UMIIYAK ako ngayon sa kwarto ko, nilocked ko iyon dahil alam kong susunod si daddy. Hindi naman ako nagkamali at may kumatok doon maya-maya.
“Leave me alone dad!”
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at umalis na. Nanatili ako sa ganoong ayos hanggang sa nagpasya akong lumabas at harapin si Tanner upang sabihin sa kaniya ang totoo. Tama! Kailangan kong siyang ipaglaban, ang tagal ko siyang sinundan at minahal tapos aagawin lang ni Daisy.
Pagkababa ko ay hinanap ko kung nasaan sila at nakita ko mula sa sliding door sa may living room na nasa may gate sila mommy at daddy. Kasama ang tatlong lalaki na kasama ni Tanner. Agad akong lumabas ngunit napahinto ng makita ko sa may bungad si Daisy at Tanner.
Nagtago ako sa gilid at nakita ko na may iniabot siyang kwintas dito, akin ‘yun! Regalo ko dapat kay Daisy pero ayaw niya kaya akin nalang, nalaglag ko pala ‘yun kagabi?
“This is yours, right? I accidentally pulled it last night.” Nakangiting sabi ni Tanner habang ako ay kita ang pagkabigla ni Daisy.
“Y-Yes,” sinungaling!
“Turn around, I’ll put them on.” Kitang-kita ko kung paano isoot ni Tanner ang kwintas na akin naman talaga. Matapos iyon ay nagpaalam na si Tanner pero bago ‘yun ay hinalikan niya sandali sa labi si Daisy.
Ako dapat ‘yun.
“Tanner!”
Lumabas ako sa pinagtataguan ko at tinawag siya kaya napalingon ito saakin. Bigla siyang ngumiti at lalapitan sana ako nang lumapit saakin si Daisy at inakbayan ako. “Gusto lang mag-sorry sa’yo ng kapatid ko, baby! At mag-iingat ka ‘daw pauwi!” malakas na sabi nito. “Subukan mong gumalaw o magsalita hindi talaga ako magdadalawang isip na saktan ka!” napangiwi ako sa sakit ng balikat ko dahil idiniin niya doon ang mahahabang kuko.
“That’s sweet. Thank you, Anastasia!” tumalikod na si Tanner at sumakay sa sasakyan. Gusto kong umiyak, bukod sa masakit ang kuko na nakabaon sa balikat ko ay hindi ko nagawang sabihin sa kaniya na ako ang babaeng gusto niya hindi si Daisy.
“Napakawalang hiya mo talaga! Sisirain mo pa ang relasyon namin!” itinulak ako ni Daisy palayo sa kaniya kaya hinarap ko siya. “Ikaw ang walang hiya Daisy! Inagaw mo saakin si Tanner, pati ang kwintas ko ay inangkin mo!” natawa siya sa sinabi ko.
“’Yun nga ang plano eh, tyaka ‘di narin masama dahil masarap siya sa kama at gwapo’t mayaman pa. Tyaka itong kwintas na ‘to? Niregalo mo kaya saakin ito.” nangigil ako sa sinabi niya't napakuyom ng kamao, bakit ang landi niya?!
“Tinanggihan mo kaya saakin ‘yan!”
“Whatever—eto ba?” nagulat ako ng alisin niya ang kwintas at hinawakan sa ere pagkatapos ay itinapon sa kung saan.
“Bakit mo ginawa ‘yun?!” naiiyak kong sabi na ikinangisi niya.
“Gusto ko e, looser!” sabi niya at umalis na. I hate you, Daisy!
Nang mawala siya sa paningin ko ay agad akong nagpunta sa malawak na damuhan sa pinagtapunan niya at hinanap ang kwintas. Kailangan ko ‘yung makita, ito lang ang paraan para malaman ni Tanner na ako ang babaeng kasama niya hindi si Daisy!
“Anastasia! Anong ginagawa mo jan madilim na!” narinig ko ang sigaw ni mommy.
“May hinahanap ako mommy!”
