Luma itong bahay na ang karamihan sa mga empleyado ng hotel ay tinatawag itong mansyon. Pero sa paningin niya, tipikal na malaking ancestral house lang ito na karaniwan sa probinsiya.“Hindi mo pa iniinom ang inumin mo. Natatakot ka?”Narinig niya ang natutuwang boses na nagpatigil sa tahimik niyang pagtingin sa paligid.“Well, hindi masama na maging maingat. Wala akong plano na hubaran ka ulit. Lalo na sa harap ng lola mo,” kaswal niyang sagot habang humaharap sa direksyon niya.Habang nakatingin siya sa kanya, napukaw ang atensyon niya ng bago niyang damit. Natawa ng mahina is Abigail.“Gusto ko na gawin mo iyon. Pero hindi ko na kailangan magamitan ng kung anong gamot. Gusto ko maalala ang bawat parte ng gagawin mo,” kumindat siya pero isinara ang bibig matapos maalala ang nangyari kagabi.Pinanood ni Lam ang maganda niyang mukha habang abala siya sa irita sa kung sino ang nagplano para may mangyari sa kanila sa gabing iyon. Sa kasamaang palad, hindi na nila maalala ang karami
“Naghihintay na si lola. Makikipagkita siya sa atin bago siya matulog sa tanghali,” tinapos niya ang kanilang pag-uusap at bumulong siya.Napangiti sa isip si Lam dahil sa biglaang pagpapalit ng topic. Pero alam niya na hindi pa sumusuko si Abigail.“Mauna ka,” senyas niya para mauna siyang maglakad.Ngunit, nagualt siya ng yumakap siya sa kanyang braso bago sila umakyat ng hagdan. Ang kamay ni Lam ay nakapahinga sa likod ni Abigail. Naging tense si Abigail sandali sa kilos niya.“Nagbago na ba ang isip mo na ikama ako?” habang nakangiti, ginamit niya ang pagkakataon na magtanong.“Hindi. Nagpapakagentleman lang ako,” titig niya ng masama, napanguso siya.Tahimik silang umakyat ng hagdan sa hindi kahabaang hallway hanggang umabot sila sa pinto sa dulo.Kumatok siya ng dalawang beses bago pinihit ang doorknob. Pero bago niya buksan ang pinto humarap si Abigail sa kanya.“Matalas ang dila ni lola,” ngumiti siya na tila humihingi ng tawad.“Okay,” bulong niya na sagot. Hindi siya
“Lam Cartagena. Ikinararangal ko na makilala ka, Madame Fuentebella,” dahil sa elegante niyang pag-uugali, humalik siya ng magalang sa likod ng kulubot niyang kamay.“Cartagena… bisita dito sa Santocildes,” bulong niya habang sinusubukan alalahanin ang pangalan.“Naparito lang ako para sa trabaho, Madame,” tumulong siya sa kanya sa pagdagdag nito.Tinignan siya ni Mariebel bago siya mabagal na tumango.“Ikinagagalak kita na makilala, Lam Cartagena. Welcome sa Santocildes.” Kahit na matindi ang titig niya, makiktia ang mahinhin na ngiti sa mukha ni Mariebel.“Salamat, Madame.”Habang nakatingin sa mga mata niya, magalang na ngumiti si Lam. Alam na niya ngayon kung saan nagmana si Abby. Kahit na matanda na siya, batid pa din ang ganda ni Mariebel Fuentebella.“Maliban sa pagiging waiter, ano pang trabaho ka magaling?” habang nakatitig sa mga mata niya, nagtanong si Mariebel Fuentebella. Walang kahit na anong dating ang ekspresyon ng mukha niya na maaaring may nais ipahiwatig.“Mg
