KENT
Tinatamad na naman akong magbihis. Heto ako ngayon, ayaw pasamahin ni dad sa hapunan hangga't hindi ako nakakapagbihis.
Bakit ba kasi?
Aangal pa sana ako pero dahil nagugutom na ako, umakyat nalang ako sa kwarto para magbihis.
Agad naman akong lumabas pagkatapos kong magpalit. Habang pababa na ako, nakita kong pumasok si Kuya Kyle.
"Dad, you won't believe what just happened a while ago," sabi niya kay dad pagkatapos magmano.
"Ano naman yun?" sabi naman ni dad habang tumatawa na parang excited sa sasabihin niya.
Naku, ano naman kayang kabalstugan tong ginawa ng kapatid ko. Magsasalita na sana siya kaso nakita niya ako.
"Huy Kent, halika ikukwento ko rin sayo yung nangyari!" tawag niya sakin. "You should really hear this."
"Ano na naman ba yan kuya?" sagot ko at naupo na sa hapag kainan.
"May niligtas akong babae kanina na muntik ng mapahamak kasi hinihila siya ng 4 na lalaki," sabi niya.
"Weh? Ano naman ginawa mo?" sabi ko naman na parang hindi naniniwala.
"Napatumba ko yung 4 na lalaki, syempre. And guess what, that girl is from your school!" sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Talaga kuya? Pati rin ba yung mga lalaki?" tanong ko naman.
Hindi naman sa wala akong pake dun sa babae pero I'm more concerned with those guys. Pano kung dun din sila nag-aaral? Baka yung crush ko naman yung mapahamak! Ang ganda pa naman nun.
Wag niyo na itanong kung sino siya ok? Siya lang naman ang babaeng nagpapatorpe sa isang Kent Cruz na kilalang kilala sa St. Luiz.
"Well, iba yung uniform nila eh kaya I guess they're from a different school," sabi ni kuya kaya kaya medyo nakahinga na ako ng malalim.
"Pero wait? Pano ka naman napadpad doon? Siguro may balak kang sunduin ako no? Si kuya talaga miss ako palagi yiee!" biro ko naman kaya napatawa silang dalawa ni dad.
"Tanga! Doon din naman ako dumadaan no! Nakita ko lang talaga yung scene along the way," sabi ni kuya at umakyat na sa itaas. "Bihis lang muna ako."
Lumipas ang ilang oras at nagsimula na rin kaming kumain.
"Actually, may gusto akong sabihin," biglaang tugon m ni dad kaya napatingin kaming dalawa ni kuya sa kaniya. "Aalis muna ako sa bansa," dagdag pa niya na ikinagulat ko.
Napatingin naman ako kay kuya pero parang hindi naman siya nabigla sa sinabi ni dad.
Alam na ba niya?
"Bakit? Saan po kayo pupunta dad?" tanong ko.
"I'm planning on enlarging our business in Switzerland kaya I'll be staying there for a couple of months. Bukas na ng madaling araw yung flight ko," sabi ni Dad.
Hay, akala ko naman kung ano. Nagmamay-ari kasi kami ng restaurant. May tatlong branch na kami pero mukhang okay din kung may branch na kami abroad.
"Wow, ayos yun dad," sabi ko at binigyan siya ng approve sign.
Kinabukasan, maaga akong pumasok kasi hindi na ako nakatulog matapos akong nagpaalam kay dad kaninang madaling araw.
As usual, sinalubong na naman ako ng mga fans ko. Hindi sa nagmamayabang ha pero sikat talaga ako dito sa St. Luiz. At kung kiligin sila, parang mahihimatay na.
Tsk, hindi ko yun kasalanan no. Pinanganak na akong gwapo. Dagdag points lang tong suot ko pati tong gitarang nasa likod ko.
Nung makita ko yung mga kaibigan ko sa hallway, agad na akong tumakbo patungo sa kanila pero nakita kong wala ata sila sa mood.
"Oy mga pre, bat parang namatayan kayo ngayon?" tanong ko sa kanila.
"Eh ito kasing si Ethan eh. Di dinala yung mga materials para sa assignment natin," sabi ni Augustus.
"Pambihira ka naman Augustus, ako pa talaga yung sisisihin mo? Eh sabi ko ikaw na magdala eh," sabi naman ni Ethan.
Sila lang yung mga nakakausap kong matino dito sa school. (ewan ko ba kung matitino tong mga 'to) Yung iba kasi, nababakla pag kinakausap ako haha!
