Ganoon nanaman at awkward nanaman sa sasakyan pabalik ng GGC. Hindi ko na maintindihan ang lalaking ito, I don't get his issues at all. Kung bakit nagagalit siya kapag napapansin ako ng mga tao ay hindi ko na alam. Kasalanan ko pa ba iyon?
Pasado alas-tres na nang makabalik kami ng kumpanya. Nagulat ako nang datnan namin sa kaniyang opisina si Ace at Yuge.
Tumigil ako at tumingin kay Axl nang maupo ito sa couch, katabi ni Yuge. He still looks pissed. Hindi ko tuloy matanong kung ano ang gagawin ko.
Mukhang nahalata naman ng dalawa ang madilim na mukha nito. Kapwa sila tahimik at nakikiramdam sa amin.
Huminga ako ng malalim bago nagsalita, "Uh..may gusto po kayong inumin?"
Ace smiled at me. Akmang magsasalita ito nang maunahan ni Axl.
"Sit down Adrianna, it's not your job to serve them."
Agad akong napatango, natatakot na mas lalo ko pa siyang magalit kahit na hindi ko naman alam kung ano ba talagang mali ang nagagawa ko. He's getting pissed at everything that I do, hindi ko na alam kung saan lulugar.
"Easy Axl, you're so uptight." Ace chuckled, kumindat pa ito sa akin.
Nag-iwas ako ng tingin at naupo na lamang sa sofa na pang-isahan. Nakita ko sa lamesa ang mga nakakalat na papel. Mukhang tungkol iyon sa pag-iimbestiga nila.
"Dale's on his way here, he's my forensic artist. Sa kaniya mo ilalarawan ang suspect para makapag-drawing siya."
Tumango ako.
"Don't you have a girl artist? Where's Macy?" Tanong ni Axl na mukhang napipikon na sa lahat.
Nagkatinginan si Ace at Yuge at pagkatapos ay sabay na bumaling sa akin at pabalik kay Axl.
"Uh..Macy's working for other investigation."
"I haven't seen this Dale, can we trust him?"
What? Pati ba ang mga makikialam sa imbestigasyon ay kikilatisin niya pa? How big is his trust issues?
"He's married Axl, he has two kids. He's thirty years old." Paliwanag ni Ace, may multo ng ngiti sa mga labi.
Nanahimik si Axl, bumaling ito sa akin at agad akong nag-iwas ng tingin.
"I already got the details from the E-field sensor. The suspect is weighing 59 kilos, his height is approximately 6'1. And the movement rate is normal since he stepped out of the elevator to your office. The intruder must have been familiar to your office. The movement rate only changed when Adrianna is already inside." Paliwanag ni Ace.
"That makes him an employee?" Tanong ko.
Bumaling ang tatlong pares ng mga mata ngayon sa akin.
"We can't say that. Anyone can enter the building. But doors are only accessible for people with badges. Since Axl's door uses a different kind of technology, the suspect didn't have to use a badge. Everyone familiar to Miya, are suspects."
Kumunot ang noo ko, "Miya?"
"It's how we call Axl's door. It's a technology made by Yuge Zamora, from Ground Zero."
Bahagya kong tinignan ang lalaki na hindi naman gaanong nagsasalita. His aura is almost the same as Axl's. They almost look and feel the same. What are these people? They really look scary, hindi ba nila nahahalata iyon? Or they probably like it that way.
"We have a lot of suspects Axl. Starting from the employees, to the investors and boardmembers, visitors and even the owners of the company. This is gonna be really hard." Ace craned his neck, sumandal ito sa sofa at bumaling sa akin.
"How about the CCTV inside the elevators? I'm sure nakuhanan ang lalaki, he used the silver elevator."
Kumunot ang noo nito atsaka bumaling kay Axl, "You didn't tell her?"
"She doesn't have to know." Nagkibit-balikat ito.
I looked at them confused, may hindi pa ako alam? Anong hindi ko alam kung ako ang nag-iisang witness? Bakit hindi ko pwedeng malaman?
Ace shot me an apologetic look, like he knows he can't do anything. Nanahimik na lamang ako kahit na hindi ko maintindihan.
Hindi nagtagal ay dumating ang sinasabing forensic artist na nagngangalang Dale. Katulad ng sabi ni Ace ay nasa edad trenta na nga ito. Ipinakilala niya ito sa amin at hindi rin nagtagal ay nagsimula na kami.
