CHRISTINE
7 Months Later
"Hey Christine, wanna party later?" tanong nung kaklase ko.
KENT2 Years Earlier
Do you believe that when the clock strikes at 11:11 either noon or night, your wishes come true? Well, in my case, na experience ko kaya I totally believe in it.Pero lahat ba ng wishes ay wish mo talaga? At lahat ba ng hindi mo gusto ay ayaw mo talaga? What if, in some point, may gusto kang bagay pero hindi mo lang nararamdaman na gusto mo pala? Will 11:11 grant it as well? In my case ulit, yes it does.Ni minsan, hindi ko inisip na pangarapin ang ma in love. My mind is totally focused on being a great student, rather than being in a great relationship. However, who would have thought that what my mind neglects is the wish my heart wants. And in that very moment, 11:11 decided to side with my heart.Who would have thought that I'll be in a very weird and unbelievable set up just to satisfy my heart's wish. Who would have thought that I'll meet someone along the way who will teach my mind what love is. Will my mind finally
CHRISTINE"Besh oh, may nagpapaabot na naman sayo," sabi ni Bea at inabot sakin ang isang love letter na punong puno ng glitters.Yuck! I hate glitters!Tinignan ko muna yung pangalan ng nagpapadala pero napa buntong hininga na lang ako ng makita ko 'yon.Seriously? Another stupid love letter from this guy named Kent? Hindi ba talaga siya napapagod sa pagbibigay sa akin ng love letters every week? Ganon na ba talaga siya ka obsessed?The last time I checked, simula pa nung June nagsusulputan 'tong mga confessions and cheesy letters na 'to, and from different guys. Binubusted ko naman sila ng diretso kaya tumigil. But this Kent guy, hindi talaga siya sumusuko.It's already February pero heto, padala parin ng padala ng sulat. Hindi ba siya nakaka intindi ng salitang busted? And heto pa ha, hindi ko pa siya nakikita in
KENTTinatamad na naman akong magbihis. Heto ako ngayon, ayaw pasamahin ni dad sa hapunan hangga't hindi ako nakakapagbihis.Bakit ba kasi?Aangal pa sana ako pero dahil nagugutom na ako, umakyat nalang ako sa kwarto para magbihis.Agad naman akong lumabas pagkatapos kong magpalit. Habang pababa na ako, nakita kong pumasok si Kuya Kyle."Dad, you won't believe what just happened a while ago," sabi niya kay dad pagkatapos magmano."Ano naman yun?" sabi naman ni dad habang tumatawa na parang excited sa sasabihin niya.Naku, ano naman kayang kabalstugan tong ginawa ng kapatid ko. Magsasalita na sana siya kaso nakita niya ako."Huy Kent, halika ikukwento ko rin sayo yung nangyari!" tawag niya sakin. "You should really hear this.""Ano na naman ba yan kuya?" sagot ko at naup
CHRISTINENasa bahay ngayon si Bea at sabay kaming nag-aayos para sa JS Prom. Kami lang dalawa ngayon ang nag-aayos sa isa't isa at hindi na ako kumuha ng stylist kasi ayaw ko rin naman magpaayos sa mga di ko kakilala. Inaayos ngayon ni Bea ang buhok ko at heto naman ako, nakatingin lang sa sarili ko sa salamin at hindi makagalaw."Napakaspecial ng araw na ito no? JS Prom natin tapos February 29 ngayon. Araw na every 4 years lang natin nararanasan," sabi ni Bea pero inirapan ko lang siya. Ano naman ngayon kung leap year? What makes it special?Tatanungin ko na sana siya ng biglang mag beep yung phone ko. Di ko naman maabot kasi na sa kabilang table na medyo malayo sakin."Ako nang kukuha. Wag ka ng gumalaw diyan baka masira pa yang buhok mo," sabi niya sa at kinuha yung phone ko at iniabot sa akin.I'll w
CHRISTINE"Hindi. Hindi talaga! Hindi talaga maari!"Iyon ang mga naisigaw ko sa sarili ko habang paulit-ulit na tinitignan ang imaheng ipinapakita sa akin ng salamin. B-bakit? Bakit si Kent ang nakikita ko? Paulit ulit kong sinasampal ang sarili ko sa pagbabakasakaling panaginip lang ang lahat ng ito.Pero sa bawat sampal ay mas lalo akong kinakabahan ng makita kong pumupula rin ang kaniyang mukha. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko ngunit may biglang sumalin sa aking isipan.Ito ba ang tinatawag nilang switching of places? That freaking body-swap I read in some fictional books? Pero wait! Kung na sa katawan ako ngayon ni Kent, then could it be that...KENT"Imposible".Bulong ko sa sarili matapos kong mapagtanto ang mga maaring nangyayari n
