Share

Chapter 20

Author: IamManuelll
last update Huling Na-update: 2020-08-08 19:04:54

CHRISTINE

Animo'y binabalot ngayon ng matinding emosyon ang ere habang patuloy na umaalingawngaw ang isang napakagandang awitin sa loob ng silid.

"Napakaganda ng composition mo kuya, ang sarap pakinggan ng paulit ulit," tugon ko kay kuya na ngayon ay patuloy pa ring tumutugtog sa piano.

Magkatabi kami ngayon sa upuan kaya kitang kita ko kung paano niya igalaw ang kaniyang mga mahahabang daliri para abutin ang mga notang bumubuo sa musikang bumibihag sa aking damdamin ngayon.

"Amore Desiderato," sabi ni kuya ng matapos na niyang iparinig sa akin ang piano piece na nilikha niya.

"Po?" sabi ko. Hindi ko kasi masyadong narinig yung sinabi niya sakin.

"Amore Desiderato. Yun ang title ng kanta," sabi niya dahilan para mapangiti ako.

"Ang ganda naman kuya. Pero, anong meaning nun?" tanong ko.

"Desired Love," sabi niya. Napaisip tuloy ako kung gaano nga kabagay ang musika sa title nito. "Ang gusto kong ipahiwatig sa ritmo nito ay ang kagustuhan ng taong magmahal at mahalin. Kahit itanggi man natin ito, darating pa rin ang panahon na ikaw na mismo ang maghahanap ng pagmamahal," pagpapaliwanag niya pero napakunot lang yung noo ko. Hindi ko naman kasi maintindihan yung sinasabi niya.

"Perhaps, hindi mo pa naiintindihan yung mga sinasabi ko sa ngayon but someday, I know you will," sabi niya sakin sabay ngiti habang hinihimas ang buhok ko.

"Nakikinig ka pa ba?" Biglaang tanong sakin ni Kent dahilan para matauhan ako. Tulala na naman siguro ako.

"H-ha?" Tanong ko naman. Napagtanto ko nalang na magkatabi pala kami ngayon sa upuan kaharap ang piano. Hiniling ko sa kaniya kanina na tugtugin ulit ang Amore Desiderato pero hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa balikat niya.

"Hindi ka naman pala nakinig sa sinabi ko eh," sabi pa niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya ng diretso ngayon. Wala talaga akong alam sa sinasabi niya. Ang huli ko lang matandaan ay tumugtog siya para sakin. Hindi ko naman alam na nagkukwento na pala siya diyan.

Mukha namang nainis siya kaya ibinaling ko nalang muli ang mata ko sa piano.

"Sige na nga, uulitin ko. Nabanggit kasi sa amin ng kuya mo dati sa music school yung hidden message ng kanta niya," sabi niya dahilan para mapalingon ako sa kaniya ulit. Inayos niya naman ang pagkakaupo niya.

"Yung Amore Desiderato o Desired Love ay sumasalamin daw sa kagustuhan ng taong makaranas ng pagmamahal. Kahit pilit mo man itong itanggi, darating at darating pa rin ang panahon na mauuhaw kana dito," dagdag pa niya dahilan para mapaisip tuloy ako.

Buong buhay ko, pag-aaral lang ang pinagtuunan ko ng pansin. Buong buhay ko, hindi ko binigyang halaga ang love life, o kahit ano pa mang bagay na konektado dito. Not until our souls switched with each other's body.

Dahil sa pangyayaring ito, hindi lang si Kent ang nakilala ko kundi pati ang sarili ko. Nakilala ko ang kagustuhan kong hindi ko man lang namalayan na makakapagpasaya pala sakin At ngayon, willing na akong mas makilala pa si Kent Cruz na siyang nagpakilala sakin nito.

"Kent?" Sambit ko sa pangalan niya.

"Bakit?" Tanong niya.

"Ito," tugon ko. "Itong kantang ito ang tutugtugin ko sa performance."