“Matatapos ang shift ko ng alas kuwatro. Kailangan ko na umalis,” bulong niya matapos lisanin ang kuwarto ng matriarch. Nananatili pa din sa kanila ang tense na pag-uusap kasama ang matandang Fuentebella.“Puwede tayo kumain sandali. Mukhang okay naman sa McDOnalds,” Tinignan ni Abigail ang orasan sa braso niya, ngumiti siya ng matamis.Pero ang tingin sa kanya ay tila ba nababaliw na siya. Hindi siya nabagabag, okay lang umarte na wala siyang alam kung makukuha naman niya ang gusto niya.“Pasado ala una pa lang. May sapat ka pa na oras,” hindi nabagabag ang ngiti niya kahit na walang pakielam si Lam.“Gutom na ako at namimiss ko ang burger at fries. Okay din ang Oreo mc flurry,” malambing niyang dagdag, hindi binigyan ng pansin ang nagdidilim niyang ekspresyon.Kung sinusubok niya ang kanyang pasensiya, nagtatagumpay siya. Habang mas nagsasalubong ang mga kilay niya, mas lalo siyang nagiging sweet.“Tara na,” kahit na nakikita na ang pagkairita niya, yumakap si Abigail ng masaya
Oo, nakita niya ang lahat at naintindihan ang ipinapahiwatig niya. Ang kahit na sinong lalake ay maiintindihan ito agad.Ito ang dahilan kung bakit tense si Lam sa kanyang kinauupuan habang sinusubukan ilulon ang nginunguya niya sa kanyang bibig.“Uhmm…” nilinaw niya ang kanyang lalamunan, kinuha niya ang inumin para maitulak ang pagkain pababa. Halos masamid siya.Habang pinapanood na hirap siya, hindi nawala ang ngiting tagumpay sa mukha ni Abby.“Masyado mo itong naeenjoy, ano?” umiling-iling si Lam at kinumpronta siya. Pero mahina at kalmado ang boses niya.“Oo, naeenjoy ko,” ngumiti siya ng matamis habang kaswal na dinidilaan ang basa niyang mga labi. Pangkaraniwang kilos lang ito para sa karamihan pero alam ni Lam kung anong ipinapahiwatig nito, para itong sipa sa kanyang sikmura.“Totoo ako sa ibig ko sabihin sa bawat mga salitang sinabi ko kanina,” dahil ang mood niya ay napupunta na sa pagiging seryoso, sinabi niya ito habang humihigop ng soda.Napansin niya agad ang bi
“Ikaw, Cartegana.”Labinglimang minuto bago magsimula ang shift niya, dumating si Lam sa hotel. Papasok na siya sa staff room para magbihis ng waiter uniform ng tinawag siya ng kitchen manager.“Magandang tanghali, Mr. Torres,” tumango siya ng magalang, nakatayo ng ilang dipa mula sa manager.“Dalhin mo ang mga kahon ng wine at supplies sa stockroom,” hindi binigyan ng pansin ang bati, nag-utos si Mr. Torres. Nakakasindak ang tingin niya pero pinili ni Lam na isawalangbahala ito.Ngunit, naguluhan siya sa utos. Ang kontrata niya ay waiter siya, hindi stockroom staff. May mga taong nakaassign para kunin ang stocks na dumadating sa hotel.“Ano pang hinihintay mo? Hindi mo ba narinig ang utos ko sa iyo?”Isang istriktong boses ang nagbalik sa kanya sa realidad at napagtanto niya, nakatitig sa kanya ng masama ang manager. Kaysa panghinaan ng loob, kalmado siyang nakipagtitigan sa manager.“Anong tinitingin-tingin mo? Bago ka lang dito at nagpapakita ka na ng ugali,” tumaas ang bose
Matapos makarating sa likod ng hotel, nakita niya ang truck ng may bagong deliver na mga supply.Isang grupo na ang nakahanda na ilipat ang anumang nasa loob ng malaking sasakyan gamit ang kanilang mga push cart. Napatingin ang mga tao sa kanyang presensiya habang napapaisip. Lalo pa ng magsimula siyang tumulong.“Tutulong ako sa paglipat,” bulong niya bago kumuha ng cart.Kahit na hindi makapaniwala, hindi nagsalita ang mga lalake. Nakita nila na seryoso siya kaya nagbigay siya ng mga kahon para buhatin niya.Habang dala ang mga kahon, pero nasa cart, mukha itong madaling trabaho, pero hindi. Hard labor pa din ito at kahit na sanay ang katawan niya, hindi sa ganoong lebel. Pero para sa baguhan, tulad ng iniisip ng lahat, madami siyang stamina.“Okay ka pa din ba?” Ang nagpapatong ng mga kahon sa mga cart ay nagtanong matapos makita ang kundisyon niya. Ang T-shirt na suot niya kanina ay inalis na niya.Matapos ang ilang pabalik-balik ng mga kahon sa stockroom at pabalik sa truck,
