Share

One-night Stand Kasama Ang Bilyonaryo
One-night Stand Kasama Ang Bilyonaryo
Author: R.C.BRIE15

Kabanata 1

”Ngayon gabi, kami ay masayang inaanunsyo ang engagement ng aking anak na si Justin Del Castillo sa anak na babae ng aming malapit na kabigang pamilya, si Miss Alice Campo.”

Nakatayo sa pintuan, hindi napapansin, pinanood ko ang anunsyo na ginawa ni Mr. Arnold Del Castillo, ang ama ni Justin. At malinaw kong nakikita kung gaano kuminang sa tuwa ang mukha ni Alice.

“Nasasabik din kaming iaanunsyo na si Alice ay buntis, ang tagapagmana ng pamilya Del Castillo. Ito na ang oras na ang dalawang pamilya ay magsasanib, hindi lang lang sa business, pati na rin sa dugo.” nakangiting sambit ni Simone, ina ni Justin.

Nakakabinging palakpakan ang narinig ko sa aking mga tenga habang ang mga bisita ay nagdiwang. Pero ang lahat ay naging malabo nang mawalan ako ng pakiramdam at lumabo ang aking paningin.

Ayun ang lalaking nangakong mag-hihintay sa akin. Ang lahat ay nakangiti habang tinatanggap nya ang mga hiling sa kanyang engagement sa aking step-sister. Ang babaeng nagnakaw hindi lang ng pagmamahal ng aking ama kundi pati ang mga taong sa akala ko’y nagmamahal sa akin.

"Oops...sorry" Nakakahiyang ngisi at nag-sorry ako sa waiter nung aksidente kong matabig ang ilang baso ng champagne na dala niya.

"Okay lang Miss Abigail" nakangiting sagot nya habang balisang inaayos ang naiwang baso.

“Abby, tama na. Lasing ka na.” Narinig ko si Dad mula sa likod ko pero hindi ko pinansin.

“Ano bang ginagawa mo?” bulong nya habang mabilis na tumabi sakin. Bakas sa mukha nya ang pagka-irita kahit pilit niyang itinatago.

“Nag-eenjoy ako, Dad” asiwang sagot ko. Pero tinignan lang nya ako.

“Celebration ito, di’ba? Engagement ni Alice at Justin.” dagdag ko pa habang nakangisi ng patagilid.

Oo, mejo lasing na ako dahil sa dalawang basong ininom ko kanina, pero alam ko pa rin ang ginagawa ko. Pinipilit kong sumaya habang tinitiis ang kanilang pag-tataksil.

“Abby, wag ka sanang gumawa ng eksena. Huwag dito. Nakatingin lahat sayo. Sasayangin mo lang ang lahat.” seryosong sambit nya habang nagngangalit. Ito’y babala sakin. Pero wala akong pakialam.

“Bakit ba? Wala naman mali sa ginawa ko? Nag-eenjoy lang naman ako sa engagement ng step-sister ko? Anong mali doon?” patawang sagot ko.

Buntong-hininga na lang ang sagot nya na umalis habang humigop ako ng alak. Alam ko nakatingin silang lahat sakin. Pero wala akong pakialam. Walang nakakaunawa na nasasaktan ako, kaya anong paki ko?.

“Kababalik mo lang pero wala kang ginawa kundi ipahiya ang pamilya natin.” pagalit na binulong nya sakin. Muntik na akong humagalpak ng tawa dahil sa ginawa nyang yon.

“Hindi ba isang iskandalo na ang pagbubuntis ni Alice gawa ng boyfriend ko? Alam naman ng lahat na may relasyon kami ni Justin.” pangiting sagot ko, pinapaalala lang kung anong suliranin ang meron ngayon.

Ipinakita ko pa sa kanya sa loob ng isang buwan kung paano ako nasaktan sa pagtataksil ng step-sister ko. Umaasang maintindihan nya ang nararamdaman ko ngayon.

“Iniwan mo lahat ng responsibilidad mo sa kumpanya at nag-abroad ka. Malaking tulong si Alice kay Justin.” sagot nya na tila nakikipagtalo.

“Sapat bang dahilan yan para linlangin ako?” mariing sagot ko habang nakatingin sa mga mata nya.

“Tinapat na rin kita dati, Dad. Hindi ako interesado sa family business.” dagdag ko na depensa.

“Oo, nilinaw mo dati. Ang nais mo lang ay gastusin ang perang kinita ng kumpanyang ayaw mo patakbuhin.” bakas sa mga labi nya ang sama ng loob.

