KENT
"Hays, ano ba yan Kent! Bakit mo kasi minadali. Dapat, suave lang yun eh. Ayan tuloy, mahihirapan ka na talaga sa susunod," sabi ko sa sarili ko habang nakatutok sa number ni Christine sa cellphone ko. "Tatawagan ko ba siya? Huwag nalang siguro muna."
Oo tama, nagpalit kami ng cellphone. Nasa akin pa rin yung cellphone ko kahit na sa katawan na niya ako.
Balak ko kasi sana siyang tawagan para magsorry sa nasabi ko kanina. Alam ko rin naman sa sarili ko eh na nagkamali ako doon. Kahit papaano, wala pa rin naman akong karapatan sabihin yun kasi kahit nasa katawan niya ako, sa kaniya pa rin naman 'to.
Andami ring nangyari ngayong araw. Ginawa namin lahat para kahit papaano, maging komportable naman kami sa sitwasyon naming ito. Gumawa pa nga siya ng rules eh.
Yung pinakauna, dapat di ko daw pwede hawakan yung katawan niya liban nalang kung naliligo. Yung pangalawa daw dapat matulog ako ng maaga kasi gigising pa daw ako ng alas 4 para magjogging, hays. Kaya pala ang ingay nung alarm clock niya kanina eh. Tapos yun, andami niya pang bilin sa akin tapos ang unfair lang kasi wala naman akong rules na binigay sa kanya pero sakin, napakarami. Nako! Kung hindi ko lang siya crush eh!
Na sa bahay na niya ako. Sabi niya rin pala dapat daw makabisado ko 'tong bahay. Kailangan ko na rin daw kumayod mag-isa kasi wala daw akong maaasahan dito. Luh, pano pagnagkasakit ako ha?
_
Kaso medyo nainis ako dun sa mga lalaking nakatingin sa akin ngayon. Yung halatang may pagnanasa talaga! Nako, hindi niyo pwedeng titigan ng ganyan yung crush ko ha, makakatikim talaga kayo sakin!
Hindi ko na lamang iyon pinansin ngunit nung naka ilang hakbang na ako, may isang lalaking humarang sa akin.
"Tine, sa kama tayo maglunch mamaya," sabi niya na ikinainis ko kaya nasuntok ko nalang siya ng hindi ko sinasadya.
Hays, lagot ako nito kay Christine. Sabi pa naman niya stay away from trouble daw. Pero nakakainis na eh! Binabastos na siya. Di ko namalayan na natumba pala yung lalaki at ngayon ay tinutulungan na siya ng mga kaibigan niya.
"P-pasalamat ka babae kang mangkukulam ka! Kung hindi, makakatikim ka talaga sakin," sabi niya na ngayon ay hirap pa sa pagtayo.
Hay nako. Ginamit ko nalang yung signature eye roll ni Christine tiyaka umalis na. Mabuti na lang, alam ko kung pano niya irapan yung isang tao. Kainis talaga yun ha, de bale sasabihin ko naman yun kay Christine. Sabi niya magkita daw kami bago pumasok sa first period doon sa bench kung saan kami una nagkita.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad ngunit binagabag ako nang makita ko malapit sa hallway ang mga babaeng estudyante na nagkukumpulan.
Hindi ko na lang sana iyon papansinin at magpapatuloy na sana ako para hanapin si Christine pero nagtaka ako kasi nakita ko sina Ethan at Augustus doon sa nagkukumpulan na mga estudyante kaya agad na akong pumunta doon. Hindi nalang siguro ako magpapakilala sa kanila.
"Can you like girls make ikot and then go away? You're too loud na eh," sabi ng isang pamilyar na boses na narinig ko mula doon sa mga estudyante.
B-boses ko ba yun? Tama! Boses ko nga! At si Christine yung nagsasalita ngayon.
Mabilis akong tumakbo roon para warningan sana siya na huwag naman ako gawing bakla pero pano yan? Di ako makalapit sa kanya sa sobrang dami ng tao. Hays. Hindi na nga ako yung na sa katawan ko pero ramdam na ramdam ko pa rin yung hirap ng pagiging gwapo. Bakit ba kasi ako pinanganak na ganito?
