Nakahiga ako sa kama, nakatitig sa kisame, at habang hawak ko ang cellphone ko ay tinititigan ko ang pictures at videos ni Mateo kasama ako. Tatlong linggo ko na siyang hindi nakikita. Mas inisip ko ang baby ko dahil kada nasasaktan ako, pakiramdam ko nasasaktan rin ang anak namin. Ilang linggo na lang, manganganak na ako. Parati naman akong binibisita ni Sasha; madalas nga ay dito rin sila natutulog ni Oliver. Bumuntong-hininga ako; kailangan ko nang kunin sa condo ni Mateo ang skin care products ko. Base sa pagkakaalam ko, sa bahay nila siya nanunuluyan ngayon. Tamad na tamad akong tumayo at saka bumuntong-hininga. Kukunin ko na nga. Nag-ayos ako at saka ko inipit ang buhok ko into a bun. Nang makapag-ayos ay naglakad na ako papalabas ng pad ko at saka dumeretso sa pad niya. Nang mabuksan, pumasok ako sa loob at nalungkot na lang. I miss him, of course. Nang makapasok ay dumeretso ako sa kwarto para kunin ang gamit. Bumuntong-hininga ako, ngunit pagka-bukas ko ng kwarto, natig
Sasha’s Point of ViewNagmamadali akong pumunta sa ospital kung saan sinabi ni Mateo. Galit na galit akong sumugod. Mag-isa, iniwan ko si Oliver kay Carlo.Nang makarating, mabilis kong nilapitan si Mateo at malakas na sinampal. “Fuck you!” galit kong sigaw, gulat na gulat niya akong tiningnan.“Tangina niyo! Pag napahamak ang best friend ko at ang baby niya, sinusumpa ko kayong dalawa! Mga gago!” Halos maiyak ako sa galit at saka chineck ang kaibigan kong si Ciana, ngunit inaasikaso siya.Napasapo ako sa noo tapos pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi ko. “Fight, Ciana. Please,” nakikiusap kong sabi, ngunit sumama ang loob ko nang saraduhan ako ng kurtina dahil sumisilip.Nang makita si Carmelle ay nagalit agad ako, dahilan para sugurin ko siya at sampalin. “Tangina! Tangina mo!” Inawat kami ni Mateo pero sinabunutan ko pa rin siya kahit umiiyak na si Carmelle.“Hindi ka na naawa sa bata! Napakasama mo!” gigil na gigil kong sabi.“Sinamantala mo, eh! Tarantada ka!”“Ikaw ang nasa kat
Mateo’s Point of View“Kayong dalawa lang ang pwede kong sisihin ngayon! Sana kayo na lang ang mamatay!” sigaw ni Sasha, umiiyak nang masakit. Sobrang kabado ako ngayon; sa narinig ay sobrang nalilito ako.Anak ko yung pinagbubuntis niya? Papaano? Kaya ba parehas kami ng singsing?“Mister, kailangan niya kayo sa delivery room,” saad ng doctor, dahilan para manlamig ang kamay ko.“I’ll go,” sagot ko.“Get inside and talk to her,” aniya ng doctor, kaya naman mabilis akong pumasok sa ER. Nakita kong pawis na pawis si Ciana, kaya lumapit ako sa kanya.“V-Vion,” pagtawag ko sa kanya, kinakabahan.“M-Mateo… I really want to b-blame you,” mahina at nanghihina niyang sabi.“Blame me. Blame me, Vion. I want you to blame me for putting you in this kind of situation…” Hinawakan ko ang kamay niya at idinikit ‘yon sa pisngi ko.Wala siyang naging palag dahil sa panghihina. Ang takot ko ay biglang umusbong nang sobra. Walang kahit ano akong naaalala sa amin, ngunit nasasaktan ako.“K-kung mawawala