Hindi mahirap idetalye ang mukha ng lalaki noong gabing iyon. His eyebrows were very thick at maitim, and his eyes are deep with really good lashes. Bagsak ang kaniyang buhok na itim na itim din at medyo may kahabaan. Maging ang itim na mask nito ay inilarawan ko rin kay Dale.
"Wala itong piercings? Kwintas o kung ano pa man?" Tanong nito habang inaayos ang drawing.
Umiling ako. Wala akong napansin. "He's wearing a black jacket, wala naman itong ID."
"Ano pa ang ibang naaalala mo?"
Kinagat ko ang labi ko at nag-isip ng mabuti. Ang tatlong lalaki ay nanonood lamang sa akin kaya naman hindi ko mapigilan ang ma-conscious. Ramdam ko ang bigat ng paninitig ni Axl sa akin at malakas ang kabog ng dibdib ko.
Tumayo si Yuge mula sa tabi nito at nagpaalam. "I'll just smoke."
Sa sinabi nito ay tila may pumasok na ala-ala sa utak ko.
"What is it Adrianna?" Tanong ni Dale.
"I..I smelled menthol from him, cigarettes and a kind of perfume that's not really familiar."
Hindi ko maalala kung iisipin ko lang ang amoy pero kung maaamoy ko iyon ulit ay sigurado akong malalaman ko kaagad na siya iyon.
Ace nodded, "That will be useful, as long as you are Axl's secretary it will be an advantage that you know his smell."
Natigilan ako sa sinabi nito. Does that mean I have to stay here while they can't still find the suspect? Napatingin ako kay Axl at nakita itong nakakunot ang noo habang nakatitig sa akin.
I told him last night that I'm quitting once I prove myself not guilty. Ano kaya ang iniisip niya ngayon?
Nagtagal ng halos isang oras ang paggawa sa facial composite subalit nang matapos iyon ay halos manlaki ang mga mata ko nang makitang kamukhang-kamukha nito ang lalaki sa aking memorya.
"I-It's him.." bulong ko habang nakatitig sa composite.
Nakabalik na si Yuge at ipinakita iyon ni Ace sa kanila ni Axl.
"Is he familiar Axl?" Tanong nito.
Matagal na tinitigan ni Axl ang composite. Ni hindi ko na napigilan ang pagtitig sa kaniyang mukha.
His eyebrows were furrowed again, madilim na madilim ang mga mata na tila may nagbabadyang galit. His jaw clenched repeatedly before shifting on his seat. Umiling ito pagkatapos.
"He's not familiar at all?" Nagtatakang tanong ni Ace.
I saw how Axl clenched his fist, like it's only a matter of time now before he lose his patience. Umiling itong muli, nagtatagis ang mga bagang.
"He's fucking not familiar." His voice is thunderous, halos kilabutan ako.
Nagkatinginan si Ace at Yuge.
"Goddammit Axl, an intruder then?"
Hindi na ito sumagot. Tila nabaon na ito sa mga iniisip.
Hindi niya kilala ang lalaki. Ibig sabihin ay hindi ito empleyado ng kumpanya o kahit isa man lang sa mga kakilala niya. Then some stranger got inside his office that easy? Hindi nag-ring ang mga alarm ng opisina niya at mukhang pamilyar ang lalaki sa building.
"Then the one who killed the CCTV operator must be the one you knew. He must have planned to make someone unfamiliar enter your office to avoid getting caught."
Kunot ang noong napatingin ako kay Ace, "W-what? The CCTV operator got killed?" Hindi makapaniwala kong tanong.
"Your fucking mouth Ace." Axl hissed.
Hindi makapaniwala ko silang tinignan. "Do you mean someone helped him by killing the operator at the CCTV Office? Kaya ba wala kayong lead? Did he..did he delete the footage?"
Axl sighed harshly. The silence confirmed my question at mas lalo lang akong kinilabutan. And I thought it was harmless pero may pinatay pala? This must be really serious.
"This is why you need protection Adrianna." Ace sighed.
"B-bakit ayaw niyo iyong ipaalam sa akin?" Hindi pa rin ako makapaniwala. At bakit nila iyon gustong ilihim sa akin?
"The fear I'm seeing in your eyes right now is the reason woman." Tila naiinis nanamang sabi nito.
