Share

CHAPTER 2

TULALANG nakatingin ako sa kisame ng kwarto ni Daisy habang nakahiga sa kaniyang malambot na higaan. Nasa tabi ko pa ‘rin ang crush ko at pareho kaming hubad, hindi ako makakilos ng maayos dahil sa sakit ng pagkababae ko, paano naman kasi masyado siyang malaki at mahaba. 

Napailing ako dahil sa isiping iyon at nararamdaman ko ang pamumula ng aking muka. Naputol ang pagiisip ko ng sunod-sunod na may kumatok sa pinto, nanlaki ang mata ko at agad na naisip si Daisy. Sh*t! Mabilis akong bumangon kahit na masakit ang aking ibaba at sisinoot ang aking damit, damit pang-itaas nalang ang kulang saakin ng biglang bumukas ang pinto at nakita ko ang muka ni Daisy. 

Napatingin siya sa paligid at agad na sumiklab ang galit ng makita ang ayos ko at hubad na si Tanner. “D-Daisy—” hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng patakbo siyang lumapit saakin at hinawakan ako sa buhok pagkatapos ay hinila iyon papasok sa kaniyang cr. 

“A-Aray, Daisy masakit!” reklamo ko sa kaniya at pabalibag niya akong hinagis sa loob. Malakas niyang isinara ang pinto at nanlilisik ang kaniyang mga matang tumingin saakin. Mabuti nalang at maluwag ang banyo niya kung hindi baka nabagok na ako sa sobrang lakas ng pagkakatulak niya. 

“Napaka landi mong babae ka!” agad siyang lumapit saakin at dinambahan ako. Nasa ibabaw ko siya habang pinagsasampal, hampas at sabunot niya ako. Hindi naman ako nanlaban at pinipigilan lang siya ngunit sa sobrang galit niya ay hindi niya ako tinigilan hanggang sa mapagod siya. 

“Inahas mo pati si Mr.Grimes! Lahat nalang talaga ng lalaki ay kinukuha mo saakin!” malakas na sabi niya nahalos ikatalsik na ng laway niya sa muka ko. Alam ko ang tinutukoy niya, isa iyon sa nakaraan namin na dahilan kung bakit ‘din siya galit na galit saakin. 

Pero may isa na gustong-gusto niya—may manliligaw siya na obvious naman na gustong-gusto niya ‘din pero pakipot lang siya. Nagkakilala kami nung lalaki at sa tuwing tinataboy siya ni Daisy ay nagkakausap kami hanggang sa isang araw ay nagulat nalang ako na ako na ang nililigawan niya hindi ang kapatid ko. 

“Pagbabayaran mo ang ginawa mo Anastasia! Sisiguraduhin ko na magsisisi ka!” napatingin ako sa kaniya at hindi ko akalain na umiiyak siya. “Hindi ko napigilan ang sarili ko Daisy! Alam mong crush na crush ko si Tanner, high school palang tayo! Alam ko ‘din na dahil saakin kaya mo siya nakilala!” sinampal niya ako ng malakas na ikinabaling ko sa kabilang parte. 

“Ako naman ang kukuha sa gusto mong lalaki.” Bigla nalamang siyang tumayo at nanlaki ang mata ko ng maghubad siya mismo sa harapan ko! “Kapag gising na kapag gising niya ay ako ang mumulatan niya’t pananagutin ko siya sa nangyari. Brilliant right? Naagaw ko na siya sa’yo nabingwit ko pa ang pinakang mayaman na tao sa mundo.” ‘yun lang ang sinabi niya at agad na lumabas ng banyo kaya dali-dali akong lumabas upang sundan siya. 

Nanlalaki ang matang nakatingin ako sa kaniya na nahiga sa hinihigaan ko kanina. Nakangisi siya saakin habang niyayakap ang lalaki at hinalikan ito sa labi, mukang naalimpungatan naman si Tanner at gumanti sa halik ni Daisy. 

Napakuyom ako ng kamao at dali-daling sininoot ang damit na kanina ko pa hawak at kumaripas ng takbo papunta sa kwarto ko. Namalayan ko nalang na tumutulo na pala ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit ng katawan ko, ang pisnge at anit ko na kagagawan ng sarili kong kapatid! 

Ako dapat ang nasa tabi ngayon ni Tanner, hindi siya! 

Makakayanan mo bang harapin si Tanner matapos ng nangyari sa inyo? 

