Kabanata 54.5“Bakit ikaw ang driver ko? Sinadya mo ba ito?” tarantang tanong ni Nadia habang pilit na binubuksan ang pinto ng van.“Relax. Hindi naman kita sasaktan,” nakangising sambit ng lalaki habang nakatingin kay Nadia sa rearview mirror.“Nasaan ang mismong driver ko? Anong ginawa mo sa kaniya?” Palihim na binubuksan ni Nadia ang isa sa mga maleta niya para kumuha ng armas.“Huwag kang mag-alala. Hindi naman ako basta-basta pumapatay ng mga inosenteng tao. Binigyan ko pa nga siya ng pera para may panggastos siya ng isang buwan eh. Ang liit kasi masyado ng pasahod niyo sa kaniya. Nakakaawa naman. Siyam pa naman ang anak ni manong.” Mas lalong binilisan ng lalaki ang pagmamaneho. Nagawa niyang iligaw ang sasakyang nakasunod sa kanila kung saan lulan ang mga tauhan ni Nadia.“Anong kailangan mo sa akin?” kunot-noong tanong ni Nadia. ‘Shit! Nasaan ba ang mga baril ko? Bakit wala rito?’“May hinahanap ka ba, Miss N?” nakangiting tanong ng lalaki.Natigilan si Nadia at pagkatapos ay
Kabanata 55.1Malalaki ang mga hakbang ni Mereya habang sinasalubong si Jackson sa may hallway. Mag-a-alas singko pa lamang ng umaga pero aligaga na agad siya nang magising siya dahil wala ito sa tabi niya. Nang makita niya itong naglalakad pabalik sa kanilang hotel room ay dali-dali siyang naglakad at mabilis na niyakap ito.“San ka galing? Kanina pa kitang hinahanap. Takot na takot ako, Jackson. Akala ko totoo ‘yong panaginip ko lalo na nang makita kong wala ka sa tabi ko kanina. Nakarating na rin ako sa ground floor kakahanap sa'yo.” Bakas sa boses ni Mereya ang pagkabalisa pero agad siyang kumalma nang yakapin siya pabalik ng kaniyang mapapangasawa. Hinaplos-haplos din nito ang kaniyang likod na lalong mas nagpawala ng kaniyang nararamdamang takot at kaba.“I'm sorry if I scared you, my queen. May inasikaso lang akong importante kanina. Hindi na kita ginising kasi sobrang sarap ng tulog mo. Ayoko namang maabala ang pagpapahinga niyo ni baby,” mahinahong sambit ni Jackson.“Tungko
Kabanata 55.2Paglabas na paglabas ni Mereya ng shower room ay napako ang mga mata niya sa iba’t-ibang kulay na petals ng tulips. Nakasuot lang siya ng robe pero hindi na niya iyon naisip pa. It's her favorite flower aside from the baby's breath and her heart almost melt upon seeing a lot of it. Dahan-dahan siyang naglakad habang sinusundan ang mga nagkalat na petals ng bulaklak. Nanghihinayang pa siyang tapakan ang mga ito pero wala siyang pagpipilian dahil halos mapuno ng tulips ang daraanan niya. Hindi pa man niya nakikita ang dulo noon ay nagsimula nang mag-unahan ang mga luha niya sa pagpatak.“That bastàrd. Ito ba ang surpresang sinasabi niya kanina?” mahinang sabi ni Mereya habang naglalakad at nakangiting nagpapahid ng kaniyang mga luha.Nang marating ni Mereya ang kinaroroonan ng mga huling piraso ng petals tulip ay agad siyang nag-angat ng tingin. She's expecting to see her soon to be groom but she saw no one. Her smile suddenly vanished.Tumawa nang pagak si Mereya. “Ano n