Pawis at gumagalaw na mga muscle ang dalawang bagay na hindi niya inaasahan na magugustuhan niyang makita. Pero ang panoorin siyang pinagpapawisan habang nagtatrabaho gamit ang mga cart na puno ng mabibigat na mga kahon ay nakakaapekto sa kanya sa masarap na paraan.Mukha siyang guwapo kahit na magulo ang itsura niya. Natutukso pa siyang tumabi agad sa kanya at punasan ang kumikislap niyang pawis sa dibdib niyang may tato.Pero kahit na maganda ang tanawin niyang nakikita, tumalikod siya at bumalik sa loob. Dumiretso siyang naglalakad sa walang taong hallway hanggang sa nakarating siya sa parteng gusto niyang puntahan.Hindi mapakali ang mga mata niyang tumitingin sa paligid hanggang sa makita siya. Pero bago siya makalapit, una siyang nakita ng lalake at lumapit sa kanya.“Magandang tanghali, Miss Abigail. May maitutulong ba kami sa iyo?” nababalisa siya sa presensiya ng tagapagmana.“Wala naman, Mr. Torres. Nabagot lang ako at napagdesisyunang tumingin sa paligid, kaswal niyang
“Wow, nakakatulala. Ang laki ng diamante!” hanggang sinabi ni Karen.“Ilang carats ito?” tanong ni Simone sa staff. Hindi dahil sa nakalimutan niya pero dahil gusto niyang magyabang.“Five carats in VSI1 clarity, Madame.”“Wow, kahanga-hanga. Kaya pala ang mahal nito,” bulong ni Alice, kinuha ang singsing para isuot sa daliri niya.Kumikinang sa mga mata niya ang nag-iisang bato.“Binayaran na ito ng buo ni Justin,” mayabang na anunsiyo ni Simone habang sinusulyapan si Lam.“Isusuot ko na ngayon,” deklara ni Alice ahbang nakataas ang kamay niya sa ere.“Well, may mga cheap sila na diamante para bayaran ng asawa mo, Abigail,” ngumiti si Karen.“Anuman ang mayroon siya, pera pa din ito ng Fuentebella. Si Abigail pa din ang bumibili para sa sarili niya,” tumaas ang kilay ni Simone ng mapanglait habang tumataw ang dalawa.Ineenjoy nila ang panlalait habang sina Abby at Lam ay nananatiling hindi nababagabag.“Dahil may pera kayo ngayon at ako ay wala, ikaw ang magbayad ng mga sing
“Puwede ba natin tignan ang loob?” maingat ang tanong ni Abby kay Lam noong tumigil siya sa labas ng isa sa mga jewelry shops sa mall.Humarap si Lam sa loob ng salamin. Ang shop ay halos walang tao.“Siyempre,” ngumiti siya at humakbang para hatakin si Abby papasok.Maraming iba’t ibang klase ng mga mamahaling alahas ang nakadisplay sa mga istante at kumikinang sila sa liwanag ng ilaw, natuwa ng husto ang itsura ni Abby.“Welcome sa Symphony Diamonds,” bati ng staff habang nakatingin sila sa paligid bagay kung saan magalang silang sumagot.Pinanood ni Lam ang nasasabik na mukha ni Abby habang sinusuri ang mga piraso ng diamond-studded collections. Ang kahinaan ng babae. Diamante.“Anong balak mong bilhin?” tanong niya habang kasama siyang tumitingin sa loob ng mga salamin sa istante.“Puwede ba?” napalingon ang ulo ni Abby sa direksyon ni Lam.“Bakit hindi? Maganda sila,” kibit balikat niya.Ilang sandali na tumitig si Abby sa kanya ng walang sinasabi, mukhang inaalam niya an
