Isla’s POV Malamig ang hangin sa loob ng bar, ngunit tila hindi ko ito iniinda kahit na nakasuot ako ng isang pulang backless dress na mahigpit na kumakapit sa aking balingkinitang katawan. Simple lang ang makeup ko, ngunit alam kong makakapukaw pa rin ito ng mga tingin lalo na sa kalalakihan. Nakaupo ako sa sulok, nag-iisa, habang ang makukulay na ilaw ay sumasayaw sa paligid. Isang baso ng pinakamatapang na tequila ang nasa harap ko, na nilagok ko hanggang sa walang natira. “Isa pa,” bulong ko sa bartender, hindi na iniisip ang magiging epekto at kung saan man ako dalhin. Ang amoy ng alkohol ay tila nag-aanyaya sa akin na muling subukan ang bawat lagok. Sa bawat pag-inom, napapatanong ako. Saan nga ba ako nagkulang? Ngayon lang ako makaka-relate sa iba, at tama nga sila, kapag nasaktan ka, alak ang una mong masasandalan. Habang hinihintay ang bagong shot, naiisip ko pa rin ang mga nangyari sa akin. Ang mga ngiti na naglaho, mga pangarap ko para sa aming dalawa na tila nawala
Third Person POV “Nasaan ang sasakyan mo?” tanong ni Dominic habang nakayakap sa bewang ni Isla, na halos hindi na makalakad ng tuwid. “Pakialam mo ba?” inis na sagot ni Isla, bahagyang sinisinok habang tinuturo-turo siya. “Pare-pareho lang kayong mga lalaki, kunwari may malasakit sa una... pero kapag hindi nakuha ang gusto, iiwan din sa ere.” Natawa si Dominic at marahang pinitik ang noo niya. “Eh, hindi ko naman kasalanan na mahilig ka sa pangit.” Mapayat lang si Isla, pero sa sobrang kalasingan, halos buong bigat ng katawan niya ay nakapatong na kay Dominic. Ang hirap niya pang alalayan dahil sobrang kulit at likot pa, ayaw magpahawak kahit matutumba na siya. “Alam mo, babae, ibigay mo na lang sa akin ang address mo, ihahatid kita,” sabi niya, pero hindi na siya nasagot ni Isla, dahil tuluyan na itong bumagsak at nakatulog. Napamura si Dominic, pakiramdam niya ay nagkaroon siya bigla ng responsibilidad. Hindi naman kaya ng konsensya niya na iwan ito sa iba dahil baka pagsamant
Isla’s POV Napahawak ako sa ulo nang makaramdam ng sobrang sakit—parang binabasag. Eto na ba ang sinasabi nilang hangover? Kung gano’n, ayoko na po, Papa G! Nakapikit pa rin ako, pero gising na ang buong diwa ko. Anong oras na ba? Bakit parang hindi pa tumatawag si Therese? At ano ba itong mabigat na nakapatong sa may puson ko? Agad akong napamulat nang maramdaman ang isang mainit na hininga sa leeg ko. Pagmulat ko ay halos masilaw pa ako sa sinag ng araw na lumulusot sa bintana. “What the flying fuck?” Parang hihimatayin ako! What the hell? What did I do? Nakasuot ako ng isang malaking t-shirt, pero wala na akong kahit anong underwear. At may guwapong nilalang pa na nakahiga sa tabi ko. Pumikit ako at pilit na inalala ang mga nangyari. Kung paano naging lugar ng bakbakan ang kama at kung paanong halos tumagos sa pader ang mga ungol ko. Nakakahiya! Hindi naman ako lugi kasi guwapo siya, pero kasi… huhu, first time ko! Wala na ang iniingatan kong puri, dahil sa kapabayaan, nabiga