Kabanata 55.3“You will what? Free me from all the lies?” kunot-noong sambit ni Mereya habang nakatitig sa nakaluhod na si Jackson. Sa halip na “I DO” ang lumabas sa kaniyang bibig ay mga katanungan ang kaniyang nasambit. “And who are we going to destroy together? Sina Cindy at Merella ba ang tinutukoy mo?”“Before I answer your questions, answer me first. Will you marry me, my queen?” Hindi pa rin tumatayo buhat sa pagkakaluhod si Jackson. Nasa daliri na ni Mereya ang singsing pero nais pa rin niyang marinig ang matamis nitong tugon.Yumuko si Mereya at hinawakan sa mga pisngi si Jackson. “Yes, of course. I will! Ayokong lalaki ang anak natin na walang kumpletong pamilya. Kahit walang ganito, Jackson, papakasalan pa rin kita.” Inilahad niya ang kaniyang isang kamay rito at inalalayan itong tumayo mula sa pagkakaluhod. “There's no need for this but you proved to me that real men really know how to exert an extra effort for the love of their lives.”Ngumiti si Jackson at hinalikan ang
Kabanata 55.4Habang naghahanda ng mga gamit si Mereya, si Jackson naman ay panay ang sulyap dito.“Jackson.”“Yes, my queen? May kailangan ka ba?” tanong ni Jackson habang inaayos niya ang ibang mga damit ni Mereya.“Kapag nakita mo na si mama, p’wede mo bang itanong sa kaniya kung bakit niya ako pinabayaan?” nakayukong sambit ni Mereya. May isang butil na luhang kumawala sa kaniyang kanang mata. Agad niya iyong pinahid at pagkatapos ay pilit na ngumiti.Hindi alam ni Jackson kung ano ang dapat niyang sabihin sa kabiyak.Mereya cleared her throat. “P’wede mo rin bang itanong sa kaniya kung bakit hindi niya ako hinanap sa loob nang mahabang panahon at kung bakit sila nagkahiwalay ni papa?” Napa-ubo siya.Huminto si Jackson sa kaniyang ginagawa at naglakad patungo sa kinaroroonan ng kaniyang fiancee. He didn’t speak a word. He just hugged her from behind while closing his eyes.Hindi na napigilan ni Mereya ang pagtulo ng kaniyang mga luha. “Bakit ganito ‘yong mga tumatakbo sa isip ko,
Kabanata 55.5“Did I say something wrong? Bigla kang natahimik.” Kinuha ni Mereya ang kaniyang sling bag at sumunod kay Jackson. Dala-dala nito ang kaniyang maleta.“Wala naman, my queen. Saka na lang natin pag-usapan ang tungkol sa case ni Tito William after ng kasal natin. Actually, may inaasikaso na ang private investigator ko regarding that matter. May nagpadala sa akin ng mga dokumento patungkol sa case ng iyong papa but I want to make sure muna na it's reliable, accurate and precise bago ko ipakita sa'yo. Let's wait na lang muna for the confirmation. As of now, kailangan na kitang maihatid sa Pamalican. May lead na sina Dos kung nasaan ang iyong tunay na ina. I need to hurry. They need my help.” Humarap si Jackson kay Mereya at hinawakan ang isang kamay nito. Mas nilakihan na rin niya ang kaniyang mga hakbang. “Pagdating mo sa isla, kalimutan mo muna ang mga alalahanin mo. Just relax and enjoy the vibe of the Amanpulo with your best friend. Naroon na rin sina Yael at Jett. Maram
Kabanata 56.1“Tito Jett!” Sinalubong ni Yael ang pagdating ni Jett. Pawis na pawis ito na para bang katatapos lang tumakbo ng ilang kilometro. Kumunot ang noo niya. “Tito, sino po siya? Girlfriend mo?”Tiningnan nang masama ni Jett si Yael. “She's not my type at kahit siya na lang ang natitirang babae sa buong mundo, hinding-hindi ko siya papatulan.”Umikot ang mga mata ni Nadia. “As if naman papatol ako sa'yo. Mas cute pa ang pamangkin mo kaysa sa'yo eh,” pang-aasar niya. Nilapitan niya si Yael. “Where's your daddy and mommy? Kasama mo ba sila rito?” Luminga-linga siya sa paligid.“Hindi po. Si Tito Jett lang po ang kasama ko. Sino po ba kayo?” tanong ni Yael.“I'm Nadia Wrights. Tita ako ni Mereya, ang mapapangasawa ng iyong Tito Jackson. Ikaw? Anong pangalan mo?” Lumuhod si Nadia sa harap ni Yael at inilahad ang kaniyang kamay.Agad namang nakipag kamay si Yael. “Ako naman po si Yael. Nalulugod po akong makilala kayo, Miss Nadia.”“You can call me aunty or tita. Masyadong pormal a
