Ninong × Inaanak 🫶
Chester's POV Naupo ako sa isa sa mga waiting chairs at binuksan ang food container. Amoy pa lang, alam ko nang paborito kong ulam ang nasa loob—beef stroganoff with garlic rice. I took the first bite, and I swear, I almost moaned. “Celeste, gusto mo ba akong pakasalan ulit?” biro ko, sabay nguya. She rolled her eyes. “Masyado kang pagod. Huminto ka na sa kakalokohan mo.” Napangiti ako habang tumitingin sa kanya. She looked tired, but she was still beautiful—her sharp features softened by the warm lights of the hospital lobby. Mas lalo pa siyang gumanda dahil kay Caleigh, na mahimbing na natutulog sa kanyang mga bisig. "Ikaw ba ang nagluto nito?" tanong ko. "Si Mama," sagot niya, sinabayan ng irap. "Alam mo namang hindi ako marunong magluto." Napangiti ako. “Well, you delivered it, so that still counts. I appreciate it.” Bahagya siyang yumuko, parang iniiwasang makita ko ang reaksyon sa mukha niya. Pero hindi ako bulag. Kitang-kita ko ang bahagyang pagngiti niya bago niya ako
Chester's POV Maaga pa lang, bago pa sumikat ang araw, bumangon na ako mula sa kama. Tahimik ang buong penthouse, at tanging mahihinang tunog lang ng air conditioning ang maririnig. Lumingon ako sa tabi ko at nakita si Celeste—mahimbing na natutulog, bahagyang nakakunot ang noo, na para bang kahit sa panaginip ay may bumabagabag sa kanya. I wanted to smooth those worries away. Dahan-dahan akong bumangon, siniguradong hindi ko siya magigising. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa kanyang mukha at marahang hinalikan ang noo niya. "Sleep tight, my love," bulong ko, kahit alam kong hindi niya maririnig. Sa totoo lang, hindi ko maintindihan ang sarili ko. May mga kasambahay naman kami na pwedeng maghanda ng almusal, pero may kung anong nagtulak sa akin para ipagluto siya. Para bang gusto kong iparamdam sa kanya na hindi lang siya basta obligasyon o isang papel sa buhay ko bilang ina ng anak ko. Gusto kong iparamdam sa kanya na siya ang buhay ko. Pagdating sa kusina, ag
Chester's POV Ang tamis ng sandali namin ni Celeste ay biglang naputol nang marinig namin ang sunod-sunod na pagkatok sa pinto. Halos kasabay niyon ay ang pagpasok ng isang kasambahay, may bahagyang pag-aalangan sa mukha. "Dok, may bisita po kayo sa baba. Kanina pa po siya naghihintay." Mabilis akong tumuwid ng upo. "Sino?" Saglit na nag-atubili ang kasambahay bago marahang sumagot. "Si… Engr. Charles Villamor po." Agad akong nanigas sa kinauupuan ko. Damn it. Mula sa gilid ng paningin ko, nakita kong biglang nagbago ang ekspresyon ni Celeste. Hindi ko man siya tiningnan nang diretso, alam kong nararamdaman niya ang tensyon na biglang bumalot sa katawan ko. I clenched my jaw. What the hell is he doing here? Mabilis akong tumayo at hinila pababa ang suot kong t-shirt, pilit na pinapakalma ang sarili. Pero hindi ko maitago ang paninigas ng panga ko at ang malamig na ekspresyon sa mukha. "Chester…" malumanay na tawag ni Celeste. "Do you want me to—" "No," putol ko, hindi ko na
