Thank you! Sana magustuhan niyo!
=Ciana’s Point Of View= “Hon, nasaan ba tayo? Bakit kailangang sumakay ng eroplano kung swimming lang naman pala?” nagtataka kong tanong kay Mateo, pero ngumiti lang siya. “Palawan ’yun, okay?” sagot niya kaya napanguso ako. “Ang layo…” bulong ko. “Sa isla nila Miyu,” sagot pa niya. “Saan doon?” gulat kong tanong. “Sa pribadong isla ni Vin—” “Mateo!” sita ko sa kanya. “What?” nakangiti niyang tanong, naglalambing. “You know that it costs a million bago ka makapasok doon, per person!” ngumiti siya. “Well, hon—” “Ang mahal,” ngiwing sabi ko tapos bumuntong-hininga. “Honey, it’s worth it,” bulong niyang sabi at hinawakan ang kamay ko kaya naman bumuntong-hininga ako. Ang pribadong isla nila ay kapag papasok ka, full information ang kailangan kahit na private ’yun. Naging mahigpit ang mga isla nila dahil sa mga sumubok na pumasok sa loob. “Yung milyon na ‘yon, naku ang hirap pagtrabahuan,” dagdag ko pa. Ngumiti naman si Mateo. “Buti nga hindi na isla ng mga anak nila. Pinapi
=Ciana’s Point Of View= “Hon!” malakas na tawag ko, pero sinulyapan niya lang ako at itinuon muli ang atensyon sa cellphone. Nang tumunog ang cellphone, sinagot niya ‘yon kaya nakinig ako. “Ah, Emma Watson? Oh, she’s here…” Agad na nanlaki ang mata ko at lumapit doon. Naupo ako sa tabi niya habang nakanguso. “An appointment? Right now?” Napanguso ako lalo at hinampas si Mateo sa braso, ikinagulat niya ‘yon pero tinignan niya lang ako nang gulat at saka nag-focus ulit sa cellphone. “Oh, sure. A dinner? That would be great,” nakangiting sagot pa niya. “Sure, with the product? Sure… Oh, a date? I reall—” Sa sobrang inis ko, padabog akong tumayo, kinuha ang bag ko, at naglakad papalayo. ‘Uuwi na lang ako! Doon na siya sa Emma Watson niya, sa Harry Potter lang naman ‘yon mag-leviosa leviosa sila, pisti, yawa.’ “H-hon—wait, where are you going?” Nang mahuli ni Mateo ang katawan ko ay hinarap niya ako sa kanya. Nasa hallway kami ngunit hindi na inisip ang iba. “I’m going home. Makip
Ciana’s Point of View “Take it off, honey…” mahinang bulong niya sa tenga ko at ang mga palad ay gumapang kaagad pababa sa puson ko. Nakagat ko ang ibabang labi nang makaramdam ng kiliti. “No way,” sagot ko. “Why?” gulat na tanong ni Mateo at bumangon. “Kasi ide-date mo ’ko, ’di ba? Mm?” nakangiting sabi ko pa. “Ah, that. Hindi ba pwedeng after, hon?” tanong niya, nagbabakasakali, kaya ngumisi ako. “Mahihirapan akong maglakad,” ani ko sa kanya. Natawa siya, tapos bumangon. “Okay then, mamayang gabi na lang,” nakangising sabi niya at saka mabilis na dumapa sa carpet at nag-push-up. “Maupo ka sa likod ko, honey,” utos niya. Kinabahan ako. “Loko! Mabigat ako!” singhal ko sa kanya. “Go ahead,” ani pa niya. Kaya naman dahan-dahan akong naupo sa likod niya. Ganun na lang ang bilib ko nang maiangat niya ako habang nag-pu-push-up siya. Pero nabilib ako sa likod niya nang makita ang kagandahan nito. Nakagat ko ang ibabang labi tapos sandaling tumikhim. Dumating ang alas-siyete ng g