"Ayan kayo! Wag na kayong magsisihan! Eh kung sinama niyo 'ko sa grupo, edi wala na sana kayong problema. Ako na sana yung magdadala!" sabi ko sa kanila at natawa.
"Tanga, by pair yung assignment diba? At tsaka, ikaw nga yung unang nang iwan eh. Naghanap ka ng ibang ipapartner," sabi naman ni Augustus.
"Oy ayun yung partner mo oh," sabi naman ni Ethan sabay turo sa isang babaeng papalapit samin.
"Kausapin mo naman pre, baka sakaling pagtapos na kayo, ibigay niyo nalang samin yung mga tira tirang materials," sabi ni Augustus kaya sinapak ko na. Ang dadaldal kasi.
"Good Morning, Kent! Dala mo na ba yung mga newspapers para sa gagawin nating project sa physics?" bati sakin ni Keanna, yung pair ko sa assignment.
"Huh? Anong newspapers?" naguguluhan kong tanong sa kaniya. Napansin ko namang tumatawa yung mga kaibigan ko. Para san ba kasi yung newspapers?
"Newspapers. Yung pinadala ko sayong material para sa assignment," sagot naman niya na mas ikinalito ko.
"Huh? Papers yung sinabi mo sakin ah! Kaya heto, nagdala ako ng 1 whole kasi di ko alam yung size. Pwede naman tong hatiin sa 1/2 crosswise, 1/2 lengthwise, 1/4 o kahit 1/8 kaya sureball na," sabi ko sa kaniya sabay abot nung 1 whole na papel sa kaniya mula sa bag ko.
Akala ko pupurihin niya ako kaso nakasimangot lang si Keanna at mas natawa pa yung mga kaibigan ko. Ano bang mali sa sinabi ko? Ang galing ko nga eh, nagdala pa ako ng materials. Minsan lang kaya ako magcooperate kasi tinatamad ako.
"Jusmiyo Mr. Kent Cruz! Newspapers yung kailangan, hindi 1 whole! Buti nalang talaga nagdala ako ng newspapers just in case," pasigaw pa niyang sabi at akmang aalis na.
"Ah ganoon ba? Pasensya, di ko narinig eh. Mabuti naman at may backup ka. Kailan ba natin gagawin yung assignment? Mamayang lunch break?" tanong ko naman.
"Anong natin? Excuse me, Mr. Cruz, di mo rin ba narinig yung sinabi ni ma'am kahapon? Sabi niya, if you find your partner irresponsible, you can do the task individually. The activity is good for solo or pair! And in this case, wala kang naiambag! Ako na nga yung nagdala ng egg, yarn and tape, pati ba naman newspapers ako nalang din? Edi ako nalang din yung gagawa individually! Kaya Mr. Cruz, I won't pair up with you anymore. Good luck nalang sayo!" mabilis niyang sabi at saka umalis na.
Ganoon ba talaga kaingay ang mga babae?
Sinubukan ko pa sana siyang habulin kaso pinigilan na ako ng mga kaibigan ko at pinagtawanan pa! Nagmukha tuloy akong tanga ngayon.
Lumipas ang ilang oras at heto ako ngayon, inaantok na naman sa discussion. Last period na kasi 'to bago maglunch break. Naalala ko naman na last period pa pala sa hapon yung Physics namin kaya pwede ko pang mabili yung mga materials mamayang lunch break. Naaalala ko naman yung mga yun kasi sinabi ni Keanna kanina. Egg, tape, yarn and syempre newspapers, haha! Akala din siguro nung Keanna na yun na kailangan ko siya. Neknek niya!
Lumipas na naman ang oras at ngayon ay malapit ko ng makompleto yung mga materials. Tinignan ko yung oras at nangamba ako nang makita kong quarter to 1 na pala. Newspapers nalang yung kulang ko. Lalabas pa sana ako ng campus para bumili nang nakita kong tumatakbo sina Ethan at Augustus papunta sakin.
"Pre, san ka galing? Bakit di ka sumabay samin maglunch?" hingal na tanong sakin ni Ethan.
"Bumili ako ng mga materials eh. Mukhang ako nalang talaga mag-isa yung gagawa nito," sagot ko naman sabay kamot sa batok.
"Nako sayang pre. Katabi pa naman sana namin kanina ng table yung crush mo," sabi naman ni Augustus kaya napanganga ako.
Sayang naman talaga oh.