Wala akong maisagot sa sinabi nya. Napatitig na lang ako sa nangangalit nyang mga mata. Oo, tama siya. May perang pumapasok sa account ko kada buwan bilang bahagi ng kinita ng kumpanya. Pero karapatan ko yun. Mana ko yun galing sa aking ina.

“Makasariling babae ka pa rin hanggang ngayon. Lumaki kang spoiled. Oo maraming nagbago. Maraming nagbago sa loob ng walong taong wala ka.” pilit nyang sinabi.

Kung hindi dahil sa pride, baka tumulo na ang luha ko..

Nung mamatay si Mom, hindi kami naging maayos ni Dad. Sanay na ako sa pangungutya nya pero nakakabigla pa rin na kaya nya akong masaktan. Hindi pa rin ako kilala ng aking ama.

Tinitigan ko ang kanyang mga mata habang inipon ang kumpyansa sa sarili.

Kung hindi dahil sa mga bisita sa loob ng malaking ballroom ng hotel na pagmamay-ari ng F&D Group of Companies, baka nakipag-talo na ako sa kanilang lahat. Pero may galang pa rin ako, taliwas sa iniisip ng iba.“Sapat bang dahilan yan para linlangin ako?” mariing sagot ko habang nakatingin sa mga mata nya.

“Ginawa nila akong tanga.” Isang matalim na sulyap ang ibinaling ko kina Alice at Karen sa may kalayuan..

Saktong nakatingin din silang dalawa sa akin. Nagtagpo ang aming mga tingin at bakas sa mga mukha nila ang ngisi ng tagumpay. May bago pa ba? Taon nilang pinagplanuhan kung paano maagaw ang pagmamahal ng aking ama. At sila’y nagtagumpay. Kaya hindi malabong naagaw din nila ang mayaman kong boyfriend.

“Lalo ka na, Dad. Ikaw na lang ang natitirang pamilya ko maliban kay Lola. Sana man lang naprotektahan mo ako sa malditang asawa’t anak mo.” Pabulong kong sinabi

“Abigail!” Ang sambulat nya habang pinipigil ang galit. Mas importante ang kanyang reputasyon kesa sa sakit na nararamdaman ko. Hindi nya nakikita kung ano ako. Yun ang nakakadismaya.

Isang mapait na ngiti na lang ang pinakita ko, na kahit sa huling sandali, maramdaman nya kung anong nararamdaman ko..

“Nasasaktan ako hindi dahil mahal ko si Justin. Nasasaktan ako dahil sa nagtaksil ang pamilya ko, lalo ka na.” Ibinulong ko habang nakatitig sa kalahating punong baso. Laging ganyan. Hindi ko mapupuno ang basong binigay sakin ng aking ama.

“Umasa akong naging mature ka, Abigail. Ganun ka pa rin pagkatapos ng walong taong nasa abroad ka. Suwail ka pa rin na gustong makuha kung anong gusto mo. Malaking pera ang winaldas mo at bumalik kang mas malala kesa dati.” Galit na galit nyang ibinulong sakin, pero imbes matakot, namangha pa ako.

Ito na ang huli. Kumbinsido na akong hindi niya ako maiintindihan. Hindi ako naintindihan at hinding-hindi ipapaintindi muli sa kanya.

Maraming nangyari sakin sa loob ng walong taon sa abroad. Ikinuwento ko dapat sa kanya lahat-lahat. Dahil nanatiling estranghero siya, sa kanyang nag-iisang anak na babae, wala na siyang dapat malaman pa.

“Bakit hindi ka tumulad kay Alice?” Masungit nyang sinabi na halos makapagpatumba saken. Tumagos sa puso ang boses nyang puno ng paghamak saken.

Ikinukumpara ako kay Alice sa loob ng maraming taon, at palagi akong nasasaktan. Pero iba ang sakit na naramdaman ko ngayon. Halos madurog ang buong pagkatao ko. Ang mga nakaka-kilabot na salitang narinig ko sa aking ama ay tila isang hatol ng kamatayan sa pinanghahawakan kong pag-asa.

“Step-daughter man si Alice pero napakalaking pagpapahalaga ang pinakita niya sa kumpanya hindi gaya mo. Ito ang mamanahin mo pero halos nagpapakamatay si Alice na tumulong samin ni Justin. Masisisi mo ba si Justin kung mahulog ang loob nya sa kanya? Winaldas mo lang ang perang pinaghirapan nila.” Pangutyang sabi nya habang nagsalubong ang aming mga tingin..

Humigop lang ako ng alak nang may panunuya. Wala akong balak salungatin ang sinabi nya. Pinangatawanan ko na anong tingin nila sakin dati pa at hindi ko na mababago yun. Halos masakal ako sa nakakapasok sakit sa dibdib ko, parang hindi ko kaya. Kelangan kong ubusin ang alak para maibsan ang aking pagkabalisa.

