Share

Chapter 3

last update Last Updated: 2021-09-20 21:30:24

Nabagot ako kaya naglinis ako sa kusina. Hindi naman marumi roon at nagpunas lang ako ng kaunti. Malaki ang kusina at malinis na malinis, sadyang nainip lang talaga ako.

Nang sumapit ang alas-kuwatro ay pinuntahan ko si nanay sa kanilang quarters at nakita siyang tulog na tulog. Hindi ko na siya ginising para magpaalam dahil babalik din naman ako.

Doon ako muling dumaan sa pintuan sa kusina patungo sa likurang parte ng mansyon. Dadaanan ko pa muna ang garden bago makarating sa gate.

Natigil ako nang makita si Sir Alistair doon na naninigarilyo, napansin ako agad nito. Bumuga ito ng usok atsaka itinapon ang sigarilyo at tinapakan bago naglakad patungo sa akin.

He's all smiles when he stopped infront of me. Bahagya pa akong napatingala dahil sa katangkaran nito.

"Are you heading to your apartment? I heard my mom asked you to sleep here tonight."

Tumango ako, "Kukuha lang po ako ng damit."

He chuckled, "Please drop the honorifics Adrianna, just call me Air."

Kumunot ang noo ko, "Ayos lang po ba iyon?"

Tumango ito, ang mga mata ay naaaliw sa panonood sa akin. "I prefer Air. How about you? What's your nickname?"

"Uhh..Adri po, I mean Adri.."

Bahagya itong natawa, napangiti naman ako.

"Do you want a drive? I can drive you--"

Bago pa siya matapos ay sunod-sunod na akong napailing. He smiled evenmore when he saw my reaction.

"Mag-cocommute nalang ako Air, hindi mo naman ako kailangan ipag-drive."

"I insist Adri, please? I'm so bored here, I just want to go out."

"N-nasaan ang kapatid mo? Why don't you have fun together?"

He laughed, na tila isang malaking joke ang sinabi ko. "Have fun with my brother? He's a workaholic person Adri and he cares about his time so damn much I'm sure he won't waste time talking to me."

"P-pero.."

He smiled, the kind of smile that's so convincing. His eyes are so expressive and his expression is very friendly, too far from his brother's dark menacing face.

"I won't accept a no, let's go?"

Sa huli ay wala na akong nagawa. Pinatunog niya ang isang puting sasakyan na may tatak na 'L' di kalayuan sa amin. "Let's go."

Tumango ako at sinundan siya sa kaniyang sasakyan. Pinagbuksan ako nito ng pinto at hinintay na makasakay bago umikot para makasakay rin.

"Saan ba ang apartment mo?" Tanong nito nang makalabas na kami sa malaking gate ng mansyon.

"Sigurado ka bang ihahatid mo ako? Hindi ka bagay sa ganoong lugar."

He chuckled, "Then I'm sure hindi ka rin bagay doon Adrianna. The more you say it, the more I want to see the place."

I couldn't do anything about his eagerness so I was quiet the whole drive. Maingat magmaneho si Air at kumportable sa loob ng kaniyang sasakyan. Ni hindi ko namalayang naroon na kami sa kantong sinabi ko.Dumungaw ako sa bintana at napangiwi nang makita ang magulong buhay sa lugar na ito. It's a squatter's area at buhay na buhay ito lalo na sa ganitong oras.

Nilingon ko si Air na nakatitig sa akin at naghihintay, "Uh you can park here, ako nalang ang bababa."

"No Adri, sasamahan kita. I'll park here and I'll go with you."

"Pero magulo rito Air and the smell.."

"It's okay, I'm serious I want to go with you."

I sighed. Sa huli ay sabay kaming bumaba nito. Namataan ko kaagad ang titig ng mga tao sa amin. Nagulat ako nang maramdaman ang braso ni Air sa balikat ko nang hilain ako nito palapit sa kaniya dahil sa mga batang nagtatakbuhan.

Napatingala ako sa kaniya nang hindi na nito tanggalin ang braso sa balikat ko. His adams apple moved up and down while his jaw's a bit clenched. Nakatingin ito ng diretso sa daan at nakakunot ang noo.