Kabanata 56.2“Boss, marami na po sa mga tauhan natin ang nalagas. May mga bago po tayong kalaban. Hindi po namin alam kung saan sila nagmula. Hindi rin po namin alam kung tauhan ba sila ni Noemi o Cindy. Marami po silang mga dalang armas. Mga bihasa rin po sila pagdating sa paghawak at paggamit ng bariL, kutsilyo at palaso! Tumakas na po tayo. Kailangan na po nating umatras. Wala po tayong laban sa kanila.”BANG!Nanlaki ang mga mata ng mga tauhan ni Linda nang tumalsik sa kanila ang pulang likido mula sa ulo ng kanilang kasamahan.Binitiwan ni Linda ang kaniyang isang bariL at bumunot muli ng isa pa mula sa kaniyang likuran. “Siguro naman, may ideya na kayo sa maaaring mangyari sa inyo kapag tinangka niyong umatras sa misyong ito,” aniya sa mahinang tinig.Nanginig sa takot ang mga tauhan ni Linda.“Hindi basehan ang bilang para manalo sa laban. Maaaring mas marami sila kaysa sa atin pero itatak niyo sa kokote niyo na pagdating sa diskarte at talas ng isip ay mas lamang tayo. Iwaksi
Kabanata 60.2 - Ang Wakas Pasan ni Jackson si Baby Sonya habang binibigyan ng lilom si Mereya. Nagtitirik ngayon ng kandila sa puntod ni Linda ang kaniyang asawa. Tumayo si Mereya matapos niyang magsindi ng kandila. “Aling Linda, nais kong malaman mo na napatawad ka na namin nina mommy, Tita Nadia at lolo. Maraming salamat dahil iniligtas mo ang buhay ko. Kung saan ka man naroroon, sana maging masaya ka. Huwag kang mag-alala, kami na ang bahala kay Yuna. Nasa Paris nga pala siya ngayon. Inaasikaso niya ang company na ipinamana mo sa kaniya. Pasensya ka na kasi sinabi namin sa kaniya ang totoo. Deserve niya kasing malaman ‘yon. Huwag kang mag-alala, hindi na siya galit sa'yo. Nagpapasalamat siya dahil kahit saglit ay pinuntahan, kinausap at niyakap mo siya. Hindi naging madali sa kaniya ang lahat. Isang taon din siyang hindi nagparamdam sa aming lahat. Isang taon niyang hinanap ang kaniyang sarili at isang taon ka rin niyang paulit-ulit na dinalaw rito. Masaya na siya ngayon, Aling
Kabanata 60.1“Nasaan si Yael?” tarantang tanong ni Jett kina Set at Jun. Magkakasama silang kumakain kanina nang magpaalam ang kaniyang pamangkin na pupunta sa banyo. Halos sampung minuto na ang dumaan ay hindi pa ito bumabalik kaya napilitan silang sundan ito. Laking gulat ng tatlo nang hindi nila ito nakita sa restroom.“Baka po namamasyal lang?” ani Jun.“Namamasyal? Hindi aalis ang batang ‘yon nang hindi nagsasabi sa akin. Dàmn!” Napatingin si Jett sa kaniyang relo. “Malapit nang mag-umpisa ang kasal nina kuya. Kailangan na nating mahanap si Yael. Maghiwa-hiwalay tayo. Tawagan niyo agad ako kapag nakita ko na siya, maliwanag ba?”“Sige po, Sir Jett,” magkasabay na tugon nina Set at Jun. Umalis na silang dalawa. Tulad ng panuto ni Jett, naghiwalay sila ng direksyon.Sa pagkataranta ni Jett ay hindi na niya naisipang i-check ang kuha ng security cameras sa paligid. “Mapapatay ako ni Hakob kapag may nangyaring masama kay Yael. Tang.ina! Napakalawak ng resort na ito. Saan ako mag-uum