I looked at him unbelievably, hindi na maintindihan kung bakit ikinagagalit niya pati ang nakikitang reaksyon sa mga mata ko.
"This is normal Axl, talagang matatakot ako. The guy could have killed me at ngayon ay malalaman kong pinatay nila ang--"
"That is why I'm keeping you in my condo!"
Umiling ako, "Is that enough? Napasok nila ang opisina mo, it won't be impossible for them to kill me!" Puno ng panic ang boses ko, ngayon ay lubusan na ang pagsisisi at tinanggap ko pa ang trabahong ito.
"Stop talking back at me woman, you won't like it if I lose my patience." Tila kulog ang boses nito subalit nilalamon ako ng takot at panic.
"Hindi mo naiintindihan ang nararamdaman ko!" Napatayo na ako sa galit at takot na nararamdaman.
Tila naputol na rin ang litid ng pasensya nito nang tumayo na rin ito sa harapan ko. Mabilis at naaalarmang pumagitna sa amin si Ace at Yuge.
Hinawakan siya ni Yuge habang inilayo naman ako ni Ace.
"Let her cool down Axl, she's in shock." I heard Yuge telling him.
"Goddammit," narinig ko ang pagmumura nito habang inihihilamos ang palad sa mukha.
Nanginginig ang buong katawan ko sa pinaghalu-halong emosyon. Natatakot ako para sa sariling kaligtasan pero nangingibabaw ang galit ko dahil hindi man lang niya maintindihan ang nararamdaman ko.
"Calm down Adrianna," bulong ni Ace na hinahagod ang likod ko.
"You can all leave. Let's just meet again tomorrow."
Ace sighed beside me, bahagya rin itong natawa sa nangyayari. "It will be really hard to tame this monster Adrianna but you have to."
Marahan nitong hinaplos ang pisngi ko bago bumalik sa round table upang kunin ang mga gamit niya. Nakatayo na rin si Dale at tahimik na naghihintay.
Gusto kong humingi ng pasensya sa nangyari at kailangan pa nilang masaksihan iyon pero hindi ko na mahugot ang boses ko.
Nanatili ako sa sulok at nagmamasid sa kanila. Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na ang tatlo.
Ngumiti sa akin si Ace nang madaanan ako bago ang pintuan. Bahagya naman akong yumuko kay Dale na nakatingin din sa akin. Habang si Yuge Zamora ay hindi nag-abalang tapunan ako ng tingin at halos walang emosyon nang lumabas din sa pintuan.
Huminga ako ng malalim nang mawala na sila ng tuluyan sa opisina. Akmang lalabas na rin ako nang magsalita si Axl.
"Stay here Adrianna, we'll talk."
Ni hindi ko nagawang lumingon.
Ano ang pag-uusapan namin? Ang galit niya na hindi ko maintindihan ang pinagmumulan? Umiling ako at huminga ng malalim, hindi ko kayang makipag-usap ngayong nagagalit din ako. We'll only end up shouting at ayaw ko ng ganoon.
Akmang lalabas na ako nang muli itong magsalita.
"Really, you have the guts to disobey me now?"
Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko. Umikot ako at matalim na sinalubong ang galit nito ng galit ko.
"Wala ba akong karapatang matakot para sa sarili ko? I am lucky enough that the suspect didn't kill me pero hindi ko alam kung hanggang kailan ang swerte ko at hindi ko alam kung kaya mo ba talaga akong protektahan! You don't understand how scared I am right now Axl, you don't understand a bit about how I feel. I tried so hard to survive this life and I'm so scared to just die in a blink of an eye!" Nanginginig ang buong katawan ko.
Yumuko ako nang maramdaman ang pagpatak ng mga luha ko. Ang sakit ng pag-iyak ko ay hindi ko na maitago.
"I didn't..I didn't try to survive for all these years just to die in the hands of your enemies.." I trailed off.
"You're not gonna die. I'm not letting anyone die anymore Adrianna."
Nag-angat ako ng tingin at nakita itong nakatalikod na sa akin, nakaharap sa matatayog na skyscrapers na natatanaw mula sa salamin na dingding ng kaniyang opisina.
Pinunasan ko ang aking mga luha, "Can I trust you then?"
Hindi ito sumagot. Nanatili itong nakatalikod sa akin.
"I'm trusting you my life even if you can't trust me back."
