Share

Chapter 2

last update Huling Na-update: 2021-09-12 10:51:23

Kabadong-kabado ako habang nakaupo sa mahabang lamesa katabi si ma'am Poly. Hindi ko akalaing seryoso siya nang imbitahan akong sumabay sa tanghalian. Nakangiti ang nanay sa akin habang nakatayo sa harapan ko, sa likod ng dalawang lalaking kanina pa nakatingin sa akin.

I can feel their curiousity towards me, kung sino ako at bakit kasama ako sa hapag na ito.

Sinubukan kong tumanggi kay ma'am Poly pero pinilit ako nito. She kept on telling me that her sons will like me but I doubt that right now. Lalo na ang isa, he looks so off.

Ngiting-ngiti ito habang palipat-lipat ang tingin sa akin at sa mga anak. Her husband, sir Arsen looks happy that his wife is happy too. Tila wala na itong pakialam sa ibang bagay basta masaya ang asawa. Ibang-iba ang dalawang lalaki sa harapan ko na kapwa may malalamig na mata at seryosong mga mukha.

"This is Adrianna, anak ng nanay Lana ninyo."

Lumingon ang isa kay nanay, "Really 'nay? She's your daughter?" Saka ito tumingin sa akin, ngayon ay bahagyang lumambot ang ekspresyon.

Ngumiti si nanay, "Oo hijo." She looks so proud of me.

"Hi, I'm Alistair, call me Air for short." Natulala ako nang ngumiti ito. I didn't expect someone as rich as them to smile at a poor person like me. Hindi ako makapaniwala.

Tinignan ko ang katabi niya subalit tila wala itong pakialam sa nangyayari. He's silently eating his meal at hindi na nag-abalang mag-angat pa ng tingin sa akin.

Nagsimula na rin kaming kumain. Hindi ako makakain ng maayos dahil naiilang akong kumain habang ang nanay ko ay nakatayo lamang, sinusulyapan ko ito palagi.

Marahil ay napansin iyon ni sir Alistair, nagulat ako nang padaluhin nito ang apat na katulong kasama si nanay sa lamesa.

"Please join us, I can see that Adrianna here is uncomfortable having you watch us while eating." He turned to my direction and smiled.

Tila may mainit na tubig na natapon sa loob ng aking dibdib. I am so touched with this family's kindness, hindi ko lubos maisip na ganito pala talaga sila kabait.

Sumabay na kumain sa amin ang mga kasambahay, masaya silang lahat. Nilingon ko si nanay sa tabi ko na mukhang masaya rin. Nginitian ko siya, masaya na ako kung masaya siya. That is the only thing that can pacify my heart.

"How's business Axl?" Tanong ni Sir Arsen sa unang lalaki.

Nag-angat ito ng tingin, his dark menacing eyes looked naturally normal. I noticed his hard features, ang matangos nitong ilong at makapal na kilay, ang madidilim na mga mata. He looks inhumanly handsome o kung may mas intense pa sa salitang iyon. But there's something in him I can't fathom, like he's a mixture of elegance and something else, something dark.

"Everything's fine dad. I will be in BGC this week for a meeting with our investors." And his voice is so deep and manly, like coming from grave, malamig at baritono.

"Why don't you let Alistair take care of that? You can have a short break, you've been busy lately."

Sir Alistair nodded beside him, looking expectant. His facial features are just like that of his brother, the eyes, nose, his jaw and his eyebrows. But what differentiates him is that he has a softer aura, something comfortable, something white.

"I can handle it dad, he's busy reviewing some proposals."

"Atleast take me with you so I can help you with the minutes."

"I can handle the minutes." His voice sounded final, na tila wala nang makakapagpabago ng isip niya kapag nakapag-desisyon na.

Sir Alistair chuckled, tumingin ito sa mommy niya na katabi ko lamang. "Mom my brother is a robot." He joked. Natawa naman ang mommy't daddy niya.

"Oh by the way Axl, you mentioned last week that your secretary filed an immediate resignation and that you don't have one for now. I hope you don't mind if I suggest Adrianna for the mean time?"

Napaigtad ako sa kinauupuan ko nang lingunin ako nito. His hawk-like eyes stared at me, raising his eyebrows.

"She's taking business management, she can be helpful while you don't have secretary."

Tumaas muli ang kilay nito habang nakatitig pa rin sa akin, hindi naiilang na tumitig kaya ako na lamang ang nag-iwas ng tingin. He looks uninterested earlier that's why I kept on looking at him, but right now that all his attention is on me, I suddenly feel strange. Para akong nasisilaw ngayong nasa akin ang mga mata niya, like he's a very bright sun and it will hurt me if I'll look at him.