“I can’t lose the mother of my baby… I can’t lose my d-daughter,” naramdaman ko ang panginginig ng labi.“I want to remember everything, Mom. Make me remember everything,” pakiusap ko.“I want the old me. I want to go back and make things perfect,” mahinang sabi ko.“Why does God have to do this? Mom, why do they need to suffer because of me? I can’t accept it…” Tahimik lang sila at hinahagod ang likod ko.“God, please… keep them safe and just take mine,” hinang-hina kong isinandal ang mukha sa balikat ni Mom at doon umiyak nang umiyak nang sobra.“Mateo, that’s enough. Kailangan mong magpalakas kasi kailangan ka ni Ciana sa delivery room mamaya,” aniya ni Dad. Huminga ako nang malalim at pumikit.“Oh, water. Walang lason ‘yan kahit galit ako sa’yo,” inabot ko ang boteng binigay ni Sasha tapos bumalik siya sa tabi ni Ciana.“Ciana, mangako ka ha? Kayanin mo ’yan,” saad ni Sasha kay Ciana.Nakita ko ang matipid na ngiti ni Ciana, dahilan para maluha na naman ako.“A-ano bang laban ko s
Mateo’s Point of ViewAfter I cried, the doctor decided to take her to the delivery room. It’s normal, not a cesarean section or anything… That’s the only hope we have right now.I was wearing a hospital gown, and I’m so nervous. I was just holding her hand, waiting for the doctor. “Are you ready?” the lady doctor asked.“I am,” sagot ko na para bang ako ang manganganak.“You can do this, Vion. I’ll stay by your side. Don’t you dare sleep, okay?” Tiningnan ako ni Vion tapos lumunok lang.“Alam kong ang kapal-kapal ng mukha ko, pero ngayong alam ko na, I’ll do my best.” Hinaplos ko ang noo niya, napabuga ako ng hangin tapos tumikhim.Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Naghahanda na rin ang doctor kaya naman nanood ako at nagdasal. “Okay, missis, pag sinabi kong push, take a deep breath and push harder, okay?” Vion just nodded.“Okay, I can feel the baby’s head,” the doctor announced.“In a count of three, if I say push… push, okay?” aniya ng babaeng doctor. Tiningnan ko lang si Vion.“
Napahilamos sa mukha at saka huminga nang malalim. “How about kuya Mateo?” tanong niya.“Wala siyang maalala,” sagot ko.“Lahat?” tanong ni Luke.“The doctor called it anterograde,” saad ko.“Ah, forgetting the newly built memories… Five years ago…” saad ni Luke.“Ganun na nga,” aniya ko.“I hope it’s temporary,” mahinang sabi niya.“Sana ay kayanin ni Tita at ng baby niya,” mahinang sabi ni Luke.“Is Tita Ciana… weak?” tanong bigla ni Luke na para bang alam niya, at parang sa isip niya gumagawa na siya ng research about Ciana.“Yes,” I answered, at doon ay napayuko siya tapos huminga nang malalim.“Then the survival rate is very low for her too…” naikuyom ko ang kamao.“So the doctor is telling the truth, mm?” tanong ko sa kanya.“Mm, she is,” mahinang aniya ni Luke.“Either one of them will survive, or both of them will not… But I’m hoping for a miracle,” mahinang sabi ni Luke.“A seven-month-old baby is healthier than an eight-month-old baby… Dahil may mga nagfo-form pang organs sa
Mateo’s Point of View After three years… “Bro! Ano ba? Galaw-galaw naman diyan oh! Hindi makakatulong ang pagmumokmok!” nilingon ko si Carlo na nag-iingay na naman sa opisina ko. “Why are you here?” “What are your needs?” “How may I help you?” Umawang ang labi nito sa dire-diretso kong tanong. Tahimik na lang akong napailing at huminga nang malalim. “Teach me how to move on from them then, because it’s so hard to forget them,” mahinang saad ko, tapos nalungkot na naman. “Bro, hindi mo naman sila kailangang kalimutan eh. You just have to accept, know the word acceptance,” ani Carlo at naupo kaya naman huminga ako nang malalim. “Pero hindi ko nga magawa, bro. Tatlong taon na akong nasasaktan. Napakadaya ng tadhana,” nagrereklamo kong sabi. “Bro, tama, tatlong taon ka na ring nasasaktan, umiiyak. You tried to focus on work but it didn’t work,” he meaningfully said. “Move on, bro. Kami na ni Sasha ang naawa sa’yo. Tinanggap na ni Sasha kasi yun ang makakapagpatahimik sa mag-ina m