**
Normal ang trabaho sa GGC sa kabila ng mga nangyari. Mas pinaigting lang ang securities at lahat ng entrance at exit ay may bantay. Mayroon na ring guard sa bawat elevator at sa bawat floor. Sa floor ni Axl ay apat ang nakabantay na men in black, ang isa ay nasa pintuan ng opisina ko.Huminga ako ng malalim nang pumatak ang alas-sais at narito pa rin ako sa opisina. Mukhang wala pang balak umuwi si Axl kaya hindi rin ako makaalis. At hindi ko rin siya makausap dahil naging mainit ang sigawan namin kanina.Matapos ang mga sinabi ko kanina ay iniwan ko na siya sa kaniyang opisina at isang oras na ang nakalipas matapos iyon. Wala siyang inutos sa akin at hindi ko rin siya narinig.Iniisip ko tuloy ngayon kung sa kaniya pa rin ako
Chapter 14"You haven't been formally added to my employee list. The HR needs your credentials." Salubong sa akin ni Axl matapos akong tawagin sa kaniyang opisina.Tumango ako. Naisip ko na ang tungkol doon, hindi pa ako nakakapagpasa ng kahit anong requirements dahil biglaan lang naman ang pag-uumpisa ko dito. Ni hindi ko kinailangang magpasa ng resume para makapagsimula."The HR doesn't know your email as well so they can't send you the requirements. You need to submit them so they can create your payroll and bank account.""Nasa apartment ang mga gamit ko. If you could just let me go there after work, kahit samahan nalang ako ng isang bodyguard mo."
Chapter 15 Matapos ang nangyari sa apartment ay balik nanaman sa pagsusungit sa akin si Axl. Galit ito nang makauwi sa kaniyang condo at ni hindi niya na ako kinausap pa hanggang kinabukasan. Naging abala din naman siya buong araw dahil katulad noong Miyerkules ay marami pa rin talaga siyang ginagawa habang ako ay nakaupo lang buong araw sa sariling opisina at naghihintay ng mga utos na hindi dumating. Ngayon ay Biyernes na. Hindi ako makapaniwalang nakatapos na ako ng isang linggo sa trabahong ito. At halos wala naman talaga akong ginagawa bukod sa maliliit na utos ni Axl. Hindi ko alam kung magaan ba talaga ang trabaho bilang sekretarya niya o hindi niya lang talaga iniuutos sa akin ang lahat. Maybe he's not that comfortable to
Chapter 16Guilty ako sa pakikinig sa usapan nila Axl at ni nanay kaya nang magkita kami sa sala ay halos hindi ko siya matignan. Nang umalis siya kanina sa quarters ay mabilis na rin akong lumabas dahil alam kong hahanapin niya ako.Walang tao sa sala kaya doon ako naupo at nagpanggap na walang alam. Lumapit ito sa akin at nagulat ako nang maupo ito sa kaharap kong sofa.Nag-angat ako ng tingin at naabutan itong nakatitig."Do you want to sleep here tonight?" Tanong nito.Binuklat ko ang ilang magazines na nakapatong sa round table para lang makahanap ng pagkakaabalahan. I really can't look at him straight in the eyes."Wala akong
Lunes nang magpatawag ng general meeting si Axl upang ipaalam sa lahat ang nangyari noong nakaraang linggo. It might trigger the fear of his employees for their safety lalo pa't pinatay ang CCTV room operator nang gabing iyon, but Axl has to tell them the truth dahil karapatan nilang malaman ang nangyayari. Narito ngayon sa boardroom ang lahat ng department heads ng GGC. Narito rin si Ace at Yuge at sila ang nagpaliwanag ng updates tungkol sa ginagawang imbestigasyon. "As you can see, we already housed a few more security. We have security guards all over the building and Ground Zero is working on another specialized technology to ensure everyone's safety." Axl said that made the department heads nod. "The investigation wil
Alas-kuwatro palang ay gising na ako kinaumagahan. Naligo ako at nagbihis. Isang black pants ang suot ko at isang puting sleeveless crop top. May nakahanda akong denim jacket pero hindi ko muna isinuot dahil magluluto ako ng almusal. Suot ko ang malambot na tsinelas na pinabili ni Axl kahapon sa kaniyang bodyguard nang tinungo ko ang kusina. Mamaya na din ako magsasapatos, kasama sa mga pinabili ni Axl ang isang puting rubbershoes na isusuot ko. Naghanap ako ng pwedeng lutuin sa kusina. Sa huli ay nagluto ako ng bacon, hotdogs at itlog. Inayos ko ang lamesa pagkatapos. Alas-singko na at palagay ko naman ay lalabas na rin si Axl maya-maya. Nakita ko ang coffeemaker at nilapitan iyon. Hindi ako marunong gumamit nito pero mukh
