CHRISTINE
Hindi ko lubos maisip na nangyayari sa akin 'to ngayon. Hindi ko lubos maisip na ganito kalaki ang mga magiging consequence ng soul swtiching naming ito.
"Okay ka na?" tanong niya sakin.
Kanina pa niya ako tinatanong niyan pero iniirapan ko lang siya. Naiinis ako sa kaniya. Para akong nagpapahiram ng bagay sa kaniya na hindi naman niya kayang alaagan. Ikalawang araw pa lang ng miserableng sitwasyon naming ito pero andami ng mga nangyayari. Hanggang saan pa ba aabot 'to?
Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin ako sa kaniya ngayon. Kahit papaano ay bumabawi siya sa akin. Pumayag pa nga siya eh na bumili ako ng napkin kahit nasa katawan niya ako. Sa totoo lang, hindi niya naman ito kasalanan eh. Walang may kasalanan samin nito. Ang tadhana ang siyang may gawa nito.
"Huy, ayos ka lang?" paguulit niya.
"Ah, oo. Maraming salamat nga pala ha," sabi ko naman sa kaniya.
"Wala yun. Kasalanan ko naman eh. Hindi ko kaagad na realize yung ano...yung alam mo na," sabi niya at ngumiti sabay kamot sa ulo.
Gwapo naman pala siya pag nagiging humble. Manyakis lang talaga minsan.
"Ako nga dapat ang magpasalamat sayo dahil sa ginawa mo sa math class ko eh," pagpapatuloy niya. "Siguradong malilipat na ako sa first section nun."
Napatawa naman kaming dalawa sa sinabi niya. Pagkatapos kong mag-ayos ay di na kami bumalik sa school at nagpasya nalang kaming pumunta sa mall. 30 minutes nalang naman at mag a alas 5 na. Natatawa ako kay kent kasi panay ang panonood niya ng 'Things to Remember if you're a Girl' sa youtube habang nasa taxi kami. Pagdating namin sa mall, sinamahan ko siya sa mga nagbebenta ng make up at tinuruan ko siya ng mga basics. I want him to at least learn kung pano mag-ayos.
"Bakit kailangan ko pang malaman 'to babe?" Tanong niya habang inaaplyan ako ng make up.
Hindi na ako nakasagot kasi biglang sumingit yung sales lady.
"Nako sir, huwag na kayong magtanong. Sundin niyo nalang po yung girlfriend niyo," sabi nang sales lady na ikinainis ko.
"Excuse me, hindi niya ako girlfriend no!" sabi ko sa sales lady sabay kurot kay Kent. "Ikaw kasi eh! Huwag mo nga akong tinatawag na babe!" sabi ko sa kaniya at itinulak siya papalayo. Hindi ko namalayang natulak ko pala siya ng malakas kaya tuluyan siyang napalayo sa akin dahilan para magkapalit kami ng katawan.
Ouch! Ako tuloy yung nasaktan. Nakita ko naman ngayon si Kent sa katawan ko na tumatawa.
"Joke lang yun miss! Girlfriend niya talaga ako haha," sabi niya sa sales lady nung nasa katawan ko na siya. Hays Kainis.
Hindi ko na namalayan na lumipas na pala ang isang oras. Nasa food court kami ngayon ni Kent nagmemeryenda.
"Christine?" Tawag niya.
"Hmmm?" Sagot ko naman habang nginunguya 'tong burger ngayon sa bibig ko. Hays, mas masarap pa rin talaga kumain ng marami sa sarili mong katawan.
"Marunong kang gumitara?" Tanong niya.
"Nope, bakit?"
"Piano?"
"Hindi rin."
"Kahit anong musical instruments?"
"Nah. Walang akong alam tugtugin na kahit anong instrument but I know a little bit about Music Theory like how the terms and how Do Re Mi Fa So La Ti Do works," sagot ko naman. "Bakit ba kasi?"
"Wala lang," sagot naman niya at nagpatuloy ng kumain.
_
"Pasok," sabi ko naman.