=Mateo’s Point Of View= Nang makarating sa Cebu, dumeretso kaagad ako sa branch ng products namin to start a meeting before resting. “Good morning, Mr. Martinez,” bati sa akin ng mga empleyado. “Good morning, sir.” “Good morning, Mr. Martinez.” “Good morning.” “Thank you,” saad ko na lang at naglakad nang deretso sa conference room. Mabilis na nagtayuan ang lahat. “Good morning, Mr. Mateo Martinez. I’m glad you’re here,” bati pa ng susunod na mataas. I kept my face serious. “Good morning,” matipid kong bati bago naupo sa pinakagitna at pinakadulo ng mahabang table. “So, what’s the problem with our products?” tanong ko agad. “Well, Mr. Martinez, we have to move now. Nakasalalay sa inyo ang buhay ng mga—” “I thought products? Not life.” I sarcastically answered, at parang napahiya naman ang lalaki kaya tumikhim ako. “Ayon nga po, sir. Pag bumagsak po kasi ang sales natin, maaaring mawalan ng trabaho ang lahat ng empleyado,” rason nito. “At sino naman ang nagsabi sa ’yo na hah
Ang ngiti sa labi ko ay hindi nawala nang sunduin ako ni Mateo at hawakan ako sa kamay.“I want to curse so bad. You’re so beautiful, honey,” aniya, kaya mahina akong natawa.“Ang gwapo-gwapo mo rin, hon,” sabi ko sa kaniya.“Pinaghandaan ko ’to,” sagot niya habang nakangiti.Nang marating namin ang pinakaharap ng aisle, ngumiti kami kay Father nang lumabas siya mula sa pinanggalingan niya. Dinasalan muna kami, at tumagal iyon ng ilang minuto bago niya kami hinarap upang simulan na ang kasalan.The wedding proceeds at this point.“Sebastian Mateo Martinez, do you take Ciana Vion to be your lawful wedded wife?” Magkaharap kami ngayon. Ngumiti si Mateo at nilingon si Father.“I do,” he answered.“Ciana Vion, do you take Sebastian Mateo Martinez to be your lawful wedded husband?” the priest asked me.Ngumiti muna ako. “I do, Father.”“Do you promise to love and cherish her/him, in sickness and in health, for richer or poorer, for better or worse, and forsaking all others, keep yourself o
Wedding Day“Oh, hija, don’t cry na. I’m sure your parents are happy for you,” nginitian ko si Mom, ang mother ni Mateo. Pinunasan nito ang luha ko.“Aayusan ka na oh. Huwag nang iiyak, baka pumanget ka niyan.” Natawa ako sa sinabi ni Mom at ngumiti.“Grabe naman po,” tumawa rin sila ni Dad.“At dahil ikakasal na ang anak namin, masayang-masaya kami para sa inyong dalawa, hija.” Ngumiti ako at tumango-tango.“Salamat po, Mom, Dad.” Yumakap ako sa kanila bago pa man sila umalis, at sinimulan na akong ayusan ng make-up artist.Habang inaayusan, huminga ako ng malalim. Matatapos na. Hindi ko mawari kung bakit ako sobrang kinakabahan. Dahil siguro ikakasal na ako? Ang matagal kong pinakahihintay, eto na.“Ma’am, finish na po.” Nang sambitin niya iyon, sobra-sobra talaga ang kaba kong tumayo.“Gaga!” Nalingon ko si Sasha.“OMG, this is it!” nakangiti niyang sabi, kaya tumango-tango ako.“Eto na nga,” aniya ko.“Hinihintay ka na ng groom mo! Gaga, spoil na kita ha—ang gwapo niya!” Natawa ak