"Shoo! Go away," rinig ko pang sabi niya.
Hindi na 'to tama. Kailangan ko ng gumawa ng paraan. Lintek naman oh.
Pilit akong sumiksik sa mga nagkukumpulang mga tao. Nagbabakasakali rin ako na mapansin ni Christine kaso 'di niya ako makita. Nung nakalapit na ako sa kaniya, naramdaman ko ng nakabalik na ako sa sarili kong katawan.
"Pre, pumili ka nalang kasi ng isa sa kanila para wala ng aasa. Marami namang mga magaganda oh," sabi sakin ni Ethan.
"Oo nga pre, wala ka namang chance doon sa crush mo eh. Sukuan mo nalang 'yon," sabi pa ni Augustus.
Haha, yan ang inaakala niyo. Ngayon pa ba ako susuko? Tinitigan ko si Christine na nakatayo ngayon sa gilid ko. Bakas sa mga mata niya na parang nahihilo siya ng konti.
"Wag na kayo magulo kasi di ako interesado sa inyo. Iisa lang ang binibigyan ko ng interes at hindi kayo yun," sabi ko habang nakatitig sa mga mata ni Christine.
Tamaan ka sana please! Haha!
Nakita ko namang unti unti ng umaalis yung mga fangirls ko. Hays, mabuti naman. Lumapit ako agad kay Christine tsaka inakbayan siya. Gusto niyang kumawala pero pinigilan ko lang siya at bumulong ako sa kanya.
"Chill ka muna, acting lang 'to".
CHRISTINE
"Psst! Huy ba't di mo sinasagot yung tanong namin," sabi nitong kaibigan ni Kent na si Ethan.
Hay nako. Kanina pa kasi sila tanong ng tanong kung ano na daw kami ni Kent at bakit nagagawa na daw niya akong akbayan. Hindi ko nalang sila sinagot at sinubukan ko ng makinig sa teacher na nasa harap ngayon.
Hindi ko aakalaing ganito pala kahirap yung buhay ni Kent araw araw dito sa school. No wonder kaya tamad siya. Eh pano ba kasi yan? Yung math nila dito sa last section, iniisa isa pa yung 3 trigonometric ratios. Yung CAH or Cosine of Theta is equal to Adjacent over Hypotenuse pa yung discussion namin ngayon. And sabi daw, each ratio will be tackled for a week para mas maintindihan ng students. Eh kami nga sa first section, isang oras lang namin diniscuss yung tatlong ratios eh.
Nagdecide muna akong matulog sa sobrang pagkabored.
Ilang saglit pa, naramdaman ko nalang na may kumakalabit sa akin kaya napasigaw tuloy ako ng di sinasadya.
"Ano ba! Nakikita mo bang natutulog yung tao?"
Hays. Si Augustus Santiago pala yung kumalabit sakin. Bakit ba kasi? Napatingin ako sa buong classroom na ngayon ay nakatitig sa akin. Yung iba, natatawa habang yung iba naman poker face lang. Pati si sir nakatitig din sakin ngayon?
OMG, dahil ba sumigaw ako?
Napatingin ako ngayon sa teacher na ngayon ay umiiling na.
"Stand up," sabi niya kaya agad akong tumayo.
"Sinong nagbigay sayo ng karapatan na matulog sa klase ko, ha Mr. Cruz!" Sigaw niya.
Patay, lagot.
"Wala kang respeto bata ka! Bobo na nga, hindi pa pinalaki ng maayos ng mga magulang. Halatang hindi tinuruan ng magandang asal," dagdag pa niya.
Hindi ko alam pero parang naaawa ako ngayon kay Kent sa mga pinagsasabi ng teacher niya. Wala naman siyang karapatan na sabihin yung mga bagay na yun tungkol sa kaniya at lalo na sa parents niya dahil hindi naman niya lubusang kilala si Kent.
