SOLLAIRE I can not believe that today would be the day that I would be hand feeding my boss. Kung noon ay hindi ko siya mahawakan dahil sa sobrang bwisit ko sa kanya, ngayon naman ay kailangan kong mag silbi bilang kamay niya. Paano ba naman eh kahapon nakaramdam si Vernon nang pananakit sa parehas niyang kamao, yun pala eh may tama ang palad niya. Hindi ko naman inaakala na ganito siya mapupuruhan dahil sa away nila ni Zion. "Never ka pa bang nakipag away before? Grabe ka naman kung mapuruhan." Sabi ko habang inihahanda ang ice pack para sa kamay niya. "Malamang nakipag away na ko. Sadyang bato bato lang yung abogado--" "Zion." I cut him off. "Zion pangalan nung bumugbog sa iyo." Pagpapaalala ko sa kanya. Inirapan ako ni Vernon. Porque hindi na masyadong masakit ang mata niya at humupa na ang maga, kulang na lang ay minu minuto niya akong irapan. Namimiss ko tuloy nung namamaga pa ang mata niya at hirap pa siyang imulat ito. "Alam ko pangalan non. Ayoko lang banggi
VERNON I woke up in the sound of a whimper and crying. As if may tao na sinusubukan na pigilan ang isang matinding pagiyak. I was intrigued so I got up to check. As I walk around the house, tama nga ang hinala ko nang papalapit ako nang papalapit sa kwarto ni Sollaire ay mas lumalakas pa ang paghikbi na naririnig ko. What is her problem now? And why is she hurriedly packing her bags? She is so lame. Para lang doon ay lalayasan na niya ako? Di niya ba naaalala na may kontrata siya sa akin at nakatali siya sa akin? "Where are you going?" She was startled when I asked her. Napatalon pa nga siya ng kaonti. She wiped her tears aggressively at pinagpatuloy ang pagiimpake niya ng kanyang damit. "To a friend." She answered shortly. I rolled my eyes. I guess ito na ang oras para magbaba ako ng pride dahil kahit papaano naman ay nakokonsensya na rin ako. It might be true that I am treating her badly. Kahit ika-ika ay dahan dahan akong lumakad papalapit sa kanya. "I-I'm sorry, okay? Mal
SOLLAIRE When we arrived at the port in Batanes, kitang kita na agad ang magagandang tanawin dito. There's this suddent hint of relaxation within me nang tumama ang sariwang hangin sa balat ko-- amoy kalikasan, walang alikabok, at malayo sa polusyon ng Maynila. Lumapit sa akin si Vernon na may dala dalang inumin. "Inom ka muna. Binababa pa ang sasakyan." I sighed. Ininom ko ang in-can calamansi juice na binigay ni Vernon. "Sorry kung ganon ang inasta ko kanina. Occupied lang ako, pasensya na talaga." Paghingi ko ng tawad. Alam ko naman na hindi niya deserve ang sorry ko dahil mas masama pa ang ugali niya, kaya lang eh ganon talaga akong tao. Tumingin sa akin si Vernon pero nang makita niyang naka tingin din ako sa kanya ay umiwas ito ng tingin sa akin. He shrugs his shoulders. "Yeah, you were pretty rude. But its okay." At tsaka lumakad papalayo. Bwisit. Sana ay hindi na lang ako nagsorry. Habang hinihintay na maibaba ang sasakyan, inilabas ko muna ang cellphone ko at
VERNONSollaire tasked me.Yes, she tasked me. Inutusan niya ako na humanap ng accomodation para sa amin.At first, I was happy. Accomodation for the two of us? Sure, sure. Willing akong maghanap para sa aming dalawa. I was actually thinking na magpanggap na I accidentally booked us only one bedroom with one bed para naman ma-solo niya ako. And maybe then, hindi na niya matitiis ang presensya ko at mawawalan na siya ng choice kung hindi makipag sex sa akin.We are long over due.But when she said na maghanap ako ng accomodation for us, kung saan makakapagpahinga ng maayos si 'Mustang' na tinatwag niya-- my dick was so disappointed I decided to rent a whole Batanes Mansion just for the three of us.I'm willing to spend six digits per night sa pag renta kesa makita kong baby-hin ni Sollaire si Mustang katulad ng pag-aalaga niya sa akin.Not that I am jealous but alam ko na maiinis lang ako pag nakita ko iyon."Here is your key, sir. Enjoy your stay po." Magalang na sabi ng care taker n