“Hindi magpapakasal si Justin sa isang brat, at hindi papayag ang pamilya nya. May basbas ng dalawang pamilya ang relasyon nila. Sang-ayon din ang Board. Ang kasal nila ay mabuti para sa kumpanya.” Ito ang huling dagok na halos pumutol ng paghinga ko. Ilang sandali din ang kinailangan ko para kumalma pero isang mapait na ngiti lang ang nagawa ko.

“Well, salamat sa pagiging totoo mo, Dad. Utang na loob ko sayo ito.” Taliwas kong inangat ang baso para sa isang toast, na hindi nya pinansin. Nainis ako sa matalim niyang tingin habang ininom ko ang alak na parang nagkasundo kami.

Marami akong gustong sabihin, pero wala ako masambit gawa ng puso kong nasaktan. Nagdadalawang-isip ako kung aalis na o hindi muna. At narinig ko nang lahat ng gusto nyang sabihin bago siya umalis sa tabi ko.

Naiwang mag-isa, luminga-linga ako at nakitang nakatitig si Justin sa akin. Nakasuot ng mamahaling suit at nakapamulsa, para siyang model ng magazine.

Dream guy ng bawat kababaihan, walang mintis.

Ngunit hindi nagkatotoo ang panaginip ko.

Kahit sa malayo, nababasa ko sa mga mata niya kung anong gusto nyang sabihin. Pero wala na akong pakialam kung ano man yun. Ilang linggo na rin kaming hindi nag-uusap kahit anong gawin nya.

Itinaas ko ang hawak kong baso habang nakatingin sa kanya. Pinakita kong nagdiriwang ako sa engagement nya. Ngunit hindi siya kumibo. Marahang humigop lang ako ng alak sa baso habang nakatitig sa kanya.

Siya si Justin Del Castillo, kasalukuyang presidente ng F&D Group of Companies. Gwapo at milyonaryo mula sa mayamang pamilya. Perpektong asawa sa kahit sinong babae.

Kababata ko at sweetheart. Gusto ko siya at walang naging problema nung naging kami. Alam ko mahal ko siya. Siguro dahil sa tagal na wala ako kaya maraming nagbago. At yun ang naging pagkakataong kinuha ni Alice.

May ilang saglit din kaming nagtitigan nung may isang balingkinitang tao ang humarang. Si Alice.

May pangungutyang iniwas ko ang tingin sa kanila. Hindi ako interesado sa kanilang mga kilos. Pero minalas ako sa nakatabi ko.

“Buntis na si Alice at si Justin ang ama. Wag mong balaking gumawa ng katangahan.” Bulong ni Karen habang katabi ko. May paglibak man sa salita nya, nagagawa pa ring ngumiti sa mga bisita

Sa isip ko, dumadaing ako sa panghihimasok habang tahimik na umiinom. Wala ako sa mood makipagtalo, lalo sa pangalawang asawa ng ama ko.

“Gustong-gusto ni Mrs. Del Castillo at ng kanyang buong pamilya si Alice at ang bata. Ang tagapag-mana ng Del Castillo.” Dagdag nya na may kasamang pride habang wala akong kibo.

“Wag mong subukang manipulahin si Justin ng walang kwentang drama mo. Hindi na gagana yan. Nasa panig namin ang Del Castillo.” Bulong nya habang pakaway-kaway sa ibang mga bisita. Ni isa sa kanila walang naghihinala, dahilan kung bakit naiirita na ako.

“Well, good news, solohin na Alice si Justin. Nagkalat ang mga gwapong lalaki jan.” Nakangising sagot ko habang nakataas ang kilay. Ngunit tumawa lang siya na animo’y nakakatawa ang narinig nya.

“Oh my dear, Abigail. Walang sinuman dito ang makakapantay sa mga Del Castillo. At dahil ikakasal si Alice kay Justin, magiging reyna siya.” Pangising sinabi nya bago humigop ng alak.

“Well, congratulations. Pero alam mo, isa ka pa ring trying-hard social climber.” Nakangiting humarap ako sa kanya habang inirapan nya ako.

“Maldita ka!” Sagot ni Karen habang nanggigigil. Natutuwa akong nakikita ang namumula niyang mukha sa galit.

“Salamat, mahal kong step-mother. Maghahanap din ako ng bibiktimahin gaya ng ginawa mo. At makakahanap din ako ng higit kay Justin Del Castillo.” Pagmamayabang kong inanunsyo na may pangungutya.

“Managinip ka na lang, Abigail.” Pangutyang ganti nya habang nakatingin sakin na parang ako’y baliw.