"Sir, parang sumusobra naman po yata kayo sa mga sinasabi niyo," sabi ko. Hindi ko na kasi mapigilan eh.
"Aba sumasagot ka pa ngayon ha! Pwes, tingnan natin kung saan aabot ang angas mo pagkatapos mong maparusahan," sigaw niya.
Oh my gosh, anong parusa ang pinagsasabi niya? Squat? Magbibilad sa araw? Hazing? Firing squad? Garotte?
"Sige. Dahil mahilig ka na ngayon sumagot, tingan natin kung masasagutan mo 'to," sabi niya at itinuro yung isinulat niya sa black board.
I-isang problem?
Tiningan ko ang reaksyon ng buong klase pati nina Ethan at Augustus na mukhang nababagabag ng husto sa mathematical problem na sa board.
"OMG, ano yan?"
"Hala, good luck nalang sa kaniya".
"Pangcollege na ba yan?" Dinig kong bulong bulongan ng mga estudyante.
Hindi ko na sila pinansin at binasa na ang nakasulat sa board.
In a 45-45-90 triangle, let the Hypotenuse be equal to 32. What is the value of the shorter leg?
"Ano pang hinihintay mo diyan Mr. Cruz? Nagmamagaling ka na diba? Go ahead and show your solution and answer it here on the board," sabi niya at nagcross arms.
Seryoso? Yan na yan? Yan na ang tinatawag niyang punishment?
"Sir, do I really have to write everything on the board? Kasi if I were to answer it directly, the shorter leg will be equal to 16√2," sabi ko ng diretso.
Napasingkit naman ang mata ni Sir at agad siyang may isinulat sa papel na para bang sinosolve niya ang sarili niyang problem para icheck yung sagot ko. Nang matapos na siyang magsulat, biglang napalaki ang mga mata niya.
"P-paano mo n-nakuha ang tamang sagot in a few seconds?" Pautal utal niyang tanong na ikinagulat din ng buong klase.
"Sir, hindi po kasi tayo dapat nanghuhusga agad ng tao. We might already know that person and their capabilities, but that does not give us the right to judge their personal life," sabi ko at agad na kinuha ang bag ni Kent at pumunta sa harap malapit sa pinto. "And if you'll allow me sir, I need to go to the restroom," sabi ko at lumabas na sa classroom.
KENTWalang tigil ang pagpatak ng aking pawis. Kasabay nito ang wala ring tigil na pagbuhos ng ulan. Animo'y bumabagyo at kung meron man, kasing lakas ng numero 9 ng electric fan ang hangin na ngayo'y tumatama sa mukha ko.Nasa tuktok ako ng isang bundok ngayon kaharap ang isang higanteng leon. Ang mga pangil niya ay kasing laki ng mga braso ko. Kalahati lang ang katawan ko sa mga paa niya.Gayunpaman, handa akong labanan siya gamit ang maliit na patpat na hawak ko ngayon. Tumatakbo na siya papalapit sa akin at ganon din ako. Nakakabingi ang kanyang sigaw at iyak. Tila gusto na niya akong kainin. Akmang lalamunin na niya ako ngunit napagtigil ang aming labanan ng marinig kong may umaawat sa amin."Huy!" tawag ng isang babae. "Huy, Christine, you are spacing out!" Sabi niya ng pabulong kaya nagtaka ako.Ano raw? Christine?
CHRISTINEHindi ko lubos maisip na nangyayari sa akin 'to ngayon. Hindi ko lubos maisip na ganito kalaki ang mga magiging consequence ng soul swtiching naming ito."Okay ka na?" tanong niya sakin.Kanina pa niya ako tinatanong niyan pero iniirapan ko lang siya. Naiinis ako sa kaniya. Para akong nagpapahiram ng bagay sa kaniya na hindi naman niya kayang alaagan. Ikalawang araw pa lang ng miserableng sitwasyon naming ito pero andami ng mga nangyayari. Hanggang saan pa ba aabot 'to?Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin ako sa kaniya ngayon. Kahit papaano ay bumabawi siya sa akin. Pumayag pa nga siya eh na bumili ako ng napkin kahit nasa katawan niya ako. Sa totoo lang, hindi niya naman ito kasalanan eh. Walang may kasalanan samin nito. Ang tadhana ang siyang may gawa nito."Huy, ayos ka lang?" paguulit niya."Ah, oo.
