Share

Chapter 3

Author: IamManuelll
last update Last Updated: 2020-07-30 10:28:09

CHRISTINE

Nasa bahay ngayon si Bea at sabay kaming nag-aayos para sa JS Prom. Kami lang dalawa ngayon ang nag-aayos sa isa't isa at hindi na ako kumuha ng stylist kasi ayaw ko rin naman magpaayos sa mga di ko kakilala. Inaayos ngayon ni Bea ang buhok ko at heto naman ako, nakatingin lang sa sarili ko sa salamin at hindi makagalaw.

"Napakaspecial ng araw na ito no? JS Prom natin tapos February 29 ngayon. Araw na every 4 years lang natin nararanasan," sabi ni Bea pero inirapan ko lang siya. Ano naman ngayon kung leap year? What makes it special?

Tatanungin ko na sana siya ng biglang mag beep yung phone ko. Di ko naman maabot kasi na sa kabilang table na medyo malayo sakin.

"Ako nang kukuha. Wag ka ng gumalaw diyan baka masira pa yang buhok mo," sabi niya sa at kinuha yung phone ko at iniabot sa akin.

I'll wait 4 u at d entrance para sabay tayo pumasok. - Received from an unknown number, 2:34 PM

Kainis.

Agad kong dinelete yung message at pinindot yung block button.

"Bakit mo blinock? Eh, gagawa't gagawa rin naman siya ulit ng paraan para macontact ka niya," sabi ni Bea.

Oo nga naman. Bea is right. This Kent guy has really gotten into my nerves these past few days. From an obsessed admirer, professional stalker na siya ngayon. Ewan ko ba pero simula nung na kita ko siya in person, parang feeling niya kami niya. I don't know kung saan niya nakuha yung number ko pero he's really annoying. Ilang beses ko na siyang blinock, pero may bago na namang number na mag tetext sa akin only to find out na siya ulit yun.

"Hay nako Tine. Grasya na yung lumalapit sa iyo no. Who would have thought na yung Kent palang palaging nagpapadala ng letters sayo ay ang Campus King na si Kent Cruz! My Gosh Tine, yung heartthrob na kinababaliwan ng lahat is into you," sabi niya.

"So what? Grasya na siya nun?" pagsusungit ko naman.

Akala ko titigil na Bea pero mas lalo pa niya akong inasar sa mg ngiti niya.

"As if papatulan ko siya! He's not even accelerating in his academics. He's from the last section," sabi ko naman pero pinagtawanan lang ako ni Bea.

"Well, at least he's well known in his extra curricular activities. Ang galing niya kayang tumugtog ng musical instruments," sabi niya pero inirapan ko nalang siya ulit.

"Whatever. I still won't date him," sabi ko pero tumawa lang siya. "Hays! Kanino ka ba talaga kampi Dun sa Kent na yun o sakin?" Tanong ko dahil naiinis na ako.

"Of course Tine, sayo ako kumakampi. What I am saying is that bigyan mo naman ng interest yung love life mo. Malay mo, in denial stage ka lang ngayon pero deep inside your heart, gusto mo pala ng someone na magmamahal sayo," sabi naman niya kaya napaisip ako.

Totoo kaya ang mga sinasabi ni Bea? What if totoo?

"No way," sabi ko nalang ng mahina.

"Hay nako, denial queen ka talaga! Bilisan na nga natin para matapos na baka malate pa tayo!" sabi naman niya.

In denial nga ba ako? Or am I just confused with my decisions?

KENT

Ano ba naman yan? 11:30PM pa raw mag-eend yung program? Di ba nila alam yung salitang curfew? Kainis naman oh, gusto ko ng umuwi. Nawalan na ako ng gana na magstay dito sa Prom.

Eh pano ba naman kasi, ang aga aga kung pumunta dito sa venue. 6:30 pa magsisimula pero alas 5 pa lang nandito na ako. Hinihintay ko kasi sa entrance si Christine. Tinext ko siya kanina na sabay kaming papasok pero nung dumating na siya, sila nung kaibigan niya yung magkasamang pumasok. Ni hindi man lang siya lumingon lingon kung nandito na ba ako oh wala. 

