Share

Kabanata 2

“Waiter ako, Madame. Kukunin ko lang ang mga basong walang laman.” Magalang na sagot ng lalaki. Ngayon siya’y nahihiya kumpara kanina na kalmado lang.

“Isang waiter?”

"Hahaha"

“Nakakahiya siya.”

“Isang waiter? Hahaha"

Naririnig ni Abigail ang mga pigil na tawa sa paligid nya habang nakatitig pa rin sa lalaki. Parang siya’y nagayuma.

“Well, mukhang ayos ang nakuha mo. Isang waiter?” Tila namanghang nasambit ni Karen. Umugong muli ang pangungutya at tawanan sa paligid.

Ramdam ni Abigail ang panlilibak sa kanya kahit hindi siya lumingon. Lalo na sa mga malalapit sa pamilyang Del Castillo at mga kaibigan ni Alice.

“Itigil mo na itong kalokohan na ito, Abigail.” Ngitngit na binulong ng ama nya.

“Maging mature ka naman. Bigyan mo ng kahihiyan ang pamilya natin.” Dagdag niya habang pinipigil ang galit sa harap ng mga bisita.

“Pilit inaagaw ni Abby ang atensyon ng mga bisita ko, Dad. Nagsasaya dapat kami ngayong gabi pero tignan mo kung anong ginagawa ni Abby. Sinisira lang niya.” Tila nasaktang sambit ni Alice, matapos lumapit sa kanila.

Lumingon siya sa kanila matapos niyang mapagtanto ang mga sinabi ng kanyang ama at ni Alice. Muntik na niyang makalimutan kung nasaan siya ngayon kundi lang sa ayos ng mukha ng ama nya at ang nakangising si Alice. Naalala nya kung anong problema nila ngayon.

“Bakit, Dad? Bawal ba akong pumili ng date ko ngayong gabi?” Kalmadong tanong niya sa kabila ng pagka-irita.

“Dapat ba sa isang waiter? Hindi ka ba makapili ng disenteng lalaki? Marami naman tayong kakilala dito. Pumili ka lang sa kanila.” Gigil na sambit niya.

Nung marinig niya ang sinabi ng kanyang ama, muntik na niyang hindi masaksihan kung paano manigas ang mukha ng lalaking nasa harapan nya.

“At nag-uusap tayo ngayon tungkol sa pagiging disente. Nilinlang ako ng presidente ng kumpanya at ng pamilya ko. Sabihin mo sa akin ngayon, sino ang disente?” Pangutyang isinumbat niya.

“Abigail.” Muling pagbabanta ng kanyang ama.

Umiwas ng tingin si Alice habang lumapit naman si Justin sa kaguluhan. Iniwasan din niyang tumingin sa iba, gaya ni Alice. Pati ang kanyang pamilya ay nalilito na rin. Lalo maraming bisita ang lumalapit at nakiki-usyoso.

“Pinanghawakan ko ang pangakong galing sa lalaking tinawag mong disente, na akala ko’y totoo. Pero andito na tayo sa problemang ito.” Nakangiting sagot niya habang nakatingin sa lahat. Umiwas naman ng tingin si Justin at Alice pati ang kanilang mga pamilya.

“At hindi ko kailangan ng mayamang lalaki. Hindi ko kailangan ang pera niya o ang manlamang para yumaman. Milyones ang pera ko.” Pangiting dagdag nya habang tinitigan si Alice at ang kanyang step-mother. Muntik na siyang humagalpak ng tawa nung makita nya ang mga mukha nila.

“Tama na, Abigail!” Sagot ng ama niya, kita sa mukha nya ang galit.

“Huwag mo akong igaya sayong ipokrito.” Nasambit niya habang bumitiw sa pagkakayapos sa lalaki. Ngunit hinawakan nya ang kanyang mga kamay, habang nakatingin sa lahat.