CHRISTINE"Ang ibig mong sabihin, katulad noong nakaraan ay mag-isa lang din itong nagsulat at gumuhit?" Tanong sakin ni Kent habang sinusuri ang mahiwgang aklat na '11:11.'Nasa library kami ngayon at kasalukuyan naming sinusuri yung aklat. Sandamamak na nga na research ang ginawa ko tunkol sa theory and beliefs ng 11:11 pero ni isa, walang accurate explanation tungkol sa isang shining magical book na nagsusulat mag-isa na hawak pa namin ngayon.Also, I found some facts about soul switching thus, napanuod ko narin yung mga movies na ganon like Kimi no Nawa pero wala din akong makita na any explanation o clues about sa relation nito sa 11:11. In short, we are really clueless of these unbelievable things na pumapalibot sa amin ngayon."I think we should just wait for another miracle then," sabi niya sa akin at nagsmile. Aba, parang gusto pa niyan
CHRISTINEMadilim ang paligid at naghahari ngayon ang dilim subalit nararamdaman ko parin ang matinding pananabik ng mga taong naririto ngayon. Bakas ito sa bulong bulungan na naririnig ko ngayon na animo'y hinihintay na nila ang unti unting pagliwanag ng paligid. At nangyayari na nga aming inaasam asam. Unti unti ng bumubukas ang mga ilaw na ngayon ay nakatutok sa entablado. Nagkaroon ng panandaliang katahimikan sa mga tao habang hinihintay nila na magsalita ang announcer."And our last performer, but definitely not the least, please help me welcome, from St. Luiz High, Mr. Christian Del Rosario," narinig kong sabi ng announcer dahilan para kami lahat ay maghiyawan.Dahan dahan ng lumabas si Kuya mula sa backstage at ngayon ay papunta na siya sa malaking grand piano na nasa gitna ng entablado. Habang naglalakad siya a
KENTOkay, fine. Truth be told? Medyo nagulat ako dun sa sinabi ni Christine na upcoming performance pero pinilit kong huwag yun ipahalata sa kaniya."Halika, may ipaparinig ako sayong kanta," paguulit ko. Bakas sa mga mata ni Christine na para bang nagdadalawang-isip siya. Tahimik lang kami ng mga ilang segundo habang nakangiti ako sa kaniya pero kalaunan ay nagsalita rin siya."Ayoko," saad niya tsaka umalis. Mabilis siyang naglakad papalayo dahilan para makabalik na ako sa katawan niya. Sandali akong lumingon kay Christine na ngayon ay nasa katawan ko na. Walang kang emosyon na makikita sa kaniya ngayon. Kinuha niya lang yung guitar case tsaka isinilid na yung guitar._Alas 5 na at ngayon ay nasa bench ulit ako kung saan kami huling nagkita ni Christine kanina. Balak ko sanang humingi ng sor
CHRISTINEHindi halata sa pangangatawan nitong kuya ni Kent pero mukhang pagkain talaga ang most favorite thing nito because guess what? Nandito na kami ngayon sa isang 5 star restaurant. Matapos niya kasing malaman na may kasama daw si Kent na 'girlfriend,' agad siyang nagsuggest na kumain daw kami sa labas since wala pa naman daw kaming dinner.Agad din naman namin siyang sinabihan ni Kent na wala naman kaming relasyon pero ewan ko rin ba kung naniniwala 'tong si Kyle.Tahimik lang din kami sa buong biyahe papunta dito. Well, hindi naman talaga 100% tahimik kasi ang daldal ni Kyle pero Kent and I just didn't respond to anything that he said kaya tumahimik nalang din siya. Hindi pa nga niya nababanggit na niligtas niya ako dati eh."So kailan pa naging kayo?" Biglang tanong ni Kyle at tinuro kaming dalawa ni Kent. Magkatabi kasi kami ngay