Isla's POV Bumaba ako sa kotse at humarap sa malawak at magarang mansyon ng ama kong si Don Pedro—ang bahay na kinalakihan ko ngunit kailanman ay hindi naging tunay na tahanan. Ang bawat sulok ng pamilyar na lugar na ito ay tila may taglay na mapait na alaala, lalo na ang pangungutya at pag-aalipusta ng aking madrasta at ng anak niya. Namatay ang aking ina dahil sa panganganak. Dalawang taon lang ang lumipas bago muling nag-asawa ang aking ama, at biniyayaan sila ng isang supling, si Iris. Pagbukas ng malalaking pintuan, agad na tumambad sa akin ang ubod ng sama kong madrasta, si Tiya Olivia, at ang m*****a niyang anak na si Iris, parehong may mga tingin na puno ng pagkutya. Ay, iba! Hilig maglaro ng ganda-gandahan, ha? “Look who finally decided to come back,” sabi ni Tiya Olivia, ang labi ay bahagyang nakangiwi habang sinusuri ako mula ulo hanggang paa. Oh, c'mon! Mas mukha kang isda kaysa sa akin, makangiwi ka riyan, akala mo ba ay pinagpala ka sa mukha? Hindi ko nga maisip kung
Isla’s POV “Ms. Mariah Isla Ledesma, I’ve heard so much about your work, and we’d like to commission uniforms for our hotels. Ngunit kailangan namin ng espesyal na disenyo para sa aming front desk officer.” Ngumiti ang Chairman. Malakas ang appeal niya at nag-susumigaw talaga ng awtoridad. Halos natulala na lang ako, ganito pala ang pakiramdam kaharap ang bigating tao. Huminga ako nang malalim at ngumiti. “It would be my pleasure, sir. Sino po ba ang magiging modelo?” Sumulyap siya sa lalaking katabi niya. “Siya mismo. Dominic, pumunta ka sa harapan para masukatan ka ng designer.” Oh, so front desk officer pala siya? Dominic pala ah? Bagay na bagay ang pangalan niya sa kanyang mukha. Nakangisi siya sa akin at tila may tinatagong pagnanasa sa kanyang mga mata habang nakatingin, nanatili akong composed kahit bumalik sa isip ko ang mga alaala ng nagdaang gabi. Tumayo si Dominic sa harapan ko, at bago ko pa man masimulan ang pagsukat, may dumating na text sa telepono ng Chairman. Ag
Dominic’s POV Pinanood ko ang maganda niyang mukha at ang paglaro ng ilang reaksiyon dito dahil sa pilyong sagot ko. Nakita ko ang bahagyang pagtataas ng kilay niya at ang kaunting tagong ngiti sa gilid ng kanyang mapulang labi. “Anong masasabi mo? Madami akong oras sa hapon, pwede akong mag-assist sa’yo kahit saan. Minsan din kasi nakakabagot sa front desk,” suhestiyon ko. Tumikhim siya, dahilan ng pag-alog ng kanyang s*so. Nakasuot siya ng business attire, pero litaw pa rin ang cleavage niya kahit na hinaharangan ito ng tube na pinartneran niya ng isang blazer. “Hindi ako nakikipaglokohan, Mr. Camero. Seryosong trabaho ang inaalok ko. Uulitin ko, sapat na ba ang 50k?” tanong niya, sinusubukang hulihin ang pagiging seryoso ko. “Tingin mo ba nakikipagbiruan ako?” Tinawid ko ang pagitan naming dalawa. Napasinghap siya, pero hindi ko na mapigilan ang init na nararamdaman ko. Naglakbay ang aking kamay sa bewang niya. Hindi siya umalma, pero puno ng pagtatanong ang kanyang maamong mu
Third Person POVPapasok si Dominic sa mansyon ng mga Dawson. Sinalubong siya ng mataas na kisame, mga chandelier na kumikislap sa liwanag ng hapon, at mga marble floor na walang bahid ng alikabok. Malawak ang sala, na may ilang leather couches na nakahanay sa tabi ng isang malaking fireplace. Ang mga painting sa dingding, karamihan ay mga klasikong landscape at portrait, ay mga orihinal na obra at hindi lamang basta dekorasyon. Nasa gitna ang grand staircase na yari sa dark wood, na may intricately carved patterns na sinundan ng eleganteng brass railings.Nang makarating siya sa opisina ng chairman, nakita niya ang CEO ng Dawson Realty—ang kanyang ama. Tahimik itong nagbabasa ng ilang papeles. Kahit nasa edad limampu't siyam na, hindi pa rin maitatanggi ang kanyang tikas. Nakasuot siya ng isang dark blue suit, simple ngunit elegante. Isang bahagyang ngiti ang sumilay sa kanyang labi nang makita si Dominic.“Pinatawag mo ako, Dad?” bungad ni Dominic.“Take your seat,” ani ng kanyang a