Dahan dahan na bumukas ang pinto. Lumingon naman ako para tignan kung sino iyon ngunit nagulat ako kung sino ang aking nakita.
Katulad ng dati ay suot niya parin yung uniform na may mahabang manggas at vest na kulay gray.
S-siya yung nagligtas sakin dati! B-bakit siya nandito?
"Woah, kakaiba ka ngayon Kent ha. You don't usually respond pag may kumakatok sa pintuan mo. You just wait for us to give up and finally open up the door without your consent," sabi niya pero tulala lang ako. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit siya nandito.
"Oh, bakit wala kang imik jan?" Tanong niya kaya natauhan ako. "Nawala lang ng 2 araw yung kuya mo, di mo na ako pinapansin."
Kuya siya ni Kent? Pero imposible!
"Sorry kuya, may iniisip lang ako," pagpapalusot ko naman. Kung magrerespond siya sa sinabi ko, ibig sabihin kuya nga siya ni Kent.
"Hay nako. Stress ka na naman little bro. Alam mo, mabuti pa kumain tayo sa labas. My treat," sabi naman niya. So tama nga! Kapatid siya ni Kent! What a small world!
Pero napagusapan na namin ni Kent na as much as possible, iaavoid namin ang ganitong mga sitwasyon. Iiwasan niya ang mga kaclose ko, at iiwasan ko naman ang mga kaclose niya kasi mahirap na lalo't wala kaming alam kung sakaling may ibrought up silang topic.
"Ah, b-busog pa ako kuya eh," sabi ko nalang.
"Weh? Busog ka jan! Kakauwi mo pa nga lang eh. Tara na kasi, bawi na nga lang ako oh kasi di kita nakasama for 2 days," sabi naman niya kaya napatulala nalang ako kasi hindi ko na alam yung gagawin ko.
Hindi ko na namalayan na nasa isang buffet restaurant na pala kami at ngayon ay kumakain na.
Tama! Hindi na lang ako iimik para iwas disgrasya.
Habang kumakain siya, palihim akong tumingin sa kaniya. Ang gwapo niya talaga. At tama, medyo magkahawig nga sila ni Kent. Medyo mas singkit lang siya ng kakaunti at mas mature yung pangangatawan niya.
"Oo nga pala bro, remember that girl from your school na niligtas ko before?" Tanong niya bigla.
OMG! Is he talking about me? So, ibig sabihin, nabanggit niya na pala yun kay Kent? But did Kent already know that it was me?
"Uhm, yeah. The girl with the 4 guys?" sabi ko naman.
"Yeah, yun nga," sabi naman niya.
So ako nga talaga yung ibig niyang sabihin!
"Bakit?" curious kong tanong.
"By any chance, do you have any idea kung sino siya?" tanong niya kaya napayuko ako.
Hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya. Mas ikakagulo lang ito ng mga pangyayari. Kent and I still has a lot of things to solve and settle. Ayos na siguro yung napatumba niya yung mga yun.
"W-wala eh," sabi ko nalang.
_
Patuloy lang ako sa pagscroll sa facebook. Sinusubukan kong istalk ngayon si Kent. Para naman at least makakuha ako ng ideas sa kung paano maging siya. Wala naman siyang masyadong family pictures. Kadalasan puro selflies niya lang at puro pacute. Pero napatigil ako sa pagscroll ng makita ko ang isang album na naglalaman ng mga pictures niya na nagpeperform with a guitar.
Is he a band guitarist? Nakatingin ako sa litrato niya at bigla kong naalala yung sabi sakin ni Bea na kahit na sa last sectioin daw si Kent, nageexcel naman daw siya sa exrta curricular activities. Baka nga, guitarista talaga siya.
Nakita ko naman ang isa pang picture kung saan nakasuot siya ng suit habang nasa isang entablado at tumtugtog ng isang grand piano.
Baka recital niya 'to sa piano school. Nagpatuloy pa ako sa pagscroll ngunit nanindig ang aking mga balahibo sa aking sunod na nakita. Isang picture kung saan makikita mo si Kent na nagpapainting ng isang portrait ng isang babaeng napakaganda. Sino kaya siya?