"I don't need secretaries mom, I don't want to waste my money to hire people who will just be useless."

"Axl.." saway ng daddy nito.

Natahimik ang hapagkainan dahil sa sinabi nito. Napapikit ako ng mariin habang nakayuko. I know he won't just accept me lalo na kapag nalaman nitong hindi pa ako graduate.

"Just try her, this girl is very intelligent, I just can't waste her." Bahagya pa akong nginitian ng kaniyang ina, as if assuring me that she can convince her son.

"I can always look for the best if I want to. I will hire one soon." Tunog pinal na ang boses nito, like he won't listen for any more suggestions, kahit pa magmula iyon sa kaniyang ina.

Now I realized he's the kind of person who doesn't take suggestions, who doesn't take offers, no matter who's giving it to him. I understand now that he is the law. I heard a lot about him, his name is very popular in all aspects, from teenagers to businessmen. Now I know why.

"Sa office ko nalang kung ganoon," Air offered.

Nag-angat ako ng tingin at nahuli itong nakatingin sa akin. "I already have a secretary but I can find you a good position on my firm."

Ngumiti ako at umiling, "Thank you sir pero ma'am Poly.." bumaling ako rito, "okay lang naman pong hindi muna. Hindi pa po ako graduate, may isa pa pong sem. Tatapusin ko po iyon at mag-aapply ako ng pormal."

Tila nagulat si Sir Alistair sa sinabi ko."Hindi ka pa graduate? How young are you then? You look mature!" Natawa ito.

"I just turned 21 last month," alanganin akong ngumiti.

Napatango ito, he looks amused.

Ngumiti ako at sumulyap kay Axl. His already dark eyes even became darker. Marahil ay na-disappoint nang malamang hindi pa ako graduate. It's okay, naiintindihan ko iyon. He's a business tycoon and I know he's very specific to what he wants. Alam kong hindi ko maaabot ang expectations ng mga taong katulad niya, it's given.

"But she's looking for a part-time job, I want to help her." Ma'am Poly sounds disappointed, tumingin ito ng diretso sa mga anak, specifically to Axl.

"You can just give her support then," anito bago sumimsim sa kaniyang juice.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko mapigilang titigan siya. His aura screams so much authority. Matikas ang kaniyang pangangatawan na kahit nakaupo ay kitang-kita ko ang lapad ng kaniyang balikat. Kahit ayaw mong tumingin ay siguradong mapapatingin ka. Napakataas, napaka-hirap marahil abutin na kahit naririto siya sa harapan ko, sa iisang hapagkainan ay natitiyak kong mahirap siyang abutin.

He's like the sky, he looks so near to me pero kailangan ko pa ring tingalain.

"Oh, Adrianna is like her mom, Axl. Hindi ito tumatanggap ng tulong ng walang maibibigay na kapalit." Sumimangot ito.

Tinignan ko si nanay, alam kong maraming beses na siyang tinulungan ng pamilyang ito. Lalo na nang ma-ospital siya. They wanted to pay for everything pero hindi kami pumayag. Inilabas ko lahat ng naipon ko at ang kulang ay inutang ni nanay sa kanila bilang advance na sahod.

"Ayos lang po ma'am, nag-apply po ako sa isang job fair kahapon. Naghihintay nalang po ako ng tawag."

I can't stand her begging for her sons to take me to the company, masyado iyong impormal at isa pa ay mas gusto kong paghihirapan ko ang pagpasok sa isang trabaho lalo na kung sa ganoong kumpanya.

"So you work while studying?" Tanong ni Sir Alistair na ngayon ay nasa akin ang buong atensyon.

He was so serious and scary earlier at hindi ko alam kung bakit tila lumambot ito ngayon samantalang ang katabi niya ay wala pa ring kasing-tigas.

Tumango ako sa tanong, "Nagtrabaho ako bilang waitress sa isang karaoke bar—"

"What?"

Nahihiya akong tumango, hindi na makatingin sa kanilang lahat.

"Safe bang magtrabaho sa mga ganoon para sa isang babaeng katulad mo? You look innocent for that kind of work."

Ngumiti ako, "Sanay na ako sa mga nakikita ko roon basta ba hindi ako hinahawakan."

"I doubt that, kaya ba naghahanap ka ng bagong trabaho ngayon? Did they tried to.." his eyes lingered to the people around us to make sure he won't say something inappropriate.

Bago pa niya madugtungan iyon ay tumango na ako.