Hays, kainis naman oh. Andito na lang ako ngayon sa rooftop, nagpapahangin habang pinapalipas ang oras. 9:49 palang, ano ba yan. Kung umuwi nalang kaya ako? Tama, mas ok pa sa bahay! Akmang aalis na sana ako ng makita ko yung mga kaibigan kong papalapit.

"Oy pare, nandyan ka lang pala. Kung saan saan ka namin pinaghahanap," sabi ni Ethan na biglang sumulpot sa tabi ko at inabutan ako ng isang baso ng alak.

"Allowed ba 'to dito?" tanong ko naman at mabilis na ininom ito.

"Syempre hindi. Pero ayos lang yan, tayo tayo lang naman dito sa rooftop eh," tugon naman ni Augustus na parang nalalasing na.

Hays, kahit papaano, mukhang sasaya naman ang gabi ko.

CHRISTINE

Hindi ko inaakalang mas boring pa pala sa inaakala ko itong JS Prom. Kung pwede lang sanang umuwi na kaso sinabi ko na kay manong Jose na 11:00 PM pa ako magpapasundo eh. Di ko rin naman siya matawagan kasi baka malowbatt na yung phone ko. Kanina pa ako naglalaro ng Papa's Freezeria sa sobrang pagkabored ko kaya heto 1% nalang. Well, at least inagahan ko ng 30 minutes yung pagpapasundo ko.

"Tine, samahan mo ako sa cr please naiihi ako eh," sabi sakin na Bea.

"Sure tara," sagot ko naman at pumunta na kami sa cr.

Pagdating namin, agad namang pumasok si Bea. Ihing ihi na talaga siguro siya. Kanina pa kasi siya inom ng inom nung unlimited 4 seasons sa buffet table.

"Sa labas lang ako maghihintay ha," sabi ko naman at tinignan muna ang mukha ko sa salamin bago lumabas.

Medyo haggard na talaga ako, ano ba yan!

Nakatayo lang ako sa labas ng cr habang hinihintay si Bea ng may makita akong isang double door na naka bukas doon sa gilid ng kabilang corner. Nung nakalabas na si Bea, agad ko naman siyang tinanong kung para saan yung pintuan na iyon.

"Ah yan ba? That's the door papuntang rooftop". Sabi naman niya.

"Let's go up there!" Sabi ko naman.

Parang mas magandang magpahangin nalang sa isang open space kaysa naman bumalik doon sa hall na sobrang boring.

"Bakit? Wag na! Balik nalang tayo sa loob," sabi niya.

"Please, saglit lang. Gusto ko lang talaga magpahangin," sabi ko naman at nagpout sa kaniya.

"Hays. Sige na nga," Sabi naman niya.

Tinignan ko ang oras at nakita kong 11:06 na pala. Well, hindi pa naman nagtetext si Manong Jose eh kaya ayos lang. Makikita ko naman siguro galing sa itaas kung andyan na ang sasakyan.

Pagdating namin sa itaas, napahanga ako sa ganda ng langit. Andaming bituin at the moment. At least, napasaya ako ng view ng sky ngayon.

Naglakad lakad pa kami ni Bea ng may mapansin akong 3 lalaki na parang nagtatawanan.

KENT

"P-pre Kotse k-ka ba?" utal utal na tanong ko kay Augustus. Ngayon ay nararamdaman kong lasing na ako.

"B-bakit?" sabi naman ni Augustus na para bang sinisinok.

"Kasi...k-kasi ang engles ng kotse ay...ay car! Haha!" Sigaw ko naman sabay tawa ng napakalakas. Hays, hindi ko na mapigilan ang mga salitang lumalabas sa bibig ko.

Tawa lang kami ng tawa nang may mapansin ako sa likuran na tatlong babae. Nilapitan ko ang mga ito at laking gulat ko ng nakita ko ang 3 Christine sa harapan ko.

"Oy kayong tatlo, ang gaganda niyo ha!" sabi ko.

Pinikit ko ang aking mata at binuksan muli pero mas nagulat ako ng naging isa nalang siya.

