Share

Kabanata 53.3

Kabanata 53.3

“Boss, wala po sa lumang gusali ang target natin.”

“Hinalughog niyo na ba ang bawat sulok ng nabubulok na bahay na ‘yon?” Humigpit ang kapit ni Linda sa kaniyang baril.

“Opo, boss. Wala po talaga sila roon.”

“Magsikalat kayo! Sigurado akong hindi pa sila nakakalayo sa islang ito. Huwag kayong magpapakita sa akin hangga't hindi niyo kasama sina Cindy, Sevi at ang higad na Noeming ‘yon!” Ikinasa ni Linda ang kaniyang baril. Itinutok sa taas at saka iyon pinaputok. “Ano pang tina-t@nga-t@nga niyo? Alis na!”

Papunta na sana sa Europa si Linda kasama ang mga binayaran niyang mga tao nang bigla siyang tinawagan ni Merella. Agad siyang pinalipad nito patungo sa isang isla sa probinsya matapos makatanggap ng tip mula sa dati nitong tauhan na nagbalik-loob dito.

“Noemi, hindi mo pa p'wedeng patayin si Cindy. May kailangan pa akong impormasyon sa kaniya.” Umupo si Linda sa ilalim ng isang malaking puno ng acacia. Kinuha ang kaniyang tumbler at uminom ng tubig. Malayo-layo rin ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status