ko nakasimangot na siya at mas lalo pang lumala nang nakita ang suot ko.I'm wearing a denim shorts and a shirt, at rubbershoes. Marurumi kasi ang mga damit at pants ko kaya puro shorts ang naisusuot ko. Hindi naman siya nagkomento pero nararamdaman kong may kinalaman ang suot ko sa pagkakainis niya.Tahimik kami sa loob ng sasakyan. At nanatili ang pananahimik niya hanggang sa makarating kami sa mansyon.Nakaabang si Ma'am Poly sa malaking pintuan, nakangiti na agad nang natanawan ako. Ngumiti ako at sinalubong niya naman ako ng yakap. She looks happy, hindi ko alam kung bakit."I'm so excited! Umalis ng maaga si Axl at nang si
Tahimik kami habang nasa sasakyan. Gusto ko ulit magtanong pero ayokong marinig ng mga kaibigan ko ang pag-uusapan namin kaya nanatili akong tahimik.Isinandal ko ang ulo ko sa likod ng upuan at tuluyang naramdaman ang pagod para sa buong araw. Nahihilo man at gusto nang matulog ay pinilit kong manatiling gising para maituro ang apartment kay Axl.Pero ganoon nalang ang gulat ko nang makitang lumiko ang sasakyan sa daan patungong university. Kunot noo ko siyang nilingon. "A-Alam mo ba ang apartment namin?"Hindi ito nagsalita. Nanatili ang seryoso niyang mga mata sa daan na tila doon ibinubuntong ang pagkakainis.Nakumpirma kong alam niya nga kung saan ang apartment nang pumas
Katulad ng pangako ko sa tatlong kaibigan ay inilibre ko sila ng dinner. Hindi sa mamahaling restaurant pero naging masaya na kami sa fastfood sa isang mall dahil magkakasama naman at nagkakatuwaan.I am grateful I met these three. Kung mayroon man akong mabuting bagay na nakuha sa pag-alis ko kay Axl ay sila iyon, ang pagkakaibigan namin."Anong balak mo Adri? Magtatrabaho kaba agad o magpapahinga muna?" Tanong ni Karen.Huminga ako ng malalim, nag-iisip pa ng sagot dahil sa totoo lang ay hindi pa rin talaga ako nakakapag-desisyon.Gusto kong magpahinga pero ang mga katulad naming mahihirap ay walang panahon para sa ganon. Ang perang naipon ko mula sa pagtatrabaho kay Axl ay
Hindi na namin kinailangan ng karagdagang plano ni Alistair. Axl did leave me alone like what I told him. Hindi na siya kailanman nagparamdam sa akin.Ilang linggo ang lumipas at tuluyan akong bumalik sa dating normal na buhay. At ang mga linggong iyon ay mabigat at mahirap para sa akin. I would cry myself to sleep every night. Sa umaga'y gigising ako na mugto ang mga mata.I went back to school and tried to focus on my studies. Isang sem nalang ang titiisin ko at iyon ang ginawa kong inspirasyon para makaahon sa pagkakalubog dulot ng sakit sa pagtalikod kay Axl.Nagkikita kami ni Alistair kapag may oras siya pero mas madalas nalang kaming mag-usap sa cellphone. He would update me about Axl, kung kamusta na ito. Maging ang pagp
Kung nakamamatay lang ang tingin ay baka bumulagta na kami ni Alistair.I don't think I've seen his eyes as dark as this before. Madilim ang kaniyang mukha at nagsasalubong ang mga kilay. He looks calm and in control even when his eyes reveal darkness.Isang beses lang na bumaba ang kaniyang mga mata sa akin bago tumigil kay Alistair. "I'm done here, I'm leaving."Hindi sumagot si Air at tumango lamang. Axl didn't give me another look after that, diretso ang kaniyang pagsakay sa kaniyang sasakyan."Air--""Sshh.." he gently squeezed my arm, "He's still watching. Let's wait till he leaves."