Share

Kabanata 4

“Abigail?”

Nagising si Abby bigla ng bumukas ng malakas ang pinto. Kasunod ng galit na boses na dumagungdong sa kuwarto.

Masakit ang katawan at wala sa sarili, pinilit niyang iminulat ang mabigat niyang mga mata. At habang malabo ang mga mata, nkita niya ang ama niyang galit na nakatayo sa pinto kasama ang dalawa pa na mga tao na hindi niya pinangarap na makita sa oras na magising siya.

“Abigail, anong ginawa mo?!”

Isa pang matinis na galit na boses ang narinig niya habang hindi pa siya nahihimasmasan dahil hindi siya nakasagot agad. Nagising siya ng wala sa sarili at pinoproseso pa ang nangyayari.

Ang matinding sakit sa pagitan ng mga hita niya ay dumagdag sa gulo niya. Mabigat ang mga mata niya at mukhang may mabigat na nakadagan sa kanya.

Habang pumipintig sa sakit ang ulo niya, ipinikit niya ang kanyang mga mata at huminga ng malalim. Umaasa na makakatulong ito sa sakit ng ulo niya. At kahit na pumipintig ng masakit ang ulo niya, sinubukan niyang alalahanin ang nangyari kagabi.

Habang nag-iisip, napansin niya na may gumalaw sa tabi niya. Sa mga oras na ito, parang pag guho ng lupa ang mga alaala sa bilis ng pagpasok sa isip niya.

Ang waiter na nilapitan niya kagabi sa engagement party ni Alice ay nasa tabi ng kama niya.

Halos umungol siya ng malakas pero naalala niya na hindi sila mag-isa. Mabuti na lang, napigilan niya agad ang sarili niya. Miserable ang pakiramdam niya habang masakit ang buong katawan. Pero hindi niya ipapakita sa iba ang hirap na pakiramdam niya. Lalo na sa pinakamamahal na asawa at stepdaughter ng ama niya.

Ang kagabi ay malabo pero kung iisipin ngayon, naiintindihan na niya.

Nagwala sila sa kanilang pagnanasa kagabi ni Lam matapos inumin ang pineapple juice na ipinadala ng ama niya. Pero ngayon nagdududa na siya kung ama ba talaga niya ang nagpadala ng juice.

At hindi siya nagkamali ng makita ang tagumpay na ngiti ng babaeng puta na katabi ng kanyang ama.

“Sagutin mo ako, Abigail! Wala ka na bang dila?!”

Nawala si Abigail sa pag-iisip dahil sa galit na boses ng ama niya at hindi niya alam kung paano sasagot sa kanya. Nahuli siya sa akto.

Hindi na niya kailangan sumilip sa ilalim ng kama para malaman na wala siyang saplot. Wala siyang damit habang may nakadikit na isa pang katawan na mainit sa kanya. Hindi na niya kailangan ang utak ni Einstein para malaman na si Lam ay nasa parehong sitwasyon niya. Ang braso niya ay nasa tiyan pa din niya.

“Abigail? Huwag mo ako isantabi! Ipaliwanag mo ang kabaliwang ginawa mo?!” dumagdag sa sakit ng ulo niya ang matinis na sigaw ng kanyang ama.

Mabagal niyang inayos ang sarili niya para humarap sa kanila. Hindi maipaliwanag na sakit ang gumising ssa katawan niya sa kaunting galaw lang, pero hindi niya ito ipapahalata sa kanila.

Malabo ang mga alaala kagabi pero sigurado siya na matindi ito dahil sa pagod na nararamdaman niya ngayon.

Gumalaw siya at kasunod nito ay may hinatak siya para maayos ang kanyang sarili at suportahan ang mahina niyang katawan. Si Lam ito na katabi niya at sinusuportahan ang likod niya. Nagulat siya sa ginawa niya, pero nanatili siyang walang ekspresyon sa harap ng tatlong tao na nakatingin sa nakakailang na sitwasyon nila.

“Hindi pa ba malinaw, ama? Pareho kaming walang damit. May nangyari sa amin. Kailangan ko pa ba idetalye kung anong ginawa namin kagabi?” kaswal ang sagot niya. Hindi siya nabagabag sa kanyang galit.

Sa kung anong hindi maipaliwanag na dahilan, alam ng ama niya kung saan siya hahanapin. Sigurado na ang dalawang anghel sa tabi niya ay may kinalaman dito.

“Abigail!” Mukha siyang sasabog na pero anong inaasahan niya na gagawin ni Abigail? Hindi na niya mababawi ang nangyari kagabi.

Walang duda, hindi maniniwala ang ama niya kahit na mag-effort siya na magpaliwanag na ginawa ito ng mga babaeng kasama niya ngayon.