Habang nakatingin ako sa mga litarto niya, hindi ko lubos maisip na napakatalented pala ni Kent. Tama nga sila. Hindi lahat ng tao nageexcel academically. Others have numerous talents at isa si Kent dun. No wonder na andaming nagkakagusto sa kaniya. Hindi lang pala sa looks niya but also because of his skills.
Habang nagbrobrowse ako, bigla na lang may nagtext.
Kita mo yung guitar malapit sa mesa jan? Kindly bring it tomorrow:) - Message received from Most_Annoying_Person, 11:06 PM.
Hindi ko alam kung bakit niya ipapadala sakin yun pero nagreply nalang ako ng okay.
Hindi ko rin alam pero nararamdaman kong mas magiging hectic yung situation namin bukas.
"Mukhang kailangan ko ng magpahinga," sabi ko sa sarili ko kaya ibinaba ko na ang phone ko sa mini table malapit sa kama. Akmang pipikit na sana ako ngunit nakarinig ako ng tunog ng isang aklat na parang nagpapage turn. Tumingin ako doon sa malaking mesa kung saan parang doon nanggagaling ang tunog at laking gulat ko ng makita ang mahiwagang aklat na muling nagliliwanag.
Natakot ako kung kaya't dahan dahan ko itong nilapitan. Mas nagulat ako ng may nabubuo muling isang sketch na tila pamilyar sa akin sa bago na namang page.
"K-kanina yan ah," saad ko sa sarili ko ng mapagtanto ko kung ano yung nabubuong sketch.
Yun yung scene kanina nung nasa make up store kami ni Kent at nilalagyan niya ako ng make up. Bakas sa larawan ang pagtawa naming dalawa.
Agad ko itong kinuha at sinuri ngunit nabitawan ko ito ng nakita ko pang may namumuong mga salita sa ibabaw nito. Nang matapos na ito sa pagsusulat, dahan dahan ko itong nilapitan at binasa ko ang dalawang salitang nabuo sa ibabaw ng sketch.
Nung una ay malabo pa ito ngunit dahan dahan ko ring nabasa ang mga salitang 'Ikalawang araw.'
CHRISTINE"Ang ibig mong sabihin, katulad noong nakaraan ay mag-isa lang din itong nagsulat at gumuhit?" Tanong sakin ni Kent habang sinusuri ang mahiwgang aklat na '11:11.'Nasa library kami ngayon at kasalukuyan naming sinusuri yung aklat. Sandamamak na nga na research ang ginawa ko tunkol sa theory and beliefs ng 11:11 pero ni isa, walang accurate explanation tungkol sa isang shining magical book na nagsusulat mag-isa na hawak pa namin ngayon.Also, I found some facts about soul switching thus, napanuod ko narin yung mga movies na ganon like Kimi no Nawa pero wala din akong makita na any explanation o clues about sa relation nito sa 11:11. In short, we are really clueless of these unbelievable things na pumapalibot sa amin ngayon."I think we should just wait for another miracle then," sabi niya sa akin at nagsmile. Aba, parang gusto pa niyan
CHRISTINEMadilim ang paligid at naghahari ngayon ang dilim subalit nararamdaman ko parin ang matinding pananabik ng mga taong naririto ngayon. Bakas ito sa bulong bulungan na naririnig ko ngayon na animo'y hinihintay na nila ang unti unting pagliwanag ng paligid. At nangyayari na nga aming inaasam asam. Unti unti ng bumubukas ang mga ilaw na ngayon ay nakatutok sa entablado. Nagkaroon ng panandaliang katahimikan sa mga tao habang hinihintay nila na magsalita ang announcer."And our last performer, but definitely not the least, please help me welcome, from St. Luiz High, Mr. Christian Del Rosario," narinig kong sabi ng announcer dahilan para kami lahat ay maghiyawan.Dahan dahan ng lumabas si Kuya mula sa backstage at ngayon ay papunta na siya sa malaking grand piano na nasa gitna ng entablado. Habang naglalakad siya a
