Share

Chapter 4: Crossing Paths Again

Isla's POV

Bumaba ako sa kotse at humarap sa malawak at magarang mansyon ng ama kong si Don Pedro—ang bahay na kinalakihan ko ngunit kailanman ay hindi naging tunay na tahanan. Ang bawat sulok ng pamilyar na lugar na ito ay tila may taglay na mapait na alaala, lalo na ang pangungutya at pag-aalipusta ng aking madrasta at ng anak niya.

Namatay ang aking ina dahil sa panganganak. Dalawang taon lang ang lumipas bago muling nag-asawa ang aking ama, at biniyayaan sila ng isang supling, si Iris.

Pagbukas ng malalaking pintuan, agad na tumambad sa akin ang ubod ng sama kong madrasta, si Tiya Olivia, at ang m*****a niyang anak na si Iris, parehong may mga tingin na puno ng pagkutya. Ay, iba! Hilig maglaro ng ganda-gandahan, ha?

“Look who finally decided to come back,” sabi ni Tiya Olivia, ang labi ay bahagyang nakangiwi habang sinusuri ako mula ulo hanggang paa.

Oh, c'mon! Mas mukha kang isda kaysa sa akin, makangiwi ka riyan, akala mo ba ay pinagpala ka sa mukha? Hindi ko nga maisip kung bakit sa dami ng kayamanan ng aking ama ay sa ganitong klase siya ng babae bumagsak. Napaka-walang class! Bakit ba hindi siya minulto ni Mama noong nag-asawa siya ng panibago?

“E, malamang pinauwi ako ng tatay ko? Sa tingin mo ba gugustuhin kong makita ang pagmumukha niyo? Lalo na ang ahas kong kapatid sa labas?” asik ko habang ang isang kilay ay pinapantayan ang tingin nila.

Nagbago ang timpla ng mga mukha nila. Bakit ako matatakot? Ako ang unang anak. Kung noon ay nagagawa niya akong alipinin, ngayon hindi. May sarili na akong kumpanya na galing sa hirap at pawis ko. Huwag nila akong itulad sa kanila na kumakapit sa tatay ko para sa pera.

“Palaban ka na ngayon? Pinagmamalaki mo ang pausbong mong kumpanya? Huwag kang magsaya dahil panandalian lang ang kasikatan niyan, malulugi ka rin,” ani Tiya Olivia habang dinuduro ako.

“Hindi ikaw ang pinunta ko dito, kaya pwede ba? Kung ayaw mong nandito ako, ay pumunta ka ng kwarto at magkulong. Para kang tumatandang paurong,” sagot ko sabay irap sa kanya.

Naputol ang sagutan namin nang bumaba sa hagdan ang aking ama. Matikas pa rin ang tindig nito, kahit bakas na ang edad sa kanyang mukha. Mabigat ang tingin ng mga mata niya sa akin, tila naninimbang.

“Isla,” malalim ang boses ni Don Pedro, at bawat salita niya ay tila nagbabanta. “Nandito ka na rin sa wakas.”

“Pinatawag mo ako e. Ano pa bang magagawa ko?”

“May napag-usapan na kami ng pamilya De Guzman. Pinili ka nilang maging asawa ng anak ni Don Francisco.”

Halos hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Ipakasal? Ako? Nais kong matawa sa kawalang-pakialam niya. Ang buong akala niya, para lang akong isang gamit na basta niya na lang ibebenta para sa pansarili niyang interes.

“Huwag niyo akong gawing pawn sa laro niyo,” madiin kong sabi, hindi ko itinatago ang galit sa tono ko. “Buhay ko ito, hindi niyo ito pwedeng idikta.”

Nakita kong kumibot ang mga labi niya, ang ekspresyon niya ay parang sinasabi niyang wala akong karapatang magsalita ng ganito sa kanya. “Isla, ito ang pagkakataon mo para pasayahin ang ama mo. Hindi ka pa ba nakontento sa mga naibigay ko?”

