Share

Kabanata 3

Matapos lisanin ang engagement party, habang kasama ang guwapong waiter, dumiretso ako sa loob ng private lounge ng hotel. Marmaing mga bagay ang nakakaoverwhelm sa akin.

Sa oras na nasa loob kami, walanghiya akong yumakap sa bewang niyang na para bang matagal ko na siyang kilala. Hindi ko alam kung saan nagmula ang lakas ng loob ko pero pakiramdam ko tama ito. At nagpapasalamat ako dahil tumayo lang siya, hinayaan akong magpahinga sa dibdib niya.

Matagal na habang nagbababad ako sa katahimikan ng kuwarto ng marinig ko siyang bumuntong hininga ng malalim.

“Kailangan ko bumalik sa trabaho, Madame,” Habang nakadikit ako ng madiin sa mainit niyang katawan, narinig ko ang boses niyang mahinhin.

Pagkatapos ang naganap sa party kanina, pagod na pagod ako. Pero naging kumportable ako sa pakikinig ng steady at malakas na tibok ng puso niya. Sobrang kumportable ako at halos makatulog na. Pero nagising ako sa maingat niyang kilos.

“Pakiusap, manatili ka,” bulong ko. Masyado akong mahina para marinig ang sarili kong boses.

“Pagod… na ako,” Sa unang pagkakataon, nagtiwala ako sa isang estranghero na sabihin ang saloobin ko na tila ba matagal ko na siyang kasama.

Humigpit ang kapit ko sa bewang niya, natatakot na bumitaw. Hindi ko gusto lisanin ang init niya. At mabuti na lang, nanatili lang siyang hindi gumagalaw. Ang mga braso niya ay nasa gilid, sadyang ipinapakita na wala siyang plano na pagaanin ang loob ko. Pero okay lang, gusto ko lang na nandito siya kasama ko.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin pero pakiramdam ko ang vulnerable ko. Gusto ko umiyak pero masyadong nagmamatigas ang mga luha ko at ayaw nilang tumulo. Maraming pangyayari ngayong gabi at naubos nito ang lakas ko. Ang overwhelming ng lahat kahit na nagpakita ako ng tapang at pagiging palaban kanina sa party.

Pero nakakakalma sa pakiramdam na kasama ang waiter. Para siyang tranquilizer para sa kaluluwa ko. Bakit? Hindi ko gusto na isipin ito.

Ang pisikal at emosyonal na pagod na iniinda ko ay unti-unting tinatalo ang tibay ko. Hindi ko na kaya magkunwaring malakas. Pakiramdam ko sobrang mag-isa ako matapos pagtaksilan ng sarili kong ama at lalakeng minsan na minahal.

“Pakiusap, huwag ka umalis. Hindi ko gusto maging mag-isa,” nagmakaawa ako ng mahina.

“Pagod ako. Gusto ko lang magpahinga. Pakiusap… samahan mo muna ako sandali,” Hindi ako nag-eexpect ng sagot, kaya nagpatuloy ako. Nanginig ang boses ko at patuloy itong nanginginig.

Sobrang independent ako. Habang nasa abroad ako, walang pamilya na bumisita sa akin. Mag-isa akong nakipaglaban sa mga problema ko. Okay lang sa akin na wala akong masandalan.

Pero ngayong gabi, pakiramdam ko kailangan ko ng tao sa tabi ko. Taong mananatili sa tabi ko habang ipinapahinga ko ang kaluluwa ko. Tao tulad ng lalakeng yakap ko ngayon. Kalmadon at ligtas ang pakiramdam ko sa presensiya niya.

“Huh…?”

Halos mapasigaw ako at biglaang nabuhat. Sobrang bilis ng pangyayari bago ko napagtanto ang naganap, nakakapit ako ng mahigpit sa mga bisig niya.

“Ano…?” napanganga ako, sinubukan ko magsalita pero inilagay niya ang ulo ko sa leeg niya. Anumang mga salita ang dapat ko na sasabihin ay naipit na sa lalamunan ko ng napasuko ako sa amoy niyang lalake.

“Hmmm…” Dahil wala akong pakielam sa iisipin niya, lumapit pa ako lalo at huminga ng malalim sa amoy niyang lalake. Ang mamahalin ng amoy niya para sa waiter. Maliban na lang kung malaki lagi ang mga tip niya.

Anumang pabango ang gamit niya, naniniwala ako na hindi ito pangkaraniwan. Ngunit, kahit na gaano ko kahirap subukan na alamin ang pangalan ng brand, mukhang hindi ako malapit. Pamilyar ang amoy na sa tingin ko ay walanag kakayahan ang waiter na mabili ito. O baka masyadong magulo ang isip ko at napagkamalan ko ito na iba. Hindi maaaring makabili siya ng ganito kaluhong bagay.

