KENT
Sabado na ngayon at dalawang araw na rin ang nakalipas mula nung nagkaroon ng semi final exams. Wala namang masyadong nangyari nung sumunod na mga araw. Nagpiano lessons lang kami ni Christine pagkatapos ng klase. Bilib talaga ako sa kaniya kasi ang bilis niyang matuto. Kaso hanggang ngayon, hindi pa rin siya nakakapili ng kantang tutugtugin kaya sa pagbabasa ng nota at mga simpleng piano chords lang muna yung itinuro ko sa kaniya.
Dahil weekend naman, nasa bahay lang ako ni Christine ngayon at tinutulungan ang mga hired na taga-linis niya tuwing weekend. Abala sa paglilinis ang lahat habang yung iba naman ay inaasikaso yung garden.
"Ma'am Christine, narito na po yung groceries," sabi ni Aling Flore habang tinutulungan yung dalawang kasambahay na kagagaling lang sa grocery store. Napag-alaman kong siya pala ang pinaka pinagkakatiwalaan ni Christine na kasambahay.
"Ah, paki arrange nalang po doon," sabi ko sa kaniya. Natatawa din ako sa sarili ko ngayon kasi pilit kong ginagaya yung pananalita at kilos ni Christine. Siya yung medyo mahinhin lang pero may awtoridad talaga kung magsalita.
Lumipas na ilang oras at patapos na kami sa mga gawaing bahay. Magtatanghali na rin at isa-isa naring nagsi-uwian ang mga kasambahay. Nung ako nalang mag-isa, agad akong umakyat sa kwarto para kunin sana yung cellphone ko pero may biglang nagdoorbell. Nabanggit sakin ni Christine noon na wala naman daw siyang mga inaasahang bisita kaya medyo nagtataka ako ngayon kung sino ang nasa labas.
Mabilis akong pumunta sa gate para buksan iyon. Yung gate nina Christine ay yung tipong hindi mo nakikita yung nasa labas kaya hindi ko pa talaga alam kung sino talaga 'tong patuloy na nagdodoorbell.
"Sandali lang," tugon ko kaya mabilis naman silang tumigil sa pagdoorbell.
Pero nung pagbukas ko ng gate, laking gulat ko nalang ng bigla akong niyakap ng isang lalaking medyo may edad na. Sumunod rin yung babaeng medyo may edad na rin at animo'y mahigpit na maghigpit ang kanilang yakap ngayon sa akin. Magsasalita na sana ako kaso napaestatwa nalang ako ng maunahan nila ako sa pagsasalita.
"Namiss ka namin anak, kumusta ka, kumakain ka ba ng maayos? Medyo pumayat ka yata," sabi nung babae.
S-sila ba ang parents ni Christine?
"Mommy? Daddy?" Tugon ko at napatango tango naman sila.
Ibis sabihin, sila nga ang parents ni Christine. Pero bakit sila nandito? Akala ko ba, sa susunod na taon pa ang uwi nila?
"Ano yun anak?" Tanong ng tatay ni Christine habang hawak hawak ngayon ang mga pisngi ko.
Hala, anong sasabihin ko?
"B-bakit hindi po kayo nagsabi in advance na uuwi pala kayo?" Pagpapalusot ko nalang. Imposible naman sigurong alam na 'to ni Christine kasi kung alam niya na 'to, tiyak na sasabihin niya 'to sakin.
"Bakit anak? Hindi ka ba masaya na nandito kami ngayon?" Tanong ng nanay niya dahilan para mapalunok ako ng laway.
"Ah, hindi po sa ganun. Ang ibig ko pong sabihin, sana nakapaghanda man lang po ako para sa inyo," palusot ko. Napayakap naman sila sakin muli matapos kong sabihin 'yun.
"Anak, walang problema. Ang importante, magkakasama tayo ngayon," sabi ng nanay niya. Wala naman akong nagawa kundi yakapin na din sila pabalik. Wala naman sigurong masama diba? Total, magiging one happy family din naman kami sa future, haha. "Tara, pasok na tayo sa loob, marami kaming pasalubong sa iyo," dagdag pa niya kaya nagsipasok na kami.
"Bakit napaaga po yung uwi niyo dito sa pinas dad?" Tanong ko. Kumakain na kami ngayon ng pananghalian. Naalala ko kasing sinabi sakin ni Christine noon na next year pa raw uuwi yung parents niya. Pero nung tinanong ko iyon, napatingin lang yung tatay ni Christine sa nanay niya. Para bang may mabigat talagang rason kung bakit sila bumalik dito pero nagdadalawang isip pa sila kung sasabihin ba nila sa anak nila o hindi.
