Share

Chapter 14

Author: IamManuelll
last update Huling Na-update: 2020-08-01 14:30:01

CHRISTINE

"Inumin mo na yan tsaka magpahinga ka na muna," tugon ko kay Kent na ngayon ay parang nag-aalab sa sobrang init.

Kaagad naman niyang kinuha yung paracetamol tsaka ininom kasabay ang tubig. Nasa kwarto na kami ngayon sa bahay ko. Dito na muna kami dumiretso kasi basang basa talaga kami kanina. Kaso pagdating namin dito, bigla nalang nilagnat si Kent kaya nakahiga lang siya ngayon sa kama at bakas sa kaniyang mukha ang pagdurusa ngayon dahil sa sobrang init niya. Mabuti nalang at kasya naman sa kaniya yung iilang damit ni kuya kaya yun na muna ang ipinahiram ko sa kaniya.

"Mag-init ka na lang ng tubig sa baba para mapunasan kita," sabi ko sa kaniya. Ang gusto kong iparating ay magpalit na muna kami ng katawan at siya nalang ang mag-init ng tubig sa labas total ayos lang naman ako.

"Ayoko," sabi niya lang at pumikit.

"Aba, ikaw na nga 'tong binibigyan ko ng favor eh. Tinatamad ka bumaba? Sorry ha, hindi ko kasi kakayanin na ako pa mismo ang gagawa nun pagnagkapalit tayo ng katawan knowing na mafefeel ko ang lagnat mo," pagsusungit ko sa kaniya. Akmang tatayo na sana ako pero bigla niyang hinila ang braso ko dahilan para mapalapit ako sa kaniya ng husto.

"Kaya nga eh. Huwag kang aalis sa tabi ko para 'di mo maexperience 'tong lagnat. Ayos lang ako," tugon niya at ngumiti sa akin dahilan para maistatwa ako ngayon sa posisyon ko. Nakahiga siya ngayon at tinititigan ako habang nakaupo sa kama. "Please? Ayoko lang kasi maramdaman mo 'tong lagnat ko pagnagkapalit tayo ng katawan," dagdag pa niya at pilit na inaabot ang buhok ko para tapikin.

Bigla na lamang tumibok ng malakas ang puso ko dahil sa sinabi at ginawa niya na animo'y nakikipagkarera ito sa isang matulin na sasakyan.

"Sige na nga, dito lang ako sa tabi mo," sabi ko nalang at lumayo ng konti sa kaniya. Pagkatapos nun ay ngumiti lang siya sa akin at pumikit na muli.

Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na pagmasdan ngayon ang hubog ng maginoo niyang mukha. Hindi ko rin alam kung bakit pero napangiti na pala ako habang pinagmamasdan siya ngayon na tila natutulog na ng mahimbing.

Bigla ko tuloy naisip yung sitawasyon namin? Hanggang kailan pa ba namin susuungin ito? Sa tuwing magkalayo kami, ang weird ng lahat. Pero sa tuwing magkalapit kami, yung literal na magkalapit, animo'y nagiging normal ang lahat. Malalim na pala ang gabi pero pansin kong wala pa ring tigil ang pagbuhos ng ulan sa labas. Siguro bukas nalang ako mageexplain kay Kyle kung bakit di ako nakauwi ngayon. Siguradong nagaalala na yun kay Kent.

Inabot ko ang aking cellphone ngayon para magfacebook sana pero bigla na lamang umilaw ang mahiwagang aklat. Sa totoo lang, kaya pa ako hindi natutulog ngayon kasi hinihintay ko talaga ang muling pagliwanag nito. At hindi naman ako nabigo kasi katulad ng dati ay muli nga itong nagliwanag. Agad ko itong nilapitan. Medyo malapit lang naman ang mesa sa kama kaya hindi naman kami nagkapalit ng katawan ni Kent. Dahan dahang may namumuong sketch sa aklat at katulad ng dati ay may nakasulat muling mga salita sa ibabaw nito.

