CHRISTINE
"Besh oh, may nagpapaabot na naman sayo," sabi ni Bea at inabot sakin ang isang love letter na punong puno ng glitters.
Yuck! I hate glitters!
Tinignan ko muna yung pangalan ng nagpapadala pero napa buntong hininga na lang ako ng makita ko 'yon.
Seriously? Another stupid love letter from this guy named Kent? Hindi ba talaga siya napapagod sa pagbibigay sa akin ng love letters every week? Ganon na ba talaga siya ka obsessed?
The last time I checked, simula pa nung June nagsusulputan 'tong mga confessions and cheesy letters na 'to, and from different guys. Binubusted ko naman sila ng diretso kaya tumigil. But this Kent guy, hindi talaga siya sumusuko.
It's already February pero heto, padala parin ng padala ng sulat. Hindi ba siya nakaka intindi ng salitang busted? And heto pa ha, hindi ko pa siya nakikita in person. Ni hindi ko alam yung itsura niya.
Halatang torpe.
"Oh, anong sabi?" tanong sakin ni Bea na kanina pa pala nag aabang sa reaksyon ko habang sinusuri yung letter. Nandito lang kami ngayon sa isang bench sa main hallway, habang hinihintay yung mga sundo namin.
"Hindi ko binasa," sagot ko.
Hindi ko naman talaga binabasa 'tong mga sulat na 'to. Tinatapon ko lang diretso sa basurahan.
"Bakit hindi mo subukang basahin? Oh, better yet, bigyan mo siya ng chance," sabi sakin ni Bea pero inirapan ko lang siya. "Alam mo besh, malay natin baka pwede mo siyang maging date sa JS Prom," dagdag pa niya.
"At sino bang nagsabi sayo na kailangan ko ng date?" bulyaw ko.
"Hay nako, bahala ka nga sa buhay mo. Alam mo, buti ka nga eh, may nagkakagusto sayo. It's nice to have someone admiring you kaya. Ako nga eh, nagwiwish ako tuwing 11:11 na sana, manotice na ako ng crush ko," sabi ni Bea.
Seryoso? Nagpapaniwala siya sa mga ganyan? Tatanungin ko na sana siya pero biglang nag beep yung phone niya.
"Oy una na pala ako, na sa gate na daw si kuya, bye besh," sabi ni Bea at kumaway kaway na siya paalis. I checked my phone only to find out na quarter to 6 na pala. What's taking my driver so long? Napa buntong hininga na lamang ako habang naghintay pa ng ilang minuto. Habang naka upo, napa isip ako bigla sa mga sinabi ni Bea.
'It's nice to have someone admiring you'.
Baka nga totoo no? What if bigyan ko kaya ng chance tong Kent guy na to and get to know him? Pero kasi, I'm not into that kind of stuff naman.
Ang tanging goal ko lang ngayon ay mag-aral ng mabuti at makapasok sa Harvard University.
I prefer reading books, and studying. Also, I'm a busy person. Editor-in-Chief ako ng school paper namin kaya palagi talagang tight yung schedule ko. Plus, I prefer being alone. Okay na ako kay Bea.
Madalas na wala ang mga parents ko sa Pilipinas dahil sa mga negosyo namin. Nakasanayan ko na namang tumira mag-isa sa bahay kaya naging ayos lang naman sa akin. Palagi namang sinasabi sakin nila mommy na ipakuha na ako ng mga maids pero nagrerefuse ako. Ayoko kasi ng may mga kasama sa bahay unless they are my parents. Naghihire lang ako ng mga tagalinis at taga grocery sakin every weekends and meron naman akong driver every weekdays.
Chineck ko muli yung phone ko pero laking gulat ko ng makita kong 6:30 na pero hindi pa rin ako sinusundo. Napansin ko ring halos wala ng tao kaya napagpasiyahan ko ng tumayo upang pumunta na sa gate.