"I-ikaw n-nalang mag-isa ngayon yieee," sabi ko sabay tawa. Kahit medyo blurry, nakiita ko namang inirapan niya lang ako.

"Bea. Tara na nga. Lalong nakakasira ng gabi yung mga tao dito eh," sabi niya dun sa kaibigan niya at akmang aalis na sana pero pinigilan ko siya at hinawakan yung kamay niya.

"Bitawan mo ako! Ano bang problema mo sa akin?" Sigaw naman niya kaya binatawan ko nalang siya.

"Ikaw ang d-dapat kong tanungin niyan! A-ano ba kasi problema mo sa akin? Ano bang ayaw mo sakin? Bakit di mo ko gusto ha?" Mabilis na sabi ng aking bibig. Ewan ko ba pero hindi ko na talaga mapigilan yung mga lumalabas sa bibig ko. Nararamdaman ko rin na lumalakas yung tibok ng puso ko.

Gusto ko ng tumalikod pero ayaw tumigil ng bibig ko. "Alam mo, sana maramdaman mo yung nararamdaman ko ngayon! S-sana mapunta ka sa sitawasyon ko! S-sa posisyong ito na nabubusted! Sana mapunta ka sa kalagayan ko para alam kung gaano 'to ka-frustrating!" Nang matapos kong sabihin iyon lahat, nahilo na lamang ako bigla at muntik ng mahiga sa sahig. Mabuti na lamang at inalalayan ako ng mga kaibigan kong hindi pa gaanong lasing.

CHRISTINE

Aba? Bakit? Siya lang ba ang nahihirapan sa pagiging obsessed niya? Narinig kong nag notify yung phone ko pero di ko muna iyon pinansin dahil hinarap ko muna si Kent.

"Oh well, bakit feeling mo nasisiyahan ako? Alam mo? Sana mapunta ka rin sa kalagayan ko! Sana mapunta ka sa sitawsyon ko na may isang lalaking obsessed na obsessed sa akin na nakaka annoy na! Sana maranasan mo rin yung feeling na naiinis kana sa isang tao kasi hindi siya maka intindi katulad ng nararanasan ko ngayon!" Pagkatapos kong sabihin iyon, kaagad naman akong nagwalk out at sinundan naman ako ni Bea na halatang speechless. Kinuha ko yung phone ko at tinignan yung notification.

Ma'am, na sa baba na po ako --- Message received from Manong Jose, 11:11 PM

Hay salamat at nandito na rin si Mang Jose. Kaagad naman akong nagpaalam kay Bea at saka lumabas na. Sinenyasan ko si Mang Jose at kaagad naman niya akong nakita. Ng papalapit na ako sa sasakyan, naramdaman kong bigla na lamang akong nahilo. Mabilis naman akong nakasakay sa kotse. Pinaandar na ito ni Mang Jose ngunit nararamdaman kong unti unting nawawala yung tunog ng makina at sa halip ay lumalakas yung tunog na nagmumula sa Venue. Mas lalo pa akong nahilo at ilang segundo pa, ay dumilim na paningin ko at nawalan na ako ng malay.

KENT

Hindi ko inakalang ganito kaganda ang magiging panaginip ko. Sa kwarto daw ako ni Christine natulog buong gabi. Nagkuwentuhan daw kami na para bang ang saya saya namin. Sa isang iglap ay bigla nagpalit ng scene yung panaganip ko. Parang bumalik yung gabi sa JS Prom na nasa rooftop kami ng mga kaibigan ko. Nakita kong papalapit si Christine ngunit sa bawat yapak niya papalapit sa akin ay parang unti unti siyang naglalaho kasabay ng panaginip ko at lahat ay unti unting napapalitan ng tunog ng isang alarm clock.

Unti unti kong inimulat ang aking mga mata at nakitang parang nag iba yung kwarto ko. Kelan ko ba pinapalitan yung kurtina? Unti unting lumiwanag yung paningin ko at nakita kong yung kwarto ay parang yung kwarto ni Christine sa panaginip ko. 