"Oh my God, did they harass you or what?" Nag-aalalang tanong ni ma'am Poly. She turned to my mother afterwards, "Lana bakit mo naman siya pinayagan doon?"

Malungkot na tumingin sa akin ang aking ina. Wala siyang alam doon, sinikap kong itago sa kaniya na nababastos ako sa trabaho dahil ayaw kong mag-alala siya. Iyon lang ang compatible sa schedule ko habang nag-aaral dahil panggabi iyon at isang sakay lamang din mula sa university na pinapasukan ko.

"Hindi po alam ni nany," sagot ko. "Ayaw ko po siyang mag-alala."

She then looked at me lovingly, na hindi ko alam kung bakit. "I envy you Lana, for having a daughter. But now I envy you more for having such a kind and thoughtful daughter."

Alanganin akong ngumiti. Nakita kong nakangiti sa amin si Sir Arsen at Sir Alistair habang si Axl ay walang ekspresyon ang mga matang nakatitig sa akin. I used to see through a person immediately, sa mga mata at sa kilos pero natatangi siya. I can't read him, I can't even name him expressions. And his eyes, his stone cold eyes are almost saying that he can see the deepest secrets within you.

"So saan ka nakatira? Your mom lives here," tanong ni Sir Alistair habang sumisimsim sa kaniyang juice.

"Nangungupahan po ako malapit doon sa dati kong trabaho."

"Why don't you stay here instead? Nang sa ganoon ay mabawasan ang gastusin mo?"

Nanlaki ang mga mata ko, agad akong sumulyap doon sa kay Axl para makita ang kaniyang reaksyon subalit tila wala lamang sa kaniya ang narinig.

Tumango si Sir Alistair sa sinabi ng ina, "That'll be better. And I can offer you any other work kung ayaw kang kunin na secretary ni Axl."

"Naku hindi na po talaga, maghihintay nalang ako ng tawag—"

"I insist Adrianna. You can choose what job you'll be comfortable and you can immediately start on Monday." He smiled at me.

Hindi ko maintindihan na ganoon lamang pala iyon kadali sa kanila, they're giving away good positions like they're just giving a kid some candies.

Tumingin ako kay nanay, tinanguan ako nito. Hindi kaya ng puso ko ang mga nangyayari, tila ba kinakabahan na may kapalit ang magagandang mga bagay na nangyayari ngayon.

Huminga ako ng malalim, "Ayos na po sa akin kung janitor muna."

"What?" Nilingon ako ni Ma'am Poly, may matinding pagtanggi sa tinig.

Nanliit kaagad ako pero desidido akong ayaw ko ng mas mataas pang posisyon doon. Gusto kong umusad mag-isa, gusto kong pagsisikapan ko kung makakuha man ako ng magandang posisyon sa kanilang kumpanya.

"Adrianna I won't offer you that kind of job, hindi iyon bagay sa'yo." Wika ni Sir Alistair.

"Let her choose the job that she wants," biglang sabat ni Sir Axl atsaka ako binigyan ng isang malamig na titig.

Kinilabutan ako, hindi ko maintindihan pero bakit pakiramdam ko ay ayaw nito sa akin?

"Axl that's rude.." sabi ng kaniyang ama.

"That's not rude dad, we're giving her the freedom to choose." Ngumisi ito at nagtaas ng kilay sa akin, tila nanghahamon kung kaya ko ba talagang maging janitress.

Iniisip niya bang nagpapapilit ako?

"And if she says she wants to work as your secretary?" Hamon ni Sir Alistair. "Come on Axl, you're not a robot, you'll need her help."

"I won't be needing help from an undergraduate,"

"Axl.." ngayon ay ang kaniyang ina naman ang sumaway sa kaniya.

He chuckled, naningkit ang kaniyang mga mata sa akin. "What's with the girl anyway? Are we here to talk about her life?"

Mukhang naputol na ang litid ng pasensya nito. Kung sabagay ay kanina pa umiikot sa akin ang usapan ng kanilang pamilya. Naiintindihan ko kung naiinis na siya, lalo pa't wala naman akong kinalaman sa mga buhay nila.

Napayuko ako. Sinulyapan ko si nanay at nakita kong nalungkot ito sa sinabi niya. Nanikip ang dibdib ko. Muli kong tinignan si Axl at nakita kong nakatingin na rin ito kay nanay. I shot him an apologetic look just so he won't continue saying such things while my mother's here.

Matatanggap ko ang kahit anong insulto basta wag lamang iyong nakaharap si nanay at maririnig niya. I don't want her to worry about me.

"Axl!" Saway muli ni Ma'am Poly nang makita ang pagyuko ko.

"O-okay lang po—"

"I'll take her as my secretary then."