CHRISTINE"So you mean to say na lumikha ulit ng sketch yung aklat at yung sketch na yun ay yung scene kung kailan niyakap kita sa awards museum? At may nakalagaw na ikatlong araw" Tanong ni Kent habang panay sa pag kain ng ice cream. Nandito kami ngayon sa isang bench sa school park. Yung lugar kung saan ko siya unang nakita in person."Oo nga! Paulit ulit?" naiinis kong sumbat sa kaniya. Pang-apat na beses na niya ata tinanong sa akin yun."Eh hindi ko kasi mavisualize sa isip ko eh. Is it my fault na nakalimutan mong dalhin yung aklat?" Sabi niya pero inirapan ko lang siya. Well, hindi sa nakalimutan kong dalhin yung aklat. Sinadya ko talagang iwan yun. Ayoko kasing makita niyang nakasmile ako nun habang niyakap niya ako. Baka ano pang isipin niya! I was just really happy that time kasi may nagcomfort sa akin. That's it. Pe
CHRISTINE"Inumin mo na yan tsaka magpahinga ka na muna," tugon ko kay Kent na ngayon ay parang nag-aalab sa sobrang init.Kaagad naman niyang kinuha yung paracetamol tsaka ininom kasabay ang tubig. Nasa kwarto na kami ngayon sa bahay ko. Dito na muna kami dumiretso kasi basang basa talaga kami kanina. Kaso pagdating namin dito, bigla nalang nilagnat si Kent kaya nakahiga lang siya ngayon sa kama at bakas sa kaniyang mukha ang pagdurusa ngayon dahil sa sobrang init niya. Mabuti nalang at kasya naman sa kaniya yung iilang damit ni kuya kaya yun na muna ang ipinahiram ko sa kaniya."Mag-init ka na lang ng tubig sa baba para mapunasan kita," sabi ko sa kaniya. Ang gusto kong iparating ay magpalit na muna kami ng katawan at siya nalang ang mag-init ng tubig sa labas total ayos lang naman ako."Ayoko," sabi niya lang at pumikit."Aba
KENT2 Years Earlier
CHRISTINE7 Months Later"Hey Christine, wanna party later?" tanong nung kaklase ko.
KENTLabis ang saya ko dahil sa nangyari pero mas masaya ako dahil masaya rin si Christine. Para bang ako yung prinsipe niya at siya naman yung prinsesa at nawala yung sumpa dahil sa true love's kiss.Nasa taxi kami ngayon pauwi sa bahay nila. Kinakailangan ko na siyang ihatid kasi normal na ulit kami at baka mapahamak pa siya."Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na normal na ulit tayo," sabi ni Christine at sumandal siya sa balikat ko.Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti sa mga nangyayari. Kahit ako rin naman ay hindi rin makapaniwala. Ang plano ko lang talaga ngayon ay surpresahin siya sa isang rooftop sa boulevard pero hindi ko akalaing ngayon na kami babalik sa pagiging normal."Ngi, wala pa pala sila mommy," sabi ni Christine habang binubuksan namin yung gate. "Nagtext kasi sila. Nasa police station pa raw. Ewan ko
CHRISTINEIsang araw na ang lumilipas mula nung magkita kami ni Kent. Mas lalo tuloy akong naguguluhan ngayon.Blinock niya ako sa lahat ng social media accounts niya. Cannot be reached na rin ang number niya.May nangyari ba sa kaniya na hindi ko alam? O may nagawa kaya akong mali? Kung puntahan ko kaya siya ngayon sa bahay nila?Agad akong naghanda at nagbihis. Nagluto na rin lang ako ng instant noodles. Maaga kasing umalis sina mommy at daddy kanina at sabi nila'y magtatake out na lang daw sila kaya walang ulam ngayon sa bahay.Akmang aalis na sana ako nang biglang mahuli ng mata ko ang sasakyan namin na ngayon ay pinapark na sa garage. Bumaba na si mommy at sumunod naman si daddy habang bitbit ang dalawang supot.Wala na tuloy akong nagawa kundi umupo nalang muna sa sofa."Halika na a
CHRISTINEMalakas ang simoy ng hangin subalit tila napakagaan nito sa tuwing tumatama ito sa katawan ko. Ang langit ay nababalot ng mga kumukutikutitap na mga bituin habang napapalibutan ang hugis C na buwan. Kung totoo man ang theory na lahat ng mga namatay ay nagiging bituin sa langit, tiyak na masaya
CHRISTINE"San mo ba kasi ako dadalhin?" tanong ko kay Kent. Nasa biyahe kami ngayon pero ni ilaw man lang ay wala akong maaninag dahil sa blindfold na tumatabon sa mga mata ko ngayon.Pero ni isang sagot din ay wala akong narinig mula sa kaniya.