Tumigil ako sa tapat ng apartment kaya tumigil din ito. Tinignan niya ako bago lumipat ang mga mata sa four storey apartment sa harap namin.

"Nandito na tayo,"

Nasa ikaapat na palapag ang kwarto ko at iyong nasa dulo kaya kinailangan pa naming umakyat sa hagdanan ni Air. Nililingon ko siya at tahimik lamang siyang nagmamasid sa lugar. He looks so out of place, just like what I thought earlier.

Pawis na pawis ako nang makarating sa tapat ng aking kwarto. Kinalkal ko ang susi sa bag ko at mabilis na binuksan ang pintuan.

Nilingon ko si Air, "Pasok ka." I opened the door widely so he can see what's inside.

Maliit ang kwarto ko pero sinisiguro kong laging malinis. May maliit na kama sa gitna at sa tapat nito ay study table, sa tabi 'non ay isang aparador.

Pumasok si Air at umupo sa maliit kong kama, abala ang mga mata sa pagmamasid sa loob ng kwarto ko. Tinungo ko naman ang cabinet para kumuha ng damit at ilang importanteng gamit.

"Where's your bathroom?"

"Uh may common bathroom sa bawat floor," sagot ko habang abala sa paglalagay ng mga damit sa aking bag.

"This is not a safe place for a girl like you Adrianna."

Nilingon ko siya, "Alam ko naman kaya lagi akong nag-iingat."

He sighed, pinanood ako nito sa aking ginagawa. Mabilis kong tinapos ang pag-aayos ng gamit sa bag para hindi na kami magtagal pa rito.

"Just bring the important ones, I will ask mom to get you a room at the house."

"Hindi na kailangan Air, tabi nalang kami ni nanay sa quarters. Isang gabi lang naman."

"No, I will convince mom to make you stay there for good."

Natigil ako sa ginagawa at napako sa kaniya ang buong atensyon ko. "Huh?"

"You'll be working for Axl so I guess staying in the house will lessen your travel time. I can pick you up in the morning and drop you home as well."

"Pero Air hindi mo naman kailangan gawin 'yon at nakakahiya kung makikitira ako sa inyo."

He shook his head, now he looks so sure of what he just said. Sandali kong nakita ang pagkakapareho nila ni Axl. "Walang nakakahiya roon Adrianna, I'm the one who's asking you, you're not pushing yourself in. I just don't trust this place."

I sighed, "Air hindi mo ako maiintindihan dahil wala ka naman sa posisyon ko. I won't feel comfortable living under someone's roof, not that your house is uncomfortable. Hindi ko lang talaga kayang dumepende sa inyo, I feel like it's too much." At ayaw kong isipin nanaman ni Axl na ginagawa ko ito para mapalapit sa mga magulang niya.

Tumitig ito sa akin, nangungusap ang mga mata pero nanatili akong totoo sa desisyon ko. I lived in this place for almost a year now at nagawa ko naman maging maligtas. If I can handle it then I won't go for anything that I shouldn't.

Sa huli ay wala na rin nagawa si Air at nanahimik nalang. Mabuti nalang at hindi niya na ipinilit pa, buong akala ko ay pareho sila ng kapatid niyang hindi nagpapabali ng desisyon. He waited for me at nang matapos ako ay mabilis na rin kaming umalis. Ayaw ko rin kasing maabutan kami ni Ate Lucy dahil nakakahiya kung sisingilin niya ako't sisigawan sa harap ni Air.

"Are you ready to work for Axl on Monday?" Tanong nito nang nasa sasakyan na kami at pauwi na sa mansyon.

"Hindi ko rin alam e. I want the work but I think it's too unprofessional to work for someone like him lalo na't undergraduate ako."

He chuckled, "Don't think about being undergraduate, mom said you have what it takes for that position so we're giving you a try. Just do good and Axl will shut up." He peeked at me and smiled.

Napangiti na rin ako doon. Hindi ko alam kung bakit magaan ang loob ko kay Air kahit na ngayon palang kami nagkakilala. I can see that his mom raised him so well dahil nakikita kong isa itong mabuting tao.