“Gabi na anak, bukas na ‘yan.” This time boses naman iyon ni daddy. “H-Hindi pwede daddy! Mahalaga saakin ‘yun!” mukang nanawa sila kakasaway saakin kasi nakita kong tumalikod na sila kaya nagpatuloy ako sa paghahanap.
“N-Nasaan na ba ‘yun?!” kanina pa ako dito at puno na ako ng sugat at kagat ng lamok. Kanina pa ‘din ako umiiyak dahil hindi ko talaga siya makita hanggang sa mayroon akong makapang chain.
“Nakita ko na!” tuwang-tuwa ako ng makita ang half-moon na kwintas. Nakahinga na ako ng maluwag, ito na ang magpapabagsak sa’yo Daisy. Pagsisisihan mong itinapon mo ito!
Hindi na ‘rin ako nagtagal doon at umakyat na upang maglinis at gamutin ang sugat ko.
KINABUKASAN ay nagising ako’t dumeretsyo sa hapagkainan. Nag-aalalang tinignan ako nila mommy at daddy ngunit hindi sila nagsasalita.
“Good morning little sister,” hinalikan ako ni Daisy sa pisnge na ikinahigpit ng pagkakakapit ko sa aking kutsara at tinidor. Palagi niyang ginagawa ‘yan sa harap ng magulang namin pero ngayon na galit ako sa kaniya ay baka hindi ko mapigilan ang sarili ko’t maisaksak ko sa leeg niya ang hawak na tinidor, syempre joke lang kapatid ko pa ‘rin siya.
“Bakit ka naman biglang umalis kagabi sis? Akala tuloy ng boyfriend ko ay natakot ka sa kaniya.” Talagang ipinagdiinan pa niya ang salitang boyfriend saakin. “Daisy, that’s enough, respect Anastasia’s feelings. Alam mong may gusto siya kay Tanner Grimes noon pa ‘man.” Seryosong sabi ni daddy at nagulat kami ng bigla nalang itong umiyak.
Ito nanaman ang acting skills niya.
“I-I’m sorry A-Anastasia! H-Hindi ko naman alam na mangyayari ‘yun saamin!”
In just a snap ay agad na nakalapit si mommy sa kinalalagyan ni Daisy at pinagalitan kami ni daddy. Ganito lagi sa bahay, may mga paburito at madalas ako ang kawawa.
“Francis! Baka nakakalimutan mong si Daisy ang kawawa dito?! At ikaw naman Anastasia, boyfriend na ng ate mo si Tanner kaya lumugar ka! Walang dapat kalagyan ‘yang nararamdaman mo!”
Agad na akong tumayo upang umalis sa harapan nila, wala nang magtatanggol saakin sa ganoong sitwasyon. Palaging si mommy ang nasusunod at kahit si daddy ay walang magagawa kahit pa na close kami, paano kung hindi nangyari ito at totoong naging boyfriend nga ni Daisy si Tanner ibig sabihin kawawa pa ‘rin talaga ako?
Sa bagay, bakit ba hindi pa ako nasasanay sa kahihinatnan ko. Pero hawak ko ngayon ang pinakang malakas kong alas, ang kwintas. Mag-enjoy ka muna ngayon Daisy, pagbibigyan kita sa ngayon dahil babawiin ko ‘din siya.
ISANG linggo ang lumipas at palaging hatid sundo ni Tanner si Daisy dito sa bahay, first year college ako habang si Daisy naman ay isang taon lang ang agwat saakin at iisang university lang ‘din kami. Iwas ako kay Tanner kapag nandito siya sa bahay, madalas ay nakatingin lang ako sa kaniya ng palihim.
Lagi ‘din akong nakatanaw sa bintana kapag aalis na ito ng bahay, pinagbibigyan ko lang si Daisy at ngayon na ang tamang panahon para bawiin ang totoong akin.
“Tanner,”
Napahinto si Tanner sa paglalakad papasok sana sa kwarto ni Daisy na palagi naman niyang ginagawa. Ngumiti ito saakin at hinarap ako kaya lakas loob akong naglakad papalapit sa kaniya.