_

Mabilis na lumipas ang mga araw at dalawang araw na lang din ay performance ko na. Alas siyete na ng gabi pero nandito pa rin kami sa music room at patuloy na nageensayo.

Nung una, hindi talaga ako makapaniwala na ang bilis kong natutunan magpiano. Nagpapasalamat talaga ako kay Kent dahil ang galing niya ring magturo. Napakahaba ng patience niya. Hindi niya ako tinitigilan hangga't hindi ko napipindot yung tamang nota.

"Ano ba yan, mali na naman. Pang apat napu't siyam na ulit na natin 'to!" sigaw niya sakin.

Hays, binabawi ko na pala yung sinasabi ko!

Nasa malayo siya ngayon at nagbibigay lang siya ng corrections tuwing nagkakamali ako. Ineensayo ko na kasi ngayon magpiano gamit ang katawan niya dahil sa katawan din naman niya ako magpeperform. Medyo nahirapan din ako magadjust kasi masyadong mahahaba yung mga daliri niya kumpara sakin kaya palagi tuloy akong nagkakamali ngayon.

"From the top," tugon pa niya.

Inirapan ko lang siya pero wala naman akong magawa kundi sumunod sa kaniya total siya naman ang boss ko ngayon. Huminga muna ako ng malalim tsaka ko ipinosisyon ang mga kamay ko. Nagbilang muna ako ng 4 counts sa isip ko bago ako nagsimulang tumugtog.

Focus lang! Animo'y sa bawat tunog na nalilikha ko ay napakagaan nito sa pakiramdam.

Hindi naman ako nabigo sa 50th trial ko kasi sa wakas ay natapos ko rin ang kanta ng walang mali. Sabi ni Kent ay makakauwi na raw kami pagnaperfect ko ito kaya mabilis ko ng isinara ang piano at mabilis na tumungo sa kaniya dahilan para magkapalit kami ng katawan.

"Oh ano? Perfect yon," panunukso ko sa kaniya pero poker face lang siya.

Aba, maattitude siya ngayon ha!

"Hoy! Sabi ko perfect na kaya pwede na tayong umalis," sabi ko pa at ikinaway kaway ang kamay ko sa mukha niya pero nanatiling walang emosyon ang mukha.

Teka, baka nagkamali ako tapos di ko lang namalayan?

Sandali muna akong napatahimik pero ilang segundo pa ay nagulat na lamang ako ng bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Ramdam ko tuloy ang pamumula ng mga pisngi ko ngayon.

Natulala ako sa ginawa niya pero nakangiti na siya ngayon na para bang masaya siya kasi naisahan niya ako.

"That was your reward," tugon niya. Magsasalita pa sana siya kaso nakita niyang akmang sasapakin ko na siya kaya bigla na siyang tumakbo. Hindi naman kami nagkapalit ng katawan kasi mabilis ko rin siyang hinabol.

Patuloy pa kami sa paghahabulan kaso nung makarating na kami sa bandang east wing ay bigla na lamang siyang huminto dahilan para mapahinto rin ako Nawalan ako ng balanse at akmang matutumba na sana ako pero bigla ko na lang naramdaman ang kamay niya na ngayon ay nakasuporta sa likod ko.

Ilang segundong nanatili kami ngayon sa posisyong ito habang nagkakatinginan ang aming mga mata. Parang ito yung mga cliche scenes sa mga palabas kung saan magmemeet si boy at si girl tapos madudulas si girl tapos sasaluhin siya ni boy.

Hindi na tuloy ako magtataka kung ito na naman ang scene na lalabas sa sketch dun sa 11:11 na libro mamaya.

Tulala lang ako pero bigla siyang nagsalita. "Hinahabol mo pala ako eh," tugon niya at napatawa. Agad naman niya akong ibinalanse ng maayos kaya nakatayo na ako.

"Manyak ka talaga, tara na nga," tugon ko nalang.