Dito ba talaga ako natulog? Nagulat ako ng makita ko ang mga picture frame sa gilig ng kama na naglalaman ng lahat ng mga litrato ni Christine kasama ang iba't ibang tao. Napansin kong tumutunog pa rin yung alarm clock kaya agad ko naman itong pinatay. Akmang tatayo na sana ako pero may isang bagay pang lalong ikinagulat ko ng sobra.

B-bakit s-suot ko yung gown ni Christine kagabi sa Prom?

CHRISTINE

Nadevelop ko na ata yung attitude na ganito. Nagising ako kahit hindi tumunog yung alarm clock ko. Gumigising kasi ako ng alas 4 ng madaling araw para mag jogging sa lawn. Akmang babangon na sana ako ng biglang sumakit yung ulo ko at parang nahihilo pa. Parang yung feeling ng hang-over. Hindi naman ako uminom kagabi ah! Unti unting lumiwanag yung paningin ko at nakitang iba yung kulay ng kisame ko. Agad akong bumangon at nakitang wala talaga ako sa kwarto ko ngayon. Naalala ko namang bigla nalang akong nawalan ng malay kagabi kaya napaisip ako, marahil ay inuwi nalang muna ako ni Bea at sa guestroom nila pinatulog. Baka nga.

Nararamdaman ko pa rin yung kirot sa ulo ko ngunit nakayanan ko namang tumayo. Nagulat ako ng makita kong parang suit yung suot ko. Agad akong tumakbo papunta sa nakita kong malaking salamin sa kwarto at napasigaw ako sa sobrang pagkagulat nang makita ko ang na sa salamin.

"B-BAKIT P-PAGMUMUKHA NI KENT YUNG NASA SALAMIN!"

Related chapters

  • Our Theory of 11:11   Chapter 4

    CHRISTINE"Hindi. Hindi talaga! Hindi talaga maari!"Iyon ang mga naisigaw ko sa sarili ko habang paulit-ulit na tinitignan ang imaheng ipinapakita sa akin ng salamin. B-bakit? Bakit si Kent ang nakikita ko? Paulit ulit kong sinasampal ang sarili ko sa pagbabakasakaling panaginip lang ang lahat ng ito.Pero sa bawat sampal ay mas lalo akong kinakabahan ng makita kong pumupula rin ang kaniyang mukha. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko ngunit may biglang sumalin sa aking isipan.Ito ba ang tinatawag nilang switching of places? That freaking body-swap I read in some fictional books? Pero wait! Kung na sa katawan ako ngayon ni Kent, then could it be that...KENT"Imposible".Bulong ko sa sarili matapos kong mapagtanto ang mga maaring nangyayari n

    Last Updated : 2020-07-30
  • Our Theory of 11:11   Chapter 5

    CHRISTINENa sa katawan ni Kent ako ulit!P-pero bakit? Anong nangyari? Kanina lang ay tandang tanda kong nakabalik na ako sa katawan ko!"Anong nangyayari?" Sabi ko ng pasigaw kay Kent na ngayo'y nasa katawan ko.Kahit siya ay nababalisa rin sa nangyayari. Pinaglalaruan ba kami ngayon tadhana or any sort of witchcraft? Bakit ito nangyayari sa amin?Dahan dahan siyang humakbang papunta sa akin ngunit bago paman siya makalapit ng tuluyan ay muli kong naramdaman ang pag-iba ng aking pananaw. Tinignan ko ang aking sarili at nakita kong nakabalik ulit ako sa aking katawan. Ano itong nangyayari?De bale, baka nagka malfunction lang siguro yung mahika na nararanasan namin ngayon."Mukhang nagka malfunction lang siguro. Sige mauna na ako," sabi ko at naglakad na papalayo. Ngunit sa di

