Share

Chapter 5: An Irresistible Deal

Isla’s POV

“Ms. Mariah Isla Ledesma, I’ve heard so much about your work, and we’d like to commission uniforms for our hotels. Ngunit kailangan namin ng espesyal na disenyo para sa aming front desk officer.”

Ngumiti ang Chairman. Malakas ang appeal niya at nag-susumigaw talaga ng awtoridad. Halos natulala na lang ako, ganito pala ang pakiramdam kaharap ang bigating tao.

Huminga ako nang malalim at ngumiti. “It would be my pleasure, sir. Sino po ba ang magiging modelo?”

Sumulyap siya sa lalaking katabi niya. “Siya mismo. Dominic, pumunta ka sa harapan para masukatan ka ng designer.”

Oh, so front desk officer pala siya?

Dominic pala ah? Bagay na bagay ang pangalan niya sa kanyang mukha. Nakangisi siya sa akin at tila may tinatagong pagnanasa sa kanyang mga mata habang nakatingin, nanatili akong composed kahit bumalik sa isip ko ang mga alaala ng nagdaang gabi.

Tumayo si Dominic sa harapan ko, at bago ko pa man masimulan ang pagsukat, may dumating na text sa telepono ng Chairman. Agad kong napansin ang pag-aalala sa kanyang mukha habang binabasa ito.

“I apologize, Ms. Ledesma,” mabilis niyang sabi. “Kailangan kong umalis nang mas maaga kaysa sa inaasahan. Nandiyan naman si Dominic para sa lahat ng sukat na kailangan mo.”

Pagkatapos ng ilang paalam, iniwan niya kami ni Dominic na magkasama sa conference room, at doon nagsimulang maging awkward ang hangin sa pagitan namin.

Lumapit siya sa akin at naamoy ko agad ang pabango niya. Lalaking-lalaki, hindi ko alam bakit nag-react agad ang katawan ko. Parang nakaramdam ako ng init sa bandang ibaba ko. Mukha siyang maamo ngayon, taliwas kung paano niya ako kant*tin nang gabing ‘yon.

Kalma, ate girl! Trabaho lang, wag kang malandi!

“Simulan na ba natin?” Pagbasag niya sa katahimikan, hindi pa rin nawawala ang ngisi sa mga labi.

Ay, wag mo akong ngisian ng ganyan, baka malaplap kita. Choz! Ano ba itong mga nasa isip ko? Nawala lang ang virginity ko, naging bastos na ako mag-isip.

“Um, oo,” sagot ko, kahit na tila bumubuhos ang init mula sa kanyang presensya. “Kailangan nating kunan ng sukat ang mga balikat at baywang mo.”

Ang mga daliri ko ay dahan-dahang dumapo sa mga balikat at baywang niya. Sa bawat haplos, parang may kuryente akong nararamdaman, idagdag pa ang malagkit na tingin ni Dominic.

“Anong oras ka nakauwi?” tanong niya, isang tanong na hindi ko inaasahan.

Ayaw ko na sanang makita siya dahil sa ganitong bagay, hindi ko alam kung ano ang sasabihin o isasagot. Naalala ko kasi kung paano ako nagmakaawa sa kanya na pasukin niya ang kweba ko.

“Mga alas otso,” tipid kong sagot, hindi na muling tinignan ang mga mata niya.

Napaka-perfect ng katawan niya, halos naiwan akong napapaisip kung ano ang magiging fit sa kanya nitong uniform.

“Masyado bang maluwag?” tanong niya habang bahagyang umusog, at ang mga daliri ko ay nahulog sa ibaba ng kanyang baywang, tumama sa katamtamang abs niya. Napansin kong umusog siya ng mas malapit, parang sinadya talaga niya. Naku! Wag kang ganyan baka kagatin kita dito sa office ko.

“Uhm, hindi… okay lang,” sagot ko, nahihirapan sa pagtuon ng isip sa trabaho. “Kailangan lang mag-adjust ng kaunti.”

Dahil hindi ako makapag-isip ng tama, kinabahan ako sa bawat galaw ko. Hirap ako sa focus dahil kada nagtatama ang katawan naming dalawa, naaalala ko kung paano niya ako ikulong sa bisig niya. Please, one more. Round 2 naman.

“Sa Dawson ka pala nagtatrabaho? Sa front desk ka?” curious na tanong ko.

Sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa labi niya, lumabas ang dalawang dimple nito. Binasa niya ang labi bago sinagot ang tanong ko.

“Oo, bakit? Gusto mo ba ako dito?”

Napa-isip ako, mukhang wala talaga siyang pera at gusto niyang mag doble kayod. Sa bagay, sa mahal ng bilihin ngayon, hindi sapat ang sahod niya sa pagiging front desk kung marami siyang luho sa katawan. Tapos nagbabar pa siya.

Tutal, malaki naman ang kinikita ng kumpanya ko, hindi naman siguro masakit kung aalukin ko siya dito? Kahit kapag free time niya lang.

“Dominic, right?”

“Yeah. Dominic Camero, how about you? May I know your name?”

“Mariah Isla Ledesma, gusto ko sanang mag-offer sa’yo ng part-time job,” sabi ko, tila nag-aanyaya.

“Huh? Part-time job? Para saan?” tanong niya, halatang naguguluhan. Mukhang hindi niya inaasahan ang alok ko.

“Gusto sana kitang makasama sa mga lakad ko. Kailangan kita bilang driver, tagahawak ng bag, at kung minsan, tagalista din,” paliwanag ko, binigyang-diin ang mga detalye.

Nakita ko ang pagdapo ng ngiti sa kanyang labi. Natawa siya sa isip niya, pero mukhang tinatanggap naman ang alok ko. “Bakit hindi? Mukhang masaya ‘yan,” sagot niya, nakangisi.

Hindi ko mabasa ang nasa isipan niya, pero hindi ko naman ‘yon kailangan alamin. Seryoso ako sa intensyon ko, pero ayaw ko naman sabihin na naaawa ako sa kanya kaya binigyan ko siya ng trabaho.

“Great! Mas masaya kasi kapag may kasama. Tsaka, kailangan ko ng tulong sa mga bagay na hindi ko kayang gawin mag-isa,” ani ko, masaya na tila nakakuha ako ng positibong reaksyon mula sa kanya.

“Okay, deal.”

“Pumapayag ka na agad?” gulat na tanong ko.

“Ayaw mo ba? Sino naman ang tatanggi kung isang magandang babae ang mag-aaya sa akin?” Pinasadahan niya ako ng tingin hanggang sa tumigil ito sa dibdib ko. “Magkano ka ba magpasahod?”

“Kasya na ba ang 50,000 a month sa’yo? Hindi naman mabigat ang gagawin mo, bubuntot ka lang sa akin,” sagot ko, medyo inaatake ng libog dahil sa tingin niya.

“Kahit bente mil lang basta may bonus,” suhestiyon niya, pero may kutob na ako kung ano.

“Ano?”

“Papisil at s****p ako sa malusog na s*so mo.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status