My eyes widened. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nakita ko ang nanghahamon niyang mga mata. Nangunot ang aking noo. Why the sudden change of mind?

Bago pa ako makapagsalita ay naunahan na ako nito."You can start on Monday."

*

Sa mansyon na ako pinagpapalipas ng gabi ni ma'am Poly kaya wala na akong nagawa kahit na wala akong dalang mga gamit. Pinagpasyahan ko nalang na pumuntang apartment para kumuha ng mga gamit mamayang hapon.

Matapos ang tanghalian ay tumulong na ako sa mga kasambahay sa pagliligpit at paglilinis. Masayang nag-usap usap naman ang pamilya sa pool area.

Mabuti nalang at hindi na ako pinilit isama doon ni ma'am dahil pakiramdam ko ay masyado na nila akong pinagtutuunan ng pansin. Pinili ko na lamang manatili sa loob ng kusina.

"Nay magpahinga kana, ako nalang ang tutulong kapag may mga utos." Sabi ko kay nanay nang makita kong pagod na ito.

"Ayos ka lang ba riyan?" Tanong nito habang kumukuha ng tubig upang makainom na ng gamot para sa oras na iyon.

Tumango ako, "Mamaya po uuwi ako sa apartment para kumuha ng damit."

Ngumiti ito, "Masaya ako at gustong-gusto ka ni ma'am. Palagi kitang nakukwento sa kaniya."

I sighed, bumaba ako mula sa upuan at yumakap sa kaniya. "Masyado ka talagang proud sa akin 'nay."

"Aba oo naman, anong hindi nakaka-proud sa'yo anak? Natitiyak kong magugustuhan ka ng mga taong nakapaligid sayo." Gumanti rin ito ng yakap.

Huminga ako ng malalim. Sana nga lahat sila magustuhan ako, pero bakit pakiramdam ko ay may isang taong hindi ako gusto?

Tinungo ni nanay ang kanilang kwarto para magpahinga habang naiwan naman ako sa kusina para maghintay ng mga utos na hindi naman dumating.

Dinungaw ko ang oras sa aking cellphone, alas-dos pa lamang ng hapon. Mamaya sigurong alas-kuwatro ay aalis na ako para kumuha ng mga damit sa apartment. Sana lang ay wala roon si Ate Lucy, natatakot akong magpang-abot kami dahil alam kong kayang-kaya niya talaga akong itapon palabas ng kwartong inuupahan ko.

Iniisip ko pa kung dapat na nga ba akong umalis ng apartment pero wala naman akong mapupuntahan kung aalis na ako doon. I don't want to accept Ma'am Poly's offer to stay here because I know that's just too much. Sapat na sa aking mabait sila sa akin at ipinilit pa akong magtrabaho kay Axl. I don't want them, especially him, to think that I am using their mother to get to all of these dahil hindi ko naman talaga iyon kailan man maiisip gawin.

I sighed. Nakita ko ang isang highchair kaya naman sinikap kong maupo roon. Dito nalang ako sa kusina magpapalipas ng oras. Ayaw ko nang lumabas at baka makita nanaman nila ako at malipat nanaman sa akin ang kanilang atensyon.

Binuksan ko ang f******k account ko at nag-scroll na lamang doon. Bihira lang ako magkaroon ng oras na gawin ito noon dahil sa trabaho at pag-aaral ko. Isa pa ay wala naman ako masyadong nagagawa sa f******k dahil wala naman akong chinachat, hindi rin naman ako nagrereply sa mga message requests.

Nakita kong may nag-add sa akin at tinignan ko iyon. Nagulat ako nang makita ang pangalang Alistair Martin Genesis. Tinignan ko ang profile at nang nakita ang display picture nito ay nakumpirma kong si Sir Alistair nga ito. I sighed, hesistant to accept his friend request.

Bakit siya mabait sa akin? How can some people like them treat us equally? Hindi ko alam kung lumaki lang talaga ako sa hirap at sa mga hindi magagandang ugali ng mga mayayamang nakakasalamuha kaya ganito ang pananaw ko o sadyang tama ito, that rich people have thick border lines separating them from the likes of us, from the poor.

I sighed. Ayaw kong i-decline dahil wala naman siyang ginawang masama sa akin, and it's just f******k. Sa huli ay nagdesisyon akong tanggapin na ang friend request. Pero bago ko pa mapindot ang accept ay biglang sumulpot si Sir Axl sa kusina.