Pagdating ko sa gate, agad kong kinuha yung phone ko para tawagan na si Manong Jose, yung driver ko pero napatigil ako nang may narinig akong sumisitsit . Hindi ko nalang iyon pinansin ngunit parang napapansin ko na ako ata yung tinatawag. Lumingon ako sa kaliwa't kanan pero wala namang tao.
"Miss, nandito kami," dinig kong sabi mula sa aking likuran. Lumingon ako at nakita ang apat na lalaki na nakatayo at nakatingin sa akin.
"Hello?" mahina kong sabi. Hindi naman kasi ako sure kung ako ba yung tinawag nilang miss. At hindi ko rin sila namumukhaan. Iba din yung uniform nila sa uniform ng mga lalaki sa school.
"Pauwi ka na? Hatid ka na namin," sabi nung medyo pandak sa kanila. Oh my gosh. I can sense it. Parang may masama silang balak.
"Ah, hehe ayos lang. Kaya ka ko naman. S-sige mauna na ako," agad na akong tumalikod ngunit kinabahan na ako nung hinawakan ako nung isa namang payat.
"Miss, hatid ka nalang kasi namin," giit pa niya.
"Let me go!" Sigaw ko ngunit di pa niya ako pinakawalan.
"Samahan ka na namin miss, tiyak na magugustuhan mo rin yung gagawin namin," sabi nung isa sa kanila
Hinila na nila ako kaya pumalag na ako kaso medyo malakas talaga yung pagkakahawak nila sakin.
"Magpasama ka nalang kasi samin miss para di kana mapasama," sabi nung pandak at tumatawa pa siya.
Pinagtulungan na nila akong hilain na para bang dadalhin na nila ako kung saan. All of their hands were holding me with force.
Pumikit na lang ako at pilit na sumisigaw ng tulong ngunit naramdaman ko ang isang suntok sa bandang sikmura ko kaya't nanghina na ako. Nakarinig pa ako ng isa pang suntok ngunit nagtataka ako kung bakit walang tumama sa akin. Binuksan ko ang aking mga mata at nakita kong may isang lalaking matangkad na pinagsusuntok na yung tatlong lalaki. Yung pandak nalang yung nakahawak sakin.
Nakita kong nasuntok din yung lalaki at napadapa kaya't pumikit nalang ako uli. Nakarinig pa ako ng ilang mga suntok ngunit di ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot nang maramdaman kong wala ng humahawak sakin. Nakarinig pa ako ng ilang mga suntok kaya't napaatras na ako ng dahan dahan.
"Don't you ever harass someone like that, naiintindihan niyo?" Narinig kong may nagsalita.
"O-opo," rinig ko namang sagot ng karamihan. Is this it? Ligtas na ba ako?
Nasesense kong may lumalapit sa akin kaya't kinabahan ulit ako.
"Okay na miss, you can open your eyes now. Ligtas ka na," sabi ng isang baritonong boses na sobrang manly pakinggan. Dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata at nakita ko ang isang matangkad at gwapong lalaking nakatayo sa harapan ko.
"T-thank you," sabi ko ng pautal-utal.
"Are you hurt?" Tanong niya pero parang diko masyadong naitindihan yung sinabi niya. Masyadong occupied pa rin yung isipan ko sa mga nangyari awhile ago.
"H-ha?" Sabi ko nalang.
"Sabi ko, ayos ka lang?" paguulit niya.
"Y-yeah, I'm fine. Thank you talaga. I was really afraid na baka ano nang mangyari sakin kanina. Thanks for saving me," sabi ko at nagsmile.
"Mag-ingat ka kasi sa susunod, okay? Bakit ka ba kasi nag-iisa ngayong madilim na?" tanong niya.
"Ah, ano kasi, I was about to call my driver and ask why he's not here yet kaso yun, may naninitsit na sakin," explain ko sa kaniya.
"Hindi ka pa sinusundo? Should I just take you home?" Tanong niya.