“Magpakasaya tayo ngayon. Dapat nagsasaya tayo dahil may selebrasyon.” huni nya habang nakangiti. Salungat sa kanyang kalooban, tila siya’y tuwang-tuwa pa kahit kahit galit na galit ang kanyang ama at kanilang mga pamilya.

Habang ang lahat ay asiwa, sinenyasan niya ang waiter, habang may dalang isang tray na puno ng baso ng champagne.

“Heto oh.” Kumuha siya ng dalawang baso at inabot sa waiter ang isa. Ngunit nag-alagan siyang kunin yon.

“Naka-duty pa ako, Madame,” Magalang niyang pagtanggi.

“Hayaan mo siyang magtrabaho, Abigail. Itigil mo na tong kalokohang ito,” Giit ng kanyang ama, habang asiwa ang lalaki. Hindi niya ito pinansin. Bagkus, humarap siya waiter.

“Isipin mo na lang day-off mo ngayon. At ikaw ang ka-date ko ngayong gabi.” Pagpilit nya habang nakatitig sa kanyang mga mata.

“Patawad, Madame. Marami pa akong gagawin.” Kalmadong sagot nya at akmang aalis. Pero hindi papipigil si Abby. Hinigpitan nya ang pagkakahawak sa kanyang braso.

“Babayaran kita.” Pabulong niyang sinabi sa lalaki. Hindi niya tanggap na siya’y tinanggihan. Pero hindi siya nainsulto. May kakaiba para sa kanya.

“Hindi ko kailangan ang pera mo.” Sagot niya na may pagbabanta, habang nakapaligid ang mga tao..

Naintindihan nya ang banta ng lalaki. Pero imbes na matakot, siya’y naguluhan lalo. Walang tumatanggi sa kanya, at nagbabanta nang ganun sa kanya. Nagsimula na siyang maging curious. Hindi siya nakakaramdam ng takot habang nakatingin sa lalaki.

“Abigail, itigil mo na itong kabaliwan mo. Pauuwiin na kita.” Sabat ng kanyang ama.

“Hindi pa tapos ang selebrasyon, Dad.” Nakangiting sagot nya sabay humarap sa lalaking hawak nya.

Wala na siyang pakialam kahit kanino. Nabaling na ang kanyang atensyon sa maamong lalaki na nangangalit ang mga mata.

“Magcelebrate tayo.” Pinahawak niya sa lalaki ang kanyang inumin, habang nakangiti.

Pinilit nyang abutin at hawakan ang palad ng lalaki, at tinitigang maigi ang mga mata. Tila may sinasabi sa kanya.

"Excuse us, Dad. Gusto kong mapag-isa muna kasama ang date ko." Sambit nya habang nakatitig pa rin sa lalaki.

Umani ng iba’t-ibang reaksyon ang kanyang ginawa. Nababahala ang kanyang ama dahil sa katigasan ng ulo habang ang iba ay kawalanghiyaan at pagrerebelde.

Habang ang ibang bisita ay natulala, isang ngiti ng tagumpay ang namutawi sa mga labi ni Alice. Pero hindi niya yun ipinahalata.

Sa kabilang banda, napako sa pagkakatayo si Justin. Lito pa rin, lalo nung umalis si Abby kasama nung waiter.

"Abby… please… stop..." Pinigilang umalis ni Justin si Abby, nang bigla niyang hinawakan ang braso niya

Kung nagitla si Abby, natulala naman si Alice at si Karen pati na ang pamilya Del Castillo. Hindi nila akalain ang mga ikinilos ni Justin. Pati ang pagmamakaawa nito.

Tinignan siya ng matagal ni Abby habang isang nakakabinging katahimikan ang nanaig sa venue. Kahit pinagtitinginan na ng mga tao, hindi pa rin siya binitiwan ni Justin. Natatakot na tuluyang sumama siya sa ibang lalaki.