“I thought you decided not to talk to me, Anastasia. I’m happy that you’re finally approaching me.”
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, kinakabahan ako sa pag-amin na gagawin ko. Hindi ko alam kung anong magiging reaction niya pero wala nang atrasan ito! Malakas ang ebidensya ko kaya siguradong iiyak si Daisy mamaya.
“Nandito ako para sabihin na ako ang kasama mo noong gabing ‘yun Tanner, ako ang kasiping mo hindi si Daisy!”
Biglang nawala ang ngiti sa labi nito na lalo kong ikinakaba pero kahit ganon ay nagpatuloy pa ‘rin ako.
“N-Nadatnan kitang nasa sahig ‘nun Tanner kaya tinulungan kita, e-etong kwintas na ito. Saakin ang kwintas na ito, hindi ba nakuha mo ‘to sa higaan? Dahil saakin itong kwintas hindi kay Daisy!” hindi pa ‘rin siya nagsasalita at wala ng emosyon na nakatingin saakin kaya nagsimula nang tumulo ang luha ko.
“H-Hindi ka pa ‘rin ba naniniwala—”
“Stop it will you?” Natigilan ako sa malamig niyang boses.
“I already knew that you like me, your sister already told me about this. That is why I thought you decided not to talk to me but I was wrong. You want to break our relationship, Anastasia, Daisy told me that she lost that necklace and you stole it!”
Hindi ako agad naka-react sa sinabi niya hanggang sa sunod-sunod akong umiling sa harapan niya. Hindi ko na ‘rin napigilan ang tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko.
“N-No, h-hindi totoo—”
“Enough!” napaatras ako dahil sa takot at napatakip sa aking bibig habang patuloy na umiyak.
“Stay away from us! Stop ruining our relationship, Anastasia!”
Hindi ko akalain na may mas sasakit pa pala sa hindi niya pagkilala saakin bilang babae ng gabing iyon. Ramdam na ramdam ko ang bigat sa aking dibdib na tila paulit-ulit na sinasaksak iyon. Naiwan akong iyak ng iyak kaya dali-dali akong pumasok sa kwarto at doon ibinuhos ang lahat ng sakit.
A-Akala ko malakas na ang ebidensya na hawak ko! Akala ko paniniwalaan na niya ako, pero hindi! Pinaikot nanaman ni Daisy ang ulo ni Tanner kaya hindi siya naniwala saakin. I really hate you, Daisy! I really do!
MABILIS na lumipas ang araw at isang buwan na simula ang birthday ni Daisy at ang nangyaring sagutan namin ni Tanner, hindi ako sumuko ng gabing iyon pero hindi ko na malapitan si Tanner. Kung hindi si Daisy ang nakabantay saakin ay kusang lumalayo si Tanner at talagang sobrang lamig ng tingin niya saakin ‘di gaya noong una na palagi siyang nakangiti.
Ang sakit. Sobrang sakit.
Hanggang sa kusa na akong sumuko, wala akong laban. Hindi na ako paniniwalaan ni Tanner kaya tumigil na ako ang kaso may napapansin ako sa katawan ko. Palagi akong nasusuka at madalas kung antukin, napagalitan pa nga ako ng prof ko ng mahuling natutulog ako sa klase. Teka, kailan ba ako nung huling nagkaroon ng dalaw?!
Patakbong umakyat ako sa kwarto ko at tinignan ang kalendaryo ko, halos manlumo ako’t mapaupo sa sahig ng dalawang linggo na akong late. Never pa akong na late sa regular na dalaw. Para masagot ang tanong sa isip ko kahit natatakot ay bumili ako ng pregnancy test sa isang botika matapos ang klase ko kinabukasan.
Napaupo ako sa harap ng banyo ko ng makita ko na ang resulta ng PT, positive. K-Kumpirmado na, buntis ako. Anong gagawin ko? Paano ko ito palalakihin ng mag-isa? Ano nalang ang sasabihin nila mommy at daddy? Paano ko ipapaliwanag na si Tanner ang ama? Dapat bang sabihin ko kay Tanner na nabuntis niya ako?