Nabuo ang mga salitang ikaapat na araw sa ibabaw ng sketch na hindi ko naman ikinagulat kasi inaasahan ko na ito. Subalit, ang bagay na nagbigay sa akin ng kaba at gulat ay ang sketch na nabuo ngayon.

Ito yung scene na nadapa kami ni Kent kanina dahilan para bumagsak kaming dalawa sa lupa habang ako naman ay bumagsag sa dibdib niya.

_

Nagising nalang ako mula sa maingay na tunog ng alarm clock na para bang inuutusan ako nitong bumangon na.

"5:00 na pala," bulong ko sa sarili ko. Medyo matagal tagal na rin pala mula nung maramdaman kong magising sa sarili kong katawan. Lumingon ako kay Kent na ngayon ay mahimbing paring natutulog. Inilapat ko ang aking kamay sa noo niya at laking tuwa ko ng malaman kong hindi na siya mainit. Pero nagulat na lamang ako ng dumilat ang mga mata niya.

"Good morning babe," biglaan niyang sabi dahilan para magulat ako.

"Tumayo ka nga jan, papasok pa tayo eh," sabi ko sa kaniya. Agad naman niya akong sinunod at bumangon na rin siya.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ko sa kaniya pero nginitian niya lang ako. Bakas naman sa ngiti niya na mukhang magaling na talaga siya.

"Okay na ako," sabi niya at napatango nalang ako. Pagkatapos niyang sabihin yun ay agad ko siyang hinila papunta sa baba.

"Saan tayo pupunta?" Tanong niya na para bang nalilito siya kung bakit ko siya biglang hinila.

"Maliligo ako," sabi niya dahilan para mapakunot ang noo niya.

"Gamit ang katawan ko?" Tanong niya kaya napatawa nalang ako.

Haha, syempre hindi! Nakapagisip isip na rin ako kagabi. Oo, alam kong nakasanayan ko na namang maligo sa katawan niya pero iba kasi to ngayon eh. Naanxious ako kasi kasama ko siya ngayon. Tsaka baka ano pang maisip niya sa pinaggagawa ko sa katawan niya lalo na sa ano niya. Hays, ayoko kong sabihin.

Bale, ang gagawin ko ay maliligo ako sa loob ng cr pero maghihintay lang siya sa labas para pasok pa rin kami sa 3-meter distance.

"Okay," sabi niya lang at napatango matapos kong ipaliwanag sa kaniya ang naisip ko. Agad na akong pumasok sa cr. Makalipas lang ang ilang minuto ay tapos na rin akong maligo at binuksan ko na ang pintuan habang nakatapis ako. Pero laking gulat ko ng makita kong nakahubad na siya sa pang itaas dahilan para maagaw ng kaniyang 6 pack abs ang atensyon ko.

Meron nga pala siya nun. OMG, compose yourself Christine, wag kang ganyan! Nakita mo na ang kabuuan niya dati pa!

"Oh, tapos ka na pala. Ako na naman," sabi niya dahilan para malito ako. Hindi ko napansin pero may dala na rin pala siyang twalya kanina pa.

"M-maliligo ka rin? D-diba kakagaling mo lang s-sa lagnat?" Tanong ko sa kaniya. Ayoko kayang maghintay dito sa labas katulad ng ginawa niya a while ago.

"Syempre, papasok tayo diba? Tsaka magaling na ako," tugon niya pero hindi ko iyon masyadong marinig kasi agaw pansin pa rin yung abs niya.

"H-ha?" Sabi ko.

"Hays, pinagnanasaan mo ba ako?" Tanong niya dahilan para matauhan ako. Napakamahangin niya talaga.

"Yuck, ang manyak mo talaga," pagdedefend ko pero humalakhak lang siya. "Oh, bakit ka tumatawa?" Dagdag ko.