“Nagkakatotoo minsan ang panaginip, Karen.” Nakangiting sagot ko habang inibos ang natitirang laman ng baso sabay tumalikod.

Alam kong nakatingin lahat sa akin. Pati si Justin kahit katabi nya ang naiinis nyang fiancee.

Salungat sa elenganteng gown at tuxedong suot ng mga bisita, suot ko ay tattered na denim shorts at sweatshirt na pinarisan ng lumang snikers. Alam kong hindi akma sa lugar.

Habang sinusundan ako ng mga tingin, abala din ang mga mata ko sa paghahanap ng mahuhuli ngayon. Ngunit puro pamilyar na mukha lang ang nakikita ko..

Hanggang sa mapansin ko ang isang mataas na pigura, hindi kalayuan sa kinatatayuan ko.

Normal na lang sa akin ang lalaking may itchura. Napapaligiran ako nyan. Pero ang lalaking ito, kahit nakatayo ng ilang dipa saken, kulang ang salitang gwapo para sa kanya.

Tila isang diyos ng Griyego na lumabas mula sa Olympus. Kahit sa kanyang pagtitig, habang palinga-linga, tila nakapukaw ng katawan ko. Napakadelikadong sitwasyon ito.

Hindi ko siya mailarawan pero sapat nang dahilan ito sa sarili ko na hindi magpigil. Di ko ikakailang gustong-gusto ko siya nung makita ko.

Kahit may balbas at bigote, mapapalingon ka talaga sa perpektong mukha nya. Napansin kong halos lahat ng kababaihan, maski ang mga may edad, ay napapatingin sa kanya. Talagang agaw-atensyon.

Walang kakaiba sa kasuotan nya. Lahat ng lalaki sa party ay nakasuot ng tuxedo. Pero ang lakas ng dating nya.

Kahit si Justin ay wala sa kalingkingan sa presensya ng lalaking ito.

“Bakit hindi kita nakita agad?” Bulong ko sa sarili ko habang naglalakad palapit sa kanya.

Umaapaw ang pagiging lalaki nya habang papalapit ako. Hindi ko alam kung dahil sa nainom kong champagne o may magnet na humila sa akin papunta sa kanya.

Nalaman ko nalang, dumampi ang mga labi ko sa mga labi nya. At kusang sumara ang mga mata ko sa tila langit na pakiramdam.

Tila tumigil ang mundo ko nung maglapat ang mga labi namin. At tila uhaw para tikman siya. At ginawa ko nga.

Kusang gumalaw ang mga labi ko nang hindi ko alam, tila nadadala ng tukso.

Malambot at matamis. Parang cotton kendi at marshmallows. Natukso akong maging mapangahas pa.

Kusang gumalaw din ang aking dila. Laking tuwa ko nung, bahagyang bumuka din ang bibig nya. Pagkakataon ito para magpadala lalo sa tukso.

“Hmm…”

Parang mahika. Napagtanto ko na umungol pala ako pero sino bang hindi? Kundi lang sa kailangang sumagap ng hangin, hindi ko siya bibitiwan.

Sa kagustuhan kong ulitin ang mga nangyari, patiyad kong inabot muli ang mga labi nya.

“Abigail, anong ginagawa mo???”

Bigla kong narining ang galit na boses ng ama habang nasa panaginip. Tila nawala ang mahika nung bumalik ako sa aking sarili.

Isang ngiti ang namumutawi sa aking mga labi, gawa nang tila langit na pakiramdam. Marahan kong binalot ng mga braso ko ang leeg ng lalaki bago ko nilingon ang aking amang galit.

“Hinahanapan ka ng lalaking mamanugangin mo.” Nakangiting sagot ko.

“Nababaliw ka na ba? Sinabi ko nang wag kang gagawa ng iskandalo.” Kung nakakamatay lang lang ang pandidilat, baka nakahandusay na ako sa sahig at walang malay. Kitang-kita ko kung paano siya magngitngit sa galit habang nasa tagiliran ko.

“Hindi ba mas masaya kung double celebration? Engagement ni Alice at kung sakali, sa akin din.” Buong ngiting nasambit ko sa kabila ng tensiyon.

“Naniniwala pa rin naman tayo sa love at first sight, tama?” Dagdag ko pa bago maghumiyaw ulit si Dad.

Pumaling ako ng tingin sa lalaking kinakapitan ko habang nakatitig sakin.

“So, anong pangalan mo? Anong negosyo mo?” Tanong ko.

Nakangiti pa rin ako habang nag-aantay ako ng sagot nya. Hindi lang ako pati na rin ang mga bisita sa kwarto.

“Waiter ako, Madame. Kukunin ko lang ang mga basong walang laman.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status