Nang sandaling lapitan kami ng lahat, isa-isa ko silang niyakap. “Congratulations, Tita!” agad kong nginitian si Mia at pinisil ang mga pisngi niya, tapos niyakap siya. “Thank you, Mia! I missed you!” “I miss you too, Tita,” sagot nito, malambing. Nang makita si Luke na titig na titig kay Mia, nagulat siya nang mapatingin sa akin, hindi naiisip na turn na pala niya. “S-sorry, Tita, may iniisip lang. Congratulations,” nakangiting sabi ni Luke at niyakap ako. “Thank you, Lukie!” natawa ito sa tinawag ko sa kanya. “I wish both of you to be happy and stronger, Tita,” nakangiting sagot pa niya. “Thank you so much, Luke,” aniya ko. “Gaga! Oh my God! Naiiyak ako sa sobrang saya for both of you, Gaga!” Napangiti ako at niyakap ang kaisa-isa kong best friend. “Thank you, Gaga! Huhu, hindi ko rin inaasahan ’to!” sagot ko. “Gaga! I’m so happy for you! Sobra sobra!” Humigpit ang yakapan namin tapos parehas na nagkahampasan sa huli. “Gaga, engaged na ako,” masayang sabi ko, titig na titig
“Honey, enjoy it. Bukod sa hotdogs, marami pang putahe. May ginataang suso,” umawang ang labi ko nang kindatan niya ako matapos sabihin ’yun, “and talaba, tahong, at marami pang iba, honey.” Nang basain niya ang labi, nakagat ko ang sarili kong labi. At nang magtama ang mga mata namin na tila nang-aasar na ito. “But do you wanna know what I want to taste so bad?” Kahit inaasahan ang sagot niya, tila napasunod ako. “A-ano?” “You, honey.” Ang boses niya ay humina at naririnig ko ang paraan ng pang-aakit niya. “L-let’s eat, okay?” Suminghal pa ako, pakitang hindi naapektuhan sa pang-aakit niya. Tumawa siya, at natuwa ako nang pag-silbihan niya ako. Ngunit nang sa hotdog na, kinuha ko ang tinidor at tinusok ’yon. Napangisi ako at binasa ang mga labi gamit ang sariling dila habang tinititigan ang aking hotdog. Nang magtama ang paningin namin, dinikit ko ’yon sa labi ko. Napaawang ang labi niya at sumama ang tingin sa akin. “Honey, eat that rig—” Agad na natulala siya nang isubo ko ang
Mabilis kaming umayos ni Mateo matapos, ang magaganda niyang ngisi ay hindi naalis sa kanyang labi. Napahilot ako sa sentido nang ma-realize kong wala akong undies dahil pinunit niya. Naupo siya sa kinauupuan kanina, at ang maganda ngayon ay may pa-init ang mga putahe. Hindi ako makapaniwalang sa mesa ng dining table namin ginawa ‘yon — may pa-“table manners, table manners” pa siya! “Eat that hotdog, correctly, honey,” nakangising sabi niya, kaya hinati ko na lang at nginuya. Pasimpleng inalis ko ang tingin sa kanya tapos kumuha ako ng talaba at tinikman iyon, ngunit agad na umangat ang tingin ko kay Mateo lalo na nang naging matunog ang pagkain niya dito. “Ayusin mo nga ang pagkain diyan!” sita ko. Ngumisi siya. “Honey, sabi nila mas masarap ito pag maingay mo kakainin.” Bumuntong-hininga ako at napasapo sa noo. “Hindi ka pa rin ba marunong kumain ng suso? Dapat bang isubo pa ki—” “Oh please, Mateo. Table manners,” mariin kong aniya, pero ngumisi siya nang kumuha siya non, kaya
Ciana’s Point of ViewHabang naglalakad kami sa white sand ng isla at magkahawak ang mga kamay namin, sobrang nag-eenjoy ako rito. Ang singsing ko, kada natatamaan ng araw, ay kumikinang. Kapansin-pansin ito. Si Mateo naman ay simpleng nakataas ang buhok, nakashorts, at nakapolo pang-beach talaga. While me? Simpleng shorts at loose sleeveless lang.“Hon, do you want to go to the bar later?” Nilingon ko agad si Mateo sa tanong niya.“Si Vince ang may-ari ng bar dito, diba?” tanong ko.“Yup. So, you want?” Ngumiti naman ako.“Kahit ano, honey. Kesa sa kwarto nanaman, gagawa lang tayo ng kababalaghan,” ngumisi si Mateo sa sagot ko.“Para habang nandito pa ang ibang kasama natin, ma-enjoy natin bago tayo ikasal,” nakangiting sabi niya pa.“Grabe noh, sino kaya ang gagastos ng ganung kalaking pera para makapasok lang sa isla na ito…” aniya ko pa tapos nailibot ang tingin.Ilang hectares rin ang buong isla at sobrang gaganda ng paligid. High-tech lahat, at lahat ng makikita mong gamit ay ma