KENTOkay, fine. Truth be told? Medyo nagulat ako dun sa sinabi ni Christine na upcoming performance pero pinilit kong huwag yun ipahalata sa kaniya."Halika, may ipaparinig ako sayong kanta," paguulit ko. Bakas sa mga mata ni Christine na para bang nagdadalawang-isip siya. Tahimik lang kami ng mga ilang segundo habang nakangiti ako sa kaniya pero kalaunan ay nagsalita rin siya."Ayoko," saad niya tsaka umalis. Mabilis siyang naglakad papalayo dahilan para makabalik na ako sa katawan niya. Sandali akong lumingon kay Christine na ngayon ay nasa katawan ko na. Walang kang emosyon na makikita sa kaniya ngayon. Kinuha niya lang yung guitar case tsaka isinilid na yung guitar._Alas 5 na at ngayon ay nasa bench ulit ako kung saan kami huling nagkita ni Christine kanina. Balak ko sanang humingi ng sor
CHRISTINEHindi halata sa pangangatawan nitong kuya ni Kent pero mukhang pagkain talaga ang most favorite thing nito because guess what? Nandito na kami ngayon sa isang 5 star restaurant. Matapos niya kasing malaman na may kasama daw si Kent na 'girlfriend,' agad siyang nagsuggest na kumain daw kami sa labas since wala pa naman daw kaming dinner.Agad din naman namin siyang sinabihan ni Kent na wala naman kaming relasyon pero ewan ko rin ba kung naniniwala 'tong si Kyle.Tahimik lang din kami sa buong biyahe papunta dito. Well, hindi naman talaga 100% tahimik kasi ang daldal ni Kyle pero Kent and I just didn't respond to anything that he said kaya tumahimik nalang din siya. Hindi pa nga niya nababanggit na niligtas niya ako dati eh."So kailan pa naging kayo?" Biglang tanong ni Kyle at tinuro kaming dalawa ni Kent. Magkatabi kasi kami ngay
CHRISTINE"So you mean to say na lumikha ulit ng sketch yung aklat at yung sketch na yun ay yung scene kung kailan niyakap kita sa awards museum? At may nakalagaw na ikatlong araw" Tanong ni Kent habang panay sa pag kain ng ice cream. Nandito kami ngayon sa isang bench sa school park. Yung lugar kung saan ko siya unang nakita in person."Oo nga! Paulit ulit?" naiinis kong sumbat sa kaniya. Pang-apat na beses na niya ata tinanong sa akin yun."Eh hindi ko kasi mavisualize sa isip ko eh. Is it my fault na nakalimutan mong dalhin yung aklat?" Sabi niya pero inirapan ko lang siya. Well, hindi sa nakalimutan kong dalhin yung aklat. Sinadya ko talagang iwan yun. Ayoko kasing makita niyang nakasmile ako nun habang niyakap niya ako. Baka ano pang isipin niya! I was just really happy that time kasi may nagcomfort sa akin. That's it. Pe
CHRISTINE"Inumin mo na yan tsaka magpahinga ka na muna," tugon ko kay Kent na ngayon ay parang nag-aalab sa sobrang init.Kaagad naman niyang kinuha yung paracetamol tsaka ininom kasabay ang tubig. Nasa kwarto na kami ngayon sa bahay ko. Dito na muna kami dumiretso kasi basang basa talaga kami kanina. Kaso pagdating namin dito, bigla nalang nilagnat si Kent kaya nakahiga lang siya ngayon sa kama at bakas sa kaniyang mukha ang pagdurusa ngayon dahil sa sobrang init niya. Mabuti nalang at kasya naman sa kaniya yung iilang damit ni kuya kaya yun na muna ang ipinahiram ko sa kaniya."Mag-init ka na lang ng tubig sa baba para mapunasan kita," sabi ko sa kaniya. Ang gusto kong iparating ay magpalit na muna kami ng katawan at siya nalang ang mag-init ng tubig sa labas total ayos lang naman ako."Ayoko," sabi niya lang at pumikit."Aba
CHRISTINEHindi ako mapakali ngayon habang sinasagutan ang bawat item ng exam ngayon. Hindi dahil mahirap ito kundi dahil nag-aalala ako ngayon kay Kent. Sigurado akong nahihirapan siya ngayon sa mga questions. Pano na yung magiging score ko nito? Hindi pa naman siya nakapagreview dahil nilagnat siya kagabi.Mabilis na tumakbo ang oras at ngayon ay lunch break na. Out of 9 subjects ay natapos na ang limang subjects. Ibig sabihin, may 4 pa kaming exams na dapat tapusin. Mabilis akong pumunta sa cafeteria para hanapin si Kent pero bigo akong makita ang sarili kong katawan kaya agad ko siyang tinext kong asan siya.Wer r u right now? - Message sent to Most_annoying_person, 11:47AMIlang minuto na ang lumipas pero wala pa rin akong reply na natanggap mula sa kaniya. Sinubukan ko na rin siyang tawag