"Let's just discuss it some other time, okay baby?" Sabi lang sakin ng nanay niya at binigyan lang ako ng ngiti.
Mabilis na lumipas ang araw at puro kwentuhan lang ang nangyari sa pagitan naming tatlo. Hindi ko tuloy maiwasang matawa kung gaano ka cute si Christine sa tuwing nagkukuwento yung nanay niya tungkol sa childhood days niya. Nabanggit ko na rin kay Christine yung tungkol sa paguwi ng parents niya. Nung una ay hindi pa siya makapaniwala pero kalaunan ay sinabi niya na lang din sakin na pakisamahan ko lang daw yung mga magulang niya at huwag daw akong magpapahalata.
Kinabukasan, maagi akong ginising ng nanay ni Christine. Nabangghit niya kasi sakin kagabi na may pupuntahan daw kami ngayon. Medyo excited ako kasi kahit papaano, makakapagbonding ako sa mga magiging biyenan ko, haha. Mabilis naman akong naghanda at tsaka naghintay nalang sa sala. Ilang minuto lang din ang lumipas at nakita ko nang pababa na sila sa kanilang kwarto.
"Let's go?" Tugon ng tatay ni Christine.
"Hindi na po ba tayo magaalmusal?" Tanong ko.
"Kakain nalang tayo sa labas, okay?" Sabi naman ng tatay niya.
Kumain kami sa isang maliit na tapsilogan malapit lang din sa bahay nila. Mayaman naman sina Christine pero hangang hanga ako sa pagiging low key nilang magpamilya. Pansin ko rin kung gaano ka kaclose yung mga parents ni Christine sa kaniya kaya hindi maitatangging napaka family-oriented din niya.
Hays, mas lalo ko tuloy siyang nagugustuhan.
Pagkatapos naming kumain ay hindi ko na alam kung saan kami pupunta kasi hindi naman sinabi sakin ng nanay ni Christine kagabi. Pinili ko na ring hindi na magtanong. Mas mabuti na rin siguro 'tong nasusurprise ako sa mga activities nila.
Kalahating oras na ang lumipas pero nasa biyahe pa rin kami. Malapit na rin malowbatt yung cellphone ko kasi nakalimutan ko rin itong icharge kagabi kaya minabuti ko muna itong itabi at tumingin tingin nalang sa aming mga nadadaanan. Pansin kong kakaunti nalang ang mga gusali. Hindi na rin masyadong traffic.
Hindi na rin naglaon ay pumasok na kami sa isang malaking gate. Tumango naman yung tatay ni Christine sa gwardya na para bang magkakilala na ang mga ito. Bigla na lamang akong nagulat ng mapagtanto ko kung nasan kami ngayon. Magkahalo na ang nararamdman ko ng malaman kong na sa isang private cemetery kami ngayon.
Tumigil kami sa isang malawak na lote na may malaking puno. Agad namang tumigil ang makina ng sasakyan at lumabas na ang nanay at tatay ni Christine kaya lumabas na rin ako. Bitbit na ngayon ng tatay ni Christine ang isang basket ng bulaklak na hindi ko naman napansin kanina.
Dahan dahan akong sumunod sa kung saan patungo ang nanay at tatay ni Christine at ilang hakbang lang ay nakita ko na ang isang lapida kung saan naka ukit ang pangalan ng lalaking iniidolo ko noon.
"Christian, kumusta ka na?" Bati ng nanay ni Christine. Napansin kong unti unti ng namumuo ngayon ang mga luha sa mata nito. Agad namang inilagay ng tatay ni Christine ang mga bulaklak sa tapat ng lapida.
Umatras na muna ako nang kaunti at hinayaan ko na muna silang dalawa na ngayon ay nag-iiyakan na at nagdadasal. Bigla tuloy akong nakaramdam ng pangungulila kay mommy. Namatay si mommy sa cancer noong limang taong gulang pa lamang ako kaya kahit papaano ay alam ko rin kung gaano kasakit ang nararamdaman ng pamilya nila ngayon.
Ilang minuto rin ang lumipas at nilapitan na ako ngayon ng nanay ni Christine. Nakasunod lang ang tatay ni Christine sa kaniya.
"Aren't you gonna say hi to your kuya?" Tanong sakin ng nanay niya at niyakap ako. Panandalian niya muna akong niyakap at nung pinakawalan niya na ako ay tsaka na ako nagsalita.
"Hindi na po siguro," tugon ko nalang at ngumiti.