=Ciana’s Point Of View=“So, honey, what kind of wedding do you want?” malambing na sabi ni Mateo.“A simple church wedding, honey. Tapos ang venue natin—I mean, our reception will be… hmm, saan ba…” napaisip pa ako.“Sa café ni Miyu,” sagot ko.“Woah? Seryoso ka ba diyan?” tanong ni Miyu.“Yes, masarap ang foods sa café niyo, and I know mag-e-enjoy ang mga bisita,” nakangiting sabi ko pa.“Then it’s fixed, sa amin ang reception sa pinakamalaking simbahan ng city?” Tumango-tango ako.“Kukuha ba ako ng wedding organizer?” tanong ni Mateo.“Yung aayos lang ng wedding, honey, kasi hindi ko naman kayang mag-disensyo ng buong reception at simbahan,” nakangiting sabi ko.“Okay, I’ll let Mom handle this,” nakangiting sagot niya. Habang lumilipas ang oras, umiinom sila, habang kami ni Miyu at Sasha ay nakikinig lang at kumakain.Nang lumipas ang isang oras, batid kong may tama na si Mateo dahil kung anu-ano na ang kinukuwento nito. “Kung may sobra man akong pinagselosan, si Vince ‘yon. Alam m
Ang ngiti sa labi ko ay hindi nawala nang sunduin ako ni Mateo at hawakan ako sa kamay.“I want to curse so bad. You’re so beautiful, honey,” aniya, kaya mahina akong natawa.“Ang gwapo-gwapo mo rin, hon,” sabi ko sa kaniya.“Pinaghandaan ko ’to,” sagot niya habang nakangiti.Nang marating namin ang pinakaharap ng aisle, ngumiti kami kay Father nang lumabas siya mula sa pinanggalingan niya. Dinasalan muna kami, at tumagal iyon ng ilang minuto bago niya kami hinarap upang simulan na ang kasalan.The wedding proceeds at this point.“Sebastian Mateo Martinez, do you take Ciana Vion to be your lawful wedded wife?” Magkaharap kami ngayon. Ngumiti si Mateo at nilingon si Father.“I do,” he answered.“Ciana Vion, do you take Sebastian Mateo Martinez to be your lawful wedded husband?” the priest asked me.Ngumiti muna ako. “I do, Father.”“Do you promise to love and cherish her/him, in sickness and in health, for richer or poorer, for better or worse, and forsaking all others, keep yourself o
Wedding Day“Oh, hija, don’t cry na. I’m sure your parents are happy for you,” nginitian ko si Mom, ang mother ni Mateo. Pinunasan nito ang luha ko.“Aayusan ka na oh. Huwag nang iiyak, baka pumanget ka niyan.” Natawa ako sa sinabi ni Mom at ngumiti.“Grabe naman po,” tumawa rin sila ni Dad.“At dahil ikakasal na ang anak namin, masayang-masaya kami para sa inyong dalawa, hija.” Ngumiti ako at tumango-tango.“Salamat po, Mom, Dad.” Yumakap ako sa kanila bago pa man sila umalis, at sinimulan na akong ayusan ng make-up artist.Habang inaayusan, huminga ako ng malalim. Matatapos na. Hindi ko mawari kung bakit ako sobrang kinakabahan. Dahil siguro ikakasal na ako? Ang matagal kong pinakahihintay, eto na.“Ma’am, finish na po.” Nang sambitin niya iyon, sobra-sobra talaga ang kaba kong tumayo.“Gaga!” Nalingon ko si Sasha.“OMG, this is it!” nakangiti niyang sabi, kaya tumango-tango ako.“Eto na nga,” aniya ko.“Hinihintay ka na ng groom mo! Gaga, spoil na kita ha—ang gwapo niya!” Natawa ak