“Sinasabi ko na nga bang walang hiya ka!”
Napalingon ako sa likod ko at galit na galit na lumapit saakin si Daisy at hinablot ang PT na hawak ko, dalawa pa iyon. “Buntis ka!” nanlilisik niya akong tinignan na ikinayuko ko. “Napakalandi mo talagang babae ka! Pati boyfriend ko inahas mo!” dahil sa sinabi niya ay agad akong tumingin at sumagot.
“Inagaw? Kung may mang-aagaw ‘man dito ay ikaw ‘yun Daisy! Ako dapat ang nasa tabi ni Tanner hindi ikaw!” tila mas lalo siyang nagalit sa sinabi ko at sa sobrang bilis ng pangyayari ay hawak na niya akong muli sa buhok at hinila ako gamit ‘yun pababa.
Sobrang sakit ng anit ko dahil sa ginawa niya at kahit magreklamo ako ay hindi niya ako binibitawan. Bumaba kami sa living room kung saan andoon sila mommy at daddy.
“Daisy! Anong ginagawa mo sa kapatid mo?!” nanlalaking mata na sabi ni mommy at pabalang akong binalibag ni Daisy sa may sofa, mabuti nalang at naging maingat ako at hindi ko naipatama ang tiyan ko. Tinignan ko ng masama si Daisy habang si mommy at daddy ay umalalay saakin.
“Tanungin niyo ‘yang spoiled na bunsong ‘yan! Inahas niya ang boyfriend ko!”
“Hindi ko siya inahas sa’yo Daisy, alam mo ‘yan! Ikaw ang nang-ahas saating dalawa!”
Susugurin sana ako ni Daisy mabuti at agad siyang pinigilan ni daddy. “Ano bang nangyayari sa inyong magkapatid?!” galit na sigaw ni daddy na ikinahinto namin.
“Buntis si Anastasia daddy! At si Tanner ang ama!”
Nanlaki ang mata nila mommy at daddy dahil sa sinabi nito. “Nagpabuntis siya sa boyfriend ko daddy!” umiiyak na si Daisy kaya sumagot ako. “Alam mong hindi totoo ‘yan! Ikaw nga itong naghubad sa harap ko at tumabi kay Tanner ng gabing ‘yun para ipalabas na ikaw ang nakasiping niya!” bulyaw ko dito.
“Ginawa ko ‘yun para iligtas ka! Gusto ko lang naman iligtas sa kahihiyan ang kapatid ko.” natigilan ako sa sinabi niya at talagang ginamitan pa niya ng acting skills. “Nakipag siping ka kay Tanner Grimes?! Ibig sabihin ay iniligtas ka pala ng kapatid mo at hindi siya ang totoong nawalan ng puri?!” sumigaw si mommy na nasa tabi ko kung kaya nagsimula na akong umiyak habang umiiling.
“Talagang napakalandi mo ngang bata ka!”
Bigla akong sinampal ni mommy na ikinabaling ng ulo ko sa kabilang parte. Hindi ako nanlaban, hinayaan ko sila sa gusto nila. Lumapit saakin si daddy at nagulat ako ng maging ito ay sinampal ako.
“I am so disappointed to you Anastasia Ocampo! Sa batang edad mo ay tumabi ka na agad sa isang lalaki!”
Tinignan ko si daddy ng nasasaktan, akala ko ipagtatanggol niya ako. Sabagay kailan ba niya ako ipinagtanggol? Wala na ako sa sarili ko ng hilahin ako ni mommy gamit ang braso ko.
“Simula ngayon ay mananatili ka dito sa basement hanggang manganak ka! Kapag nanganak ka ay kukunin namin ang bata sa’yo’t palalabasin na anak ito ni Daisy!”
Nagulat ako sa sinabi ni mommy at napatingin dito. “H-Hindi niyo pwedeng gawin ‘yan sa magiging anak ko! Anak ko siya!” sigaw ko ngunit mas lalo lang itong nagalit, mabilis kaming nakarating sa basement kung saan mayroon doong private room at pabalang akong inilagay sa higaan.