"T-tapos anong nangyari?" excited kong tanong.
"Wala naman. Kaso pre, ang ganda niya talaga kanina!" sagot naman ni Augustus kaya sinapak ko.
"Aba. Ako lang dapat yung tumingin sa crush ko ng ganon ha," sabi ko at tumawa naman sila.
Magtatanong pa sana ako tungkol sa crush ko nang bigla kong naalala na wala pa pala akong dyaryo.
"Oy nga pala, mauna muna ako sa inyo mga pre ha. Wala pa akong newspapers eh," sabi ko at akmang aalis na sana pero bigla akong tinawag ni Ethan.
"Teka lang. Newspapers ba kamo pre? Heto oh, may natira pa samin ni Augustus," sabi niya na ikinatuwa ko kasi may inabot siya saking mga dyaryo.
"Oy salamat pre, mahal niyo talaga ako," sabi ko naman at kinuha na yung mga newspapers.
Agad namang nagpaalam sina Ethan kasi may kukunin pa raw sila sa room kaya pumunta muna ako sa school park at naghanap ng bench. Dali dali kong inilabas yung mga materials. Hays, 10 minutes nalang ala 1 na. Di bale na nga lang na malate ako.
Naalala kong sabi ng teacher namin na gamit daw ang mga materials, sisiguraduhin daw naming pag inihulog yung itlog mula sa 3rd floor ay hindi mababasag. Ano daw yun eh, conversation of momentum? Conversation ba yun o conservation? Ah basta, yung goal ko lang ay hindi mabasag yung itlog. Naisip kong gawing shield ng itlog yung mga dyaryo kaya ang ginawa ko ay pinunit ko iyon at isa isang ipinantakip sa itlog. Mapayapa ko namang pinunit yung mga newspapers ng may narinig akong sumigaw mula sa likuran ko.
"OH MY GOODNESS, WHAT THE HELL ARE YOU DOING?"
Tinignan ko kung sino yung sumigaw ngunit laking gulat ko ng makita ko yung babaeng 8 months ko ng crush. Si Christine Del Rosario.
"Napakainsensitive mo! Hindi mo ba alam kung ilang sleepless nights yung dinanas ko para lang matapos yang 12-page tabloid sized na dyaryong yan?" Sigaw pa niya at agad na kinuha mula sa kamay ko yung mga punit na newspapers dahilan para mahulog yung hawak kong itlog at mabasag.
"Sh*t! Tignan mo! Nabasag tuloy yung itlog," sigaw ko sa kaniya.
Totoo ba 'to? Nakakausap ko siya ngayon in person?
"Well, I can pay for that! Ikaw, kaya mo bang gawin ulit yang school paper?" sabi naman niya na ikinagulat ko.
S-school P-paper to? Eh diba siya yung leader sa paggawa nito?
"Ako lang naman ang Editor-in-chief ng dyaryong pinunit mo!" sabi niya.
Tama! Siya nga talaga yung leader este yung Editor-in-chief.
"S-sorry," yun na lamang nasabi ko. Hays. Ano ka ba naman Kent! Pagkakataon mo na 'to! Dapat hindi ka maging torpe sa harapan niya.
"I will report you to the school paper adviser! Iyang mga yan ay dinidistribute sa mga students for monthly news updates hindi para pumitin lang," sabi niya at akmang aalis na sana pero bigla kong hinawakan yung braso niya.
"Ugh! Bitawan mo ako!" Sigaw niya pero di ko siya pinakawalan at hinila ko yung bewang niya dahilan para mapalapit yung mukha niya sakin.
"Kilala mo ba ako?" mahina kong sabi habang tinititigan ang kanyang mga mata.
"H-hindi," utal-utal niyang sabi. Nararamdaman kong kinakabahan siya ngayon. Bakas din ang pawis sa kaniyang mukha.
Inilapit ko ang mukha ko sa tenga niya para bumulong.
"I'm Kent Cruz. I'm the school's heartthrob at gusto kita."