Ciana’s Point of View Dumating ang araw na pinakahihintay naming dalawa, ngunit dahil matoyo ang mga kaibigan namin, sa mismong araw ng kasal ay hindi nila kami pinagkitang dalawa. Ayon sa kanila, baka raw hindi matuloy ang kasal kung magkikita kami bago ang seremonya. Sila rin daw ang nag-asikaso ng venue. Si Viera naman ay iniwan muna sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola. Kasama ko ngayon sina Sasha at Sonya, pati na rin ang kanilang mga anak, dito sa bahay ng mga magulang ni Mateo. Kahit ang mga asawa nila ay nandoon rin. “Bakit ba kasi tayong tatlo lang? Sana nandito na rin si Viera,” reklamo ko habang nagmumukmok sa kanila. Inabutan naman nila ako ng wine habang magaganda ang kanilang ngiti. “May nangyari ba ulit sa inyo netong nakaraan?” tanong ni Sonya, kaya naman agad na umawang ang labi ko. “Wala. Busy kami eh,” sagot ko, pilit na iniwasan ang usapan. “Kailan yung last?” tanong ulit ni Sonya, nakangisi pa. “Matagal na… three years ago,” pag-amin ko, sabay tingin sa
Habang tinatapos namin ang pagkain, patuloy ang pagpaplano at asaran. Halos kalahating araw na kaming abala sa mga detalye ng kasal, pero tila hindi pa rin tapos ang lahat ng kailangan ayusin. Si Sonya at Sasha ay nagsimula nang mag-discuss ng seating arrangement, habang si Mateo naman ay abala sa pakikipag-usap sa mga suppliers para sa mga huling detalye ng catering at iba pang aspeto ng reception.“Mommy, gusto ko po na malapit ako sa daddy sa reception,” sabi ni Viera habang hawak ang juice niya.“Syempre, anak. Doon ka sa tabi ko at daddy,” sagot ko, ngumiti kay Mateo na nandoon pa rin sa kanto, nakikipag-usap sa event planner.“Ako nga pala, hon, nakatanggap na ako ng tawag mula sa stylist. Naka-schedule na sila bukas ng hapon para sa fitting,” sabi ni Mateo, paglapit niya sa akin.“Wow, mabilis pala. Ayos, baka makauwi pa tayo nang maaga,” sagot ko, habang inaayos ang buhok ni Viera.“Oo, makakapahinga tayo pagkatapos ng fitting, para naman hindi tayo mabigla sa dami ng ginagawa
Pagkasabi ni Mateo na “Sa’yo kaya nangangalmot,” ay narinig naming bumalik si Sonya, bitbit ang ilang mga gown na pang-abay.“Ano bang pinag-uusapan niyo at ang iingay niyo?” tanong ni Sonya habang inilalapag ang mga damit sa sofa.“Wala! Nag-uusap lang kami ni Honey tungkol sa pagiging magaling niyang mangalmot,” sagot ni Mateo sabay tawa.“Ikaw talaga, Mateo! Grabe ka makapang-asar,” sagot ko, sabay kurot sa tagiliran niya.“Aray, ang sakit! Honey, easy lang!” reklamo niya, ngunit halata naman ang ngiti sa labi niya.“Mommy, mangalmot po?” inosenteng tanong ni Viera habang ngumunguya ng pagkain.Halos maiyak ako sa tawa, habang si Mateo ay biglang tumayo at nag-explain. “Hindi ‘yon literal, baby. Joke lang ni Mommy ‘yon. Mommy mo talaga, ang kulit!”“Bakit ba ako lagi ang nasisisi?” sagot ko, kunwari nagtatampo.Tumawa si Sasha at umupo sa tabi ni Sonya, hawak ang isang gown na kulay peach. “Ang cute niyo pa rin kahit nagtatalo! Ikaw naman, Ciana, hindi mo pa sinasabi sa akin kung a
“Hoy, gaga! Ikakasal ka na, aber! Mamili ka na ng cake mo!” sigaw ni Sasha. Kaya naman, inagaw ko ang brochure na hawak niya hanggang sa lumapit si Viera at kumandong sa akin.“Mommy, purple?” tanong niya, tinutukoy ang magandang cake na tatluhan.“Okay, this one, baby,” sabi ko sa anak ko. Masaya itong pumalakpak.“Asan po si Daddy?” tanong ni Viera.“Nag-aayos rin siya for the wedding, baby. Where are your friends?” tanong ko sa kaniya.“Mommy, lahat po sila guy. Masungit po si Klei, at naglalaro po sila ni Oliver ng games,” tila nalulungkot na sabi ng anak ko, sabay nguso.“Edi go and still play with them, baby,” sabi ko.“Klei, Oliver, let Viera join you,” utos ni Sasha sa kanila.“Tita, ayaw po niya ng car games,” sagot ni Klei.“Mommy, I really hate riding,” sagot ni Viera.“Yung mommy mo, mahilig sa pagsakay—aray! Gaga naman!” reklamo ni Sasha nang hilahin ko ang buhok niya.“Kung ano-ano na namang sinasabi mo,” inis kong sabi.“Totoo naman, ah. Hiya ka pa eh,” sabi niya, sabay