Third Person POV Nakatayo si Isla sa malaking salamin ng kanyang office. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit na-co-conscious siya sa kanyang itsura, madalas naman ay kahit simpleng loose t-shirt lang ang suotin niya ay wala siyang pakialam. Pero dahil si Dominic ang kasama niyang aalis ay hindi siya mapakali sa kanyang ayos. First day ni Dominic ngayon bilang PA niya at hindi maitatagong excited siyang makasama ang lalaki. “Ano ba 'tong ginagawa ko?” tanong niya sa sarili. Sinubukan niyang itirintas ang kanyang buhok, pero hindi niya mapalabas ang resulta na gusto niya. Sa inis, paulit-ulit niya itong tinatanggal at muling itinatali. Paminsan-minsan ay tinitingnan niya ang telepono, nag-aabang ng mensahe mula kay Dominic, ngunit walang notipikasyon na dumarating. Bumukas ang pintuan at pumasok si Therese, suot-suot ang isang nakakalokong ngiti sa labi na ikinarolyo ng mata niya. “Isla, nalagay na namin sa van lahat ng gown and suit na kakailanganin ng bride. Sigura
Third Person POVBuhay na buhay sa musika ang may kalakihan na bar, ang malakas na tunog ng malalaking speaker ay sumasabay sa tibok ng puso ng mga taong nandoon. Kumikislap rin ang mga iba’t ibang kulay ng ilaw na nagbibigay liwanag sa madilim sa paligid. People were dancing, drinking, and laughing—totally lost in their own worlds. Pero sa isang sulok ng VIP section, tatlong babae ang nakaupo sa isang couch, medyo malayo sa dance floor pero matatanaw pa rin ang mga sumasayaw.Nakasalampak si Isla sa isang pulang couch, her eyes a little hazy from the shots she had been drinking. Cecille and Therese were seated beside her, both looking at her with concern habang pasimpleng sinusubukang kunin ang hawak niyang baso.“Isla, tama na ‘yan. Masama na ‘yan sa’yo,” Cecille whispered, reaching for her glass, but Isla turned away just in time to take another sip.“Let her be,” Therese sighed, shaking her head. “She needs to let it out.Cecille scoffed. “Alam mo naman na hindi ‘yan sanay maglasi
Dominic’s POVNakaupo si Dominic sa sofa ng Dawson mansion, isang kamay nakapatong sa tuhod niya habang ang isa’y mahigpit na nakahawak sa phone niya. His thumb hovered over the screen, staring at the last message he sent.To Isla: Nakauwi ka na ba?No reply. No read receipt. Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa ring sagot sa kanya ang babae.Sinubukan niyang kumalma, pero ramdam niya ang bigat sa dibdib niya. It wasn’t like Isla to ignore him—hindi ito ang tipo ng babae na basta na lang hindi magre-reply, lalo na kung ang tanong niya ay kung nakauwi na ba ito nang maayos. Usually, Isla would at least send a dry ‘Yeah’ or ‘On my way’.Pero ngayon?Kahit tuldok ay wala. Magkahalo tuloy na inis at pag-aalala ang nararamdaman niya. He exhaled sharply, locking his phone and leaning back against the couch. His friends, Jermaine and Asher, were on either side of him, whiskey glasses in hand, talking about something ridiculous. He wasn’t listening.“So I told her, ‘Babe, di kita nilol