Halos mapaigtad ako sa gulat kaya naman nakuha ko kaagad ang kaniyang atensyon. His brooding eyes turned to me directly at umiwas ako roon na tila napapaso. Hindi ko alam kung bakit may kakaibang takot at kaba ako sa dibdib kapag nakikita ang mga mata niya. He's just so intense I don't think I can handle looking at him in the eye. His energy is too much for me too, pakiramdam ko ay hindi ko kakayanin manatili sa isang maliit na espasyo kasama siya.

Lumakad ito at dumaan sa likuran ko habang nanatili akong tahimik na nakaupo sa high chair. Sa tangkad at tikas niya ay para siyang naliligaw rito sa kusina, hindi angkop maging ang suot niyang itim na slacks at puting buttondown longsleeve polo.

Narinig ko ang pagbukas ng ref sa likuran ko atsaka palang ako natauhan. I remember that I'm here to help my mother and I shouldn't just be sitting here.

Nilingon ko siya, "M-may kailangan po ba?" Dali-dali kong sinubukang bumaba pero dahil sa taas ng high chair ay muntik na akong mahulog kung hindi niya lang ako nahawakan sa aking baywang.

Halos maestatwa ako nang maramdaman siya sa aking likuran. Kaagad na pumasok sa aking ilong ang kaniyang pang-lalaking amoy at tumindig ang balahibo ko. Mabilis akong lumayo na tila napapaso.

Tumaas ang isang kilay nito dahil sa inakto ko. He leaned on the bar counter where I was earlier, watching me with amusement in his eyes. Gayunpaman ay hindi ito nagsalita.

"May kailangan po ba kayo?" Ulit ko. "May kailangan po ba kayo sa labas? Ako na ang magdadala. Pinag-pahinga ko na po si nanay, ako muna sana rito."

"Why would you do that? You're not a maid." Halos mapanganga ako sa tigas ng ingles nito.

"G-gusto ko lang tumulong.." nanliliit ang boses ko.

"Why do you want to help? So you can get their attention again?" His voice sounds so accusing.

Nanlaki ang mga mata ko at kaagad akong napailing, "H-hindi po! Gusto ko lang makapag-pahinga muna si nanay dahil mukhang pagod na siya."

He smirked, ang panganib sa mga mata nito'y nagsasabi sa akin na naiiba siya. His pitch black eyes resembles a powerful storm, ready to devastate anyone who will try to anger him. He's way different from Alistair, from his mom and dad. He's wise, para isiping maaring nagpapakitang-gilas ako rito at naiintindihan ko iyon.

"Stop clinging to my family like a leech. I already gave you the position, is there anything else you want?"

Nanikip ang dibdib ko sa sinabi nito. This is our first time talking to each other and he already talks to me like he pays for my life. Sa pamilyang ito ay mukhang sa kaniya ko lang makikita ang inaasahan kong ugaling hindi ko gusto at hindi ko alam kung bakit naiintindihan ko pa rin iyon kahit na alam kong masakit ang mga binitiwan niyang salita.

Normal lang ito, normal lang na isipin ng mga mayayamang katulad niya na pineperahan o ginagamit lang sila ng mga katulad ko. Hindi ko siya masisisi dahil hindi niya naman ako kilala.

It just hurts me, that we have such a judgemental world. Malungkot akong ngumiti sa kaniya, "Wag kang mag-alala dahil wala naman akong balak na humingi ng kahit ano mula sa inyo. I'm grateful that my mother works for your family, I'm grateful that she works for a family like this. I'm grateful enough that I don't need to cheat my way on top."

Hindi ito nagsalita, nanatili ang mabibigat nitong titig sa akin at nanatili akong nakayuko.

Ilang sandali ang lumipas at nilagpasan ako nito't iniwan sa kusina. Doon pa lamang ako nakahinga ng maayos. Hindi ko man lang namalayang pinipigilan ko na maging ang paghinga ko. Paano ako sa Lunes? Paano ako magtatrabaho bilang secretary niya kung ganito?

**

Kaugnay na kabanata

  • Out of my League   Chapter 3

    Nabagot ako kaya naglinis ako sa kusina. Hindi naman marumi roon at nagpunas lang ako ng kaunti. Malaki ang kusina at malinis na malinis, sadyang nainip lang talaga ako.Nang sumapit ang alas-kuwatro ay pinuntahan ko si nanay sa kanilang quarters at nakita siyang tulog na tulog. Hindi ko na siya ginising para magpaalam dahil babalik din naman ako.Doon ako muling dumaan sa pintuan sa kusina patungo sa likurang parte ng mansyon. Dadaanan ko pa muna ang garden bago makarating sa gate.Natigil ako nang makita si Sir Alistair doon na naninigarilyo, napansin ako agad nito. Bumuga ito ng usok atsaka itinapon ang sigarilyo at tinapakan bago naglakad patungo sa akin.He's all smiles w