"No, no. It's fine siguro parating na yon," sabi ko naman at perfect timing kasi nakita ko na yung sasakyan. "Nandito na pala yung sundo ko, I shoud get going na,"tugon ko.
"Oh, okay. Mag-iingat ka miss," sabi niya at nagsmile.
Tumakbo naman na ako papunta sa sasakyan at nagwave nalang ng good bye sa kaniya.
Pumasok na ako sa sasakyan at isinira na ang pinto. Dali dali ng umandar and sasakyan at heto naman ako, inaalala parin yung mga nangyari nang bigla kong maalala yung puno't dulo ng lahat ng ito.
"Manong Jose?" tawag ko.
"Po? Ano ho yun ma'am?" sagot naman niya na tila hindi nagets kung bakit ko siya kinausap.
"Bakit antagal niyo po?" tanong ko naman.
"Ah, kasi po papunta na sana ako kaso naubusan ng gas sa daan. Nakalimutan ko po kasi magpagas. Medyo malayo layo rin po kasi yung pinaka malapit ng gasolinahan kaya natagalan po ako sa paglalakad. Tapos naabutan pa po ako ng traffic," pagpapaliwanag naman niya.
"Ah, ganon po ba," sagot ko naman sabay tango.
"Nainip po ba kayo ma'am? Pasensya na po ha. Promise po, hindi na po mauulit," pagsusumamo naman niya kaya natawa nalang ako. Gusto kong magalit kay mang Jose pero 'di ko kaya. Hindi niya namin din kasi sinasadya.
Napaisip muna ako sa mga nangyari. Yun yung mga scenes na nakikita ko sa mga movies kung saan mahahalay yung mga babae. Buti nalang talaga iniligtas ako nung lalaking matangkad.
Kung pasalamatan ko kaya siya by at least giving something? Napaisip pa ako ng mga pwedeng gawin para makapagpasalamat in a sincere way nang may marealize ako bigla.
OMG! Hindi ko pala nakuha yung pangalan niya!
KENTTinatamad na naman akong magbihis. Heto ako ngayon, ayaw pasamahin ni dad sa hapunan hangga't hindi ako nakakapagbihis.Bakit ba kasi?Aangal pa sana ako pero dahil nagugutom na ako, umakyat nalang ako sa kwarto para magbihis.Agad naman akong lumabas pagkatapos kong magpalit. Habang pababa na ako, nakita kong pumasok si Kuya Kyle."Dad, you won't believe what just happened a while ago," sabi niya kay dad pagkatapos magmano."Ano naman yun?" sabi naman ni dad habang tumatawa na parang excited sa sasabihin niya.Naku, ano naman kayang kabalstugan tong ginawa ng kapatid ko. Magsasalita na sana siya kaso nakita niya ako."Huy Kent, halika ikukwento ko rin sayo yung nangyari!" tawag niya sakin. "You should really hear this.""Ano na naman ba yan kuya?" sagot ko at naup
CHRISTINENasa bahay ngayon si Bea at sabay kaming nag-aayos para sa JS Prom. Kami lang dalawa ngayon ang nag-aayos sa isa't isa at hindi na ako kumuha ng stylist kasi ayaw ko rin naman magpaayos sa mga di ko kakilala. Inaayos ngayon ni Bea ang buhok ko at heto naman ako, nakatingin lang sa sarili ko sa salamin at hindi makagalaw."Napakaspecial ng araw na ito no? JS Prom natin tapos February 29 ngayon. Araw na every 4 years lang natin nararanasan," sabi ni Bea pero inirapan ko lang siya. Ano naman ngayon kung leap year? What makes it special?Tatanungin ko na sana siya ng biglang mag beep yung phone ko. Di ko naman maabot kasi na sa kabilang table na medyo malayo sakin."Ako nang kukuha. Wag ka ng gumalaw diyan baka masira pa yang buhok mo," sabi niya sa at kinuha yung phone ko at iniabot sa akin.I'll w