“Nakakailang iyon,” buntong hininga niya ng maluwag matapos silang makapasok sa sasakyan.“Bakit ka hindi mapakali? Wala iyon sa kanila, moppet ko,” natutuwa siya sa kakaiba niyang ugali simula ng lumabas sila ng apartment.May bahid ng pink ang mga pisngi niya at alam ni Lam na hindi siya naglalagay ng makeup.Dahil pasado tanghalian na, ang karamihan sa restaurant at café sa paligid ay wala halos tao, nakahinga siya ng maluwag dahil dito. Wala siya sa mood na mapaligiran ng maraming tao.Tahimik silang kumain habang nag-uusap ng kaunti.Ang tunay na hirap ay nagsimula ng makarating sila sa kumpanya.“Welcome back, Chairman Cartagena,” ang bati ni Justin ay may panlalait at ang mga mata niya ay nalipat kay Abby. Pumasok ang magkasintahan ng magkahawak kamay.Tumango lang si Lam sa kanya ng hindi tumitigil at hindi natuwa ang lalake dito.“Puro ka chikinini, Dr. Sandoval. Nakakagulat,” malakas ang boses ni Justin kung saan nairirnig siya ng mga tao sa lobby.“Wala ka ng pakiel
Paano niyang haharapin ang mga kapitbahay niya at si Kara bukas, hindi pa din niya alam.Ang mahalaga sa kanya ngayon ay nakabalik na si Lam.Totoo na si Kara ay hindi makapaniwala matapos ang unang mga ungol na narinig niya mula sa kuwarto. Dapat aalis na siya ng dumating si Lam pero tinatamad siyang bumangon. Pero ng marinig niya ang ungol ni Lam at Abigail na dumadagungdong sa buong apartment, nagmamadali niyang inimpake ang cot niya.“Anong ginagawa mo dito ng gitna ng gabi?” kontrolado ang boses ni Kara habang tinititigan ng masama ang lalakeng gumulat sa kanya ng buksan niya ang pinto.“Iniisip ko na baka mainggit ka sa ginagawa ni Lucas at Abigail kaya pumunta ako,” habang mukhang tanga na nakangiti at arogante, nagpaliwanag siya.“Urgh…” Dahil sa hindi madaming beses na nangyari ito, napayuko sa sakit si Carl dahil sa suntok na tinamo niya mula kay Kara sa kanyang sikmura.“Hindi ka talaga natututo, Carl Petrov,” galit niyang sinabi bago siya itinulak.Habang hawak ang s
Masalimuot ang paghihintay ni Abigail. Ang apat na araw na delay na kanyang inaasahan ay naging mahigit sa isang linggo.Habang patindi ng patindi ang pangungulila niyak ay Lam, may mga gabi na umiiyak siya hanggang sa makatulog. Tulad ngayong gabi, basa pa ang mga mata niya ng siya ay makatulog na.Tulad ng karamihan sa mga gabi, nananaginip siya na nagmamahalan sila ni Lam. Namimiss na niya ito ng sobra at halos nararamdaman niya ang kanyang mga halikan.Namilipit siya sa sarap habang hinayaan niyang halikan siya sa leeg, ineenjoy ang mga kagat niya sa kanyang balat.“Ahhn…” ungol niya ng may pares ng mga lalakeng pumasok sa damit niyang suot. Nililibot nito ang hubad niyang katawan sa loob.Nilalamas siya at hinahawakan. Pagkatapos, bumukas bigla ang kanyang mga mata.“Panaginip lang ba ito?” bulong niya habang kinukumusta ang kanyang sarili.May mabigat na nakadagan sa kanya at may tunay na nakahawak sa dalawa niyang bundok.“Lam…” bulong niya habang maluha-luha.“Nandito
“Siyempre. Akong bahala,” balik na siya sa masayahin niyang mood at kumindat muli sa kanya.“May problema ka ba sa mga mata mo?” hindi makapaniwala si Kara sa kanyang ugali.Nawala ang ngiti ng lalake sa sinabi ni Kara.“Wala ka talagang sense of humor, Stepanov. Chill ka lang kahit kaunti pambihira naman. Mas tumatanda ka lalo kaysa sa kapatid mo,” panlalait niya ng nakatitig ng masama.“Kasi mukha kang tanga, papikit pikit ka pang nalalaman,” titig ng masama ni kara sa lalake habang nasisindak sa ginawa niya.“Ang tawag doon ay kindat,” hindi siya makapaniwala sa pagiging ignorante niya o baka insulto ito. Pero dahil kilala niya si Kara, alam niyang insulto ito.“Wala akong pakielam, hindi ito bagay sa iyo,” umirap siya ng hindi makapaniwala.“Ito talaga,” inabot niya ang likod ng pantalon niya para sa kanyang wallet.“Heto,” Kinuha niya ang kamay ni Kara at naglagay ng itim na card sa palad niya.“Para saan ito?” napapaisip siya ng husto kung bakit ibinigay niya ang kanyang