Ciana’s Point of View Dumating ang araw na pinakahihintay naming dalawa, ngunit dahil matoyo ang mga kaibigan namin, sa mismong araw ng kasal ay hindi nila kami pinagkitang dalawa. Ayon sa kanila, baka raw hindi matuloy ang kasal kung magkikita kami bago ang seremonya. Sila rin daw ang nag-asikaso ng venue. Si Viera naman ay iniwan muna sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola. Kasama ko ngayon sina Sasha at Sonya, pati na rin ang kanilang mga anak, dito sa bahay ng mga magulang ni Mateo. Kahit ang mga asawa nila ay nandoon rin. “Bakit ba kasi tayong tatlo lang? Sana nandito na rin si Viera,” reklamo ko habang nagmumukmok sa kanila. Inabutan naman nila ako ng wine habang magaganda ang kanilang ngiti. “May nangyari ba ulit sa inyo netong nakaraan?” tanong ni Sonya, kaya naman agad na umawang ang labi ko. “Wala. Busy kami eh,” sagot ko, pilit na iniwasan ang usapan. “Kailan yung last?” tanong ulit ni Sonya, nakangisi pa. “Matagal na… three years ago,” pag-amin ko, sabay tingin sa
Habang tinatapos namin ang pagkain, patuloy ang pagpaplano at asaran. Halos kalahating araw na kaming abala sa mga detalye ng kasal, pero tila hindi pa rin tapos ang lahat ng kailangan ayusin. Si Sonya at Sasha ay nagsimula nang mag-discuss ng seating arrangement, habang si Mateo naman ay abala sa pakikipag-usap sa mga suppliers para sa mga huling detalye ng catering at iba pang aspeto ng reception.“Mommy, gusto ko po na malapit ako sa daddy sa reception,” sabi ni Viera habang hawak ang juice niya.“Syempre, anak. Doon ka sa tabi ko at daddy,” sagot ko, ngumiti kay Mateo na nandoon pa rin sa kanto, nakikipag-usap sa event planner.“Ako nga pala, hon, nakatanggap na ako ng tawag mula sa stylist. Naka-schedule na sila bukas ng hapon para sa fitting,” sabi ni Mateo, paglapit niya sa akin.“Wow, mabilis pala. Ayos, baka makauwi pa tayo nang maaga,” sagot ko, habang inaayos ang buhok ni Viera.“Oo, makakapahinga tayo pagkatapos ng fitting, para naman hindi tayo mabigla sa dami ng ginagawa
Pagkasabi ni Mateo na “Sa’yo kaya nangangalmot,” ay narinig naming bumalik si Sonya, bitbit ang ilang mga gown na pang-abay.“Ano bang pinag-uusapan niyo at ang iingay niyo?” tanong ni Sonya habang inilalapag ang mga damit sa sofa.“Wala! Nag-uusap lang kami ni Honey tungkol sa pagiging magaling niyang mangalmot,” sagot ni Mateo sabay tawa.“Ikaw talaga, Mateo! Grabe ka makapang-asar,” sagot ko, sabay kurot sa tagiliran niya.“Aray, ang sakit! Honey, easy lang!” reklamo niya, ngunit halata naman ang ngiti sa labi niya.“Mommy, mangalmot po?” inosenteng tanong ni Viera habang ngumunguya ng pagkain.Halos maiyak ako sa tawa, habang si Mateo ay biglang tumayo at nag-explain. “Hindi ‘yon literal, baby. Joke lang ni Mommy ‘yon. Mommy mo talaga, ang kulit!”“Bakit ba ako lagi ang nasisisi?” sagot ko, kunwari nagtatampo.Tumawa si Sasha at umupo sa tabi ni Sonya, hawak ang isang gown na kulay peach. “Ang cute niyo pa rin kahit nagtatalo! Ikaw naman, Ciana, hindi mo pa sinasabi sa akin kung a
“Hoy, gaga! Ikakasal ka na, aber! Mamili ka na ng cake mo!” sigaw ni Sasha. Kaya naman, inagaw ko ang brochure na hawak niya hanggang sa lumapit si Viera at kumandong sa akin.“Mommy, purple?” tanong niya, tinutukoy ang magandang cake na tatluhan.“Okay, this one, baby,” sabi ko sa anak ko. Masaya itong pumalakpak.“Asan po si Daddy?” tanong ni Viera.“Nag-aayos rin siya for the wedding, baby. Where are your friends?” tanong ko sa kaniya.“Mommy, lahat po sila guy. Masungit po si Klei, at naglalaro po sila ni Oliver ng games,” tila nalulungkot na sabi ng anak ko, sabay nguso.“Edi go and still play with them, baby,” sabi ko.“Klei, Oliver, let Viera join you,” utos ni Sasha sa kanila.“Tita, ayaw po niya ng car games,” sagot ni Klei.“Mommy, I really hate riding,” sagot ni Viera.“Yung mommy mo, mahilig sa pagsakay—aray! Gaga naman!” reklamo ni Sasha nang hilahin ko ang buhok niya.“Kung ano-ano na namang sinasabi mo,” inis kong sabi.“Totoo naman, ah. Hiya ka pa eh,” sabi niya, sabay