CHRISTINE"Hindi. Hindi talaga! Hindi talaga maari!"Iyon ang mga naisigaw ko sa sarili ko habang paulit-ulit na tinitignan ang imaheng ipinapakita sa akin ng salamin. B-bakit? Bakit si Kent ang nakikita ko? Paulit ulit kong sinasampal ang sarili ko sa pagbabakasakaling panaginip lang ang lahat ng ito.Pero sa bawat sampal ay mas lalo akong kinakabahan ng makita kong pumupula rin ang kaniyang mukha. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko ngunit may biglang sumalin sa aking isipan.Ito ba ang tinatawag nilang switching of places? That freaking body-swap I read in some fictional books? Pero wait! Kung na sa katawan ako ngayon ni Kent, then could it be that...KENT"Imposible".Bulong ko sa sarili matapos kong mapagtanto ang mga maaring nangyayari n
CHRISTINENa sa katawan ni Kent ako ulit!P-pero bakit? Anong nangyari? Kanina lang ay tandang tanda kong nakabalik na ako sa katawan ko!"Anong nangyayari?" Sabi ko ng pasigaw kay Kent na ngayo'y nasa katawan ko.Kahit siya ay nababalisa rin sa nangyayari. Pinaglalaruan ba kami ngayon tadhana or any sort of witchcraft? Bakit ito nangyayari sa amin?Dahan dahan siyang humakbang papunta sa akin ngunit bago paman siya makalapit ng tuluyan ay muli kong naramdaman ang pag-iba ng aking pananaw. Tinignan ko ang aking sarili at nakita kong nakabalik ulit ako sa aking katawan. Ano itong nangyayari?De bale, baka nagka malfunction lang siguro yung mahika na nararanasan namin ngayon."Mukhang nagka malfunction lang siguro. Sige mauna na ako," sabi ko at naglakad na papalayo. Ngunit sa di
KENT"Hays, ano ba yan Kent! Bakit mo kasi minadali. Dapat, suave lang yun eh. Ayan tuloy, mahihirapan ka na talaga sa susunod," sabi ko sa sarili ko habang nakatutok sa number ni Christine sa cellphone ko. "Tatawagan ko ba siya? Huwag nalang siguro muna."Oo tama, nagpalit kami ng cellphone. Nasa akin pa rin yung cellphone ko kahit na sa katawan na niya ako.Balak ko kasi sana siyang tawagan para magsorry sa nasabi ko kanina. Alam ko rin naman sa sarili ko eh na nagkamali ako doon. Kahit papaano, wala pa rin naman akong karapatan sabihin yun kasi kahit nasa katawan niya ako, sa kaniya pa rin naman 'to.Andami ring nangyari ngayong araw. Ginawa namin lahat para kahit papaano, maging komportable naman kami sa sitwasyon naming ito. Gumawa pa nga siya ng rules eh.Yung pinakauna, dapat di ko daw pwede hawakan yung katawan niya liba
KENTWalang tigil ang pagpatak ng aking pawis. Kasabay nito ang wala ring tigil na pagbuhos ng ulan. Animo'y bumabagyo at kung meron man, kasing lakas ng numero 9 ng electric fan ang hangin na ngayo'y tumatama sa mukha ko.Nasa tuktok ako ng isang bundok ngayon kaharap ang isang higanteng leon. Ang mga pangil niya ay kasing laki ng mga braso ko. Kalahati lang ang katawan ko sa mga paa niya.Gayunpaman, handa akong labanan siya gamit ang maliit na patpat na hawak ko ngayon. Tumatakbo na siya papalapit sa akin at ganon din ako. Nakakabingi ang kanyang sigaw at iyak. Tila gusto na niya akong kainin. Akmang lalamunin na niya ako ngunit napagtigil ang aming labanan ng marinig kong may umaawat sa amin."Huy!" tawag ng isang babae. "Huy, Christine, you are spacing out!" Sabi niya ng pabulong kaya nagtaka ako.Ano raw? Christine?