Nananghalian kami sa restaurant ng hotel. Nag-usap din ng bahagya si Axl at Kenneth tungkol sa winery na pupuntahan namin, kung anu-ano ang pwede naming gawin doon ngayong araw. I found out that Axl is visiting the winery once a month at kung kaya pa ng schedule niya ay pipilitin niya pang gawing weekly iyon. Kenneth and Ayesha tagged along because Kenneth wants to personally choose the wines he's gonna buy from Axl. Parang magkakaroon yata ng wine tasting ngayong araw para kay Kenneth dahil nag-aangkat siya para sa mga bars ng kaniyang hotel chains. Habang nag-uusap sila ni Axl tungkol sa business ay nagkukwentuhan din kami ni Ayesha. Nalaman kong isang taon na sila ni Ken at nagtatrabaho siya sa hotel nito bilang manager,
Nanlalaki ang mga mata kong tiningala si Axl matapos ang sinabi niya. Sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko pakiramdam ko ay nabibingi lang ako. Why would he want to kiss me? Umiling ako at kinumbinsi ang sarili na guni-guni ko lang iyon, na lasing lang ako pero nang makita ang nagdidilim na mga mata niya ay pakiramdam ko gising na gising ako. "You heard me Adri?" Nag-iwas ako ng tingin sa takot na dumaan sa aking dibdib. Takot na baka tuluyan akong mahulog kung hindi ko siya iiwasan ngayon. "So please sleep now and let me rest in peace." "H-hindi naman ako aalis, dito
Note: This is Axl's POV and it will start from his childhood to the present so please wag sana kayong magpalito sa transitions. Most of the scenes already happened in the previous chapters so you'll be familiar. Lastly, I have an author's note and FAQs after this chapter!EpilogueWhen I was younger, all that I believed is that people were born to be naturally selfish. We crave the things that can satisfy us, that can make us happy. We do everything, to get our desires, to be contented.But all along, I've been questioning myself, does a person ever feel satisfied? Do we ever feel contented? Do these things really make us happy?I stared at the transient blue skies ab
Madam Selena's public apology didn't end everything. It made other people angry. Mayroong nagalit nang nalamang totoo ang ginawa niya at pinilit itong pagtakpan ng GGC at ng mga airlines na nabanggit. Mayroong tinanggap ang katotohanan pero ayaw na ulit magtiwala. At mayroong natuwa, dahil sa kabila ng masamang nagawa ay humingi ng kapatawaran ang mga Genesis.Madam Selena's speech is scripted. Si Axl at Alistair ang gumawa nito. Bago ang lahat ay kinausap rin nila ang mga airlines na maaring maapektuhan. Everyone agreed to apologize for their wrongdoing, at nangakong hindi na iyon kailanman mauulit.It may look insincere because it's scripted, still I felt Axl and Alistair's humbleness in that presscon. Hindi man taos sa puso ng kanilang lola ang paghingi ng tawad, still the fa
Gustong-gusto kong makausap si Alistair matapos ang nangyari, I badly want to tell him that he doesn't really have to do what his grandma wants. I wanted to convince him that there's other way around, hindi niya kailangang magsakripisyo ng ganito.May pakiramdam akong ganoon din ang gustong gawin ni Ma'am Poly, pero mas gusto ni Sir Arsen at ni Axl na hayaan na muna siyang mapag-isa. Sa huli ay sumang-ayon nalang din ako at tuluyan nang nanlumo.Madam Selena left after talking to him about the Pearsons. The smile on her face is so selfish and it was hurting all of us. I feel like being a Genesis is a curse for them, I feel like despite the wealth and power that they have, they are still jailed to the fact that they should keep strengthening it.
"Hindi paba tayo lalabas? Baka hinihintay nila tayo.." Hindi ko na alam kung ilang beses ko na itong sinabi at katulad kanina ay parang wala siyang naririnig.Nakahiga kami sa kama at nakakulong ako sa mga braso niya. Ang kaniyang mukha ay nakasiksik sa aking leeg. He would kiss my shoulder blade and my cheek every now and then."Axl.." sinubukan kong gumalaw pero lalo lang humigpit ang yakap nito sa akin."Let's cuddle more.." his hoarse voice said. Muli ay pinatakan niya ako ng halik sa aking pisngi.Natutukso na rin akong manatili nalang dito, lalo pa ngayong ayaw niya na akong pakawalan. Pero ayaw kong malunod sa kaniyang mga halik, baka hindi na ako makabangon.