Kabanata 59.5“Ikaw ba si Yuna?” nakangiting tanong ni Linda matapos niyang lumapit dito. Nasa restroom sila habang kapwa nag-re-retouch ng kanilang make-up.Kumunot ang noo ni Yuna. Tiningnan niya nang matagal sa mukha si Linda. “Ako nga. Do you know me? ‘Coz, I don't know you.” Bumalik siya sa kaniyang ginagawa.“Ku-Kumusta ka? Ano kasi. Matalik akong kaibigan ng iyong lola. Isa ako sa mga natulungan niya dati. Masaya akong makita ka ngayon. Napakabata mo pa noong huli kitang nakita,” naluluhang sambit ni Linda. Nagdesisyon siyang hindi na magpakilala kay Yuna bilang ina nito dahil ayaw niyang kamuhian siya nito. Isa pa, ayaw niyang maging pabigat dito. Ayaw rin niyang bansagan ito ng ibang tao na anak ng isang kriminal. Nakausap na niya ang witness na tinutukoy ni Jackson. Hindi na siya tumanggi sa kasalanan niya dahil ayaw na niyang dagdagan pa ito. Hindi na rin siya maghahabol sa yaman ng mga Wrights dahil napag-alaman niyang ang witness na ito pala na dating hardinero sa mansyon
Kabanata 59.4“Anak…”“Ikaw? Ikaw ang tunay kong ina?” wala sa sariling tanong ni Mereya.Tumango nang marahan si Noemi. “Ako nga, anak.” Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng kaniyang mga luha.Tinitigan nang matagal ni Mereya ang kaniyang ina. Panay ang lunok niya. Hindi niya mawari kung bakit hindi siya makaalis sa kaniyang kinatatayuan. Maya-maya pa ay naramdaman niyang basa na ang kaniyang mga pisngi.“Masisira ang make-up mo, anak. Huwag kang umiyak,” mahinang sabi ni Noemi.“Unang beses kitang nakita. Kamukha pala kita? Hindi ko alam kung tama ba ang mga sinasabi ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa'yo.” Pinahid ni Mereya ang kaniyang mga luha.Mabilis na lumakad si Noemi palapit kay Mereya at niyakap ito nang mahigpit. Walang salitang lumabas sa kaniyang bibig. Tanging paghikbi lamang nilang dalawa ang maririnig sa silid.Pumikit si Mereya at ninamnam ang unang yakap mula sa kaniyang tunay na ina. Hindi niya akalaing ganoon pala iyon kasarap sa pakiramdam. Ti
Kabanata 59.3“Malapit nang mag-umpisa ang seremonya. Handa ka na ba, anak?” nakangiting tanong ni Don Vandolf.Pagkarating na pagkarating nina Jackson ay agad silang nag-ayos at nagbihis. Naroroon na rin ang pastor na magkakasal sa kanila ni Mereya. Humingi siya ng dalawampung minutong palugit para pagbigyang makipag-usap sina Noemi at Mereya.“Kinakabahan ako, papa. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman pero sobrang saya ko. Kahit yata maghapon akong maghintay rito eh ayos lang sa akin. Miss na miss ko na agad ang mag-ina ko, papa,” maluha-luhang sambit ni Jackson.Tinapik ni Don Vandolf ang balikat ng kaniyang anak. “I am so glad that you became the man I pray you to become. Nakikita at ramdam ko kung gaano mo kamahal ang iyong mag-ina. Just a heads up, anak. Hindi araw-araw ay magiging maayos ang samahan niyong mag-asawa. May mga araw na mararamdaman mong parang nababawasan ang pagmamahal mo sa kaniya. May mga araw na mag-aaway o magkakatampuhan kayong dalawa at may mga ara
Kabanata 59.2“Kumusta si papa?”“Okay naman po ang vital signs niya. Mamaya raw po ay malaki ang chance na magkaroon na siya ng malay,” ulat ng tauhan ni Nadia.“Huwag niyong hahayaang makalabas ng hospital si papa. Ano palang balita sa port? Wala pa sina Jackson?” Nililinis ni Nadia ang kaniyang bariL.“Kanina pa pong dumating ang yate nila. Anytime po ay parating na sila rito.”“Good. Tell our people to standby. Pumwesto na rin kayo sa inyong mga lugar. Siguraduhin niyong walang makakapanggulo sa kasal ng aking pamangkin. Everything should went smooth hanggang sa makaalis ang bagong kasal,” turan ni Nadia.“Opo, Miss N. Makakaasa po kayo.”“Another thing, tandaan niyong si Linda ang target natin. Alam niyo na naman ang hitsura niya dahil matagal ko rin siyang nakasama. Siya lang ang kailangan niyong kidnapin pagkatapos ng seremonya. Huwag na huwag niyong sasaktan ang iba lalong-lalo na ang mga mahal ni Eya.” Ngumiti si Nadia. “Ayan, makintab na.” Itinutok niya sa pader ang kaniyang