"Hay nako. Oh ano? Papaliguin mo na ba ako o gusto mong ikaw na magpaligo sa katawan ko?" Tanong niya kaya mas lalo pa ako nainis.

"Bahala ka nga jan," sabi ko at itinulak nalang siya papasok sa cr pero hindi ko namalayang bigla niya pala akong hinila papalapit sa kaniya dahilan para magkalapit ngayon ang mga katawan at balat namin. Pilit kong huminga ngayon ng malalim para maibsan ang malakas na tibok ng aking puso ngunit sa bawat paghinga ko ay nalalanghap ko lang ang natural niyang bango.

Hindi ako makagalaw ngayon kasi hawak hawak niya ako. Pansin ko rin ang mata niya na ngayon ay nililibot ang buong katawan ko ngayon. Hays, buti nalang talaga nakatapis ako ngayon.

"Yung puso mo," bigla niyang tugon dahilan para mapatingin ako ngayon ng diretso sa kaniya.

"H-ha?" Yun na lamang ang nasabi ko.

"Ang lakas ng tibok ng puso mo. Nararamdaman ko," bigla na lamang ako naistatwa nang sinabi niya sa akin yun. "Naririnig ko rin," dagdag pa niya. Naalala ko nalang na magkadikit nga pala kami ngayon ng husto. OMG, nararamdaman niya ba talaga?

"Maliligo na ako, hintayin mo lang ako jan sa labas," sabi niya at binitawan na ako. Ba't ang husky ng boses niya?

Agad naman akong lumabas at napaupo nalang sa sahig. Hindi ko na lubos maisip yung hiyang inabot ko ngayon kay Kent.

Nakatayo lang siya ngayon sa tabi ko habang nagluluto ako ng pagkain. Tapos na kaming maligo at makapagbihis. Yung dating uniform lang ni Kuya Christian sa St. Luiz yung pinasuot ko sa kaniya. Panay tanong naman ngayon si Kent kung ano-ano daw yung mga nilalagay ko sa niluluto ko at heto naman ako, explain ng explain sa kaniya. Pilit kong dinadivert yung attention niya para makalimutan na niya yung nangyari kanina.

"Ano ba kasing niluluto mo nung ikaw lang mag isa dito?" tanong ko. Alam ko rin naman kasi na hindi talaga siya sanay na mag-isa. Nung ako nga sa bahay nila sandamakmak yung maids nila eh.

"Wala. Nung isang araw Century Tuna nalang yung kinain ko tapos nung mga sumunod, hindi nalang ako nag almusal," sabi niya dahilan para mapabuntong hininga ako.

"Hindi ka nagaalmusal? Alam mo bang may peptic ulcer ako and I never leave the house without having breakfast?" Sigaw ko sa kaniya pero natawa lang siya. "Anong nakakatawa?" Dagdag ko.

"Joke lang yun, syempre nag-almusal ako no. Nag-instant noodles lang ako," sabi niya pero inirapan ko lang siya. "Bakit? Hindi ka ba naniniwala na kaya naman kitang alagaan?" tanong pa niya kaya bigla akong napalunok ng laway.

"K-kahit na. Better pa rin yung fresh kaysa sa i-instant and preserved food," pautal utal kong sabi. Mabilis ko nalang binaling ang atensyon ko sa niluluto ko para maiwasan ang tingin niya.

"Ang galing mo naman palang magluto eh," tugon ni Kent habang higop higop yung sabaw na niluto ko. Kumakain na kami ngayon at kanina pa niya paulit ulit na sinasabi na ang sarap daw ng luto ko.

"Heh! Bilisan na nga natin baka malate pa tayo," sabi ko nalang.

_

Hindi ko alam kung bakit pero ibang iba ang ambience ng school pagkapasok namin. Halos wala ng tao sa labas. Chineck ko naman ang oras at hindi pa naman kami late. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hangga't sa makita na namin si Bea kaya lumayo na kami ni Kent sa isa't isa para magkapalit na kami ng katawan. Agad naman siyang lumapit kay Bea at pansin kong balisa ang mukha nito ngayon.