Habang napupuno ang isip ko ng ganitong mga isdeya, hindi ko napansin na inilagay na niya ako sa sofa. Tila ba wala akong bigat, walang effort siyang naupo. Kakaiba ang pakiramdam pero ang sarap sa pakiramdam ang nasa bisig niya.

“Magpahinga ka,” bulong niya habang ginagawa akong kumportable sa kanyang mga bisig. Narinig ko muli ang malalim niyang boses.

Noong nagsalita siya, nagpahinga ako at nakinig sa tibok ng puso niya. Parang sanktuaryo para sa kaluluwa ko ang mga bisig niya. Hindi makamundo ang pakiramdam.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa posisyong ito. Pakiramdam ko nasa isang trance ako na binabalot ng init. Pero noong iminulat ko ang mga mata ko, nakakagulat dahil mas masarap ito sa pakiramdam. Nabawasan ang hilo na nararamdaman ko kanina.

“Nakatulog ba ako?” tanong ko, bagay kong ikinagulat.

“Halos kalahating oras,” kaswal niyang sagot.

Kalahating oras? Nakatulog ako ng halos kalahating oras at hindi siya kumilos. Ang timbang ko ay 110 lbs para sa height ko na five feet at six inches at kahit na mukhang malakas siya, bigla ako nag-alala baka hindi siya kumportable.

“Pasensiya na, naging pabigat ako ngayong gabi,” Medyo nabawasan ang tama ko, humingi ako ng tawad ng walang planong iwan ang init niya.

“Anong pakiramdam mo ngayon?” tanong niya, hindi binigyan ng pansin ang paghingi ko ng tawad.

“Mas mabuti kumpara kanina. Salamat,” sumiksik pa din ako sa kanya, ngumiti ako kahit na hindi niya kita.

Tahimik lang kapag hindi siya sumasagot. Mukhang hindi siya mahilig magsalita.

“Abigai Marie Sandoval. Ikaw?” Sinabi ko sa kanya ang pangalan ko. Marami akong utang sa kanya para sa gabing ito at ang magagawa ko lamang ay ipakilala ang sarili ko.

“Ang pamilya ko at ang Del Castillo ang nagmamayari sa hotel na ito,” dagdag ko ng hindi ako makakuha ng sagot mula sa kanya.

Naghintay ako pero natagalan siya. Okay lang sa akin ang maghintay.

“L.A.M.” mahinang sagot niya pagkatapos ng matagal na katahimikan. Pero masyado itong maikli, pakiramdam ko kulang.

“Lam…?” Napaisip ako sa pangalan niya.

Sa isang conservative at dikit na komunidad, batid namin at napapansin kung sino ang taga dito kumpara sa mga tagalabas.

Ang apelyido din ay basehan para malaman ang halaga ng tao sa komunidad. Iilang mga pangalan lang ang maikukunsiderang prominente dito sa lungosd, mabuti na lang at kabilang kami dito. Ganoon dito.

Kahit ako kinukuwestiyon ko ang bagay na ito. Pero sa pagkakataong ito, makakatulong sa aking ang kakaibang paraan ng komunidad sa pagsukat ng halaga ng tao. Sa pag-alam ng pangalan niya, magkakaroon ako ng ideya kung sino siya.

“L.A.M. Cartagena,” kaswal niyang sinabi.

“Cartagena…” sinubukan ko na maging pamilyar sa pangalan pero wala akong kilala na pamilya na may ganitong apelyido sa lungsod.

“Hindi ka tagarito?” matapos ang pag-eeffort ko, sumuko ako.

Ang Santocildes City ay hindi ganoon kalaki para hindi ko makilala ang apelyido niya. Pero wala akong kilala na galing sa lahing Caragena. O baka isa ito sa pagbabagong nangyari noong wala ako.

“Naparito lang ako para sa trabaho,” sambit niya, umarte bigla na malayo sa akin.

Kahit na nagiging interesado ako, pinigilan ko ang sarili ko sa pagtatanong pa. Hindi ko gusto ubusin ang pasensiya niya, nagbigay siya ng hint na hindi siya natutuwa.

Hindi pa ako natatakot sa mood ng isang tao pero matapos makita ang madilim niyang itsura ay nagdulot ng takot sa akin. Sa simula pa lang, tama ako sa malakas niyang dating. Napatindi nito ang pagiging interesado ko sa kanya.