Natutunan niya na hindi na magpaapekto pagdating sa “perpekto” nilang pamilya. Suminghal na lang siya bago tumingin kay Lam na tahimik sa simula pa lang.

Kalmado niyang tinignan ang ama ni Abigail kahit na matalim at delikado ang tingin sa kanya. Tulad ng naobserbahan niya kagabi, walang bakas ng takot o pagkasindak sa mukha niya.

“Ganito ka ba kadesperado, Abigail?” Anong ginagawa mo kasama ang hindi kilalang tao sa kama?” narinig niya ang nakabibigong sambit. Pero hindi na ito bago.

“Kailan ka ba nagkaroon ng pakielam sa buhay ko, Ama? Hindi ba ako nararapat sa privacy? Pambihira naman, twenty-nine na ako. Kailangan ko pa ba humingi ng permiso sa kung sino ang ikakama ko?” sagot niya. Galit sa pagpasok nila bigla.

“Edi maging responsable ka sa mga kilos mo! Piliin mo ang taong makakasama mo. Hindi kung sino lang,” galit niyang ipinilit.

“Anong problema kung waiter siya? Mas magiging magaling ba sa kama ang presidente ng kumpanya o kaya businessman? Parehong ari pa din naman ito. Gaganda ba ang performance nila base sa kanilang trabaho?” sagot ni Abigail habang mapanglait ang ngiti niya.

Iskandaloso ang sagot niya pero wala siyang pakielam.

“Ito ba ang rason kung bakit inakit ni Alice ang fiance ko? Ang ari ng presidente ay higit pa sa ari ng kahit na sino sa lungsod?” dagdag niya, sarcastic na tinignan si Alice na umiwas ng tingin.

“Abby!” galit na sagot ng ama niya sa kanya. Pero masyado na siyang triggered para magkaroon ng pakielam.

“Humingi ba ng permiso si Alice ng ikama niya ang fiance ko? Inaprubahan mo ba ang pagiging buntis niya kahit na alam na plano namin ni Justin na magpakasal?” sarcastic niyang idinagdag.

Dahil ang issue ay napupunta na kay Alice, galit siyang tinignan ni Abby. Pero ang walanghiyang babae ay umarteng walang alam habang ang nanay niya, si Karen ay kumapit sa braso ng asawa niya. Para sila ang paburan.

“Abigail… Patawad…” mahinang sinabi ni Alice pero masyadong matalino si Abby at napansin na plastic siya sa paghingi ng tawad. Kaysa makinig sa kanya, hindi niya ito binigyan ng pansin.

Wala siyang dapat ikahingi ng tawad kahit na palabas lang ito. Plano na nila ito at hindi siya hangal para hindi malaman.

Humarap siya sa kanyang ama, tumingin siya sa kanyang mga mata. Ang ama niya ang gusto niyang asikasuhin, hindi ang mga tanga sa paligid niya.

“Gagawin ko kung anong gusto ko. Puwede ako makipagdate sa kahit na sinong lalake. Sariling pera ko ang ginagastos ko, hindi pera ng iba. Stepdaughter mo ang dapat mo na alagaan. Puwede niya ibuka nag mga binti niya kahit na kanino habang nakatay ang pera,” ngisi ko at taas ng kilay sa stepsister ko at nanay niya.

“Philip, hahayaan mo lang ba siya na insultuhin ang anak ko?” reklamo ni Karen, nagdadabog siya.

“Abigail!” tulad ng dati, kampi siya sa kanyang asawa.

“Mali ba ako, Alice? Huwag mo sabihin na nasaktan ka. Hindi ba’t iyon ang plano mo? Inakit mo ang fiance ko para sa pera sa pangalan niya,” hindi siya nabagabag sa galit ng ama niya, nagpatuloy siya na galitin si Alice.

“Congratulations, nanalo ka. Nagbunga ang pinaghihirapan mo. Ngayon, lubayan na ninyo ako,” ngisi niya habang nakataas ang kilay.

“Huwag mo ibahin ang issue. Ang ginawa mo ay malaking iskandalo. Tama na sa pagmamatigas mo, Abby. Hindi ka na bata para gawin ang ganitong bagay. Sumosobra ka na,” mukhang talo siya sa tono ng boses niya habang pinipisil ang itaas ng ilong niya.

“Well, dahil alam ito ng munti mong pamilya, siguradong magiging iskandalo ito. Sa tingin ko hindi palalmapasin ng asawa mo at anak niya na sabihin sa lahat na nagkamali ako, hindi ba Karen?” kahit na nakielam ang ama niya, patuloy siya sa pangiinsulto kay Karen at Alice.

“Abby… darling, hinding-hindi ko iyon gagawin.” Sinubukan ni Karen na magsalita, pero mas nagmukha lang siya lalong plastic kaysa sa makeup na peke.

“Tumigil ka na sa kalokohan mo, Karen,” umirap si Abigail ng nandidiri.