    Last Updated : 2020-07-30
  • Our Theory of 11:11   Chapter 6

    KENT"Hays, ano ba yan Kent! Bakit mo kasi minadali. Dapat, suave lang yun eh. Ayan tuloy, mahihirapan ka na talaga sa susunod," sabi ko sa sarili ko habang nakatutok sa number ni Christine sa cellphone ko. "Tatawagan ko ba siya? Huwag nalang siguro muna."Oo tama, nagpalit kami ng cellphone. Nasa akin pa rin yung cellphone ko kahit na sa katawan na niya ako.Balak ko kasi sana siyang tawagan para magsorry sa nasabi ko kanina. Alam ko rin naman sa sarili ko eh na nagkamali ako doon. Kahit papaano, wala pa rin naman akong karapatan sabihin yun kasi kahit nasa katawan niya ako, sa kaniya pa rin naman 'to.Andami ring nangyari ngayong araw. Ginawa namin lahat para kahit papaano, maging komportable naman kami sa sitwasyon naming ito. Gumawa pa nga siya ng rules eh.Yung pinakauna, dapat di ko daw pwede hawakan yung katawan niya liba

    Last Updated : 2020-07-30
  • Our Theory of 11:11   Chapter 7

    KENTWalang tigil ang pagpatak ng aking pawis. Kasabay nito ang wala ring tigil na pagbuhos ng ulan. Animo'y bumabagyo at kung meron man, kasing lakas ng numero 9 ng electric fan ang hangin na ngayo'y tumatama sa mukha ko.Nasa tuktok ako ng isang bundok ngayon kaharap ang isang higanteng leon. Ang mga pangil niya ay kasing laki ng mga braso ko. Kalahati lang ang katawan ko sa mga paa niya.Gayunpaman, handa akong labanan siya gamit ang maliit na patpat na hawak ko ngayon. Tumatakbo na siya papalapit sa akin at ganon din ako. Nakakabingi ang kanyang sigaw at iyak. Tila gusto na niya akong kainin. Akmang lalamunin na niya ako ngunit napagtigil ang aming labanan ng marinig kong may umaawat sa amin."Huy!" tawag ng isang babae. "Huy, Christine, you are spacing out!" Sabi niya ng pabulong kaya nagtaka ako.Ano raw? Christine?

    Last Updated : 2020-07-30
  • Our Theory of 11:11   Chapter 8

    CHRISTINEHindi ko lubos maisip na nangyayari sa akin 'to ngayon. Hindi ko lubos maisip na ganito kalaki ang mga magiging consequence ng soul swtiching naming ito."Okay ka na?" tanong niya sakin.Kanina pa niya ako tinatanong niyan pero iniirapan ko lang siya. Naiinis ako sa kaniya. Para akong nagpapahiram ng bagay sa kaniya na hindi naman niya kayang alaagan. Ikalawang araw pa lang ng miserableng sitwasyon naming ito pero andami ng mga nangyayari. Hanggang saan pa ba aabot 'to?Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin ako sa kaniya ngayon. Kahit papaano ay bumabawi siya sa akin. Pumayag pa nga siya eh na bumili ako ng napkin kahit nasa katawan niya ako. Sa totoo lang, hindi niya naman ito kasalanan eh. Walang may kasalanan samin nito. Ang tadhana ang siyang may gawa nito."Huy, ayos ka lang?" paguulit niya."Ah, oo.

    Last Updated : 2020-07-30
  • Our Theory of 11:11   Chapter 9

    CHRISTINE"Ang ibig mong sabihin, katulad noong nakaraan ay mag-isa lang din itong nagsulat at gumuhit?" Tanong sakin ni Kent habang sinusuri ang mahiwgang aklat na '11:11.'Nasa library kami ngayon at kasalukuyan naming sinusuri yung aklat. Sandamamak na nga na research ang ginawa ko tunkol sa theory and beliefs ng 11:11 pero ni isa, walang accurate explanation tungkol sa isang shining magical book na nagsusulat mag-isa na hawak pa namin ngayon.Also, I found some facts about soul switching thus, napanuod ko narin yung mga movies na ganon like Kimi no Nawa pero wala din akong makita na any explanation o clues about sa relation nito sa 11:11. In short, we are really clueless of these unbelievable things na pumapalibot sa amin ngayon."I think we should just wait for another miracle then," sabi niya sa akin at nagsmile. Aba, parang gusto pa niyan