“Abby, pwede ba tayong mag-usap, please.” Pagmamakaawa nito, di alintana ang sasabihin ng ibang tao. Lalo si Alice na tulala pa rin.

Tinitigan lang ni Abby si Justin, habang nakataas ang isang kilay, habang pumaling ng tingin sa kanyang braso hawak pa rin nya.

“Justin…” Sinubukang tawagin ni Simone ang kanyang anak, pero walang sagot.

“Kelangan natin mag-usap, Abby. Pakinggan mo ako.” pagmamakaawa pa rin ni Justin.

“Bitiwan mo ako.” utos niya.

“Please, mag-usap tayo.” Pilit nya. Nakatingin lang sa kanya si Abby na tila nanlalait.

“Siya nga pala. Sorry may nakalimutan ako.” Hinila ni Abby ang kanya braso at may kinuha sa kanyang kabilang kamay.

Nasaksihan ni Justin pati ng mga malapit sa kanila kung paano niya tinanggal ang singsing mula sa palasingsingan.

“Heto.” Pinakita niya ang singsing sa pagitan ng hinlalaki at hintuturo. Nagbulungan ang mga tao sa paligid ngunit hindi niya pinansin.

Tinignan ni Justin ang singsing at dahan-dahang tumingin sa kanya.

“I’m sorry. Nakalimutan kong ibalik sayo.” Dagdag niya habang patuloy ang bulungan sa paligid.

Naniniwala siyang naintindihan ng mga tao ang kanyang ginagawa.

Habang nagulat ang lahat sa nakita, pinagmasdan nya ang tingin ni Justin. Inaantay niyang kunin ang singsing sa kanya. Pero nanatili lang siyang nakatingin sa kanya.

Nanahimik lang si Justin samantalang kinakabahan sina Karen at Alice kung anong sasabihin ng mga bisita. Inaantay nila kung anong gagawin niya. Pero tinitigan lang niya si Abigail.

Naiinip na sila sa kabila ng mausisang mga bisita. Hindi dapat masira ang kanilang mga plano nang dahil sa kapusukan ni Justin.

Napa-facepalm nalang ang ama ni Justin habang nagpupuyos na sa galit ang kanyang ina. Nahihiya sila sa ikinilos ng kanilang anak.

“Hindi, Abby. Mag-usap tayo. Pakinggan mo ako.” Pagmamakaawa nya ulit.

“Dapat suot ito ng ng iyong fiancee.” Pag-giit niyang sinabi

"Abby, please" Sinubukan nyang tabigin ang kamay nito, umaasa pa rin. Ngunit naiwasan nya ito.

“Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Kalokohan lang pala itong singsing na binigay mo nung dumating ako nung isang linggo. Pinag-isipan ko muna dapat kesa sa naniwala agad sayo.” Gigil na sinabi nya.

Matapos iwasan ng ilang linggo, pagkakataon na niya para sabihin lahat-lahat sa kanya. At kung gano kasakit ang pagkukunwari niya.

Pero imbes na isambulat lahat ng galit nya, pinigilan niya iyon. Wala na rin magagawa. Pagtatawanan lang siya or kaawaan lang. Wala na siyang kailangan kundi tahimik na umalis.

“Tapos na kung ano mang namagitan sa atin. Saka hindi ako mahilig sa pinaglumaang gamit. Lalo kung madungis.” Pilit niyang pinahawak ang engagement ring sa kanya.

“Magsisimula uit ako.” dagdag niya, habang pinagmasdan niyang nakatitig sa singsing sa kamay nya.

“Sa isang waiter?” Napatingin si Justin sa waiter na katabi nya, tila naguguluhan. Pero kalmadong tumingin din sa kanya ang lalaki.

“Anong mali sa pagiging waiter?” Matigas niyang tanong dala ng pang-iinsulto

“Dapat galingan mo pa, Abby. Bigyan mo ng kahihiyan ang pamilya mo.” Tinitigan niya ito ng matalim.