Medyo malayo naman ako sa kanila pero naririnig ko pa rin ang pinag-uusapan nila.

"Hay nako. Mabuti ka pa besh eh, matalino ka na. Hindi mo na kailangang magreview," sabi ni Bea.

"R-review? Para saan?" Tanong ni Kent sa kaniya na mukhang hindi alam ang dahilan kung bakit yun sinabi ni Bea. Kahit ako ay hindi rin sigurado.

"Nakalimutan mo na ba? Semi final exams natin ngayon!" Sabi ni Bea dahilan para mapatakip ako sa bibig ko sa gulat. Nakita ko rin si Kent na mukhang gulat na gulat din sa kaniyang narinig.

Lumingon siya sa akin na may gulat na mukha na para bang sinesenyasahan ako gamit ang kaniyang mata at labi ng 'lagot.'

Kaugnay na kabanata

  • Our Theory of 11:11   Chapter 15

    CHRISTINEHindi ako mapakali ngayon habang sinasagutan ang bawat item ng exam ngayon. Hindi dahil mahirap ito kundi dahil nag-aalala ako ngayon kay Kent. Sigurado akong nahihirapan siya ngayon sa mga questions. Pano na yung magiging score ko nito? Hindi pa naman siya nakapagreview dahil nilagnat siya kagabi.Mabilis na tumakbo ang oras at ngayon ay lunch break na. Out of 9 subjects ay natapos na ang limang subjects. Ibig sabihin, may 4 pa kaming exams na dapat tapusin. Mabilis akong pumunta sa cafeteria para hanapin si Kent pero bigo akong makita ang sarili kong katawan kaya agad ko siyang tinext kong asan siya.Wer r u right now? - Message sent to Most_annoying_person, 11:47AMIlang minuto na ang lumipas pero wala pa rin akong reply na natanggap mula sa kaniya. Sinubukan ko na rin siyang tawag

    Huling Na-update : 2020-08-01
  • Our Theory of 11:11   Chapter 16

    KENTSabado na ngayon at dalawang araw na rin ang nakalipas mula nung nagkaroon ng semi final exams. Wala namang masyadong nangyari nung sumunod na mga araw. Nagpiano lessons lang kami ni Christine pagkatapos ng klase. Bilib talaga ako sa kaniya kasi ang bilis niyang matuto. Kaso hanggang ngayon, hindi pa rin siya nakakapili ng kantang tutugtugin kaya sa pagbabasa ng nota at mga simpleng piano chords lang muna yung itinuro ko sa kaniya.Dahil weekend naman, nasa bahay lang ako ni Christine ngayon at tinutulungan ang mga hired na taga-linis niya tuwing weekend. Abala sa paglilinis ang lahat habang yung iba naman ay inaasikaso yung garden."Ma'am Christine, narito na po yung groceries," sabi ni Aling Flore habang tinutulungan yung dalawang kasambahay na kagagaling lang sa grocery store. Napag-alaman kong siya pala ang pinaka pinagkakatiwalaan ni Christine na kasam

    Huling Na-update : 2020-08-06
  • Our Theory of 11:11   Chapter 17

    KENT"Namiss ko tuloy sina mom at dad," sabi ni Christine sakin ngayon. Nakita niya kasi ako kanina na hinatid ng mga magulang niya. Lunes na ngayon at ngayon ko na lang ulit nakita si Christine."Namiss din kita," tugon ko pero pinalo niya lang ako sa braso. "Aray," tugon ko. Minsan, napapaisip tuloy ako kung sinasaktan niya rin ba ang katawan ko tuwing hala ako, hays."Bakit? Mommy ba kita?" Pagsusungit niya."Hindi, pero pwede mo ako maging daddy Kent," pagbibiro at inakbayan siya dahilan para paluin niya ako ulit. "Aray ano ba!" Sigaw sabay tawa."Ewan ko sayo! Tara na nga, baka malate pa tayo," sabi niya lang at inalis na ang kamay ko mula sa pagkakaakbay sa kaniya.Nakakailang hakbang pa lang kami nang maabutan namin sina Ethan at Augustus na patungo sa labas."Oy pre, san kayo pupunta?" T