Biglang hinawakan ng nanay ni Christine ang dalawa kong kamay. "We are staying here until the case is closed," sabi niya sa akin na ikinalito ko.
"Anong case po?" Tanong ko.
Panandaliang lumingon ang nanay ni Christine sa kaniyang asawa na para bang may senyas silang ibingay sa isa't isa. Ibinalik ng nanay ni Christine ang kaniyang mga tingin sa akin at mas lalo pang hinigpitan ang hawak nito sa aking mga kamay.
"Hindi aksidente ang pagkabangga ng kuya mo. May nakabangga sa kaniya at matagumpay nilang naitago ang kanilang kasalanan because of their connections," sabi ng nanay ni Christine dahilan para tuluyang bumigat ang aking pakiramdam.
Hindi ko lubos maisip na ang inaakalang aksidente ni Christine na nagdulot sa kaniya ng matinding kalungkutan ay isa palang krimen na alam kong pagnalaman niya ay mas lalo lamang makakasakit sa kaniyang damdamin.
KENT"Namiss ko tuloy sina mom at dad," sabi ni Christine sakin ngayon. Nakita niya kasi ako kanina na hinatid ng mga magulang niya. Lunes na ngayon at ngayon ko na lang ulit nakita si Christine."Namiss din kita," tugon ko pero pinalo niya lang ako sa braso. "Aray," tugon ko. Minsan, napapaisip tuloy ako kung sinasaktan niya rin ba ang katawan ko tuwing hala ako, hays."Bakit? Mommy ba kita?" Pagsusungit niya."Hindi, pero pwede mo ako maging daddy Kent," pagbibiro at inakbayan siya dahilan para paluin niya ako ulit. "Aray ano ba!" Sigaw sabay tawa."Ewan ko sayo! Tara na nga, baka malate pa tayo," sabi niya lang at inalis na ang kamay ko mula sa pagkakaakbay sa kaniya.Nakakailang hakbang pa lang kami nang maabutan namin sina Ethan at Augustus na patungo sa labas."Oy pre, san kayo pupunta?" T
I recommend listening to Can't Take My Eyes Off You cover by Justin Vasquez in the middle part of the chapter:>KENTTama nga ang mga sinasabi ng mga matatanda. Na sa huli talaga ang pagsisisi. Eh, pano ba kasi, para tuloy akong body guard ngayon nina Christine at Bea. Kanina pa ako sunod ng sunod sa kanila dito sa mall. Hindi ko rin naman maiwan si Christine kasi tiyak na mapapahamak kami.Nako, kung hindi ko lang siya gusto eh.Napagtanto ko na kumakain na pala kami ngayon sa isang cafe sa ground floor."Nako napakagentleman ni Kent besh ha, kanina pa talaga siya sunod ng sunod sa atin," dinig kong sabi ni Bea kay Christine.Napalingon naman si Christine sakin pagkatapos sabihin ni Bea 'yon pero sa 'di inaasahan a
CHRISTINEWala nang nagtangka pang magsalita pagkatapos niyang sabihin sa akin 'yon. Pansin ko ring medyo naiilang na si Kent. Lumabas na kami sa karaoke room at ngayon ay nag-iikot nalang kami sa mall habang tahimik lang siyang nakasunod sa akin."Uuwi na ako," sabi ko nang hindi na lumilingon sa kaniya. Agad naman akong lumayo sa kaniya dahilan para mapunta na ako sa katawan niya.Gamit ang katawan niya ay agad na akong naglakad papunta sa kabilang direksyon. Narinig ko pang tinawag niya ako pero di na ako lumingon pa.Nasa biyahe na ako ngayon pauwi sa bahay nila Kent sakay ang isang taxi. Tulala lang ako ngayon habang nakatingin sa mga nadadaanan ng sasakyan habang naguguluhan ang isipan ko ngayon. Hindi ko pa rin maiwasang mapaisip sa mga sinabi niya sa akin kamakailan lang.Hindi ang mga binitawan niyang salita ang bumagab