    Huling Na-update : 2021-09-20
  • Out of my League   Chapter 4

    His dark menacing eyes bore to me like daggers and I know I'm at fault now. Is this his room? Kung ganoon ay mali itong napasok ko?Ramdam ko ang init sa buong mukha ko at maging ang matinding kaba sa aking dibdib. Gusto ko nalang kainin ako ng lupa."What are you doing here?" His deep baritone voice even made me shiver.Napalunok ako. "I-I'm sorry, hindi ko alam.." I stuttered. Hindi ko makapa ang mga salitang dapat sabihin.He smirked, but then his eyes remained cold and scary. Kung kanina ay kaya ko pa siyang tignan, ngayon ay hindi na. Idagdag pa na wala siyang damit."A-alis nalang ako, sorry talaga.." Nagmadali akong lu

    Huling Na-update : 2021-09-20
  • Out of my League   Chapter 5

    Katulad ng gustong mangyari ni Ma'am Poly ay nagtungo kami sa isang mall kinabukasan para mamili ng mga damit na maisusuot ko sa opisina. Sumama si Air at ang sasakyan nito ang ginamit namin habang may nakasunod pang itim na van kung saan daw nakasakay ang mga bodyguard.Nang dumating kami sa mall ay halos mabali ang leeg ng mga tao nang makita si Ma'am Poly at Air. Hindi ko alam kung kilala sila ng mga tao o talagang agaw-pansin lang sila dahil sa naghuhumiyaw na karangyaan sa itsura nila. Habang ako ay nanliliit dahil hindi ako sanay sa ganitong atensyon mula sa mga tao. Everyone's literally watching our every move.Sa unang boutique na pinasukan namin ay tatlo kaagad ang napiling dress ni ma'am Poly para sa akin. Tahimik lamang ako at kapag sinabihan magsukat ay nagsusukat na

    Huling Na-update : 2021-09-20
  • Out of my League   Chapter 6

    Tinapos ko ang pinapagawa ni Axl kahit na napaka-awkward ng atmosphere sa pagitan namin. Tuwing sumusulyap ako sa kaniya ay nakikita kong seryoso at abala siya sa sariling trabaho. Hindi ko mapigilang hindi tumitig dahil namamangha ako sa pagiging seryoso niya.The way his eyebrows furrow together while reading something on his laptop, the way he cranes his neck, maging ang tunog ng paglapat ng kaniyang mga daliri sa keyboard ng laptop ay ikinamamangha ko sa hindi malamang dahilan.He surely looks so cold and exceptional, like a king sitting on his throne, he surely belongs to this kind of place.Tumunog ang telepono sa isang tawag. Hindi ko alam kung dapat ko ba iyong sagutin gayong nasa tabi niya lang ito. Sumulyap siya sa ak

    Huling Na-update : 2021-09-21
  • Out of my League   Chapter 7

    Nagpadala lamang ng pagkain si Axl sa opisina nang sumapit ang tanghalian. Hindi ko akalaing dito lang siya sa opisina niya kumakain, o ngayon lang ito?He told me earlier to call the cafeteria and order them to bring us food instead. He said he's busy at nakikita ko naman iyon. Pero ang isiping kakain kaming dalawa ng sabay ngayong lunch ay lalong nagpakaba sa akin.Buong akala ko ay pwede akong lumabas at kumain mag-isa at ganoon din ang gagawin niya. Parte ba ng trabaho ko ang samahan din siya sa lunch?Huminga ako ng malalim at kinagat ang pang-ibabang labi ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakatitig na ito sa akin. Nakakunot ang noo nito na tila may kasalanan nanaman akong nagawa.

    Huling Na-update : 2021-09-23
  • Out of my League   Chapter 8

    Kung ako ang masusunod ay ayoko na sanang pumunta sa ospital. Pero dahil si Axl ang nagdesisyon ay wala akong nagawa.Pina-xray niya ako matapos gamutin ng nurse ang mga sugat na nasa binti ko. Bukod doon ay wala naman na akong malalang natamo. Ang sabi ng doktor ay maaring magpapasa ang gawing tagiliran ko dahil sa pagkakahampas ko sa lamesa. I expected it though, lalo't alam kong mabilis lang akong nagkakapasa.Kasalukuyang kinakausap ng doktor si Axl nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Ma'am Poly kasama si Air at Sir Arsen. Napatayo ako sa gulat at maging ang doktor at si Axl ay natigil.Ma'am Poly rushed to me, "Are you okay hija?" Sinuri nito ang mga braso ko. Tumigil ito nang makita ang iilang sugat ko sa binti