“Hinding-hindi ka na makakalabas dito Anastasia!”
Napatingin ako kay daddy para humingi ng tulong tungkol sa sinabi ni mommy ngunit nag-iwas lang ito ng tingin at hindi nakaligtas ang luha na nakita ko. Si Daisy naman ay malaki ang ngisi saakin.
“D-Daddy…”
“Isa kang kahihiyan sa pamilya Ocampo, Anastasia!”
Hindi ako makakilos at tila nanghina na ako ng tuluyan sa sinabing iyon ni daddy. H-Hindi ko akalain na magagawa iyong sabihin saakin, isa ba talaga akong kahihiyan sa pamilya Ocampo?
Bakit hindi Anastasia? Buntis ka at ang ama ay boyfriend ng ate mo, ano nalang ang iisipin ng ibang tao?
Pero ako naman talaga dapat ang nasa kalagayan niya hindi siya!
Hindi ko napansin na umalis na pala sila sa harap ko kaya nagmamadali akong tumakbo sa may pinto ngunit naka locked na iyon.
“M-Mommy! Daddy! Palabasin niyo po ako!”
"D-Daddy! D-Daddy hear me out please!"
"M-Mommy! D-Daddy!"
Paulit-ulit akong sumigaw ngunit wala na akong marinig na tao sa kabilang pinto kung kaya unti-unti akong napadaus-os pababa sa pinto habang umiiyak.
Ano nang gagawin ko?
Kung dito nalang ako hanggang sa manganak, paano ang anak ko? Oo, pinangarap kong magkaroon ng anak pero hindi sa ganito kaaga at sa ganitong paraan.
Napahawak ako sa tiyan ko at mas napalakas ang aking pag-iyak.
“P-Patawarin mo si m-mommy anak. P-Patawarin mo ako!”
“ANASATASIA?!” Narinig ako ang isang boses ng babae na nag-aalala habang ako ay nandito sa banyo at sumusuka. Malamang na nakita niya ako dahil dali-dali akong nagpunta dito at hindi ko na naisara ang pinto. “Anastasia, anong nangyayari sa’yo?!” naramdman ko ang paghagod ng kaniyang kamay sa aking likuran. Nang matapos ako ay napaupo ako sa sahig dahil sa hirap sa pagsuka, samantalang wala naman akong sinusuka! “Uminom ka muna, ano bang nangyari sa’yo? Hindi ka ba nagkakakain kaya ka nagkakaganiyan?” sermon niya saakin habang ako ay nainom ng tubig. Siya si ate Rian, isa siya sa katulong namin dito sa bahay. Mas matanda siya saakin ng limang taon, siya ang inatasan nila mommy at daddy na maghatid ng pagkain, tumingin saakin, at mag-alaga saakin. Isang linggo na ‘din ako dito at hindi niya alam ang tungkol sa pinagbubuntis ko, basta ang alam niya ay pinaparusahan ako nila mommy at daddy. “Ano bang nangyayari sa’yo Anastasia? Hindi ba sabi ko sa’yo lilipas ‘din ang lahat at pal
KATHY SINASABI ko na nga ba at may kinalaman si Daisy sa biglang pagkawala ni Anastasia! Kilala ko ang kaibigan ko na ‘yun at hindi siya papayag na umalis ng hindi manlang nagpapa-alam saakin papunta pa kaya sa states?! Kakalbuhin ko talaga ang babaeng ‘yun sa oras na makita ko siya! Kanina pa umalis si ate Rian at ibinigay niya saakin ang isang spare key ng basement, balak ko ay pumunta na agad pero naisip ko na pupunta ako kapag umalis sila ng bahay. Alam kong nalabas sila sa hapon dahil ang Daisy na iyon ay kasama ang walanghiya na Tanner na ‘yon habang ang magulang niya ay mayroong lakad, ayon na ‘rin kay ate Rian. Mabuti nalang at may source pa ‘rin siya sa loob. Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako sa taong nasa labas niyon. “Saan ka pupunta, baby?” Napalunok ako dahil sa sinabing iyon ni Brandon. Si Brandon ay boyfriend ko, naging kami two months ago, nakilala ko siya jan lang sa labas ng bahay at talagang nagbibiro ang tadhana dahil kaibigan ito ng nakabuntis kay Anast