    Huling Na-update : 2020-08-06
  • Our Theory of 11:11   Chapter 18

    I recommend listening to Can't Take My Eyes Off You cover by Justin Vasquez in the middle part of the chapter:>KENTTama nga ang mga sinasabi ng mga matatanda. Na sa huli talaga ang pagsisisi. Eh, pano ba kasi, para tuloy akong body guard ngayon nina Christine at Bea. Kanina pa ako sunod ng sunod sa kanila dito sa mall. Hindi ko rin naman maiwan si Christine kasi tiyak na mapapahamak kami.Nako, kung hindi ko lang siya gusto eh.Napagtanto ko na kumakain na pala kami ngayon sa isang cafe sa ground floor."Nako napakagentleman ni Kent besh ha, kanina pa talaga siya sunod ng sunod sa atin," dinig kong sabi ni Bea kay Christine.Napalingon naman si Christine sakin pagkatapos sabihin ni Bea 'yon pero sa 'di inaasahan a

    Huling Na-update : 2020-08-06
  • Our Theory of 11:11   Chapter 19

    CHRISTINEWala nang nagtangka pang magsalita pagkatapos niyang sabihin sa akin 'yon. Pansin ko ring medyo naiilang na si Kent. Lumabas na kami sa karaoke room at ngayon ay nag-iikot nalang kami sa mall habang tahimik lang siyang nakasunod sa akin."Uuwi na ako," sabi ko nang hindi na lumilingon sa kaniya. Agad naman akong lumayo sa kaniya dahilan para mapunta na ako sa katawan niya.Gamit ang katawan niya ay agad na akong naglakad papunta sa kabilang direksyon. Narinig ko pang tinawag niya ako pero di na ako lumingon pa.Nasa biyahe na ako ngayon pauwi sa bahay nila Kent sakay ang isang taxi. Tulala lang ako ngayon habang nakatingin sa mga nadadaanan ng sasakyan habang naguguluhan ang isipan ko ngayon. Hindi ko pa rin maiwasang mapaisip sa mga sinabi niya sa akin kamakailan lang.Hindi ang mga binitawan niyang salita ang bumagab

    Huling Na-update : 2020-08-08
  • Our Theory of 11:11   Chapter 20

    CHRISTINEAnimo'y binabalot ngayon ng matinding emosyon ang ere habang patuloy na umaalingawngaw ang isang napakagandang awitin sa loob ng silid."Napakaganda ng composition mo kuya, ang sarap pakinggan ng paulit ulit," tugon ko kay kuya na ngayon ay patuloy pa ring tumutugtog sa piano.Magkatabi k

    Huling Na-update : 2020-08-08
  • Our Theory of 11:11   Chapter 21

    KENTHindi naman ako nabigo dahil pagdating ko dito ay nakita kong ako lang naman ang naririto ngayon. Sinadya ko talagang pumunta rito ng mas maaga para hindi na ako maabutan ni Kuya Kyle.Agad akong humakbang papalapit sa puntod ni mommy. Unang beses kong makadalaw sa kaniya dito sa katawan ni Christine. Nang makatayo na ako sa tapat ng lapida ay napabuntong hininga muna ako."Hindi po ako sigurado kung nakilala niyo ba ako ngayon o hindi. Pero ako po 'to ma, si Kent," tugon ko sabay ang isang malaking ngiti. Pagkatapos nun, ay minabuti ko munang maupo sa makapal na damo."Happy birthday ma, miss na miss na kita," sabi ko habang inaalis ang mga patay na dahong nakapatong sa lapida. "Marahil ay nagtataka po kayo ngayon kung bakit ako lang mag-isa," sabi ko. Napabuntong hininga muna ako ulit bago ako nagpatuloy sa pagsasalita. "Hindi ko naman po kasing pwede isa