Natawa ako, isang tawang nanghahamak. “Bakit? Ano ba ang ibinigay mo? Bukod sa sama ng loob, saksi ang mga unan sa bawat pag-iyak ko dahil sa pagiging unfair mo! Wala ka namang kwentang ama, kaya sino ka para gamitin ako? Bakit hindi mo ipakasal ang ahas kong kapatid para naman hindi siya nang-aagaw ng lalaking hindi naman kanya!”

Nagtagpo ang mga mata namin, at sa sandaling iyon, nakita ko ang galit na nananatiling kontrolado sa kanyang anyo. Pero hindi ako umurong, at kahit halata ang pagkiskis ng kanyang mga ngipin, nanatili akong matatag.

“Dahil sa isang lalaki nagkakaganyan ka? Mas matanda ka kaya magpaubaya ka!” singit ni Tiya Olivia.

Ginawaran ko siya ng isang tingin, tila nagbabanta. Sa oras na dumapo ang kamay niya sa akin, ay papatulan ko siya. Hindi ako isang karakter sa isang palabas na magpapaalipin lang. Ako si Mariah Isla Ledesma, kinaya kong lampasan ang bawat hamon sa buhay na sariling pamilya ko ang nagbato. Bakit ako magpapaikot sa palad nila?

“Palibhasa ay nagmana sa’yo ang ‘yong magaling na anak! Iyan ba ang tinuturo mo? No wonder kating-kati si Iris dahil nakita niya mismo ‘yon sa ina niya. Isa kang manggagamit! Sino ka ba kung wala ang aking ama? Baka pinupulot—“

Bago pa natapos ang sasabihin ko ay isang sampal ang inabot ko kay Don Pedro. Nag-echo sa buong hall ang tunog nito at kakaibang hapdi ang hatid ng epekto nito sa aking pisngi.

“Huwag mong babastusin si Olivia sa harap ko!” nagngingitngit na sabi niya.

Mapait akong ngumiti. Kahit kailan, talo talaga ako sa pagmamahal. Kahit kailan, kahit saan, parang ang damot ng tadhana.

“I’ve had enough, Papa. This is the last time na tatapak ako sa mansyon mo. Kakalimutan mong may una kang anak, at puputulin ko ang natitirang respeto ko sa’yo. Uulitin ko, hindi ako magpapakasal sa lalaking hindi ko gusto. Kahit pa na putulan mo ako ng mana, kahit pa itakwil mo ako, hinding-hindi ako luluhod para sundin ka,” mahinahon ngunit puno ng lamig ang pagkakasabi ko.

Mabigat ang yapak akong lumabas at hindi na nag-abalang magtapon muli ng isa pang tingin. Hindi na rin naman niya ako tinawag pa. Buti naman, hindi na para makipagrambulan pa sa mga walang kwentang kausap.

Dumiretso ako sa kumpanya ko matapos ang masalimuot na usapan namin ng aking ama. Pagdating ko, sinalubong ako agad ni Therese.

“Isla! May magandang balita ako!” masigla niyang bungad.

“Diyos ko, Therese, mukhang kakailanganin ko 'yan,” sagot ko, pilit na tinatago ang inis sa nangyari kanina.

“May meeting ka today with Dawson Realty! Sila ang number one sa high-end real estate. At guess what? Ang mismong Chairman nila ang nag-request na makita ka in person!”

Hindi ko mapigilang mamangha. Ang Dawson Realty ay isa sa pinakamalaki at pinakasikat na kumpanya sa buong mundo, lalo na sa sektor ng luxury real estate. Ang personal na pagbisita ng Chairman nila? Isa itong malaking karangalan para sa Atelier Lumière.

Bago pa man ako makasagot, bumukas ang pinto ng conference room. Tumayo ako, iniayos ang postura ko, at hinarap ang Chairman ng Dawson Realty. Sa kanyang tabi ay isang pamilyar na pigura na nagpabilis ng tibok ng puso ko—si pogi!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status