“Daddy, ang laki po ng house natin!” niyuko ko ang anak at nginitian.“Of course, baby. Do you want to see your room?” nakangiti kong tanong sa kaniya. Nandito na kami sa bahay namin sa city, at si Vion ay abala sa mga bagong paso na may mga bulaklak na nakatanim.“Hon! Ipapakita ko ang room ni Viera, sama ka!” malakas na sabi ko pa.“Kayo na lang! Nagdidilig pa ako eh!” balik-sigaw niya dahil nasa garden siya, at kami ni Viera ay nasa loob.“SIGE! Diligan rin kita mamaya!” sigaw ko pabalik.“Tumahimik ka!” sigaw niya, kaya tatawa-tawa kong binuhat si Viera upang maipakita ang kwarto niya na nasa second floor ng bahay. Nang makarating sa kwarto ni Viera ay halatang mangha na mangha siya sa nakita.“Ang ganda, Daddy!” masayang sabi ni Viera, kaya naman napangiti ako.“Mabuti naman at nagustuhan mo,” aniya ko.“Opo, Daddy! I love my bed po! It’s purple!” Tumalon siya doon at hinablot ang malaking purple bear na nasa kama niya.“Thank you, Daddy!” masayang sabi ni Viera.I asked Vion abo
Sunod ko pang tinignan ang mga pictures, ngunit gano’n na lang ang pagtataka ko nang makitang muli ang sarili ko sa account ni Vion. Parati ba kaming magkasama? Tinignan ko ang date ng picture at napansing kailan lang ito, halos buwan lang ang nakalipas. Sunod-sunod kong tinignan hanggang sa mamataan ko ang pamilyar na condo sa highlights niya sa story. “Bakit panay ako?” nagtatakang tanong ko sa sarili. “Sa pad ko ata ito, ah?” takang-taka ko pang sabi sa sarili. “Bakit ko naman siya paglulutuan? Baka best friends talaga kami? Hindi man lang ba nagseselos ang asawa nito sa ’kin?” Inis na inis akong naupo at saka tumingin muli. “Ako na naman? Crush ba ’ko nito?” Sa sobrang frustration ay pinatay ko ang laptop at niyakap na lamang ang unan. ‘Bakit naman ako apektado? Ano naman kung nasa highlights niya ako?’ Makalipas ang Ilang Linggo Makalipas ang ilang linggo, naisipan kong bumalik sa condominium ko dahil naiinis lang ako sa pakikitungo sa akin ni Mom. Ang laki-laki ng galit ni
Few Days After Nandito ngayon ang doctor ni Viera upang i-update kami sa lagay niya. Mahigit limang araw na hindi niya kailangan ng dugo, at bumalik na ang kanyang sigla at lakas. Natutuwa kami dahil ilang araw na rin na hindi dinugo ang ilong niya, at hindi na rin bumaba pa ang kanyang hemoglobin level. “Ang balita ko lang naman ay maaari na siyang lumabas,” aniya ng doctor. “Ngunit bibigyan ko kayo ng mga kakailanganin niya sakaling mahilo siya o duguin ang ilong. Hindi naman gano’n kabilis bumaba ang dugo ng isang tao, pero dahil sa kondisyon niya, nababawasan ito dahil sa sobra-sobrang white blood cells na napo-produce niya.” Nakinig kaming mabuti sa kanya. “Maaari niyo nang tawagan si Doctor L, dahil siya na ang bahala kay Viera,” dagdag pa niya. Napalunok ako at tumango na lang. “Hindi pa rin magbabago ang mga suhestiyon kong kainin niya ang mga berdeng gulay, at mga pagkaing rich in iron. Sa gatas, mag-ingat tayo dahil maaaring makaapekto sa kanya ang ibang klase ng gatas. A