    Huling Na-update : 2020-08-08
  • Our Theory of 11:11   Chapter 22

    KENTKanina pa nililibot ng mga mata ko ang sala. Ewan ko ba pero namiss ko rin yung bawat sulok dito sa bahay. Kanina pa rin pala ako naglilibot dito. Pinagmasdan ko yung mga family pictures namin na nakasabit sa pader. Medyo miss ko na rin pala si dad. Hindi sa nagmamayabang pero isa rin ako sa mga paborito niyang anak kaya close talaga kami.Hindi ko na namalayang talumpung minuto na pala akong naghihintay kay Christine na ngayon ay naghahanda pa rin para sa lakad namin. Ang totoo niyan, gusto ko sanang ako nalang yung mag ayos sa sarili ko total magkasama naman kami ngayon pero siya na yung umayaw. Nakakahiya daw kasi sa mga kuya ko na makitang naghihintay siya sa labas ng cr kahit may cr naman talaga sa kwarto ko.Inasar ko pa nga siya na baka gustong gusto niya lang talaga paliguan yung katawan ko at himas himasin yung pagkalalaki ko kaya nasapak niya pa tuloy ako. Sinabih

    Huling Na-update : 2020-08-11

Pinakabagong kabanata

  • Our Theory of 11:11   Chapter 29

    KENT2 Years Earlier

  • Our Theory of 11:11   Chapter 28

    CHRISTINE7 Months Later"Hey Christine, wanna party later?" tanong nung kaklase ko.

  • Our Theory of 11:11   Chapter 27

    KENTLabis ang saya ko dahil sa nangyari pero mas masaya ako dahil masaya rin si Christine. Para bang ako yung prinsipe niya at siya naman yung prinsesa at nawala yung sumpa dahil sa true love's kiss.Nasa taxi kami ngayon pauwi sa bahay nila. Kinakailangan ko na siyang ihatid kasi normal na ulit kami at baka mapahamak pa siya."Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na normal na ulit tayo," sabi ni Christine at sumandal siya sa balikat ko.Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti sa mga nangyayari. Kahit ako rin naman ay hindi rin makapaniwala. Ang plano ko lang talaga ngayon ay surpresahin siya sa isang rooftop sa boulevard pero hindi ko akalaing ngayon na kami babalik sa pagiging normal."Ngi, wala pa pala sila mommy," sabi ni Christine habang binubuksan namin yung gate. "Nagtext kasi sila. Nasa police station pa raw. Ewan ko

  • Our Theory of 11:11   Chapter 26

    CHRISTINEIsang araw na ang lumilipas mula nung magkita kami ni Kent. Mas lalo tuloy akong naguguluhan ngayon.Blinock niya ako sa lahat ng social media accounts niya. Cannot be reached na rin ang number niya.May nangyari ba sa kaniya na hindi ko alam? O may nagawa kaya akong mali? Kung puntahan ko kaya siya ngayon sa bahay nila?Agad akong naghanda at nagbihis. Nagluto na rin lang ako ng instant noodles. Maaga kasing umalis sina mommy at daddy kanina at sabi nila'y magtatake out na lang daw sila kaya walang ulam ngayon sa bahay.Akmang aalis na sana ako nang biglang mahuli ng mata ko ang sasakyan namin na ngayon ay pinapark na sa garage. Bumaba na si mommy at sumunod naman si daddy habang bitbit ang dalawang supot.Wala na tuloy akong nagawa kundi umupo nalang muna sa sofa."Halika na a

  • Our Theory of 11:11   Chapter 25

    CHRISTINEMalakas ang simoy ng hangin subalit tila napakagaan nito sa tuwing tumatama ito sa katawan ko. Ang langit ay nababalot ng mga kumukutikutitap na mga bituin habang napapalibutan ang hugis C na buwan. Kung totoo man ang theory na lahat ng mga namatay ay nagiging bituin sa langit, tiyak na masaya

  • Our Theory of 11:11   Chapter 24

    CHRISTINE"San mo ba kasi ako dadalhin?" tanong ko kay Kent. Nasa biyahe kami ngayon pero ni ilaw man lang ay wala akong maaninag dahil sa blindfold na tumatabon sa mga mata ko ngayon.Pero ni isang sagot din ay wala akong narinig mula sa kaniya.