    Last Updated : 2020-07-30
  • Our Theory of 11:11   Chapter 10

    CHRISTINEMadilim ang paligid at naghahari ngayon ang dilim subalit nararamdaman ko parin ang matinding pananabik ng mga taong naririto ngayon. Bakas ito sa bulong bulungan na naririnig ko ngayon na animo'y hinihintay na nila ang unti unting pagliwanag ng paligid. At nangyayari na nga aming inaasam asam. Unti unti ng bumubukas ang mga ilaw na ngayon ay nakatutok sa entablado. Nagkaroon ng panandaliang katahimikan sa mga tao habang hinihintay nila na magsalita ang announcer."And our last performer, but definitely not the least, please help me welcome, from St. Luiz High, Mr. Christian Del Rosario," narinig kong sabi ng announcer dahilan para kami lahat ay maghiyawan.Dahan dahan ng lumabas si Kuya mula sa backstage at ngayon ay papunta na siya sa malaking grand piano na nasa gitna ng entablado. Habang naglalakad siya a

    Last Updated : 2020-07-30
  • Our Theory of 11:11   Chapter 11

    KENTOkay, fine. Truth be told? Medyo nagulat ako dun sa sinabi ni Christine na upcoming performance pero pinilit kong huwag yun ipahalata sa kaniya."Halika, may ipaparinig ako sayong kanta," paguulit ko. Bakas sa mga mata ni Christine na para bang nagdadalawang-isip siya. Tahimik lang kami ng mga ilang segundo habang nakangiti ako sa kaniya pero kalaunan ay nagsalita rin siya."Ayoko," saad niya tsaka umalis. Mabilis siyang naglakad papalayo dahilan para makabalik na ako sa katawan niya. Sandali akong lumingon kay Christine na ngayon ay nasa katawan ko na. Walang kang emosyon na makikita sa kaniya ngayon. Kinuha niya lang yung guitar case tsaka isinilid na yung guitar._Alas 5 na at ngayon ay nasa bench ulit ako kung saan kami huling nagkita ni Christine kanina. Balak ko sanang humingi ng sor

    Last Updated : 2020-08-01

Latest chapter

  • Our Theory of 11:11   Chapter 29

    KENT2 Years Earlier

  • Our Theory of 11:11   Chapter 28

    CHRISTINE7 Months Later"Hey Christine, wanna party later?" tanong nung kaklase ko.

  • Our Theory of 11:11   Chapter 27

    KENTLabis ang saya ko dahil sa nangyari pero mas masaya ako dahil masaya rin si Christine. Para bang ako yung prinsipe niya at siya naman yung prinsesa at nawala yung sumpa dahil sa true love's kiss.Nasa taxi kami ngayon pauwi sa bahay nila. Kinakailangan ko na siyang ihatid kasi normal na ulit kami at baka mapahamak pa siya."Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na normal na ulit tayo," sabi ni Christine at sumandal siya sa balikat ko.Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti sa mga nangyayari. Kahit ako rin naman ay hindi rin makapaniwala. Ang plano ko lang talaga ngayon ay surpresahin siya sa isang rooftop sa boulevard pero hindi ko akalaing ngayon na kami babalik sa pagiging normal."Ngi, wala pa pala sila mommy," sabi ni Christine habang binubuksan namin yung gate. "Nagtext kasi sila. Nasa police station pa raw. Ewan ko

  • Our Theory of 11:11   Chapter 26

    CHRISTINEIsang araw na ang lumilipas mula nung magkita kami ni Kent. Mas lalo tuloy akong naguguluhan ngayon.Blinock niya ako sa lahat ng social media accounts niya. Cannot be reached na rin ang number niya.May nangyari ba sa kaniya na hindi ko alam? O may nagawa kaya akong mali? Kung puntahan ko kaya siya ngayon sa bahay nila?Agad akong naghanda at nagbihis. Nagluto na rin lang ako ng instant noodles. Maaga kasing umalis sina mommy at daddy kanina at sabi nila'y magtatake out na lang daw sila kaya walang ulam ngayon sa bahay.Akmang aalis na sana ako nang biglang mahuli ng mata ko ang sasakyan namin na ngayon ay pinapark na sa garage. Bumaba na si mommy at sumunod naman si daddy habang bitbit ang dalawang supot.Wala na tuloy akong nagawa kundi umupo nalang muna sa sofa."Halika na a