CHRISTINEAnimo'y binabalot ngayon ng matinding emosyon ang ere habang patuloy na umaalingawngaw ang isang napakagandang awitin sa loob ng silid."Napakaganda ng composition mo kuya, ang sarap pakinggan ng paulit ulit," tugon ko kay kuya na ngayon ay patuloy pa ring tumutugtog sa piano.Magkatabi k
KENTHindi naman ako nabigo dahil pagdating ko dito ay nakita kong ako lang naman ang naririto ngayon. Sinadya ko talagang pumunta rito ng mas maaga para hindi na ako maabutan ni Kuya Kyle.Agad akong humakbang papalapit sa puntod ni mommy. Unang beses kong makadalaw sa kaniya dito sa katawan ni Christine. Nang makatayo na ako sa tapat ng lapida ay napabuntong hininga muna ako."Hindi po ako sigurado kung nakilala niyo ba ako ngayon o hindi. Pero ako po 'to ma, si Kent," tugon ko sabay ang isang malaking ngiti. Pagkatapos nun, ay minabuti ko munang maupo sa makapal na damo."Happy birthday ma, miss na miss na kita," sabi ko habang inaalis ang mga patay na dahong nakapatong sa lapida. "Marahil ay nagtataka po kayo ngayon kung bakit ako lang mag-isa," sabi ko. Napabuntong hininga muna ako ulit bago ako nagpatuloy sa pagsasalita. "Hindi ko naman po kasing pwede isa
KENTKanina pa nililibot ng mga mata ko ang sala. Ewan ko ba pero namiss ko rin yung bawat sulok dito sa bahay. Kanina pa rin pala ako naglilibot dito. Pinagmasdan ko yung mga family pictures namin na nakasabit sa pader. Medyo miss ko na rin pala si dad. Hindi sa nagmamayabang pero isa rin ako sa mga paborito niyang anak kaya close talaga kami.Hindi ko na namalayang talumpung minuto na pala akong naghihintay kay Christine na ngayon ay naghahanda pa rin para sa lakad namin. Ang totoo niyan, gusto ko sanang ako nalang yung mag ayos sa sarili ko total magkasama naman kami ngayon pero siya na yung umayaw. Nakakahiya daw kasi sa mga kuya ko na makitang naghihintay siya sa labas ng cr kahit may cr naman talaga sa kwarto ko.Inasar ko pa nga siya na baka gustong gusto niya lang talaga paliguan yung katawan ko at himas himasin yung pagkalalaki ko kaya nasapak niya pa tuloy ako. Sinabih
KENTTahimik lang kaming lahat sa mesa habang kumakain. Katabi ko ngayon si Christine, nasa harapan ko naman si Kuya Kyle na katabi din si Dad.“Dad, kailan nga po pala kayo naka-uwi?” tanong ko dahilan para mapatingin silang lahat sa akin. Wala naman sigurong mali sa sinabi ko diba?“Kaninang madaling araw lang anak,” sagot naman ni dad.Sa totoo lang, wala na talaga akong ibang maisip na topic. Sinadya kong kunin yung atensyon nila kasi napansin kong kanina pa pinagmamasdan ni dad si Christine.Alam kong hindi siya kumbinsido sa sinabi ko kanina na magkaibigan lang kami ni Christine. Yun nga lang, magkaibigan ‘pa’ lang talaga kami, tsk.“Bakit? Hindi ka ba masaya na nandito na ulit ako?” tanong niya pa. Ganon ba talaga yung tono ng pananalita ko? Naalala ko kasing yun din y
CHRISTINE"San mo ba kasi ako dadalhin?" tanong ko kay Kent. Nasa biyahe kami ngayon pero ni ilaw man lang ay wala akong maaninag dahil sa blindfold na tumatabon sa mga mata ko ngayon.Pero ni isang sagot din ay wala akong narinig mula sa kaniya.
KENT2 Years Earlier
CHRISTINE7 Months Later"Hey Christine, wanna party later?" tanong nung kaklase ko.