KENTTahimik lang kaming lahat sa mesa habang kumakain. Katabi ko ngayon si Christine, nasa harapan ko naman si Kuya Kyle na katabi din si Dad.“Dad, kailan nga po pala kayo naka-uwi?” tanong ko dahilan para mapatingin silang lahat sa akin. Wala naman sigurong mali sa sinabi ko diba?“Kaninang madaling araw lang anak,” sagot naman ni dad.Sa totoo lang, wala na talaga akong ibang maisip na topic. Sinadya kong kunin yung atensyon nila kasi napansin kong kanina pa pinagmamasdan ni dad si Christine.Alam kong hindi siya kumbinsido sa sinabi ko kanina na magkaibigan lang kami ni Christine. Yun nga lang, magkaibigan ‘pa’ lang talaga kami, tsk.“Bakit? Hindi ka ba masaya na nandito na ulit ako?” tanong niya pa. Ganon ba talaga yung tono ng pananalita ko? Naalala ko kasing yun din y
KENTKanina pa nililibot ng mga mata ko ang sala. Ewan ko ba pero namiss ko rin yung bawat sulok dito sa bahay. Kanina pa rin pala ako naglilibot dito. Pinagmasdan ko yung mga family pictures namin na nakasabit sa pader. Medyo miss ko na rin pala si dad. Hindi sa nagmamayabang pero isa rin ako sa mga paborito niyang anak kaya close talaga kami.Hindi ko na namalayang talumpung minuto na pala akong naghihintay kay Christine na ngayon ay naghahanda pa rin para sa lakad namin. Ang totoo niyan, gusto ko sanang ako nalang yung mag ayos sa sarili ko total magkasama naman kami ngayon pero siya na yung umayaw. Nakakahiya daw kasi sa mga kuya ko na makitang naghihintay siya sa labas ng cr kahit may cr naman talaga sa kwarto ko.Inasar ko pa nga siya na baka gustong gusto niya lang talaga paliguan yung katawan ko at himas himasin yung pagkalalaki ko kaya nasapak niya pa tuloy ako. Sinabih
KENTHindi naman ako nabigo dahil pagdating ko dito ay nakita kong ako lang naman ang naririto ngayon. Sinadya ko talagang pumunta rito ng mas maaga para hindi na ako maabutan ni Kuya Kyle.Agad akong humakbang papalapit sa puntod ni mommy. Unang beses kong makadalaw sa kaniya dito sa katawan ni Christine. Nang makatayo na ako sa tapat ng lapida ay napabuntong hininga muna ako."Hindi po ako sigurado kung nakilala niyo ba ako ngayon o hindi. Pero ako po 'to ma, si Kent," tugon ko sabay ang isang malaking ngiti. Pagkatapos nun, ay minabuti ko munang maupo sa makapal na damo."Happy birthday ma, miss na miss na kita," sabi ko habang inaalis ang mga patay na dahong nakapatong sa lapida. "Marahil ay nagtataka po kayo ngayon kung bakit ako lang mag-isa," sabi ko. Napabuntong hininga muna ako ulit bago ako nagpatuloy sa pagsasalita. "Hindi ko naman po kasing pwede isa