“PAANO nga Francis?! Paano natin maipapaliwanag na hindi natin siya tunay na anak matapos ang pananakit na ginawa natin sa kaniya?!” “Sinasabi ko na nga ba!” Gulat na napatingin ang mag-asawang Ocampo sa taong nagsalita at nakita nilang bukas ang pinto kung saan andoon si Daisy. “Sinasabi ko na nga bang hindi ko kapatid ‘yang Anastasia na ‘yan! Kulay palang ng mata ay hindi na satin nanggaling!” “S-Sandali Daisy!” Hinabol nila si Daisy na pumasok sa loob ng kwarto nito at ni-locked iyon. “Daisy! Daisy! Papasukin mo kami sa loob!” naririnig ni Daisy ang pagtawag sa kaniya ng mga magulang nito pero umiyak lamang siya at nagsisigaw pagkatapos ay pinaghahagis lahat ng gamit na makita niya. “F-Francis b-baka kung anong gawin niya sa sarili niya, alam mong may anger issue si Daisy.” Tumango si Francis at agad na bumaba upang kunin ang spare key sa budega nila. Matagal na nilang alam na mayroong anger issue si Daisy kung kaya hanggat maaari ay hindi nila ginagalit ang anak at la
Narinig ko ang boses ni tito Kenneth kung kaya agad akong lumingon sa kanila at natatarantang umiling. “T-Tito, tita kumalma ho kayo! Ako po ito si Anastasia!” Natigilan naman sila at sinabi ko at sabay na nanlaki ang mata ng makita ako lalo na ng makita ang bilog na bilog kong tiyan. Nakasoot kasi ako ngayon ng dress ni Kathy, fitted niya pero hindi naman masikip dahil stretchable ‘yun nga lang kitang-kita talaga ang baby bump ko. Wala naman kasi akong damit na kakasya saakin, mayroon akong damit dito kasi hindi kasya ang tiyan ko. “A-Anastasia, hija ikaw ba ‘yan? B-Bakit ang laki ng tiyan mo? Tyaka nasa states ka hindi ba?” Napangiti ako ng marahan sa tanong ni tita. Mukang kagagaling lang nila sa business travel dahil sa soot nila. “Mahaba pong kwento tita,” “Handa kaming makinig.” Napatingin ako kay tito ng seryoso itong magsalita kaya napatango ako. “Magbihis po muna kayo, hihintayin ko kayo sa likod.” Mukang na gets naman nila ang sinabi ko at nag-aalangan pa si t
NAPANSIN ni Kathy ang pagiging tulala ko nitong nakaraang dalawang araw. Matapos kong makita ang mommy ni Tanner ay hindi na ako muna bumalik sa paglalakad sa umaga na sinag-ayunan naman ni Kevin dahil baka kung sino-sino nanaman ‘daw ang kausapin ko. Mabuti nalang talaga at nakinig siya saakin at hindi ako sinumbong about doon. Ang dinahilan ko nalang kay Kathy ay hindi ako nagigising ng maaga pero ngayong araw ay sinadya kong gumising ng maaga at sumama kay Kevin. “Anastasia? Sasama ka saakin?” kunot noo niyang tanong na ikinatango ko. “Ilang araw na akong di nakakapaglakad Kevin, feeling ko ang bigat ng tiyan ko.” wala siyang nagawa kundi ang tumango saakin at kabilin-bilinan niya na ‘wag akong makikipag-usap sa hindi ko kilala. Kung alam mo lang Kevin—hindi lang kilala kundi kilalang-kilala. Habang papunta sa park ay kinakabahan ako, alam kong hindi malabo na andoon pa ‘rin si tita Tanaya pero nanaig ang pagkagusto ko na makausap siya at maka-close. Kahit naman na natatakot n