  • Our Theory of 11:11   Chapter 23

    KENTTahimik lang kaming lahat sa mesa habang kumakain. Katabi ko ngayon si Christine, nasa harapan ko naman si Kuya Kyle na katabi din si Dad.“Dad, kailan nga po pala kayo naka-uwi?” tanong ko dahilan para mapatingin silang lahat sa akin. Wala naman sigurong mali sa sinabi ko diba?“Kaninang madaling araw lang anak,” sagot naman ni dad.Sa totoo lang, wala na talaga akong ibang maisip na topic. Sinadya kong kunin yung atensyon nila kasi napansin kong kanina pa pinagmamasdan ni dad si Christine.Alam kong hindi siya kumbinsido sa sinabi ko kanina na magkaibigan lang kami ni Christine. Yun nga lang, magkaibigan ‘pa’ lang talaga kami, tsk.“Bakit? Hindi ka ba masaya na nandito na ulit ako?” tanong niya pa. Ganon ba talaga yung tono ng pananalita ko? Naalala ko kasing yun din y

  • Our Theory of 11:11   Chapter 22

    KENTKanina pa nililibot ng mga mata ko ang sala. Ewan ko ba pero namiss ko rin yung bawat sulok dito sa bahay. Kanina pa rin pala ako naglilibot dito. Pinagmasdan ko yung mga family pictures namin na nakasabit sa pader. Medyo miss ko na rin pala si dad. Hindi sa nagmamayabang pero isa rin ako sa mga paborito niyang anak kaya close talaga kami.Hindi ko na namalayang talumpung minuto na pala akong naghihintay kay Christine na ngayon ay naghahanda pa rin para sa lakad namin. Ang totoo niyan, gusto ko sanang ako nalang yung mag ayos sa sarili ko total magkasama naman kami ngayon pero siya na yung umayaw. Nakakahiya daw kasi sa mga kuya ko na makitang naghihintay siya sa labas ng cr kahit may cr naman talaga sa kwarto ko.Inasar ko pa nga siya na baka gustong gusto niya lang talaga paliguan yung katawan ko at himas himasin yung pagkalalaki ko kaya nasapak niya pa tuloy ako. Sinabih

  • Our Theory of 11:11   Chapter 21

    KENTHindi naman ako nabigo dahil pagdating ko dito ay nakita kong ako lang naman ang naririto ngayon. Sinadya ko talagang pumunta rito ng mas maaga para hindi na ako maabutan ni Kuya Kyle.Agad akong humakbang papalapit sa puntod ni mommy. Unang beses kong makadalaw sa kaniya dito sa katawan ni Christine. Nang makatayo na ako sa tapat ng lapida ay napabuntong hininga muna ako."Hindi po ako sigurado kung nakilala niyo ba ako ngayon o hindi. Pero ako po 'to ma, si Kent," tugon ko sabay ang isang malaking ngiti. Pagkatapos nun, ay minabuti ko munang maupo sa makapal na damo."Happy birthday ma, miss na miss na kita," sabi ko habang inaalis ang mga patay na dahong nakapatong sa lapida. "Marahil ay nagtataka po kayo ngayon kung bakit ako lang mag-isa," sabi ko. Napabuntong hininga muna ako ulit bago ako nagpatuloy sa pagsasalita. "Hindi ko naman po kasing pwede isa

DMCA.com Protection Status