_

Araw na ng miyerkules at bukas na bukas na rin ang araw ng performance ko. Late na naman kaming nakauwi ni Kent kasi kinakailangan ko pang magpractice sa music room. Excused naman si Kent buong araw kasi binigyan naman siya ng time for practice kaya kahit papaano, nakapagpractice naman ako buong araw.

Pero iba pa rin kasi yung nandyan siya para iguide ako kaya minabuti ko na rin na magpractice kahit gabi na. Sinubukan ko namang maghanap ng way para maexcuse ako sa klase at para makapagpractice kami ni Kent sa umaga pero wala talaga akong maisip na valid reason.

Kumaway muna ako kay Kent pagkatapos niya akong ihatid sa bahay nila tsaka ako pumasok. Habang humahakbanng ako ngayon papasok sa bahay ay nakatutok lang ako sa cellphone ko pero bigla akong napatigil ng may nagsalita sa harap ko.

"How's your practice?" Tanong ni Kyle. "Alam mo, hindi ko talaga maintindihan kung bakit pinipilit mo pang doon sa music room niyo magpractice eh may grand piano naman tayo dito sa bahay," sabi niya.

Naisip na rin namin yun ni Kent pero baka mahuli pa kami kung dito kami magpapractice. Wala na ding piano sa bahay simula nung mamatay si kuya and besides, nandoon din sila mom at dad kaya ang music room lang talaga ang only choice namin as venue for rehearsal.

"Uhm, kailangan kasing makita ni Sir Clinton kung paano ako magpractice," palusot ko nalang kahit sa totoo lang ay puro cheer at salita lang naman ang binibigay ni sir at wala naman talagang actual coaching.

"Oh, ganoon ba?" Tugon ni Kyle kaya napatango naman ako. Akmang magpapaalam na sana ako para magbihis na pero nagsalita pa siya.

"Bukas na nga pala yung performance mo no? Balitaan mo nalang ako sa results ha. You know naman na the reason why I can't come diba?" sabi niya dahilan para mapakunot yung noo ko. "I was even hoping na baka makahabol ka pa," sabi niya dahilan para mas lalo akong malito.

Napatango nalang ako at bahagyang napangiti sa kaniya nang hindi ko man lang alam yung mga sinasabi niya.

Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako makatulog dahil doon sa sinabi ni Kyle. Naisip ko tuloy na itanong iyon kay Kent at akmang itetext ko na sana siya kaso pagbukas ko sa cellphone ko ay may nauna na palang text galing sa kaniya.

I forgot to tell you. I'm afraid I'll miss your performance. May importante lang kasi akong dapat puntahan. Don't worry, I'll do my best to catch up. - Message received from Annoying_cute_guy, 10:43 PM.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lamang akong nakaramdam ng kirot sa puso nang malaman kong hindi makakapunta si Kent sa performance ko para sa kaniya. Ngayon ay nagdadalawang isip na ako kung rereplyan ko pa ba siya o hindi nalang. Ilang saglit pa ay may humabol pang isang message.

I know you can do it w/out me:) I trust you. - Message received from Annoying_cute_guy, 10:45 PM.

Mas lalo pa tuloy bumigat ang aking pakiramdam nang mabasa ko 'yon.

_

Mag-aalas tres na ng hapon at na sa kalagitnaan na ng program. 14 contestants na ang nakapagperform out of 25.

Pang 23 pa naman ako pero habang papalapit na ang performance ko ay mas lalo akong dinadalaw ng matinding kaba lalo na nung makita ko yung mga magagaling kong kalaban.

May tumugtog ng violin, cello, guitar, saxophone, at piano. Halos lahat talaga sila ay magagaling kaya hindi ko talaga maalis yung kaba ko ngayon. Patuloy lang ako ngayon sa pagmamasid kay contestant no. 14 nang may biglang sumagi sa aking isipan.