Natigilan ako sa isiping iyon, hindi ko siya kayang harapin o tignan manlang sa mga mata dahil nakakahiya! Ako ang nasa tinong pag-iisip ng oras na ‘yun at ako ang babae pero hinayaan kong gawin niya lahat ng gustuhin sa katawan ko. 

Nahiga nalang ako sa higaan ko at doon umiyak. Siguro naman ay lilipas ‘din ang sandaling ito. 

NAGISING ako sa malakas na tunog ng alarm clock ko kaya agad ko iyong pinatay. Napaunat ako’t napatingin sa bintana ko, umaga na pala. Malamang na nakaalis na si Tanner, hindi ko pa ‘rin maiwasan na malungkot. Namamaga ang mata ko dahil sa pag-iyak kagabi, hindi ko alam kung paano ko minhal si Tanner pero nang mapatingin ako sa kwarto kong punong-puno ng mga litrato niya ay tingin ko alam ko na. 

Napabuntong hininga nalang ako at tumayo pagkatapos ay nilapitan ang pinakang malaki niyang larawan sa gilid ng higaan ko. “Maaalala mo kaya ako Tanner?” dinadalangin ko na sana alam niyang hindi si Daisy ang kasama niya kagabi, na hindi si Daisy ang nag-alaga sa kaniya at pinag-alayan ng katawan. 

Halata naman na hindi na birhen ang kapatid kong ‘yun sa sobrang daming naging boyfriend tsk. Naghimalos nalang ako at inipit ang aking buhok pagkatapos ay lumabas ng aking kwarto. Katapat ko lang ang kwarto ni Daisy kaya nagulat ako ng bigla iyong bumukas at iniluwa ang lalaking kasama ko kagabi. 

Mabilis na tumibok ang aking puso at nakita ko ana pagkunot ng noo niyang nakatingin saakin. Agad akong pinamulahan ng muka at nag-iwas sa kaniya ng tingin dahil naalala ko ang nangyari saamin. Hindi niya ako pinansin at iniwan nalang ako basta-basta doon, ‘yan ganiyan ang Mr.Tanner Grimes na kilala ko. Ang crush ko at iniidulo sa langaran ng negosyo, hindi ko nalang siya basta-basta crush dahil mahal ko na siya. 

Kaso hindi niya ako mahal. 

Tahimik nalang akong sumunod sa dinaanan ni Tanner ngunit habang papalapit ako sa hagdan ay naririnig ko ang sigaw ni daddy? 

“How could you do this to my daughter Mr.Grimes?!” 

Bumilis ang tibok ng puso ko at nakita ko na nasa living room sa baba ng hagdan ang mga ito. Si mommy ay nasa tabi ni Daisy na umiiyak at hinahagod ang likod nito. Si daddy ay nakatayo habang kaharap si Tanner na walang emosyong nakatingin sa kaniya. 

Napatutop nalamang ako sa aking bibig at dahang-dahang bumaba ng hagdan, anong nangyayari? 

“I love your daughter sir,” malamig na sabi ni Tanner, sino ang tinutukoy niya si Daisy?! 

“Mahal? ‘Wag mo akong patawanin Mr.Grimes dahil kahapon ko lang ipinakilala sa’yo ang anak ko!” 

Mas bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa mga naririnig. Paanong minahal niya agad si Daisy samantalang kaninang madaling araw lang pumalit saakin ang malditang kapatid ko! 

“Panagutan mo si Daisy, Mr.Grimes! Kinuha mo ang pagkababae niya kaya panagutan mo siya!” napahinto tatlong hakbang pababa ng bahay at napangiwi sa sinabi ni mommy. Kinuha ang pagkababae? Ako ‘yun mommy! Ako dapat ang nasa kalagayan ni Daisy! 

Ilang beses ng sumama ‘yang panganay niyo sa mga lalaki sa condo nila, alam ko dahil kapatid niya ako at nag-aalala ako sa kaniya tuwing may kasama siyang lalaki sa eskwelahan kaya sinusundan ko sila. Ano bang gagawin ng babae at lalaki sa iisang kwarto hindi ba?! 

“I know and I will take all the responsibilities if she might get pregnant.” 

Mas lalo akong nagulat sa sinabi niya at wala sa sariling napahawak sa aking tiyan. Bakit ba hindi ko naisip na kapag ginagawa niyo ang bagay na ‘yon ay maaari akong mabuntis?! Tumulo na ang luha sa mga mata ko’t napatingin kay Tanner na nakatingin kay Daisy na umiiyak, kitang-kita ko ang emosyon doon. Emosyon na hindi ko pa nakikita noong mga panahon na sinusundan ko siya. 