    Huling Na-update : 2021-09-25
  • Out of my League   Chapter 9

    Pagod na pagod na ang katawan at ang utak ko pero hindi ko pa rin magawang makatulog. Maybe because he's here with me.Ang kaniyang mga mata ay tila nakakakita sa dilim kung makatingin sa direksyon ko. And it makes me feel uncomfortable. Kahit isang tshirt at pajama ang suot ko pakiramdam ko ay tumatagos ang mga titig niya.I wonder what he thinks of me. I wonder what runs through his head. I want to know how he decides for things. Gusto kong malaman kung bakit hindi niya ako magawang pagkatiwalaan, kung bakit tila siya may galit sa akin.But I know I will never get to understand him. His principle is solid, he wants the truth and only but the truth. But now I realized, there are different versions of truth. The truth he wants

    Huling Na-update : 2021-09-27
  • Out of my League   Chapter 10

    "It is clear that there were two movements inside the floor within that hour Axl. Iyong una ay nagsimula sa pagtapak niya palabas ng silver elevator, 8:47pm. Sunod-sunod na ang naging paggalaw nito hanggang makapasok sa opisina mo, 8:50pm. The time we contacted you is at that time. Around 9:15 when we found another movement coming from your secretary's office." Paliwanag ng private investigator ni Axl sa amin.Tumingin ito sa akin, "You said you woke up at that time. Lumabas ka ng opisina, you were inside the office at 9:25."Tumango ako. Idinetalye ko sa kanila ang lahat ng pangyayari mula nang magising ako. Tugma ang mga iyon sa mga impormasyon na nakalap nila sa mga motion sensors."Did you see his face Adrianna?"

    Huling Na-update : 2021-09-29

Pinakabagong kabanata

  • Out of my League   Epilogue

    Note: This is Axl's POV and it will start from his childhood to the present so please wag sana kayong magpalito sa transitions. Most of the scenes already happened in the previous chapters so you'll be familiar. Lastly, I have an author's note and FAQs after this chapter!EpilogueWhen I was younger, all that I believed is that people were born to be naturally selfish. We crave the things that can satisfy us, that can make us happy. We do everything, to get our desires, to be contented.But all along, I've been questioning myself, does a person ever feel satisfied? Do we ever feel contented? Do these things really make us happy?I stared at the transient blue skies ab

  • Out of my League   Chapter 45

    Madam Selena's public apology didn't end everything. It made other people angry. Mayroong nagalit nang nalamang totoo ang ginawa niya at pinilit itong pagtakpan ng GGC at ng mga airlines na nabanggit. Mayroong tinanggap ang katotohanan pero ayaw na ulit magtiwala. At mayroong natuwa, dahil sa kabila ng masamang nagawa ay humingi ng kapatawaran ang mga Genesis.Madam Selena's speech is scripted. Si Axl at Alistair ang gumawa nito. Bago ang lahat ay kinausap rin nila ang mga airlines na maaring maapektuhan. Everyone agreed to apologize for their wrongdoing, at nangakong hindi na iyon kailanman mauulit.It may look insincere because it's scripted, still I felt Axl and Alistair's humbleness in that presscon. Hindi man taos sa puso ng kanilang lola ang paghingi ng tawad, still the fa

  • Out of my League   Chapter 44

    Gustong-gusto kong makausap si Alistair matapos ang nangyari, I badly want to tell him that he doesn't really have to do what his grandma wants. I wanted to convince him that there's other way around, hindi niya kailangang magsakripisyo ng ganito.May pakiramdam akong ganoon din ang gustong gawin ni Ma'am Poly, pero mas gusto ni Sir Arsen at ni Axl na hayaan na muna siyang mapag-isa. Sa huli ay sumang-ayon nalang din ako at tuluyan nang nanlumo.Madam Selena left after talking to him about the Pearsons. The smile on her face is so selfish and it was hurting all of us. I feel like being a Genesis is a curse for them, I feel like despite the wealth and power that they have, they are still jailed to the fact that they should keep strengthening it.

  • Out of my League   Chapter 43

    "Hindi paba tayo lalabas? Baka hinihintay nila tayo.." Hindi ko na alam kung ilang beses ko na itong sinabi at katulad kanina ay parang wala siyang naririnig.Nakahiga kami sa kama at nakakulong ako sa mga braso niya. Ang kaniyang mukha ay nakasiksik sa aking leeg. He would kiss my shoulder blade and my cheek every now and then."Axl.." sinubukan kong gumalaw pero lalo lang humigpit ang yakap nito sa akin."Let's cuddle more.." his hoarse voice said. Muli ay pinatakan niya ako ng halik sa aking pisngi.Natutukso na rin akong manatili nalang dito, lalo pa ngayong ayaw niya na akong pakawalan. Pero ayaw kong malunod sa kaniyang mga halik, baka hindi na ako makabangon.