"Just believe in yourself okay? Kaya mo yan. Just think of me and your kuya," tugon ni Kent sa akin habang inilalapat sa tamang nota ang kamay ko.

Tama! Yun ang sabi ni Kent. Kailangan ko lang magfocus at maniwala sa sarili ko. Ilang saglit pa ay tila lumakas ang loob ko ng maramdman ko ang isang kamay na ngayon ay nakapatong na sa balikat ko.

"Just enjoy your performance okay?" tugon sakin ni Sir Clinton mula sa likuran kaya lumingon ako sa kaniya at tumango.

Ewan ko pero parang dismayado ako nang malaman kong hindi pala si Kent 'yon.

Of course, why would I ever expect that it was him? Kung siya sana yun edi malamang nagkapalit na kami ng katawan.

Mabilis na lumipas ang oras at kasalukuyan ng nagtatanghal si contestant no. 22, dahilan para maghanda na ako sa backstage. Mula dito ay masisilip mo naman ang mga audience kahit papaano. Sandali akong sumilip para hanapin ang taong makakapagpalakas ng loob ko ngayon pero sa kasawiang palad ay hindi ko siya mahanap. Sa pagsilip ko pa ay napagtanto ko nalang na natapos na palang magtanghal si 22 kaya agad na akong tumayo ng maayos.

"Next contestant is a senior from St. Luiz Academy, the school which holds the greatest number of trophies in this field. Please help me welcome, Mr. Kent T. Cruz," pag-anunsiyo ng host kasabay ang malakas na hiyawan mula sa mga tao.

Dahan dahan na akong naglakad papunta sa gitna ng malaking entablado dahilan para manibago ang mga mata ko sa biglaang pagliwanag. Sa bawat paghakbang ko ay naroon din ang spotlight na sumusunod sa akin. Mabilis naman akong nakarating sa gitna.

Agad akong nag-bow sa audience pero bago pa man ako tumalikod para pumunta sa malaking grand piano ay hinanap ko muli si Kent sa pagbabakasakaling nariyan lang siya at nakaupo. Nilibot ng aking mga mata ang kabuuan ng stadium pero sa huli ay nabigo lang ako kaya tumalikod nalang ako at umupo na sa harap ng piano.

Inumpisahan ko aking pagtugtog kasabay ay isang ngiti dahilan para makarinig ako ng iilang palakpakan. Patuloy lang ako ngayon sa pagtugtog at pilit kong hinahanap ang emosyon sa ritmo nito pero habang tumatagal ay tila bumibigat aking pakiramdam. Tila nasasaktan ako sa katotohanang hindi man lang mapapanuod ni Kent ang pagtatanghal ko ngayon para sa kaniya.

Hindi naman ito naging hadlang sa performance ko dahil kahit papaano ay natapos ko rin naman ito. Animo'y kasing lamig ng stadium ang katapusan ng aking pagtatangal. Puno man ito ng emosyon, ngunit kahit kabute man lang ay wala akong naramdaman. Para bang bigla na lamang naging manhid ang puso ko na kahit ang mismong musika na nanggagaling sa akin ay hindi ko na maramdaman.

Narinig ko nalang ang hiyawan ng mga tao pagkatapos ng kanta, hudyat na nagustuhan nila ang ginawa ko. Agad naman akong tumayo at nagbow muli pero nung itinaas ko na ulit ang aking ulo ay agad nahuli ng aking mga mata ang taong kanina ko pa hinihintay.

Napatingin muna ako ng diretso sa kaniya ngunit sa 'di inaasahan ay nakatayo ngayon si Kent hindi bilang ako, kundi bilang siya mismo. Kahit magkalayo kami ngayon, siya at ang mismong ang makisig niyang katawan ang bumibihag ngayon sa mga mata kong halos hindi na mapakurap.

Mula sa gitna ng entablado ay nakita ko siyang nakatayo sa gitna ng lahat ng mga taong nakaupo habang nakaapak ang kaniyang mga paa sa gitnang bahagi ng red carpet.