“Huwag mo bastusin ang stepmother mo, Abigail!” galit na babala ng ama niya, tinignan siya ng masama. Habang lihim na nakangisi si Karen.

“Layas. Iniistorbo ninyo kami,” galit na sinabi ni Abigail habang pinapaalis sila. Pagod na siya sa walang tigil na pagtatalo. Pero, wala pa din nangyayari.

“Malalaman ito ng lola mo,” dahil gusto niyang sumuko siya, nagbigay ng babala ang ama ni Abigail.

Noong mabanggit ang lola niya, naging tense si Abigail. Kung balak niyang makuha ang atensyon niya, nagtagumpay siya. Sumingkit ang mga mata ni Abigail at tinignan ang kanyang ama.

“Hindi ka mag-lalakas loob, Ama,” malagim niyang sinabi.

“Oras na para malaman niyang hindi ka inosenteng prinsesa na gusto niya,” galit niyang sinabi.

Matagal silang nagtitigan ng tahimik. Hinding-hindi niya hahayaan na guluhin ang lola niya ng mga walang kuwentang mga bagay.

“Bakit hindi mo isama ang prince charming mo para ipakilala kay Madame? Naghihintay na siya sa iyo,” matamis na sinabi ni Alice habang nakangiti.

“Ilang buwan pa lang ng makabalik ka pero ang dami mo ng pasakit na ibingiay sa lola mo,” dagdag ng ama niya habang disappointed na nakatingin sa kanya.

Matapang at palaban siya sa labas, pero sa loob-loob niya ay namamatay na siya. Nahihirapan na siya sa sakit at insulto nila.

Simula ng bumalik siya, puro pagkukunwari ang bawat araw niya. Maaari ng sumabog ang dibdib niya anumang oras. Pero hanggang sa mga oras na iyon, hindi niya sila bibigyan ng pagkakataong makita siyang talo.

Mahirap ang plano niyang makuha ang lambing at pagmamahal muli ng kanyang ama.

“Layas,” malamig niyang sinabi habang matinding nakatitig sa ama niya.

“Sinasaktan mo ang puso ng lola mo. Sana napapagtanto mo ito, Abigail!” pilit niyang sinabi pero wala na siyang pakielam. Wala ng silbi ang makipagtalo.

Dahil pagod na siya sa walang tigil nilang insulto at pananakot, nanatili siyang tahimik. Hindi niya gustong sumagot, may pinapatunayan siyang punto habang tahimik.

Malinaw na nagiging matindi ang tensyon sa pagitan nila at kahit si Karen at Alice ay nababalisa na. Nanonood sa kung anong susunod na mangyayari.

Pero matapos ang ilang sandali, bumuntong hininga si Philip. Tulad ng dati, hindi niya mapasunod si Abigail sa gusto niya. Noong mapagtanto niyang hindi na siya magsasalita ulit, tumalikod siya para umalis.

Tahimik na sumunod ang dalawang babae pero ngumiti muna sila ng tagumpay bago umalis. Bagay na hindi na niya ikinagulat.

Matapos silang umalis at naging tahimik muli, ang matinding sakit ng ulo ang humatak sa kanya mula sa pag-iisip. Sinubukan niyang bawasan ang sakit ng ulo niya sa pagmamasahe ng mga sentido niya.

“Pasensiya na sa drama simula kagabi. Magulo ang pamilya namin,” humarap siya kay Lan, mapait na natawa. Pero wala siyang sagot.

Kanina, kahit na matindi ang pagtatalo nilang mag-ama, nanatiling kalmado si Lam. Nakakagulat ang kawalan niya ng ekspresyon pero nakakapagbigay din ito ng kasiguraduhan.

“Magpahinga ka muna,” narinig niyang sinabi ni Lam bago siya tinulungan na mahiga. Nakakagulat ang pagiging mahinhin niya para sa bruskong lalake.

Habang abala siya sa paghiga sa kanya sa kama, tinitigan niya ang guwapo niyang mukha. Nakalimutan niya ang problema niya habang nakatingin sa kanya.

Dahil malinaw na ang isip niya at hindi na lasing, tinignan niya ng mabuti ang kanyang mukha. At napatunayan niyang tama siya.

Oo, guwapo siya kahit na may buhok siya sa mukha. Pero may higit pa dito. May kakaiba siyang dating. Misteryosong hindi niya maialis sa kanyang isip.

Tahimik niyang patuloy na pinanood ang lalake ng mapansin na babangon na siya ng kama. Noong mapagtanto niya ang kanyang gagawin, nagpanic siya bigla.

Ngunit, huli na siya. Habang nanlalaki ang mga mata, napatigil siya sa paghinga ng makita siyang kaswal na bumangon.

Masarap siyang hubo’t hubad.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status