Celeste's POV Tatlong buwan. Tatlong buwang tila isang panaginip—isang mundong malayo sa magulong realidad ng pagiging isang abogada. Tatlong buwang kasama ang aking anak, si Caleigh, at ang asawa kong si Chester, na sa kabila ng lahat ay patuloy pa ring nagpapakita ng pagmamahal sa kabila ng mga unos na pinagdaanan namin. Ngunit gaya ng isang mandirigmang kailangang bumalik sa laban, wala akong pagpipilian kundi harapin ang mundong matagal kong iniwan. Ngayon, nandito na ulit ako sa harap ng Villareal & Associates Law Firm. Malamig ang hangin ng umagang iyon, ngunit hindi sapat upang mapawi ang tensyon na bumalot sa aking dibdib. Huminga ako nang malalim bago ako pumasok sa loob ng gusali. Isang mataimtim na titig mula sa receptionist ang agad kong sinalubong, sinundan ng mahihinang bulungan mula sa mga legal assistants na nasa lobby. Hindi ko kailangan ng husay sa batas para maintindihan ang mga tingin nila—hindi ito pagtanggap, kundi paghuhusga. "Here we go." Dire-dir
Celeste's POV Matapos ang isang mahabang araw sa opisina, pakiramdam ko ay mas mabigat pa sa sampung kilong case files ang pagod na dala ko. Hindi ko alam kung alin ang mas mahirap—ang harapin ang mga kasamahan kong hindi ako tinatanggap, o ang patunayan muli ang sarili ko sa korte matapos ang tatlong buwang pagkawala. Dala ang shoulder bag at ilang dokumentong kailangang pag-aralan sa bahay, lumabas na ako ng law firm. Ramdam ko ang malamig na hangin ng gabi, tila pinapawi ang tensyon sa katawan ko. Ngunit hindi pa ako nakakalayo nang bigla akong makabangga ng isang matigas na dibdib. "Damn it." Muntik nang mahulog ang hawak kong mga dokumento, pero maagap kong naitama ang sarili ko. Napaatras ako ng bahagya, handang humingi ng paumanhin, pero ang mga mata ko'y nanlaki nang makita kung sino ang nakaharang sa harapan ko. Si Charles Villamor. Ang bunsong kapatid ni Chester. Ang mortal na kaaway ng asawa ko. At ang lalaking minsan ay nagpumilit na maging bahagi ng buhay ko noon.
Celeste's POV Ang buong maghapon ay isang emosyonal at mental na labanan. Mula sa pagbalik ko sa law firm, sa mga mapanuring tingin ng mga kasamahan ko, hanggang sa di-inaasahang pagtatagpo ko kay Charles Villamor—ang bunsong kapatid ng asawa kong si Chester at isa sa mga panggagalingan ng pinakamasakit at nakakairitang alaala ng nakaraan ko. Naalala ko pa ang matalim niyang tingin, ang mayabang niyang ngiti na tila ba pinagtatawanan ako. "You should have chosen me back then, Celeste. But no, you had to go for my brother. Guess I was right. You were never interested in me… You just wanted a Villamor." Naningkit ang mga mata ko sa alaala. The audacity. Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili habang nagmamaneho pauwi. Hindi ko dapat dinadala ang negativity mula sa labas papunta sa bahay ko—sa tahanan naming tatlo. Pagkapasok ko sa penthouse, agad akong sinalubong ng malumanay na tunog ng duyan at ang mabining pag-hele ni Chester sa aming anak na si Caleigh.