Madilim na nang makabalik kami sa mansyon subalit halos mamangha ako nang makita kung gaano ito kaliwanag sa gitna ng gabi dahil sa mga ilaw na nakapaikot rito.

Bumaba si Air at pinagbuksan ako ng pintuan. He smiled at me at ngumiti rin ako pabalik.

"Salamat Air,"

"Walang anuman, I will gladly drive you everywhere just tell me." Kumindat pa ito na nagpatawa sa akin.

Hindi ko maiwasan ikumpara silang magkapatid. They look exactly the same, akala mo ay kambal. Palagay ko ay parehong matangkad at pareho lamang ng tikas ng pangangatawan. It's just that, Alistair has a softer and jolly feature, palatawa ito at magaan ang presensiya.

"Let's go?"

Tumango ako at sabay kaming pumasok sa mansyon. Ito din ang unang beses na dadaan ako sa front door at hindi sa pintuan sa kusina at hindi ko mapigilang mamangha nang matanaw ang napaka-gandang interior ng mansyon.

The white marble floor glowing with the lights reflecting the chandelier above, the minimal interior walls and the simple yet elegant layout of the house screams modern minimalist style. Pinaghalong puti at royal blue ang kulay ng mga furniture. Isang simpleng sala set ang naroon sa bungad, may malaking flatscreen TV at kulay royal blue din na mga sofa.And grand staircase ay nasa gitna at sa magkabilang gilid nito ay dalawang doorway, ang isa ay ang patungo sa dining at kusina at sa kabila naman ay ang mas malaking kusina. Sa likod nito ay ang maid quarters at ang pintuan kung saan ako lagi dumadaan.

"Oh saan kayo galing? Namasyal ba kayo?" Malapad ang ngiti ni ma'am Poly nang sinalubong kami mula sa kusina.

"Sinamahan niya po akong kumuha ng damit sa apartment, sorry po.."

I heard Air chuckle beside me, nilingon ko ito at nakitang aliw na aliw habang pinagmamasdan ako. Ganoon din ang kaniyang ina.

"What's to apologize about that? I'm glad you are both okay together, isn't that good?" She sounds so happy to see me with his son. "Oh and by the way, I have the ruestroom cleaned for you. Samahan mo siya doon Air, so she can clean up and we'll have dinner in an hour."

"Huh? N-nako okay lang po ako sa quarters kasama si nanay."

"Wala nang bakanteng kama sa quarters nila hija, if you want you can just ask her to sleep with you in your room."

"Kung ganon ay sa kaniya nalang po ako magpapasama ma'am, nakakahiya na po kay Air."

Nagkatinginan ang mag-ina bago bumaling sa akin. Air smiled, "Okay then, if that's what makes you comfortable."

"Okay hija, feel at home alright?"

Ngumiti ako at tumango. Nagpaalam si Air na maliligo din muna siya, pumanhik sila habang nagkukwentuhang mag-ina. Tinungo ko naman si nanay sa quarters. Naabutan ko itong nagbibihis at mukhang bagong ligo din.

"Oh nariyan kana pala,"

Ngumiti ako at nagmano, "Sa guestroom ako pinapatulog ni Ma'am Poly 'nay, sabi niya ay isama kita kung gusto mo."

"Naku anak, mas kumportable akong matulog dito. Sa guestroom din nila kami pinapatulog dahil marami namang guestroom dito pero mas gusto namin dito sa quarters."

"Ganoon po ba, kung ganon dito nalang din ako." Sabi ko bago naupo sa kaniyang kama.

Kung tutuusin ay malaki at kumportable ang quarters nila. Malinis at hindi masikip para sa limang katulong.

"Doon kana sa guestroom anak at hindi naman tayo kasyang dalawa sa kama ko."

"Sigurado ba kayong ayaw niyo doon?"

"Sige na, wag mo akong isipin dahil ayos lang ako dito. Maiwan na kita at kailangan pa naming maghanda para sa hapunan."

Napatango ako. Wala nga akong choice kung hindi matulog nalang mag-isa doon sa guestroom.