Ilang saglit din ang lumipas pero hindi siya sumagot. Nagtitimpi ng galit. Hintay pa rin niya hanggang sa mapansin niyang ngumisi ang mga labi nya.

“Wala akong pakialam kung waiter o taga-walis ng kalye kung marangal ito kesa sa lalaking walang isang salita.” Pangising sabi nya. Pagkakataon na niyang tuyain ito.

“Walang kwenta sakin ang pera mo. Pero maswerte ka dahil nakatagpo ka ng gahamang babae na pera at impluwensya mo lang ang habol.” Sadya niyang nilakasan ang boses bago tumalikod at umalis. Nabigla ang lahat sa narinig.

Sinundan siya ng mga tining habang lumapit at humawak sa braso ng waiter. Wala siyang pakialam sa sasabihin nila. Nasabi na nya kung anong gusto niya sabihin. Nagawa na rin nya ang dapat niyang gawin.

Nakakabinging katahimikan ang nanaig habang pinagtitinginan ng mga bisita si Justin at Alice. Nasa likod niya si Mr. at Mrs Del Castillo na nanlilisik sa kanya.

Nakakahiyang tensyon ang bumalot sa lugar. Pakiramdam nila ipinahiya sila ng kanilang mga bisita at hindi kayang tanggapin ng kanilang pamilya.

Hinila si Justin ng kanyang ina sa gitna ng katahimikan. Dismayado sila sa mag-asawang Del Castillo, dahil sa komprontasyon kanina.

Upang matigil ang mga bulungan, ang ama ni Abby, si Philip Sandoval, ay napilitang magsalita na.

“May ilalabas na mga wine at champagne. Wag kayong mahiyang kumuha.” Nakangiting sinabi nya at sumenyas sa mga waiter para ilabas ang mga inumin.

Ngumiti naman ang mga bisita sa kanya, sumaya lalo ang mga bisita nung makita nila ang mga waiter na bitbit ang mga inumin.

“Nasira ang gabi dahil sa malditang yan.” Pagalit na sinigaw ni Karen sa kanyang anak, habang inaasikaso ng kanyang asawa ang mga bisita.

“Wag kang mag-alala, Mom. Hindi magtatagal pagtatawanan dito yang maldita na yan.” Bulong ni Alice. Sinundan niya ng tingin si Abby habang ito’y papaalis.

“Anong ibig mong sabihin?” Sinundan din niya ng tingin ang dalawa, palabas ng pinto.

“Mula sa prominenteng tao, Justin Del Castillo, bumagsak siya sa isang mahirap na waiter. Hindi ba nakakatawa yon?” Sagot ni Alice.

“Kahit prominenteng tao siya dahil sa pera ng pamilya nya, pagtatawanan pa rin siya. Magiging desperada siya sa lalaking walang pambili ng pagkain.” Dagdag niya. Naintindihan yon ni Karen.

“Siguraduhin mong hindi sila magbabalikan ni Justin. Hayaan mo silang dalawa ng waiter. Sigurado akong madidismaya sila Philip and Madame Mariebel Fuentebella. At pwede siyang itakwil, pag nagkataon. Alam mo naman ang ibig kong sabihin, Alice?” Sabi ni Karen habang tinago ang tuwa.

“Pwede mong manahin ang yaman ng Fuentebella. Kayang gawin yan ni Philip.” Bulong nya sa tenga ni Alice.

“Maswerte pa rin tayo, Mom. Waiter ang pinili ng tagapagmana ng Fuentebella. Ibibigay ko sa kanya ang nararapat.” Nakangiting sagot nya sa kanyang ina.

“Magiging asawa ng waiter. Kawawang tagapagmana na taga-lustay ng perang hindi niya pinaghirapan.” Bakas sa mukha niya ang pagkainis.

“Tignan natin kung saan siya aabot kasama ang dukhang lalaki niya.” Pangising sambit ni Alice kay Karen.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status