Celeste's POV "You've always been strong, Celeste. You’ll get through all of this," bulong ni Chester. Pinuno ako ng init ng kanyang mga salita. May mga sandali na hindi ko naisip kung gaano karami ang mga bagay na nagawa ko at naranasan sa buhay ko. Pero ang mga simpleng bagay tulad ng yakap na ito at ang mga salitang nagmumula sa kanya ay nagpatunay na bawat sakripisyo ko ay may halaga. “I know… I just… I guess, I miss the simple times." I let out a sigh, my head resting on his chest. “I miss not worrying so much.” Naramdaman ko ang pag-angat ng kanyang mga kamay upang hawakan ang aking buhok, na parang hinihimas ang aking mga pagod na utak. It felt soothing and comforting. I couldn't help but close my eyes for a moment as I allowed myself to relax, forgetting about the world outside for a while. "Well, the good thing is, we're together now," Chester said, his voice was warm and low as he hugged me tighter. "And I’ll always be here for you, Celeste. No matter what happens." He
Celeste's POV Mabilis akong tumayo bago pa niya ako mahila ulit. “Exactly. And I have to work, too. Hindi lang ikaw ang may pamilya.” Napangiti siya, saka tumayo. “Fine. I'll drive you to work.” “I can drive myself,” sabi ko, pero agad niyang inagaw ang susi ng sasakyan ko mula sa bag ko. “No arguments, Celeste. I’m taking you,” aniya bago bumaling sa crib ni Caleigh at marahang hinaplos ang pisngi ng anak namin. “Magpapaalam muna ako sa princess natin.” Napangiti ako nang mapanood siyang karga-karga si Caleigh. His big hands held our daughter so delicately, as if she were the most precious thing in the world. Hindi ko maiwasang mapanood lang siya habang kinakausap ang anak namin. How could I not fall for this man? *** Pagdating namin sa law firm, halos hindi pa ako nakapapasok ng opisina ko nang sinalubong na ako ng assistant ko. “Atty. Villamor, punong-puno na po ang waiting area. Ang daming clients na gusto kayong makausap,” sabi nito habang bitbit ang isang clipboard. Na
Dalawang linggo na ang lumipas simula nang ikandado ni Drako ang silid ko. Dalawang linggo ng paghihintay, ng pag-asa, ng pagtitiis. Sa bawat araw na dumaraan, unti-unti akong nauupos sa katahimikan ng mansiyon na ito. Walang kalayaan. Walang boses. Walang sinumang makikinig.Ang mga bintana ay may rehas, ang pinto ay palaging naka-lock, at ang paligid ay tila ba sinadyang maging kulungan ng mga lihim at kasinungalingan.Ngunit ngayong araw na ito, nilakasan ko na ang loob ko. Wala na akong ibang masusubukan kundi ang mga taong nasa paligid niya—ang mga kasambahay. Alam kong isa man lang sa kanila, baka… baka pakinggan ako.Nang marinig kong bumukas ang pinto para ihatid ang pagkain, agad akong tumayo. Pumasok ang isa sa mga bagong kasambahay, isang babaeng nasa mid-twenties. Hawak niya ang tray ng agahan ko. Napansin kong nanginginig ang kamay niya habang inilalapag ito sa mesa."Please... can I borrow your phone?" mahina kong bulong, halos hindi marinig. Napalingon siya sa akin, gu
Pagkapasok namin sa mansiyon, agad akong tumungo sa hagdan para umakyat sa kwarto. Ngunit bago pa ako makapagsara ng pinto, mabilis akong sinundan ni Drako. Hindi ko na siya tiningnan. Hindi ko siya kayang tingnan.“Caleigh,” mahinang tawag niya, pero may puwersa ang tinig niya. “Let’s talk.”Napahinto ako sa may pintuan, bahagyang nakalingon. “Talk? About what?” ang boses ko ay nanginginig, pero pilit kong pinatatatag.Lumapit siya, mabigat ang bawat hakbang. “About what you saw. You need to understand—”“No, Drako,” putol ko sa kanya, mariing nakatitig. “You need to understand.”Humigpit ang hawak ko sa seradura ng pinto. “Hindi mo ako binalaan. Hindi mo man lang ako hinayaang makalapit sa kanila. Do you know how hard that was for me? Just sitting there… watching them suffer!”Napaurong si Drako, pero hindi siya nagpatalo.“Caleigh, your father is a criminal. He deserves every second of that trial—”"Stop saying that!" sigaw ko. Sa wakas, hindi ko na napigilang pumatak ang luha ko.