Third Person POV Sa loob ng isang luxury car na nakaparada sa gilid ng kalsada, naglalaro ang mga daliri ni Iris sa cellphone niya. Kulay kahel na ang langit at nagbabalak na silang umuwi. Habang hindi pa sila umaalis ay paulit-ulit niyang tinititigan ang litratong kinuha ni Masha, at sa bawat tingin niya rito, lalo siyang napapangisi.“Perfect,” bulong niya sa sarili, ang mga mata ay kumikislap sa excitement.Sa passenger seat, umismid si Masha habang humihithit sa kanyang bagong sindi na sigarilyo. “Damn, girl. That was bold as fuck.”Ngumisi si Iris, mas lalong nagliwanag ang mukha niya nang tingnan si Masha. “You know me, babe. I don’t do half-assed shit.”Natawa nang mahina si Masha habang ini-swipe ang camera roll niya. “Well, kung may award sa pagiging kakapalan ng mukha, panalo ka na, sis. Like, literal na naghubad ka at nagpabuhat kay Dominic fvcking Dawson! Do you even realize how insane that was?”Iris tossed her hair back, enjoying every bit of praise. “Oh, I know exactly
Third Person POVMakalipas ang ilang buwan, hindi pa rin natitinag si Iris sa plano niyang guluhin ang relasyon nina Isla at Dominic. Sa totoo lang, hindi niya alam kung anong meron kay Isla at bakit mukhang baliw na baliw si Dominic sa kanya. ‘What does she have that I don’t?’ Maganda rin naman siya. Kahit na demonyitá ang ugali. Sexy. Mayaman. Sanay sa social circles. At higit sa lahat, alam niyang hindi siya basta-basta tinatanggihan ng lalaki. Malakas ang séx appeal niya.Pero si Dominic? Para bang kahit anong gawin niya, parang pader lang ito. Hindi natitinag. Hindi nagagandahan sa kanya. Hindi naaakit.At doon siya naiinis. She’s not used to being ignored.Kaya naman heto siya ngayon, nakaupo sa isang high-end café kasama ang kaibigan niyang si Masha, isang social climber na katulad niya. Pareho silang sumusungkit o tirador ng matataas na lalaking hindi lang mayaman kundi kilala rin sa business at social circles. At pareho rin silang desperada ngayong hindi nagwowork ang mga dat
Isla’s POV“What the fvck are you doing here?” Dominic’s voice was sharp—low and dangerous. The kind that sent chills down my spine. “Oo nga,” Iris added, crossing her arms. “Bakit ka nandito, ha? Hindi ba sabi ko sa’yo noon pa, wag kang makikiepal sa buhay ko?” I never thought I’d live to see this day—Joseph and Iris having a lovers’ quarrel right in front of me. What a fucking delight.I casually sliced my steak, pretending I wasn’t absolutely thriving at the scene unfolding before me. Dominic, on the other hand, was gripping his wine glass so tight, para bang gusto niyang durugin."Sa dating mo kanina, mas mukha ka pang epal sa akin." Joseph scoffed, sliding into the chair across from me, pero ang tingin niya, nakapako pa rin kay Iris. “Saka don’t flatter yourself, Iris. Hindi ikaw ang pinunta ko rito.” Napataas ang kilay ko. Tumawa naman ng sarkastiko si Iris. “Oh? Then what? Naligaw ka?” Finally, he looked at me. A slow smirk played on his lips. "No. Actually, I came to
Isla’s POVRight, ang saya! Lalabasan na sana ako. Saktong dumating na rin ang steak ko, kaso dumating naman ang pinakaepal na babae sa buhay ko. “What are you doing here?” Sinamaan ko ng tingin ang walang hiyang nakaupo ngayon sa harap namin ni Dominic. Walang paalam, walang respeto, walang modo, as always. That’s Iris Ledesma for you. “Ay, bawal? Binili mo ‘to?” Tukoy niya sa buong restaurant. Napapikit ako ng mariin. Putanginá naman, Lord. Bigyan mo ‘ko ng tiyaga.Magsasalita na sana si Dominic pero tinapik ko siya, sinenyasan ko siya na kaya ko na ‘to. Pinagkrus ko ang dalawang kamay sa dibdib. Wala na rin ang kamay ni Dominic sa gitna ng mga hita ko, kaya naman nakasandal na ako at nakaupong maayos. Napataas ang kilay ko. "Bakit ka nga nandito?"Umirap siya. "Do I need a reason to dine at a high-end restaurant?"I laughed dryly, sinimulan ko ng halukayin ang plato ko. "No. But you definitely need a reason to sit at our table."Hindi niya ako pinansin. Sa halip, binalingan n