CHRISTINENa sa katawan ni Kent ako ulit!P-pero bakit? Anong nangyari? Kanina lang ay tandang tanda kong nakabalik na ako sa katawan ko!"Anong nangyayari?" Sabi ko ng pasigaw kay Kent na ngayo'y nasa katawan ko.Kahit siya ay nababalisa rin sa nangyayari. Pinaglalaruan ba kami ngayon tadhana or any sort of witchcraft? Bakit ito nangyayari sa amin?Dahan dahan siyang humakbang papunta sa akin ngunit bago paman siya makalapit ng tuluyan ay muli kong naramdaman ang pag-iba ng aking pananaw. Tinignan ko ang aking sarili at nakita kong nakabalik ulit ako sa aking katawan. Ano itong nangyayari?De bale, baka nagka malfunction lang siguro yung mahika na nararanasan namin ngayon."Mukhang nagka malfunction lang siguro. Sige mauna na ako," sabi ko at naglakad na papalayo. Ngunit sa di
KENT"Hays, ano ba yan Kent! Bakit mo kasi minadali. Dapat, suave lang yun eh. Ayan tuloy, mahihirapan ka na talaga sa susunod," sabi ko sa sarili ko habang nakatutok sa number ni Christine sa cellphone ko. "Tatawagan ko ba siya? Huwag nalang siguro muna."Oo tama, nagpalit kami ng cellphone. Nasa akin pa rin yung cellphone ko kahit na sa katawan na niya ako.Balak ko kasi sana siyang tawagan para magsorry sa nasabi ko kanina. Alam ko rin naman sa sarili ko eh na nagkamali ako doon. Kahit papaano, wala pa rin naman akong karapatan sabihin yun kasi kahit nasa katawan niya ako, sa kaniya pa rin naman 'to.Andami ring nangyari ngayong araw. Ginawa namin lahat para kahit papaano, maging komportable naman kami sa sitwasyon naming ito. Gumawa pa nga siya ng rules eh.Yung pinakauna, dapat di ko daw pwede hawakan yung katawan niya liba
KENT2 Years Earlier
CHRISTINE7 Months Later"Hey Christine, wanna party later?" tanong nung kaklase ko.
KENTLabis ang saya ko dahil sa nangyari pero mas masaya ako dahil masaya rin si Christine. Para bang ako yung prinsipe niya at siya naman yung prinsesa at nawala yung sumpa dahil sa true love's kiss.Nasa taxi kami ngayon pauwi sa bahay nila. Kinakailangan ko na siyang ihatid kasi normal na ulit kami at baka mapahamak pa siya."Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na normal na ulit tayo," sabi ni Christine at sumandal siya sa balikat ko.Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti sa mga nangyayari. Kahit ako rin naman ay hindi rin makapaniwala. Ang plano ko lang talaga ngayon ay surpresahin siya sa isang rooftop sa boulevard pero hindi ko akalaing ngayon na kami babalik sa pagiging normal."Ngi, wala pa pala sila mommy," sabi ni Christine habang binubuksan namin yung gate. "Nagtext kasi sila. Nasa police station pa raw. Ewan ko
CHRISTINEIsang araw na ang lumilipas mula nung magkita kami ni Kent. Mas lalo tuloy akong naguguluhan ngayon.Blinock niya ako sa lahat ng social media accounts niya. Cannot be reached na rin ang number niya.May nangyari ba sa kaniya na hindi ko alam? O may nagawa kaya akong mali? Kung puntahan ko kaya siya ngayon sa bahay nila?Agad akong naghanda at nagbihis. Nagluto na rin lang ako ng instant noodles. Maaga kasing umalis sina mommy at daddy kanina at sabi nila'y magtatake out na lang daw sila kaya walang ulam ngayon sa bahay.Akmang aalis na sana ako nang biglang mahuli ng mata ko ang sasakyan namin na ngayon ay pinapark na sa garage. Bumaba na si mommy at sumunod naman si daddy habang bitbit ang dalawang supot.Wala na tuloy akong nagawa kundi umupo nalang muna sa sofa."Halika na a
CHRISTINEMalakas ang simoy ng hangin subalit tila napakagaan nito sa tuwing tumatama ito sa katawan ko. Ang langit ay nababalot ng mga kumukutikutitap na mga bituin habang napapalibutan ang hugis C na buwan. Kung totoo man ang theory na lahat ng mga namatay ay nagiging bituin sa langit, tiyak na masaya
CHRISTINE"San mo ba kasi ako dadalhin?" tanong ko kay Kent. Nasa biyahe kami ngayon pero ni ilaw man lang ay wala akong maaninag dahil sa blindfold na tumatabon sa mga mata ko ngayon.Pero ni isang sagot din ay wala akong narinig mula sa kaniya.