CHRISTINEHindi ko lubos maisip na nangyayari sa akin 'to ngayon. Hindi ko lubos maisip na ganito kalaki ang mga magiging consequence ng soul swtiching naming ito."Okay ka na?" tanong niya sakin.Kanina pa niya ako tinatanong niyan pero iniirapan ko lang siya. Naiinis ako sa kaniya. Para akong nagpapahiram ng bagay sa kaniya na hindi naman niya kayang alaagan. Ikalawang araw pa lang ng miserableng sitwasyon naming ito pero andami ng mga nangyayari. Hanggang saan pa ba aabot 'to?Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin ako sa kaniya ngayon. Kahit papaano ay bumabawi siya sa akin. Pumayag pa nga siya eh na bumili ako ng napkin kahit nasa katawan niya ako. Sa totoo lang, hindi niya naman ito kasalanan eh. Walang may kasalanan samin nito. Ang tadhana ang siyang may gawa nito."Huy, ayos ka lang?" paguulit niya."Ah, oo.
CHRISTINE"Ang ibig mong sabihin, katulad noong nakaraan ay mag-isa lang din itong nagsulat at gumuhit?" Tanong sakin ni Kent habang sinusuri ang mahiwgang aklat na '11:11.'Nasa library kami ngayon at kasalukuyan naming sinusuri yung aklat. Sandamamak na nga na research ang ginawa ko tunkol sa theory and beliefs ng 11:11 pero ni isa, walang accurate explanation tungkol sa isang shining magical book na nagsusulat mag-isa na hawak pa namin ngayon.Also, I found some facts about soul switching thus, napanuod ko narin yung mga movies na ganon like Kimi no Nawa pero wala din akong makita na any explanation o clues about sa relation nito sa 11:11. In short, we are really clueless of these unbelievable things na pumapalibot sa amin ngayon."I think we should just wait for another miracle then," sabi niya sa akin at nagsmile. Aba, parang gusto pa niyan
KENT2 Years Earlier
CHRISTINE7 Months Later"Hey Christine, wanna party later?" tanong nung kaklase ko.
KENTLabis ang saya ko dahil sa nangyari pero mas masaya ako dahil masaya rin si Christine. Para bang ako yung prinsipe niya at siya naman yung prinsesa at nawala yung sumpa dahil sa true love's kiss.Nasa taxi kami ngayon pauwi sa bahay nila. Kinakailangan ko na siyang ihatid kasi normal na ulit kami at baka mapahamak pa siya."Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na normal na ulit tayo," sabi ni Christine at sumandal siya sa balikat ko.Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti sa mga nangyayari. Kahit ako rin naman ay hindi rin makapaniwala. Ang plano ko lang talaga ngayon ay surpresahin siya sa isang rooftop sa boulevard pero hindi ko akalaing ngayon na kami babalik sa pagiging normal."Ngi, wala pa pala sila mommy," sabi ni Christine habang binubuksan namin yung gate. "Nagtext kasi sila. Nasa police station pa raw. Ewan ko
CHRISTINEIsang araw na ang lumilipas mula nung magkita kami ni Kent. Mas lalo tuloy akong naguguluhan ngayon.Blinock niya ako sa lahat ng social media accounts niya. Cannot be reached na rin ang number niya.May nangyari ba sa kaniya na hindi ko alam? O may nagawa kaya akong mali? Kung puntahan ko kaya siya ngayon sa bahay nila?Agad akong naghanda at nagbihis. Nagluto na rin lang ako ng instant noodles. Maaga kasing umalis sina mommy at daddy kanina at sabi nila'y magtatake out na lang daw sila kaya walang ulam ngayon sa bahay.Akmang aalis na sana ako nang biglang mahuli ng mata ko ang sasakyan namin na ngayon ay pinapark na sa garage. Bumaba na si mommy at sumunod naman si daddy habang bitbit ang dalawang supot.Wala na tuloy akong nagawa kundi umupo nalang muna sa sofa."Halika na a
CHRISTINEMalakas ang simoy ng hangin subalit tila napakagaan nito sa tuwing tumatama ito sa katawan ko. Ang langit ay nababalot ng mga kumukutikutitap na mga bituin habang napapalibutan ang hugis C na buwan. Kung totoo man ang theory na lahat ng mga namatay ay nagiging bituin sa langit, tiyak na masaya
CHRISTINE"San mo ba kasi ako dadalhin?" tanong ko kay Kent. Nasa biyahe kami ngayon pero ni ilaw man lang ay wala akong maaninag dahil sa blindfold na tumatabon sa mga mata ko ngayon.Pero ni isang sagot din ay wala akong narinig mula sa kaniya.