CHRISTINENasa bahay ngayon si Bea at sabay kaming nag-aayos para sa JS Prom. Kami lang dalawa ngayon ang nag-aayos sa isa't isa at hindi na ako kumuha ng stylist kasi ayaw ko rin naman magpaayos sa mga di ko kakilala. Inaayos ngayon ni Bea ang buhok ko at heto naman ako, nakatingin lang sa sarili ko sa salamin at hindi makagalaw."Napakaspecial ng araw na ito no? JS Prom natin tapos February 29 ngayon. Araw na every 4 years lang natin nararanasan," sabi ni Bea pero inirapan ko lang siya. Ano naman ngayon kung leap year? What makes it special?Tatanungin ko na sana siya ng biglang mag beep yung phone ko. Di ko naman maabot kasi na sa kabilang table na medyo malayo sakin."Ako nang kukuha. Wag ka ng gumalaw diyan baka masira pa yang buhok mo," sabi niya sa at kinuha yung phone ko at iniabot sa akin.I'll w
CHRISTINE"Hindi. Hindi talaga! Hindi talaga maari!"Iyon ang mga naisigaw ko sa sarili ko habang paulit-ulit na tinitignan ang imaheng ipinapakita sa akin ng salamin. B-bakit? Bakit si Kent ang nakikita ko? Paulit ulit kong sinasampal ang sarili ko sa pagbabakasakaling panaginip lang ang lahat ng ito.Pero sa bawat sampal ay mas lalo akong kinakabahan ng makita kong pumupula rin ang kaniyang mukha. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko ngunit may biglang sumalin sa aking isipan.Ito ba ang tinatawag nilang switching of places? That freaking body-swap I read in some fictional books? Pero wait! Kung na sa katawan ako ngayon ni Kent, then could it be that...KENT"Imposible".Bulong ko sa sarili matapos kong mapagtanto ang mga maaring nangyayari n
CHRISTINENa sa katawan ni Kent ako ulit!P-pero bakit? Anong nangyari? Kanina lang ay tandang tanda kong nakabalik na ako sa katawan ko!"Anong nangyayari?" Sabi ko ng pasigaw kay Kent na ngayo'y nasa katawan ko.Kahit siya ay nababalisa rin sa nangyayari. Pinaglalaruan ba kami ngayon tadhana or any sort of witchcraft? Bakit ito nangyayari sa amin?Dahan dahan siyang humakbang papunta sa akin ngunit bago paman siya makalapit ng tuluyan ay muli kong naramdaman ang pag-iba ng aking pananaw. Tinignan ko ang aking sarili at nakita kong nakabalik ulit ako sa aking katawan. Ano itong nangyayari?De bale, baka nagka malfunction lang siguro yung mahika na nararanasan namin ngayon."Mukhang nagka malfunction lang siguro. Sige mauna na ako," sabi ko at naglakad na papalayo. Ngunit sa di
KENT"Hays, ano ba yan Kent! Bakit mo kasi minadali. Dapat, suave lang yun eh. Ayan tuloy, mahihirapan ka na talaga sa susunod," sabi ko sa sarili ko habang nakatutok sa number ni Christine sa cellphone ko. "Tatawagan ko ba siya? Huwag nalang siguro muna."Oo tama, nagpalit kami ng cellphone. Nasa akin pa rin yung cellphone ko kahit na sa katawan na niya ako.Balak ko kasi sana siyang tawagan para magsorry sa nasabi ko kanina. Alam ko rin naman sa sarili ko eh na nagkamali ako doon. Kahit papaano, wala pa rin naman akong karapatan sabihin yun kasi kahit nasa katawan niya ako, sa kaniya pa rin naman 'to.Andami ring nangyari ngayong araw. Ginawa namin lahat para kahit papaano, maging komportable naman kami sa sitwasyon naming ito. Gumawa pa nga siya ng rules eh.Yung pinakauna, dapat di ko daw pwede hawakan yung katawan niya liba
KENTWalang tigil ang pagpatak ng aking pawis. Kasabay nito ang wala ring tigil na pagbuhos ng ulan. Animo'y bumabagyo at kung meron man, kasing lakas ng numero 9 ng electric fan ang hangin na ngayo'y tumatama sa mukha ko.Nasa tuktok ako ng isang bundok ngayon kaharap ang isang higanteng leon. Ang mga pangil niya ay kasing laki ng mga braso ko. Kalahati lang ang katawan ko sa mga paa niya.Gayunpaman, handa akong labanan siya gamit ang maliit na patpat na hawak ko ngayon. Tumatakbo na siya papalapit sa akin at ganon din ako. Nakakabingi ang kanyang sigaw at iyak. Tila gusto na niya akong kainin. Akmang lalamunin na niya ako ngunit napagtigil ang aming labanan ng marinig kong may umaawat sa amin."Huy!" tawag ng isang babae. "Huy, Christine, you are spacing out!" Sabi niya ng pabulong kaya nagtaka ako.Ano raw? Christine?
