Kabanata 53.3“Boss, wala po sa lumang gusali ang target natin.”“Hinalughog niyo na ba ang bawat sulok ng nabubulok na bahay na ‘yon?” Humigpit ang kapit ni Linda sa kaniyang baril.“Opo, boss. Wala po talaga sila roon.”“Magsikalat kayo! Sigurado akong hindi pa sila nakakalayo sa islang ito. Huwag kayong magpapakita sa akin hangga't hindi niyo kasama sina Cindy, Sevi at ang higad na Noeming ‘yon!” Ikinasa ni Linda ang kaniyang baril. Itinutok sa taas at saka iyon pinaputok. “Ano pang tina-t@nga-t@nga niyo? Alis na!”Papunta na sana sa Europa si Linda kasama ang mga binayaran niyang mga tao nang bigla siyang tinawagan ni Merella. Agad siyang pinalipad nito patungo sa isang isla sa probinsya matapos makatanggap ng tip mula sa dati nitong tauhan na nagbalik-loob dito.“Noemi, hindi mo pa p'wedeng patayin si Cindy. May kailangan pa akong impormasyon sa kaniya.” Umupo si Linda sa ilalim ng isang malaking puno ng acacia. Kinuha ang kaniyang tumbler at uminom ng tubig. Malayo-layo rin ang
Kabanata 53.4“Senior, bakit po tayo naririto?” wala sa sariling tanong ni Set habang bumababa sa eroplano.“Nasaan na ang ating ibang mga tauhan?”Napakamot sa kaniyang ulo si Set nang sinagot siya ng isa ring katanungan ng kaniyang matandang amo. “Paparating na po, senior. Ano po bang nangyayari? Bakit po tayo napunta sa lugar na ito?” Hinampas niya ang kaniyang braso nang may kumagat na lamok sa kaniya.“May hinihintay lang akong kaibigan ng isa kong dating kaibigan,” matipid na tugon ni Don Vandolf.Kumunot ang noo ni Set. Sinundan niya ang tingin ng matanda. Nakatingin tingin ito sa kalapit na isla. ‘Sino na namang poncio pilato ang tinutukoy ni senior?’“Tawagan mo si Dos. Pakisabi sa kanila na pakibilisan ang kanilang pagresponde. Mahalaga ang bawat segundo,” mahinang sabi ni Don Vandolf.Mabilis na tinawagan ni Set sina Dos na ngayon ay naglalakbay na papunta sa nasabing isla mula sa El Nido.“Sino ba kasi ang nagsabi sa kanilang doon sila mag-landing? Kinakailangan na ng agar
Kabanata 53.5“Minahal mo ba talaga si William?”Napatigil sa paglalakad si Noemi nang marinig niya ang tanong na iyon ni Cindy. “We need to walk faster,” she said, avoiding her question.Tumawa nang pagak si Cindy. “I was so madly in love with that man and with his wealth back then. I'm sorry if I became the cause of your separation.” Napalunok siya. Ikinuyom niya ang kaniyang mga kamay. “Kahit sa unang gabi namin bilang mag-asawa, kahit walang impluwensiya ng alak ang katawan niya, pangalan mo pa rin ang tinawag niya habang may nangyayari sa amin. Alam mo ba kung gaano kasakit ‘yon?”Hinarap ni Noemi si Cindy. Walang makikitang kahit anong emosyon sa mukha niya. “Our life is in danger. Ngayon mo pa talaga ibabalik ang nakaraan?”“Women,” bulong ni Sevi habang nakangisi.Bahagyang tumaas ang boses ni Cindy. “Sagutin mo kasi ang tanong ko. Minahal mo ba si William?”“Parang tinanong mo ako kung kailangan ko ba ng tubig at hangin para mabuhay.” Tumalikod na si Noemi kay Cindy at nagpat
Kabanata 54.1“Ang ganda,” wala sa sariling sambit ni Mereya.“Oo nga ang ganda.” Nakatingin si Jackson kay Mereya habang manghang-mangha nitong pinagmamasdan ang papalubog na araw.“You know what, I never met a sunset I didn't like. I always loved how the sun's rays danced across the sky, painting the sky in shades of hues and gold.” Mereya’s heart fluttered. Her eyes suddenly watered.Agad na kinuha ni Jackson ang panyo sa bulsa ng kaniyang pantalon at pinahid ang mga luha ni Mereya. “Bakit ka umiiyak?”“I'm sorry. I got too emotional. Naalala ko lang si papa.” Napatawa si Mereya sabay kuha ng panyo kay Jackson para siya na ang magpahid ng mga luha niya.“You miss him?” Jackson asked. Nag-iwas siya ng tingin.“A lot. I miss him everyday. Hanggang ngayon, tinatanong ko pa rin sa Itaas kung bakit kinuha Niya agad si papa. My life will be better with him around.” Suminga si Mereya sa panyo. “Lalabhan ko na lang ito bago ko ibalik sa'yo.”“No. Keep it. Whatever is mine is yours already.