  • Our Theory of 11:11   Chapter 25

    CHRISTINEMalakas ang simoy ng hangin subalit tila napakagaan nito sa tuwing tumatama ito sa katawan ko. Ang langit ay nababalot ng mga kumukutikutitap na mga bituin habang napapalibutan ang hugis C na buwan. Kung totoo man ang theory na lahat ng mga namatay ay nagiging bituin sa langit, tiyak na masaya

  • Our Theory of 11:11   Chapter 24

    CHRISTINE"San mo ba kasi ako dadalhin?" tanong ko kay Kent. Nasa biyahe kami ngayon pero ni ilaw man lang ay wala akong maaninag dahil sa blindfold na tumatabon sa mga mata ko ngayon.Pero ni isang sagot din ay wala akong narinig mula sa kaniya.

  • Our Theory of 11:11   Chapter 23

    KENTTahimik lang kaming lahat sa mesa habang kumakain. Katabi ko ngayon si Christine, nasa harapan ko naman si Kuya Kyle na katabi din si Dad.“Dad, kailan nga po pala kayo naka-uwi?” tanong ko dahilan para mapatingin silang lahat sa akin. Wala naman sigurong mali sa sinabi ko diba?“Kaninang madaling araw lang anak,” sagot naman ni dad.Sa totoo lang, wala na talaga akong ibang maisip na topic. Sinadya kong kunin yung atensyon nila kasi napansin kong kanina pa pinagmamasdan ni dad si Christine.Alam kong hindi siya kumbinsido sa sinabi ko kanina na magkaibigan lang kami ni Christine. Yun nga lang, magkaibigan ‘pa’ lang talaga kami, tsk.“Bakit? Hindi ka ba masaya na nandito na ulit ako?” tanong niya pa. Ganon ba talaga yung tono ng pananalita ko? Naalala ko kasing yun din y

  • Our Theory of 11:11   Chapter 22

    KENTKanina pa nililibot ng mga mata ko ang sala. Ewan ko ba pero namiss ko rin yung bawat sulok dito sa bahay. Kanina pa rin pala ako naglilibot dito. Pinagmasdan ko yung mga family pictures namin na nakasabit sa pader. Medyo miss ko na rin pala si dad. Hindi sa nagmamayabang pero isa rin ako sa mga paborito niyang anak kaya close talaga kami.Hindi ko na namalayang talumpung minuto na pala akong naghihintay kay Christine na ngayon ay naghahanda pa rin para sa lakad namin. Ang totoo niyan, gusto ko sanang ako nalang yung mag ayos sa sarili ko total magkasama naman kami ngayon pero siya na yung umayaw. Nakakahiya daw kasi sa mga kuya ko na makitang naghihintay siya sa labas ng cr kahit may cr naman talaga sa kwarto ko.Inasar ko pa nga siya na baka gustong gusto niya lang talaga paliguan yung katawan ko at himas himasin yung pagkalalaki ko kaya nasapak niya pa tuloy ako. Sinabih

  • Our Theory of 11:11   Chapter 21

    KENTHindi naman ako nabigo dahil pagdating ko dito ay nakita kong ako lang naman ang naririto ngayon. Sinadya ko talagang pumunta rito ng mas maaga para hindi na ako maabutan ni Kuya Kyle.Agad akong humakbang papalapit sa puntod ni mommy. Unang beses kong makadalaw sa kaniya dito sa katawan ni Christine. Nang makatayo na ako sa tapat ng lapida ay napabuntong hininga muna ako."Hindi po ako sigurado kung nakilala niyo ba ako ngayon o hindi. Pero ako po 'to ma, si Kent," tugon ko sabay ang isang malaking ngiti. Pagkatapos nun, ay minabuti ko munang maupo sa makapal na damo."Happy birthday ma, miss na miss na kita," sabi ko habang inaalis ang mga patay na dahong nakapatong sa lapida. "Marahil ay nagtataka po kayo ngayon kung bakit ako lang mag-isa," sabi ko. Napabuntong hininga muna ako ulit bago ako nagpatuloy sa pagsasalita. "Hindi ko naman po kasing pwede isa

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status