Isla’s POV“Finally, I can treat you wherever and whenever I want,” sambit ni Dominic nang ipaghila niya ako ng upuan. I chuckled. “Yeah…I remember the first time na nilibre mo ako. Nagdahilan ka pa talaga na may raket ka.”Ngumisi siya at umupo sa tabi ko. Ako naman ay nagtaka. Hindi ba dapat magkaharap kami?“Lumipat ka nga ron,” bahagya ko siyang tinulak para palipatin. “No,” hinaplos niya ang binti ko, dahilan para mapatigil ako. “D-Domimic!” Humalakhak siya, nagdulot ito ng kakaibang kilig sa kaibuturan ko. “Why? I want to sit beside you, Ms. Ledesma,” kumindat ito sa akin bago muling hinala ang kanyang upuan upang magdikit kami.Bahagya akong napaurong ng muntik pang maglapat ang aming mukha sa sabay naming pagkilos. Binasa niya ang mapula-pulang labi. “Hindi mo ba itatanong kung bakit gusto kong katabi ka?” Malambing at mapang-akit na ang kanyang tinig. Napalingon ako sa paligid nang maramdaman ko ang mainit niyang kamay na muling humaplos sa aking mga hita. Tataas hangg
Isla’s POVI stared at the thick envelope sitting on my desk, still trying to process everything. Kagabi lang, I was at the Royal Crest, shocked out of my mind when Dominic—my so-called assistant/driver—bid 500 million pesos for my mother’s painting. And won. Parang nangyari lahat in slow motion. I could still hear the gasps of the crowd, the auctioneer’s counting, and Dominic’s calm, smug expression as if he didn’t just throw away half a billion pesos. Dapat nga magsaya nalang ako dahil nabawi ko ang painting ni mama. Ngunit hindi ko mapigilan mag-isip. Nakakahiya. Ginawa ko siyang driver kahit na mas mayaman pa siya sa akin. Kahit na ilang libong beses ay kaya niya akong bilhin. The door to my office suddenly opened, startling me. Agad akong bumalik sa katinuan. It was Cecille, handing over the morning’s reports. Mabilis naman akong nag-thank you, bago ko pinasadahan ng tingin ang inabot niyang mga papel.Hindi pumasok ngayon si Therese dahil masama raw ang pakiramdam. Tingi
Third Person POVHalos lumipad lahat ng kagamitan sa mansyon ng mga Ledesma. Galit na galit si Don Pedro, sa gilid niya ay ang mag-inang napapatalon sa gulat sa bawat tumba, bato, at basag niya ng mga gamit. “Oppp— wag ‘yan, Pedro, mahal ‘yan!” Awat ni Olivia sa asawa. Nahimasmasan naman si Pedro at naupo sa malambot na sofa. Sumenyas naman si Olivia sa isang katulong para i-kuha ng isang basong tubig ang Don. Taas baba kasi ang dibdib nito sa galit at kulang na lamang ay atakihin ito. “Papa, calm down! We have the money naman. Pero grabe ha, hindi ko akalain na gano’n kayaman pala ang boylet ni Isla,” hinipan nito ang nakatabing na ilang pirasong buhok sa kanyang mukha. Iris scrolled through her phone. Kanina pa siya nangangalap ng ilan pang impormasyon tungkol kay Dominic, ngunit wala siyang mapiga. Tanging ang bagong post lang na isa pala siyang Dawson ang nakita niya, malamang ay galing pa sa tsismosa na naroon din sa event nang araw na ‘yon. “Oo nga, anak! Kahit si Joseph ay