Share

Chapter 8: First Day

Third Person POV

Nakatayo si Isla sa malaking salamin ng kanyang office. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit na-co-conscious siya sa kanyang itsura, madalas naman ay kahit simpleng loose t-shirt lang ang suotin niya ay wala siyang pakialam. Pero dahil si Dominic ang kasama niyang aalis ay hindi siya mapakali sa kanyang ayos. First day ni Dominic ngayon bilang PA niya at hindi maitatagong excited siyang makasama ang lalaki.

“Ano ba 'tong ginagawa ko?” tanong niya sa sarili.

Sinubukan niyang itirintas ang kanyang buhok, pero hindi niya mapalabas ang resulta na gusto niya. Sa inis, paulit-ulit niya itong tinatanggal at muling itinatali. Paminsan-minsan ay tinitingnan niya ang telepono, nag-aabang ng mensahe mula kay Dominic, ngunit walang notipikasyon na dumarating.

Bumukas ang pintuan at pumasok si Therese, suot-suot ang isang nakakalokong ngiti sa labi na ikinarolyo ng mata niya.

“Isla, nalagay na namin sa van lahat ng gown and suit na kakailanganin ng bride. Sigura
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status