Hindi pangkaraniwang tao ang nagtataglay ng aura niya, lalo na ang pangkaraniwang waiter. Bukod pa doon, hindi siya nagpapakita ng pagkasindak sa akin o kahit na kanino kahit na nasa nakakailang siyang sitwasyon.

Ang lahat ng mga empleyado sa hotel, pati ang mga bago ay required na itrato kami ng magalang. Ito ang batas ng ama ko. Maaari ko sabihin na nilalasap niya ang kapangyarihan ng pagiging isa sa prominenteng pamilya sa lungsod. Hindi ako sangayon sa kanya, ito ang rason kaya lagi kaming magkaaway.

Maliban sa mga kilalang mga pamilya ng mga pulitikong namumuno sa Santocildes, iilang pangalan lang ang maikukunsidera na prominente. Kasama ang Del Castillo, Zaragoza at Fuentebella, ang Sandoval ay naging parte ng mga prominenteng pamilya sa Santocidles. Ito ay pagkatapos pakasalan ng ama ko ang tagapagmana ng pamilya Fuentebella. Ang nanay ko.

Pero ang taong kasama ko ay isang misteryo. Sigurado na sumailalim siya sa training at orientation. Alam niya kung sa mga kaninong tao siya dapat yumuko.

Sino siya? Bakit siya naging waiter kung ang sinasabi ng kutob ko ay higit siya dito?

“Kung nakapagpahinga ka na, iiwan na kita dito. Kailangan ko pa tapusin ang trabaho ko,” Habang abala ako sa paghula ng pagkakakilanlan niya, narinig ko siyang nagsalita. At ang bawat tanong sa isip ko ay nawala. Hindi ko siya paaalisin.

“Pakiusap, dito ka lang.”

Mabilis na humigpit ang kapit ko sa kanya, nagmakaawa ako. Gusto ko maniwala na tipsy pa ako para maging garapal.

“Kailangan ko magtrabaho. Hindi ko gusto matanggal,” pilit niya pero wala siyang ginawa na kahit na ano para makawala sa mahigpit ko na kapit.

“Hindi ka matatanggal. Hindi ko iyon hahayaan na mangyari. Pakisaup, dito… ka lang,” patuloy ko na pagmamakaawa. Walang hiya ang dating ko pero anong pakielam ko?

Kahit na natatkot akong pakawalan siya, kumilos ako ng kaunti palayo sa kanya para tignan ang mga mata niya. Para ipakita na totoo ako sa sinasabi ko.

Pero tulad kanina, hindi siya natinag. Kalmado siyang nakipagtitigan sa kin, at nagulat ako, dahil una akong nanginig. Pakiramdam ko nababalisa ako sa pagtitig niya.

Ang tingin lang niya ay malakas na ang dating na parang mataas ang awtoridad. Sinong may kaya na gawin ito?

Sinubukan ko tignan ang mga mata niya kahit na hindi maganda ang pakiramdam ko habang lumilipas ang oras. Kung plano niyang mangibabaw, nagtatagumpay siya. Ang titig pa lang niya ay pakiramdam ko nasusunog na ako, may nagigising sa akin na hindi ko alam. Nakakatakot ito, pero kasabay noon, ang sarap sa pakiramdam.

Halos makahinga ako ng maluwag ng biglaang bumukas ang pinto. Naabala ang tensyon sa pagitan namin.

Hindi kami nakarinig ng katok o baka masyado kaming tutok sa nangyayari at hindi na namin napansin.

Sabay kami na napatingin sa pinto. Sakto at nakita namin ang isang tao, may hawak na tray ng pumasok.

“Pasensiya na sa abala, Ms. Abigail. Pero ipinadala ng ama mo ang mga inuming ito,” Habang umiiwas na tignan ang intimate na sitwasyon namin, ang waiter ay magalang na sinabi.

Kahit na naguluhan ako sa plano ng ama ko, isinantabi ko ito. Totoo na kailangan ko ng maiinom. At sakto lang ang malamig na baso ng pineapple juice.

“Ilagay mo ito sa lamesa, pakiusap,” ngumiti ako sa lalake habang naiilang niyang inilagay ang baso sa lamesa. Mukhang natataranta siya ng walang dahilan.

“Salamat.”

“Walang anuman. Miss Abigail. Pasensiya na sa istorbo,” Hindi na siya naghintay ng sagot at nagmamadaling umalis.

“Nauuhaw ako,” sinubukan ko abutin ang isa sa mga baso at halos ubusin ang kalahati para mapawi ang uhaw ko.