"Saan po ba iyong mga guestroom?"

"Sa kanang bahagi at iyong mga nasa dulong kwarto."

Tumango ako. Sabay kaming lumabas ng quarters ni nanay. Dumiretso ito sa kusina habang umakyat naman ako sa ikalawang palapag.

Tinungo ko ang right wing katulad ng sinabi ni nanay pero halos malito ako sa mga kwartong naroon. Guestroom ba ang lahat ng nasa dulo nito?

Naglakad ako at nagtingin-tingin sa mga pintuan pero walang pagkakaiba ang mga ito. In the end, I chose the last room.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang isang malinis at malaking kwarto. Tulad ng buong mansyon ay halos puti ang gamit, ang pinagkaiba lang ay sa halip na royal blue ay kulay abo ang motif ng kwartong ito.

Kumikinang ang puting marble floor na mukhang bagong linis. There's only a little part of the floor that's exposed in this part because there's a big plush carpet in gray, where the bed is. Combination ng puti at abo ang kama, the sheets are white while the rest are in gray.

To the left of the door is a flatscreen TV, sofa and a round table. Just near it is a clear glass double doors which shows me that it's a walk-in closet. On the right part is a door which I suppose is the bathroom. Infront of the bed is a lot of space and another clear glass double doors leading to a balcony, overlooking the garden and the pool area.

Inilapag ko ang aking bag sa kama at kaagad na naglakad patungo roon. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang malamig na simoy ng hangin. I smiled when I saw the beautiful sky above. The view in this place is just so amazing.

Subalit nawala ang ngiti sa mga labi ko nang may marinig akong ingay mula sa kwarto. Bumalik ako sa loob at nanlaki ang mga mata nang makita si Axl na kalalabas lang ng banyo, bagong ligo at nakatapis lamang ng tuwalya ang ibabang bahagi. Natutop ko ang aking bibig.

**

Related chapters

  • Out of my League   Chapter 4

    His dark menacing eyes bore to me like daggers and I know I'm at fault now. Is this his room? Kung ganoon ay mali itong napasok ko?Ramdam ko ang init sa buong mukha ko at maging ang matinding kaba sa aking dibdib. Gusto ko nalang kainin ako ng lupa."What are you doing here?" His deep baritone voice even made me shiver.Napalunok ako. "I-I'm sorry, hindi ko alam.." I stuttered. Hindi ko makapa ang mga salitang dapat sabihin.He smirked, but then his eyes remained cold and scary. Kung kanina ay kaya ko pa siyang tignan, ngayon ay hindi na. Idagdag pa na wala siyang damit."A-alis nalang ako, sorry talaga.." Nagmadali akong lu

    Last Updated : 2021-09-20
  • Out of my League   Chapter 5

    Katulad ng gustong mangyari ni Ma'am Poly ay nagtungo kami sa isang mall kinabukasan para mamili ng mga damit na maisusuot ko sa opisina. Sumama si Air at ang sasakyan nito ang ginamit namin habang may nakasunod pang itim na van kung saan daw nakasakay ang mga bodyguard.Nang dumating kami sa mall ay halos mabali ang leeg ng mga tao nang makita si Ma'am Poly at Air. Hindi ko alam kung kilala sila ng mga tao o talagang agaw-pansin lang sila dahil sa naghuhumiyaw na karangyaan sa itsura nila. Habang ako ay nanliliit dahil hindi ako sanay sa ganitong atensyon mula sa mga tao. Everyone's literally watching our every move.Sa unang boutique na pinasukan namin ay tatlo kaagad ang napiling dress ni ma'am Poly para sa akin. Tahimik lamang ako at kapag sinabihan magsukat ay nagsusukat na