Kabanata 54.2Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa gitna ng kagubatan. Napayuko sina Noemi, Cindy, Fajardo at Sevi.“NOEMI!”Nanlaki ang mga mata ni Cindy. “Kilala ko ang boses na ‘yon!”“NOEMI, LUMABAS KA! ALAM KONG NAGTATAGO KA SA LIKOD NG MGA DAMONG ‘YAN. IBIGAY MO SA AKIN SI CINDY KUNG GUSTO MO PANG MAKITA ANG ANAK MONG SI MEREYA!” Mabilis na lumapit si Linda kasama ang mahigit sa sampu niyang tauhan patungo sa kinaroroonan nina Noemi.Humawak si Cindy sa braso ni Noemi at umiling. “Pakiusap, huwag mo akong ibibigay sa baliw na ‘yon,” bulong niya habang nangingilid ang kaniyang mga luha.“Sa tingin mo ba ay isasama kita sa pagtakas kung may balak akong ibigay ka sa kaniya? Gamitin mo nga ang utak mo, Cindy,” iritang tugon ni Noemi.“Miss Hiraya, papalapit na po sila,” ulat ni Fajardo habang inihahanda ang sarili. May hawak siyang dalawang bariL.“Ano bang kailangan ng baliw na ‘yan sa akin? Bakit gusto niya akong mabihag?” wala sa sariling turan ni Cindy. Nangingin
Kabanata 54.3“Sir Jack…”“Sssh. My queen is asleep. Lower your voice.” Mabilis na nagsuot si Jackson ng robe at lumabas ng hotel room. Napatingin siya sa orasan. Mag-a-ala una pa lamang ng madaling araw!“It's too early. What about the rush?” Inayos ni Jackson ang kaniyang sabog-sabog na buhok. Medyo inaantok pa siya dahil napalaban siya kagabi. Hindi niya mapigilang hindi mapangiti sa tuwing maaalala niya ang nangyari sa kanila ni Mereya.“Tungkol po sa tunay na ina ni Miss Eya.” Ibinigay ni Octa ang isang brown envelope kay Jackson. “Naka-sealed po ito nang ini-abot sa akin ng isa sa mga tauhan niyo.”Agad na kinuha ni Jackson ang brown envelope kay Octa. “Makakaalis ka na.” Tumaas ang kilay niya nang mapansin niya ang isa pang brown envelope na hawak nito. “Para sa akin din ba ‘yan?”“Ah ito po ba? Galing po ito ng post office. Nagmula naman po ito kay Sir Jacob,” salaysay ni Octa.“Galing kay Jacob? Wala naman siyang nabanggit sa akin na may ipapadala siya pero sige, give it to m
Kabanata 54.4“I'm on my way,” wala sa mood na tugon ni Nadia sa kaniyang kausap sa cell phone bago niya ito pagpatayan ng tawag. “Fúck! Naisahan ako ni Jacob. Nakalipat agad sila ng hospital!”“Miss N, nakahanda na po ang helicopter,” nakayukong sambit ng isa sa mga personal bodyguard ni Nadia.“I know. I'm not blind.” Nadia rolled her eyes. She's not in the mood. Her mind was a mess because of what she read a while ago.Nag-take off na ang helicopter. Tulala lang si Nadia habang nakatingin sa kawalan. Bumalik sa ala-ala niya ang mga masasayang alaala kasama ang kaniyang Kuya William.“It's not true. It's not,” pagkumbinsi ni Nadia sa kaniyang sarili.Ang natuklasang iyon ni Nadia ang umubos sa kaniyang lakas kung kaya’t agad na bumagsak ang kaniyang mga mata. Maya-maya pa ay nabasa na ang kaniyang mga pisngi.“Kuya William,” Nadia murmured while she's asleep. “Kuya, I'm sorry.”Matapos ang mahigit isa at kalahating oras ay nakarating din nang matiwasay si Nadia sa isla. Hinayaan lan
Kabanata 54.5“Bakit ikaw ang driver ko? Sinadya mo ba ito?” tarantang tanong ni Nadia habang pilit na binubuksan ang pinto ng van.“Relax. Hindi naman kita sasaktan,” nakangising sambit ng lalaki habang nakatingin kay Nadia sa rearview mirror.“Nasaan ang mismong driver ko? Anong ginawa mo sa kaniya?” Palihim na binubuksan ni Nadia ang isa sa mga maleta niya para kumuha ng armas.“Huwag kang mag-alala. Hindi naman ako basta-basta pumapatay ng mga inosenteng tao. Binigyan ko pa nga siya ng pera para may panggastos siya ng isang buwan eh. Ang liit kasi masyado ng pasahod niyo sa kaniya. Nakakaawa naman. Siyam pa naman ang anak ni manong.” Mas lalong binilisan ng lalaki ang pagmamaneho. Nagawa niyang iligaw ang sasakyang nakasunod sa kanila kung saan lulan ang mga tauhan ni Nadia.“Anong kailangan mo sa akin?” kunot-noong tanong ni Nadia. ‘Shit! Nasaan ba ang mga baril ko? Bakit wala rito?’“May hinahanap ka ba, Miss N?” nakangiting tanong ng lalaki.Natigilan si Nadia at pagkatapos ay