“Dapat lang! Hindi ko pinalaki ang mga anak ko para lang hilahin ng kung sino-sinong lalaki sa higaan!” bigla akong tinamaan sa sinabi ni daddy kay Tanner. 

I’m sorry daddy, I fail you. 

Mabilis akong tumakbo papalabas ng pinto at alam kong napansin nila ako. Narinig ko pa ang pagtawag saakin ni mommy at daddy pero hindi ko sila nilingon at nagtuloy-tuloy sa paglabas. Pupunta ako ngayon sa bahay ng best friend ko na si Kathy, malapit lang dito ang bahay niya at madalas talaga kahit nakapambahay pa ako natakbo ako sa bahay nito kaya siguro nila ako hinayaan na umalis. 

Nanlalabo na ang paningin ko ng dumating sa bahay nila Kathy. “Anastasia hija, umiiyak ka ba?” gulat na napatingin saakin si tita Avery nang pagbuksan niya ako ng pinto. “T-Tita si Kathy po?” imbes na sagutin ko siya ay ang kaibigan ko agad ang hinanap. Itinuro niya naman kung nasaan ito kaya agad akong dumeretsyo sa kwarto nito. 

Kabisado ko na ang buong bahay niya dahil dito na ‘rin kami lumaki sa subdivision. Pagbukas ko ng pinto at nakita ko siyang kababangon lang sa kaniyang higaan. Gulat siyang napatingin saakin at agad naman akong lumapit sa kaniya at dinambahan siya ng yakap. 

“Anastasia? Umiiyak ka ba?! Anong nangyari?” sunod-sunod na tanong niya saakin pero hindi ako sumagot at umiyak lang sa bisig niya. Why do I become a careless person? 

*** 

NAPATINGIN silang lahat ng biglang tumakbo papalabas ng bahay si Anastasia. 

“Anastasia!” 

Tinawag pa sila ng magulang nito ngunit hindi sila nilingon ng dalaga. Nagkatinginan ang mag-asawa at napabuntong hininga, alam nila na crush na crush ni Anastasia si Tanner Grimes simula pa ng magkamuwang ito sa pag-ibig. Punong-puno nga ang kwarto nito ng mga larawan ng lalaki kaya malamang na umiiyak ito dahil sa narinig at alam iyon ng magulang niya. 

“Sana ay totoo ka sa salita mo Mr.Grimes,” nabubuntong hininga nalamang na sabi ni Francis Ocampo sa kaharap niyang lalaki. “You knew me Mr.Ocampo, you’re daughter just stole my heart last night.” Tumingin si Tanner ng deretsyo sa mga mata ni Daisy na ikinahinto ng dalaga. 

Hindi ako ang tinutukoy niya! Sigaw nito sa kaniyang isipan ngunit agad ‘ding napalitan ng ngisi ng maisip niyang sa wakas ay makakapaghiganti na siya sa nakababatang kapatid. Nagpanggap si Daisy na naagrabyado hanggang sa magpaalam na si Tanner at sinabing babalik nalamang. 

Habang nagmamaneho ito ng kaniyang sasakyan ay hindi maalis sa kaniyang isip ang nangyari kagabi, it was a perfect night for him. Napahigpit ang kapit niya sa kaniyang manibela ng hindi niya maiwasan na maginit dahil sa paulit-ulit na boses ng babaeng katalik sa kaniyang isipan. Ang mga vngol nito na parang musika sa kaniyang tenga, kahit na nanlalabo ang kaniyang paningin dahil sa pagkalasing ay alam na alam niya ang boses niyon at amoy. 

“Fvck!” 

Nahampas niya ang manibela nang mag redlight ang stop light. Mabuti at mabilis siyang nakapreno. Nagalit siya sa sarili dahil doon at dali-daling tinawagan ang mga kaibigan. 

“Meeting at twenty munites!” 

‘Yun lang ang sinabi ni Tanner at binaba na ang tawag samantalang ang kaibigan niyang tinawagan na si Clark ay nagtatakang napatingin sa kaniyang cellphone nang babaan siya ni Tanner. 

“Mukang galit nanaman ang devil.” 

Napatingin sa kaniya ang dalawa pa nilang kaibigan na sina Brandon at Lawrence at tinaasan siya ng kilay. 