He looks so pissed while driving. Mula paggising ko nakasimangot na siya at mas lalo pang lumala nang nakita ang suot ko.I'm wearing a denim shorts and a shirt, at rubbershoes. Marurumi kasi ang mga damit at pants ko kaya puro shorts ang naisusuot ko. Hindi naman siya nagkomento pero nararamdaman kong may kinalaman ang suot ko sa pagkakainis niya.Tahimik kami sa loob ng sasakyan. At nanatili ang pananahimik niya hanggang sa makarating kami sa mansyon.Nakaabang si Ma'am Poly sa malaking pintuan, nakangiti na agad nang natanawan ako. Ngumiti ako at sinalubong niya naman ako ng yakap. She looks happy, hindi ko alam kung bakit."I'm so excited! Umalis ng maaga si Axl at nang si
Tahimik kami habang nasa sasakyan. Gusto ko ulit magtanong pero ayokong marinig ng mga kaibigan ko ang pag-uusapan namin kaya nanatili akong tahimik.Isinandal ko ang ulo ko sa likod ng upuan at tuluyang naramdaman ang pagod para sa buong araw. Nahihilo man at gusto nang matulog ay pinilit kong manatiling gising para maituro ang apartment kay Axl.Pero ganoon nalang ang gulat ko nang makitang lumiko ang sasakyan sa daan patungong university. Kunot noo ko siyang nilingon. "A-Alam mo ba ang apartment namin?"Hindi ito nagsalita. Nanatili ang seryoso niyang mga mata sa daan na tila doon ibinubuntong ang pagkakainis.Nakumpirma kong alam niya nga kung saan ang apartment nang pumas
Katulad ng pangako ko sa tatlong kaibigan ay inilibre ko sila ng dinner. Hindi sa mamahaling restaurant pero naging masaya na kami sa fastfood sa isang mall dahil magkakasama naman at nagkakatuwaan.I am grateful I met these three. Kung mayroon man akong mabuting bagay na nakuha sa pag-alis ko kay Axl ay sila iyon, ang pagkakaibigan namin."Anong balak mo Adri? Magtatrabaho kaba agad o magpapahinga muna?" Tanong ni Karen.Huminga ako ng malalim, nag-iisip pa ng sagot dahil sa totoo lang ay hindi pa rin talaga ako nakakapag-desisyon.Gusto kong magpahinga pero ang mga katulad naming mahihirap ay walang panahon para sa ganon. Ang perang naipon ko mula sa pagtatrabaho kay Axl ay
Hindi na namin kinailangan ng karagdagang plano ni Alistair. Axl did leave me alone like what I told him. Hindi na siya kailanman nagparamdam sa akin.Ilang linggo ang lumipas at tuluyan akong bumalik sa dating normal na buhay. At ang mga linggong iyon ay mabigat at mahirap para sa akin. I would cry myself to sleep every night. Sa umaga'y gigising ako na mugto ang mga mata.I went back to school and tried to focus on my studies. Isang sem nalang ang titiisin ko at iyon ang ginawa kong inspirasyon para makaahon sa pagkakalubog dulot ng sakit sa pagtalikod kay Axl.Nagkikita kami ni Alistair kapag may oras siya pero mas madalas nalang kaming mag-usap sa cellphone. He would update me about Axl, kung kamusta na ito. Maging ang pagp
Kung nakamamatay lang ang tingin ay baka bumulagta na kami ni Alistair.I don't think I've seen his eyes as dark as this before. Madilim ang kaniyang mukha at nagsasalubong ang mga kilay. He looks calm and in control even when his eyes reveal darkness.Isang beses lang na bumaba ang kaniyang mga mata sa akin bago tumigil kay Alistair. "I'm done here, I'm leaving."Hindi sumagot si Air at tumango lamang. Axl didn't give me another look after that, diretso ang kaniyang pagsakay sa kaniyang sasakyan."Air--""Sshh.." he gently squeezed my arm, "He's still watching. Let's wait till he leaves."