KENTTahimik lang kaming lahat sa mesa habang kumakain. Katabi ko ngayon si Christine, nasa harapan ko naman si Kuya Kyle na katabi din si Dad.“Dad, kailan nga po pala kayo naka-uwi?” tanong ko dahilan para mapatingin silang lahat sa akin. Wala naman sigurong mali sa sinabi ko diba?“Kaninang madaling araw lang anak,” sagot naman ni dad.Sa totoo lang, wala na talaga akong ibang maisip na topic. Sinadya kong kunin yung atensyon nila kasi napansin kong kanina pa pinagmamasdan ni dad si Christine.Alam kong hindi siya kumbinsido sa sinabi ko kanina na magkaibigan lang kami ni Christine. Yun nga lang, magkaibigan ‘pa’ lang talaga kami, tsk.“Bakit? Hindi ka ba masaya na nandito na ulit ako?” tanong niya pa. Ganon ba talaga yung tono ng pananalita ko? Naalala ko kasing yun din y
KENTKanina pa nililibot ng mga mata ko ang sala. Ewan ko ba pero namiss ko rin yung bawat sulok dito sa bahay. Kanina pa rin pala ako naglilibot dito. Pinagmasdan ko yung mga family pictures namin na nakasabit sa pader. Medyo miss ko na rin pala si dad. Hindi sa nagmamayabang pero isa rin ako sa mga paborito niyang anak kaya close talaga kami.Hindi ko na namalayang talumpung minuto na pala akong naghihintay kay Christine na ngayon ay naghahanda pa rin para sa lakad namin. Ang totoo niyan, gusto ko sanang ako nalang yung mag ayos sa sarili ko total magkasama naman kami ngayon pero siya na yung umayaw. Nakakahiya daw kasi sa mga kuya ko na makitang naghihintay siya sa labas ng cr kahit may cr naman talaga sa kwarto ko.Inasar ko pa nga siya na baka gustong gusto niya lang talaga paliguan yung katawan ko at himas himasin yung pagkalalaki ko kaya nasapak niya pa tuloy ako. Sinabih
KENTHindi naman ako nabigo dahil pagdating ko dito ay nakita kong ako lang naman ang naririto ngayon. Sinadya ko talagang pumunta rito ng mas maaga para hindi na ako maabutan ni Kuya Kyle.Agad akong humakbang papalapit sa puntod ni mommy. Unang beses kong makadalaw sa kaniya dito sa katawan ni Christine. Nang makatayo na ako sa tapat ng lapida ay napabuntong hininga muna ako."Hindi po ako sigurado kung nakilala niyo ba ako ngayon o hindi. Pero ako po 'to ma, si Kent," tugon ko sabay ang isang malaking ngiti. Pagkatapos nun, ay minabuti ko munang maupo sa makapal na damo."Happy birthday ma, miss na miss na kita," sabi ko habang inaalis ang mga patay na dahong nakapatong sa lapida. "Marahil ay nagtataka po kayo ngayon kung bakit ako lang mag-isa," sabi ko. Napabuntong hininga muna ako ulit bago ako nagpatuloy sa pagsasalita. "Hindi ko naman po kasing pwede isa