Kabanata 59.1“Ang ganda-ganda mo, babaita! Sigurado akong mahuhulog ang brief ni Fafa Jackson kapag nakita ka niya mamaya! Grabeng ganda naman ng buntis na ito!” pumapalakpak na sabi ni Yuna habang pinagmamasdan ang kaniyang pinakamatalik na kaibigan. Hindi pa ito tapos ayusan ng make-up artist at ng hairstylist nito pero litaw na litaw na lalo ang angkin nitong ganda!“Ikaw talaga, Yuna. Napaka overrated mo talaga mag describe,” natatawang sambit ni Mereya.“Ay nako, babaita! Hindi sa pagkukuwan pero napakaganda mo talaga today! Pak na pak!” Nakaayos na si Yuna at tapos na rin siyang magbihis. Hindi siya mapakali sa kaniyang silid kaya pumunta siya sa silid kung inaayusan si Mereya. “Nakita ko nga pala si Tita Nadia mo, ang ganda-ganda rin niya! Grabe kayong mga Wrights. Noong naghasik yata si Lord ng kagandahan eh sinalo niyo halos lahat!”Napatawa si Mereya. “Yuna, kumusta nga pala si lola? Okay lang ba siya? Saan ka nga pala naglagi noong nagkahiwalay tayo? Pasensya ka na ha. Nai
Kabanata 58.5“Jackson, senior, Set, maraming maraming salamat sa pagligtas niyo sa akin. Utang ko sa inyo ang buhay ko. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito,” ani Noemi. Lulan na sila ng yate at naglalakbay na patungo sa isla ng Pamalican.“Walang anuman, balae. Hindi ko akalain na halos kasing bata ka lang pala ni Mereya. Kahit sinong lalaki ay mapapagkamalan kang dalaga. Hindi halata ang edad mo sa hitsura mo.” Ngiting-ngiti si Don Vandolf habang nakatingin kay Noemi.Tumikhim si Jackson. “Papa, nakakahiya kay M-Mommy Noemi,” bulong ni Jackson. Katabi niya sa upuan ang kaniyang papa, katabi naman nito si Set.“Anong nakakahiya sa sinabi ko? Totoo naman ang lahat ng iyon. Huwag kang mag-alala, graduate na ako sa pagiging playboy. Isa pa, balae ko siya. Masyado yatang marumi ang utak mo, anak. Gusto mo bang hilamusan kita ng tubig-dagat para mahimasmasan ka?” pabirong turan ni Don Vandolf.Napatawa si Noemi.“Papa naman,” natatawang wika ni Jackson.Tiningnan ni Don Vandolf si Lind
Kabanata 58.4“Tita Nadia, ano pong ibig mong sabihin?”“Hindi si Jackson ang pumatay kay Kuya William. Siya rin ang una kong naging suspect pero it turns out that someone who's not even a lead became the perpetrator. I'm sorry, Eya. Nahihiya ako sa'yo, in behalf of papa rin, kasi nagpunta kami rito sa Palawan hindi para unattend ng kasal mo kung hindi para iligpit sana ang mapapangasawa mo. Nagpunta kami rito para ilayo ka kay Jackson. Patawarin mo kami, Eya.” Luluhod pa sana si Nadia sa harap ng kaniyang pamangkin nang pigilan siya nito.“No, tita. Hindi kayo dapat sa akin humihingi ng sorry. Kay Jackson dapat tayo humingi ng kapatawaran. Hindi ko kayo masisisi ni lolo kasi kahit ako, noong nalaman kong si Jackson ang salarin eh hindi man lang ako nagdalawang-isip na mag-imbestiga muna. I even made up my mind that I am not going to marry him. I even want to give him to the police. Worst, I even think to kill him. I'm so ashamed of myself. Now, I want to ask myself if I deserve him.