    Last Updated : 2021-09-20
  • Out of my League   Chapter 6

    Tinapos ko ang pinapagawa ni Axl kahit na napaka-awkward ng atmosphere sa pagitan namin. Tuwing sumusulyap ako sa kaniya ay nakikita kong seryoso at abala siya sa sariling trabaho. Hindi ko mapigilang hindi tumitig dahil namamangha ako sa pagiging seryoso niya.The way his eyebrows furrow together while reading something on his laptop, the way he cranes his neck, maging ang tunog ng paglapat ng kaniyang mga daliri sa keyboard ng laptop ay ikinamamangha ko sa hindi malamang dahilan.He surely looks so cold and exceptional, like a king sitting on his throne, he surely belongs to this kind of place.Tumunog ang telepono sa isang tawag. Hindi ko alam kung dapat ko ba iyong sagutin gayong nasa tabi niya lang ito. Sumulyap siya sa ak

    Last Updated : 2021-09-21
  • Out of my League   Chapter 7

    Nagpadala lamang ng pagkain si Axl sa opisina nang sumapit ang tanghalian. Hindi ko akalaing dito lang siya sa opisina niya kumakain, o ngayon lang ito?He told me earlier to call the cafeteria and order them to bring us food instead. He said he's busy at nakikita ko naman iyon. Pero ang isiping kakain kaming dalawa ng sabay ngayong lunch ay lalong nagpakaba sa akin.Buong akala ko ay pwede akong lumabas at kumain mag-isa at ganoon din ang gagawin niya. Parte ba ng trabaho ko ang samahan din siya sa lunch?Huminga ako ng malalim at kinagat ang pang-ibabang labi ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakatitig na ito sa akin. Nakakunot ang noo nito na tila may kasalanan nanaman akong nagawa.

    Last Updated : 2021-09-23
  • Out of my League   Chapter 8

    Kung ako ang masusunod ay ayoko na sanang pumunta sa ospital. Pero dahil si Axl ang nagdesisyon ay wala akong nagawa.Pina-xray niya ako matapos gamutin ng nurse ang mga sugat na nasa binti ko. Bukod doon ay wala naman na akong malalang natamo. Ang sabi ng doktor ay maaring magpapasa ang gawing tagiliran ko dahil sa pagkakahampas ko sa lamesa. I expected it though, lalo't alam kong mabilis lang akong nagkakapasa.Kasalukuyang kinakausap ng doktor si Axl nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Ma'am Poly kasama si Air at Sir Arsen. Napatayo ako sa gulat at maging ang doktor at si Axl ay natigil.Ma'am Poly rushed to me, "Are you okay hija?" Sinuri nito ang mga braso ko. Tumigil ito nang makita ang iilang sugat ko sa binti

    Last Updated : 2021-09-25
  • Out of my League   Chapter 9

    Pagod na pagod na ang katawan at ang utak ko pero hindi ko pa rin magawang makatulog. Maybe because he's here with me.Ang kaniyang mga mata ay tila nakakakita sa dilim kung makatingin sa direksyon ko. And it makes me feel uncomfortable. Kahit isang tshirt at pajama ang suot ko pakiramdam ko ay tumatagos ang mga titig niya.I wonder what he thinks of me. I wonder what runs through his head. I want to know how he decides for things. Gusto kong malaman kung bakit hindi niya ako magawang pagkatiwalaan, kung bakit tila siya may galit sa akin.But I know I will never get to understand him. His principle is solid, he wants the truth and only but the truth. But now I realized, there are different versions of truth. The truth he wants

    Last Updated : 2021-09-27
  • Out of my League   Chapter 10

    "It is clear that there were two movements inside the floor within that hour Axl. Iyong una ay nagsimula sa pagtapak niya palabas ng silver elevator, 8:47pm. Sunod-sunod na ang naging paggalaw nito hanggang makapasok sa opisina mo, 8:50pm. The time we contacted you is at that time. Around 9:15 when we found another movement coming from your secretary's office." Paliwanag ng private investigator ni Axl sa amin.Tumingin ito sa akin, "You said you woke up at that time. Lumabas ka ng opisina, you were inside the office at 9:25."Tumango ako. Idinetalye ko sa kanila ang lahat ng pangyayari mula nang magising ako. Tugma ang mga iyon sa mga impormasyon na nakalap nila sa mga motion sensors."Did you see his face Adrianna?"