KENTSabado na ngayon at dalawang araw na rin ang nakalipas mula nung nagkaroon ng semi final exams. Wala namang masyadong nangyari nung sumunod na mga araw. Nagpiano lessons lang kami ni Christine pagkatapos ng klase. Bilib talaga ako sa kaniya kasi ang bilis niyang matuto. Kaso hanggang ngayon, hindi pa rin siya nakakapili ng kantang tutugtugin kaya sa pagbabasa ng nota at mga simpleng piano chords lang muna yung itinuro ko sa kaniya.Dahil weekend naman, nasa bahay lang ako ni Christine ngayon at tinutulungan ang mga hired na taga-linis niya tuwing weekend. Abala sa paglilinis ang lahat habang yung iba naman ay inaasikaso yung garden."Ma'am Christine, narito na po yung groceries," sabi ni Aling Flore habang tinutulungan yung dalawang kasambahay na kagagaling lang sa grocery store. Napag-alaman kong siya pala ang pinaka pinagkakatiwalaan ni Christine na kasam
KENT2 Years Earlier
CHRISTINE7 Months Later"Hey Christine, wanna party later?" tanong nung kaklase ko.
KENTLabis ang saya ko dahil sa nangyari pero mas masaya ako dahil masaya rin si Christine. Para bang ako yung prinsipe niya at siya naman yung prinsesa at nawala yung sumpa dahil sa true love's kiss.Nasa taxi kami ngayon pauwi sa bahay nila. Kinakailangan ko na siyang ihatid kasi normal na ulit kami at baka mapahamak pa siya."Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na normal na ulit tayo," sabi ni Christine at sumandal siya sa balikat ko.Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti sa mga nangyayari. Kahit ako rin naman ay hindi rin makapaniwala. Ang plano ko lang talaga ngayon ay surpresahin siya sa isang rooftop sa boulevard pero hindi ko akalaing ngayon na kami babalik sa pagiging normal."Ngi, wala pa pala sila mommy," sabi ni Christine habang binubuksan namin yung gate. "Nagtext kasi sila. Nasa police station pa raw. Ewan ko
CHRISTINEIsang araw na ang lumilipas mula nung magkita kami ni Kent. Mas lalo tuloy akong naguguluhan ngayon.Blinock niya ako sa lahat ng social media accounts niya. Cannot be reached na rin ang number niya.May nangyari ba sa kaniya na hindi ko alam? O may nagawa kaya akong mali? Kung puntahan ko kaya siya ngayon sa bahay nila?Agad akong naghanda at nagbihis. Nagluto na rin lang ako ng instant noodles. Maaga kasing umalis sina mommy at daddy kanina at sabi nila'y magtatake out na lang daw sila kaya walang ulam ngayon sa bahay.Akmang aalis na sana ako nang biglang mahuli ng mata ko ang sasakyan namin na ngayon ay pinapark na sa garage. Bumaba na si mommy at sumunod naman si daddy habang bitbit ang dalawang supot.Wala na tuloy akong nagawa kundi umupo nalang muna sa sofa."Halika na a
CHRISTINEMalakas ang simoy ng hangin subalit tila napakagaan nito sa tuwing tumatama ito sa katawan ko. Ang langit ay nababalot ng mga kumukutikutitap na mga bituin habang napapalibutan ang hugis C na buwan. Kung totoo man ang theory na lahat ng mga namatay ay nagiging bituin sa langit, tiyak na masaya
CHRISTINE"San mo ba kasi ako dadalhin?" tanong ko kay Kent. Nasa biyahe kami ngayon pero ni ilaw man lang ay wala akong maaninag dahil sa blindfold na tumatabon sa mga mata ko ngayon.Pero ni isang sagot din ay wala akong narinig mula sa kaniya.