At sa puntong ito, hindi ko nalang alam kung bakit bigla na lang nagsara ang aking pandinig sa lahat ng mga sigawan at hiyawan mula sa mga tao.

"Ang galing mo, Christine," sigaw niya. At sa hindi maipaliwanag na dahilan, kahit malayo siya ngayon sa akin, sa gitna ng malalakas na boses at palakpakan ng mga tao, yun lamang ang mga salitang naririnig ko ngayon na animo'y wala ng ibang tao sa lugar na ito kundi si Kent lang at ako.

Parang imposible namang makita ko si Kent ngayon sa sarili niya mismong katawan lalo na't ako yung nasa katawan niya ngayon.

Bago ako tuluyang umalis sa stage ay ipinikit ko muna ang mga mata ko at nung pagmulat ko nito ay nakita kong wala na si Kent.

Namamalik mata lang ba ako? O guni guni ko lang yun dahil sa kagustuhan kong makita siya ngayon dito?

Kaugnay na kabanata

  • Our Theory of 11:11   Chapter 21

    KENTHindi naman ako nabigo dahil pagdating ko dito ay nakita kong ako lang naman ang naririto ngayon. Sinadya ko talagang pumunta rito ng mas maaga para hindi na ako maabutan ni Kuya Kyle.Agad akong humakbang papalapit sa puntod ni mommy. Unang beses kong makadalaw sa kaniya dito sa katawan ni Christine. Nang makatayo na ako sa tapat ng lapida ay napabuntong hininga muna ako."Hindi po ako sigurado kung nakilala niyo ba ako ngayon o hindi. Pero ako po 'to ma, si Kent," tugon ko sabay ang isang malaking ngiti. Pagkatapos nun, ay minabuti ko munang maupo sa makapal na damo."Happy birthday ma, miss na miss na kita," sabi ko habang inaalis ang mga patay na dahong nakapatong sa lapida. "Marahil ay nagtataka po kayo ngayon kung bakit ako lang mag-isa," sabi ko. Napabuntong hininga muna ako ulit bago ako nagpatuloy sa pagsasalita. "Hindi ko naman po kasing pwede isa

    Huling Na-update : 2020-08-08
  • Our Theory of 11:11   Chapter 22

    KENTKanina pa nililibot ng mga mata ko ang sala. Ewan ko ba pero namiss ko rin yung bawat sulok dito sa bahay. Kanina pa rin pala ako naglilibot dito. Pinagmasdan ko yung mga family pictures namin na nakasabit sa pader. Medyo miss ko na rin pala si dad. Hindi sa nagmamayabang pero isa rin ako sa mga paborito niyang anak kaya close talaga kami.Hindi ko na namalayang talumpung minuto na pala akong naghihintay kay Christine na ngayon ay naghahanda pa rin para sa lakad namin. Ang totoo niyan, gusto ko sanang ako nalang yung mag ayos sa sarili ko total magkasama naman kami ngayon pero siya na yung umayaw. Nakakahiya daw kasi sa mga kuya ko na makitang naghihintay siya sa labas ng cr kahit may cr naman talaga sa kwarto ko.Inasar ko pa nga siya na baka gustong gusto niya lang talaga paliguan yung katawan ko at himas himasin yung pagkalalaki ko kaya nasapak niya pa tuloy ako. Sinabih