  • Out of my League   Chapter 42

    He looks so pissed while driving. Mula paggising ko nakasimangot na siya at mas lalo pang lumala nang nakita ang suot ko.I'm wearing a denim shorts and a shirt, at rubbershoes. Marurumi kasi ang mga damit at pants ko kaya puro shorts ang naisusuot ko. Hindi naman siya nagkomento pero nararamdaman kong may kinalaman ang suot ko sa pagkakainis niya.Tahimik kami sa loob ng sasakyan. At nanatili ang pananahimik niya hanggang sa makarating kami sa mansyon.Nakaabang si Ma'am Poly sa malaking pintuan, nakangiti na agad nang natanawan ako. Ngumiti ako at sinalubong niya naman ako ng yakap. She looks happy, hindi ko alam kung bakit."I'm so excited! Umalis ng maaga si Axl at nang si

  • Out of my League   Chapter 41

    Tahimik kami habang nasa sasakyan. Gusto ko ulit magtanong pero ayokong marinig ng mga kaibigan ko ang pag-uusapan namin kaya nanatili akong tahimik.Isinandal ko ang ulo ko sa likod ng upuan at tuluyang naramdaman ang pagod para sa buong araw. Nahihilo man at gusto nang matulog ay pinilit kong manatiling gising para maituro ang apartment kay Axl.Pero ganoon nalang ang gulat ko nang makitang lumiko ang sasakyan sa daan patungong university. Kunot noo ko siyang nilingon. "A-Alam mo ba ang apartment namin?"Hindi ito nagsalita. Nanatili ang seryoso niyang mga mata sa daan na tila doon ibinubuntong ang pagkakainis.Nakumpirma kong alam niya nga kung saan ang apartment nang pumas

  • Out of my League   Chapter 40

    Katulad ng pangako ko sa tatlong kaibigan ay inilibre ko sila ng dinner. Hindi sa mamahaling restaurant pero naging masaya na kami sa fastfood sa isang mall dahil magkakasama naman at nagkakatuwaan.I am grateful I met these three. Kung mayroon man akong mabuting bagay na nakuha sa pag-alis ko kay Axl ay sila iyon, ang pagkakaibigan namin."Anong balak mo Adri? Magtatrabaho kaba agad o magpapahinga muna?" Tanong ni Karen.Huminga ako ng malalim, nag-iisip pa ng sagot dahil sa totoo lang ay hindi pa rin talaga ako nakakapag-desisyon.Gusto kong magpahinga pero ang mga katulad naming mahihirap ay walang panahon para sa ganon. Ang perang naipon ko mula sa pagtatrabaho kay Axl ay

  • Out of my League   Chapter 39

    Hindi na namin kinailangan ng karagdagang plano ni Alistair. Axl did leave me alone like what I told him. Hindi na siya kailanman nagparamdam sa akin.Ilang linggo ang lumipas at tuluyan akong bumalik sa dating normal na buhay. At ang mga linggong iyon ay mabigat at mahirap para sa akin. I would cry myself to sleep every night. Sa umaga'y gigising ako na mugto ang mga mata.I went back to school and tried to focus on my studies. Isang sem nalang ang titiisin ko at iyon ang ginawa kong inspirasyon para makaahon sa pagkakalubog dulot ng sakit sa pagtalikod kay Axl.Nagkikita kami ni Alistair kapag may oras siya pero mas madalas nalang kaming mag-usap sa cellphone. He would update me about Axl, kung kamusta na ito. Maging ang pagp

  • Out of my League   Chapter 38

    Kung nakamamatay lang ang tingin ay baka bumulagta na kami ni Alistair.I don't think I've seen his eyes as dark as this before. Madilim ang kaniyang mukha at nagsasalubong ang mga kilay. He looks calm and in control even when his eyes reveal darkness.Isang beses lang na bumaba ang kaniyang mga mata sa akin bago tumigil kay Alistair. "I'm done here, I'm leaving."Hindi sumagot si Air at tumango lamang. Axl didn't give me another look after that, diretso ang kaniyang pagsakay sa kaniyang sasakyan."Air--""Sshh.." he gently squeezed my arm, "He's still watching. Let's wait till he leaves."

DMCA.com Protection Status