KENTLabis ang saya ko dahil sa nangyari pero mas masaya ako dahil masaya rin si Christine. Para bang ako yung prinsipe niya at siya naman yung prinsesa at nawala yung sumpa dahil sa true love's kiss.Nasa taxi kami ngayon pauwi sa bahay nila. Kinakailangan ko na siyang ihatid kasi normal na ulit kami at baka mapahamak pa siya."Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na normal na ulit tayo," sabi ni Christine at sumandal siya sa balikat ko.Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti sa mga nangyayari. Kahit ako rin naman ay hindi rin makapaniwala. Ang plano ko lang talaga ngayon ay surpresahin siya sa isang rooftop sa boulevard pero hindi ko akalaing ngayon na kami babalik sa pagiging normal."Ngi, wala pa pala sila mommy," sabi ni Christine habang binubuksan namin yung gate. "Nagtext kasi sila. Nasa police station pa raw. Ewan ko
CHRISTINEIsang araw na ang lumilipas mula nung magkita kami ni Kent. Mas lalo tuloy akong naguguluhan ngayon.Blinock niya ako sa lahat ng social media accounts niya. Cannot be reached na rin ang number niya.May nangyari ba sa kaniya na hindi ko alam? O may nagawa kaya akong mali? Kung puntahan ko kaya siya ngayon sa bahay nila?Agad akong naghanda at nagbihis. Nagluto na rin lang ako ng instant noodles. Maaga kasing umalis sina mommy at daddy kanina at sabi nila'y magtatake out na lang daw sila kaya walang ulam ngayon sa bahay.Akmang aalis na sana ako nang biglang mahuli ng mata ko ang sasakyan namin na ngayon ay pinapark na sa garage. Bumaba na si mommy at sumunod naman si daddy habang bitbit ang dalawang supot.Wala na tuloy akong nagawa kundi umupo nalang muna sa sofa."Halika na a
CHRISTINEMalakas ang simoy ng hangin subalit tila napakagaan nito sa tuwing tumatama ito sa katawan ko. Ang langit ay nababalot ng mga kumukutikutitap na mga bituin habang napapalibutan ang hugis C na buwan. Kung totoo man ang theory na lahat ng mga namatay ay nagiging bituin sa langit, tiyak na masaya
CHRISTINE"San mo ba kasi ako dadalhin?" tanong ko kay Kent. Nasa biyahe kami ngayon pero ni ilaw man lang ay wala akong maaninag dahil sa blindfold na tumatabon sa mga mata ko ngayon.Pero ni isang sagot din ay wala akong narinig mula sa kaniya.
KENTTahimik lang kaming lahat sa mesa habang kumakain. Katabi ko ngayon si Christine, nasa harapan ko naman si Kuya Kyle na katabi din si Dad.“Dad, kailan nga po pala kayo naka-uwi?” tanong ko dahilan para mapatingin silang lahat sa akin. Wala naman sigurong mali sa sinabi ko diba?“Kaninang madaling araw lang anak,” sagot naman ni dad.Sa totoo lang, wala na talaga akong ibang maisip na topic. Sinadya kong kunin yung atensyon nila kasi napansin kong kanina pa pinagmamasdan ni dad si Christine.Alam kong hindi siya kumbinsido sa sinabi ko kanina na magkaibigan lang kami ni Christine. Yun nga lang, magkaibigan ‘pa’ lang talaga kami, tsk.“Bakit? Hindi ka ba masaya na nandito na ulit ako?” tanong niya pa. Ganon ba talaga yung tono ng pananalita ko? Naalala ko kasing yun din y
KENTKanina pa nililibot ng mga mata ko ang sala. Ewan ko ba pero namiss ko rin yung bawat sulok dito sa bahay. Kanina pa rin pala ako naglilibot dito. Pinagmasdan ko yung mga family pictures namin na nakasabit sa pader. Medyo miss ko na rin pala si dad. Hindi sa nagmamayabang pero isa rin ako sa mga paborito niyang anak kaya close talaga kami.Hindi ko na namalayang talumpung minuto na pala akong naghihintay kay Christine na ngayon ay naghahanda pa rin para sa lakad namin. Ang totoo niyan, gusto ko sanang ako nalang yung mag ayos sa sarili ko total magkasama naman kami ngayon pero siya na yung umayaw. Nakakahiya daw kasi sa mga kuya ko na makitang naghihintay siya sa labas ng cr kahit may cr naman talaga sa kwarto ko.Inasar ko pa nga siya na baka gustong gusto niya lang talaga paliguan yung katawan ko at himas himasin yung pagkalalaki ko kaya nasapak niya pa tuloy ako. Sinabih
KENTHindi naman ako nabigo dahil pagdating ko dito ay nakita kong ako lang naman ang naririto ngayon. Sinadya ko talagang pumunta rito ng mas maaga para hindi na ako maabutan ni Kuya Kyle.Agad akong humakbang papalapit sa puntod ni mommy. Unang beses kong makadalaw sa kaniya dito sa katawan ni Christine. Nang makatayo na ako sa tapat ng lapida ay napabuntong hininga muna ako."Hindi po ako sigurado kung nakilala niyo ba ako ngayon o hindi. Pero ako po 'to ma, si Kent," tugon ko sabay ang isang malaking ngiti. Pagkatapos nun, ay minabuti ko munang maupo sa makapal na damo."Happy birthday ma, miss na miss na kita," sabi ko habang inaalis ang mga patay na dahong nakapatong sa lapida. "Marahil ay nagtataka po kayo ngayon kung bakit ako lang mag-isa," sabi ko. Napabuntong hininga muna ako ulit bago ako nagpatuloy sa pagsasalita. "Hindi ko naman po kasing pwede isa