“Asawa ko lang ang sasamahan ko kumain o kaya samahan kahit saan,” tumanggi si Abby sa kanyang alok.“Hindi niya malalaman,” pilit niya habang nakasingkit ang kanyang mga mata.“Pero alam ko, Mr. Carlos. Ako ang nagseset ng mga rules para sa sarili ko. Hindi kailangan ng asawa ko na ipaalala sa akin ang aming commitment, ihohonor ko ito kahit na anong sitwasyon. Lalo na kapag wala siya,” kaswal na deklara ni Abby.“Lagi mo talaga akong napapahanga, Doctor,” bulong niya ng natatawa.“Hindi ko sinusubukan na pahangain ka, sir,” kontra ni Abby, dahilan para tumawa siya lalo.“Sana alam ng asawa mo ang iyong katapatan, Doctor,” naging seryoso siya.“Sinisiguro ko saiyo, Sir. Alam niya,” sumpa ni Abby, kung saan napatitig si Mr. Carlos ng matagal.Bumuntong hininga siya ng malalim at umayos sa pagkakaupo.“Well, naintindihan ko na ang punto mo at suko na ako. Hanggang sa susunod muli, doktor. Kailangan ko isalba ang pride ko sa ngayon,” hawak niya ang kanyang dibdib at ibinulong ang
May dugo din ako ng pagiging philanthropist, Dr. Sandoval. Makakatulong ako kung kailan mo man kailangan,” patuloy niya.“Anong kapalit, Mr. Carlos?” matapos ang matagal niyang katahimikan, nagsalita si Abby.“Wala, doctor. Tulad ng sinabi ko, gawain ito ng philanthropist,” Tinignan ng sinsero ni Mr. Carlos ang mga mata ni Abby na tila ba mandudukot ng mata.“Anong kailangan mo, Mr. Carlos?” Huwag ka na magpaligoy-ligoy pa. Wala akong oras para dyan,” habang nakapahinga ang likod ni Abby sa high-back chair, nagsalikop ang mga kamay niya sa kanyang harap. Handa siyang makinig sa kahit na anumang kalokohan ng lalake sa harap niya.“Prangka ka talaga,” natawa si Mr. Carlos at nagrelax siya sa kanyang kinauupuan.“Interesado lang talaga ako sa mga mapagkawanggawa na gawain, doktor. At naniniwala ako na may kakayahan ako na tumulong,” sinsero siyang nakatitig at sinambit.“Hindi madaling magpatakbo ng ospital, pareho natin itong alam, doktor. Lalo na sa klase ng gusto mo. Ang gumawa n
“Anong kailangan mo, President Del Castillo?” tanong agad ni Abby sa oras na pumasok siya sa pinto ng opisina ng Chairman.Pinilit ni Abby na manatili sa opisinang ito ng pansamantala kaysa magkaroon ng sarili niya. Ang makasama si Lam ang pangunahing dahilan niya para sa comfort at privacy na higit pa sa mga binibigay nilang ideya.Ngunit, nagulat siya ng may isa pang tao na kasunod. Ang mga mata niya ay napunta sa lalake na nakilala niya sa lobby kahapon. Nagkatinginan sila pero wala siyang napala sa mga mata niyang walang ekspresyon.“Magandag araw din sa iyo, Dr. Abigail,” sagot ng lalake ng may panlalait pero hindi ito binigyan ng pansin ni Abby. Mas nag-aalala siya tungkol sa kasamang lalake ni Justin.Nanatili siyang nakaupo sa likod ng lamesa habang nakatitig sa kanya at si Kara naman ay nakatayo ng ilang dipa mula sa kanya. Ang babae ay walang pahiwatig ng kanyang iniisip. Hindi siya nakatingin sa kung sino habang nakatayo lamang sa kanyang puwesto.Sinulyapan ni Justin s