CHRISTINEHindi ko lubos maisip na nangyayari sa akin 'to ngayon. Hindi ko lubos maisip na ganito kalaki ang mga magiging consequence ng soul swtiching naming ito."Okay ka na?" tanong niya sakin.Kanina pa niya ako tinatanong niyan pero iniirapan ko lang siya. Naiinis ako sa kaniya. Para akong nagpapahiram ng bagay sa kaniya na hindi naman niya kayang alaagan. Ikalawang araw pa lang ng miserableng sitwasyon naming ito pero andami ng mga nangyayari. Hanggang saan pa ba aabot 'to?Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin ako sa kaniya ngayon. Kahit papaano ay bumabawi siya sa akin. Pumayag pa nga siya eh na bumili ako ng napkin kahit nasa katawan niya ako. Sa totoo lang, hindi niya naman ito kasalanan eh. Walang may kasalanan samin nito. Ang tadhana ang siyang may gawa nito."Huy, ayos ka lang?" paguulit niya."Ah, oo.
CHRISTINE"Ang ibig mong sabihin, katulad noong nakaraan ay mag-isa lang din itong nagsulat at gumuhit?" Tanong sakin ni Kent habang sinusuri ang mahiwgang aklat na '11:11.'Nasa library kami ngayon at kasalukuyan naming sinusuri yung aklat. Sandamamak na nga na research ang ginawa ko tunkol sa theory and beliefs ng 11:11 pero ni isa, walang accurate explanation tungkol sa isang shining magical book na nagsusulat mag-isa na hawak pa namin ngayon.Also, I found some facts about soul switching thus, napanuod ko narin yung mga movies na ganon like Kimi no Nawa pero wala din akong makita na any explanation o clues about sa relation nito sa 11:11. In short, we are really clueless of these unbelievable things na pumapalibot sa amin ngayon."I think we should just wait for another miracle then," sabi niya sa akin at nagsmile. Aba, parang gusto pa niyan
CHRISTINEMadilim ang paligid at naghahari ngayon ang dilim subalit nararamdaman ko parin ang matinding pananabik ng mga taong naririto ngayon. Bakas ito sa bulong bulungan na naririnig ko ngayon na animo'y hinihintay na nila ang unti unting pagliwanag ng paligid. At nangyayari na nga aming inaasam asam. Unti unti ng bumubukas ang mga ilaw na ngayon ay nakatutok sa entablado. Nagkaroon ng panandaliang katahimikan sa mga tao habang hinihintay nila na magsalita ang announcer."And our last performer, but definitely not the least, please help me welcome, from St. Luiz High, Mr. Christian Del Rosario," narinig kong sabi ng announcer dahilan para kami lahat ay maghiyawan.Dahan dahan ng lumabas si Kuya mula sa backstage at ngayon ay papunta na siya sa malaking grand piano na nasa gitna ng entablado. Habang naglalakad siya a
KENT2 Years Earlier
CHRISTINE7 Months Later"Hey Christine, wanna party later?" tanong nung kaklase ko.
KENTLabis ang saya ko dahil sa nangyari pero mas masaya ako dahil masaya rin si Christine. Para bang ako yung prinsipe niya at siya naman yung prinsesa at nawala yung sumpa dahil sa true love's kiss.Nasa taxi kami ngayon pauwi sa bahay nila. Kinakailangan ko na siyang ihatid kasi normal na ulit kami at baka mapahamak pa siya."Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na normal na ulit tayo," sabi ni Christine at sumandal siya sa balikat ko.Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti sa mga nangyayari. Kahit ako rin naman ay hindi rin makapaniwala. Ang plano ko lang talaga ngayon ay surpresahin siya sa isang rooftop sa boulevard pero hindi ko akalaing ngayon na kami babalik sa pagiging normal."Ngi, wala pa pala sila mommy," sabi ni Christine habang binubuksan namin yung gate. "Nagtext kasi sila. Nasa police station pa raw. Ewan ko
CHRISTINEIsang araw na ang lumilipas mula nung magkita kami ni Kent. Mas lalo tuloy akong naguguluhan ngayon.Blinock niya ako sa lahat ng social media accounts niya. Cannot be reached na rin ang number niya.May nangyari ba sa kaniya na hindi ko alam? O may nagawa kaya akong mali? Kung puntahan ko kaya siya ngayon sa bahay nila?Agad akong naghanda at nagbihis. Nagluto na rin lang ako ng instant noodles. Maaga kasing umalis sina mommy at daddy kanina at sabi nila'y magtatake out na lang daw sila kaya walang ulam ngayon sa bahay.Akmang aalis na sana ako nang biglang mahuli ng mata ko ang sasakyan namin na ngayon ay pinapark na sa garage. Bumaba na si mommy at sumunod naman si daddy habang bitbit ang dalawang supot.Wala na tuloy akong nagawa kundi umupo nalang muna sa sofa."Halika na a
CHRISTINEMalakas ang simoy ng hangin subalit tila napakagaan nito sa tuwing tumatama ito sa katawan ko. Ang langit ay nababalot ng mga kumukutikutitap na mga bituin habang napapalibutan ang hugis C na buwan. Kung totoo man ang theory na lahat ng mga namatay ay nagiging bituin sa langit, tiyak na masaya
CHRISTINE"San mo ba kasi ako dadalhin?" tanong ko kay Kent. Nasa biyahe kami ngayon pero ni ilaw man lang ay wala akong maaninag dahil sa blindfold na tumatabon sa mga mata ko ngayon.Pero ni isang sagot din ay wala akong narinig mula sa kaniya.