“Kailan ba ang araw na hindi ‘yun galit? Minsan nga napapatanong ako may PMMS kaya si Tanner?” natatawang sabi ni Lawrence na ikinailing naman ni Clark. “Hindi tol, iba ‘to. Para siyang gigil na ewan. Hindi kaya—” pinutol ni Brandon ang sasabihin Clark. 

“Let him be, tutal kanina pa tayo naghihintay dito sa opisina niya.” Bumalik na sila sa paglalaro ng baraha at maya-maya pa ay pabalang na bumukas ang pinto at nakita ang walang emosyon ngunit nakakunot na noo ni Tanner. 

“Gather!” 

Agad na tumalima ang tatlo dahil sa pagsigaw ni Tanner, alam nilang bad trip ito kaya ayaw nilang madamay at baka bugahan sila ng apoy ng lalaki. Naupo sila sa kaniya-kaniyang upuan sa harapan ni Tanner habang nakatingin dito. Hinihilot nito ang sentido habang nakasandal sa kaniyang swivel chair. 

“Tanner anong problema?” tanong ni Brandon dito na ikinaalis niya ng kamay sa sentido at tinapunan sandali ng tingin ang mga kaibigan bago tuluyang inilayo ang tingin. Nagkatinginan ang tatlo dahil doon at sabay-sabay na nagkibit balikat. 

“I-I'm in love.” 

Kusang nanlaki ang mata nila at napalingon kay Tanner na hindi makatingin. “You’re what?!” gulat na tanong ni Clark at napatayo pa sa kaniyang pagkakaupo. “Don’t made me repeat what I said!” inis na sabi ni Tanner at kitang-kita nila ang pamumula ng tenga nito. 

Biglang tumawa si Brandon kaya sinundan na ito ng dalawa niyang kaibigan. “Congratulations bro, tao ka pala!” nag-apir ang tatlo matapos sabihin iyon ni Brandon na tila nang-aasar sa kaibigan. Naging mabilis ang kilos ni Tanner at hinagisan ng ballpen ang tatlo mabuti at nakailag sila. 

“I’m dead serious!” bantang sabi ni Tanner kaya agad na tumigil ang mga ito kakatawa at nagsi-ayusan ng upo. 

“Sorry.” Sabay-sabay nilang sabi na ikinabuntong hininga ni Tanner. Hindi sila makapaniwalang nakikita nila ang Tanner Grimes na bumubuntong hininga, kung sino ‘man ang tinutukoy nitong babae ay magaling siyang magpaamo ng dragon at si Tanner ang dragon na iyon. 

“Who’s the lucky girl?” nakangising tanong ni Lawrence na muling ikinasakit ng ulo ni Tanner. 

“That’s the problem, I just took her virginity last night.” 

Napanganga ang tatlo dahil sa sinabi ni Tanner at magrereact sana ngunit inanbahan sila ni Tanner na babatuhin muli kaya hindi na sila nag over reacting. 

“Kailan ka pa na-inlove sa babaeng naikama mo Tanner?” natatawang tanong ni Lawrence na ikinakibit balikat nito. “She’s different Lawrence so watch your mouth.” Napataas naman ng magkabilang kamay si Lawrence dahil sa lamig nitong magsalita na ikinatawa ng mga ito. 

“Kung mahal mo, bakit mo iniwan? Kailan pa pinakawalan ni Tanner Grimes ang mga pag-aari niya hmm?” ngising sabi ni Brandon na ikinatingin niya dito ng seryoso. 

“That’s my problem, she’s shocked because of what happened. We’re both drunk and her parents are mad at me.” 

Napailing ang mga ito dahil sa sinabi niya. 

“You’re doomed, bro.” sabi ni Clark na ikinatango nito. “You three need to help me.” Seryoso niyang sabi na ikinangiti nila. 

“Oo naman! Minsan lang ma-inlove ang isang Tanner Grimes kaya tutulungan ka namin!” 

*** 

ANASTASIA 

“NASAAN ba ‘yang kapatid mo at kakalbuhin ko!” 

Agad kong pinigilan si Kathy sa tangkang pag-alis sa kaniyang kwarto at inilingan ito. “Kathy, ‘wag. W-Walang maniniwala saakin.” Kinunutan niya ako ng noo dahil sa sinabi ko. “Anong wala?! Ako naniniwala ako sa’yo at gusto ko ng kalbuhin ‘yang kapatid mo! Alam naming pareho na hindi ka niya itinuturing na kapatid, akala mo kung sinong mabait at mahinhin sa harap ng magulang niyo pero m*****a naman!”