Nanlaki ang mata ko at nakita ang pagmamadali ng mga maid na pumunta sa sala, mukang magdadala ng pagkain. Ginawa ko iyong pagkakataon lalo na at nandito na sila Tanner! Hindi nila ako pwedeng makita! “Naku! Matutuwa kayo, nandito si Ana. ‘Yung kinukwento ko sa’yo Tanner, ang ganda-ganda niyang buntis.” “Honey,” “Oh, sorry. Hintayin nalang natin siya.” Hindi ko alam kung saan ako magugulat sa nalaman, sa part na kinukwento ako ni tita Tanaya kay Tanner o doon sa part na kilala ako ni Tanner bilang Ana. Sabagay di pa naman niya ako nakikita. Sobrang kaba ko ng lumabas ako sa labasan ng mga maid papunta sa main gate. Mabuti nalang at hindi ako kita sa loob. “Kuya Guard, pasabi nalang kila tita Tanaya at Tito David na umalis na ako dahil may nangyari sa bahay.” ‘yan lang ang sinabi ko at dali-dali nang umalis sa bahay na iyon. HINIHINGAL akong napasandal sa sofa nang makauwi ‘din ako sa wakas sa bahay. Napangiwi ako ng maramdaman ang sakit ng tiyan ako kung kaya hinimas-himas
“KAILANGAN niyang nang manganak ngayon mismo!” “Pero hindi pa niya kabuwanan doc!” “Wala na tayong magagawa, pumutok na nag panubigan niya dahil sa nangyari at sobrang baba na ng mga bata. Kung hindi natin siya mapapa-anak ngayon ay maaaring mawala silang tatlo!” Hindi ko alam kung ano ba ang naririnig ko sa paligid basta nag-uusap sila at nagsisigawan. Mahigpit ang kapit ko sa bed sheet na aking hinihigaan dahil sa sobrang sakit. Naramdaman ko na mayroong humawak sa aking kamay at maya-maya pa’y nakarinig ako ng boses sa aking tenga kaya pinilit kong buksan ang aking mata. “Anastasia, kailangan mong umiri! Kailangan mong ilabas ang kambal!” Tama! Ang mga anak ko!—sumalubong saakin ang maliwanag na lugar ngunit kalaunan ay nakapag-adjust din ako. Nakita ko na maraming naka surgical mask ang nakapalibot saakin. Nasa ospital na ba ako? “Anastasia kailangan mong ilabas ang mga bata kung hindi ay mawawala sila!” natakot ako sa sinabi ng boses na iyon—si Brandon. Siya pala ang n
Tuwang-tuwa ang mga ito nang makita ang kambal at gustong-gusto nang buhatin ngunit hindi pa maaari dahil si Anastasia dapat muna ang bubuhat at magbibigay ng pangalan. Matapos ang ilang oras, nakapag palit na sila ng kaniya-kaniyang damit at naisaayos na ‘din ang dapat ayusin para sa paglipad nila sa Paris nang sa wakas nagising na si Anastasia. Sumalubong sa kaniya ang puting kisame at muka agad ni Kevin ang kaniyang nakita. “Anastasia!” dahil sa tawag ni Kevin ay napalingon sa kanila ang mga kasama sa kwarto at dali-daling nilapitan ang kinalalagyan ng dalaga. “Anastasia, anong nararamdaman mo? May masakit ba sa’yo?” “Gusto mo ba ng kahit na ano anak?” “Hindi ba masakit ang tahi mo?” Napapikit ang dalaga dahil sa sunod-sunod na bato ng tanong sa kaniya ni Kevin at ng mga nakakatanda. “Kayo naman, ine-stress niyo agad siya sa tanong e.” reklamo ni Kathy na muling ikinadilat ni Anastasia. Buhay ako! Mahina niyang sabi sa isipan at doon na tuluyang natitigan ang mga tao sa