    Huling Na-update : 2020-08-11
  • Our Theory of 11:11   Chapter 23

    KENTTahimik lang kaming lahat sa mesa habang kumakain. Katabi ko ngayon si Christine, nasa harapan ko naman si Kuya Kyle na katabi din si Dad.“Dad, kailan nga po pala kayo naka-uwi?” tanong ko dahilan para mapatingin silang lahat sa akin. Wala naman sigurong mali sa sinabi ko diba?“Kaninang madaling araw lang anak,” sagot naman ni dad.Sa totoo lang, wala na talaga akong ibang maisip na topic. Sinadya kong kunin yung atensyon nila kasi napansin kong kanina pa pinagmamasdan ni dad si Christine.Alam kong hindi siya kumbinsido sa sinabi ko kanina na magkaibigan lang kami ni Christine. Yun nga lang, magkaibigan ‘pa’ lang talaga kami, tsk.“Bakit? Hindi ka ba masaya na nandito na ulit ako?” tanong niya pa. Ganon ba talaga yung tono ng pananalita ko? Naalala ko kasing yun din y

    Huling Na-update : 2020-08-11
  • Our Theory of 11:11   Chapter 24

    CHRISTINE"San mo ba kasi ako dadalhin?" tanong ko kay Kent. Nasa biyahe kami ngayon pero ni ilaw man lang ay wala akong maaninag dahil sa blindfold na tumatabon sa mga mata ko ngayon.Pero ni isang sagot din ay wala akong narinig mula sa kaniya.

    Huling Na-update : 2020-08-12
  • Our Theory of 11:11   Chapter 25

    CHRISTINEMalakas ang simoy ng hangin subalit tila napakagaan nito sa tuwing tumatama ito sa katawan ko. Ang langit ay nababalot ng mga kumukutikutitap na mga bituin habang napapalibutan ang hugis C na buwan. Kung totoo man ang theory na lahat ng mga namatay ay nagiging bituin sa langit, tiyak na masaya

    Huling Na-update : 2020-08-14
  • Our Theory of 11:11   Chapter 26

    CHRISTINEIsang araw na ang lumilipas mula nung magkita kami ni Kent. Mas lalo tuloy akong naguguluhan ngayon.Blinock niya ako sa lahat ng social media accounts niya. Cannot be reached na rin ang number niya.May nangyari ba sa kaniya na hindi ko alam? O may nagawa kaya akong mali? Kung puntahan ko kaya siya ngayon sa bahay nila?Agad akong naghanda at nagbihis. Nagluto na rin lang ako ng instant noodles. Maaga kasing umalis sina mommy at daddy kanina at sabi nila'y magtatake out na lang daw sila kaya walang ulam ngayon sa bahay.Akmang aalis na sana ako nang biglang mahuli ng mata ko ang sasakyan namin na ngayon ay pinapark na sa garage. Bumaba na si mommy at sumunod naman si daddy habang bitbit ang dalawang supot.Wala na tuloy akong nagawa kundi umupo nalang muna sa sofa."Halika na a

    Huling Na-update : 2020-08-22
  • Our Theory of 11:11   Chapter 27

    KENTLabis ang saya ko dahil sa nangyari pero mas masaya ako dahil masaya rin si Christine. Para bang ako yung prinsipe niya at siya naman yung prinsesa at nawala yung sumpa dahil sa true love's kiss.Nasa taxi kami ngayon pauwi sa bahay nila. Kinakailangan ko na siyang ihatid kasi normal na ulit kami at baka mapahamak pa siya."Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na normal na ulit tayo," sabi ni Christine at sumandal siya sa balikat ko.Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti sa mga nangyayari. Kahit ako rin naman ay hindi rin makapaniwala. Ang plano ko lang talaga ngayon ay surpresahin siya sa isang rooftop sa boulevard pero hindi ko akalaing ngayon na kami babalik sa pagiging normal."Ngi, wala pa pala sila mommy," sabi ni Christine habang binubuksan namin yung gate. "Nagtext kasi sila. Nasa police station pa raw. Ewan ko

    Huling Na-update : 2020-08-22
  • Our Theory of 11:11   Chapter 28

    CHRISTINE7 Months Later"Hey Christine, wanna party later?" tanong nung kaklase ko.

    Huling Na-update : 2020-08-26

Pinakabagong kabanata

  • Our Theory of 11:11   Chapter 29

    KENT2 Years Earlier

DMCA.com Protection Status