KENTTahimik lang kaming lahat sa mesa habang kumakain. Katabi ko ngayon si Christine, nasa harapan ko naman si Kuya Kyle na katabi din si Dad.“Dad, kailan nga po pala kayo naka-uwi?” tanong ko dahilan para mapatingin silang lahat sa akin. Wala naman sigurong mali sa sinabi ko diba?“Kaninang madaling araw lang anak,” sagot naman ni dad.Sa totoo lang, wala na talaga akong ibang maisip na topic. Sinadya kong kunin yung atensyon nila kasi napansin kong kanina pa pinagmamasdan ni dad si Christine.Alam kong hindi siya kumbinsido sa sinabi ko kanina na magkaibigan lang kami ni Christine. Yun nga lang, magkaibigan ‘pa’ lang talaga kami, tsk.“Bakit? Hindi ka ba masaya na nandito na ulit ako?” tanong niya pa. Ganon ba talaga yung tono ng pananalita ko? Naalala ko kasing yun din y
KENTKanina pa nililibot ng mga mata ko ang sala. Ewan ko ba pero namiss ko rin yung bawat sulok dito sa bahay. Kanina pa rin pala ako naglilibot dito. Pinagmasdan ko yung mga family pictures namin na nakasabit sa pader. Medyo miss ko na rin pala si dad. Hindi sa nagmamayabang pero isa rin ako sa mga paborito niyang anak kaya close talaga kami.Hindi ko na namalayang talumpung minuto na pala akong naghihintay kay Christine na ngayon ay naghahanda pa rin para sa lakad namin. Ang totoo niyan, gusto ko sanang ako nalang yung mag ayos sa sarili ko total magkasama naman kami ngayon pero siya na yung umayaw. Nakakahiya daw kasi sa mga kuya ko na makitang naghihintay siya sa labas ng cr kahit may cr naman talaga sa kwarto ko.Inasar ko pa nga siya na baka gustong gusto niya lang talaga paliguan yung katawan ko at himas himasin yung pagkalalaki ko kaya nasapak niya pa tuloy ako. Sinabih
KENTHindi naman ako nabigo dahil pagdating ko dito ay nakita kong ako lang naman ang naririto ngayon. Sinadya ko talagang pumunta rito ng mas maaga para hindi na ako maabutan ni Kuya Kyle.Agad akong humakbang papalapit sa puntod ni mommy. Unang beses kong makadalaw sa kaniya dito sa katawan ni Christine. Nang makatayo na ako sa tapat ng lapida ay napabuntong hininga muna ako."Hindi po ako sigurado kung nakilala niyo ba ako ngayon o hindi. Pero ako po 'to ma, si Kent," tugon ko sabay ang isang malaking ngiti. Pagkatapos nun, ay minabuti ko munang maupo sa makapal na damo."Happy birthday ma, miss na miss na kita," sabi ko habang inaalis ang mga patay na dahong nakapatong sa lapida. "Marahil ay nagtataka po kayo ngayon kung bakit ako lang mag-isa," sabi ko. Napabuntong hininga muna ako ulit bago ako nagpatuloy sa pagsasalita. "Hindi ko naman po kasing pwede isa