Napabuntong hininga ako sa sinabi niya dahil tama siya. Ayoko lang magkagulo pa, alam kong hindi nila ako paniniwalaan at iisipin nila na gingawa ko ‘yun dahil crush na crush ko si Tanner. “Fine! Hindi ko na siya gagalawin. Pero ikaw ha! Paano mo nagawa ‘yun?! Ang bata mo pa Anastasia, kaka-18 mo lang last month!” hindi ako makatingin sa kaniya dahil doon, nahihiya ako alam ko pero nagawa ko na. 

Talagang nasa huli ang pag-sisisi. 

“M-Mahal ko na kasi si Tanner, Kathy. Noong halikan niya ako at nandoon na kami, nakalimutan ko na lahat ng pangakong ginawa ko sa sarili ko.” marami akong plano sa buhay, ang balak ko ay mag-aasawa ako sa edad na 25 tapos gusto ko financially stable na ‘rin ako. Hindi pwedeng umasa ako sa pera ng magulang ko dahil sila ang naghihirap na kitain ‘yun. 

“Mabuti naman at alam mo na.” gulat akong napatingin sa kaniya dahil sa sinabing niyang ‘yun. “A-Anong ibig mong sabihin?” hinawakan niya ang kamay ko at mas lumapit pa sa saakin. “Matagal ko ng pansin Anastasia, hindi mo lang naamin dahil akala mo ay infatuation lang ‘yun pero sinong baliw ang pupunta sa kahit saan dis-oras ng gabi? Iiyak kapag hindi nakita ang lalaki? Iiyak kapag hindi ka tinapunan ng tingin? Duh! Masyado kang manhid!” napanga-nga ako sa sinabi niya pero napayuko ‘din. 

Tama masyado akong manhid para marealize ‘yun ng matagal. 

“Ano nang plano?” nagkibit balikat ako sa tanong niya dahil hindi ko naman talaga alam. “Hahayaan mo si Daisy na agawin sa’yo si Tanner?” hindi ko talaga alam! “Matapos mo siyang sundan sa loob ng limang taon hahayaan mo ang m*****a mong kapatid na agawin ang lugar na ikaw dapat ang naroroon?” napatingin ako kay Kathy dahil doon. Hahayaan ko nga ba si Daisy?

“Pag-isipan mong mabuti Anastasia.” 

DINNER na ng umuwi ako sa bahay, sanay sila mommy at daddy na manatili ako kila Kathy ng matagal. May damit na nga ako doon bilang patunay na madalas akong nandoon kaya naligo na ‘rin ako at nagpalit sa kwarto ni Kathy. 

Nagtaka ako ng may makita akong kotse sa labas ng bahay. May bisita kami? Pumasok ako sa loob at naririnig ko ang kwentuhan mula sa kusina kung kaya agad akong pumunta doon na dapat pala ay hindi ko na ginawa. Napatingin silang lahat saakin, nasa ginta sina mommy at daddy magkatabi habang nasa kanan nito si Daisy na katabi si Tanner at nasa tapat nila ang tatlong lalaki na hindi ko kilala. 

“Anastasia! Mabuti naman at nakauwi ka na, halika bilis kilalanin mo ang boyfriend ng ate mo!” kinikilig na sabi ni mommy na parang ikinatusok ng aking puso. 

“B-Boyfriend?” nauutal kong tanong at nakita ko ang palihim na pagngisi ni Daisy saakin. Biglang tumayo si Tanner at naglakad papunta saakin kaya napaatras ako. 

“You must be Anastasia, little sister of Daisy. I’m Tanner, you can call me Kuya Tanner.” Ngumiti siya saakin habang inilahad ang kamay sa aking harapan. N-Nagagawa na niyang ngumiti ngayon? 

Tahimik ang paligid at tila inaantay ang susunod na mangyayari. Naramdaman ko na papatulo na ang luha sa aking mga mata kaya dali-dali na akong tumalikod at tumakbo papunta sa itaas pero bago iyon ay narinig ko pa ang pahinhin na sinabi ni Daisy. 

“Pagpasensyahan niyo na ang bunso namin, ini-spoiled kasi ni daddy.” 

D*mn you Daisy! 

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Sasaki Yuzuki
nku bakit kasi pumasok ka sa dimo naman kwarto eh may mali karin
goodnovel comment avatar
Calista Dale
what will happen next kaya.. exciting kung ano mangyayari..
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
bakit nga ba ayaw mong sabihin anastasia hataan mo kung ayaw nila maniwala atleast nasabi mo na ikaw yong kadipin ni tanner at hindi si daisy
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status