    Last Updated : 2021-09-29
  • Out of my League   Chapter 11

    Hindi ako makasagot. He just confirmed my thoughts, someone broke his trust before, kaya siya nahihirapan magtiwala ngayon.But for someone like Axl, who looks superior, authoritative and hard as rock, I wonder who did it? I wonder who had the guts to fool him? I wonder who had the power to crush his trust that easy?Sobrang awkward sa loob ng sasakyan. Kung hindi lang kami tumigil sa isang building sa BGC ay baka pareho na kaming nilamon ng katahimikan.Pumasok ang sasakyan sa parking lot, kasunod ang dalawang itim na van. Muntik nang mawala sa isip ko na may meeting kaming dadaluhan. Masyado akong nalubog sa mga iniisip tungkol sa kaniya.Kinalas ko ang seatbelt ko nang maki

    Last Updated : 2021-10-01

Latest chapter

  • Out of my League   Epilogue

    Note: This is Axl's POV and it will start from his childhood to the present so please wag sana kayong magpalito sa transitions. Most of the scenes already happened in the previous chapters so you'll be familiar. Lastly, I have an author's note and FAQs after this chapter!EpilogueWhen I was younger, all that I believed is that people were born to be naturally selfish. We crave the things that can satisfy us, that can make us happy. We do everything, to get our desires, to be contented.But all along, I've been questioning myself, does a person ever feel satisfied? Do we ever feel contented? Do these things really make us happy?I stared at the transient blue skies ab

  • Out of my League   Chapter 45

    Madam Selena's public apology didn't end everything. It made other people angry. Mayroong nagalit nang nalamang totoo ang ginawa niya at pinilit itong pagtakpan ng GGC at ng mga airlines na nabanggit. Mayroong tinanggap ang katotohanan pero ayaw na ulit magtiwala. At mayroong natuwa, dahil sa kabila ng masamang nagawa ay humingi ng kapatawaran ang mga Genesis.Madam Selena's speech is scripted. Si Axl at Alistair ang gumawa nito. Bago ang lahat ay kinausap rin nila ang mga airlines na maaring maapektuhan. Everyone agreed to apologize for their wrongdoing, at nangakong hindi na iyon kailanman mauulit.It may look insincere because it's scripted, still I felt Axl and Alistair's humbleness in that presscon. Hindi man taos sa puso ng kanilang lola ang paghingi ng tawad, still the fa

  • Out of my League   Chapter 44

    Gustong-gusto kong makausap si Alistair matapos ang nangyari, I badly want to tell him that he doesn't really have to do what his grandma wants. I wanted to convince him that there's other way around, hindi niya kailangang magsakripisyo ng ganito.May pakiramdam akong ganoon din ang gustong gawin ni Ma'am Poly, pero mas gusto ni Sir Arsen at ni Axl na hayaan na muna siyang mapag-isa. Sa huli ay sumang-ayon nalang din ako at tuluyan nang nanlumo.Madam Selena left after talking to him about the Pearsons. The smile on her face is so selfish and it was hurting all of us. I feel like being a Genesis is a curse for them, I feel like despite the wealth and power that they have, they are still jailed to the fact that they should keep strengthening it.

  • Out of my League   Chapter 43

    "Hindi paba tayo lalabas? Baka hinihintay nila tayo.." Hindi ko na alam kung ilang beses ko na itong sinabi at katulad kanina ay parang wala siyang naririnig.Nakahiga kami sa kama at nakakulong ako sa mga braso niya. Ang kaniyang mukha ay nakasiksik sa aking leeg. He would kiss my shoulder blade and my cheek every now and then."Axl.." sinubukan kong gumalaw pero lalo lang humigpit ang yakap nito sa akin."Let's cuddle more.." his hoarse voice said. Muli ay pinatakan niya ako ng halik sa aking pisngi.Natutukso na rin akong manatili nalang dito, lalo pa ngayong ayaw niya na akong pakawalan. Pero ayaw kong malunod sa kaniyang mga halik, baka hindi na ako makabangon.