KENTTahimik lang kaming lahat sa mesa habang kumakain. Katabi ko ngayon si Christine, nasa harapan ko naman si Kuya Kyle na katabi din si Dad.“Dad, kailan nga po pala kayo naka-uwi?” tanong ko dahilan para mapatingin silang lahat sa akin. Wala naman sigurong mali sa sinabi ko diba?“Kaninang madaling araw lang anak,” sagot naman ni dad.Sa totoo lang, wala na talaga akong ibang maisip na topic. Sinadya kong kunin yung atensyon nila kasi napansin kong kanina pa pinagmamasdan ni dad si Christine.Alam kong hindi siya kumbinsido sa sinabi ko kanina na magkaibigan lang kami ni Christine. Yun nga lang, magkaibigan ‘pa’ lang talaga kami, tsk.“Bakit? Hindi ka ba masaya na nandito na ulit ako?” tanong niya pa. Ganon ba talaga yung tono ng pananalita ko? Naalala ko kasing yun din y
KENTKanina pa nililibot ng mga mata ko ang sala. Ewan ko ba pero namiss ko rin yung bawat sulok dito sa bahay. Kanina pa rin pala ako naglilibot dito. Pinagmasdan ko yung mga family pictures namin na nakasabit sa pader. Medyo miss ko na rin pala si dad. Hindi sa nagmamayabang pero isa rin ako sa mga paborito niyang anak kaya close talaga kami.Hindi ko na namalayang talumpung minuto na pala akong naghihintay kay Christine na ngayon ay naghahanda pa rin para sa lakad namin. Ang totoo niyan, gusto ko sanang ako nalang yung mag ayos sa sarili ko total magkasama naman kami ngayon pero siya na yung umayaw. Nakakahiya daw kasi sa mga kuya ko na makitang naghihintay siya sa labas ng cr kahit may cr naman talaga sa kwarto ko.Inasar ko pa nga siya na baka gustong gusto niya lang talaga paliguan yung katawan ko at himas himasin yung pagkalalaki ko kaya nasapak niya pa tuloy ako. Sinabih
KENTHindi naman ako nabigo dahil pagdating ko dito ay nakita kong ako lang naman ang naririto ngayon. Sinadya ko talagang pumunta rito ng mas maaga para hindi na ako maabutan ni Kuya Kyle.Agad akong humakbang papalapit sa puntod ni mommy. Unang beses kong makadalaw sa kaniya dito sa katawan ni Christine. Nang makatayo na ako sa tapat ng lapida ay napabuntong hininga muna ako."Hindi po ako sigurado kung nakilala niyo ba ako ngayon o hindi. Pero ako po 'to ma, si Kent," tugon ko sabay ang isang malaking ngiti. Pagkatapos nun, ay minabuti ko munang maupo sa makapal na damo."Happy birthday ma, miss na miss na kita," sabi ko habang inaalis ang mga patay na dahong nakapatong sa lapida. "Marahil ay nagtataka po kayo ngayon kung bakit ako lang mag-isa," sabi ko. Napabuntong hininga muna ako ulit bago ako nagpatuloy sa pagsasalita. "Hindi ko naman po kasing pwede isa