SOLLAIRE Sinulit ko na ang umaga. Umaga kung saan mahimbing pa ang tulog ni Vernon. Hindi ko pwedeng i-risk na marinig na naman niya ang pag-uusap namin ni Mustang. Hindi naman sa may pake ako kung makikinig siya o hindi, ayoko lang na marinig at makita niya ako na ganito ka-vulnerable. Hindi kasi ako sanay. Bumabangon bangon na si Mustang. Malakas kasi ang risestensiya niya at pangangatawan kaya agad agad itong nakakakilos kahit kakalabas lang ng hospital. Pero kahit ganito ay hindi ko pa rin naman siya pinapabayaan. Matapos ko siyang subuan ng niluto kong lugaw ay pinaupo ko muli siya sa kama. Inilatag ko ang kumot sa kanyang katawan dahil kakaiba ang lamig sa Batanes tuwing umaga. Ini-angat ko ang ibabang parte ng kumot at inihanda na ang panlinis ng sugat at bagong rolyo ng bandage at sinimulan ko nang linisin ang mga sugat niya. Madaming gasgas sa bandang paanan si Mustang kaya maiging palitan nang madalas ang bandage para hindi ma-impeksyon. "So, di ka ba magtatan
SOLLAIREHe's been talking to me non-stop habang nagdadrive but I don't give a shit. Hindi ko siya kikibuin at wala talaga akong balak na pansinin siya.Alam ko naman na sinasadya niya ang ginawa niya kanina. Making me thirsty for sex with no reason."Hey, come on--" Malambing ang tono ng boses niyang pagtawag sa akin. "Galit ka ba?" He asked."No. Bakit naman ako magagalit sa iyo nang walang dahilan?" I replied coldly.He chuckled. Pati ang pagiging sarkastiko at pananadya niya na wala siyang alam kuno ay nagpapainit ng ulo ko lalo. "Okay, if you say so."Laking pasasalamat ko nang nanahimik na si Vernon at nag drive na lamang. Kanina pa ito patingin tingin si google maps niya dahil medyo naliligaw na kami. Hindi naman niya sinabi sa akin na naliligaw na kami pero alam ko naman kahit hindi niya sabihin dahil paulit ulit itong inis na kinakamot ang ulo niya."Where are we? Pabalik balik lang ata tayo eh." Inis niyang sabi.Hindi ko siya inimik. Hinayaan ko siya na mamroblema kakahan
SOLLAIRE Nakatitig lamang ako sa entrance ng bar. Nanginginig ang buong katawan ko at halos parang hindi ako makahinga. Sumabay pa ang pagkulimlim ng langit ngayon. Grabe raw ang mga bagyo sa Batanes lalo na at napapalibutan ito ng tubig. Hindi ko rin alam kung makakabalik kami agad sa siyudad lalo na at may nilabas na rainfall warning na magtatagal ng isang linggo, more or less pa iyon. Pero walang makakatalo sa dilim at bigat na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko kasi alam kung anong mangyayari sa buhay ko pag tapos ko siyang makita. Will he take me back? Because I am willing to rebuild everything with him. I don't care about my contract with Vernon. Just one word from Carlo na gusto niyang subukan ulit, aabandunahin ko lahat. I've done it before, I can do it again now kung para sa rason na gusto ko. "So, what now? Tatayo ka na lang ba riyan?" Bumalik ako sa hwisyo nang marinig ko ang boses ni Vernon. Hinablot ko sa bunganga niya ang yosi na hinihipak niya at sinamaan it
CARLO "Break na muna ako, wala pa namang customer." Pagpapaalam ko sa kasama ko ngayon sa coffee bar. Alas tres na kasi at ang mga tao ay nasa pool area. Mamayang bandang alas singko pa naman ang karaniwang dagsaan ulit dito ng mga magkakape, bandang alas otso naman ang mga gustong uminom ng alak. Pumunta na ako sa sikretong pwesto sa likod ng resort kung saan maganda ang tanawin. Onti lang naman ang nakaka alam ng pwesto na ito kaya malaya ako rito na humipak ng sigarilyo. Ilang taon na rin ako rito sa Batanes. Kung noong una ay labag sa loob ko ang konsidyon kung bakit ako andito, iba na ngayon. Ngayon na andito na si Mandy na katuwang ko sa buhay ay hindi ko na naiisip ang buhay ko noon. Ang buhay ko noon sa probinsya ay mahirap. Lalo na para sa akin na high school lamang ang natapos at binubuhay ang sarili sa pagsasaka at pagtitinda ng mga gulay. Kung noon ignorante ako sa labas na buhay mula sa pagsasaka, ngayon ay marami na akong bagay na alam. Pati nga ang mga kape