  • Out of my League   Chapter 42

    He looks so pissed while driving. Mula paggising ko nakasimangot na siya at mas lalo pang lumala nang nakita ang suot ko.I'm wearing a denim shorts and a shirt, at rubbershoes. Marurumi kasi ang mga damit at pants ko kaya puro shorts ang naisusuot ko. Hindi naman siya nagkomento pero nararamdaman kong may kinalaman ang suot ko sa pagkakainis niya.Tahimik kami sa loob ng sasakyan. At nanatili ang pananahimik niya hanggang sa makarating kami sa mansyon.Nakaabang si Ma'am Poly sa malaking pintuan, nakangiti na agad nang natanawan ako. Ngumiti ako at sinalubong niya naman ako ng yakap. She looks happy, hindi ko alam kung bakit."I'm so excited! Umalis ng maaga si Axl at nang si

  • Out of my League   Chapter 41

    Tahimik kami habang nasa sasakyan. Gusto ko ulit magtanong pero ayokong marinig ng mga kaibigan ko ang pag-uusapan namin kaya nanatili akong tahimik.Isinandal ko ang ulo ko sa likod ng upuan at tuluyang naramdaman ang pagod para sa buong araw. Nahihilo man at gusto nang matulog ay pinilit kong manatiling gising para maituro ang apartment kay Axl.Pero ganoon nalang ang gulat ko nang makitang lumiko ang sasakyan sa daan patungong university. Kunot noo ko siyang nilingon. "A-Alam mo ba ang apartment namin?"Hindi ito nagsalita. Nanatili ang seryoso niyang mga mata sa daan na tila doon ibinubuntong ang pagkakainis.Nakumpirma kong alam niya nga kung saan ang apartment nang pumas

  • Out of my League   Chapter 40

    Katulad ng pangako ko sa tatlong kaibigan ay inilibre ko sila ng dinner. Hindi sa mamahaling restaurant pero naging masaya na kami sa fastfood sa isang mall dahil magkakasama naman at nagkakatuwaan.I am grateful I met these three. Kung mayroon man akong mabuting bagay na nakuha sa pag-alis ko kay Axl ay sila iyon, ang pagkakaibigan namin."Anong balak mo Adri? Magtatrabaho kaba agad o magpapahinga muna?" Tanong ni Karen.Huminga ako ng malalim, nag-iisip pa ng sagot dahil sa totoo lang ay hindi pa rin talaga ako nakakapag-desisyon.Gusto kong magpahinga pero ang mga katulad naming mahihirap ay walang panahon para sa ganon. Ang perang naipon ko mula sa pagtatrabaho kay Axl ay

  • Out of my League   Chapter 39

    Hindi na namin kinailangan ng karagdagang plano ni Alistair. Axl did leave me alone like what I told him. Hindi na siya kailanman nagparamdam sa akin.Ilang linggo ang lumipas at tuluyan akong bumalik sa dating normal na buhay. At ang mga linggong iyon ay mabigat at mahirap para sa akin. I would cry myself to sleep every night. Sa umaga'y gigising ako na mugto ang mga mata.I went back to school and tried to focus on my studies. Isang sem nalang ang titiisin ko at iyon ang ginawa kong inspirasyon para makaahon sa pagkakalubog dulot ng sakit sa pagtalikod kay Axl.Nagkikita kami ni Alistair kapag may oras siya pero mas madalas nalang kaming mag-usap sa cellphone. He would update me about Axl, kung kamusta na ito. Maging ang pagp

  • Out of my League   Chapter 38

    Kung nakamamatay lang ang tingin ay baka bumulagta na kami ni Alistair.I don't think I've seen his eyes as dark as this before. Madilim ang kaniyang mukha at nagsasalubong ang mga kilay. He looks calm and in control even when his eyes reveal darkness.Isang beses lang na bumaba ang kaniyang mga mata sa akin bago tumigil kay Alistair. "I'm done here, I'm leaving."Hindi sumagot si Air at tumango lamang. Axl didn't give me another look after that, diretso ang kaniyang pagsakay sa kaniyang sasakyan."Air--""Sshh.." he gently squeezed my arm, "He's still watching. Let's wait till he leaves."

DMCA.com Protection Status