“Hmm… ang sarap,” pagkatapos punasan ang mga labi ko, wala sa sarili kong inalok ang baso sa kanya sa paglapit nito sa mga labi niya.

Ang sumunod na ginawa niya ay gumulat sa akin. Uminom nga siya. Kahit na ako ang nagsimula nito, hindi ko inaasahan na hindi siya mag-aalinlangan na uminom sa parehong baso. Inubos niya ang natitirang lamang habang pinapanood ko ang pagtaas baba ng kanyang Adams apple. Para akong batang estudyante, napupukaw ang atensyon ko sa lahat ng bagay tungkol sa kanya.

“Gusto mo pa?” tanong ko ng ilagay ang basong walang laman sa lamesa.

“Sa tingin ko, okay na ako sa ngayon,” ngumiti ako at tinginan ang ibang inumin. Pero habang nakatitig sa baso, mukhang nakakatukso ang inumin. At sa isang hindi maipaliwanag na dahilan, mas nauuhaw pa ako kumpara kanina. Mukhang tuyot ang lalamunan ko sa pagtingin lang sa baso.

Kaya agad ko na kinuha nag isa pang baso at ininom ang kalahati.

“Inumin ko ang kalahati,” bulong ni Lam at inubos niya.

At dito ko din napagtanto, na siya ay mukhang uhaw din. Anong nangyayari?

“Tangina” narinig ko siyang bumulong habang nahihirapan huminga at nag-aalis ng bitones ng puti niyang damit. Tumutulo ang pawis niya sa mukha. Ganoon din ako. Pakiramdam ko nasusunog ako.

Anong nangyayari? Naguguluhan ako habang nakatitig sa dalawang baso na walang laman sa lamesa.

Pakiramdam ko may kakaibang nangyayari sa akin. Mukhang nag-iinit ang buong katawan ko at ang nararamdaman ko lang ay matindin init sa loob ko.

Napunta ang mga mata ko sa lalakeng hawak ako, ang mga mata niyang puno ng pagnanasa ay nakatinginan ko. At kinilabutan ako ng masarap. Hindi lang ako nag-iinit pero may umuudyok sa akin. Para siyang pagkain na puwede ng kainin. Nagising ang matinding pagnanasa ko na hindi ko inaasahan na mayroon ang katawan ko.

Sa oras na ito, napagtanto ko. Siya lang ang makakapawi sa tindi ng init na nag-aalab sa akin.

“Tangina talaga” patuloy siya sa pagmumura habang hindi mapakali ang mga kamay niya, inilapit niya ako sa kanya. Hanggang sa dikit na ng husto ang mga katawan namin.

“Hmmm… Ang init”, nanginginig ang boses ko ng magsalita ako.

Mukhang hindi ako nagsasawa sa kanya, intimate na magkadikit ang mga katawan namin. At nababaliw ako sa malaking bagay na nararamdaman ko sa pagitan ng mga hita ko. Masarap sa pakiramdam ang dulot nito sa nararamdaman ko.

Tila ba may sarili isip ang puwet ko, nagsimula itong gumalaw sa malaking bukol na nasa loob ng pantalon niya.

“Argh…”

At ang sagot niya ay ungol, parang hayop na hirap na hirap. Gusto ko ang sagot niya.

Siya din ay nagdurusa sa parehong init na pinagdadaanan ko. Kahit ang mga paghawak niya ay nagiging madiin pero gusto ko ito.

Hindi na ako nagulat sa kung paano niya walang effort akong binuhat at dinala sa kuwarto.

Isa lang ang paraan para maapula ang alab at masaya ako dahil alam din niya.

Ang lahat ay naging malabo na pero nagtitiwala ako sa kanya. Magaslaw siya pero okay lang. Hindi nagtagal at naramdaman ng hubad kong katawan ang lamig at ang sarap nito.

Ang sarap sa pakiramdam ng lamig sa nag-iinit kong katawan. Pero hindi nagtagal bago ang mainit niyang katawan ay pumaibabaw sa akin. Nadagdanan ako ng bigat niya, hindi ko matatakasan ang bagay na hindi maiiwasan.

“Ika’y… akin,” bulong niya habang naghahabol ng hininga bago hinalikan ang mga labi ko. Possessive ang dating niya at naguluhan ako.

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nito pero pakiramdam ko tama ito. Nakaramdam ako ng bagay na hindi ko pa nararamdaman noon. Kakaiba ito pero masarap.

“Ako’y iyo…” nanginginig ang boses ko habang hirap kami huminga.

Sinubukan ko na magfocus sa kung anong ibig sabihin nito pero naoverwhelm ako ng lahat. Saan nagmula ang boses ko?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status