“Daddy, ang laki po ng house natin!” niyuko ko ang anak at nginitian.“Of course, baby. Do you want to see your room?” nakangiti kong tanong sa kaniya. Nandito na kami sa bahay namin sa city, at si Vion ay abala sa mga bagong paso na may mga bulaklak na nakatanim.“Hon! Ipapakita ko ang room ni Viera, sama ka!” malakas na sabi ko pa.“Kayo na lang! Nagdidilig pa ako eh!” balik-sigaw niya dahil nasa garden siya, at kami ni Viera ay nasa loob.“SIGE! Diligan rin kita mamaya!” sigaw ko pabalik.“Tumahimik ka!” sigaw niya, kaya tatawa-tawa kong binuhat si Viera upang maipakita ang kwarto niya na nasa second floor ng bahay. Nang makarating sa kwarto ni Viera ay halatang mangha na mangha siya sa nakita.“Ang ganda, Daddy!” masayang sabi ni Viera, kaya naman napangiti ako.“Mabuti naman at nagustuhan mo,” aniya ko.“Opo, Daddy! I love my bed po! It’s purple!” Tumalon siya doon at hinablot ang malaking purple bear na nasa kama niya.“Thank you, Daddy!” masayang sabi ni Viera.I asked Vion abo
Sunod ko pang tinignan ang mga pictures, ngunit gano’n na lang ang pagtataka ko nang makitang muli ang sarili ko sa account ni Vion. Parati ba kaming magkasama? Tinignan ko ang date ng picture at napansing kailan lang ito, halos buwan lang ang nakalipas. Sunod-sunod kong tinignan hanggang sa mamataan ko ang pamilyar na condo sa highlights niya sa story. “Bakit panay ako?” nagtatakang tanong ko sa sarili. “Sa pad ko ata ito, ah?” takang-taka ko pang sabi sa sarili. “Bakit ko naman siya paglulutuan? Baka best friends talaga kami? Hindi man lang ba nagseselos ang asawa nito sa ’kin?” Inis na inis akong naupo at saka tumingin muli. “Ako na naman? Crush ba ’ko nito?” Sa sobrang frustration ay pinatay ko ang laptop at niyakap na lamang ang unan. ‘Bakit naman ako apektado? Ano naman kung nasa highlights niya ako?’ Makalipas ang Ilang Linggo Makalipas ang ilang linggo, naisipan kong bumalik sa condominium ko dahil naiinis lang ako sa pakikitungo sa akin ni Mom. Ang laki-laki ng galit ni
Few Days After Nandito ngayon ang doctor ni Viera upang i-update kami sa lagay niya. Mahigit limang araw na hindi niya kailangan ng dugo, at bumalik na ang kanyang sigla at lakas. Natutuwa kami dahil ilang araw na rin na hindi dinugo ang ilong niya, at hindi na rin bumaba pa ang kanyang hemoglobin level. “Ang balita ko lang naman ay maaari na siyang lumabas,” aniya ng doctor. “Ngunit bibigyan ko kayo ng mga kakailanganin niya sakaling mahilo siya o duguin ang ilong. Hindi naman gano’n kabilis bumaba ang dugo ng isang tao, pero dahil sa kondisyon niya, nababawasan ito dahil sa sobra-sobrang white blood cells na napo-produce niya.” Nakinig kaming mabuti sa kanya. “Maaari niyo nang tawagan si Doctor L, dahil siya na ang bahala kay Viera,” dagdag pa niya. Napalunok ako at tumango na lang. “Hindi pa rin magbabago ang mga suhestiyon kong kainin niya ang mga berdeng gulay, at mga pagkaing rich in iron. Sa gatas, mag-ingat tayo dahil maaaring makaapekto sa kanya ang ibang klase ng gatas. A