KENTTahimik lang kaming lahat sa mesa habang kumakain. Katabi ko ngayon si Christine, nasa harapan ko naman si Kuya Kyle na katabi din si Dad.“Dad, kailan nga po pala kayo naka-uwi?” tanong ko dahilan para mapatingin silang lahat sa akin. Wala naman sigurong mali sa sinabi ko diba?“Kaninang madaling araw lang anak,” sagot naman ni dad.Sa totoo lang, wala na talaga akong ibang maisip na topic. Sinadya kong kunin yung atensyon nila kasi napansin kong kanina pa pinagmamasdan ni dad si Christine.Alam kong hindi siya kumbinsido sa sinabi ko kanina na magkaibigan lang kami ni Christine. Yun nga lang, magkaibigan ‘pa’ lang talaga kami, tsk.“Bakit? Hindi ka ba masaya na nandito na ulit ako?” tanong niya pa. Ganon ba talaga yung tono ng pananalita ko? Naalala ko kasing yun din y
KENTKanina pa nililibot ng mga mata ko ang sala. Ewan ko ba pero namiss ko rin yung bawat sulok dito sa bahay. Kanina pa rin pala ako naglilibot dito. Pinagmasdan ko yung mga family pictures namin na nakasabit sa pader. Medyo miss ko na rin pala si dad. Hindi sa nagmamayabang pero isa rin ako sa mga paborito niyang anak kaya close talaga kami.Hindi ko na namalayang talumpung minuto na pala akong naghihintay kay Christine na ngayon ay naghahanda pa rin para sa lakad namin. Ang totoo niyan, gusto ko sanang ako nalang yung mag ayos sa sarili ko total magkasama naman kami ngayon pero siya na yung umayaw. Nakakahiya daw kasi sa mga kuya ko na makitang naghihintay siya sa labas ng cr kahit may cr naman talaga sa kwarto ko.Inasar ko pa nga siya na baka gustong gusto niya lang talaga paliguan yung katawan ko at himas himasin yung pagkalalaki ko kaya nasapak niya pa tuloy ako. Sinabih
KENTHindi naman ako nabigo dahil pagdating ko dito ay nakita kong ako lang naman ang naririto ngayon. Sinadya ko talagang pumunta rito ng mas maaga para hindi na ako maabutan ni Kuya Kyle.Agad akong humakbang papalapit sa puntod ni mommy. Unang beses kong makadalaw sa kaniya dito sa katawan ni Christine. Nang makatayo na ako sa tapat ng lapida ay napabuntong hininga muna ako."Hindi po ako sigurado kung nakilala niyo ba ako ngayon o hindi. Pero ako po 'to ma, si Kent," tugon ko sabay ang isang malaking ngiti. Pagkatapos nun, ay minabuti ko munang maupo sa makapal na damo."Happy birthday ma, miss na miss na kita," sabi ko habang inaalis ang mga patay na dahong nakapatong sa lapida. "Marahil ay nagtataka po kayo ngayon kung bakit ako lang mag-isa," sabi ko. Napabuntong hininga muna ako ulit bago ako nagpatuloy sa pagsasalita. "Hindi ko naman po kasing pwede isa