Tahimik ang sala habang nakaupo ako sa malambot na sofa, nakatutok ang mata sa TV screen. Isang lumang pelikula ang pinapanood ko, pero ang isip ko, kung saan-saan pa rin lumilipad. Hindi ko maalis ang bigat sa dibdib ko — ang matinding pagnanais na makawala sa lugar na ito.Pilit kong kinakalma ang sarili ko. Kahit paano, sa panonood, nakakalimot ako — kahit ilang minuto lamang — sa reyalidad ng pagkakakulong ko dito.Subalit bago pa man ako tuluyang makalubog sa eksena ng palabas, isang presensya ang sumingit sa tahimik kong mundo.Muling bumukas ang pinto, walang katok, walang paalam. Tumambad sa akin si Drugo, may dala-dalang ngiti na hindi ko matukoy kung alin ang mas nangingibabaw: ang pang-aasar o ang panganib."Hey there, little dove," aniya, malumanay ang boses habang dahan-dahang lumapit. "Mind if I join you?"Agad akong umayos ng upo, bahagyang dumistansya, pero pinilit kong maging kalmado."Wala akong kailangan sa 'yo," malamig kong sabi.Pero hindi nagpaapekto si Drugo. N
Hindi ko namalayan ang paglipas ng oras habang nakatulala sa kisame ng aking silid. Matagal bago humupa ang pag-iyak ko. Pero kahit tumigil ang luha, nanatili ang bigat sa dibdib ko — parang isang unspeakable burden na hindi ko basta kayang iwaksi.Wala akong balak bumaba. Hindi ko balak makita ang pagmumukha ni Drako kahit kailan.Pero ilang sandali lang, kumatok ang isang tauhan niya sa pinto ko. Hindi ko man makita ang mukha, rinig ko ang takot sa boses nito."Ms. Caleigh, Sir Drako is waiting for you downstairs... for dinner. Hindi raw po kasi kayo kumain kanina."Nag-init ang dugo ko.Dinner? After everything? He expects me to sit with him like everything is fine?Hindi ako kumilos.Maya-maya, muling kumatok ang lalaki, ngayon ay may kasamang mariing babala."Sir Drako said... if you don't come down, he will come up."Napasubsob ako sa palad ko. Hindi ko na kayang makipagtaguan pa. Ayokong humantong pa sa isa na namang pilitang eksena.With a heavy heart, bumangon ako at dahan-da
Pagkasarado ng pinto ng mansion, agad kong inalis ang engagement ring na ilang oras kong tiniis sa daliri ko. Parang biglang lumuwag ang dibdib ko, pero hindi iyon sapat para tanggalin ang inis at galit na sumisikip sa puso ko.Hindi pa man ako nakakahinga nang maluwag, narinig ko ang mabibigat na yabag ni Drako papalapit sa akin."You were perfect," malamig niyang sabi habang tinatanggal ang necktie niya.Napalingon ako sa kanya, ang mga kamay ko ay nakakuyom sa gilid ng katawan ko."Don't you dare call this perfect," mariin kong sabi, ang boses ko ay nanginginig sa galit. "You're a monster, Drako."Tumaas ang isang kilay niya, tila ba naaaliw lang sa galit ko."Monster?" paulit-ulit niya, bahagyang natawa. "Hindi ba dapat ako ang nagsabi niyan sa pamilya mo?"Napasinghap ako sa sakit ng paalala niya.Pero hindi ako nagpatinag. "I want to see my parents," matigas kong sambit, hindi na ako nagpaligoy-ligoy. "You promised."Pumikit siya sandali, bago humakbang palapit. His presence wa
Tahimik ang buong mansion, pero ang tibok ng puso ko ay parang kulog na umaalingawngaw sa bawat sulok. Ilang oras na ang lumipas simula nang iwan ako ni Drako sa gitna ng mararangyang dingding, ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin bumababa ang bigat na nakapatong sa dibdib ko.Sa wakas, isang kasambahay ang lumapit.Mahinahon ngunit walang emosyon ang mukha niya."Ma’am, your room is ready," magalang niyang sambit.Tumango lang ako. Hindi ko na kayang magsalita pa. Tahimik ko siyang sinundan, pataas sa grand staircase, habang ang bawat hakbang ay parang nagpapalalim ng sugat sa puso ko.Pagpasok ko sa kwarto, halos mapatigil ako sa paghinga.The room was breathtaking — crystal chandeliers, a bed fit for royalty, walls covered with intricate gold designs. Lahat ng bagay sa paligid ko ay isang paalala na nabili na ang kalayaan ko.Parang nilalason ang bawat detalye ng kwarto.Parang sinasakal ako ng kagandahan.Iniwan ako ng kasambahay, marahang isinara ang pinto.Napaupo ako sa gilid n
Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatiling nakaluhod sa malamig na sahig ng silid na iyon, habang ang puso ko'y dahan-dahang nababasag sa bawat segundo ng katahimikan.My mind was a mess, swirling between anger, desperation, and fear. Parang pinipilipit ng isang malupit na kamay ang bawat hibla ng kaluluwa ko.Hanggang sa bumalik ang pinto sa isang malamig na tunog ng pagbukas.Muling pumasok si Drako — suot pa rin ang itim na coat na parang mas lalong nagpapatingkad sa kasamaan na dala niya. Sa kamay niya, isang maputing folder, manipis pero mabigat sa tingin.Tumingala ako sa kanya, mga mata kong namamaga sa pag-iyak. Hindi ko na inalintana ang itsura ko. Wala nang saysay ang pride kung buhay ng ina ko ang nakataya.Tahimik siyang lumapit sa akin at inilapag ang folder sa maliit na table sa tabi ko. "This is your way out," malamig niyang sabi, habang tinititigan ako na para bang isa akong kriminal na kailangang pagbayaran ang lahat.Nanlambot ang katawan ko. Nanginginig ang mga
Magkahalong pagod at pagkalito ang bumangon sa katawan ko nang magising ako mula sa isang mahabang pagkakatulog. Lumingon ako sa paligid ko, at agad ko namang naalala kung saan ako naroroon — isang mental hospital na hindi ko alam kung paano at bakit dito ako kinuling ni Drako.Ang ilaw sa kwarto ay malupit sa mata ko. Para akong binangungot, at ang matalim na amoy ng disinfectant ay tumusok sa ilong ko. Ang mga pader, kulay puti at malamlam, ay nagbigay ng pakiramdam ng pagkakulong na hindi ko kayang tanggapin. Hindi ko kayang tanggapin na narito ako.Ilang sandali pa, narinig ko ang pagpasok ng isang nurse sa kwarto ko. Tinutok nito ang atensyon ko, at ang sakit ng ulo ko ay parang sumabog dahil sa liwanag at tunog sa paligid.“Miss Villamor, gising na po kayo,” malumanay na wika ng nurse, isang babae na may malumanay na ngiti. Pero ang ngiti niyang iyon ay hindi kayang magpalambot sa akin.“W-What time is it?” tanong ko, at halos pumulandit na ang mga luha ko. Hindi ko kayang magpi
Magkahalong kaba at pangungulila ang nararamdaman ko habang papasok ako sa kulungan kung saan nakakulong si Daddy. Naalala ko pa ang mga huling usapan namin ni Mommy Celeste tungkol sa kaso niya — lahat ng mga plano, mga detalye ng paglilinis ng pangalan niya. Kung paano kami nagsusumikap na maayos ang lahat at mapawalang-sala siya.Naglakad ako sa harap ng prison gates, ang mga paa ko parang puno ng bigat na hindi ko kayang itagilid. Gusto ko lang makita si Daddy, maramdaman na nariyan siya, kahit nakakulong siya — para matulungan siyang magsimula muli. Para magkausap kami ng maayos.Bago ko pa man marating ang entrance, naramdaman ko ang malamig na hangin na bigla na lang dumampi sa aking mukha. Bago ko pa man magawang lumingon, may malamig na kamay na humawak sa aking bibig, at may naramdaman akong matalim na bagay na itinutok sa tagiliran ko.“Huwag kang maingay,” bumulong ang boses. Hindi ko matukoy kung anong klaseng boses ito — parang lalaki, pero may kakaibang lamig na humahal